You are on page 1of 3

Fili

pino
7/11
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga
totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa
ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman
o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o
mga pamamaraan o (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam
na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang
prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o
nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na
masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o
hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpataas o
nakapagdaragdag ng kaalaman hingil sa isang hindi
nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga
mamamayan. Isang sistematikong paghahanap sa mahahalagang
impormasyon hingil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga
esensyal na impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak
na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng
interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang
datos ay mahaharap siya sa isa pang esensyal na gawain
ang paghahanda ng kanyang ulat pampananaliksik.
Mga Hakbang sa Pananaliksik

You might also like