You are on page 1of 1

𝕶𝖆𝖇𝖆𝖓𝖆𝖙𝖆 1 𝕶𝖆𝖇𝖆𝖓𝖆𝖙𝖆 3

Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig,


isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna.
Nasa ibabaw ng kubyerta ang mga
makakapangyarihan na tao tulad nina Don
Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre
Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at
Simoun. Napapasama si Simoun sa mga
mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang
maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong
Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan
Heneral.

Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at


mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang
pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don
Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni
Simoun na kailagang gumawa nang tuwid na kanal
na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at sa
Maynila. Sandaling nagkainitan sina Don Custodio
at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang
suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni
Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa
kanilang lugar dahil darami raw ang balut na
pinandidirihan niya.

𝕶𝖆𝖇𝖆𝖓𝖆𝖙𝖆 2
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip
at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon
din ang mga bagahe at kargamenrto. Naroon si
Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si
Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap
nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang
balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng
wikang Kastila na hindi naging matagumpay.

Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani


na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina
de Espadaña. Maya-maya pa ay lumapit si Simoun
kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si
Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi
siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani
dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas.

Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa


inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa.
Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay
Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga
tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at
di alak.

You might also like