You are on page 1of 4

1

FILIPINO TRANSLATION (Tagalog):

Aneks E

MODELO NG KONTRATA SA SERBISYO


(Model Service Contract)

SA LAHAT NG MGA MAKABABATID NITO:

Ito’y Kontrata sa Serbisyo na isinagawa ngayong _______ araw


ng _____________, sang-ayon at sa pagitan _________________ nasa
hustong gulang, walang asawa/may asawa na may adres ng koreo
sa ________________, na tutukuyin dito bilang EMPLOYER

-at-

_______________________ (Pangalan) ______________________ ng


Ahensiya ____________________________, na may adres sa
______________________________________________, kinatawan ni
______________________________, pagkaraan nito tinukoy bilang
AHENSIYA;

SINAKSIHAN AT SINANG-AYUNAN ANG SUMUSUNOD:

A. Mga Tungkulin at mga Pananagutan ng Ahensiya

1. Na ang AHENSIYA ay magkakaloob sa EMPLOYER ng


kalipikado at may kakayahang Kasambahay na
kailangan ng EMPLOYER;

2. Na dapat magsagawa ang AHENSIYA ng oryentasyon


sa EMPLOYER at KASAMBAHAY bago magsimula sa
gawain na kaugnay sa kanilang mga karapatan at mga
pananagutan alinsunod sa Talata, d. Seksiyon 3,
Tuntunin III ng Kautusan at mga Regulasyong
Nagpapatupad ng Batas Republika, Blg. 10361 o ang
“Batas Kasambahay”.

3. Na sa loob ng isang (1) buwan simula sa araw ng


pagrereport ng Kasambahay, ang AHENSIYA ay
magbibigay sa EMPLOYER ng kapalit ng kalipikadong
Kasambahay ng walang karagdagang bayad, kung
sakaling mangyari ang alinman sa sumusunod:
a. Kapag natuklasang ang Kasambahay ay may
nakahahawang sakit o kaya’y walang nang
2

lunas na karamdaman, sakit sa pag-iisip na


pinatunayan ng isang mahusay o doctor ng
gobyerno;

b. Pagtalikod ng Kasambahay sa gawain ng


walang makatwirang dahilan, kusang-loob na
pagbibitiw, pagnanakaw, o alinman sa mga
katulad na gawain na nakapipinsala sa
employer o sa kaniyang pamilya;

c. Walang sapat na kakayahang pisikal o mental


ang Kasambahay na magampanan ang mga
hinihinging obligasyong dapat tuparin, ayon sa
isinasaad sa kontrata ng trabaho.

Na ibabalik ng AHENSIYA sa EMPLOYER ang pitumpu’t limang


porsiyento (75%) ng halagang ibinayad kung nabigo ang ahensiya
na palitan ng isang kalipikadong kasambahay makalipas ang isang
(1) buwan simula sa pagkatanggap ng kahilingan sa pagpapalit.

Na ang EMPLOYER ay may karapatan sa tatlong (3) beses na


pagpapalit sa buong panahon ng kontratang ito;

Ang anumang kahilingan sa pagpapalit makalipas ang isang buwan


ay sasailalim sa karagdagang minimum na service fee na
dalawampu’t pitong porsiyento (25%) ng napagkasunduang service
fee. Bukod dito, ang gayong pangyayari ay dapat ipahayag ng
employer sa isang sinumpaang salaysay at isumite sa ahensiya
bago ito magbigay ng kapalit.

4. Na ang AHENSIYA ay magiging kasama at kaisang


mananagot sa EMPLOYER para sa pagbabayad ng mga
sahod, mga kaugnay na bayarin sa iba pang mga
benepisyo, kabilang ang buwanang kontribusyon sa
SSS, Philhealth, at ang pagiging kasapi sa PAG-IBIG ng
kasambahay, sakaling hindi naisagawa ng employer na
tuparin ang binanggit na mga obligasyon.

Ang mga naturang obligasyon ng ahensiya ay maaaring magtapos


sa pamamaraang pinagtibay sa Kontrata sa Serbisyo ng ahensiya
at ng employer.

B. Mga Tungkulin at Pananagutan ng Employer

1. Na ang EMPLOYER, sa pagsisimula ng Kontratang ito,


ay aakuin ang kabayaran sa AHENSIYA, ng service fee
3

na nagkakahalaga ng _____________ piso (P ______) at ang


pagtatalaga ng tauhan ___________________ gastusin
____________ na nagkakahalaga ng ____________________
___________________ piso (P________) na kasama ang
gastos sa transportasyon, pagkain, komunikasyon, at
iba pang kaugnay na bayarin na pinatutunayan ng mga
resibong isinumite;

2. Na magbabayad ang EMPLOYER sa AHENSIYA ng


halagang __________________ (P ______) katumbas ng
halaga na nauukol sa paggarantiya sa batayang
kasulatan na kailangan ng kasambahay bago magsimula
sa gawain sakaling binayaran ng ahensiya ang naturang
gastusin;

3. Na babalikatin ng EMPLOYER ang iba pang mga


gastusing kakailanganin sa medical examination bukod
sa pangunahing medical examination bago magsimula
sa gawain.

4. Na babayaran ng EMPLOYER ang buwanang pasuweldo


ng Kasambahay ng cash nang kahit isang beses sa
bawat buwan man lamang, at ang lahat ng
benepisyong itinatakda ng batas;

5. Na pagkakalooban ng EMPLOYER ang ahensiya ng


kopya ng buwanang pay slip, at mga kopya ng mga
katibayan ng mga ibinayad sa SSS, PAG-IBIG, at
Philhealth na hindi lalampas sa tuwing ikalabinlimang
(15) araw ng bawat buwan;

6. Na ang EMPLOYER ay magkakaloob sa kasambahay ng


karagdagang tulong medikal sa pamamagitan ng mga
paunang lunas na gamot, kung sakaling nagkasakit at
nagkaroon ng pinsala/o sugat sa panahon ng
paninilbihan na hindi mawawala ang mga benepisyo; at

7. Na sa pagtatapos ng kontrata sa paggawa, o sa


terminasyon ng paggawa, itatagubilin ng
EMPLOYERang Kasambahay sa AHENSIYA para sa
pagtutuos sa sahod at iba pang mga dapat bayarang
benepisyo na dapat pang tanggapin ng Kasambahay,
gayundin ang mga bayarin sa SSS, PAG-IBIG at
Philhealth.
C. Ang mga tadhana at kondisyon ng KONTRATANG ito ay hindi
mababago o masususugan ng alinman sa dalawang panig
nang walang pagsang-ayon ang kabilang panig.
4

BILANG KATUNAYAN, nilagdaan ng magkabilang panig ang


Kontratang ito ngayong _______ araw ng ________________, at
_____________, _____________________________, Pilipinas

________________________ _______________________
Employer Kinatawan Ng
Ahensiya

NILAGDAAN SA HARAP NINA:

_______________________

_______________________

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN sa harap ko ngayong


___________ araw ng _______________________ 20 ____ sa
______________________, (Pangalan ng Employer) may Identification
Card at Residence Certificate Blg. ______________________, kinuha
sa ____________________ noong _________________. 20___.

NOTARYO
PUBLIKO

Dokumento Blg. _________


Pahina Blg. ______________
Talaan Blg. ______________
Serye ng ________________

You might also like