You are on page 1of 2

_______________________SCENE NO.

1_______________________
Narrator: Sa gitna ng mayabong na gubat sa kaharian ng Alberno, matatagpuan ang isang mala-adonis
na lalaki na nakatali sa isang malaking puno. Ang lalaki na mandirigma ay si Florante ng kaharian ng
albanya. Si Florante ay sugat-sugatan.

CAMERA: Focus/(Detailed to Florante’s Skin)

Narrator: Madilim at masukal ang kapaligiran bunga ng malalagong dahon at ang hni ng ibon ay kalunos-
lunos. At ang paligid ay pinapapalibutan ng mga mababangis na hayop.

_______________________SCENE NO. 2_______________________


Narrator: Sa pagitan ng paghihirap at pagtitiis ng nakataling si Florante, Naalala nya ang napakagandang
kasintang si Laura.

CAMERA: P.O.V.(With Hands of Florante on a Frame)-DREAMING

Florante: (MAHINA/HIRAP NA HIRAP) Laura, Laura aking mahal.

_______________________SCENE NO. 3 _______________________


Narrator: Paulit ulit na nalangin si Florante sa Diyos.

Florante: Oh Diyos, tulungan nyo po ako mula sa kapahamakan at bigyan nyo po ng katarungan ang
aking sinapit.

_______________________SCENE NO. 4 _______________________


Florante: (NAGHIHINGALO)

CAMERA: P.O.V.(With Hands of Florante on a Frame)-DREAMING

__________________SCENE NO. 5(Dreaming) __________________


Florante: Mahal ko wag mo akong lisanin sa iyong isipan, Dahil ang pagibig ko ay sayo lamang.

Laura: (LABIS ANG IYAK) Mahal kong Florante kahit anong mangyari ikaw lamang aking mamahlin.

At simbulo nang aking pagmamahal itong kwintas na para sayo, at kahit saan ka man magtungo
ay mamaalala mo parin ako.

Florante at Laura: (NAGYAKAPAN)

CAMERA: -Round Motion

-Back to Imagining Moment


_______________________SCENE NO. 6 _______________________
Narrator: At sa gubat ding iyon ay dumating ang isang matikas na gerero na nanggaling pa sa Persia. Sa
lugar na iyon sya ay tinaboy ng kapalaran. Tumigil sa paglalakad ang moro at Umupo sa isang puno para
magpahinga.

Aladin: (NATULALA)

Narrator: Habang sa kalagitnaan ng akanyang pag papahinga ay may narinig siyang pananaghoy
.Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig at nakita niya ang nakatali sa puno na si Florante. At narinig ni
Aladin ang lahat ng daing ni Florante.

Florante: Dahil kay Adolfo nandito ako ngayon at inagaw nya pa sa akin ang mahal kong Laura.

Aladin: (TUMATAGO SA LIKOD NG PUNO)

_______________________SCENE NO. 7 _______________________


Narrator: Napatda si Aladin ng makitang may dalawang leon na nais sumila kay Florante.

Florante: Tulong!

Narrator: Agad na tinulungan ni aladin si Florante laban sa Leon. At pinagtataga ni Aladin ang mga Leon.

At matapos mapatay ang leon, agad niyang pinutol ang lubid sa kamay ni Florante

Nagkamay silang dalawa.

Wakas…

You might also like