You are on page 1of 2

Ang sistema ng edukasyon ng bansang Pilipinas ay magulo.

Nakapanlulumo na sa pagdaan ng
madaming taon ay tila walang pag – usad at pagyabong. Narito ang lima sa nais kong baguhin sa
sistema ng edukasyon sa ating bansa:

PAGBABAGO SA PANGKALAHATANG ESTRAKTURA

Bakit ko nga ba ito nasabi? Mula ng dumaitng ang mga mananakop sa bansa natin ay nagiwan
sila ng mga bagay , tradisyon at iba pa naimamana at patuloy na gagawin natin sa hinaharap.
Ang mga Amerikano na nagbigay ng pormal na eduasyon sa atin. Hindi kaba nagtataka na halos
lahat ng pag aaral o pananaliksik ng mga amerikano ay ginagawa dito at inaapply sa bansa natin
ngunit iba ang heograpiya, tradisyon at pamumuhay ng mga tao dito. Ang edukasyon na
mayroon tayo ay hinubog ng mga Amerikano. Ginawa nila base sa kanilang kagustuhan at
pangangailangan. Halos lahat ng humahawak sa itaas ng sistema ng edukasyon ay hindi mga
Pilipino bagkus hawak parin parin sila ng mga Amerikano. Ginawa tayong factory ng mga
manggagawa ng mga Amerikano. Halimbawa na lamang ng umutok at nagkaroon ng demand ng
mga nursing sa ating bansa. Kaliwa’t kanan ang mga urisng school na matatagpuan sa bansa.
Ngunit kalaunan naman ay aalis din ng bansa at saan pupunta? Sa Estados Unidos dahil
nangangailangan sila ng mga nurse. Pero kung iisipin mo sa Pilipinas ba ang nurse ay binibigyan
ng demand at pagpapahala? Ni hindi nga maayos ang sektor ng kalusugan natin dito. Ito ang
isang matibay na halimbawa na hinubog at ginawa ang estraktura ng edukasyon na mayroon tayo
dito sa bansa dahil sa kagustuhan at pangangailangan ng mga nasabing mananakop. Isang
malaking panlilinlang lang ang nasabi nilang nais nila tayong tulungan at bigyan ng pormal na
edukasyon para sa ikauunlad natin. Nasaan na ba tayo ngayun? Naasa parin naman tayo sakanila.
Baguhin natin ang estraktura ng edukasyon na aayon sa pangangailan at kagalingan bilang isang
Pilipino sa bansang sariling atin.

LIBRENG EDUKASYON

Sa isang bansang mahirap paano nga ba tayo aangat? Sa dami ng mahihirap sa bansa ang
pagkakaroon ng libreng edukasyon ay malaking bagay. Nais ko sana na mas umangat ang bilang
at kalidad ng mga libreng paaralan sa bansa ng sa gayun ay magkaroon tayo ng madaming bilang
ng estudyante na hindi lamang duon nagtatapos. Bagkus magkaroon ng pag asa ang mga bata at
lahat ng kapos palad nating mga kababayan na makapag aral at matuto. Nais ko sanang wala ng
bayaran ang mga estudyante na malaking halaga upang matuto at malinang. Sa panahon ngayun
nagbabayad ang ibang mga magulang ng mga mag aaral upang ang anak nila ay isang produktng
manggagawa na gawa ng mga Amerikano. Hindi na makatarungang magkaroon ng napakamahal
na tuition ngayun. Bakit tayo magbabayad para sa kaalaman, karunungan na dapat naman talaga
binibigay ng ating gobyerno.
MAAYOS NA PASAHOD AT PAGGALANG SA MGA GURO

Isang malaking pagpupupugay sa lahat ng ating mga guro. Nais ko sanang magkaroon ng
maayos na paggalang sa ating mga kaguruan. Hindi lamang natatapos sa paggalang sa loob ng
paaralan bagkus sa labas at sa buong sektor ng pamayanan. Isa sila sa mga naghubog at nagtyaga
para maging isang tagumpay na nilalang ang isang batang mag aaral sa hinaharap. Ngunit sa
kabila nito sila rin ay isa sa mga mayroong mababang sahod. Nababaon sa utang kakaloan upang
matustusan ang sariling pangangailangan na hindi sapat mula sa kanilang sweldo.
Imimnumungkahi kong sana itaas ng kung sino mang nasa ikinauukulan na itaas ang sahod nila.
May mga panahong sa panahonn ng kagipitan sila aprin ang sumasagot ang nagaabono ng mga
kailangan nila sa pagtuturo na dapat naman talaga tungkulin ng gobyerno. Kung ganun din
naman sana itaas nalang ang sahod nila.

PAG AARAL NG FILIPINO HANGGANG KOLEHIYO

Bakit nga ba nais ialis ang pag aaral ng sarling wika sa kolehiyo at hindi bigyang prayoridad ito.
Parang napaka yabong at unlad naman ng ating pagkaPilipino sa pamamaraang iyon. Sa
pagtanggal pa nga lang nito ay lalong nalubog na tila walang hasa na patalim ang wikang
Filipino. Mas magiging epektibo ang paggamit ng sariling wika sa paaralan sa pag aaral at
pagtuturo. Dapat mula nursery o prep pa lamang ay nagsisimula na ang paggamit at paglinang ng
kahalagahan nito ng sa gayun ay pagangat ng baiting hanggang matungo sa kolehiyo ay dala dala
at nabibigyang importansya parin ito. Ang saklap isipin na ang bansang Pilipinas na mayaman sa
madaming wika at dayalekto ay pinamumunuan ng wikang Ingles na basehan na maraming
katangian ngayun.

MAAYOS NA PASILIDAD

Masarap mag aral sa isang maaliwalas at mayroong maayos na pasilidad na paaralan. Tutal ang
ipinunta naman ng mga estudyante ay matuto hindi ang mahirapan dahil sa kalagayan ng
pasilidad ng mga paaralan sa bansa. Kung sana pantay lamang ang bilang ng mg guro sa dami n
gating mga estudyante sana ay mas natututukan at nabibigyang pansin ang bawat mag aaral sa
eskwelahan. Sa paraang ito maaring mabawasan ang mga estudyanteng nakakaranas ng bullying,
kahirapan sa pag aaral at maari pati narin ang bilang ng mga mag aaral na kinikitil ang kanialng
buhay.

You might also like