You are on page 1of 3

Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo

ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25,
1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na
sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari
ng malawak na lupain sa Tarlac.

Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-
aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's
Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya.
Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon
noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong
Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin bilang ina ng artistang si Kris
Aquino.

Si Cory Bilang Asawa ni Benigno Aquino, Jr.

Kilalang angkan ang Aquino sa politika. Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o kilala sa tawag na
Ninoy isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging pinakabata rin itong gobernador
hanggang sa maging senador.

Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang asawa at isa sa mga
nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Dahil sa ilang taong
pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang naging tagapagsalita at katuwang nito sa pakikipag-usap sa
mga aktibista at mamamahayag. Pansamantala silang nanirahan sa Boston matapos na palayain ang
kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon sa puso.
Taong 1983 ng buwan ng Agosto ng mapagpasiyahang bumalik sa Pilipinas ng kanyang asawang si
Benigno Aquino, Jr. upang tulungan ang mga taong hindi sang-ayon sa pamumuno ng dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos. Sa kasamaang-palad ay ipinapatay siya matapos makalapag sa paliparan ang
eroplanong kanyang sinasakyan.

Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas

Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga taong nagnanais
na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't
sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti
kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago
lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.

Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos


ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik
sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng
Pilipinas.

Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan
pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng
kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni
Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino.

Si Cory at ang CARP

Dalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas, ipinatupad niya ang
Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657. Ilang kontrobersiya ang
kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim
ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at
manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.
Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24 na milyong ektaryang lupa na ipamamahagi sana ay naging
4.7 milyon na lamang. Hindi na natuloy ang maayos na pamamahagi ng lupa dahil na rin sa kakulangan sa
pondo at iba pang kadahilanan. Ang ilan namang pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang ibenta
itong muli sa iba. 3 sa 5 katao na nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito dahil na rin sa wala silang
sapat na pondo upang mapanatili ang kanilang lupain na sana'y planong gawing lupang pang-agrikultura.

Pagkakasakit at Kamatayan

Marso 24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ng dating pangulong Corazon
Aquino. Humingi ng dasal at suporta para sa kanyang maysakit na ina si Kris Aquino, ang artista at TV
host na bunso niyang anak.

Nagsimula ang karamdaman ng dating pangulo sa paulit-ulit na pagtaas ng blood pressure nito,
paglalagnat at hirap sa paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang kawalang-gana nito sa pagkain, hindi
gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-pansing pagbaba ng timbang na naging sanhi ng kanyang
pagkapayat. Ito ang nagbunsod sa magkakapatid na Aquino na ipailalim sa malawakang pagsusuri ang
kalusugan ng kanilang ina at dito natuklasan ang pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon.

Nakiusap ang pamilya na irespeto ang pribadong buhay ng kanilang ina at samahan sila sa pagdarasal
upang gumaling ang karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14 na buwan ang pakikipaglaban ng
pangulo sa sakit na cancer kaalinsunod ang pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions.

Noong Hulyo 2009, iniulat na si Aquino ay nasa seryosong kalagayan, nagdurusa sa pagkawala ng gana, at
nasa Makati Medical Center. Sa kalaunan ay inihayag na nagpasya si Aquino at ang kanyang pamilya na
itigil ang chemotherapy at iba pang mga medikal na interbensyon para sa kanya.

Namatay si Aquino sa Makati Medical Center noong 3:18 ng umaga noong Agosto 1, 2009 dahil sa
cardiorespiratory arrest; Siya ay 76.

You might also like