You are on page 1of 43

The Title of Your Book

Manwal ng MANA sa
Makabagong Pamamaraan sa
Pagpili at Pagkundisyon

1
www.obooko.com

RB Sugbo GT: Isang Sulyap


Sa magandang mukha ng sabong
Isang makapagpatunay sa kabutihan na maaring
maidulot ng sabong ay si kamanang Rey Bajenting, isang
masang nagmamanok. Isang masang nagmamanok na
nakakita sa magandang mukha ng sabong.

Ang may akda, Kamana Rey Bajenting

Ipinanganak, October 15, 1954, si kamanang Rey ay


nagsimulang nagmanok noong 1965, sa murang edad na sampung
taon. Ang kanyang ama, Clod Bajenting, isang tanyag na
peryodista sa Cebu at ng Manila Chronicle at inang si Manuela
Kintanar ay parehong Cebuano.
Sa loob ng mahigit apat na dekada sa sabong, si
kamanang Rey ay nagsimula bilang handler at conditioner, Sa
dekada 70 at 80 siya’y kabilang sa mga pinakatanyag na handler-

2
The Title of Your Book

conditioner sa Cebu. Ang kinita niya dito ang kanyang


pinagsimula ng pamilya.
Sa kabutihang palad at dahil na rin sa kanyang tagumpay
sa pagmamanok lahat ng kanyang limang anak ay nakapagtapos
sa kolehiyo. Si Duke (pinangalan kay Duke Hulsey, ang sikat na
Amerikanong breeder), ang panganay, nakapagtapos na summa
cum laude sa kursong Business Administration with Accountancy
sa University of the Philippines, Diliman; naging editor-in-chief
ng Philippine Collegian, at nag no. 1 sa CPA board examination
noong taon 2003. Si Duke rin ang kaunaunahang Pilipino na
nakasungkit ng 1st place sa buong mundo sa taunang pasulit ng
Certified Internal Auditors (CIA) na ginanap sa Chicago, USA.
Siya ngayon ay nagtratrabaho sa isang malaking multi-national
consultancy firm.
Si Ace (pinangalan sa ace cock o manok na alas), ang
pangalawa, ay nakapagtapos sa kursong Computer Engineering
sa University of San Carlos bilang scholar ng DOTC. Siya
ngayon ay konektado sa isang malaking Japanese IT company.
Ang tatlong anak na babae, Si Contessa ay graduate sa
education sa Normal State University; si Reyna sa Economics sa
UP, Diliman; at si Queenie sa Journalism sa University of San
Jose Recoletos. Lahat sila ay may kanyakanyang magandang
hanapbuhay.
Ang maybahay ni Kamanang Rey, si Elizabeth Maglinte
ng Lawaan, Eastern Samar ay may masters degree in Public
Administration at kasalukuyang empleyado ng kapitolyo ng
Cebu.
Mula 1985 hanggang 1999 pansamantalang iniwan ni
kamanang Rey ang aktibong pagsasabong. Sa loob ng panahong
iyon, kahit hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon, siya’y
naging mamahayag at editor ng ilang peryodiko sa Cebu; public
information officer ng Mandaue City; legislative staff chief sa
Congress; consultant to the Governor of Cebu; at executive
assistant sa Malakanyang.

3
www.obooko.com

Taong 2000 nang siyay bumalik full-time sa pagmamanok


bilang isang breeder at manunulat sa Pit Games at Llamado
magazine, at ngayon, pati na rin sa pahayagang Tumbok, na
pinagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.
Ang pagsulat niya sa Pit Games at Llammado ang
tinuturing niyang hagdan upang magawa niya ang gusto niyang
gawin alangalang sa sabong. Dito malaki ang kanyang
pagsasalalamat kay Manny Berbano.
Taon 2002, binuo niya ang RB Sugbo Gamefowl
Technology, na ang pangunahing layunin ay ang tumulong sa
mga ordinaryong sabungero. Ito’y bilang ganti sa mga biyayang
naibigay ng sabong sa kanya.
Kabilang sa mga serbisyo nito ay ang pagkukundisyon ng
manok. technology transfer sa mga client farms, at marketing
assistance. Nagpapalahi rin at ipinagbibili ng RB Sugbo ang mga
palahi sa mga common sabungero sa abot-kayang halaga. May
dalawang linyadang nabuo ang RB Sugbo, ang ponkan at ang
blakliz na pinangalan niya hango sa pangalan ng asawang si Liz.
Ang production farm ng RB Sugbo ay nasa Lawaan, Eastern
Samar. Ito’y pinamamahalaan ng mga bayaw niya na sina Jose,
Gerardo Jr, Ruben at Patrocinio Maglinte.
Bukod sa mga ito, ang RB Sugbo ay patuloy na nag
sisiyasat, nagsusubok, at nagtutuklas ng mga epektibong
pamamaraan sa pagmamanok, upang ipamahagi naman sa mga
masang sabungero pamamagitan ng pagsusulat at pagpaseminar.
Dalawang beses dinala ng RB Sugbo ang TJT Cocking
Academy sa Cebu. Una noong May 2006. Inulit noong May
2007.
Ang RB Sugbo aktibo rin sa pag-promote ng sabong.
Noong taong 2005, ginanap ng RB Sugbo sa Cebu ang
kaunaunahang short knife derby dito sa bansa. One-inch lang ang
haba ng tari. May mga sumaling taga ibang bansa. May 2
Amerikano, may Puerto Rican, at may entry na nanggaling sa
Malaysia.

4
The Title of Your Book

Sa 2006, nakipagugnayan ang RB Sugbo sa Cyberfriends,


samahan ng mga sabungero na nakabase sa ibat-ibang bansa, na
pinamumunuan ng kaibigang si Raul Ebeo, sa pagtanghal ng
Cyber Cup global derby. Halos isang daan entries galing sa Cebu,
Mindanao, Luzon at maging sa labas ng bansa ang sumali.
Sa paligsahang iyon, sa 20 ka manok na kinundisyon at
linaban ng RB Sugbo, 15 ang nanalo, 2 ang tabla at 3 lang ang
talo. Isang entry ng RB Sugbo, ang kabilang sa mga nagkampeon
(manok ni Lito Garcia ng Manila na kinundisyon ng RB Sugbo).
Masasabi na rin na sa maikling panahon mula nang ito ay
matatag, may kasaysayan na ang RB Sugbo hindi lang sa
paglalaban, pati na rin sa pagtaguyod sa sabong at kapakanan ng
mga sabungero.
Si kamanang Rey ay dati na ring namahagi ng kaalaman
at nagpabatid ng mga balita sa pagmamanok pamamagitan ng
kanyang pitak at mga artikulo sa Pit Games at Llammado
magazine. At ngayon pati na sa pahayagang Tumbok. Dahil
arawaraw ang pitak niya sa Tumbok, at ang Tumbok ay
tinatangkilik ng daandaang libo, siya ngayon ay binabasa na ng
napakaraming masang sabungero. Ito’y katuparan ng kanyang
layunin na makatulong, at, tinatanaw nyang malaking utang na
loob sa Tumbok.
Ngayon ay maglalabas ang RB Sugbo ng serye ng mga
manwal sa ibat-ibang aspeto sa pagmamanok, mga modernong
pamamaraan na makatulong sa inyong pagaaral ng larong sabong.
Ito ang una, ang “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan
ng Pagpili at Pagkundisyon.”
Kasama ni kamanang Rey sa pagsulat ng mga babasahin
na ilalabas, si Steve del Mar, ang research, information and
technology director ng RB Sugbo.
Dating editor ng Kaunlaran magazine ng San Miguel
Corp, si kamanang Steve ay co-author ni kamanang Rey sa
darating na libro na pinamagatan The Edge: Secrets Learned from
the Masters, na ilalathala ng Llamado Publications.

5
www.obooko.com

Si kanamang Arturo Mosqueda ang operations manager


ng RB Sugbo. At si kamanang Teddy Bajenting ang namamahala
sa gamefowl dispersal program.
Samantalang si kamanang Marlon Mabingnay naman ang
namamahala sa partner farm ng RB Sugbo, ang JT Northern Star
ng Tuguegarao, na may katulad ding layunin ang makatulong sa
kapwa sabungero.
“Salamat sa Diyos sa mga magagandang bagay na
naibigay ng sabong sa akin, hindi pinansyal na yaman, kung di sa
mas mahalagang uri ng yaman,” Wika ni kamanang Rey. Kaya
gusto niyang makabayad pamamagitan ng pakikipaglaban para sa
sabong at makatulong sa pangangalaga ng kapakanan ng masang
sabungero.

Kamana Arturo Mosqueda, operations manager


and chief breeder ng RB Sugbo GT

6
The Title of Your Book

Nilalaman
Inside cover: RB Sugbo GT: Isang Sulyap
sa Magandang Mukha ng Sabong

P.5 Nilalaman
P7-Pambungad: Una ang Huli, Huli ang Una
P9-Paglinaw: Inihaw Lang

P11.Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya


Dami at Pagkaaisa
Sandaang Libong Kamana
Mga Benepisyo ng mga Kamana

Pangalawang Bahagi: Pagpili at Pagkundisyon


Kabanata 1. Pagpipili Susi sa Tagumpay,
Ano ang Susi sa Pagpili?
Kabanata 2. Abot-Kayang Nutrisyon
ng Kampeon
Kabanata 3. Pagsasanay na Tugma
sa Pilipino Knife
Kabanata 4. Mga Pasilidad
Kabanata 5. Pagpatuktok: Stress Management
Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan
ng RB Sugbo sa Pagkundisyon
Kabanata 7. Conditioning Pyramid
Kabanata 8. Paghanda sa ulutan

Madaliang Pagsangguni

Pangwakas: Dapat sa Ating Pagsasabong

Pambungad: Una ang Huli,

7
www.obooko.com

Huli ang Una


Ang Manwal na ito ay nagtatalakay sa mga makabagong
pamamaraan sa pagpili at pagkundisyon ng manok pansabong.
Dahil ang RB Sugbo gamefowl technology ay naniniwala na ang
pagsasabong ay dapat matutunan paatras. Hindi dapat magsimula
sa umpisa, ang pagpapahalahi. Dapat ang huling yugto sa buhay
ng manok ang una nating pagaralan, ang paglalaban.
Pamamagitan lamang sa paglalaban tayo magiging
dalubhasa sa pagkilala sa manok na magaling. Pamamagitan ng
ating panay na pagpunta sa sabungan, pagalaga at paglaban ng
sariling mga tinale, tayo’y masasanay at maging bihasa sa
pagtingin at pagkilala sa magaling na manok. At ito ang
magbibgay ideya sa atin kung anong uri ng manok ang ipalalabas
sakaling pasukin na natin ang pagpapalahi.
Kung magpapalahi tayo habang mangmang pa tayo kung
anong uri ng manok ang nagpapanalo sa sabungan, wala tayong
ideya kung anong uri ng manok ang ating ipalabas sa ating
pagpapalahi.
Unahin ang paglalaban. Pag dalubhasa na tayo dito, saka
natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Nararapat lang na ang manwal sa pagpili at paglalaban
ang unang handog ng RB Sugbo sa masang sabungero dahil
karamihan sa kanila ay sila mismo ang nagaalaga at naghahanda
ng kanilang mga manok. At saka, mas marami sa atin ang
naglalaban lang, kaysa nagpapalahi.
Dito sa “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan
ng Pagpili at Pagkundisyon” ay matutuklasan ninyo:
 Kung paano nabuo ang MANA pamamagitan ng Tumbok
 Ang layunin ng MANA na ipaglaban ang sabong at
pangalagaan ang kapakanan ng mga ordinaryong
sabungero
 Ano ang susi patungong matagumpay na pagmamanok

8
The Title of Your Book

 Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo, at


ang negative selection
 Ang abot-kayang nutrisyon ng mga kampeon
 Ano ang tugmang mga ehersisyo para sa Pilipino knife
 Ang conditioning pyramid: hagdanan patungong tuktok
 Paano maging kasiyasiya ang sabong.
 Ang “Quick energy: Creatine, glucose at ribose”
 Ang bagong tuklas:”Hindi na kailangan ang carbo
loading.”
 At, marami pang ibang bago ngunit subok na pamamaraan
na maaring ngayon lang ninyo mabasa o marinig.

9
www.obooko.com

Paglinaw: Inihaw lang


Upang mapanatiling buo ang integridad ng nilalaman ng
Manwal na ito, ang RB Sugbo ay hindi humingi ng kahit ano
mang tulong na kaugnay sa paglalabas nito, galing sa mga
kumpaniya na gumagawa ng mga produktong pangmanok. Oo,
kahit doon sa kanila na may produktong kabilang sa mga
nabanggit natin at inirekomenda.
Ang ating pagtukoy dito sa naturang mga produkto ay
dahil totoong nasubukan natin ang mga ito at nagustuhan, hindi
dahil sponsor o advertiser natin ang gumawa.
Hindi rin na dahil tinukoy natin ang mga ito, ibig sabihin,
ito na nga ang mga pinakamainam. Maaring ang ilan sa mga ito
ay dahil lang na sa pagbigay payo natin sa ating mga kamana
palaging may isang konsiderasyon tayong pinahalagahan- ang
magtipid.
Pagtitipid din ang dahilan kung bakit ang Manwal na ito
ay payak at hindi mapagkunwari. Walang makukulay na mga
pahina. Walang magagarang mga litrato.Dahil gusto nating
makapagtipid nang kayo’y makapagtipid din.
At, isa pang dahilan bakit hindi nating makaya na maging
magara ang Manwal na ito, ay dahil nga, hindi tayo kumuha ng
advertisement at sponsorship na sanay makatulong sa gastusin at
makadagdag sa dami ng pahina.
Datapwat kaunti ang mga pahina, puno naman ng
kaalamang praktikal, kaalaman na magagamit at makakatulong.
Ang nilalaman ng bawat kabanata ay bunga ng masugid na
pagsiyasat, at pananaliksik, matinding pagsubok at mahabang
karanasan ng RB Sugbo Gamefowl Technology.
Kung sa pagkain pa, ang Manwal na itoy’y inihaw na
baboy. Walang maraming rekados, ngunit nandiyan ang laman at
sarap.
Sinadya natin na maging payak, simple at manipis ang
Manwal na ito upang makapagtipid tayo at makapamahagi ng

10
The Title of Your Book

kaalaman sa halagang abot-kaya ng masang nagmamanok, na


siyang tunay na gulugod ng industriya, at kaninong kapakanan ay
dapat pangalagaan.
Ano man ang pagkukulang ng Manwal na ito ay
mapupunan ng pagmamahal ng RB Sugbo sa masang sabungero.
Para sa ano mang katanungan, paglilinaw o simpleng mensahe
ukol sa nilalaman ng Manwal na ito, huwag mag atubiling mag
text o tumawag sa numerong esklusibo lang sa inyo (0927-995-
4876).
Ito ay hindi pangkaraniwang manwal, kung hindi isang
handog ng RB Sugbo sa masang nagmamanok at sagisag ng
aming pakikiisa sa adhikain ng MANA.

11
www.obooko.com

Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya

12
The Title of Your Book

MANA: Dami at Pagkakaisa


Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong
mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay
isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit
na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong.
Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol
sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan.
Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang
manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang
sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang
manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang
naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby,
ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking
sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa
kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang
masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng
kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng
sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok),
isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero.
Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit
na sabungero, partikular na, ang mga
naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa
darating na panahon, ang mga handlers,
mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm
hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad
ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng
ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At,
sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon

13
www.obooko.com

ng angkop na materyales sa pagpapalahi at


paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na
itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari
kamakailan lang sa Estados Unidos, at
ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay,
industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na
mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba
pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng
sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga


layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni
kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa
pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga
masang sabungero. Ang pitak na ito ay arawaraw na lumalabas sa
pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer
group of publications.
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa
pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di
nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa
ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga
kumpaniya tulad ng Sagupaan, Secret Weapon, Excellence
Poultry & Livestock Specialist, at Thunderbird.

14
The Title of Your Book

Ikalawang Bahagi: Papili at Pagkundisyon

Midnight grey, isa sa mga sariling linyadang binuo ng RB Sugbo


GT.

15
www.obooko.com

Pagpili: Susi sa Tagumpay


Ano ang Susi sa Pagpili?
Ang susi sa matagumpay na pagsasabong ay ang wastong
pagpili. Kaya sa manwal na ito ay binbigyan natin ng
kahalagahan ang aspeto ng pagpili. Ang magaling na
nagmamanok ay magaling sa pagpili. Ano mang pamamaraan sa
pagkundisyon, pagsanay at pagpakain ay walang magagawa
upang mapagaling ang manok na kulang sa likas na kagalingan.
Ang magaling na nagmamanok ay bihasa sa pagpili ng
magaling na manok. At, alam niya kung paano pananatiliing
magaling ang magaling na manok pamamagitan ng wastong
pagalaga at pagkundisyon.
Ngunit iba-iba ang pamantayan ng mga sabungero sa
pagpili. At ang pamamaraan at batayan sa pagpili ay nag iiba rin
kasabay sa paglipas ng panahon at pagpalit ng konsepto at pag-
iba ng dimensiyon ng sabong na bunsod ng paglabasan ng mga
bagong lahi ng manok at sistema sa pagmamanok.
Dahil nga ang pagpili ay ang susi sa tagumpay sa
pagsasabong, sa sumusunod na mga talataan ng kabanatang ito,
ay subukan nating tuklasin ang susi sa pagpili
Unahin mga konkretong katangian
Kung noong araw ang mas binibigyan ng kahalagahan sa
pagpili ng manok panlaban ay ang kagalingan sa bitaw, ngayon,
kung kailan napakahigpit na ng kumpetisyon, ang payo natin ay
ang unahin ang mga konkretong katangian tulad ng uri o kalidad,
hugis ng katawan at balanse, tamang tangkad, at kisig.
Magkaganoon paman, dapat mahigpit din ang ating
pamantayan sa pagpili ng manok pansabong batay sa kagalingan
sa bitaw. May mga epektibong pamantayan na makakatulong sa
pagpili batay sa kagalingan sa bitaw.

16
The Title of Your Book

Cutting ability
Killing is the name of the game. Kaya ang
pinakamahalagang katangian ng manok sa pakikipaglaban ay ang
kakayahan nitong pumatay.
Kagalingan sa pagpaa. Cutting ability sa Inglis.
Ang kagalingan sa pagpaa ay matitiyak lang sa panahon
ng tunay na laban sa sabungan. Kahit ang mga dalubhasa ay hindi
makapagsalita ng tapos kung sa bitaw lang ibatay ang
pagpahalaga sa kagalingan sa kating.
Tapang, tibay at lakas
Tapang, tibay at lakas. Ang mga itoy kinakailangan ng
manok upang manatili sa laban hanggang sa kahulihulihang
sandali. Tapang ay kailangan upang magpatuloy ang manok sa
pakipaglaban kahit malubha nang sugatan. Tibay ay upang
makatayo, makalapit pa sa kalaban at makapalo kahit malubha na
ang tama. At, lakas para maari pang makapalo ng may sapat na
lakas na makapatay sa kalaban.
Kailangan magkasama ang tatlong kakayahang ito.
Aanhin ang tibay at lakas kung aayaw na ang manok. Aanhin
naman ang tapang at lakas kung walang tibay at lugmok o
lupaypay kaagad ang manok sa unang tama pa lang. Bale wala
naman ang tapang at tibay kung walang sapat na lakas ang palo
ng manok upang makapatay o makasugat man lang ng malubha
sa kalaban.
Kailangan magkasama ang tatlong ito, upang ang manok
ay may kakayahang manatili sa laban hanggang sa
kahulihulihang sandali, at maaring pang makabalik kahit malubha
na ang tama.

Utak, liksi at bilis


Kung ang manok ay matalino, malalaman nito ang dapat
gawing sa bawat sitwasyon. Alam nito kung bagay bang pumalo,
o mag-abang muna. Dapat bang umangat o umilag. O kaya’y
umatras o umabante.

17
www.obooko.com

Ang liksi ang magbibigay paraan upang magawa ng


manok ang nararapat at ninanais nitong gawin. Iutos man ng utak
na dapat umangat o pumalo, hindi ito magagawa ng manok kung
itoy walang sapat na liksi. Halimbawa dahil matalino ang manok
ay alam nito na sa partikular na sitwasyon kailangan niyang
umangat. Ngunit kung kulang ito sa liksi upang gawin ang pag
angat, hindi ito makakaangat.
Bilis ang kinakailangan upang magawa ng manok ang
dapat gawin bago ito maunahan ng kalaban. Gustuhin man ng
utak ang umangat, may sapat naman sanang liksi ang manok na
gawin ito, ngunit kung kulang sa bilis maaring patamaan na ito
ng kalaban bago makaangat.

Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo


Ang wastong pagpili ng manok pang sabong ay ang
pinakasusi sa tagumpay. Kaya sa ating pitak na Llamado Tayo,
na lumalabas arawaraw sa pahayagang Tumbok, marami sa mga
katanungang natatanggap natin ay hinggil sa pagpili.
Oo, mga katanungang tulad ng alin ang pinakamahusayng
laro ng manok? Ang abang at angat? Ang agresibo at mabilis? O,
ang mailag at nagaantay lang sa ibaba?
Ang mga ito’y istilo sa pakipaglaban, at tayo’y may
kanya-kanyang hilig na istilo. Malamang tayo’y
naimpluensyahan ng ating mga malimit na kasama at kabarkada
sa sabong. Maari ring sa ating panay na pagpunta sa sabungan at
pag panuod ng laban ay nakabuo tayo ng sariling pamantayan sa
pagpili.
Halimbawa, marami sa mga baguhan ay mahilig sa manok
na agresibo, yong palo ng palo. Samantalang ang mga matagal-
tagal na sa pagmamanok ang gusto naman ay ang abang at angat.
Kung istilo ang paguusapan, mahirap masabi alin talaga
ang pinakamaige. At saka mahirap kung istilo ang ating gawing
batayan sa pagpili dahil, halimbawa, may abang na magaling,
may abang din na mahina. Ganoon din sa mga agresibo, at iba

18
The Title of Your Book

pang mga istilo. Kaya tayo sa RB Sugbo mas binibigyan natin ng


kahalagahan ang mga katangian kaysa istilo. Halimbawa bangitin
natin dito na ang manok na sugod ng sugod ay malimit matalo sa
manok na nag-aabang. Totoo. Pero hindi ang pagiging agresibo
ang nagpatalo sa manok na sulong ng sulong kung di ang
pagiging bobo nito. Sumusulong kahit hindi dapat. May manok
na agresibo ngunit matalino. Sulong ng sulong nga pero panay
naman ang patama sa kalaban.
Cutting ability; tapang, tibay at lakas; at utak, liksi at bilis.
Ang mga ito ang mga kanaisnais na katangian na gusto nating
taglay ng manok sa kanyang pakikipaglaban.
Hindi ang istilo sa pakikipaglaban, kung di ang mga
katangian ang mas maigeng gamiting batayan sa pagpili ng
manok base sa kagalingan sa bitaw. May mga nagmamanok ng
binabatay ang kanilang pagpili sa istilo na nakakahiligan nila.
May mga sabungero na ang gusto ay manok na angat sarado. Ang
iba naman ay yong agresibo at palo ng palo ang hilig. Delikado
ito. Dahil kalimitan nabubulagan sila sa mga kahinaan na taglay
ng manok kung ang istilo nito’y angkop sa kanilang gusto. Mas
mahalaga na taglay ng manok ang mga kanaisnais na mga
katangian, na nabanggit natin, maging ano pa man ang istilo nito
sa pakipaglaban. Ang istilo, tulad ng angat, ay maapektuhan ng
istilo ng kabilang manok, halimbawa, kung ang kalaban ay hindi
rin papasok. Samantalang ang mautak na manok ay mananatiling
mautak kabila ng pagiging mautak din ng kalaban. Ganoon din
ang manok na matapang, malakas, mabilis at maliksi. Mananatili
itong taglay ang katangian ano paman ang istilo ng kalaban o ano
pa man ang kakayahan nito.
Hindi ang pagiging angat o pagiging shuffler ang dahilan
bakit manalo ang isang manok, kung hindi ang cutting ability,
tapang, tibay at lakas, at utak, liksi at bilis. Sa pagpili ng manok
panlaban, katangian at hindi istilo ang mas bigyan halaga.

Negative selection

19
www.obooko.com

Kabilang din sa mga makabagong pamamaraan sa pagpili


ang pagbantay sa mga negative traits. Hindi dahil ang manok ay
may cutting ability, may tapang, tibay at lakas, may utak, liksi at
bilis, itoy isa nang alas. Ang isang malaking pagkakamali ng
marami ay ang kamangmangan pagdating sa mga negative traits.
Maraming sabungero ang sanay na tumingin ng mga kanaisnais
na katangian ng manok sa pakipaglaban, ngunit wala silang ideya
na naipag-sawalang bahala pala nila ang nga negatibong
kaugalian.
Makikita ang kamaliang ito kahit sa mga malalaking
derby tulad ng world slasher Cup at ibang international derby.
Marami ito sa mga labanan ng stag tulad ng Bakbakan at Heritage
Cup. Hindi kasi ito madaling mapansin, lalo na kung ang manok
ay nagtataglay ng mga kanaisnais na katangian. Ang bilis,
halimbawa, ay makakapagtago sa ilan sa mga kapintasan, dahil
mabubulagan tayo sa bilis at hindi na natin mapansin ang
negative traits ng manok.
Anu-ano ang mga negatibong katangian?

. (Kung nais nyo ng buong kaalaman, mag oder ng


kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery to your
address. To order text 0927-995-4876)

20
The Title of Your Book

Abot Kayang Nutrisyon ng Kampeon


Ang katawan ay nangangailangan ng sustansya upang
gumana. Ito ay ang carbohydrate, protein, fats, at vitamins and
minerals. At saka, tubig. Ibigay sa manok ang lahat ng mga ito sa
tamang proporsyon.
Ngayon mabibili na sa merkado ang mga pakain na taglay
ang mga nutrisyong ito, at sa tamang proporsyon para sa manok
panabong. Hindi katulad noong araw na tayo pa ang gumagawa
ng sariling halo na sa palagay natin ay angkop. Noong araw
napakaraming pang food suplement ang pinaghalohalo natin tulad
ng dog food, carrots, kamatis, iba’t-ibang grains, mga juice at pati
na milk, na hindi pala dapat ipakain sa manok. Ngayon
impraktikal na ang ganito. Maliban sa nakakapagod, hindi pa
tiyak kung tama ba ang proporsyon ng sustansya. Makabibili na
tayo sa merkado kumpletong pakain sa tamang proporsyon pang
manok. Ang hangganan lang ay ang ating kakayahang pinansyal.
Tuwi-tuwina’y kailangan pa rin natin magsuplemento, pero hindi
na marami at iba’t-iba.
Sa mga pakain na mabibili sa merkado ay may mamahalin
yong pangkundisyon. May medyo mura naman, yong pang pre-
con at maintenance. Kung magtitipid tayo pwede nang
pangkundisyon kahit yong mga pang maintenance na sinasabi.
Kung hindi naman tayo sa big time maglalaban, at hindi naman
kalakihan ang ipupusta natin, bakit pa tayo gagastos ng malaki?
May mga conditioning pellets, tulad ng Sagupaan
Winning Line, Thunderbird Platinum, at iba pa. Matataas ang
crude protein (CP) content ng mga ito, nasa 22%. Ngunit may
kamahalan din. May mga ordinaryong pellets naman tulad ng
PDP (Pullet developer pellets) pigeon pellets, at mga
maintenance pellets. Nasa 16-18% lang ang CP ng mga ito. Kung

21
www.obooko.com

ang mga ito ang gagamitin natin at ang nais natin ay taasan ang
protina sa ating pakain pwede tayong magsuplemento ng atay ng
baka o kaya’y itlog. Pwede rin na haluhan natin ng BSC (Broiler
starter crumbles) dahil 22% ang protina nito. O kaya’y haluan ng
kaunting protein expander pellets. Mas makatipid pa rin tayo
kaysa puro hi-protein pellets ang gamit natin.
Talagang angat sa kalidad ang mga mamahalin na pakain
ngunit hindi ibig sabihin na hindi uubra ang mga pangkaraniwang
pakain.
Suplemento
Kung tayo’y magsusuplemento, iwasan nalang siguro
nating ang mga hormone, steroid, stimulant at iba pang uri ng
mga druga.Mahirap maperpekto ang paggamit sa mga ito. Iba-
ibang indibidwal ay may iba’t-ibang pagtanggap at reaksyon sa
druga. Maaring ang dami o dosis na maganda ang epekto sa isang
manok ay makakasama naman sa ibang manok. Kahit ngayon, sa
panahon ng makabagong pamamaraan, hindi pa sapat ang
pagpananaliksik upang maging tiyak ang magandang epekto ng
druga sa manok pansabong.
Multi vitamins, minerals at mga natural na nutrisyon lang
ang idagdag natin. Halimbawa ang atay ng baka at itlog ng
manok ay mga maiigeng protein supplement. Para sa bitamina at
mineral may mga MVE’s tulad ng Electrogen D Plus at
Selectrogen. Hindi mahal ang mga ito at napakamadaling ibigay
dahil ihalo lang sa tubig.
Walang sekretong at mapaghimalang gamot na mag-isang
magiging sanhi ng pagpanalo. Bitamina man ito o mineral, o B
complex, B15 o ano man. May kanya-kanyang gamit at kailangan
magtulungan ang mga ito upang umubra ng husto ang katawan.
Lalo nang walang magic na druga, maging hormone,
steroid, stimulant man o ano pa, na makakatiyak ng panalo.
Blood conditioning
Ang dugo ang nagdadala ng sustansya, enerhiya at oxygen
sa kalamnan at iba’t-ibang parte ng katawan kaya

22
The Title of Your Book

napakamahalaga na ito’y nasa tamang kundisyon. Ang mga


bitamina B complex, partikular ang B12, at mineral na iron ay
maiigeng blood conditioner. Pinaparami ng mga ito ang
hemoglobin sa dugo. Ang hemoglobin ang nagdadala ng oxygen
sa iba’t-ibang parte ng katawan, pati na ang utak. Ang
kakulangan ng oxygen sa utak ay isa sa mga sanhi kung bakit ang
manok ay mag pass out.
Ang B15 o pangamic acid ay makakatulong bilang
vasodilator. Pinaluluwang nito ang mga blood vessels at tissues at
maging mas marami at malakas ang daloy ng dugo.At dahil
maluwang ang blood vessels mas marami ding body heat ang
maipalabas ng manok at makakatulong sa thermal regulation o
ang pagkontrola sa init sa katawan.
Energy boosting
Sa pag-ehersisyo, sa aktwal na laban, at sa ano mang
gawain na gumagamit ng enerhiya, ang katawan ay umaasa sa
tatlong magkaibang proseso. Ang mga ito’y ang ATP-CP
pathway, ang glycolysis, at ang electron transport chain.
Ang pagaaral ng RB Sugbo sa mga ito ay kabilang sa mga
sanhi ng pagdagdag natin ng ilang makabagong dimensiyon sa
pagkundisyon. Subalit masyado nang teknikal kung tatalakayin
natin ang mga ito ng husto. Mahalaga lang na malaman natin na
sa tatlo ang ATP-CP pathway ang mas kinakailangan ng manok
sa uri ng laban natin dito sa Pilipinas na ang ginagamit na sandata
ay ang slasher o long knife.
Sabihin na lang natin na ang ATP (Adenosine
Triphosphate) ang panggatong sa apoy ng enerhiya sa katawan.
Sa unang mga saglit ng labanan ang ginagamit ng katawan ay ang
ATP na laman na ng muscles sa panahong iyon. Kapag nagamit
na ang ATP, ito’y magiging ADP (Adenosine Diphosphate)
Dalawang phosphate molecules na lang sa halip na tatlo sa ATP.
Sa kabutihang palad, maaring maagapan ito ng creatine
phosphate (CP) pamamagitan ng pagbigay ng phospate molecule
nito sa ADP. Ngayon, ang ADP ay balik sa pagiging ATP at

23
www.obooko.com

maari na namang gamiting panggatong upang makagawa ng


enerhiya ang kalamnan.
Ang kinakailangan naman upang maging mas mabilis ang
prosesong ito ay ang ribose. Kung mapabilis ang proseso sa pag
recycle ng ATP hindi agad maubusan ng ATP ang kalamnan.
Kapag naubusan ng ATP sa muscles, ang katawan ay
aasa na sa dalawang iba pang proseso ang glycolysis at electron
transport chain. Medyo mabagal ang mga prosesong ito kaya
lalabas na pagod ang manok habang naghihintay sa panggatong
sa paggawa ng enerhiya.
Kaya mas maige na paigtingin natin ang ATP-CP energy
pathway pamamagitan ng pagbigay ng creatine at ribose. May
mga nagkukundisyon na ang ginagamit ay ang creatine na pang
tao. Sa katunayan mabibili na ang mga creatine na pang tao sa
mga agrivet outlets. Muli, babanggitin natin na delikado gumamit
ng pang tao at baka, tulad ng paggamit ng druga, hindi natin
makuha ang dosis na tama pang manok.
Tayo sa RB Sugbo, ang binibigay natin ay ang
produktong pang manok na Voltplex KQ. May taglay itong
creatine, coQ10, at L carnethine na nagpapalakas pa sa muscles
ng puso. Para sa ribose naman, ang ginagamit natin ay ang
Reload Plus. Produktong pang manok din ito. B50/2 Forte,
Respigen 15, Voltplex KQ at Reload Plus ang ating mga
suplemento kung malapit na ang laban, at sa araw mismo ng
laban.

Halimbawa ng pakain
Ngayon na may ideya na tayo sa mga sustansya na
kailangan ng manok, maari na trayong makapagpasya kung
anong pakain ang ibibigay sa ating mga panabong.
Tiyak, para sa ating mga masang sabungero, ang dapat ay
yong di gaanong mahal, at madaling ihanda dahil tayo lang ang
nagaalaga sa ating mga manok, kasi hindi natin kayang
magsuweldo pa ng tagapagalaga. Kailangan simple at madali lang

24
The Title of Your Book

ihanda para hindi magiging sagabal sa iba pa nating gawain tulad


ng paghanapbuhay. Mahalaga na may sapat itong sustansya
upang hindi na kailangan bumili pa tayo ng maraming
suplemento, na dagdag gastusin na naman.
Ang sumusunod ay isang halimbawa ng naturang pakain:
Apat na parte ng Thunderbird GMP na grower
maintenance pellets o kaya’y special pigeon pellets; tatlong parte
Power Bullet Asintado; at tatlong parte Thunderbird Platinum ok
kaya’y Derby Ace Power Conditioner pellets. Ito ang gawing
pellet mix. Makatitipid tayo sa mix na ito dahil isa lang sa tatlo
ang conditioner pellets. Ang GMP at Asintado ay mga
maintenance pellets lang.
Para sa ating grain mix ang gamitin ay ang Thunderbird
multi grain concentrate o ano mang magandang concentrate na
available sa inyong lugar. Concentrate lang at hindi grain
conditioner ang gamitin, mahal ang mga ito.
Ang halo ay 60-70% pellet at 30-40% grains. Sapat ang
crude protein nito nasa 17-18%. Ang halaga naman nito ay nasa
kulangkulang P30 ang kilo.
Gumagamit tayo ng GMP dahil ayos naman ito at abot-
kaya ang halaga; ng Asintado dahil may taglay itong mga blood
conditioner; Platinum o Derby Ace conditioner pellets dahil sa
taglay na creatine. Medyo kumpleto na ang diet na ito. Hindi na
kailangan ang marami pang suplemento.
Napakadali rin nitong ihanda. Hugasan lang ang grains,
ihalo sa pellet mix at ibigay sa manok.
Regular lang tayong maghalo ng electrogen D Plus sa
inuming tubig sa umaga. May bitamina, mineral at glucose ito
para enerhiya. Saka na tayo magbigay ng karagdagang
suplemento sa peaking at pointing periods, isang linggo bago ang
laban (basahin sa kabanata hinggil sa conditioning pyramid).

25
www.obooko.com

Pagsasanay na Angkop sa Pilipino Knife


Dekada 60 nang magsimulang nagsidatingan sa bansa ang
mga manok Amerikano. Malaki ang lamang ng mga Texas sa
abilidad, tapang at lakas kung ihambing sa mga native tinale kaya
nagpapanalo ang mga ito. Hindi naman nagpahuli ang iba pang
may kayang sabungero kayo dumami ng dumami ang mga
imported na manok.
Bunsod ng pagdami ng mga manok Amerikano, ay
nainpluwensiyahan din ang ating pagpapakain at pagaalaga ng
manok tinale. Sinunod ng mga sabungerong Pilipino ang
natutunan nila sa mga Amerikano nagmamanok. Ngunit hindi
pala dapat. Napakalaki ng kaibahan sa uri ng laban sa Amerika sa
ating nakasanayan dito. Doon magtatagal ang labanan dahil gaff
o kaya’y short knife ang kinakabit sa manok. Dito ginagamit
natin ay ang Pilipino slasher knife. Napakadali matapos ang
labanan dito sa atin.
Kaya iba ang nararapat na ehersisyo sa manok para sa
Pilipino knife sa manok na para sa gaff o kaya’y short knife. Para
sa atin ang mga maiinam na ehersisyo ay ang kahig, sampi,
handspar, bitaw, at ang rotation o paglipatlipat sa manok sa iba’t-
ibang kinalalagyan ilang beses sa bawat araw.

. (Kung nais nyo ng buong kaalaman sa ibat-ibang


pagsasanay na angkop sa long knife, mag oder ng kopya ng
Manwal na ito P300 lang including delivery to your address.
To order text 0927-995-4876)

26
The Title of Your Book

Ang Iba’t Ibang Pasilidad


Sa pagkundisyon ng manok ay may iba’t-ibang pasilidad
at gamit na kinakailangan. Sa sistema natin ng rotation exercises
kinakailangan natin, maliban sa cord, ang iba’t-ibang mga uri ng
conditioning pens. Ang conditioning pens ay yong mga ginagamit
sa pagkundisyon. Mayroon din kasing mga breeding pens ang
ginagamit sa pagpapalahi; at may mga growing pens, ang
kinakailangan sa brooding at pagpalaki ng mga sisiw sa hindi pa
pawalan sa pagalaan.
Ang ating mga conditioning pens ay hinati natin sa
dalawang uri—ang exercise pens at ang rest pens. Ang exercise
pens ay para sa pag-ehersisyo ng manok. Ang rest pens ay para sa
pagpapahinga ng manok.
Ang ating mga exercise pens ay: ang big pen, fly pen,
scratch pen, running pen, at scratch box. Ang mga rest pens
naman ay ang multipurpose pen, pointing pen, limber pen, at ang
stall o kulungan.

(Kung nais nyo ng buong kaalaman sa ibat-ibang


pasilidad para pagsasanay na angkop sa long knife, mag oder
ng kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery to
your address. To order text 0927-995-4876)

27
www.obooko.com

Pagpatuktok: Stress Management


Ang pagpatuktok ay ang salitang inampon ng RB Sugbo
Gamefowl Technology upang isalin sa Pilipino ang salitang
Inglis na pointing. Ang ibig kasing sabihin ng mga Amerikano sa
paggamit ng salitang pointing kung ang manok ang pagusapan ay
“peaking.” Ang pagdala sa manok sa peak ng kakayahan. Ito ang
hangad natin sa pagpatuktok, ang marating ng manok ang tugatog
o tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa mismo oras ng laban.
Ang pagpatuktok, ay isa sa mga aspeto ng pagkundisyon na
pinagaralan natin ng husto. Ito ang huling yugto, kung magkamali
tayo dito, maaring maging pinal na ito. Maaring wala nang
panahon upang ituwid ano man ang pagkakamaling iyon.
Ayon sa nakasanayang katuturan o depinesyon, ang
pagpatuktok ay ang pagpapahinga, pagkontrola ng tubig sa
katawan ng manok at timbang, at carboloading. Sa atin, sa RB
Sugbo Gamefowl Technology ang ating makabagong palagay ay
na ang pagpatuktok ay simpleng stress management lang.
Sa ating conditioning pyramid, ang pagpatuktok ay sa
araw ng laban lang. Ngunit ang proseso ng stress management at
energy priming any nagsimula ilang araw bago ang araw ng
laban, na sakop sa tinatawag natin na peaking period.
Stress management
Ang makabagong konseptong ito ng RB Sugbo ay
nakasalalay sa prinsipyo na ang stress ay mitsa ng pag bugso ng
adrenaline o ang tinatawag na adrenaline rush. Ang adrenaline ay
isang hormone sa katawan. Ang pagbugso nito ay bahagi ng
natural defense mechanism ng katawan sa gitna ng panganib.

28
The Title of Your Book

Sa panahon na gumagana ang adrenaline, ang tao o hayop


ay mas matapang, malakas at mabilis kaysa pangkaraniwan. Tayo
sa panahon na may sunog, halimbawa, ay mabubuhat natin ang
mabigat na bagay. Kapag hinahabol tayo ng itak, ang tulin natin
tumakbo. Ang mga sundalo pag nakarinig ng putok ay
makararama ng nakaiibang katapangan.
Paglipas naman ng adrenaline rush, ang pagkahapo ang
papalit. Ito ang sanhi ng pagiging “off” ng manok. Kaya ang
layunin sa pag pamamahala natin sa stress, ay hindi ang pagiwas
nito, dahil sa sabungan, sa dami ng tao, ingay at nakakaaibang
kapaligiran, hindi maiiwasan na makakaranas ng stress ang
manok. Ang gusto natin ay ang itaon ang stress at pagbugso ng
adrenaline sa panahon ng paglalaban.
Hindi natin maiiwasan ang stress. Gamitin nalang natin.

Quick energy loading, hindi basta carboloading


Sa panahon ng adrenaline rush, ang katawan ay
mangangailangan ng sapat na enerhiya upang suportahan ang
pangangailangan na maging malakas at mabilis. At, dahil biglaan
ang pagbugso ng adrenaline kailangan ang instant energy. Kaya
tulad ng nasabi natin sa naunang kabanata, ATP-CP quick energy
pathway ang ating pagtuunan ng pansin. Ang kailangan ng
manok ay pakain na may mataas na antas ng glycemic index.
Kailangan din ang suplemento ng creatine, glucose at ribose.
Isang bagay na mapait siguro lunukin ng maraming
nagmamanok at mga nagtuturo ng pointing sa mga cocking
schools, academy, magazine at telebisyon ay ang katotohanan na
ang carboloading o glycogen loading ay hindi kinakailangan sa
uri ng sabong natin dito sa Pilipinas. Ang nangangailangan ng
carboloading ay ang mga atleta na sa endurance na kumpetisyon
lumalaban tulad ng triathon, marathon at long distance cycling.
Sa sabong , saglit lang tapos ang laban.
Ang kailangan ng manok ay hindi ang maraming
glycogen sa atay kung hindi ang glucose sa dugo na agad agad

29
www.obooko.com

magagamit. Dapat, mga pakain na mataas ang glycemic index


(GI). Ibig sabihin,mga pagkain na madaling magpatataas ng sugar
level sa dugo, kahit na madali rin ang pagbaba nito dahil, yon na
nga, madali lang matapos ang labanan ng manok. Halimbawa
may mga uri ng bigas na mataas ang GI tulad ng sticky rice at
parboiled rice. Sa mga prutas naman ang patatas, kamote,
watermelon at kalabasa. Mataas rin ang GI ng mga cornflakes,
popped corn, at rice krispies. Kung gagamit ng mais ang fine corn
ang pinakamaige. Katuwang sa pagbigay ng mga high glycemic
na pakain ay ang pag suplemento ng creatine at ribose, dahil sa
mga katwiran na natalakay na natin sa naunang kabanata.
May mga pagkain na mayaman man sa enerhiya ay hindi
mataas ang glycemic index. Karamihan ay yong mataas ang fiber
content tulad ng whole corn at ibang grains na may balat pa, at
mga prutas tulad ng saging at mansanans. Matagal tagal bago
mapataas ng mga pagkaing ito ang sugar level sa dugo. ngunit
mas mahabahabang panahon naman ang lilipas bago bababa ulit
ang sugar sa dugo. Sa matagalan na kumpetisyon magagamit ito
ng husto kasi magsisilbeng time-released energy ito.Ang mga ito
ang ginagamit sa pag-carboload, na para sa atin ay hindi naman
kinakailangan ng manok.
Ang tinutukoy natin ay ang nakasanayang pamamaraan ng
pag-carboloading na tinuturo ng iba. Ang pamamaraan na
magbibigay ng mas mataas na bahagdan ng carbohydrate simula
tatlo o dalawang araw pa bago ang laban. Sa pagaaral natin hindi
na kailangan ito, lalo na’t kung ang sistema ay tulad din ng
tinuturo ng iba na umpisahan ang keeping o pagpahinga sa
manok sa loob ng kulungan dalawang araw bago ang laban. Sa
ganitong sistema sa pagpapahinga, hindi na gaanong gumagamit
ng enerhiya ang manok kaya hindi na ito magkakailangan ng
naraming carbohydrate.
Tayo nga, hindi na tayo nagka-carboload, kahit na ang
sistema ng ating pagpapahinga ay ang tinatawag nating “active
rest.” Hindi natin pinapasok ng matagal ang manok sa kulungan,

30
The Title of Your Book

maliban lang sa araw ng laban. Kung paminsanminsan ay


pinapasok natin sa kulungan ito ay upang ang manok ay masanay
at di manibago pagdating sa araw ng laban.
Ang RB Sugbo ay dati ring nagka-carboload. Ginawa din
natin ito, at hindi naman kasamaan ang naging resulta. Ngunit sa
ating pagpapatuloy na pagsisiyasat at pag esperimento ay natukoy
natin ano ang talagang dapat. Hindi naman nakakasama ang
carboloading, ang sinasabi lang natin ay hindi na kailangan. Ang
kailangan ay ang pagtiyak lang na may sapat na glucose sa dugo
at creatine at ribose sa kalamnan sa araw ng laban.

31
www.obooko.com

Makabagong Pamamaraan
Ng RB Sugbo sa Pagkundisyon
Ang pamamaraan ng RB Sugbo sa pagkundisyon ng
manok panabong ay medyo naiiba sa nakasanayan ng maraming
sabungero. Ang sa atin ay hindi 14, 21 o 28-day keep tulad ng sa
marami. Sa iba ay may kalendaryo kung saan nakalagay anu-ano
ang mga gawain sa bawat araw mula day 1 hanggang araw ng
laban.
Ang ganitong pamamaraan ay magandang tingnan sa
programa ngunit sa praktikal magkakaproblema dahil sa kawalan
ng flexibility. Hindi lahat ng manok ay magkatulad ng reaksyon.
Maaring ang iba ay mapaaga ang pag-peak, samantalang ang iba
naman ay wala pa sa tuktok pagdating ng araw ng laban.
Ang sa atin ay parang hagdanan. Ang lahat ng manok ay
dadaan sa unang baitang, ang “foundation stage” kung kailan
inaayos natin ang mga kakulangan ng manok sa pisikal, mental at
nutrisyunal na aspeto. Inaayos muna natin ang pangangatawan,
ang kundisyon ng mga kalamnan at ang pokus ng manok sa
pakikipaglaban. Sa puntong ito pinaiiral natin ang tibay at lakas
ng manok.
Walang takdang bilang ng araw sa pagpananatili ng
manok sa stage na ito. Kung sa ibang pamamaraan, kalendaryo
ang nagdidikta, sa atin, ang aktwal na kundisyon ng manok ang
makapagsasabi kung ang manok ay kailangan pang manatili sa
baitang na ito o aakyat na sa susunod.
Ang pangalawang baitang ay ang “battle-ready stage.”
Dito ang pakain at pagsasanay ay nakatuon sa pagpairal ng bilis,
liksi, at ang kakayahang makahugot ng quick energy na

32
The Title of Your Book

kakailanganin sa laban. Dito ang mga manok ay para nang boy


scout na laging handa. Kung may nalalapit na laban, pagpipilian
natin ang mga boy scout kung alinalin ang mga pinakahanda.
Ang mga ito ang iakyat sa susunod na baitang, ang “peaking
period.”
Ang peaking phase ay ang huling isang linggo bago ang
laban. Kasunod nito ay ang pangapat na stage, ang”pagpatuktok”
o “pointing.” Ito ay sa araw ng laban.
Sa sistemang ito ang kundisyon ng manok ang
masusunod hindi ang bilang ng araw. Ang sistema nating ito ay
tinatawag natin na “conditioning pyramid.”

(Kung nais nyo ng buong kaalaman hinggil sa RB


Sugbo conditioning pyramid, mag oder ng kopya ng Manwal
na ito P300 lang including delivery to your address. To order
text 0927-995-4876)
)

Paghahanda sa Ulutan

Ang paghahanda ng manok ay halos katulad lang kung sa


derby o sa hackfight ito ilaban. May kaunting kaibahan lang

33
www.obooko.com

pagdating sa pagpatutok o pointing. Ang pagkakaibang ito ay


mangyayari lang sa araw ng laban.
Ang mga ito ang tandaan:
1. Sa hackfight dahil inuulot ang manok, hindi ito
mapapahinga tulad ng sa derby kung saan
naghihintay lang tayo na tawagin ang laban.
Kaya mahalaga na bihasa sa pag hawak ang
handler upang hindi ito masyadong mahapo.
2. Hindi dapat pagaanin o patuyuin ang katawan
ng manok kung sa hackfight ilalaban. Dahil
mainit sa ulutan at ang kamay ng handler na
palaging may hawak ng manok ay may init din.
3. Ang pagpakain ay dapat untiunti dahil hindi
natin alam kung kailan ito mailaban. Basta ang
tandaan huwag ilaban ng busog. Huwag din
sobrang gutumin.
4. Sa hackfight mas mahalaga ang mga quick
acting energy aid tulad ng mga pakain na
mataas ang glycemic index, at mga suplemento
tulad ng glucose at Reload at Voltplex. Dahil
wala ngang pahinga ang manok,
nangangailangan ng enerhiya na pangpalit sa
nagamit habang ito ay inuulot. Kailangan nito
ang glucose, ribose at creatine.
5. Huwag ilagay sa madilim na kulungan. Ang
biglang liwanag galing sa dilim at ang
panibagong kapaligiran sa ulutan ay maaring
maging sanhi ng di napapanahong adrenaline
rush at maagang pagtuktok. Kahit sa hakpayt,
gamitin pa rin ang prinsipyo ng stress
management.

34
The Title of Your Book

Dapat sa Ating Pagsasabong


Ang pagunawa ay ang pundasyon ng kaalaman.
Pagaralan natin, at higit sa lahat, unawain ang mga gawain na
ugnay sa ating pagmamanok. Hindi sapat na alam natin ang mga
gagawin. Kailangan alam natin bakit ang mga ito’y gagawin.
Hindi basta lang na alam natin kung anu-ano ang
gagawin, at paano ang pag-gawa. Dapat maunawaan natin bakit
ginagawa. Ito ang dapat sa pagmamanok, ganoon man sa tunay
na buhay.
“It is not the what or the how that is important, but the
why.”

Learn cockfighting a step at a time, backwards. Ang


unang dapat pagaralan ay ang pagpili ng magaling na manok at
ang paghanda nito. Pagpili at paglaban ang unang pagaralan hindi
ang pagpapalahi at pagpapalaki ng sisiw. Hindi tayo
magtatagumpay sa pagpapalahi kung hindi natin alam kung
anong uri ng manok ang ating ipapalabas.
“Know what to seek and you will find.”

Don’t leave luck to chance. Oo, naniniwala tayo sa


buwenas at malas, ngunit huwag natin ito basta ipaubaya sa pa-
suwerte lang. Tayo’y mag-aral, magsikap, at magtiyaga.
Ating gawin ang dapat gawin upang mapalapit sa atin ang
suwerte. Kalimitan ang masuwerteng sabungero ay ang magaling
na sabungero.
Huwag na basta lang hintayin na mahulog ang mansanas.
Sungkitin natin ito nang di tayo maunahan ng iba.

35
www.obooko.com

Hindi dapat na pabigat. Ang sabong ay isang magandang


libangan at maaring mapagkakitaan. Ngunit makakasama ito
kung maging pabigat sa bulsa.
Kung matalo na tayo ng halagang higit sa nararapat; kung
pati pera na dapat ilaan sa pamilya at ibang mas mahalagang
bagay, ay naipatalo natin, ang sabong ay magiging isang
masamang bisyo.
Ganoon din kung sobra-sobra na ang gastos natin sa ating
pagmamanok. Kaya magingat tayo at magtipid upang patuloy na
kasiyasiya ang ating pagsasabong.

Magsumikap na manalo ngunit maging handa sa


pagkatalo. Walang tiyak sa sabong. Kaya hanggang ngayon ay
wala pang natanghal na haring kampeon. Mahigpit ang labanan
lalo na sa pinaka mataas na kumpetisyon tulad ng World Slasher
Cup, Bakbakan, Heritage Cup at ibang mga bigtime derbies.
Makitid lang ang agwat ng isang magaling na
nagmamanok sa ibang magagaling na nagmamanok. At, nandiyan
pa ang element of luck. Kaya dapat, kahit sino ka man, sa sabong
maging handang tumanggap ng pagkatalo.
Ang tatlong malalaking kasalanan sa ating pagsasabong
ay: sobrang sugal, sobrang gastos, at sobrang espektasyon sa
manok o sobrang bilib sa sarili..

36
The Title of Your Book

Piramide sa Pagkundisyon
(Conditioning pyramid)

Pointing:
Day of the fight
*Stress
management
*Energy
boosting

Peaking Stage:
7 days before the fight
*Slowdown on workouts
* Blood conditioning
* B Complex, B15, iron
supplement * Build up creatine,
glucose and ribose reserves

Battle-ready stage:
* Intense, quick exercises to develop capability for
quick burst of energy
* Hi-carbohydrate diet

Foundation Stage:
* To correct any physical, nutritional deficiency
* Build up body and muscles * Develop strenght and stamina.
*Hi-protein diet

(Kung nais nyo ng buong kaalaman hinggil sa


Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon, mag
oder ng kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery
to your address. To order text 0927-995-4876)

37
www.obooko.com

About RB Sugbo
Gamefowl Technology
(Visit rbscal.webs.com)

“Measured against the eternity, our time on earth is just a blink


of an eye. But the consequence of it will last forever. The deeds
of this life are destiny of the next” --- Rick Warren in his book
the Purpose Driven Life.

The above quotation is in dedication to a friend who


passed away a few years ago. Ernesto “Erning”Panuncillo. To us,
who had known him well, he was more than just a dedicated
sabungero. Ever helpful to anybody who needed his expertise; he
was extremely honest; and selfless, almost to a fault, he was
indeed an epitome of a Filipino cocker.

We called each other “Sanga”(partner in


Cebuano).We were more than just cocking buddies. We were
life-long friends— like brothers indeed.

He was always helping me in my cocking ventures.


When I decided to go full blast with breeding some years back,
he helped me sourced out top breeding materials.

It was because of him that I was able to acquire the


patriarch of all the RB Sugbo ponkan lines -- my favorite brood
cock “Ponkan,” an EDL/Excellence sweater, who at the time was

38
The Title of Your Book

otherwise,definitely not for sale in the hands of his brother


Arthur, proprietor of the cockers and agrivet product distribution
chain,Pacific Barato.

Most of all, he was the one who first mentioned my


name to publisher Manny Berbano. It led to my writing for Pit
Games and Llammado magazines, an opportunity I cherished
most.

Because of my knowing Manny I was able to acquire


more top-quality imported and local materials; and, met in
person, distinguished breeders, and legends of our time. And,
because of Pit Games and Llammado, I gained new friends and
customers from as far as the Ilocos regions in the north, and
Basilan in the south, not to mention the many others outside the
country. These things, I owed to Sanga.

Erning was also instrumental to the mission-vision of


RB Sugbo chicken venture. Sanga had repeatedly told me:
“Breed for the common sabungeros, the ordinary cockers and
small time breeders who have neither the access nor the means to
acquire expensive fowl. And, don’t just sell them chickens, also
afford them technology.”

His idea was that we will not just breed and sell fowl
but also take active part in technology transfer, thus the name RB
Sugbo Gamefowl Technology.

On our part, with right technology, we could produce


more good chickens at much lower cost. Therefore,we could
priced our fowl at a level affordable to the common sabungeros.

Now, RB Sugbo Gamefowl Technology is committed


to helping the common sabungeros.

39
www.obooko.com

RB Sugbo breeds quality fowl affordable to the


common sabungero. It is also engaged in the transfer of
gamefowl technology, for as economically as possible. RB Sugbo
GT has been doing this since 2003 . RB Sugbo is constantly into
research on the different aspects of cockfighting such as
selection, handling, conditioning, pointing, and effective knife
designs.

The Blakliz, one of the bloodlines created by RB Sugbo


Gamefowl Technology. Named after wife Liz, the blakliz also
carries the blood of “Ponkan,” the sweater broodcock from Doc
Ayong Lorenzo, the patriarch of ponkan the bloodline and
other RB Sugbo lines.

40
The Title of Your Book

Since 2007, RB Sugbo GT has been totally committed to


helping Masang Nagmamanok (MANA) Inc., a nationwide
movement championing the cause of the common sabungeros.

Sugbo bloodlines such as the Ponkans and Sugbo Lemons,


priced well within the reach of the common sabungero,are
holding their own against respectable opposition.

RB Sugbo publications are also well circulated among the


common sabungeros, mainly through MANA. It also conducts
seminars, trainings and at-farm-hands -on and/or on-line
technology transfer.

RB Sugbo GT is also technical and marketing consultant to


a number of upstart breeders in the Philippines. Founder Rey
Bajenting is also founder of MANA, writer in Pit Games and
LLammado Magazines, Editor of Dyaryo Larga and founding
director of Central Visayas Breeders Association (CVBA).

41
www.obooko.com

The Blueface of RB Sugbo. This bloodline is a very good


blender with most other bloodlines. The RBS blueface came
from good friend Jason Garces, who in turn got this valuable
bloodline from Gov. Arthur “Chongkee” Uy of Davao.This
particular cock in the photo has also been loaned to another
friend Ben Dimaano. This cock is the patriarch
\ of the sugbo blueface.

42
The Title of Your Book

Manwal ng Mana
Sa makabagong
pamamaraan
ng pagpili at
pagkundisyon
(2008)
Published worldwide by RB Sugbo GT
Visit rbscal.webs.com

Free Edition

 Copyright 2011 RB Sugbo GT

This edition is available free of charge as service to the sabungero public by


Masang Nagmamanok (MANA) Inc. and RB Sugbo Gamefowl technology; it
may be amended and updated at any time by the author so please visit
rbscal.webs.com to ensure you have the latest edition.

Although free of charge, this work remains protected by Copyright and must
not be sold in digital or printed form. Free circulation of this edition is,
however, encouraged. You may forward this copy to friends.

43

You might also like