You are on page 1of 1

AATROX

THE DARKIN BLADE

KAHIT MARAMING NAGKAKAMALI SA MGA DIYOS AT DEMONYO, MAY MGA KWENTO PA RIN ANG NAGSASABI TUNGKOL SA
KWENTO NG PATALIM NG DARKIN (DARKIN BLADE)….. NGUNIT KAKAUNTI LAMANG ANG NAKAKAALAM NG KANYANG PANGALAN, O ANG
KWENTO KUNG PAANO SIYA BUMAGSAK.

NOONG SINAUNANG PANAHON, BAGO NILAMON NG BUHANGIN NG DISYERTO ANG EMPERYO NG SHURIMA, ISANG MALAKAS NA
KAMPEON NG SHURIMA ANG NAKILALA BAGO ITAYO SAGISAG NG ARAW (SUN DISC) UPANG MAGING ISANG ABATAR PARA SA NGAYONG
NAKAKALIMUNATAN NA SILESTIYAL NA IDEYA. SIYA AY LALONG NAKILALA MULI BILANG ISA SA MGA ASCENDED, ANG KANYANG PAKPAK
AY PARANG GINTONG LIWANAG NG ARAW, AT ANG KANYANG BALUTI AY KUMISKISLAP NA PARANG KONSTELASYON SA KALANGITAN.

SIYA AY KILALA BILANG AATROX. SIYA ANG PINUNO NG LAHAT NG SAMAHAN NG EKSPERTO SA DIGMAAN AT KAALAMAN. SIYA
RIN ANG PINANINIWALAAN NG MGA MAGIGITING NA MANDIRIGMA NA MAY KAKAIBANG ABILIDAD KATULAD NG MGA DIYOS, AT SAMPUNG
LIBONG MORTAL NA SUNDALO’T MAMAMAYANG NG SHURIMA NA TAPAT NA SUMUSUNOD SA KANYA. NANG IPINATAWAG NI SETAKA
(QUEEN) SI AATROX PARA ITO’Y HUMINGI NG TULONG LABAN SA PAGREREBELDE NG MGA TAO SA ICATHIA (PROVINCE), PUMAYAG AGAD
ITO NG WALANG PAGDADALAWANG ISIP.

PERO WALANG NAKAKAALAM NA MAY MAGYAYARI PALANG HINDI KAPANI-PANIWALA SA PANGYAYARING IYON. NANG
NANGYAYARI ANG DIGMAAN AY MAY BIGLANG MAY MGA NAGPAKITANG MGA HINDI MALAMAN NA NILALANG NA KILALA SA TAWAG NA
VOID NA MABILISANG PINATAY ANG MGA HENERAL AT PINUNO NG ICATHIA, AT ANG MGA BUHAY NA HINDI MABILANG.

MAKALIPAS ANG MARAMING TAON SA PAKIKIDIGMA, SI AATROX AT ANG KANYANG SUNDALO AY NAPAGTAGUMPAYANG IHINTO
AT PIGILAN ANG PAG ABANTE NG VOID SA PAGPASOK SA LAGUSAN PAPUNTANG KAHARIAN NG SHURIMA. DAHIL SA PAGKAPANALO,
ANG MGA NAKALIGTAS NA ASCENDED AY KINILALA ANG SARILI BILANG SUNBORN (IMORTAL) DAHIL SA KANILANG MGA NARANASAN SA
DIGMAAN.

SA PANAHONG DIN IYON AY HINDI NILA NAMALAYAN NA NAPASOK NA SILA NG VOID, AT SA ORAS DING IYON AY BUMAGSAK
ANG IMPERYO NG SHURIMA.

DAHIL SA PANGYAYARING IYON AY SINISI NG MGA NATIRANG ASCENDED O SUNBORN SI AATROX DAHIL SA PAGBAGSAK NG
SHURIMA. DAHIL DOON AY NAGSIMULANG NAGLABAN ANG HUKBO NI AATROX AT NG MGA SUNBORN. MARAMING TAO AT DUGO ANG
DUMANAK SA DIGMAANG IYON, DAHIL DOON AY NAG IBA ANG UGALI NI AATROX NA KUNG SAAN AY NAGKAROON SIYA NG HINDI
PANALIWANAG NA KAPANGYARIHAN NG NAGMULA SA ISANG DEMONYO NA KANILANG TINAWAG NA DARKIN.

DAHIL SA TAKOT NG MGA MORTAL SA MAAARING MAGING DELIKADO ANG BUMAGSAK NA ASCENDED SA KANILA,
TINULUNGAN SILA NG MGA TARGONIANS, ANG ASPETO NG TAKIPSILIM (ASPECT OF TWILIGHT) NA SI ZOE AY TINURUAN ANG MGA
MORTAL KUNG PAANO NILA MAHUHULI AT MAKUKULONG ANG DARKIN, AT ANG BAGONG ASPETO NG DIGMAAN (ASPECT OF WAR) NA SI
PANTHEON AY PINAGKAISA ANG MGA MANDIRIGMA NA MAKIISA SA PANIG NILA. SI AATROX AT ANG KANYANG HUKBO AY HANDA, AT
DOON LAMANG NIYA NAPAGTANTO NA SIYA AY NALINLANG. SA LAKAS NG HILA NG ESPADA SA PAGKUHA NG KALULUWA AY LIBO-LIBONG
MANDIRIGMA ANG NASAMA AT KASAMA NA RIN DITO SI AATROX.

ANG ESPADANG IYON NA TINAWAG NA DARKIN BLADE NA KUNG SAAN AY NAKULONG SI AATROX AY INILAGAY SA ISANG LUGAR
NA SOBRANG DILIM AT HINDI NALAMAN ANG LOKASYON. MAKALIPAS ANG ILANG SIGLO SA KAKAHINTAY NG MAKAKAHANAP SA ESPADA,
ISANG MORTAL ANG NAKAKITA NITO AT INUHA ITO. SA PAGHAWAK NG MORTAL SA ESPADA AY BIGLANG LUMABAS ANG KALULUWA NI
AATROX AT BUMALOT SA MORTAL. DAHIL DOON AY NAKAKUHA SIYA ANG OPORTUNIDAD UPANG MAHANAP ANG KANYANG KATAWAN.

SA MGA SUMUNONG NA MGA TAON, MARAMING TAO ANG KANYANG NASANIBAN AT NAPATAY UPANG MAHANAP LAMANG ANG
KANYANG KATAWAN. NATUTUNAN RIN NIYA KUNG PAANO MAKONTROL ANG BUHAY NG ISANG MORTAL. SA KADA DISKOBRE NIYA AY
LUMALAKAS NG LUMALAKAS SIYA SA KADA LABAN.

NAGLAYAG SI AATROX SA BUONG RUNETERRA UPANG MAHANAP LAMANG ANG KANYANG KATAWAN …. NGUNIT SA PALAGING
NASA KAMAY NIYA ANG ESPADA AY HINDI NIYA NAHAHANAP ITO. DOON DIN NIYA NAPAGTANTO NA KAHIT KAILAN AY HINDI NA SIYA
MAKAKAWALA SA SUMPA NG ESPADA.

NGAYON, SI AATROX AY NAGLALAKBAY PARA SA KANYANG NINANAIS, MAGDEKLARA NG DIGMAAN AT KUMITIL NG BUHAY. ISA
NA RIN SIYA SA MGA KILALA BILANG KINATATAKUTAN NG BUONG RUNETERRA..

“I must destroy even hope…”


~ Aatrox

You might also like