You are on page 1of 1

BAI ALHAMIYA KASHMIRA M.

MOKAMAD
9-FORTITUDE

‘‘KURYENTE’’

Ang ating bansa na Pilipinas ay kabilang sa mga bansang naghihirap,


ngunit ang presyo ng kuryente dito ay kahalintulad sa mayayamang
bansa. Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakaranas ng matinding
pag brownout dahil sa mahinang panunumbalik ng power supply.
Problema ang krisis sa enerhiya sa ating bansa lalo na dito sa ating
pulo sa Mindanao, karamihan sa atin ay nakakaranas ng dalawa
hanggang anim na oras ang rotating brownout. At isa sa mga dahilan
ng pagtataas ng presyo ng kuryente ay ang pagkakaroon ng
malampaya maintenance shutdown na isinasagawa kada tatlong taon
na nangangahulugan ito ay inaasahan.

Hoy teka teka naisip nyo rin ba kung papaano nga ba natin
mahaharap ang problema sa kuryente?
-Kailangan nating magtipid at gamitin ang kuryente ng wasto para
hindi ito masasayang, at dahil dyan bababa ang ating mga bayarin at
mapoprotektahan rin natin ang ating kapaligiran, at ito pa hindi tayo
makadaragdag sa lumalaking pangangailangan sa kuryente at
enerhiya.

Hoy alam nyo ba hindi tayo mabubuhay kung walang kuryente dahil
ang kuryente ay naging napakipakinabang at mahalaga sa atin kaya
mahirap mabuhay kung wala nito. Ang kuryente ay napaka halaga sa
ating pamumuhay dahil naaapektuhan nito ang pang araw-araw
nating gawain. At dahil sa kuryente mas napapadali tayo sa ating mga
gawain.

You might also like