You are on page 1of 185

TITLE: NO PERFECT PRINCE

***************
CONTENTS:

1. No Perfect Prince
2. Prelude
3. Stage 1.
4. Stage 2.
5. Stage 3.
6. Stage 4.
7. Stage 5.
8. Stage 6.
9. Stage 7.
10. Stage 8.
11. Stage 9.
12. Stage 10.
13. Stage 11.
14. Stage 12.
15. Stage 13.
16. Stage 14.
17. Stage 15.
18. Stage 16.
19. Stage 17.
20. Stage 18.
21. Stage 19.
22. Stage 20.
23. Stage 21.
24. Stage 22.
25. Stage 23.
26. Stage 24.
27. Stage 25.
28. Stage 26.
29. Stage 27.
30. Stage 28.
31. Stage 29.
32. Stage 30.
33. Stage 31.
34. Stage 32.
35. Stage 33.
36. Stage 34.
37. Stage 35.
38. Stage 36.
39. Stage 37.
40. Stage 38.
41. Stage 39.
42. Stage 40.
43. Stage 41.
44. Stage 42.
45. Stage 43.
46. Stage 44.
47. Stage 45.
48. Stage 46.
49. Stage 47.
50. Stage 48.
51. Stage 49.
52. Stage 50.
53. Stage 51.
54. Stage 52.
55. Stage 53.
56. Stage 54.
57. Stage 55.
58. Stage 56.
59. Stage 57.
60. Stage 58.
61. Stage 59.
62. Stage 60.
63. Stage 61.
64. Stage 62.
65. Stage 63.
66. Stage 64.
67. Stage 65.
68. Stage 66.
69. Stage 67.
70. Stage 68.
71. Stage 69.
72. Stage 70.
73. Postlude.
***************

*** No Perfect Prince *** (1 page)

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author�s imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

---------------------------------------------------------------------------------

Wrote and finished this story around 2011-2012. This is the original version. Im
still editing the whole of it but Ill post the original here. Thanks

***************

*** Prelude *** (2 pages)

Prelude.

Nagsisimula angsocial climbingsa preschool.

Denise I like her Barbie more At tinalikuran ako ng half-american kong kaibigan.

Pumunta siya dun sa kabilang table kung saan nakaupo yungbruhangmay mas magandang
Barbie kesa sakin.

Bukas, bibili ako ng mas maganda diyan Tinitigan ko ang Barbie niya at nag wish na
sana maglaho ito. She stole all my friends Kahapon lang, ako ang star at ang bida
dito, ngayon di na Pero sisiguraduhin kong bukas...ako na ulit

Ilang beses pang naulit ang mga pangyayaring ganun. Minsan ako yung nang-aagaw ng
kaibigan, minsan ako yung naaagawan. Minsan dahil sa Barbie o sa sapatos, minsan
naman sa headband o sa crayons.

Pagka-highschool. Ganun parin. Uso ang social climbing kahit di pinapangalanang


social climbing.

Yes Dala to ni Daddy galing US. Sabi ko habang ipanapakita ko ang latest na PSP,
2nd year high school ako.

Lahat sila namangha. Ang totoo,di ko naman talaga type tong PSP, talagang ginusto
ko lang magpasikat. Pagmarami kang mga bagay na ganito, sisikat ka, mayaman ka,
ikaw ang nasa tuktok.

Yun ang prinsipyo ko. Pero may kilala akong walang nalalamang ganun... May ibang
taong walang pakealam sa social climbing. Pero bihira lang yun. Tama... dahil
bihira lang. Kasi lahat tayo nakikihalubilo sa iba.

Youre my best friend Sabay hug sakin ni Eliana.

Grade 3 ako noon. Matagal ko na siyang kilala, simula preschool pa. Paminsan-
minsan, inaaway ko siya at iniinis. Pero sa huli, ang sasabihin niya lang ay, Youre
my best friend, I dont care Matapos ko siyang itulak sa putikan sa hacienda nila.

Nagustuhan ko din siya. Lagi akong nagbabakasyon sa hacienda nila. Di siya


lumalabas dito. Home-schooled siya at walang ibang kaibigan kundi ako. May mga
pinsan siyang ka-age niya tulad niBrent at Ara Cruz at si Bench Jimenez, pero di
nya nakakalaro. Home-schooled parin siya nang nag high school kami.

Kung akala niyo ay mayaman ako,nagkakamali kayo. Normal lang kami. Di tulad nina
Eliana na malawak ang lupain at maraming negosyo. Nakilala ko siya dahil sa parents
ko. My Dad is their lawyer. Tama Dahil negosyante ang mga magulang ni Eliana,
kailangan nila ng attorney... at si Daddy na yun.

Ang ganda naman ng PSP mo, Denise sabi ng classmate ko.

Oo Likayo dito, picture tayo Sabi ko.

Alam kong naiinggit yung iba. Lalong lalo na yung mga kumpetensya ko, bahala kayo
Mamatay kayo sa inggit Nyahaha

Pero di kalaunan, kumupas din lahat ng damit, gadgets, bag, sapatos at kung anu-
ano pa sakin. May alam akong di talaga kukupas. Kung meron ka noon,sikat ka,
forever.

Narealize ko to nang sinundo ako ng body guards ni Bench sa school dahil may
pupuntahang party di umano ang mga magulang ko.

Miss, pupunta muna tayo kay Bench. Matagal kasi yun lumabas eh kaya inuna ka na
namin. Sabi nung isang bodyguard.

Okay.

Pumasok ako sa SUV nila. Di kami pareho ng school ni Bench. Sa mas exklusibong
school siya pumapasok. Mas maraming mayaman. Kaya excited akong pumunta.

Kuya Joe. Sabi ko sa main bodyguard ni Bench. Ako na bahala kay Bench. Ako na ang
maghahanap. Sabay ngiti ko.

Pumayag naman siya. Ang totoo, gusto kong makita kung paano ang buhay sa school
nila.

Ang daming magaganda at gwapo Halatang mayayaman talaga May pumapansin sakin pero
konti lang. Kaya naman nabigla ako nang nakita ko si Bench, pinapalibutan ng
maraming tao. Parang ang sikat niya. May kinakausap siyang babae kaya halos di niya
ako makita.

Lumapit ako ng konti para marinig siya.

Ang gwapo ni Bench no, yun ba yung bago niyang girlfriend? Napatingin ako sa
nagsalitang dalawang babae sa unahan. Tinitignan din nila si Bench at yung kausap
niya.

Lumapit pa ako para marinig na talaga siya.

So, this Saturday... at room 408, Marriot Hotel, ayt?

WHAAAT? Ang landi pala nito O malandi lang akong mag-isip?

Wear thongs. Kinindatan niya ang babaeng kausap.

Tumawa naman yung babae pagkatapos ng huling bulong ni Bench.

BENJAMIN JIMENEZ IS A MANWH0RE

I will definitely. Bulong ng babae.

Ang sarap naman gutay-gutayin ng buhok niya GRRRR

Bench. I interrupted them intently.

Napatingin silang dalawa sakin. Yung babae namutla, parang nakakita ng multo.

Tinitigan ko talaga yung babae habang nakataas ang isang kilay ko.I see what you
did there.

Lets go. Sabi ko.

Mas lalong nabigla ang babae at ang mga taong nasa paligid nang inakbayan ako ni
Bench...

Of course. Sabi niya ng nakangiti.

Diretso ang lakad namin palabas ng school nila. At pagkatapos ng insidenteng yun,
sumikat siDenise Cordelia Gozon.

***************

*** Stage 1. *** (2 pages)

Stage 1.
You only need me.

Alam ko na noon kung paano. Kaya hanggang ngayon, Im living the dream. Malapit ako
kay Bench simula pa pagkabata. Pero ngayong nalaman ko kung paano ko siya
magagamit, edi may benefit na ako sa kanya.

Hindi ko na siya kailangang maging boyfriend. Kasi pag boyfriend ang gusto mo sa
kanya, mag-eexpire ka lang. At ayoko yun. Gusto ko yung hindi nag-eexpire.

Youre so late Buti di natunaw yung make up ko Jeez Pinandilatan ko siya nang
nakitang bumukas ang bintana sa itim na SUV nila.

Bat di ka kasi sumama na lang sa mama at papa mo? Tanong niya habang binuksan ang
pintuan para sakin... with evil smile.

They wanna be early. And I cant, you know. Sabay pakita sa hairdo, make-up, at
damit ko. Im surprised Wala kang date? Tinignan ko ang tabi niyang walang
tao/babae.

Tumawa siya. Umiling naman ako.

One-week-girlfriends. Sabay pa kaming dalawa sa pagsabi nun. I know. Umiling ulit


ako.

Lets go, Joe Sabi niya sa driver/guard niya.

Minsan solo siyang nag mamaneho ng kanyang sportscar o ng SUV, minsan lang siya
nagpapasundo sa personal bodyguard niya. Sa mga okasyon lang tuladnito. Ngayon ang
age of coming ni Eliana.Debut. Ngayon siya ipapakilala sa lahat. Eighteen years
siyang tinago sa lahat. Sa wakas Ipapakilala na siya. Magco-college na din siya sa
university na pinapasukan namin ni Bench. Magfi-first year pa lang siya habang
parehong mag thi-third year college na ni Bench.

Tinignan ko si Bench, nakatingin siya labas habang nakapangalumbaba peronakangiti.


>

Are you in love or something? Napatanong tuloy ako.

Tinignan niya ako. Of course not. Tumawa siya.

Bat ka nakangiti jan? May turiring ka yata eh?

Sakit mo namang magsalita. Masaya lang ako Di ba pwedeng ngumiti?

Nakita kong tumingin si Joe samin sa likod gamit ang salamin sa harapan.

Kuya Joe, sa lahat ng driver ni Bench, kaw talaga pinaka ayaw ko. Nakikinig ka
kasi. Sabi ko.

Tumawa si Bench at kinurot ang pisngi ko.

Ano bah Ayun, nabatukan ko.

Kinuha ko ang pressed powder ko at tinignan ang sarili sa salamin. Pumula ang
pisngi ko dahil sa kurot ni Bench.

Tinignan ko pabalik si Bench, nakangiti parin at tumitingin sakin.

Bat di na lang kayo ang magkatuluyan? Tanong ni Joe habang pinapark ang sasakyan
sa Plaza Maria Clara.

Like ew? May STD yata tong si Bench. No thanks na lang. Gusto ko pang mabuhay ng
matagal.

Nagtawanan silang dalawa. Kainis talaga Ganyan palagi lalo na pag si Kuya Joe ang
kasama niya. Mejo matanda na si Kuya Joe at matagal ng bodyguard ni Bench.

Pumasok kami sa loob. Late kami.

Ladies and gentlemen Sabi nung emcee. Ms. Eliana Jimenez, daughter of Mr. Andrew
Jimenez

Nagpalakpakan ang lahat. Umupo kami ni Bench sa harapan at pumalakpak na din.

Hindi binanggit ang mama ni Eliana. Yung mama niya kasi, patay na. Yung tumatayong
mama niya ngayon ay ang bagong asawa ni Tito Drew.

Miracle baby si Eliana. Ipinanganak siya habang comatose ang mama niya. Dahil hindi
talaga alam ng halos lahat ng tao yun, akala ng iba, anak sa labas siya. Lalo nat
homeschooled siya, mas kapanipaniwala tuloy na anak siya sa labas.

Kumaway si Eliana at mukhang masayang-masaya. Ngumiti siya samin ni Bench.


Halatang excited sa kalayaan na binigay sa kanya ng kanyang Daddy.

Youre extra popular... tulad ng gusto mong mangyari. Sabi ni Bench sakin sabay
turo sa isang lalaking may dalang malaking camera at kanina pa picture nang picture
samin.

Tumingin ako kay Bench. Nakangiti ulit siya.

All because of him. At ngayong nandyan si Eliana, mas lalo akong mapapabilang sa
mga sikat.

Hey Sorry Im late Sabay halik ni Ara Cruz sakin. Si Ara Cruz ang isa sa pinsan
nina Bench. Umupo pa siya sa tabi ko.

Wheres Brent? Tanong ko at hinanap ang kanyang kapatid.

Uh Nakatingin siya kay Eliana at kumaway. Hes with his girlfriend.

What girlfriend do you mean? Tanong ni Bench. Humalakhak pa ang isang to. Pareho
kasi silang playboy nung Brent. Mag pinsan talaga. Pero I tell you, mas malala ang
sang to...Mas malala si Bench

Kung si Brent ay malapit lang talaga sa babae at nakakainlove pa. Ang isang to
wala talaga.Puro sex ang nasa isip. Manyak na manyak.

Maxine Alvarado. His soon-to-be-girlfriend. Sabi niya. Tumawa si Ara at Bench.

Hes still chasing that girl? Move on. Umiling si Bench.

Sayang, wala si Brent. Hindi makokompleto ang picture perfect ko. Alam kong di ko
sila kadugo at maaring magmumukha akong sampid, pero gusto nila ako at matagal ko
na silang kilala. I belong. Kung nandito si Brent, mas lalo akong sisikat. Pati sa
kabilang school. Lalo na ngayong may paparazzi pa sa tabi. Nyahaha

Bit sad, eh? Bulong ni Bench sakin. Sikat ka na sa school. And now, your target
is...theirschool?
Ngumiti ako.I cant believe he knows almost everything bout me.

You wont need Brent to do that. You only need me. Kinindatan niya ako.

***************

*** Stage 2. *** (3 pages)

Stage 2.

If thats what you wish.

Excited na talaga ako Sabi ni Eliana habang hinhalungkat ang susootin niya para
bukas sa first day of school namin.

Dont forget. Wag kang maniwala kahit kanino. Dont trust anyone. Dont be too
friendly. Sabi ko.

Binibrainwash ko siya dahil hindi niyo aam kung gaano siya ka inosente sa outside
world. Nagplano na din kami ni Bench na samahan siya mamayang gabi sa isang bar at
painumin ng kahit konti para di siya manibago. Para siyang probinsyana na ngayon
lang talaga maeexpose sa real world.

Tumango siya ng nakangiti.

Excited na rin ako mamaya. Bilisan niyo ah? Sabi niya.

Kinuha ko ang gym bag ko at tinali ang buhok.

Wheres Bench? Tanong niya.

Hell be here in a minute. Late na naman. Sa condo niya siya natulog. You know,
baka may babaeng dinala na naman. Sabi ko.

Hindi na talaga natuto. Umiling si Eliana.

Nasa bahay kami nina Eliana at nagpapasundo ako kay Bench dahil mag gi-gym kaming
dalawa.

Eli, Bench is here Sigaw ni Tita na step-mom ni Eliana.

Hinatid kami ni Eliana palabas ng gate. Siya pa nga ang nagbukas nito.

Ingat kayo ah? Sabi niya.

Kumaway na lang kaming dalawa ni Bench at humarurot na siya. Ibang klase tong
magpatakbo 80-100kph Naiinis ako minsan. Pinagtityagaan ko na nga lang sumama sa
kanya sa gym dahil wala kaming driver today.

Langya naman Bench oh, mamatay naman tayo dito... Sabi ko nang tumigil siya sa
stoplight.

Dont worry, di tayo mamatay sa pagkabangga... sa nerbyos lang. Tumawa siya.


Umirap na lang ako. Ang walang hiyang demonyo talaga. Kainis Sobra Dumating kami
at agad akong tumungtong sa treadmill at nagsimula. Si Bench din, nandun na. Pero
ilang sandali lang... habang nageehersisyo parin ako sa treadmill. Nakita ko na
siyang may kaharutan

Tinanggal ko ang earphones ko para makasagap ng mga sinasabi niya sa katalakan


niya...

OH MY NO WAY SiCandice San Juan. Gusto kong lumapit.

Have we met before? Sabi ni Bench sa kanya.

No... but were schoolmates. Ngumiti pa si Candice.

Oh Pamilyar ka talaga sakin... hmmm.

Nagpacute pa itong si Candice.

Magkamukha kayo ng grandma ko.. Sabi ni Bench.

Tumawa si Candice at nagpacute ulit.

Umiling ako at umirap sa kawalan. Ang kapal muks talaga nitong si Bench Hindi
nahiya sa balat niya Alam ng lahat kung paano siya dumiskarte. Alam din ng lahat
kung ano ang gusto niya sa mga babae, pero nagpapauto parin ang mga ito. Parang na
hypnotize lang Ang nakakainis pa dito, si Candice pa talagaAyaw ko sa biach na
yanAlam mo yun? May mga tao lang talagang ayaw mo na lang bigla. Unang tingin mo pa
lang, di mo na siya agad feel Ganun yung feeling ko sa kanya

Pero mas kamukha mo siya kung itatali mo ang buhok mo. Ngumisi si Bench habang
hinahawakan at inayos ang buhok ni Candice, may dalang chancing pa

Naku naman

Bench Tinawag ko na. Inuuhaw ako. Can you please get our water. Sabi ko at
ngumiti. Plastik.

Sa lahat ng taong kilala ko, si Bench lang ang nakakabasa sa mga plastik kong
ngiti. Tiniklop ko ang braso ko at itinaas ang isang kilay habang tinitignan ko si
Bench.

Ill be right back, baby. Sabi niya kay Candice.

Ngumiti si Candice kay Bench at pagkaalis nito ay tumingin na sakin.

Are you jealous? Tanong niya. Sumisingit ka pa eh

Ayan Yan yung ayaw ko sa kanya Kung makapagsalita, akala niya ang ganda niya. Yes,
maganda siya, totoo. Model type, matangkad, matangos ang ilong, makintab ang buhok.
Lahat. Hindi naman yun dumidiskarte si Bench kung di maganda. Okay lang sakin kahit
sino...Amanda Myers, Janice Villanueva, Tina Tiuat kung sinu-sino pang mga sikat na
babae niya noon. Walang pinalagpas si Bench, lahat pinatulan niya, pinaiyak. Wala
akong pakealam Pero ito kasing si Candice, isa siya sa rivals ko sa school noong
high school

Classmate na kami ngayong college at inaagaw niya ang atensyon ng mga tao sa
pamamagitan ng pag momodelo at pagpapakita sa ibat-ibang fashion blogs Okay lang
sakin na paiyakin siya ni Bench SYEMPRE Nyahahaha Ang ayoko lang ay dahil siya si
Candice - annoying feelingera Ipagkakalat niya na in love si Bench sa kanya, kahit
di naman talaga AAHHH Kahit sino Bench, wag lang tong sang to

No Im not Why would I be? Besides, gusto ka lang naman niyang ikama.

Ang sabihin mo... inggit ka lang kasi walang nangliligaw sayo Tumawa pa siya.

KAINIS PASALAMAT SIYA AT BINALAAN KO SIYA

Okay then Go get Bench Sa huli, ikaw ang iiyak. At sa panahong yun, pagtatawanan
kita habang humahalik ka sa lupa.

Pagkatapos kong sabihin yun, dumating agad si Bench.

Heres your water. Sabay abot sakin.

Matalas parin ang tinginan namin ni Candice.

Hey hey hey Anong nangyari sa inyo? Tumawa si Bench. Easy... Sabay hawak sa
baywang ko.

I think this girl is crazy about you, Bench. Tinuro ako ni Candice. Siniraan ka
niya sakin.

Easy... Sabi ni Bench. Dont worry bout her... ganyan talaga siya. Eto... Binagay
niya ang calling card niya. Just text me up, mmmkay? Kumindat si Bench at hinila
ako palayo sa kay Candice.

Whats wrong with you? Tanong niya sakin.

Nakahawak parin siya sa baywang ko.

Chansing ka talagang unggoy ka Tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko.

Di ka naman ganito noon ah? No comment ka sa girls ko. Why now? Tanong niya ng
nakangisi.

Because I just hate her Sabi ko.

Nasa lob kami ng sasakyan niya.

Why?

Natahimik ako. Hindi ko kasi alam basta ayaw ko lang sa babaeng yun

Wala naman akong sineseryoso diba? one-week-girlfrends nga diba? you dont have to
deal with her forever.

Ngumisi siya kaya hinampas ko ng stufftoy kong iniwan ko sa sasakyan niya.

Okay, okay, I wont date her.. Humalakhak ang unggoy at inayos ang buhok niyang
kakahaircut lang kahapon.

Sa sobrang gwapo niya maraming nagkakandarapa sa kanya. Samahan pa ng pagiging


madiskarte, pera at hotness, marami talagang magpapaloko. Sa sobrang dami, di ko na
malaman kung ilan na ang naging girlfriend niya. Ilan na rin kaya ang ninakawan
niya ng virginity? Sagad sa buto ang kagwapuhan at hotness niya. Gym nang gym Yummy
ang katawan at kumpleto ang abs Wala ka ng hihingin pa sa kanya. Lahat yata
mahuhulog sa mga mata niyang mala-demonyo. Alam mong manyakis pero maginoo naman
kaya sige ka nang sige. Sugal kahit alam mong mali.At sa huli, uuwi kang
luhaan.Wala ka ng magagawa kasi tapos na.

Date her. Patagalin mo... para mas masakit. Sabi ko.

Tumingin siya sakin with his evil smile.

If thats what you wish.

At eto pa... hindi ko alam kung bakit sunod siya nang sunod sa utos ko.Benjamin
Jimenez. Evil... Denise Cordelia Gozon... more... evil.

***************

*** Stage 3. *** (3 pages)

Stage 3.

That was an observation

Lets go Nasa gitna namin ni Bench si Eliana papasok sa Core.

Balak naming mag bar hop ngayon at ito ang unang bar na pinuntahan namin. Papasok
palang, naagaw na namin ang tingin at atensyon ng mga tao lalong lalo na ang mga
schoolmates kong nandun.

So, Eli... This is called a bar-- Binatukan ko si Bench.

Tigilan mo nga si Eliana, Bench Nakangisi ito habang tinitignan ako. Alam niya. Di
siya ganun ka ignorante. Sabi ko.

Harsh mo namang magsalita. Nag-sad face si Eliana pero ngumiti din.Oo. Alam ko na
to. Sa internet tsaka sa magazines no. Everyone is dancing, drinking and smoking.
Sabi niya.

Well of course you dont have to do all that. Sabi ni Bench. Just dance... drink...
a little.

Tumango ako.Palingon-lingon si Benchhabang sinasabi niya ang mga iyon. Narealize


kong nandun pala si Candice Parang nakita ko siya sa crowd Maraming nakatingin
samin at alam kong curious sila sa kay Eliana.

Maganda si Eliana. Matangkad ng konti sakin. Mahaba ang buhok. Natural na brown ang
buhok niya. Matangos ang ilong at maputi. Ganun talaga ang karaniwang description
sa pamilya nila. Litaw na litaw ang dugong espanyol.

So...-

So aalis ka na kasi maghahanap ka na naman ng bagong biktima? Inunahan ko si Bench.


Shoo

Ngumisi siya. Ayan na naman ang the-look niya. Ganyan siya sa tuwing may biktimang
nakikita.

Lets meet here ater one hour. Sabi ni Bench.


Aryt Sabi ko.

Umalis siya at pumunta doon sa banda kung saan ko nakita si Candice. Naaninaw ko
din yung mga kaibigan ko...

Denise Excited silang lumapit sakin.

Ngumiti ako at ipinakita si Eliana. This is Eliana Jimenez. Sabi ko. El, si
Tanika, Abby at Nina.

Naglahad sila isa-isa ng kamay. Nag order si Nina ng margarita at pinainum si El.
Syempre, ang mga kaibigan kong to, alam kong excited lang sila dahil kay Eliana.
Alam din nilang pinsan to ni Bench. Si Bench naman, aside sa halos public figure na
siya, marami pang kaibigang mayaman at sikat. Sa mga babaeng social climber na
hindi pinalad na maging si Denise Gozon, langit na sa kanila ang sumunod sakin at
halos sambahin ako.

Wheres Benj Jimenez?

Trivia: Ang tunay na nickname ni Bench ay Benj. Bench ang tawag ko kaya nahawa na
rin ang halos kalahati ng populasyon.

Hes with Candice. Sabi ko.

Nakita kong dinala na ni Tanika at Abby si Eliana sa dancefloor.

What? Kakabreak lang nila ni Phoebe ah?

Tinignan ko na lang si Nina habang nilagok ang Margarita. Whats new...

Hinayaan ko si Eliana na sumayaw sa dancefloor. Hindi naman talaga ako interesado


masyado sa bars. Si Bench itong maimpluwensya kaya palagi ako dito. Marami ding
hanga sakin. Straight As yung mga grades ko sa school kahit na sobrang dalas ako sa
mga bars. Ganun talaga.

Naupo ako malapit sa bartender habang tinitignan sina Eliana. Parang nagwawala sa
dancefloor.

Sa tuwing nagba-barhop kami. Ako ang pinakasikat. Umiinom din pero di ako tulad
nila. Hindi ako umiinom ng higit pa sa kaya ko. Sigurista ako. Lahat sila wasted,
ako lang ang sober. You need to be wiser to be on top.

Hi, Denise. Sabi ng biglang umupo sa harapan ko.

He offered me a shot of another margarita. Magtatatlong baso na ako.

Ngumiti ako sa lalaking gwapo sa harapan ko.Si Lance Ramos.

Do I know you? Sabi ko.

Syempre. Kilala ko siya Kinabahan nga ako bigla nang lumapit siya.THIS IS THE
FIRST TIME EVER NA LUMAPIT SIYA SAKIN.Actually, ilang beses na akong nalapitan ng
lalaki, pero hanggang dun lang yun. Hindi tulad ngayon.

Lance Ramos. Naglahad siya ng kamay.

Pinilit kong magmukhang annoyed kahit ang sarap sa pakiramdam

You know, crush kita, noon pa. Ngumiti siya.


Dont be too fast. Im not drunk. Sabi ko.

Tumawa siya.

Wish to hang out with you... anywhere. sa school maybe. Pero masyado kang busy eh.

Nagkibit balikat ako. Ininum niya ang beer na hawak niya.

Thats too bad. Sabi ko habang nakapangalumbaba at pinaglaruan ang lemon ng


margarita.

Maybe we could exchange num-

Denise... Bench interrupted.

Di lang yun, hinila niya ang braso ko kaya napatayo ako.

What? Gumuho talaga yung mundo ko.

Bwisit na Bench.Magharutan pa kayo dun ni Candice Malapit na kaming magkaigihan ni


Lance-gwapo eh Imbis na minsan lang yun saisang dekadangmangyari...ipinagkait pa

Itinuro niya si Eliana.

Mali ako. Wala siyang gusto sakin. HAHA

Shes been dancing like a sl?t Ilan na kaya ang nainom niyan? Tumawa siya pero agad
sumugod para pigilan ang pinsan niya.

Napasugod na rin ako at hinila naming dalawa si Eliana Jimenez palabas ng bar.
Shes wasted.

Dads gonna kill me. Sabi niya. Pag may media.

Zigzag ang lakad ni Eliana.

Youre too busy flirting with Lance.

Are you blaming me?

Wala akong sinabi. That... was an observation.

Nakakunot ang noo ko pero nakaya niya pang ngumisi habang pinahiga namin si Eliana
sa loob ng SUV.

Lets go home. Aniya.

Sumakay kami. Nasa front seat ako. Si Bench ang magd-drive.

Ano? Napainlove mo na ba si Candice? Tanong ko.

What do you think?

Ipinakita niya ang iPhone niyang may conversation:

--See you in my condo later tonight?

Yes sure-- (Candice San Juan)


As you wish. Pinaandar niya ang sasakyan.

That fast.

***************

*** Stage 4. *** (2 pages)

Stage 4.

Lets just hang out.

SiBenjamin S. Jimenez, tagapagmana ng overall ari-arian ng ama at ina niya dahil


first born sa pamilya. Only son. Pamangkin ni Governor Vilfred Cruz. Mayayaman ang
mga Jimenez. Mas yumaman lang sila dahil madiskarte ang papa ni Bench. Lumago ang
negosyo nila at dumami ang lupain.

Noong bata pa kami, di siya masyadong nagsasalita. Pero kapag nagsalita siya,
wagas naman sa banat at pang-iinis. Nagsimula kami sa mga batang away nang away.
Ilang beses ko siyang napaiyak noon dahil sa pagsusumbong ko sa Dad niya.
Pinapagalitan siya agad nito pag inaaway ako.

Nang nag teenager kami, nagsimula na siyang magbinata. Di mahirap bihagin ang mga
babae para sa kanya. Mayaman, matangkad, gwapa, dimples, killer smile, killer
eyes,hot, angas at diskarte. Kumpleto siya.Mahilig siya sa sports: basketball,
bowling, frizbee, swimming... etc.

Kinatok ko ang pintuan ng condo niya. Tatlong beses. Walang sumasagot. Bihis na
bihis ako, 7:00am sa umaga. First day of school. Mamaya pa ang klase kaso excited
si Eliana. Susunduin kasi namin siya ni Bench.

Kinuha ko ang susi ko sa condo niya. Yep... mero ako niyan

Bench

Dumiretso ako sa kwarto niya. Malinis ang kanyang condo. Walang bakas ng ano mang
paghaharutan kagabi.

Uhmm. Umungol siya nang binuksan ko ang pintuan. Walang damit pang-itaas at hula
ko boxers lang ang suot. Natabunan kasi ng kumot niya ang ibaba.

Tayo na Binuksan ko ang blinds kaya lumiwanag ang kwarto niya. How was last night?

Mmmmkay.

Tinignan ko ang cellphone. Ang mokong Daming katext

Candice:Thank you... I love you.

Hinagis ko sa dibdib niya ang iPhone kaya nabigla siya at tumayo. Humikab pa ito
at ginulo ang buhok.

Lets go na Yinugyog ko ang katawan niya pero hinila niya ako palapit sa kanya at
humiga ulit ito. AHH Muntik ko na ngang mahalikan eh.
Sinampal ko na.

Okay... okay Tumakbo ito sa banyo.

Naka boxers nga lang. Napailing ako.

Bench... Papuntahin mo dito si Manang para malinisan na tong... condo mo.

Inayos ko ang higaan niya.

Sayang talaga kagabi Lance Ramos na talaga yun... Haaay Sabi ko nang nandun na
kami sa loob ng sasakyan niya.

Di ka pa ba nadadala? Yung mga nagtatangkang makipag friends sayong type mo di


natutuloy... Evil smile habang nagstop kami sa traffic light.

Nagkakataon lang yun.

Pagkatapos naming sinundo si Eliana at nagpuntang school... narealize kong totoo


ang sinabi ni Bench.

Bye El Ingat ka ha? Dont forget, ayt? Yung mga tips ko. Sabi ko nang nidrop namin
siya ni Bench sa unang klase niya.

Excited siya at tango lang nang tango. May hangover pa yata to eh.

Wala namang pasok today eh. Lets just hang out. Sabi ni Bench papalayo kami sa
room ni Eliana.

Habang sinasabi niya yun, parang nakita ko si Lance na dumaan sa maraming tao.
Naririnig ko rin ang iPhone ni Bench na kanina pa nagri-ring.

Yan si Bench at Denise...blahblahblah Freshmen. Tsk. Sikat talaga kami.

Ngumiti siyang lumabas ang dimples.

Kinuha ko sa bulsa niya ang iPhone niya.

Its Candice Sagutin mo. Hang out with her. Make her fall harder Sabi ko at umalis
sa harapan niya para hanapin si Lance.

Di ko na siya pinasagot.

At tama siya sa sinabi niya kanina...

Nagtagpo ang landas namin ni Lance... pero ni hindi niya ako pinansin Sa inis ko
nung araw na yun, sinira ko na rin ang araw ng mga kaibigan ko.

Iwan mo na nga yung boyfriend mo, Nina Hindi ka niya masyadong tinitext diba? Hindi
ka niya mahal Sabi ko. Bitter.

Sobra ka naman, Denise. Sabi ni Tanika. Di naman ganyan lagi eh. Tsaka... ganun
talaga pag long time bf mo na.

Hay Ewan ko sa iyo, Nina. Basta kung ako sayo... iiwan ko na siya. Hula ko may iba
siya kaya siya ganyan.

Halos di makangiti si Nina sakin. Alam ko ang iniisip nila. Alam nilang di pa ako
kailanman nagkaboyfriend o niligawan man lang. Kahit anong sabihin ko about
relationships ay invalid kasi wala akong karanasan Wala naman akong pakealam kung
di ako magkaboyfriend eh. Im contented with being on top of my social circle.

Habang nakasimangot ako sa cafe... nakita ko ang diretsong tingin ni Candice


sakin. Nakataas ang isang kilay. Sa tabi niya ay ang makinang na lalaking pangarap
ang lahat. Naagaw nila ang atensyon ng madlang tao...Benjamin Jimenez with his new
girl.

Kala niya naman. Bitter kong binulong sa sarili.

***************

*** Stage 5. *** (2 pages)

Stage 5.

Paranoid mo naman.

Pagkalipas ng isang buwan, mejo nasasanay na si Eliana sa dami ng tao at sa iaasal


niya sa mga ito. Nagkaroon din siya ng maraming kaibigan sa klase niya. Narealize
ko yun nang naabutan ko siyang nakikipag-usap sa mga kaklase niya. Pinapalibutan
siya ng mga ito, mapa babae man o lalaki. Aniya marami din daw nag ti-text sa
kanya.

Eliana. Tinawag ko siya galing sa labas ng classroom nila.

Iniwan niya ang mga kaklase niya at sumama sakin.

Wheres Bench? Tanong niya.

With Candice, most likely. Sabi ko.

Walang development TamaWala parin akong matanggap na feedback galing kay


Lance.Wala na talagang pag-asa kaya lulubayan ko na ang pag-iisip ko sa kanya.
Nabigla naman ako dun sa may biglang bumuhos sa damit ko

What the? Hinayupak

Nakakabadtrip Ang sarapibullykung sino man siya Halos lahat ng taong nakakita ay
napanganga.

Unti-unti kong inabsorb ang lahat at tinignan kung sino ang nakadisgrasya sakin.

Mali.Di siya disgrasya.Nang nakita kong halos ngumisi si Candice sa harapan ko


hawak-hawak ang isang lata ng Pepsi, napakunot ang noo ko.

Ano bang problema mo?

Ikaw ang problema ko Paharang-harang ka sa dinadaanan ko eh

Basang-basa ang lower part ng top ko sa softdrinks niya.

Ang luwang ng daanan, tas sinabi mong humaharang kami? Singit ni Eliana.
Binalewala ito ni Candice. Alam niya yatang pinsan niya si Bench.

Ngumisi ako. Hinawakan bigla ang lata ng Pepsi na dala niya at binuhos ang natira
sa mukha niya.

Paharang-harang ka sa paningin ko

Hinila ko si Eliana paalis sa scene. Narinig ko ang tili ni Candice sa inis.

Linagpasan ko ang mga nagtsismisan at nakita ko si Bench sa dulo ng mga tao.


Nakangisi.

Leche ka Anong problema nung girlfriend mo at napagbuntunan ako?

Tumawa silang dalawa ni Eliana.

Napagbuntunan ka o siya ang napagbuntunan mo? Sabi ni Eliana. Siya yata ang natalo
eh.

Umirap na lang ako sa kawalan. Di parin naaalis sa isip ko ang basa kong top.

Ang tagal kasi nung mga utos mo. Okay na ba yung one month? Nag lie low na ako sa
kanya eh. Sabi ni Bench.

At bakit ako nasali?

Ewan ko ba dun. Humalakhak ito.

Hindi nagtatanda, nakakainis Wag mo muna siyang i-break. Patagalin mo pa.


Pahirapan mo. Hanggang manisay siya diyan at kaawaan ng lahat. Sabi ko.

Yes, maam.

Napailing si Eliana.

Ibang klase talaga kayong dalawa. Hindi niyo yata kayang mabuhay ng wala ang isat-
isa. Sinabi niya yun ng parang di sinasadya.

Nakita niya kasing kumaway yung sandamukal na classmates niyang puro weird, nerd
at nasabi ko na ba yung weeeiirrrd?

Uy Hello Excited naman si hija.

Lika Sumama ka samin, mag mo-movie marathon kami dun sa gazebo Sabi nung isang
weird. Weird number 1.

Movie marathon? Sa Gazebo? Sumingit pa talaga ako. May pandidiri pa sa mukha ko.

Napawi ang ngiti ng lahat ng weird sa mundo.

Anong i-mo-movie marathon niyo? Wall-E? At bakit sa gazebo?-

Uhhh. Eto nga pala si- Di pa natapos si Eliana sa pagpapakilala sakin...

Denise Gozon. Bench Jimenez. Sabi nung weird number 2.

Are you stalking me? Mas lalong nakakadiring tingin sa kanila.

Halos matawa si Bench sa likuran ko.


Hindi. Kilala ka ng lahat. Weird number 3.

OMG. As in? Pati yung mga samahan ng mga weird?

Tama na Denise... Halos matawa si Eliana.

Pero seryoso ako What? Dont tell me sasama siya diyan sa mga weird?

Pasensya na talaga kayo sa kanya ah? Ganyan talaga siya. Hehe Sige bah Sama ako.
Denise, Bench, hintayin niyo ko please? Puppy eyes.

Ako naman... nandidiri-look.

Okay fine.

Umalis din sila.

Hula ko sa halos sampung weird na kasama niya may isang nagkukunwaring weird para
lang makasama at makaclose si Eliana.

Paranoid mo naman. Tumawa si Bench.

Im not paranoid. Alam ko. Alam na alam ko ang mga hasang ng mga tao sa school na
to.

Nagwifi ako sa cellphone ko para ipakita kay Bench ang sinsabi ko.

Ilang blogs ang nakita ko agad na may lamang balita tungkol kanina.

See?

Denise Gozon, binuhusan ng Coke si Candice San Juan.

Mga blog to ng mga kaibigan niyang naninira sakin. Binuhusan ko siya dahil
binuhusan niya ako.And its not Coke... its Pepsi. Umiling ako.

Pati yung Coke at Pepsi, damay sa mga maling nakita mo. HAHA

Tumawa si Bench. Nakakunot ang noo ko.

Marami akong kaibigan... baka akala niyo puro bad things ang ginagawa ko. Mabuti
din ako sa mga mabuti sakin. Pero syempre, halos lahat ng tao dito nangangarap
maging ako, kaya di maiiwasan na may manira sakin.

***************

*** Stage 6. *** (2 pages)

Stage 6.

Paano mo yun ginagawa?

Laganap sa Facebook ang tsismis tungkol sakin.


Inaway ko daw ng sobra sobra si Candice San Juan. Ang walang hiya, nagpost pa ng
video sa Youtube na sinasabing hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.

That... b1tch

Tinype ko sa status ko:

Poor girl. Cant accept that his boyfriend likes someone else. Now attacking me to
conceal the truth.

HAHAHA Sumali na rin yung mga kampon ko sa status at iba pang supporters Isang
minuto ko pa lang na post, ang dami na nagcomment GRABE Hindi na ako nagcomment
ulit. Hula daw nila si Candice ang pinariringgan ko. Wala naman akong sinabing
pangalan kaya bahala kayo diyan.

Kahit na di naman totoo na may ibang babae si Bench. Bahala na

Kriiing-Kriiing

Hello?

Si Eliana.

Where are you? Tanong niya.

Coffee Bean. Oorder lang ng frappe tapos babalik ng school para sa last class
namin ni Bench. Sabi ko.

Habang kinakausap ko siya, kumaway si Barbie Cortez sakin. Isang Brazilian model
na kakilala namin ng bff kong si Ara.

Call you later, Eli. Oorder lang ako. At binaba ko ang telephone.

Hey Pumunta siya sakin.

Hi Kumusta? Tanong ko.

Part na naman ng social climbing. Ang social niya kasi. Tumataginting na


Balenciagang bag at heels na Jimmy Choo ang napuna ko agad.

Buti nakita kita Sabi niya.

Bakit? You need something? Tanong ko.

Kasi... I need Bench for a shoot.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I know Shes using me to get to Bench.

Shoot? What shoot? Tanong ko.

Sa isang clothing line for beach wears. Sa bora yun. Call me if hes available next
Saturday.

Now that she mentioned it... pwedeng pwede May plano ako. At kasing baho ng plano
ko ang dagang nabubulok.

Ngumisi ako.

Okay, Ill contact you.


Kinuha ko ang frappe ko at umalis na. Kamuntik na pala akong malate sa klase.

Nag quiz kami agad pagdating ko kaya di na nakahirit si Bench sa pagtatanong


sakin.

Who got the highest score? Tanong ng Professor.

Saan ka galing? Tanong ni Bench.

Hinahawakan niya pa ang ballpen niya nang tinanong ako. Di ko siya agad sinagot.
Hinintay ko pa ang sagot ng mga kaklase ko sa tanong ni Prof.

Denise Gozon. Sabi ng mga kaklase ko.

Whats her score? Tumingin ako sa kaklase kong nagcheck ng papel ko.

No worng.

Nagtinginan silang lahat sakin. Ngumisi na lang ako.

Pass your papers. Dismissed.

Paano mo yun ginagawa? Tanong ni Bench sakin habang kinuha yung mga books kong
nakalatag sa desk.

Nagkibit-balikat ako.

Just like how you do it... but better. Ngumisi ako sa kanya. Isang wrong lang yung
sayo.

Ako kasi nag check sa paper niya. Umalis kami ng room. Habang papunta kami kina
Eliana... yinaya ko na siya sa offer ni Barbie.

Whoa You sure?

Yep Weekend lang naman eh. Pumayag ka na Sabi ko.

Bakit? Tanong niya.

Basta

Sasama ka?

Oo At... isama mo si Candice. Sabi ko.

Huh? Baka mapuno lang ako sa catfight niyo. Kuntento na ako sayo. Tumawa siya.

Isama mo siya. Iginiit ko.

Ngumisi siya.

I smell something fishy...

Ngumiti na rin ako.

Aryt

Im soooo excited HAHAHA Halos mapatili ako sa pagpayag ni Bench Let the hunger
games begin nyahahaha

***************

*** Stage 7. *** (3 pages)

Stage 7.

Why are you so hot?

Youre late. Sabi ni Bench sakin.

Pareho kaming dalawa naka Wayfarer. Si Candice, nalaglag ang panga nang nakita
niya akong dumating.

Bat siya nandito?

Of course. Ako ang nagyaya sa kanya, ako pa yung aabsent?

Halos umusok yung ilong niya at di na mapakali.

Lets just go. Hayaan mo na yang si Denise. Hinawakan ni Bench ang baywang ni
Candice at nagsimulang maglakad sa isa sa mga plane nila.

Oo. May ari ang mga Jimenez ng isa sa mga matagal ng airlines dito sa Pilipinas.

Umupo ako sa likuran nina Bench. Silang dalawa nasa harapan ko, naglalampungan.

Respeto naman, Bench. Sabi ko nang tinanggal ko ang Wayfarers at lumipad na ang
airplane.

Natawa siya. Tumayo siya at mukhang magC-CR yata... yun pala... bumalik siya na
may inabot sakin. Walang imik lang na inabot niya sakin ang isang pares ng Reef na
tsinelas.

Thanks. I need it.

Tumango na lang siya at nagsimulang makipaglampungan ulit kay Candice.

Umiling na lang ako at tumingin sa mga ulap na parang cotton candy. Mabuti na lang
di matagal yung byahe. Dumating kami agad sa bora. Tumanggi si Bench sa alok ng Dad
niyang sa resthouse na nila kami tutuloy. Aniya, mas maganda daw yung malapit lang
sa lugar kung saan isho-shoot yung photoshoot nila.

Alam mo ba kung bakit tayo nandito? Tanong ko kay Candice.

Pinagpatuloy ko parin kahit alam kong inis na siya... ang totoo pala...
pinagpatuloy ko kasi alam kong naiinis na siya.

Oo Sabi niya na may tonong parang sinasabing ako yung walang alam.

Ngumiti ako, Wag kang magseselos ah?

Bat ako magseselos? Duh? Im not like you.


Well see about that.

Lumapit ako sa paparating na si Barbie at nakipagbeso. Nagbeso din siya kay Bench.

Alam kong may hidden desire tong si Barbie kay Bench at yun ang gagamitin ko laban
kay Candice. Pababagsakin ko siya...

Candice, this is Barbie. Yung model na tinutukoy ko. Barbie, Candice, my


girlfriend. Sabi ni Bench.

Natawa si Barbie at pinagtaasan ng kilay si Candice. Naglahad ng kamay si Barbie


pero di to pinansin ni Candice Nakakatawa nga eh HAHAAwkwaaaard

Uh... Mag chi-check in lang kami. Sabi ni Bench.

Inspeaking of that... ibig sabihin ba ng check in na yan ay ako sa isang kwarto


tapos silang dalawa sa isang kwarto din?

One room for three. Yung pinakamaganda. Sabi ni Bench sa frontdesk ng resort kung
saan nakacheck in din si Barbie.

Ang mokong nakaevil smile at nakatingin sakin Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa
isipan ko.

Miss. Pwede yung two separate beds an room? Thanks. Pinandilatan ko ang manyak na
tingin ni Bench sakin.

Im used to it.

Agad kaming nagpunta sa kwaro. As usual, high end na kwarto talaga ang pinili ni
Bench. Ganun naman talaga parati. Palibhasa mayaman. Ako dito nagpapalibre lang.
Kahit tong soot kong tsinelas na mamahalin, galing pa sa kanya. Who cares, as long
as di ako humihingi ng kahit ano sa kanya. Siya lang tong bili nang bili para
sakin.

Nice. Sabi niya nang nakitang soot ko ang binili niya.

Mas nice sana ang trip na to kung tayo lang dalawa, Bench. Singit ng walang alam
na si Candice.

Napawi tuloy yung saya ko sa ibinigay niya.

Wag kang mag-alala, just pretend that Im a ghost. Umirap ako at lumabas na para
makasagap ng preskong hangin. Umupo ako sa buhangin at pinaglaruan na lang ang
Instagram ng phone ko. Ang daming tao Pero di na ako makapaghintay sa shoot nila ni
Bench. At sa... scene kung meron man.

Ilang sandali, napatayo ako nang nakita ko si Barbie na naka twopiece na at may
dalang surfboards. Anlaki ng boobs niya, kaya siya lapitin sa mga ganitong shoot.
Si Bench naman, perpekto ang katawan. Triceps, abs... name it he has it.

Ready?

Akala ko naman ako yung tinanong ni Barbie, yun naman pala, si Bench nasa likuran
ko naka boardshorts, topless, kumikinang yung katawan. Halos malaglag ang panga ko.
Imbis na titigan ko siya, inalis ko na lang agad ang mata ko sa kanya kasi alam
kong ngingisi lalo yun sakin pag nakita akong nakatitig sa kanya.

Nilagpasan nila ako at sumunod na kay Barbie. Nakahawak siya sa balikat ni


Candice.

Napabuntong-hininga ako, iling at nagkagoosebumps.

Bakit? Ang gwapo kasi talaga ng mokong Ang gwapo gwapo gwapo niya na hindi ko
kayang di siya tignan. Makisig siya, malakas ang dating, sagad sa buto ang pagiging
matipuno.

Aryt Thats good Great

Halos walong photographer ang nandun at nakapaligid sa kay Bench at Barbie.

Nacurious tuloy ako sa reaksyon ni Candice nang nakitang ang boyfriend niya ay
mukhang sinusuyo at kumakarinyo sa ibang babae.

Alam mo... Tinabihan ko siya at naisipang gatungan. May HD si Barbie kay Bench.

Anong HD? Mata niyay nakatuon parin sa dalawa.

Hidden desire.

Wag mo nga akong lokohin.

Hindi kita niloloko no. Sinasabi ko lang ang totoo. Nung highschool pa lang. Sabi
ko.

Ano naman ngayon, ilang years na ang nakalipas noh

Hmmm. Well, may point ka. Mukhang 4th year highschool tayo nang nakita ko sila sa
corridor ng school nila na naglalampungan. Akala ko nga sila eh, di naman pala.
Sabi ni Bench... hindi niya daw kaya ligawan si Barbie. Siguro dahil totoong mahal
niya ito.

WAAHAHAHA Sobra na to Halos sumabog ang bibig ko sa tawa kaya tinikom ko to ng


maayos pagkatapos kong magsalita. Totoong nakita ko ang dalawang naglalampungan
noon pero dagdag lang yung iba. HAHA Si Candice umuusok na talaga ang tenga Totoo
Nakita kong gumalaw ang muscles niya sa pisngi na para bang gusto niyang tadtarin
ang dalawang tinutukso ang isat isa sa harapan niya.

Umalis siya sa galit. Ako na lang ang natira dito at di ko mapigilang tumawa. Para
akong baliw. HAHAHA

Anong nangyayari sayo? Tanong ni Bench sa gitna ng isang break.

Wala lang.

Bat ang saya mo yata?

Bawal ba?

Tinaas ko ang isa kong kilay. Kanina ko pa napapansing di mainit ang araw ngayon.
Cloudy. Kaya sasamantalahin ko to para makapagswimming sa dagat. Tapos na ang
misyon ko, at malalaman niyo ang resulta mamaya.

Bench, will you hold this for me? Sabay abot sa cellphone kong dala.

Kinuha niya naman. Hinubad ko ang soot kong dress. May two-piece kasi sa loob
nito.
Ill just take a dip.

Yung mga mata niyang mapupungay ang agad kong namatyagan paghubad ng dress ko.
Unti-unti siya ngumiti.

Sama ako? Sabi niya.

Binatukan ko na

Wag mo nga akong manyakan, please?

Tumawa siya nang papalayo na ako. Sinigawan pa talaga ako...

Why are you so hot?

Sarap mag dirty finger sa kanya nang sinabi niya yun. Bistado ko na ang lahat ng
diskarte niya. Alam na alam ko ang pasikot-sikot sa utak niya. Kabisado ko ang
hasang niya kaya, bukod sa mga barkada niyang lalaki, ako lang ang sinusunod at
palagi niyang sinasamahan.

***************

*** Stage 8. *** (2 pages)

Stage 8.

Lets party tonight?

Pagkabalik ko galing swimming, narealize kong nandun na sila sa isang seafood


restaurant, kumakain. Pero si Bench, inabangan ako para ibigay yung dress ko.

Inakbayan pa ako ng mokong.

Tigilan mo nga ako. Una ka na sa resto. Magbibihis lang ako sa kwarto. Sabi ko.

Sama ako-

Tseh

Iniwan ko na siya. Buti at sinunod niya naman ang utos ko.

Nagbihis ako at nagmadali ng pumunta sa resto. Ginugutom na ako. Paano ba kasi ang
tagal natapos nung shoot. Halos makarating na ako sa kabilang isla sa paglalangoy
ko,joke, OA. haha halos dalawang oras. Alas kwatro na ngayon-este-alas singko.
Isang oras pala ako sa banyo.

Pumasok ako sa resto, parang pista lang yung mga pagkain. Uupo na sana ako nang
nakita ko ang scene na hinahanap ko.

Youre purposely doing this Sigaw ni Candice.

Dinig na dinig ko ang music sa resto na highclass pero mas dinig ko yung sigaw
niya. Nakahawak si bench sa isang braso niya habang nanggagalaiti si Candice. Si
Barbie naman ay nakangisi sa harapan niya.
Wag kang ngingisi ngisi diyan Alam kong matagal mo ng gusto si Bench

Stop it, Candice Youre making a scene. Seryosong sinabi ni Bench.

Bat di siya ang sinasabihan mo ng stop? Tumingin si Candice kay Barbie. Halos
mangiyak-ngiyak na Monthsary namin ni Brent next week Mag dadalawang buwan na kami
Matagal na kami Wala pa siyang sineryoso...ever

Nabigla ako sa sinabi ni Candice. Parang may naalala agad ako.ever.

At ikaw, isa ka lang sa obstacles ng relasyon namin

Hindi na talaga napigilan ni Barbie ang kanyang tawa Sumabog siya sa kakatawa.
Natigilan na halos lahat ng tao sa resto para tignan ang commotion.

Kinuha ko na agad ang iPhone ko para mapicturan ang hinihintay kong scene. Lumapit
ako.

How dare you Sasampalin na sana ni Candice si Barbie nang napigilan ni Bench ang
kamay niya

Gotcha Bulong ko sa sarili ko.

Humalakhak pa ako. Hindi nagpahalata NYAHAHA

Kinakampihan mo ba siya, Bench? Mas lalong tumaas ang boses ni Candice.

Umiling si Bench. Seryoso ang mokong. Naapektuhan din naman pala siya. LOL Oo
naman, syempre alam kong may feelings din siya.

Then why are you defending her?

Napabuntong-hininga si Bench. Ako naman, busy sa pagfoforward ng picture


kinaTanika, Abby at Nina.

Text:

Ipakalat niyo. Candice, crying... Ipinagpalit ni Bench sa isang Brazilian model.


Kawawa naman. Here in bora. So Sad. NYAHAHA

Tinago ko talaga yung phone ko nang nakita kong tinitigan ako ni Bench sa
kalagitnaan ng commotion.

Sumagot ka AHHH Umalis si Candice sa humiliation.

Nabadtrip din yata si Bench kaya umalis. Si Barbie lang at ako ang natira para
kumain. Agad kong inubos ang pagkain ko.

Abby (text):

Nakalat na sa net. Grabe maka react yung mga tao

Tanika (text):

Youre in bora?

Nina (text):

Grabe sila Kakampi mo na sila


Halos matawa ako, kundi ko lang nakita si Bench sa harapan ko habang naglalakad at
hinahanap siya.

You look happy. Seryoso niyang sinabi.

Hinahanap kita. Saan ka nagpunta? Tanong ko.

Agad kong sineryoso ang mukha ko at linagay ang cellphone sa bulsa.

Got slapped by Candice, twice. Kinausap ko siya.

Tapos? Anong nangyari?

I dont know. Nandyan lang siya sa tabi-tabi, umiiyak.

Its not like its the first time na nagpaiyak siya ng babae. Ilang beses na nga
diba? Nung highschool pa, tapos ngayong nasa college na kami,18 years ng nabubuhay,
ganun parin ang ginagawa niya. Naguilty naman ako sa mukha niya ngayon. Parang
biyernes santo lang. Kawawang Bench. Utos ko pa naman yun. Guilty din ako no Pero
wala na akong magagawa kasi nangyari na.

Im sorry.

Nagpacute ang mokong at umaliwalas ang mukha.

The sun is setting... Gabi na maya-maya. Lets party tonight? Ngumisi siya.

Sure

***************

*** Stage 9. *** (3 pages)

Stage 9.

Call me.

Nagpunta kami ni Bench sa isang Beach bar. The Tavern. Ang daming tao May mga
kilala pa si Bench dun. Kilala naman kasi yung pamilya niya. Ngumingiti din sakin
kasi kasunod ng pangalang Bench Jimenez ay ang Denise Gozon.

Sayawan dito, sayawan doon. Inom dito, inom doon. Heto si Bench at nakailang lagok
na. Hindi pa lumalagpas ng isang oras ay halos maubos niya na lahat ng inumin.

Ganyan siya. Sa tuwing may makikipagbreak o ibi-break niya, tri-triple ang iniinom
niya.

Para ka lang iniwan ng mahal mo ah? Humalakhak ako.

Its a hobby. Ngumisi siya at lumipad agad ang mata sa mga babaeng nasa dancefloor.

Umiling na lang ako. World record talaga at umabot sa halos dalawang buwan sila ni
Candice. Ako naman yung may pakana kasi inutos ko sa kanya yun.
In love ka ba sa kanya? Pabirong tanong ko.

Tumingin siya sakin.

Alam mo naman ang sagot, tinatanong mo pa. Linagok niya ang isa pang shot.

Alam kong hindi.

Dont get too excited, ayt? Makikipagsayawan lang ako. wag kang aalis at sumama sa
kahit sino dito.

I gave him a ridiculous look then he pinched my nose.Umalis ang manyak at hayun,
nakipagharutan sa halos tatlong babae sa dancefloor.

Well of course, sino ka para tumanggi kay Bench Jimenez eh tagapagmana yun ng mga
Jimenez, hot, magaling dumiskarte at sikat. Kapag katabi mo siya, kahit na isa
kalang malaking kuto, bigla kang magiging balyenaBig fish Maswerte ako at
ipinanganak akong si Denise Gozon, hindi ako nahirapan makipagsabayan sa ibang
malalansang isda na nagkukunwaring balyena. Dahil si Denise Gozon ako, na malapit
sa mga Jimenez, nagmumukha akong kagaya nila.

Nakita kong may tumitingin sakin kanina pa, nasa dancefloor pero na sakin ang mata.
Ang pangit naman kaya inirapan ko na lang. Feeling naman Kala niya naman papatulan
ko siya. HAHA Ang sama ko talaga Di ko na lang papansinin. Sana wag na lang akong
gambalain.

Hey Denise, wheres Bench? Linapitan ako ni Barbie.

Plunging neckline pa.

Nasa dancefloor... Sabay nguso ko kay Bench na mukhang may amats na.

K, thanks At umalis para puntahan si Bench.

Ilang sandali, sumasayaw na silang dalawa. Busy ako sa pagpipicture, naka


Instagram sabay edit pa para mas maganda. Hayan Nasend na sa lahat ng taong pwedeng
magpakalat nito. Kawawang Candice. In speaking of her, nasan siya?

Madaling nabore si Bench. Alas nuwebe pa lang ay nagyaya na siyang umalis sa bar.
Halos dalawang oras pa kami dun. Pagod siguro sa mga ginawa niya ngayong araw.

Lets go Inakbayan ako ng manyak papalabas ng bar.

Hinayaan ko na. Tas bigla kaming hinarangan ni Candice sa daanan.

Bench... can we talk? Sabi niya.

Tinignan ko si Bench na di parin maalis yung ngiti sa mga nangyari at nakasayaw


niya sa bar.

Di pa nga nakakasagot yung tao, nasampal na agadPAK

Napawi tuloy yung ngiti niya

What the eff? Candice Stop that Sarap ng sakalin ah?

Nagtimpi ako kanina nang sinabi ni Bench na dalawang beses siyang sinampal, ngayong
pangatlo at sa harapan ko pa, na highblood talaga ako
Wag kang makealam Di ikaw ang girlfriend niya Sinigawan pa ako

Hoy bruha ka Wag mong masampal sampal tong si Bench at pagsabihan ako ng ganyan
Inalis ko ang kamay ni Bench sa balikat ko para maharap ko si Candice ng maayos.
Binalaan na kita, ikaw tong go lang nang go Kasalanan mo yan. Know your place, dog-

Stop it, Denise. Stay in our room. Mag uusap lang kami ni Candice. Seryosong
sinabi ni Bench sakin at umalis na.

Sinundan siya ni Candice.

Pasalamat talaga siya at ayokong maging tulad niya na sa harap ng maraming tao ay
nagwawala Bwesit Sana di ko na lang hinayaan si Bench dun sa babaeng yun Sigaw ako
nang sigaw sa phone ko.

Tumawag kasi si Eliana. Halos gigil pa ako.

Ano? Nagsisisi ka?

Mejo... Pero hindi rin Ngayon, balik ulit siya sa putikan. Kala niya naman
sineryoso siya nun

Hay nako, Denise. Kawawa naman si Candice. Dami niyang pics sa Facebook.
Napabuntong-hininga siya.

Dapat lang no Sana na-share mo Tatlong beses Tatlong beses niyang sinampal si
Bench ngayong araw-

Nadistract ako nang may narinig na parang music sa Project X at mga taong
bumabati.

W-Wait, where are you?

Humalakhak si Eliana.

Try ko lang. Mag isa lang akong pumunta... dito sa Core.

Napanganga ako at naalala ang nangyari noon. What the?-

Pumuslit ako. Wag kang maingay ah?

NOOO Umuwi ka na Mahahigh-blood na yata ako

TOT-TOT-TOT

Walang hiya

Text ko kay Eliana:

Uwi ka na. Or Ill tell tito drew.

Napahiga ako sa kama. Sa dami kong iniisip di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Pero wala nang mas sasama sa sumunod na umaga

Good morning Habang umiinom ng kape sa harapan ko.

Nasa kama ako, ganun parin ang posisyon ko kagabi nang nakatulog ako. Si Bench
naman, naka sleeveless, exposed ang triceps, biceps at iba pa. Kahit mug lang yung
props, para na siyang model.
Masama kasi nakadungaw ang manyak sakin. Halatang kanina pa ako pinagmamasdan.
Nung tulog pa ako

Agad akong napatalon Tumawa naman siya

Easy... Inom ulit ng kape.

What happened?

Purple... undies. Tumawa siya.

Bwesit ka Binato ko ng unan. Nakailag naman. Manyak mo. Yiii Di ka ba nandidiri?


Eww

Kumain na tayo. Binalewala ba naman yung sinabi ko.

Anong nangyari kagabi? Wheres Candice? Saan ka natulog kagabi?

Of course in this room. Evil grin. And I saw your purple undies...peepin-

Binato ko ng unan kaya di natapos magsalita.

Ewww, Bench Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

Kiddin Sabi niya habang tumatawa.

Kidding ka jan Alam kong totoong nakita mo kasi purple ang undies ko Tseh

Tumawa pa siya ng mas malakas. Kadiri talaga tong isang to. Puro sex yata laman ng
utak.

Hmmm. And... Candice... went home last night.

Natigilan ako at tinignan siya.

She broke up with me. Ngumiti siya.

Tumango ako.

Akala ko talaga seryoso yung usapan namin... seryoso naman pero...

Uh... hey Good morning Denise. Sabi ni Barbie na mukhang kakabihis lang.

Nasa pangalawang bed pala siya WHAT THE HECK?

I-Ill go now... Ngumiti si Barbie.

Si Bench kumaway lang, Call me. Kumindat pa ito.

Yeahhh Pumula ang pisngi ni Barbie. And...uhmm.. thanks for last night

Nag tiptoe siyang umalis sa room namin.

FACE PALM.

Ikaw na talaga, Bench. Umiling ako.

Humalakhak naman siya. Akala ko pa naman...


***************

*** Stage 10. *** (2 pages)

Stage 10.

Its okay.

Nakauwi na kami ni Bench. Hinatid ako nila ako ni Kuya Joe sa bahay.

Bench. Sabi ko pagkalabas ko sa sasakyan niya. Im worried about Eliana. Lumabas


siya kagabi, mag-isa.

Tumawa si Bench. Akala ko nagiging heartless ulit siya. Walang pakealam.

Akala niya naman mag-isa siya, pinasundan ko siya kay Kuya Joe para siguradong
walang mangyaring masama. Kumindat pa talaga siya.

Aryt K. ByeStalker Umirap ako at papasok na sana sa bahay.

Whats the plan now? Tanong niya.

Lumingon ako sa kanya.

Anong plan? Wala akong plano. Ikaw tong pinangungunahan ako eh.

Then his evil grin again.

Nagkibit-balikat ako.

Ipagpatuloy mo na lang yan nang mas lalong masaktan si Candice.

Aryt

Tapos umalis na.

Haaay si Bench talaga. Sagad na naman sa buto ang pagkahaliparot niya. Kahit
ganyan siya, parang di na siya nasanay sa mga nakikipagbreak sa kanya. Kaya naman
pagkatapos ng break up, dadami ang inom niya. Parang affected lang... akala mo
naman affected talaga... pero hindi naman pala. Nakahanap agad ng iba.

Kumusta yung lakad niyo ni Bench sa boracay? Sabay halik ni Daddy sakin.

Yinakap ko siya sabay abot ng sandamukal na pasalubong ni BENCH para sa kanya at


kay Mommy

Okay lang As usual... Tapos hinalikan niya ako sa noo.

Tinignan niya ako ng mabuti sa likod ng kanyang eyeglasses.

Hes modeling for this... clothing line. Kasama namin yung girlfriend niyang si
Candice San Juan sa bora.

Girlfriend? Di yon nag gi-girlfriend diba?


Oo nga po pala. Ano... uhmm. fling lang sila. Tumawa ako.

Seryoso parin si Daddy.

Joke. Girlfriend niya yun.

Umalis na lang ako para di na maraming tanong. If I know, nananagap ng balita si


Daddy sa kabulastugan ni Bench para malaman ng Dad ni Bench kung anong pinaggagawa
ng anak niya. Only child si Bench at first born sa mga Jimenez kaya natural na sa
kanya ang halos kalahati ng yaman nila. Busy din ang parents ni Bench sa negosyo.
Aside sa airlines, marami silang farm tapos nag aangkat pa ng mga produkto sa ibang
bansa.Big time

Ako naman... Only child din pero walang yaman. NYAHAHA Mga kapatid ni papa nasa
States lahat. Bukod sa ilang squaremeters na lupa at ginawang commercial building
at tong bahay namin, wala na kaming ibang pag-aari. Buti at parehong abogado si
Mommy at Daddy kaya ayun, sosyal parin ako.

Si Eliana naman... May half brother at sister. Anak nung Step mom niya. Twins yun.
Pero bata pa. Inspeaking of twins, may pinsan pa silang twins, si Brent Cruz at Ara
Cruz. Mayayaman din yun kasi anak ni Governor. Daming lupain din. May-ari ng isang
food corp. Oh well, Jimenezes.

Eliana Yinugyog ko si Eli nang makita sa school.

Kahahatid lang ni Daddy sakin dito tapos si Eliana agad ang nakita ko.

Hindi mo na ako tinawagan ulit Di ka pa nag text What happened???

Ngumiti siya. One creepy smile. I know may tinatago siya.

Wala naman... Creepy smile ulit.

Alam ko talaga pero hinayaan ko na muna.

Wheres Bench? Tanong niya at sinuyod ang paligid.

Nagtataka siguro bat di ko kasama.

Idun-

Ahh Ayun Sabay turo kay Bench na pinagtitinginan ng mga tao

Si Barbie naman ngayon ang kaakbay niya. Kumaway pa ito samin

Denise Ano bang pinag-uutos mo diyan sa pinsan ko. Nakakahiya na siya ah? Iba-
ibang babae na lang talaga. Umiling si Eliana.

Wala akong inutos. Tsaka... masasanay ka rin.

Umalis din si Eliana para sa klase niya. Ako naman, pumasok na sa class namin ni
Bench. Nakangisi na yung baliw sa upuan niya pagdating ko. Pinaglalaruan pa ang
signpen niya.

Yes, thanks to you... Nasa halos lahat ng blogs na ako. Napalitan na ang mukha ni
Candice. I owe you that... Pero kadiri na talaga yang inyo ni Barbie ah. Sabi ko ng
pabulong sa kanya.
So ano? Titigilan ko? Ngumisi ulit siya.

Titigilan? Yun ay kung mapipigilan mo yanglibidomo

Tumawa pa ito na nakatawag pansin talaga sa mga kaklase ko. Kinurot niya ang
pisngi ko. Sinapak ko agad yung kamay niya.

Tigilan mo nga ako. Eww Umayos ako sa pag-upo, pagdating ng professor namin.

Natahimik. Kaya naman dinig ko agad yung nagtsismisan sa likuran...

Di kaya si Denise at Bench naman talaga ang mag-on?

Hindi na ako nahiya Lumingon ako sa likuran para tignan at TITIGAN ng sampung
segundo ang mga nagtsismisan Natahimik talaga sila at nagkunwaring walang sinabi.

Pagkatapos ng klase... nagpaalam agad si Bench. Aniya, magkikita daw sila ni


Brent. Pero di pa siya nakakaalis... Nasabuyan na siya ng juice... nino? Di ko
kilala

Sorry Sorry Agad kinuha nung babae ang panyo niya at pinunasan ang damit ni Bench.

Si Bench naman parang na badtrip

Tahimik siya habang tinitignan ang babae. Hindi makagalaw.

Bakit mo ginawa yun. Tinulak ko yung girlet.

Nerdy style Maganda pero di sexy. Mukhang minor de edad pa. Freshmen yata. Maiksi
ang buhok... parang... familiar yung aura.

Sorry... Sorry talaga Yumuko-yuko pa siya.

Nagkalat yung gamit niya sa sahig, di pa nakukuha kasi pinunasan niya pa ang damit
ni Bench.

Its okay. Sabi ni Bench.

Sabay pa silang pumulot ng parehong notebook kaya hayun, nagkabanggaan ang kamay at
nagkatitigan.

Wait a minute... kapeng mainit... Ngumiti si Bench na parang naiilang sa girlet


Weird Ano yun?

***************

*** Stage 11. *** (2 pages)

Stage 11.

I want to stop

Jenny Agatha Zafra. Mabait, maganda, matalino- Sabi ni Nina habang binabasa ang
mga nasagap niyang impormasyon tungkol sa nabunggo ni Bench noong isang araw.
Bakit puro puri yan? Wala bang iba?

Hindi pa nga ako natatapos, chill ka lang Sabi ni Nina na natatawa.

W-Wait? Jenny Zafra? I think shes my classmate. Anong problema mo sa kanya Denise?
Tanong ni Eliana habang iniinom frappe niya. Naglalakad kami sa school...

Wala I just want to know. Sabi ko.

Nagtagpo ang kilay niya.

Hmmm. Freshmen. Business Major. From Affaires School, ibig sabihin sa school ng
cousin niyong si Brent. And then... At yung Mommy at Daddy niya ay nasa France, may
restaurant sila doon. Pangarap niyang maging isang chef someday... She likes
anime... cosplaying... pero di siya nag cocos-

Ano ba yan? Wala bang relevant information? Parang puro useless. Sabi ko.

anong klaseng info ba kasi yung hinahanap mo?

Like? Ex boyfriends?? Etcetera?

No Exbf. Maraming suitors. Extremely Popular sa batch niya sa dating school.

Popular? Maganda siya, bat di siya pinormahan ni Brent dun sa kabilang school?
Napatingin ako kay Elaina.

Of course, coz Brents in love with one girl. Right? So... teka... Bat ba talaga
curious ka kay Jenny?

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Dont tell me gusto mong biktimahin siya ni Bench? Yinugyog ako ni Eliana kaya
natigilan kami sa paglalakad.

Now that she opened that topic. PWEDE. Since shes popular... pwedeng pwede Pag-
iisipan ko. Hmmm...

Most probably-

Oh God, Denise No Parang OA naman makareact si Eliana.

Bakit? Im just kidding.

Jenny is a good girl Sabi niya na para bang sapat yun para kaawaan ko ang
classmate niya.

So? Youre saying that Barbie, Candice, and all other Bench Girls are bad girls?
HAHA

Hindi yon Ang ibig kong sabihin... di tulad ng Bench Girls na yan, inosente si
Jenny.

Inosente si Janice Villanueva, Tina Tiu at iba pang mga babae nang inibig nila si
Bench. Whats wrong with that? I mean... anong pinagkaiba nila?

Umiling na lang si Eliana.

Well, sa ngayon. Wala pa akong plano. Si Bench naman itong gustong papalit-palit
ng babae. Tignan natin kung sino ang susunod kay Barbie.

Anyone... Just any sl-tty girl, not Jenny.

Tinignan ko si Eliana ng mabuti. May napapansin ako sa kanya... Ipastalk ko kaya


to sa mga galamay ko? Parang may weird akong nararamdaman sa pananamit, pag-asal,
at kilos niya.

Dont look at me like that. Kumunot ang noo niya at tumawa.

Hinalikan ako sa pisngi tapos...

See you later. May pasok pa ako. Byeee

Siniko ako ni Abby. Napalingon ako sa nginuso niyang si Bench kasama si Barbie.

May nakita pa ako sa likurang army ni Candice na nagbubulong-bulungan Ayan Todo na


yung pagbagsak ni Candice. Poor girl.

Bench... Barbie Ngumiti ako ng plastic.

Pinatago ko yung notes ni Nina.

You sure you dont wanna hang out with me tonight? Ngiting-ngiti si Barbie nang
sinabi niya yun kay Bench.

Umiling si Bench. Tapos tumingin sakin.

Bat naman Bench? Tanong ko.

Diba may gagawin tayo? Sinenyasan niya akong umo-o na

Hmmm. Oo nga pala.

Anong gagawin niyo? Kayong dalawa lang?

Napatingin tuloy si Abby At Nina sakin.

Well, I dont think you wanna hear it. Sabi ko tapos tinaas ang kilay.

Alam kong gusto nang kumalas ni Bench kay Barbie. MANWH0RE nga diba? Hay nako
Kelan pato magbabago?

In speaking of pagbabago...naiisip niyo ba ang naiisip ko?Jenny Agatha Zafra.


Pagbabago. Kung naiisip niyo, ibig sabihin magkapareho tayo ng takbo ng utak
NYAHAHAHA So... lulubos-lubusin ko na to

Naku Sayang naman May pupuntahan kasi kaming party ni Bench sa success ng swim
wear photoshoot namin. Isasama ka sana namin, Denise. Pero kung ayaw mo...

PARTY? I love parties Tapos... ibig sabihin, maraming tao...

Do I need to bring a date? Tanong ko.

Sumama tuloy ang tingin ni Bench sakin.

Party kasi, big sabihin, may media... Lalago na naman social circle ko. Sorry
Bench.
Nope... So ano? See you tonight?

Aryt Ill bring Eliana.

Ngumisi ako tapos umalis si Barbie. Hinila ako ni Bench palayo sa mga kaibigan
ko...

Okay... Okayy... I get it Sabi ko.

I want to stop it na. Pero kahit anong pahiwatig ko, di niya ako iniiwan. Sabi
niya. Sana di tayo sumama eh

Ngumisi ako, Dont worry. After this party, wala na kayo. <

Tumingin siya sakin at ngumisi.

I have a plan.

Ang di niya alam... mas malalim pa ang plano ko. Wait and see... Makikita niyo ang
pagbabago ni Benjamin Jimenez.

Nagbago dahil nasaktan, magbabago dahil masasaktan.Iniisip ko pa lang excited na


ako

***************

*** Stage 12. *** (2 pages)

Stage 12.

kundi ikaw.

Hindi ako magtatagal. Kararating pa lang namin, yun na agad ang sinabi niya.

Hindi naman talaga tayo magtatagal dito. Sabi ko habang inaayos ang kinulot kong
buhok.

Hinawakan ko ang kamay ni Eliana. Pareho kaming nakasuot ng makikinang na damit.


Star studded ang buong party. Daming mga artista. Daming sosyal.

Inakbayan ako ni Bench nang nakitang pumarada lahat ng photographers sa harapan


namin.

Yan ba yung real life girlfriend mo, Bench? Tanong ng isang photographer.

Ako naman, busy sa ngiti. Ayokong magkaroon ako ng pangit na picture ano Nyahaha

No, shes not Sumingit si Barbie at hinawakan ang braso ni Bench.

Hinila niya si Bench kaya heto kami ni Eliana na lang ang magkasama.

Sobrang daming paparazzi. Sabi ko.

Ladies and gentlemen, the designer of SeaShore Beach Wears Sabi nung emcee.
Nagpalakpakan kami. Si Benjie Uy pala yung designer nun

Habang pumapalakpak kami, nakita ko si Candice Nakatitig siya kay Bench at Barbie
As planned Haha Ako ang nagpapunta sa kanya dito. I know Im a genius

Ginugutom ako, lapit muna ako dun ah? Sabay nguso ni Eliana sa mga pagkain ng
party.

Sure. No alcohol.

Umalis siya at ngayon ay nakatuon ang pansin ko kay Candice, nakatingin kay
Barbie.

Linapitan ko siya. Gagatungan ko ulit. Nagkunwari akong kukuha ng cocktail drinks.

Haaay nako. Alam ko, noon pa na ganito ang mangyayari sa pag magkakaroon ng time
si Bench at Barbie.

Lumingon si Candice sakin. Nag-aapoy ang mga mata sa sobrang inis sa lahat ng
nangyayari.

Kasalanan mo to. Kung sana di mo inimbita si Bench sa Bora para makapagphotoshoot,


hindi mangyayari to.

Hindi ako nag-imbita sa kanya, si Barbie. Ngumisi ako. Well... I warned you... So,
akala ko di ka dadating.

Tinitigan niya si Barbie na may kinausap na ibang designers.

Maghihigante ako sa Barbie na yan

Aray ko po Ibang klase din ang fighting spirit niya ah. Kala niya siguro babalikan
siya ni Bench.

Hindi ako umaasang magkakabalikan kami ni Bench. Gusto ko lang talagang gumanti sa
bruhang yoooon Iniwan niya ako at umalis na.

Candice will do everything for me. HAHA

Kumain ako kasama si Eliana. Sinigurado kong lumapit ako sa bawat designer na
nakita ko sa loob ng isang oras. Napicturan ng paparazzi with some of my sosy
friendly friends. Napicturan din kami ni Eliana pero mailap si Eliana eh. Di siya
masyadong interesado sa sport kong social climbing.

Pwede kitang maging model Click nang click ang isang photographer sa harap ni
Eliana.

Namamangha sa mukha niya.

Cousins pala kayo ni Benjamin at Brent? Kaya pala. Magaganda at gwapo yung lahi
niyo.

Si Eliana naman, ngiting-ngiti.

Napatingin siya sakin, Diba ikaw yung girlfriend ni Benjamin? Denise... Gozon?

Ngumiti ako ng plastik ulit, Hindi...-

Bago pa ako makipagplastikan sa photographer. Nayanig na kami nang dalawang


babaeng nag pupunitan ng buhok

Omigad Si Candice at Barbie? Sabi ni Eliana.

Ako naman... hindi ko maitago ang ngiti Nyahaha

Linapitan namin si Bench na umiiling sa gilid.

Lets go home. Sabi ko.

Tinitigan niya ako. Pinigilan ng mga guard si Barbie at Candice. Pareho silang
gulong-gulo na ang buhok.

Is this your plan? Tanong niya sakin.

Nagkibit-balikat ako.

Its Candices plan, I made it happen for her. Ngumisi ako. Lets go Gusto mo na
siyang iwan diba?

Umalis kami ni Eliana.

Eli, puntahan mo na lang muna si Kuya Joe. Sabi ko nang nakita si Bench na
tumitingin lang sakin.

I know... seryoso na naman ang mukha niya. Kahit na marami siyang pinaglalaruang
babae, di parin maalis sa kanya ang pagiging guilty. Hindi pa nagkakalyo ang puso
at isipan niya. Patunay ito na may pag-asa pa siyang magbago. Kaya nga sa tuwing
may iiwan siyang babae, mas napaparami pa ang iniinom niya, diba?

Bench Uuwi ka na? Dont go Sa likuran nangibabaw ang boses ni Barbie.

Pinipigilan si Bench na umalis.

Ako nasa pintuan na. Si Bench nasa gitna namin ni Barbie. Si Candice, napaalis na
yata ng guards.

Barbie... stop it.Bench will never choose anyone over me. Sabi ko ng mahinahon.

Ikinainis to ni Barbie kasi linapitan niya at hinila-hila si Bench para makabalik


na sa party.

Tinaas ko na lang ang kilay ko habang tinitignan si Bench na seryosong nakatingin


sakin.

Youre not his girlfriend. Sabi ni Barbie sakin with utmost confidence.

Ngumisi ako.

At simula ngayon,hindi ka na rin niya girlfriend. Tinalikuran ko silang dalawa.

Agad namang sinabi ni Bench kay Barbie na, Denise is right. Barbie, we should stop
this. Im sorry. Good bye

I told you...Hell never choose anyone over me.

Inakbayan ako ni Bench papalabas. Naiwan si Barbie doong nakatunganga, di


makapaniwalang iniwan siya ni Benjamin Jimenez.
Alam na alam mo talagang wala akong pipiliing iba, kundi ikaw. Seryosong sinabi
niya.

Ngumisi na lang ako.

Well except ofcourse kung mainlove ka na... Sabi ko.

Tumawa siya.

That wont happen.

Well see about that.

Ngumisi ako. Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang may maitim na balak... kasi
pareho kaming di maalis ang ngiti sa mukha.

***************

*** Stage 13. *** (2 pages)

Stage 13.

Regardless

Kung ano man yung plano mo, Denise. Stop it na. Sabi ni Bench habang nakasubsob
ang mukha sa unan.

Nasa bahay nila ako ngayon. Minsan kasi di siya sa condo unit niya natutulog.
Nababagot kasi to dun eh. Tsaka mag-isa lang siya dun. Dito naman sa bahay nila,
sina Kuya Joe, ibang body guards. mga maid, mama at papa niya kaya feeling niya
masaya. LOL. Minsan bumibisita din ang twins na half-sibs ni Eliana dito kaya
naaliw siya.

Anong pinagsasabi mo jan? Wake up Mag gigym pa tayo Sabi ko.

Mmmm. Ayun, tulog parin.

Maayos talaga yung kwarto niya. Malinis. Mahilig kasi si Bench sa malinis.

Gusto mo yatang magkabalikan kayo ni Barbie eh

Lumingon siya sakin. Sa wakas, dilat na dilat na ang mga mata

Yoko no

Bumangon ka na pleaaase? Hinila ko siya paalis ng kama niya.

Agad niya naman akong hinila pabalik. Ang lakas ng mokong Buti na lang at
nabitawan ko agad ang kamay niya kaya eto at ako naman angf nadapa sa sahig

Ouch

Uy Agad syang bumangon para iupo ako sa kama niya.

Binigwasan ko na Kainis eh
Nakangiti pa

Wag mo kasing ayawan ang paghila ko, ayan tuloy nadadapa ka

Tinapon niya pa ang unan niya sa mukha ko at umalis na para maligo.

No peeping Kumindat pa ang mokong pagkatapos magpalit agad ng tuwalya at pumunta sa


bathroom.

Ewan ko sayo, Bench Bilisan mo na diyan

Umalis ako sa kwarto niya at ayun pinakain ako ni Yaya Mariz ng sandamukal na
cake. Parang taste test lang ah? May custard, chocolate, black forest at rainbow.
Kung anu-ano.

Yoko talaga dito Tataba ako at maguiguilty maya-maya sa kinain ko Kaya ayokong
nagpupunta dito. Buti pa dun sa condo ni Bench halos walang pagkain lalo na pag di
ko sinasabihan si Yaya Mariz na ubos na yung sa Condo. Si Bench kasi kung makakain
kala mo pista. Daming kinakain nun, kaya ewan ko ba kung bakit makisig parin at
nakalatag ang abs ng mokong na yun

I know, Denise. I know na may pinaplano ka sakin kaya wag mo akong tignan ng
ganyan. Sabi niya sakin pababa kami sa SUV nila.

Ano? Humalakhak ako. Ang feeling mo naman Umirap ako at nag simula kaming mag gym
ulit.

Hinayaan ko na naman ang mokong na makipag harutan sa limang babae dun sa gym.
Concentrate lang ako dito kasi nga dami kong nakain kanina. Bahala ka diyan,
playboy ka Yung plano ko, iniisip ko pa kung paano ko sisimulan

Yun naman pala... hindi ko alam na sinimulan na pala ng tadhana Feeling ko tuloy
kambal tuko kami ng tadhana. Lahat yata ng gusto koy nasusunod na.

What the f- agad hininto ni Bench ang sasakyan.

Ako nasa front seat pinagpawisan ng malamig Ilang segundo ang tunganga ko nang
nainis akong bigla

May isang babaeng biglang tumawid sa daan papalabas kami sa parking space ng gym
at Centro Towers Agad siyang tumawid Imbis na sisimulan na naman ang pagharurot ni
Bench sa sasakyan Napalabas kaming dalawa ni Bench para tignan Pulang pula ang
pisngi niya habang tinitignan ang babaeng hindi nasagasaan pero nadapa sa harap ng
sasakyan Ineng ka Buti na lang nakapagbreak ang prinsipe

Are you okay? Tanong ni Bench habang tinitignan ang sugatang tuhod ng babae.

Naka tunganga lang ako dun at hinintay na sumagot ang babae. YUN NAMAN PALA Hindi
yun isang babae lang It wasJenny Zafra

I-Ikaw? Pabulong na sabi ni Bench.

Im sorry Nagmamadali kasi ako e-eh... Tumayo siya.

Hiyang-hiya sa pangalawang engkwentro kay Benjamin Jimenez.

Bat ba kasi bigla bigla ka na lang tumatawid eh Sabi ko.


Uhh.. Sige ah? Aalis na ako. Pa ika-ika siyang naglakad.

No... Miss... Well take you to the hospital. Sabi ni Bench.

Di na. Kaya ko to.

Nainis pa si Bench sa pagpapakipot ni Jenny kaya hinila niya ito papasok sa SUV
niya. Agad naman akong nagpunta sa front seat para makaalis na kami.

Hindi na talaga-

Bench closed the door at pinaandar ang sasakyan.

Youre hurt Kailangan kang magamot. Sabi ni Bench.

Pero kasalanan ko naman yun-

Regardless.

Tinignan ko ang seryosong mukha ni Bench. Oh hello, Destiny Iisa ba tayong dalawa
Let the love games begin.Our enemy? the big bossBenjamin Jimenez.

***************

*** Stage 14. *** (2 pages)

Stage 14.

Just do it.

Concerned ka talaga huh? Nakangisi kong sinabi kay Bench.

Kakalabas niya lang sa room kung saan ginagamot si Jenny. Papasok sana ako eh
lumabas siya kaya naabutan ko.

Concerned ka diyan Malaman to ni Dad, pagalitan pa ako... Sabi niya.

Ows? Yun lang ba talaga? O may iba pang dahilan?

Anong dahilan ba ang pinagsasabi mo?

Nainis yata. Hindi makatingin sakin. Magkasabay kaming pumasok sa room. Kakatapos
lang ang paggamot ng nurse.

Okay na yan, sir. Sabi nung nurse at umalis.

Tumango lang si Bench. He folded his arms while looking at Jenny.

Okay lang talaga ako- Agad siyang tumayo, yun naman pala masakita pa kaya nadapa

Agad siyang sinalo ni Bench.

Ayan na Nagkakadevelopan na talaga ang dalawa

S-Sorry.
Hindi ako makapaniwalang bakas sa mukha ni Bench ang kaba, ilang, at kahihiyan
Hindi ako sanay na makita siyang ganito.

Nabulls eye ko yata yung gusto ni Destiny eh

Hey, Dad called me... At... pupunta muna ako ng SM ah? May bibilhin ako. Bench you
take her-

Shut up, Denise Ihahatid kita.

Huh? P-Pero... Dad called kanina... Pinakita ko ang phone ko.

Hindi naman talaga tumawag si Daddy. Sinubukan ko lang para talaga maiwan ko
silang dalawa... Pero... alam kong di ako magtatagumpay.

I know you... Ihahatid kita... and Jenny...

Napalingon si Jenny kay Bench.

Ki-Kilala mo ako? Tanong ni Jenny.

Nagtataka. Pati ako nagtataka.

O-Oo. Ayan na naman.

Bench is stuttering I cant believe this Theres something weird I know there is.

Lika na... Ihahatid ka namin ni Denise. Utos niya kay Jenny.

Umalis na si Bench kahit na inaayawan nitong si Jenny.

Lika na... Sumama ka na lang Pakiramdam niya, kasalanan niya ang nangyari kaya
hayaan mo na. Ngumisi ako kay Jenny at naniwala naman.

Pareho kaming sinundan si Bench na nakalagay langa ng mga kamay sa bulsa.

Denise Cordelia Gozon. Naglahad ako ng kamay.

Lam ko... Kilala na kita. Mga boys kasi sa classroom ikaw yung idol... Tsaka,
bestfriends kayo ni Ara Cruz at ni Eliana?

LOADING... AH oo nga pala Taga Affaires to kaya kilala si Ara Cruz. Tapos classmate
niya pala si Eli.

Yep... And hes...

Benjamin Jimenez... Siya ang dumugtong. The notorious playboy and heartbreaker.

Pinagbuksan siya ni Bench ng pintuan ng sasakyan.

Get in. Sabay nguso sa loob kay Jenny.

No thanks-

Muntik kitang nasagasaan kaya nararapat lang na gawin ko sayo to. Seryosong sinabi
niya. Youre nothing special so just get in.

WHOA Ang alam kong Bench ay malambing dumiskarte Bat parang inis siya ngayon at
ang harsh makapagsalita?

Alam ko. Pero talagang ayos lang ako. Ang totoo, ako yung may kasalanan kasi bigla
akong tumawid-

Katahimikan.

Just do it. Sabi ni Bench.

Tinulak ko si Jenny sa loob para matapos na. Pumasok naman siya. Pagkasara ng
pinto. Binulong ko na lang sa naiinis na si Bench ang...

Defensive...

Walang imik ang prinsipe ninyo at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ulit tumingin
sa mga mata ko.

***************

*** Stage 15. *** (2 pages)

Stage 15.

dahil yun ang gusto mo

Diyan lang ako sa kanto. M-may bibilhin lang ako sa Powerbooks eh. Sabi ni Jenny
kay Bench.

Niliko naman ni Bench patungo dun sa kantong sinasabi niya. Malapit sa SM.

Huh? Hihintayin ka na namin... Ihahatid ka ni Bench sa bahay niyo.

Tumingin si Bench sakin. Ansamang makatingin Parang tinutusok-tusok ako ng mga


mata niya.

Stop it, Denise. Kalmado niyang sinabi at hininto ang sasakyan sa kantong sinabi
ni Jenny.

Lumingon si Bench kay Jenny.

S-Salamat. Sabi ni Jenny umaambang aalis na.

Bench Ihahatid mo pa diba? Sinenyasan ko siyang umoo na

Ayaw talaga akong sundin Minsanan lang tong umaangal siya lalo na pag involve ang
isang babae. I smell something fishy na talaga huh

Tumingin si Bench kay Jenny. Bibigay na yan Bibigay na yan Muntik na niyang
yayaing ihatid si Jenny

Wag na. Salamat talaga ng marami... Uh... Denise... Gozon... and Benjamin Jimenez.
Ngumiti si Jenny at umalis na agad.

Halatang ayaw bumuhol pa lalo ang buhay ngayong nagkaroon na ako ng interes sa
kanya.
Whats your problem? Tanong agad ni Bench pagkaalis ni Jenny.

WhatsYOURproblem. Suminghap ako. Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan eh. Shes
pretty, cute, makinis, sikat, atbata. Bat mo inayawan? Amoy na amoy ko na ang bago
mong biktima eh

Anong bagong biktima? Shes nowhere near my type. Why do you think so?

Whut? Bakit? Noong naging girlfriend mo si Camille Montenegro, Tina Tiu and
etcetera, parehong pareho sila ng description ni Jenny. Anong pinagkaiba nila?

Umiling siya. Nandito parin kami sa kanto.

Is it because shes kind? Looks too kind? Eh ganun din yung mga naging ex mo.
Although I admit na mayroong mga liberated, but most of them ganun talaga. Whats so
special about her?

Umiling ulit siya.

Alam ko na... Ngumisi ako.

Napatingin siya sakin. Seryosong mga mata. Halatang may lightbulb sa ulo kong
nakabalandra. At alam niya na yun di ko palang sinasabi...

Natatakot ka kasi baka mainlove ka sa kanya. Kasi... unlike your exes, wala siyang
interes sayo... wala siyang interes sa lovelife... natatakot kang maapakan yung
pride mo.The first girl ever who rejected the great prince

Na-carried away ako sa lightbulb sa utak ko. Hindi ko namalayang hinarurot niya na
naman ng 100kmph or more ang SUV nila. Overspeeding.

Okay okaaay Agad kong sinoot ang seatbelt ko.

Buti na lang at nag stop sa trafficlight. Suminghap ako. Jusko Dinig na dinig ko
ang kawawa kong puso muntik ng magkaheart-attack sa ginawa niya

Bench naman Sinapak ko na.

Seryoso parin ang mukha.

Dont drive that way

Nag go... mejo kalmado na ang pagd-drive niya ngayon.

So what do you want me to do? Nakatingin lang siya sa daanan.

Well... nothing. Halos mangiti na ako habang pinaglalaruan ko ang buhok ko, parang
naglalaro lang ng telephone wire.

Nothing? Kung may gawin man ako, hindi dahil maapakan ang pride ko... Kundi, dahil
yun ang gusto mo.

Napatingin ako sa labas. Di ko na talaga mapigilan ang ngisi ko. YEEEEEEEEHESSS


NAMAN

Wala akong inuutos sayo... Sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong narealize na di ko na siya uutusan
ngayon. Ayokong makipagrelasyon siya dun dahil sa utos ko. Gusto kong mainlove siya
ng tunay... inutos ko man o hindi.

Pero alam kong sa huling sinabi ko... alam niya na kung anong gagawin niya.

Okay, if thats what you wish.

***************

*** Stage 16. *** (2 pages)

Stage 16.

Okay Deal

Akala ko talaga isasagawa na ni Bench ang mga plano ko sa sumunod na mga araw.
Pero di naman pala... Ngayong araw na to, limang beses ko siyang nakitang may
kasamang iba-ibang babae.

Napailing na lang ako nang nakita ko siyang tinitilian ng mga babae. Ewan ko kung
saan siya papunta.

Bench again... but alone. Sabi ni Eliana habang nginunguso si Bench.

Agad kong niligpit ang nakalatag na gamit ko sa cafeteria. Hinila ko si Eliana.

Alam niyo kasi, gumagana na naman ang above average kong utak. Nakita kong papunta
si Jenny kanina sa lockerroom. At ngayon, si Bench at mapapadaan doon.

Sinundan namin si Bench.

Wh-What are you doing-

Shhhh? Napa-tiptoe na rin si Eliana habang sinusundan namin si Bench.

Ang sasama pa ng tingin ng mga nakakita samin. Buti na lang at pagkarating namin
malapit sa lockerroom wala na masyadong tao.

Oppps

Nagtago kami ni Eli. OMG Nagkabanggaan na naman ang dalawa Si Jenny at Bench As
innn

Hindi ko na talaga kailangang mag plot ng scenes ah? Nakangisi ako habang nag e-
eavesdrop at sumisilip.

Ikaw na naman... Sabi ni Bench.

Sorry. Hi-Hindi ko naman sinasadya.

Its okay... basta ba di mo ako binubuhusan ng kung anu-ano. Ngumisi si Bench sa


kanya.

And in return, binigyan lang siya ng nagtatakang mukha ni Jenny.


Aalis na sana si Jenny nang...

Kilala mo ako, right? Maangas na tanong ni Bench.

Kapal muks Pero yes May right siya Enough said...

O-Oo. Nahihiyang sagot ni Jenny.

Bakit?

Tinatanong pa ba yan? Of course everyone knows you. Benjamin Jimenez. Daming


nagkakandarapa sayo.

HAHA. His evil laugh. Bakit?

Kasi nga diba... gwapo... magaling dumiskarte... at iba pa. Umiling si Jenny. Para
bang galit.

So sinasabi mong gwapo ako?

Natigilan si Jenny.

Tinigilan ko din ang pagsilip ko. Sumandal na lang ako sa wall na pinagtataguan
namin ni Eliana.

No. No... Bench.. Jenny is a good girl. Bulong ni Eliana na nagtatago kasama ko.

Masama na ang mga tingin niya sakin. Sigurado akong alam niyang inutusan ko si
Bench. Pero di ko naman siya inutusan diba? Tsaka... di naman sinasadya ang
pagakakataong ito? Diba?

Oo. Sabi ni Jenny na may galit sa boses. Pero kung ako ang mga babaeng
nagkakandarapa sayo, di ako magpapaloko. Kasi alam kong wala silang patutunguhan.
Paiinlabin mo lang sila at iiwan. Mga tanga na kasi ang mga babae ngayon eh...
Pumapatol pa sayo.

Umalis agad siya pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.

Hinila ako ni Eliana papunta sa nakatungangang Bench

HAHA Sabi ko na nga ba eh Di magpapaloko si Jenny sayo... kaya stop it couz


Nakahanap karin ng katapat mo Tawa nang tawa si Eliana habang si Bench naman ay
mukhang duguan ang puso.

Nakatunganga parin siya sa kinatatayuan niya.

Huh? What are you talking about? Ni hindi ko pa nga siya pinopormahan eh. Pasikat
niya.

Tumaas ang kilay ko. HAHA Sabi na nga ba. Maapakan ni Jenny ang pride ni Bench.

Oh yeah? Sige nga Bench Show me what you got

Tinitigan niya ako ng seryoso.

Uy you two, stop it na I know I know, Bench... Kaya mo na nga kahit sino. Just not
Jenny. Please? Nagmakaawa pa si Eliana.

Admit it, Bench. Hindi mo kayang paibigin si Jenny. Evil grin.


Mas lalong tumalim ang mga tingin niya sakin. Tapos ngumiti...

Nawala na lang bigla ang momentum nang may narinig kaming tili kung saan

Ano yun? Eliana said.

Napalabas kami ng building. May nakita kaming ilang mga lalaki na may hawak-hawak
na tig-iisang letters.W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y D-A-T-E? Ang nakahawak ng question mark
ay si Yuan Tan. Isa sa mga popular gwapong filipino-chinese sa school.

At yung inalok niya? Si Tanika Uytingco. Isa sa mga hukbo ko dito.

Congratulations Woooo Tanika Sigaw ko nang tanggapin ni Tanika ang mga roses
galing kay Yuan.

This early? Sabi ni Bench.

Early kasi February pa ang Yearly Ball ng school namin. Tulad ng sister school
nitong Affaires, may Yearly Ball din ang school namin. August pa lang ngayon at
yinaya na ni Yuan Tan na maging date si Tanika sa Yearly Ball naming sa February
pa.

Of course, baka maunahan. Sabi ko.

Paglingon ko kay Bench, narealize kong kaming dalawa na lang pala...

Wheres Eliana? Tanong ko.

She left.

What? Why?

Nagkibit-balikat si Bench.

Tapos tinignan ko ulit ang proposal ng... I should say... hindi gaanong happy-
looking na si Yuan Tan. Umo-o si Tanika pero parang byernes santo lang ang mukha
nitong si Yuan. Hmmm. I knew it. This isnt voluntary. Its tradition... Chinese
people.

You should prepare a surprise for Jenny, Bench. Yung mas sweet nito. Sabi ko.

Why are you so into... Jenny? Tanong niya.

Ngumisi lang ako.

Para maiba naman.

Huh? Umiling siya. Okay... If I get what you want... anong kapalit?

Then Ill stop talking about Jenny. Tapos pwede mo na din siyang tigilan.

Okay. Deal

Deal

YES So... gagapang na si Bench sa hirap kay Jenny Eto na ang exciting
***************

*** Stage 17. *** (1 page)

Stage 17.

This is a nice movie.

Kung akala niyo ay pinalagpas ko yung scene ni Eliana, nagkakamali kayo.


Pinabantayan ko siya sa mga galamay ko. Alam niyo namang matagal na akong
naweweirduhan sa kilos niya.

Kinakabahan tuloy ako, alam niyo naman ang sitwasyon niya diba?

Hey Denise Naaninaw ko ang maaliwalas na pagmumukha ni Bench.

Dahil preoccupied ako sa pagpapastalk kay Eliana nitong mga nakaraang linggo,
hindi ko na namamalayan ang development sa mga pinaggagagawa nitong si Bench.

Hello Ngumiti ako pagkatapos kong isarado ang librong binabasa sa library.

Kukunin ka ba ng driver niyo mamaya? Tanong niya.

Siguro... Bakit?

Nagkasundo kasi kami kahapon na siya ang maghahatid sakin ngayon kaya siguro
nagtatanong. Lagi namang ready yung driver naming kunin ako, kaso lang, minsan
tinatanggihan ko kasi hinahatid ako nI Bench.

Cant take you home later.

Why?

Kasi pupuntahan ko si Brent. Makikipag-inuman.

Yung pinsan niya na namang patay na patay sa isang babae. Ang alam ko, last
birthday nun, naghanda ng bonggang proposal doon sa kinababaliwang babae. Then it
turned out na iba yung nagpunta sa place. Another girl. Kaya nabigo... Ayan tuloy

Okay. That problem again... Sabi ko.

Yep Tumango siya at umalis na agad.

Hmmm. Akala mo Bench, huh? I can see through you.

Sinundan ko siya. Parang stalker lang huh? Hindi ako makapaniwalang sa gazebo na
halos wala ng tao ko siya makikita.

Wait? Akala ko ba pupunta siya kay Brent? Nandito ba si Brent?

Sabi na nga ba.

This is a nice movie. Sabay abot niya sa isang flashdisk sa naghihintay na si


JENNY

Yes Muntik na talaga akong mapasigaw sa di malamang kadahilanan I cant believe


this

Sa laptop ni Jenny, nanood sila ng isang romantic movie Wala namang kahit anong
gesture na nagsasabing sila na. Nakaupo lang sila dun, sharing earphones and
watching that stupid movie.Freakin korny

Napatakip talaga ako sa nakanganga kong bibig. Hindi ako makapaniwala. Alam kong
ginusto ko to. Pero may kung ano saaking nabigo.

Bat nagsinungaling si Bench sakin? Pupunta daw siya kay Brent diba? Ngayon,
nandito siya? WTH?

Alam niyang magugustuhan ko kung magkakaigihan na sila ni Jenny, kaya dapat sinabi
niya sakin to imbis na ilihim diba?

Ano ang maaring dahilan niya para ilihim sakin ang bagay na to? Wala akong maisip
eh.

Umalis ako doon dala ang maraming tanong sa aking sarili.

2 weeks since our deal. Not as fast as other girls pero nagawa niyang kunin ang
loob ni Jenny.

O... baka naman... si Jenny ang nakakuha sa loob niya?

***************

*** Stage 18. *** (2 pages)

Stage 18.

Im trying to protect her

Sa sobrang inis ko, nalimutan kong ako yung nag utos sa kanya para igirlfriend si
Jenny. Nakalimutan ko rin yung mga impormasyon ko sa kay Eliana.

Hello-

Sinapak sapak ko na si Bench nang nakita ko siya the next day.

A-Anong problema mo? Hindi niya na nakayanang pigilan ang pagtawa.

Naka ekis pa yung braso niya para panangga sa mga sapak ko.

Walang hiya ka Walang hiya ka

Tawang-tawa siya sa reaksyon ko. Ganito talaga kami. Minsan nga sinusuntok ko na
eh.

May pa Brent-Brent ka pang nalalaman Yun naman pala, si Jenny ang pinagkaabalahan
mo Sinapak ko ulit

Ohhhh Cool ka lang Tawa. Akala ko ba yun ang gusto mo? Nagseselos ka na?

Selos? Mukha mo Ang akin lang eh bat di mo sinabi saking si Jenny pala yung
pinagkaabalahan mo? Bat kailangan mo pang magsinungaling?

Tumawa siya ng tumawa. Grabe Anong nakakatuwa dun?

Hindi ako nagsinungaling You can ask Brent. Talagang pinuntahan ko siya after
naming manood ni Jenny ng movie...

Bat di mo sinabi sakin?

You didnt ask me...

Nagkibit balikat siya.

Huminahon naman ako dun sa sinabi niya.

Stalker ka na pala ngayon?

Sinapak ko ulit. Tigilan mo ako ha

Oooy, easy... easy...

As punishment, sasamahan mo ako mamaya sa pagsho-shopping, gagawin kitang alalay.

Every month may isang araw akong shopping day. Pinag-iipunan ko yan ah at
dinagdagan lang ni mommy at daddy. Kailangan ko talagang pag-ipunan kasi ang
mamahal ng taste ko. Pag pupunta ako sa Forever21, yung nagugustuhan ko usually
yung mga pinakamahal. Kaya hayan at kailangan kong mag ipon ng pera para diyan.
Noon, si Ara Cruz ang sinasama ko, ngayon busy na siya dahil sa boyfriend niya.

Weh? As punishment? Eh buwan buwan mo akong ginagawang alalay kahit wala akong
kasalanan-

Sinapak ko na ulit.

Bayolente nito masyado oh. Sasama naman ako... Tama na. Humahalakhak parin ang
baliw.

Dahil di na ako makapaghintay ng Sabado para mamili, pagkatapos ng school,


dumiretso na agad kami ni Bench sa Ayala. Namili na agad ako.

Nagpapasalamat ako at walang sawa talaga ang mokong sa pagsama sakin tuwing
nagsho-shopping ako. Baon na baon siya ng mga shopping bags at kung anu-ano pa.

Convenient. Ngumisi ako habang binigay sa kanya ang mukhang pangsampung bag galing
Mango.

Ngumiti naman siya. Aminado akong gwapo ang mokong. Walang plastikan dito ah?
Kanina pa yan kinukulit ng mga tindera at may nagpaparamdam nang mga babae diyan
habang namimili kami pero parang may kakaiba sa kanya.

Kamusta na nga pala kayo ni Jenny? Tanong ko.

Okay lang... Wala siya sa sarili sumagot.

Tumitingin sa mga damit.

Wala parin bang development? Almost three weeks na ah? Antagal naman yata. Sabi
ko.
I told you, shes not the type of girl na usual kong dinidate.

Pero may development naman? I mean, nagugustuhan ka na niya?

Nagkibit-balikat siya, Ewan ko. I mean... It doesnt reallymatterto me.

Hindi ko matikom ang mga bibig ko pagkasabi niya nun. Ngumisi na lang ako. Siya
hanggang ngayon, wala sa sarili kung makapagsalita.

Na-iinlove ka na yata sa kanya eh Sabi ko.

Its not hard to like her. Shes simple, pretty, jolly at mabait. Tinignan niya ako.
Seryoso.

Hindi ko na lang kinulit ulit.Mukhang seryoso na yata ang prinsipe niyo ah?
Then... good for him diba Ano siya ngayon? Utang niya pa sakin ang lahat kung ganun
nga diba?

Pero teka, 3 weeks na silang magkasama lagi pero walang rumors na kumalat. Hmmm...

May tinitigan akong damit Sayang, huli ko na to nakita. Ayan tuloy nakabili ako ng
iba kanina. Ganda pa naman nito Di hamak na mas maganda kesa sa ibang pinamili ko.

Well take it. Sabi ni Bench sa tinderang nakaabang.

Kinuha niya sakin ang damit.

Huh?

Binabayaran niya na.

Kung gusto mo pati buong mall bilhin natin eh. Ngumisi siya.

Umangal ako. Gusto ko yung damit pero ayaw kong parang nagkakautang ako sa kanya
kahit na mukhang ilang milyon na talaga ang utang ko sa kanya. Ganyan talaga si
Bench. Swerte ang mga naging girlfriend niyang materialistic dahil sa mga regalong
binibigay niya. Pero walang makakatalo sa mga binibigay niya sakin.

Peace offering. Kumindat siya. Kumain na tayo?

Tumango naman ako sabay nag, Thanks

Uhmm, kanina ko pa to iniisip. Sa halos 3 weeks na pagdidiskarte mo kay Jenny,


napansin kong wala pang tsismis tungkol sayo. Dapat sana, ngayon, hot topic na kayo
lalo na sa school... hmmm. Bakit kaya.

Im trying to protect her, Denise... Ayokong bigla na lang siyang pag-usapan. Shes
a very private person, you know.

Now... no doubt. Your prince is in love... with Cinderella...

***************

*** Stage 19. *** (2 pages)


Stage 19.

Ang Bench na single

So today... Bench is most probably out there with Jenny? Tanong ni Eliana sakin
habang umiinom ng frappe.

Pa sway-sway pa ang bag niyangBalenciagahabang naglalakad kami sa school. Kasama


namin ang mga friends kong sina Nina at Abby.

Oo.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay Bench. Syempre, di ko
hinayaang marinig ako nina Nina at Abby, baka ipagkalat pa ng mga ingrata.

Hindi pwede yun Hindi pwede Ayoko Sabi niya.

Tumigil siya sa paglalakad.

Bat worried ka? Dahil kay J? Eh... Tumingin ako kay Nina at Abby na parehong
nagchichikahan tungkol siguro sa mga boyfriend nila. Eh hindi ka nga sigurado kung
si J yung maiinlove sa kanya. Baka nga... si B pa eh

Guguho na siguro ang mundo kung mainlove pa yun.

It happened before... it may happen again. Sabi ko at nagkibit balikat.

Umiling si Eliana tapos...

Alis na ako... Have papers to do-

Wait Wait lang

Byeee Umalis na agad siya.

Hi Bigla namang dumating si Tanika.

Wait a minute...May na se-sense yata ako.Hindi ako top one sa klase para wala
lang. Hindi ako genius, pero street smart ako.

Congrats nga pala ah Nagtilian sina Nina at Abby.

Blooming ang lola niyong si Tanika. Di pa yata nakamove on sa proposal ng date ni


Yuan. DATE pa lang yan ah? Di na makamove-on, ano pa kaya kung pagiging girlfriend
na? After how many weeks, ngayon lang nagpakita eh. Artista na agad. Napanood kasi
saYoutubeyung proposal kaya nahihiya dawng lumabas at magpakita sa publiko. Ingrata
Akala mo naman sikat na? Ikaw yung babae sa Youtube... yun lang ang alam ng mga
tao... Hindi nila alam ang pangalan mo kaya wag masyadong feeling

Ang bitter ko talaga. Nyahaha

Pero... Yehes naman May nasesense ako...

Kelan magiging kayo? Tanong ko kay Tanika.

Di pa nga natatapos sa chika niyang kay dami-dami, inistorbo ko na agad.

H-Hindi ko pa alam.
Baka naman may ibang babae yang si Yuan. Sabi ko.

Denise naman, ang bitter nito Sabi ni Nina. Wag namang ganyan. Kung may iba man si
Yuan... bat si Tanika ang yinaya niyang makadate?

Well... you can never tell. Baka naman taga ibang school ang gusto ni Yuan kaya di
niya mayaya. O baka naman...hindi chinese?

Tama.. Umalis si Eliana pag propose ni Yuan Tan kay Tanika. At sigurado akong
umalis siya ngayon dahil nakita niyang papalapit si Tanika. Siguro malikot ang pag-
iisip ko pero wala namang masama kung pagdudahan ko yun diba?

Huh? Imposible naman yata. Umiling si Abby.

Saming tatlo, ako lang ang walang lovelife.

Ang bitter nito. Magkalovelife ka na kasi Sabi ni Tanika.

I dont need a man. Sabi ko. Kaya ko namang mabuhay ng walang lovelife, ieenjoy ko
muna to. Kasi alam kong pag magkakalovelife na ako, mamomroblema lang ako sa walang
katuturang mga bagay.

Sumimangot talaga silang tatlo. Alam kong panira talaga ako ng moment lalo na
paglovelife.

Palibhasa yung mga kilala mong lalaki halos players lahat kaya di kita masisisi.
Yung pinakaclose mo pa ang sobrang heartbreaker Sabi ni Abby.

Bakit, Abby? Kung liligawan ka ni Bench ngayon, hindi mo ba iiwan yang ka fling
mo?

Natahimik si Abby.

See? Hindi players ang problema... Yung mga kokote talaga ng mga babae. Yun ang
problema. Umiling ako.

Tapos biglang sumulpot si Bench. Naglalakad siya galing gate papunta yatang
cafeteria.MAG-ISA.

In speaking of Bench, mag iisang buwan na wala parin siyang girlfriend. Bakit?
Nasaktan ba siya sa kanila ni Barbie?

Halos matawa ako.NASAKTAN? BARBIE?

Para siyang lumulutang habang naglalakad. Itim na v-neck ang soot. Binigay ko yan
sa kanya noon. Mas lalo siyang hot kung yan ang susuotin niya.

Ang Bench na single... ay mas lalong attractive. Alam mo yun? Lonely boy na kay
gwapo. Sabi ni Nina.

Yeah right...

Kung alam niyo lang... May babae siyang kinahuhumalingan. Jenny. Next mission?
Alamin ang mga detalye straight from her mouthBring it on

***************
*** Stage 20. *** (2 pages)

Stage 20.

So... youre here...

Krrriing-ting-tong-Krrriiiing

Bench is calling.

Inayos ko ang glasses kong pa effect lang. HAHA. Binili ko to nang nagshopping
kami ni Bench. Para mukhang bookworm kuno.

Hindi ko sinagot ang tawag ni Bench. Hahanapin lang ako nun, kung malaman niyang
nandito ako... sigurado akong maggagalit yun. HAHA

Sweet Leafang pangalan ng milktea shop kung saan tumatambay si Jenny Agatha Zafra.
Nasa next table siya. Seryosong nagbabasa ng comics? Manga? Ewan... Basta yung mga
may anime na mukha. Mag-isa.

Ako naman... seryoso din dawng nagbabasa ng Paulo Coehlo. NYAHAHA. Tinigilan ko na
kasi inaantok ako. May glasses pa akong peke kaya tumayo ako at nag CR.
Pagkatapos...

Uh... Pwede makipagshare ng table sayo?

Tumingala si Jenny sakin at tinignan ang mga bakante table.

Naiinip kasi ako kapag mag-isa lang ako. Ayokong maging lonely. Sabi ko. Halos
matawa na ako.

Ang sagwa ko

Ibinalandra ko ang aklat ni Paulo Coehlo para ma kumbinsi pa siya.

O-Okay, Denise.

Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Nagbasa ako ng aklat for about 5 minutes...

Haaay Sakit ng mata ko. Sabi ko.

Tinignan niya ako at balik ulit siya sa pagbabasa.

KSP ako masyado... Tinignan ko ang book cover niya, talagang nagpahalata ako

Anime ba yan? Tanong ko.

Halatang naistorbo ko siya, Manga. Sabi niya.

Ahhh... Hilig ako ng mga ganyan nung highschool Sabi ko.

Sinarado niya ang aklat at tumingin sakin ng nakangiti. Patay Mapapasubo yata ako.
Pero walang sundalong pupunta sa gyera ng walang armas

Talaga? Ano yung binabasa mo?

Nung highschool? Marami yun. Nanonood pa nga ako ng anime eh. Gundams... etcetera.
Talaga? Di nabanggit sakin ni Bench yun ah

HUH? BINABANGGIT BA YUN DAPAT?

Gusto ko rin yung Gundam Wing... Gundam Seed Sobra

Oo nga... Ako rin. Napalunok ako. Crush ko si Kira.Wikipedia

Ako din Excited siya.

Nanonood ba kayo ni Bench ng gundam? Sabi ko bigla...

Hindi naman... Di yun mahilig eh.

Ahhh oo nga. Ngumiti ako.

Di ko alam na mahilig ka pala dun. Sabi niya sakin. Puppy eyes.

Her innocence kinda reminds me of...someone...

Oo eh. Watch din kayo ni Bench nun Para masaya Sabi ko.

Naaah Ayoko.

Bat naman? Tanong ko with the sarcastic worried face.

Di niya type yun... Mga girls type nun. Sabi niya habang umaambang magbabasa ulit.

Huh? Di... Nagbago na yun.

Nagbago? Di magbabago ang mga tulad niya. Sabi niyang ikinabigla ko.

Nagbago nga yung pinsan niyang si Brent dahil sa isang babae eh. Sabi ko.

Well... kung totoo man yun, good for him. Tsaka... oo, siguro magbabago din si
Bench... Tumango siya habang umiinom ng milktea.

Hmmm. Kung mainlove yun. Sabi ko.

Halos mabilaukan siya sa sinabi ko.

Alam mo feeling ko kasi... naiinlove na siya sayo. Sabi ko. Seryoso. No plastik.
Mejo lang. hihihi.

What? For 1 month? Impossible Tumawa siya.

Oo. Alam mo yun, di nawawalan yun ng girlfriend... Ngayon lang siya nagkaganyan.
Seryoso ulit.

Yung mukha niya... skeptical. Tumatawa-tawa pa.

Whatever it is... Im sure... gusto niya lang ng ibang challenge. Siguro wala pa
siyang naging girlfriend na tulad ko. Umiling siya.

Tumango naman ako. Ilang taon na kaming magkaibigan ni Bench. Were superclose...
kaya alam ko ang halos lahat ng iniisip niya. Sabi ko.

Halos pa lang... hindi lahat... Ngumiti siya. Baka nga ikaw yung gusto niya... di
mo lang alam. Di nasali dun sa HALOS lahat ng iniisip niyang alam mo.

Nalito naman ako dun. Lalim ng babaeng to. LOL

Nagkibit-balikat ako. But I know its possible... na inlove siya sayo.

Katahimikan.

Ang pakiramdam ko... hindi. Aniya. Pero... sigurado akong walang pag-asa kaming
dalawa... coz I hate players... Seryoso.

Tumaas ang kilay ko dun... Ilang sandali akong tumunganga habang nagbasa ulit si
Jenny.

So... youre here... Sabi ni Bench.

Nabigla ako at natunton niya. Kinuha pa ang glasses kong peke.

Whats that? nerd look?

Pinandilatan ko. Tumawa si Bench.

You stalker. Sabi ko.

Look whos talking Tumawa siya.

Talagang umexit sa eksena tong si Jenny Pero kitang-kita ko ang paghila ni Bench
sa mga braso niya.

I told you Im gonna fetch you tonight, ayt?

You dont have to. Sabi ni Jenny.

Nagtinginan silang dalawa... Napabuntong-hininga si Jenny at...

Ang kulit mo... umiling siya at pumayag.

***************

*** Stage 21. *** (2 pages)

Stage 21.

Dont worry, Denise

Di daw magpapaloko kay Bench pero nagpapahatid naman

Ingrata din ang isang to. Pero di kasing ingrata ng iba. Pagkahatid... agad...

Bye. Salamat

Hindi na hinayaang buksan ni Bench ang pintuan para sa kanya. Parang nagmamadaling
umalis sa sasakyan ni Bench. Ako naman ang nasa likuran.

W-Wait Pipigilan sana ni Bench pero di ko hinayaan.


Sinundot ko siya bago pa siya makapagsalita.

Hayaan mo na nga lang yun. Sabi ko.

Tumaas naman ang isang kilay niya at tuluyan ng pumasok si Jenny sa loob.

Youre weird. Akala ko ba gusto mong i-pursue ko siya.

I cant believe na nasa likuran ako this time Sabi ko binalewala ang sinabi niya.

Nag-aalburoto ako pero agad nag punta sa front seat.

Saglit lang naman yun eh Sabi ni Bench. Tumatawa. Tsaka Ano bang plano mo at
nakipag-usap ka talaga sa kanya?

And I cant believe na alam mo na kung saan ang bahay nina Jenny. Umalis na kami at
tumingala ako sa laki ng bahay nina Jenny, binalewala ang tanong niya.

Lagi kang nag ch-change topic. Sabi niya ngumingisi. Kitang kita yung dimples
niya.

Well... I just want to know some things... Hehe... Ngumisi din ako.

Things like what?

Like... kung gusto mo siya. Sabi niya ayaw niya sayo... pero... I dont think so...
Actions speak louder than words.

Tumawa lang siya.

Saludo na talaga ako sayoPlayboy of the Year Tahimik parin siya.

Natahimik narin ako at tumingin lang sa daanan.

Seryoso ka na ba kay Jenny? Seryosong tanong ko.

Tinignan niya rin ako ng seryoso.

Bat mo natanong? Tanong niya.

Tinanong kita, sagutin mo ako... bat mo ako sinasagot ng tanong din? Umirap ako.

Eto naman oh Masyadong high blood Tawa niya. Eh ano naman ngayon kung seryoso ako?
Tumaas ang isang kilay niya.

Edi masaya Tumawa ako Seryoso na si Benjamin Jimenez YES

Hahaha umiling siya. Totoong masaya pero narealize kong kung magseryoso siya,
mawawalan ako ng Bench... Ang Bench ni Denise... Alam niyo yun? Wala ng maghahatid
sakin pauwi. Siguro pati pagsama sa shopping, wala na. Hindi naman pwedeng isama
namin si Jenny. Tsaka yung pag gi-gym, wala na akong kasama. Sa bar, si Eliana na
lang ang kasama ko. At maari pa siyang mawala sakin kasi baka may boyfriend na yun.
So... ako na lang mag-isa.

Kaya ko namang mag-isa. Lonely pero kayang-kaya parin... Napabuntong hininga ako
habang tumitingin sa labas. Nagtatraffic ang mga sasakyan.

Somehow, thinking about it...makes me feel sad... I dont know which part is sad,
being lonely or not having Bench around.

Akala ko ba masaya ka. Sabi niya bigla.

Seryoso ang mukha. Traffic.

Bat parang byernesanto?

Sinimangutan ko siya, Huh? Im just thinking... Sabi ko.

Thinking about what?

Natahimik ako.

Nagkatinginan kami... We cant be together, anyway. And I dont love him, anyway. I
dont even like this playboy.

Thinking about how youll be sad and lonely without me? Sabi niya, seryoso padin
ang ekspresyon.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung paano niya
nalaman ang laman ng isipan ko.

Hindi no Iniisip ko lang yung nalalapit na finals natin. Mags-study na ako mamaya.
Sabi ko. Ewww Wag ka masyadong assuming. Sinapak ko na.

Tumawa na siya, Of course youre Denise Gozon. Hindi mo yun aaminin

Ang feeling mo Ang feeling-feeling mo

Hinarurot niya ang sasakyan 100kmph ulit

Kainis ka, bwisit Napamura talaga ako pagkarating sa bahay at agad tinanggal ang
seatbelt.

Dont worry, Denise... Sabi niya pagkalabas ko ng sasakyan. Ill never be far from
you, kahit na ilang beses mo akong utusan. Kumindat siya at humarurot paalis.

Isa lang sa mga salita niyang panama talaga sakin. I hate how he can see through
me... Tapos... minsan di ko siya mabasa. Hindi pala minsan... halos sa lahat ng
oras... di ko siya mabasa.

***************

*** Stage 22. *** (2 pages)

Stage 22.

Yes... He brought some

Good morning Sabi ko kay Eliana.

Kakagising niya pa lang. Ako naman ay nag co-coffee sa labas ng bahay nila sa
hacienda. Dito siya lumaki. Dito ako palaging nagbabakasyon noon para makipaglaro,
makipagchikahan at kung anu-ano pa. Pero di tulad noon, hindi na siya gaanong
interesado dito. Feeling ko na bobored siya.

Semestral break na. Top parin ako sa klase. Of course diba? Gozon-family of
lawyers, magpapahuli pa ba ako?

Humikab siya at umupo sa tabi ko.

Haay Hindi na ako makapaghintay bumalik ng school. Sabi niya.

Whut? Dalawang araw pa lang tayo dito...

Palibhasa ilang taon siyang nanirahaan dito. Umiling ako.

Buti pa si Bench... Saan na kaya yun ngayon?

Ewan ko. Hayaan mo na ang isang yun. Sabi ko.

Huling gabi ko sa syudad, nag bar hop kami ni Bench. Susunod lang daw siya dito
kasi may aasikasuhin pa siya. Hmmm.

Eliana, tapatin mo nga ako... Sabi ko habang nilapag ang kape sa mesa. Are you
dating someone?

Nanlaki ang mata niya.

H-Hindi ah

Tinitigan niya ako.

O-Oo. Inamin din niya. H-Hindi ko alam. Napabuntong-hininga siya.

Sino?

Shhh Papagalitan ako ni Daddy. Tumingin siya sa paligid.

Wala naman ang Daddy mo eh

Kahit na Sabi niya.

Parang bata to. Sige na. Spill it-

Sa malayo, kitang-kita ko ang pagbubukas ng gate nila.

Si Daddy ba yun? Tumayo talaga siya.

Nope... Its just Bench. Sabi ko at nagpatuloy sa pangungulit sa kanya.

Nakatayo siya at inabangan talaga si Bench.

Uminom pa ako ng kape habang tumitingin sa malayo.

Sana nagdala siya ng dvds, tulad ng utos ko sa kanya.

Yes... He brought some dvds... Sabi ni Eliana, masaya. And someone

Tapos tumakbo na para salubungin ang kakalabas lang na si Bench... at si Jenny.

So... dito mags-stay si Jenny? Napalunok ako at ngumiti kay Jenny habang pinapaupo
siya ng yaya nina Eliana sa long table nila.
Kakain kami ng breakfast.

H-Hindi naman ako magtatagal. Bukas, uuwi agad ako. Ngumiti siya.

Para namang pinapaalis ko siya sa tono niya.

D-Di Okay nga yun eh Diba di na kami ma bo-bored ni Eliana dito Sabi ko.

Tumingin si Eliana sakin. Ang sama makatingin. Di ako plastik no Wala lang akong
masabi. LOL

Ipinakita ni Bench ang mga dala niyang dvds.

I brought some dvds-

Nakikita ko nga. Hindi ko na siya pinatapos.

Bad morning ba dito? Lumapit siya sakin.

Hindi. Pinandilatan ko na.

Si Jenny naman, napaghahalata na yatang inis ako sa presensya niya kaya ngumiti-
ngiti ako sa kanya.

Okay then, lets eat? Alok ni Bench.

Okay Kain na tayo yey Sabi ko.

Napatingin silang lahat sakin. Nagsimula na lang akong kumain.

Stop your creepy smiles na, D. Alam kong plastic yan kaya wag mo ng ipakita kasi
masyadong halata. Bulong ni Eliana.

Its not plastic. Bulong ko. Ang tawag dun ay social graces. Dapat ngumiti kahit di
naman talaga nakakangiti.

Tumawa si Eliana sa hapag kainan Mas lalong naging awkward dahil kaming dalawa
lang yung nagsasalita habang si Jenny at Bench ay tahimik.

Para tuloyng nawawalan ng gana si Jenny at naiilang. Kasalanan ko ba kung di ko


siya masali sa usapan namin ni Eliana.

Maraming guestrooms sa resthouse nina Eliana. May sarili akong room sa tabi ng
pagkalaking room niya... Ang tabi naman ng room ko ay kay Bench. Pinatuloy niya si
Jenny sa isa pang guestroom.

Bat di mo na lang pinatuloy sa kwarto mo? Tanong ko nang binisita niya ako sa
kwarto.

Kakaligo ko lang kaya sinusuklay ko ang buhok ko.

Shes not the type of girl, Denise. Sabi niya nang nakangiti at nakatitig sakin.

Nasa harapan ako ng malaking mirror at tumayo siya sa likuran ko.

Bat mo nga pala siya sinama ngayon? Dito pa? Para ano? Tanong ko.

Hindi pa kasi siya nakakasakay ng kabayo eh... Hehe.. Kaya sabi ko, marami kaming
kabayo... Ayun, sumama.

Katahimikan.

Are you mad?

Tinignan ko siya sa repleksyon ng aking salamin.

Hindi. Tumayo ako at inayos ang mga damit na nakakalat sa kama. I just hope na di
puro love story o di kaya namay anime ang dala mong dvds.

***************

*** Stage 23. *** (2 pages)

Stage 23.

Yes... its natural

Tawa nang tawa si Bench at Jenny habang sumasakya dahan dahan sa kabayo.

Umirap na lang ako sa kawalan habang tinitignan sila.

Puntahan natin? Nakangisi si Eliana habang nanonood sa kanila.

Ikaw nalang. Sabi ko.

Tinignan niya ako.

Whats wrong with you, D? Akala ko ba gusto mo to, bat parang galit ka? Aniya.

Huh? Wala eh ikaw? Kala ko ba ayaw mong magkalapit yang dalawa kasi masasaktan
yung isa? Ngayon parang gusto mo na?

Nakikita ko kasing mukhang di naman siya paglalaruan ni Bench eh.

Hindi na talaga nakayanan ni Eli ang kati sa paa niya. Tumakbo siya papunta kina
Bench at hayun nakitawa na rin Sumakay pa ng kabayo

Lika dito Sigaw niya sakin

Ngumiti na lang ako, plastik ulit.

Si Bench at Jenny natigilan para tignan akong sumasandal sa dingding ng resthouse


nila.

Ayan Ako tuloy yung na bored Ang sakit sa pride sa tuwing naiisip kong pumunta sa
kanila. Ang sarap matulog na lang.

Lika dito, Denise Niyaya pa ako ng manyak.

Tseh Gusto mo yan kasi nakahawak ka sa kamay at minsan sa baywang ni Jenny Mag
enjoy kayong tatlo jan Sana mahulog si Jenny sa putikan

Kinuha ko ang iPhone ko. Tatawagan ko na talaga sina Nina para makibalita kung
nasaan sila ngayong sembreak. Mas malilibang pa siguro ako kung tatawagan ko siya.

Pagkatalikod ko para tawagan si Nina, iniwan din ni Bench si Jenny para puntahan
ako at yayaing sumakay na kabayo.

AHHHH Jenny

Pag lingon ko... Pinatay ko agad yung tawag at tumakbo sa kanila. OH MY GOSH Joke
lang yun nagkatotoo Nahulog si Jenny sa kabayo

Bench kasi iniwan mo Sabi ni Eliana na agad inalalayan ang kawawang si Jenny.

Im sorry... Im sorry

Dumugo ang tuhod ni Jenny

Okay lang hehehe Tumawa pa siya ng awkward. Poor talaga ako sa balance kaya
ganito. Walang kasalanan si Bench.

Binuhat naman agad ng inyong prinsipe si Cinderella patungong bahay... Nakita ko


ang pagpula ng pisngi ni Jenny sa nangyari Si Bench ay seryosong nilapag si Jenny
sa couch at agad kumuha ng first aid kit.

Bench, ako na niyan- Sabi ng caretaker ng rest house nilang si Manang Rosa.

Di na, Manang- Sabat ni Bench.

Oo nga Bench, si Manang Rosa na niyan... Baka bo- Siniko ako ni Eliana bago pa
matapos ang pagsasalita ko.

Nakatingin kasi si Bench ng seryoso sakin.

What?

Tapos ginamot niya na ang sugat ni Jenny.

BAKA KASI BOSOHAN MO Duh You manyak

Umiling na lang ako habang nagmomoment yung dalawa.

Ayyy...

Bakit? Mahapdi? Tanong ni Bench.

Pumula ulit ang pisngi ni Jenny sa pangalawang pagkakataon.

Of course mahapdi Sino satin ang nagkasugat tapos nilagyan ng alcohol na hindi
mahapdi? DUH, BENCH

Kainis talaga Bwisit na bwisit ako buong araw Sana mag umaga na ulit HAHA Pati sa
hapagkainan habang kumakain kami ng dinner, badtrip parin ako.

Katabi sila ni Bench, ako naman ang katabi ni Eliana. Nasa harap ko si Bench...

Try this Jenny Sarap magluto ng cook namin dito Buti nga di ako tumaba eh. Sabi ni
Eliana.

Tinanggap ni Bench ang bowl ng isang putahe. Ako namannakatingin lang... observing
sa lahat ng mga kilos ng Cinderella niyo. Matagal na kaming magkaibigan ni Bench,
dahil sa kanya, marunong akong kumilatis ng tao. Itong sang to, alam kong totoo
siya pero kainis dahil sa sobrang totoo. Di tulad ng mga ex ni Bench na puro crazy
at OA.

Si Bench pa talaga yung naglagay ng pagkain sa plato ni Jenny ah Nakakawalang gana


tuloy.

So... Jenny... Nagkaboyfriend ka na ba? Tanong ng nakangiting si Eliana.

Nailang naman agad si Jenny. Ako kanina pa inom nang inom ng tubig. Walang gana
talaga.

Hi-Hindi pa. Ngiting nahihiya.

Ow? Sa ganda mo niyan, wala pa?

Its natural, Eli... Ikaw wala pang boyfriend sa ganda mong yan. Sabat ko.

Tinaas ko agad ang kilay ko at tinignan si Eliana. Si Eliana naman ay nakatingin


sakin at ngumingiting plastik Ayan Sige Tanong ka pa baka banatan kita diyan at
malaman nilang may ka fling ka na

Pinandilatan niya ako.

Yes... its natural. Tulad mo din, Denise... Maganda pero hanggang ngayon wala pang
manliligaw. Evil smile sabi ni Bench.

Parang nainis ako dun ah Kasi ako na talaga Ako na ang nasa world record. Alam
kong maganda ako. I mean, hindi naman siguro ako sisikat kung pangit na friend ako
nina Bench diba? Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam kong may mukha akong
pwedeng mag model... pero bakieeeet? Bakeeeet wala pang nanliligaw ni isa? Kahit
secret admirer lang PLEAAASE?

LOL Tulad ng sinabi ko, di ko kailangan ng boyfriend. Gusto ko lang ng manliligaw


para ibasted ko, pero hanggang ngayon wala paring naglalakas loob.

Haaay Busog na busog ako. Sabi ni Bench.

Tapos na ring kumain si Jenny. Ako naman, parang wala pang nagagalaw sa pagkain
ko.

Tara Pili na tayo ng movies para sa movie marathon? Anyaya niya kay Jenny.

Excited naman silang dalawa. Si Eliana, eto at dalawang plato na ang nauubos.

Sige, pili kayo Yung maganda ah? Sabi ni Eliana.

Tumayo si Jenny at Bench.

Denise, parang walang gana to. Kumain ka na diyan Ngising-ngisi pa ang prinsipe
ninyong kanina pa ako binabara.

Umalis agad para di ko masabuyan ng tubig Sarap kutusan ng prinsipe niyo. Sorry
talaga pero nakakainis siya

***************
*** Stage 24. *** (2 pages)

Stage 24.

Oo nga naman, Denise

Kung akala ng lahat ay birhen pa ang lips ko, nagkakamali kayo. Nilapa na ito noon
ni Bench. Prom night, 4th year higschool kami. Yung school nila kasi pag prom
kailangan mag dala ng date, pwedeng classmate pwedeng taga ibang school. Ako yung
dinala niya dahil gusto niyang lubayan na siya ni Janice Villanueva na noon ay
patay na patay sa kanya.

Hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao para mapahiya ang Queen B noon na si
Janice. Nagwalk-out sa party si Janice.Kung akala niyo ay cheap ako at nagpagamit
lang sa kanya, nagkakamali ulit kayo... Ang modus ng mokong ay ang pagdala sakin sa
prom upang pagselosin ng husto si Janice... eh yun naman pala, may plan B siya
Hinalikan niya ako sa gitna ng dancefloor. Buti walang nakakitang teachers.

Isang linggoakong nagmukmok. Kahit na ganito ako, may pagkacheesy din naman ako.
Pakiramdam ko na rape ako ni Bench nun Lam niyo naman yun eh, ang kiss na sinasabi
ko ay hindi wholesome kiss, yung talagang parang nilalapa ka. Hinawakan pa talaga
ang batok ko para sabayan siya. Pagkatapos nun, ngiting-ngiti lang siya na parang
masaya Ako, jusko mariya Inis na inis ako Gusto ko siyang suntukin pero di ko
magawa Nagkulong ako at nag iiyak sa kwarto ko pagkatapos nun. Araw araw pa siyang
nagpapadala ng maraming regalo. Walang alam ang mga magulang namin.Pero nakarecover
na rin ako dun.

Binabalikan ko ang alaalang ito dahil pagkatapos naming kumain, naabutan namin ni
Eliana si Bench at Jenny na nagkwentuhan habang hinahawakan ni Jenny ang frame na
picture naming dalawa ni Bench sa promnight niyang yun.

Umiling na lang ako habang tawa sila nang tawa.

Sige na, lets watch a movie. Anyaya ni Bench pagkakita sa pag-irap ko.

Umupo ako sa couch, katabi ko si Eliana. Tapos si Bench at Jenny sa kabila.


Wholesome, walang physical contact kay Bench at Jenny.

Mabuti naman di puro anime yung dala niyo... Sabay tingin ko sa mga dvd na dala
nila.

Buti at pabulong yun at di ko nasaktan ang damdamin ni Jenny.

Ako ang pipili Sabi ni Eliana.

Agad siyang nakapili.

This Means War. Sabi niya.

Wala pang nakapanood samin nun.

Maganda yung movie. Nakakatawa at hindi lang lovestory, may action pa Pasalamat
talaga ako at si Eli ang pumili baka yungA Walk to Rememberpa yung mapili nitong si
Jenny, antukin lang ako.

Siniko ako ni Eliana pagkatapos ng mahigit isang oras na panonood.


Tinignan ko siya tapos nginuso niya si Bench at Jenny sakin.

TADAAAAH Si Jenny, nakasandal sa shoulders ni Bench Tulog

Oh come on.

Tinitigan ako ni Eliana na may halong pagtataka.

Napaghahalataan na kita ha... Bulong niya.

What do you mean? Hindi ko binulong. Duh

Si Bench pinapatahimik kami. Hindi gumagalaw nang di ma istorbo ang pagtulog ni


Cinderella.

What? Kanina pa tayo nanonood dito ng movie, surround sound tapos papatahimikin mo
yung soft voice ko. No way, Bench. Sabi ko.

Hamalakhak si Bench, trying not to disturb Cinderella.

Napatingin ulit ako kay Eliana. Ngumingiting tahimik na nakayingin sakin.

What? Tanong ko.

You know what, Bench?Buti pa ihatid niyong dalawa si Jenny sa kwarto para
makatulog siya ng maayos. Evil grin ni Eliana.

Ano? Why us? Why me? Kaya niya na yan Im enjoying here-

Sige na Baka di na yan bumalik si Bench dito pag di ka kasama. Baka may mangyari.
Kumindat si Eliana.

So?

Ayun at tinulak na ako ni Eli kaya napatayo ako.

Sige na, pretty please?

Oo nga naman, Denise... Bigat nito eh, ikaw bumuhat sa mga paa niya. Humalakhak si
Bench.

Tseh

Nasa mga bisig na naman ni Bench si Jenny ngayon.

Okay whatever

Kaya sinamahan ko siya sa kwarto ni Jenny.

***************

*** Stage 25. *** (2 pages)

Stage 25.
Your first kiss... was me...

Nilapag niyang dahan-dahan si Jenny sa kama. Tulog na tulog ang inyong Cinderella.

Hinaplos ni Bench ang mukha niya, inayos ang buhok at linagyan ng kumot.

Tapos na ba? Tanong ko kahit di pa siya natatapos magmuni-muni at tumingin-tingin


kay Jenny.

Whats your problem, Denise? Agad niya akong hinila palabas ng kwarto ni Jenny at
dun kinausap.

Wala naman... bakit?

Why are you acting this way?

Natawa ako ng bahagya. Di ka pa nasasanay? Ganito naman talaga ako ah?

Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

Ganito ka na talaga? Alam kong maarte ka at minsan may pagkakontrabida, pero hindi
kasing lala nito. Aniya.

Nakangiti pa ang damuho. Hindi ko naman alam kung bakit May dumi ba ako sa mukha?
Hiyang-hiya tuloy ako habang tinititigan niya.

Ganito na talaga ako, nuka ba

Tinalikuran ko siya pero biglang... BANG

Hinila niya ako at napahumapay sa dingding.

Aray, ano ba

His face was so close to me. Ganito kami kalapit nung hinalikan niya ako noon.
Kitang-kita ang matangos niyang ilong, maningning niyang mga mata, malalim na
dimples, at ngiting nakakapanindig-balahibo.

I know you remembered something... today... Sabi niya.

Naaasiwa ako dahil amoy na amoy ko ang hininga niya dahil sa lapit ng aming mukha.
Nakalagay ang kanyang magkabilang kamay sa dingding, para bang binibilanggo ako
dito.

Sumimangot ako at tinignan siya ng diretso at ilang segundo lang ay napatingin


ulit sa kawalan.

Anong sinasabi mo diyan Sabi ko

Kainis Feeling

Your first kiss... was me...

Tinulak ko na agad

Stop reminding me Tono mo parang na devirginize mo ako. Tseh

See? Namumula ang pisngi mo Kanina pa yan ha Tumawa siya.


Like ewww? Kung namumula man ito ay dahil yun sa galit ako.

Kita mo na Galit ka pala Bat ka galit?

Natahimik ako at di ulit makatingin sa kanyang mukha. Matagal na kaming


magkaibigan nitong si Bench, nangyayari ito paminsan-minsan, yung binabara niya
ako, pero hindi kasing lala nito. Para bang pinapaamin niya ako sa kasalanang di ko
ginawa.

Just tell me to stop and I will... Seryoso.

Nag walk-out ang mokong Alam niyo yun? Seseryoso tapos mag wowalk-out. Pag-upo ko
sa tabi ni Eliana, siya tawa nang tawa habang nanonood ng movie na parang walang
nangyari.

Weird Benjamin Jimenez...

But wait... Kung seryoso yung sinabi niya sakin, ibig sabihin lang nun ay di siya
talagang seryoso kay Jenny... Ginagawa niya lang ito dahil inutos ko. Pero...
nakakalito parin siya.

Kanina ko pa siya tinititigan tapos biglang... tinitigan niya rin ako Nakangiti
Bwiset, napatingin talaga ako sa TV at natawa na rin kahit na iyakan na pala yung
scene.

Bat ka tumatawa? Tanong ni Eliana.

Ahhh, wala... may naalala lang ako.

Hay nakukrung-krung na yata ako. Linsyak na Bench sobrang misteryoso, pati ako
nalilito.

Kung akala niyong di ko siya, ni katiting, nagugustuhan... nagkakamali kayo...


Syempre, aminado akong super gwapo at sagad sa buto ang kakisigan niya pero bago ko
pa yun maisip, tinitigilan ko na.

He is damn... attractive... super duper hot... Pero alam niyong lahat na off-limits
siya. Hes a manwhore playboy at ako... ako ang dahilan kung bakit iyon nangyari.

And it was because I chose to save him... from his own feelings.

***************

*** Stage 26. *** (2 pages)

Stage 26.

You know what I mean...

Enrolled na ako at bukas, pasukan na ulit

Nasa Coffee Bean kaming dalawa ni Eliana pero para namang ako lang mag-isa. Paano
ba naman kasi, text nang text ang ingratita

Umamba akong aagawin yung phone pero agad namang nabawi.


Nu ka ba Sabi niya.

Kinaumagahan pagkatapos ng gabing iyon sa hacienda nila, umuwi na kami. Wala


namang masyadong nangyari. Binalewala ko lang si Bench... as usual. Balik sa dati.
Gym. Hang-out. Gym...

Maghanap ka nga ng libangan sa iba. Aniya.

Youre texting...him? Tanong ko habang nakapangalumbaba.

Ngumiti siya. Para bang kinikilig.

Oo.

Napailing ako.

Sino ba yan?

Hindi naman kami eh Sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko.

Sino nga?

Basta Nakakagat-labi pa si Eliana.

Humanda ka kung malaman ko kung sino yan

Anyhow... tama si Eliana. Sina Nina, Abby, at Tanika pare-parehong may lovelife...
Si Eliana, eto at mukhang meron na din, kakalabas niya pa lang sa real world may
ganun na agad. Si Bench naman, mukhang preoccupied kay Jenny... Ako na lang ang
walang lovelife. Kaya siguro pakiramdam ko bored ako. Dapat kasi sa ganitong edad
diba dapat may kaharutan ka, bat ako wala?

Wheres your Bench? Para tantanan mo na ako. Sabi ni Eliana habang nakatitig sa
cellphone niya.

Idunno. Siguro kasama si Jenny. Sabi ko.

Itext mo. Tinitigan niya ako habang umiinom ng frappe.

Why?

La lang Itext mo... Sabi niya.

Okay.

Text:

Bench, where are you?

Agad nag reply

Bench:

Nkikipagdate. Bakit?

Ako:

LOL. Okay enjoy


Bench:

Pipigilan mo ba ako o hindi?

Ako:

Anong pinagsasabi mo?

Bench:

Tsss. You know what I mean...

Ako:

Alam ko namang gusto mo si Jenny... for real eh. Haha Kaya enjoy.

Bench:

You know I dont.

Di ko na nireplyan.

Pagkatingin ko kay Eliana, nakatingin na siya sakin, with her evil grin.

Ano? Tanong ko.

You think Bench is serious with Jenny? Tanong niya nakangiti parin.

Oo. Sabi ko.

Napabuntong-hininga ako.

Bakit? Tanong niya.

Katahimikan.

Nakita ko si Candice sa labas, mukha na namang galit ang bilis pa ng lakad. Ewan
ko kung saan papunta...

I think he reminds him ofher... Napalunok ako sa sinabi ko.

Exactly Kung gusto man niya si Jenny... o kung napapalapit man siya kay Jenny,
dahil lang yun dun. Wala nang iba. Kilala ko si Brent. Alam ko kung paano siya
kumilos. Sabi ni Eliana.

Katahimikan ulit. Di ako makapag-isip ng maayos.

Ni minsan ba di sumagi sa isip mo na baka ikaw ang gusto niya, D?

Halos ma iluwa ko yung frappe pagkarinig ko nun.

Natawa pa ako ng bahagya, Ano? He hates me... Sabi ko.

Sinusunod ka niya... Kahit ano... Kahit sabihin mo sigurong magpakamatay siya,


gagawin niya yun... para sayo. Umiling si Eliana.

Sinusunod niya ako kasi nag eenjoy siya sa ginagawa niya.


Sabihin mo nga, kung hate mo ang isang tao, magagawa mo pa kayang sundin ang mga
utos niya?

H-Hindi...

Its his revenge... nag-kukunwari lang siya.

Umiling na lang si Eliana. Alam niyang kahit anong pilit niya, hinding hindi
sasagi sa isip kong magugustuhan ako ni Bench o kaming dalawa ang mag iibigan sa
huli. Kasi alam kong galit siya sakin... simula pa lang... galit na siya sakin...

***************

*** Stage 27. *** (2 pages)

Stage 27.

Dont ask me to chase her

Tinanghali ako sa first day of school ng second sem. Di na kasi ako nasanay sa
oras ng pag gising kahit di naman talaga ganun ka aga yung pasok ko.

Denise Halos madaganan ako ni Nina, Tanika at Abby nang sinalubong ako.

What??-

Hinila nila ako papuntang locker room kung saan marami na ding mga tao. Halos di
na nga namin makita ang mga nangyayari. Narinig ko na lang ang lagapak ng pisngi

PAK

Kawawa naman... kawawa talaga... Bulung-bulungan ng mga tao.

Si Jenny, sinampal ni Candice WTF?

Kapal kapal ng mukha mo Sigaw ni Candice. Kay bata-bata mo pa, malandi ka na Stop
flirting with Bench Alam mo girl, kung di ka pa na-oorient dito, si Bench ang
notorious playboy, gagamitin ka lang niya. Kung makapagsalita ka akala mo naman ang
tagal niyo ng magkakilala

Hindi pa nakunteto si Candice at kinausap pa ang mga taong nakiusisa.

Ladies and Gentlemen, eto si Jenny Zafra, ang bagong dinidate ni Bench.

Di kami nag di-

Akala niya sisikat siya sa ginagawa niya hah Tumawa pa io, parang witch lang Akala
niya naman seseryosohin siya... Hello? Isang tulad niya, seseryosohin? Well, Jenny,
to tell you frankly, ako lang ang sineryoso ni Bench. Kami lang ang nagtagal, kaya
wag kang mangarap girl

Hindi ako nangangarap Wala akong pakealam sa inyo at kung anuman ang sabihin
ninyo... Hindi ko siya ginagamit.

Grabe, kumakati na talaga ang buong katawan ko at gusto ko ng sugurin si Candice


at pagsasampalin sa mga sinasabi niya. Walang hiya na hahighblood ako. Hindi ko nga
feel si Jenny pero alam kong wala siyang ginagawang masama Bwisit

Bago pa madugtungan ni Jenny ang mga sinabi niya...

Akin na ang timba... Sabi ni Candice sa isa sa mga kampon niya.

BINUHUSAN NIYA NG TUBIG SI JENNY

Padaanin niyo nga ako Sigaw ko nang di ko na talaga ma take

Saka pa ako napansin ng mga tao. Mga bwisit kayo, nakatunganga lang kayo diyan at
nakiusisa, wala ni isang nakialam

Imbis na ang lapit-lapit ko na kay Candice... Hinarangan ako ng kamay ni Bench.

Bench...

Ako na ang bahala... Aniya.

Bench... Takot na sambit ni Candice.

ANONG GINAWA MO?

Grabe Galit na galit si Bench

Ginawa ko lang ang nababag-

Get out of my sight...

Tama naman ako diba-

NOW

Napaiyak si Candice at nag walk-out

Sa sobrang bwisit ko, susundan ko na sana habang nakatitig pa si Bench kay Jenny
na basang-basa... Pero bago niya nilapitan si Jenny, hinawakan niya ang braso ko.

Hayaan mo na yun. Seryoso.

Hinubad niya ang kanyang jacket at sinuot kay Jenny. Pero inayawan siya nito.

Umalis na nga kayo dito? Anong tinitingin-tingin niyo? Pinalayas ko ang mga tao...

Iwan niyo ako dito. Sabi ni Jenny na nakaupo sa floor.

Hindi sinusoot ang jacket na bigay ni Bench.

Ipinilit ito ni Bench... pero...

Stop it, Bench Alam kong tama si Candice Sigaw niya kay Bench.

Si Bench naman tahimik.

Na hindi ka kailanman magseseryoso

Tumayo si Jenny para harapin si Bench. Si Bench, may guilty-face. Si Jenny, galit.
Im sorry... Hindi ko inaasahang gagawin niya to sayo.

Its all your fault Kung di sana ganun ka daming babae ang sinaktan mo, di sana
ganito. Alam kong di ka magseseryoso

Im sor-

PAK

ABAAAAAAAAH Lecheng Bat inis talaga ako sa tuwing sinasampal si Bench. Pakiramdam
ko ako lang ang pwedeng gumanon sa kanya. Parang sa tuwing may nananampal sa kanya,
isang bahagi sa akin ang namamatay. Sobrang sakit... lalo na pagnakikita ko ang
mukha niyang nasasaktan din.

Alam kong di mo ako seseryosohin Kahit na sabihin ko sayong... Pinunasan niya ang
luha sa kanyang mga pisngi. Mahal na kita...

At nag walk-out.

Ngayon... kami na lang dalawa. Napalunok ako.

Tinignan niya ako... His sad eyes...

Mahal ka daw niya... habulin mo Pero walang boses na lumalabas sakin.

Seryoso niya akong tinitigan. His sad eyes and dark look... Gusto ko siyang
yakapin. Hindi ko alam kung ganito din ba yung mukha niya noon nang iniwan siya ng
kanyang first love. Hindi ko kasi kayang tignan ang mukha niya nun... pero ngayon,
kaya ko na... siguro nasasanay na akong makita siyang nasasaktan dahil sakin.

Dont ask me to chase her... At nag walk-out na rin.

What the efff? Sinong makakapasok sa school na ganito ang nangyayari sa kanya?
Hindi ko siya nasundan pero pursigido akong hanapin siya. Hindi ko na uulitin ang
nangyari noon.

Ill be the light in his dark eyes... unlike what I did years ago...

***************

*** Stage 28. *** (3 pages)

Stage 28.

Lalong lalo na...

Hello, Kuya Joe?

Ang sakit sakit na ng paa ko. Kanina pa ako lakad nang lakad dito sa school at
pumupuntang rooftop para tignan kung nandun ba ang inyong prinsipe.

Alam niyo ba kung nasan si Bench?

Di naman. Bakit? May nangyari ba? Sabi niya.


Tinawagan ko na at magpapatulong ako.

Paki hanap naman po oh, hindi ko mahanap eh, kailangan ko siyang makita.

Etext mo na lang. Sabi niya.

Naka-off yung cellphone niya.

O Sige...

Ayun, nag tatatakbo na ako para lang mahanap ko siya.

Hello, Eli? Tinawagan ko na ang isa pang di mahagilap. Where are you?

Huh? Uh...

Nakita mo ba si Bench? Alam mo ba kung nasaan siya? Tanong ko.

Hindi eh... Bakit ba?

Text me pag nakita mo siya ah? O di kaya, tawagan mo ako.

O-Okay Why?

Di ko na sinagot at tumawag pa sa ibang taong maaring nakakita sa kanya.

Tapos biglang nag dilim ang paligid. Hindi ako nakapanood ng news pero feeling ko
may bagyong papasok si Pinas.

Oh nooo... Hindi ko pa siya nakikita. Bulong ko sa sarili ko habang tinatawagan


siya.

Nag ring ang phone niya Pero walang sumasagot

Napatakbo ako sa labas ng school. Pumara ng taxi, bakasakaling nakauwi na siya.


Pero bago pa ako tuluyang nakarating sa bahay nila, naabutan ko yung sasakyan
niyang nakapark sa isang parke.

Dito na lang. Sabi ko sa driver at inabot na ang bayad.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang swing. Seryosong nag-iisip at ganun parin ang
ekspresyon. May nakita pa akong mga lata ng Heineken sa katabing bench. May hawak
siyang isang lata, umiinom.

Hindi niya talaga sinundan, huh?

Kung guilty ka kasi ako ang nagtulak sayo kay Jenny, kaya di mo siya sinundan...
useless lang yan. Sana sinundan mo na. Inutos ko man o hindi... kasi halata naman
sayo na mukhang gusto mo na rin siya.

Hinarap ko siya at tinitigan. Nakatingin siya sa kawalan.

Everything was foryou. Sabi niya.

Nakakapagpabagabag talaga sakin sa tuwing may sinasabi siyang tulad nito. Hindi ko
alam kung bakit.

Halata sayo na gusto mo na rin siya-


Its easy to like her, Denise. Pero ayaw ko siyang paasahin, kasi alam kong... alam
kong maynaaalala lang akosa kanya. Yun lang yun.

Napalunok ako. Sa wakas, tinignan niya na ako ngayon, mukha pang galit kaya
kinabahan ako.

A-Akala ko...

No, Denise. Kinaibigan ko siya becauseyou asked me to. Galit at seryoso talaga ang
mukha niya. And now... I feel so guilty...

Hindi ba yun naman yung gusto mo? Makipagflirt sa mga babae? Sabi ko. Gusto kong
alisin sa utak ko ang katotohanang na-gui-guilty na rin ako. Kasi ako ang nag
utos...

Sinabi ko sayo diba? Na ayaw ko? Biglang tumaas ang boses niya

So? Are you blaming me?

Sa inis niya napapikit na lang siya.

You areblamingme... Alam ko kasalanan ko. Pero diba simula pa noon ginagawa mo na
to, Bench? Diba pinapaiyak mo na talaga sila?

You dont get it-

Alam ko Simula pa lang... ako na yung may kasalanan para sayo-

You dont get it, Denise Wag mo ngang ipilit yang baluktot mong rason Hindi mo ba
nararamdaman?-

Grabe Pareho kaming dalawang nag hahyperventilate. Totoong sinabi ko kanina na


ico-comfort ko siya. Pero ngayong lumantad ang katotohanan... parang naguguluhan na
ako.

Nararamdaman, syempre Nararamdaman ko na sinisisi mo ako... HANGGANG NGAYON


Sinisisi mo ako sa pagkawala niya...

Napapikit siya at napayuko, hindi ko alam bakit.

Muse was the right girl for you, Bench, pero were justtwelvethat time At ayaw ng
mga magulang mo sa kanya Patawarin mo ako kung nagawa ko man sa inyo yun-

Stop being so dense Stop dragging her name here Wala siyang kinalaman dito This is
about you and me

Ayan na naman siya. Napalunok ako. Hinawakan niya ang swing ko at hinila ako
palapit sa kanya...Dahan-dahan niya akong hinalikan...

At sa unang pagkakataon, nasampal ko siya ng seryoso

PAK

Matagal siyang nakarecover sa sampal ko. Natigilan talaga yata sa ginawa ko.

We grew up together... at alam kong ginagawa mo to para gantihan ako sa nangyari


noon

Aalis na sana ako nang hinila niya ang braso ko.


Stop it, Bench. Alam mong di ako tulad ng iba. Kilala kita at kilala mo ako...
Useless lang ang pagpapanggap mo.

Tama. Ilang beses niya ng pinararamdam sakin na may gusto siya sakin pero kahit
kailan, di ako naniwala. Dagdagan pa ng pambababae niya, alam kong gusto niya lang
maghigante sa mga nagawa ko.

Kilala mo rin ako, Denise... Hindi ako titigil pag di ko nakukuha ang gusto ko...

Hinila ko ang braso ko galing sa kamay niyang nakahawak. Aalis na talaga ako
Gusto? Gusto niya ako? HAHAHA As if Denise Cordelia Gozon would believe him. Halos
kabisado ko ang bituka niyan... alam na alam ko ang pasikotsikot niya, kilalang-
kilala ko siya. Alam kong paghihiganti lang lahat ng ito. Siya na rin ang nagsabi
noon na maghihiganti siya sakin.

Lalong lalo na pag mahal ko...

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Yes, Bench isnt one of my loyal allies... In fact,
hes the main enemy. The pretentious prince is the main enemy.

SPECIAL EPISODE: The flashback

***************

*** Stage 29. *** (4 pages)

Stage 29.

mahal mo ako...

It was always those closest to us who also wished us dead.

Yun lang ang naiisip ko sa relasyon at pakikitungo naming dalawa sa isat-isa ni


Bench. Bata pa lang kami, parang aso at pusa na kami kung mag-away. Hindi kami
nagkakasundo, pero close kaming dalawa.

Madalas akong umiiyak para mapagalitan siya. Oo, ganun ako noon. Alam niyo naman
ang sakit ng mga bata. Martyr naman siya at sinasalo lahat ng mga paghuhuramentado
ng kanyang Daddy. Close sila ng Daddy at Mommy niya... pero isang araw...
nadungisan ito...

Ayokong balikan ang alaalang ito pero kailangan. Lalong lalo na ngayong
nahahalungkat ito.

Bench Tawag ko imbes na Benj.

Sandali lang. Tinatalikuran niya ako para magpunta sa bahay ng mga magsasaka sa
hacienda nila noon.

Tinatawag ka na For lunch Sigaw ko habang sinusundan siya.

Palaging ganito sa buong summer na iyon.Twelve years old kaming dalawa. Tuwing
summer kasi, sa hacienda nila ako tumutuloy para makalaro si Eliana.
Sa pagsunod ko sa kanya, doon ko nalamang nakikipagkita pala siya sa apo ng isang
magsasaka nila. Si Muse.

Si Muse. Maganda. Makinis. Kutis porselana. Maagang nagdalaga at maiksi ang buhok.
Kilala ko siya kasi paminsan-minsan, nakikipaglaro siya kay Eliana. Pero yun nga
lang, boring siyang kalaro dahil hindi naman talaga siya naglalaro pa... Hobby niya
ang pagsusuklay, pag-aayos at iba pa.

Nagtago ako. Nakita kong binigyan niya ng bulaklak ang si Muse. Pumula agad ang
pisngi nito at hinalikan siya sa cheeks

Halos napanganga akoGod, my innocenceWe were only twelve Pero di ako umapila,
nagtago parin ako at naisipang komprontahin si Bench pagkatapos.

Bench... Nagulat siya nang nakita ako habang papaalis na siya, isang oras ang
nakalipas.

A-Anong ginagawa mo dito? Tanong niya.

Lagot ka Isusumbong kita sa Daddy mo

Huh? Anong p-pinagsasabi mo?

Akala mo ba di ko nakita? Kayo ni Muse

Huh? Tumawa pa siya H-Hindi no Lika na nga At hinila ako pabalik sa mansyon.

Ilang beses niyang pinagkaila sakin yun.

Sige Itanggi mo pa Bench Sabi ko sa kanya nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas
na loob na magpakita sa kanilang dalawa habang naglalambingan.

Denise Wag ka ngang makealam. Kahit kailan ka talaga Sabay taboy sakin.

Nasa may batis sila ng kanilang hacienda.

Akala niyo ba ako lang ang nakakaalam? Hoy, imbis na ako ang problemahin niyo,
problemahin niyo ang mga taong nakakakita sa inyo Sabi ko.

Ano naman ngayon kung may makaalam? Wala naman kaming ginagawang masama

Ewan ko kung bakit pero nararamdaman kong di tama yung mga nangyayari.

Mabait si Muse. May mga bonding moments din kami noon. Pero dahil sa pagiging
madamot ko sa magpinsan ay hindi ko siya gaanong pinapansin. Sinumbong ko sila kay
Eliana. Kaya hayun at nadulas si Eliana at pinagsabi sa mga tao sa mansyon na
ganoon. Di kalaunan ay nalaman din ng Daddy at Mommy niya.

Denise... Tinawag ako ni Muse habang nagtatago sa mga palumpong sa hardin nina
Bench. Pinagbawalan na silang dalawang magkita.

What?

Pakibigay to kay Benj oh. Sabay abot sakin ng kapirasong papel.

Kinuha ko agad.

Sa tingin mo, bat ko ibibigay to? Pinagtaasan ko siya ng kilay.


Please? Kailangan naming magkita Sabi niya.

Bakit?

Miss na miss ko na siya. Namula pa ito at ngumiti.

Hindi na nahiya.

Baliw ka ba? Youre dating Benjamin Jimenez, the owner of this land. Isang malaking
iskandalo tong pinaggagagawa niyo Sabi ko.

Bakit Denise? Minamaliit mo ba ako? Porket anak lang ako ng mahirap, ganun na
agad? Porke bat anak mayaman siya, di na pwede Sinabi niyang mahal niya ako at
ipaglalaban niya ako, papaniwalaan ko siya dahil alam kong totoo yun

Halos matawa ako sa sinabi niya.

This isnt fairytale Wake up, girl Twelve years old pa lang tayo, sa tingin mo
after five years kayo parin? Syempre hindi Mag-isip ka Gamitin mo yung kokote mo.
Wag kang gumawa ng mga bagay na ikakahiya mo pagdating ng panahon. Sabi ko.

Mas mabuti pang pagsisihan ko dahil nagawa ko kesa sa pagsisihan ko kasi di ko


ginawa

Umiyak siya sa harapan ko. Hindi ko ma-take Si Bench? Si Bench na inaaway ko ay


napa-inlove ang babaeng to?

N-Nagkita ba kayo ni Muse? Pabulong na sinabi ni Bench sakin nang dumaan ako sa
kwarto niya.

Bantay sarado siya ng mga guards nila. Hindi ko alam bakit di pwede sila. Pero
pakiramdam ko, tama lang yun.

Hindi. At nilagpasan siya.

Hindi ko pinakita ang papel na binigay ni Muse sakin.

Your son is just twelve years old Sabi ng mga katulong, nakikita nilang
naghahalikan sila nung babaeng yun sa may batis. What the Sigaw ng Daddy ni Bench
sa loob ng working room nila ng kanyang Mommy sa loob ng mansyon.

Naririnig ko sa labas. Curios lang. hehe. Di naman chismosa... Nagkataon lang na


napadaan ako kaya tumigil at nakinig.

I know... I know... Mahinahong sinabi ng kanyang Mommy.

Hes our only son. Gusto kong maayos ang buhay niya. Hindi naman sa ayaw ko sa mga
mahihirap, I dont care who hell love... just not now Its not the right time Masyado
pa siyang bata.

Hindi naman siguro ganun si Benj, hon. Sabi ng Mommy niya. But I know what you
mean... I dont know if its the right thing, though.

You heard your son, right Nagmamarunong Parang alam niya na lahat ng bagay sa
mundo kung makapagsalita...

Biglang pumasok si Bench na nasa likuran ko pala at kanina pa nakikinig.

But I love her, Dad Aniya.


Laglag panga talaga ako sa pangyayaring yon. Nabigla ang Daddy at Mommy niya sa
pagsulpot niya bigla.

You dont know what your talking about.

Na awa ako sa kanya. Sumasakit ang puso ko sa tuwing ganoon ang nangyayari. Para
bangwalang pwedeng magpaiyak sa kanya kundi ako... ako lang... ako ang gagawa ng
paraan para mamulat siya sa katangahan niya. Magagalit siya sakin ngayon pero
balang araw pasasalamatan niya ako lalo na pag mag mahal na siya ng iba.

Bench... Bulong ko. Nagkita kami ni Muse kanina... Binigay niya sakin to. Yung
papel.

Magkikita daw sila sa batis, bukas ng madaling araw. Syempre binasa ko muna bago
ko binigay sa kanya.

Original yun kasi sulat kamay ni Muse kaya di siya nagdalawang isip. Umalis agad
ako para bayaran ng 500 pesos ang taga ligo ng mga kabayo nilang si Kiko.

Kiko... pumunta ka mamayang madaling araw sa batis at landiin mo si Muse. Halikan


o yakapin mo lang ah?

Huh? Bakit?

Para matapos na ang kahibangan ni Benj Jimenez.

Siguro ay naintindihan din ako ni Kiko at sa tindi na rin siguro ng


pangangailangan niya kayat sinunod niya ako.

Commencing my devastating evil plan.

Kinaumagahan, nagising ako sa balitang umalis na sina Muse sa hacienda. Pinalayas


di umano ni Benjamin Jimenez.

Guilty ako masyado. Di bale nat buti na lang ay back to normal na si Bench na di
ko naman nakikita.

Guess what... Sabi ni Eliana.

Seryoso habang kumakain kami ng almusal.

Pinalayas din niya si Kiko. Aniya habang sinusubo ang sunny side-up egg.

Napalunok ako.

At dahil dun... sinabi niya kay Bench na ikaw ang may pakana ng lahat.

Tug-tog.....tug-tog.Parang nag skip-beat ang heart ko dun ah

May tinitignan si Eliana sa likuran kong mas lalo kong ikinakaba.

Paglingon ko... si Bench... Mukhang hindi nakatulog at nakatingin sakin ang galit
na mga mata.

Umupo siya sa tabi ko na parang walang nangyari.

Sorry... I-I did it for your own good-


Sino ka para idikta sakin ang nakakabuti para sakin Biglang-bigla ako nang
sinigawan niya ako. Do you even care, Denise? O yungkababawan at inggitmo lang ang
pinaiiral mo?

Parang nasaktan ako dun I care for him kaya ko yun ginawa Inilayo ko ang babaeng
maaring makasira sa magandang samahan nila ng kanyang mommy at daddy

Si Eliana nakabasag talaga ng pinggan at baso nang narinig kaming dalawang


nagtatalo

Kababawan at inggit? Really Bench? I cant believe ganun ka babaw ang tingin mo
sakin Napakaengot mo at di mo magamit ang utak mo Sabi ko. Pinatulan ko talaga
kahit na mangiyak-ngiyak ako, nasaktan sa sinabi niya.

Wala kang ginawa kundi makealam kahit alam kong wala kang pakealam AHH Sobrang
inis niya halos itapon niya lahat ng gamit na mahawakan.

Ginulo niya ang kanyang buhok.

God, I cant believe you Ang tanga-tanga mo Palibhasa wala kang alam kundi mang-api
Hindi mo man lang inisip ang kapakanan ng iba Hindi ka pa nagmamahal kaya manahimik
ka na lang sana Magwa-walk-out na sana siya...

Balang araw, marerealize mo din na tama ang mga ginawa ko para sayo Tumulo na
talaga ang luha ko. Hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya sakin.

Hinarap niya ako at naglakad papunta sakin. Galit ang kanyang mga mata. Galit na
galit. Sobrang inis. Gulong-gulo ang kanyang buhok.

Balang araw, mararamdaman mo rin ang naranasan ko. Magmamahal ka ng sobra at


mababasag ang puso mo. Sa kahit anong paraan, maghihiganti ako sayo... Kung hindi
ko man mabasag ang puso mo tulad ng pagbasag mo sakin, babasagin ko din ito dahil
mahal mo na ako.

The evil prince cursed me.

***************

*** Stage 30. *** (3 pages)

Stage 30.

futile, too

Pagkatapos ng tatlong linggo, hindi parin pumasok si Bench. Ayokong magtanong


kahit kanino kung nasaan na siya dahil alam kong ako na naman ang dahilan kung
bakit siya nawala. Ayoko ring malaman ng lahat na hindi ko alam kung nasan siya.

Ehe-Ehem...

Hinintay kong umalis ang mga kaklase ko bago ko pinuntahan sa table niya ang
professor kong paalis na rin sana.

Prof... How about Bench Jimenez? Tanong ko.


Anong ibig mong sabihin?

Enrolled siya sa klase na to pero di siya pumapasok diba? Hininaan ko ang boses
ko.

Ah.. Hindi mo ba alam? Nagtaka si Prof. Hes taking special classes online coz his
Dad asked the school.

Ah...

Dami ko pa sanang tanong eh ayun at umalis na si Prof.

Ang walang hiyang Bench na yun ginamit pa talaga ang kapangyarihan niya para
takasan ako? Sabi ko kay Eliana habang kumakain ito ng crepe. Excuse na lang sa
family niyo pero si Bench lang ang tinutukoy ko.

Paano ba naman kasi... Kayong dalawa, kung hindi nagkakasundo ng mabuti, nag-aaway
naman. Umiling siya.

Nahihiya siguro yun sa sinabi niya sakin. Sabi ko.

Natahimik si Eliana tapos nag evil smile.

Paano kung... totoo ang sinabi ni Bench sayo? Sabi niya.

Tinitigan ko na lang siya. Ngiting-ngiti ito habang sinisimot ng crepe niya.


Pinandilatan ko na lang.

Impossible.

Hmmmm. Nag evil smile ulit.

Pagkatapos ay nagpaalam siyang umalis. Siguro ay makikipagkita sa mystery man


niya.

Ayun at sinundan ko at nakitang pumunta sa isang liblib na lugar sa school at


pumasok sa tinted na sasakyan ni...TENENENENTENENTama ang hinala ko. Si Yuan Tan
nga ang kanyang mystery man

SiYuan Tanna ang alam ko ay dinidate si Tanika, really??? OMG Sabay tingin ko sa
mga taong dumadaan sa labas ng Coffee Bean. Nasa two-seater tabel ako ngayon. Para
bang naiinis pag tinitignan ko ang upuan sa harapan kong walang nakaupo.

Hey Denise Youre alone? Sabi ng isang friend kong sosyalera habang umiinom ng
frappe niya at paalis na.

Mmm no... I mean... Oo, pero may hinihintay ako. Ngumiti ako. Plastik.

Tumango naman yung sosyalera at umalis. Kainis minsan pag iniisip ko. Halos lahat
ng tao sa edad ko ay may lovelife talaga. Kahit yung kalandian lang tulad kay
Eliana... Kalandian, syempre Kasi impossibleng legal yung kanila. Secreto iyon kaya
nga patago sila kung magkita. Kung bakit sila patago, ay ewan ko na lang...
Tinatamad akong makitsismis... Tinatamad akong mag move on... ewan ko kung saan.

Asan na ba kasi si Bench? Kung hindi siya umalis edi hindi sana ako mag-isa,
tinatamad at walang gana? Pero okay na rin na wala siya at walang manggugulo sakin.
Kung ganun na rin man yung treatment niya sakin, mas mabuti pa sigurong wala siya.

Sina Nina, Tanika, at Abby sigurado akong nasa kani-kanilang lovelife ang mga
iyon. At ngayon naman pati pa talaga si Eliana. Ewan ko lang pala kay Tanika kung
nasan man siya ngayon sa lovelife niyang nag to-two-time.

Hello there, Denise Biglang sumalubong sakin ang ngiti ni Brent habang
nakapangalumbaba ako at nakatitig sa upuan sa harapan kong inupuan na niya.

Nakangiti ito, halos abot tenga. Nagka heart attack naman ako dun Akala ko si
Bench eh.

Why are you here? Tanong ko.

Ang sama mo yatang makatingin sa inuupuan ko ah. Parang papatay. Humalakhak siya.
Missing someone?

Tinitigan ko siya na parang papatay ng tao ulit.

I know what you mean, Brent. And Im not missing youre cousin. Sabi ko habang
umiiling.

Okay. Sinabi mo eh. Sabi niya at nakatitig parin sakin.

Bat ka nandito? At ano ang pakay mo? Tanong ko.

Tumawa ulit siya. Tawa nang tawa eh nabu-bwisit ako dito sa mga tanong at panunuya
niya. Napadaan lang naman.

Napadaan? Bakit? Saan ka galing eh ang layo ng lugar niyo dito sa school namin ah?
Ang sabihin mo, pinapunta ka dito ni Bench para sirain ang araw ko... Sabi ko. Mas
lalo siyang nakiliti. Kainis

Oh Chill ka lang. Bat mo naman maiisip yun? Ganun na ba talaga kasama si Bench
para sayo? Tumawa siya. At kaya niya namang sirain ang araw mo, bat ipapadala niya
pa ako?

So this means... Bench is just around the corner?

Kasi wala siya dito... Sabi ko.

Do you know where he is? Tanong ni Brent sakin.

Nope.

Do you wanna know?

Napatingin ako sa kanya. Alam ko talaga ang pakay niya dito. Sigurado akong
nautusan ito ni Bench na icheck kung may signs and symptoms ba ako sa pagkakagusto
sa kanya.

I dont and I dont care... Inirapan ko siya.

Yun ba ang gusto mong ibalita ko sa kanya? Tanong niya. Pagkatapos mo


siyangsaktan?

WTF? Pare-pareho kayong mga Jimenez mga manloloko Kainis Kainis Hindi ako
makapagsalita sa inis ko. At imbes na magsasalita na ako at pakakawalan ko na sana
ang mga murang nasa isip ko...

Hes in Hawaii. Hell be spending his coming birthday and most probably Christmas
there... Susunod ako sa kanya sometime in December with my family. Now if you want
me to tell him how much you DONT care about him on his birthday, then its fine with
me... but I doubt if its fine with him. Ngumiti siya.

Kung hindi pa yun sapat para sa kanya... pakisabi na rin na tigilan niya na ang
pagdadrama niya. Revenge is futile. I wont waste my time thinking about him and his
whereabouts. Verbatim.

Ang galing Sabi niya at napatayo na, aalis na yata. Kilalang kilala ka na talaga
niya.

Napailing si Brent.

Nagtaka naman ako dun... Tapos may binigay siyang mukhang invitation. Kulay pula
at gold ang nakasulat.GALING KAY BENCH

Escaping from me is futile, too. Nasa gold italic letters.

At umalis na si Brent.

WHAT THE FFFF?

***************

*** Stage 31. *** (2 pages)

Stage 31.

old maid

Oo. malapit na ang kanyang birthday. Dec. 17. Mag De-december na. Ngayon, alam ko
ng matatagalan pa siya sa pag-uwi dito.

Hindi ako sigurado kung kelan siya uuwi, pero isa lang ang alam ko... Desidido na
ako...

Bago pa siya makauwi dito, dapat may lovelife na ako para hindi niya na ako
mabibiro.HUMANDA KA BENCH

So... you want to plan an exclusive party sa bar na to? Tanong ni Hugo na event
organizer at party planner ng bar na to. When? On your birthday? Aniya.

Nope... earlier. Kung birthday ko pa ang hihintayin edi next year pa.

Umiling siya.

Uh-oh, Denise. Im afraid booked na ang bar na to for the whole December

Whaat? Bakit?

M-Maraming events.

Nakakaduda naman ang pag-iiwas niya sa mapagduda kong mga mata.

O sige, then book it next year. Sabi ko.


Okay, when? Napangiti siya at kinuha ang planner nya.

Umupo kami sa isang table sa bar na nakadungaw sa mga sosyal na nagsasayaw. Kung
hindi lang talaga sosyal yung bar na to... naku

So Im not gonna host the party, mag o-organize lang ako. Ill let my friends
organize this too. And I want to send invitations to the most popular guys sa lahat
ng unibersidad. Pwede na rin yung mga young bachelors Kumindat ako.

So... Lets clear this up. No girls allowed? Tanong niya.

Hmmm. Meron din. At least 1 is to 6 ang ratio.

Tumango naman siya at pumayag.

This is all part of the plan.operation boyfriend-hunt Gusto ko yung sikat,


mayaman, gwapo at kayang-kaya si Bench Sayang lang at hindi ko ma-book ang party
earlier Kainis at baka nakauwi na si Bench nun.

Gosh Im so excited for that party Tili ni Abby.

Nasa bar ulit kami kasi gusto ko talagang makihalubilo. I drank my 5th shot of
tequila and went to the dancefloor

Agad akong nabigla nang nakita ko si Lance na nakatitig sakin at papalapit. Pero
bago pa siya makalapit, may sumayaw na sakin...

Hi my lady Malalim ang boses niya.

Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, sa sobrang gwapo niya ay nakatingin ang mga
tao sa aming dalawa. Palagay ko ay naudlot ang pagpunta ni Lance sakin dahil sa
gwapong ito.

You are?

Lorenzo de Ocampo. Naglahad siya ng kamay kaya natiglan ako sa pagsasayaw. Or


Renzo for short. Kumindat pa siya.

Denise Gozon.

Ngumiti siya at sumenyas na umupo muna kami para makapag-usap ng maayos.

Youre from Affaires? Tanong ko.

Nope. Were schoolmates, Denise.

Really?

Weirdly, hindi ko siya nakikita sa school. Pero sa bagay, malaki ang school para
makita siya.

Hindi mo talaga ako makikita kasi sa psychology department lang ako palagi. But I
know you... Ngumiti siya.

Loading... Loading...

NOW I KNOW Renzo de Ocampo Yung basketball star player ng school namin

Kalma ka lang Denise... Wag masyadong ma overwhelm at baka akala niya easy to get
ka. HAHAHA. This is it, Bench Bakit kaya sa tuwing wala si Bench parang may
development sa lovelife ko, at pag nandyan siya, walang wala talaga? Ewan ko...

Bat mo ako kilala?

Sinong hindi makakikilala sayo? Sabi niya sabay ngisi. Nga lang... di ka malapitan
dahil sa Benjamin Jimenez na yun.

What? Bat nasali si Bench sa usapan?

Huh? Bakit naman?

I... I mean, hes always around you. Para kayong magboyfriend... dont you know?

Na?

Nagpapaulan siya ng death threats sa mga nagtatangkang pumorma sayo.

JAWDROPPING Hindi ko matikom ang bibig ko.

Hes just probably kidding... Plastik na tawa ko.

Nope. I heard the latest victim is Lance Ramos. Hindi ko nga lang alam kung anong
ginawa ni Bench... Well... ako... Im not a coward like Lance. Hindi ako natatakot
sa Benj Jimenez na yan. Kumindat ulit siya.

Napalunok na lang ako. Wala akong masabi. Ngumiti ako... plastik.

Although malakas talaga ang impluwensya ng pamilya niya, I still dont think may
karapatan siyang magyabang.

Tumango ako. Speechless parin.

Im sorry. Im talking too much. Tumawa siya at tinignan ako.

Its okay-

Excuse me lang. Si Kuya Joe biglang sumulpot. Naka uniform pa talaga. Ako ang
naatasang magsundo sayo ngayong gabi. Sabi niya.

Wha-What? Eh susunduin ako ng driver ni Daddy- Sabi ko.

Tinawagan ako ng Daddy mo na ako daw ang susundo sayo. Ngumiti pa siya at humikab.

Sa sobrang inis ko sumama ako kay Kuya Joe.

Renzo... See ya around, I need to go

Tumango siya at umalis ako.

What the heck Alam ko to Pakana na naman to ni Bench That guy Hindi niya talaga
ako tatantanan. Ngayon lang ako sasama sayo kuya Joe ah Hindi na to mauulit Sa
sobrang inis ko, hindi ko na kinayang ngumiti sa harapan ng potential boyfriend ko
dahil sa kay BENCH Ahhhh Kung nasan man siya ngayon sana lamunin na siya ng lupa
Hindi niya na ako binigyan ng konsiderasyon Magiging old maid na ako neto

Sigaw nang sigaw ako pag-upo ko sa sasakyan nila.

Nah-uh Katabi ko pala si Eliana. Nagtatago pa talaga sa likuran ah. You wont be an
old maid, you future Denise Jimenez.

Isa lang ang naisip ko nun...KASABWAT SILA NI BENCH.

***************

*** Stage 32. *** (2 pages)

Stage 32.

I know what you did there...

Mabagal ang panahon. Araw-araw kong nadarama ang pagkawala ni Bench. Aray ano ba
yan Para naman akong namatayan. Minsan kasi pag may nakikita akong paparating na
malakas ang dating pakiramdam ko siya yun. May pasulpot-sulpot pang tulad ng SUV
nila, tinititigan ko tuloy yung plate number. Kainis bakit ganito?

Warning, DeniseToday is his birthdaykaya wag kang mag Facebook o kahit ano Alam mo
yung kaninang madaling araw may natanggap akong balita na nagpost siya ng picture
with Brent na nasa Hawaii silang dalawa? I bet with girls yun

Hey Denise

Nabigla ako nang naaninaw ko si Lance Ramos

Oh Hi Shocked.

Can I sit here? Sabay turo sa upuan sa harapan ko.

Nasa loob ako ng Coffee Bean, kanina pa.

Sure.

Ngumiti siya at parang nahiya.

I-Im sorry. Sabi niya. Hindi na kita pinapansin-

Handa akong makinig sa kanya nang biglang dumating ang hinihintay ko

Ehe-Ehem...

Napatingin kami ni Lance kay Renzo na nakatayo sa harap namin.

Nawala lang si Bench, pumuporma ka na ulit. Sabi ni Renzo.

Pasensya ka na pare... ang alam ko kasi, ikaw din sumulpot lang pagkawala niya.
Bakit kaya?

Nagkatitigan silang dalawa. Tumayo pa si Lance para harapin ng maayos si Renzo.


Ang mga chismosa naman, panay ang tingin sa table ko at sa reaksyon ng dalawa.

Anong ibig mong sabihin? Halos itulak ni Renzo si Lance buti at napigilan ko.

Tama na, Renzo Sabi ko.


Grabe Ang haba ng hair ko habang nagtitinginan ang mga tao samin. Pero hindi ako
natutuwa sa nangyayari...

Ill back off today... just today, kasi ayoko ng gulo. Sabi ni Lance. And Denise,
never trust players... Tapos umalis.

Mukha tuloy na badtrip si Renzo. May usapan kasi kami na manood ng sine today.
DATE Tama Finally at umaariba na ako First time kong makaroon ng date Syempre
masaya ako Pero somethings weird... Ewan ko lang kung bakit ko yun nararamdaman.

Kainis yung Lance na yun, nanggugulo. Aniya palabas kami ng Coffee Bean.

Birthday ni Bench ngayon... andun siya sa malayo. First time itong malayo siya
sakin kaya heto ako at nag eenjoy sa aking freedom Yun ang naiisip ko, para namang
di ako free noon.

Never trust players? Ha Sabi niya.

Hayaan mo na lang siya. Sabi ko.

Parang weird naman nito. Siguro dahil maliban kay Bench ay di pa ako nakakasama sa
kahit sinong lalaki na kami lang dalawa. Almost 19 years na ako tapos kay Bench
lang umikot ang mundo ko. Natural lang siguro na maweirduhan ako sa pagsama ko sa
isa pang lalaki.

Lumapit kami sa sasakyan niya. First time ko ding makasakay. Yun ay kung matutuloy
kami

Bakit???

Uh-oh I think flat yung gulong ng sasakyan mo, Renzo.

Huh? Sobrang gulat yung mukha niya pagkasabi ko nun.

Dumungaw siya sa gulong ng Accent niya.

What the?

Flat na flat Sobrang flat ang gulong sa harapan.

Kahapon ko pa to pinalitan, flat agad?

Nakatayo lang kami sa labas ng sasakyan niya.

Hay nako Napakamalas naman Parang di meant to be Nilapitan ko ang gulong habang
may tinatawagan siya sa cellphone.

May isang malaking butas sa gulong.BUTAS TALAGA Ewan ko lang kung bakit nagkaganun
ha? Bakit nga ba may malaking butas?

Uh.. Theres a hole. Hindi ko na muna inistorbo si renzo na may kausap sa


cellphone...

THERE IS A HOLE Paano yun? Thumb tacks? Nail? Ewan

May lumapit pa sakin. Naka black usual suit na uniporme ng mga tauhan nina Bench.
Naka black Spyder shades pa.

Ms. Denise... Pinapatawag ka ng Daddy mo-


Daddy?

Unti-unting dumaloy ang init sa pisngi at ulo ko habang unti-unti kong narerealize
kong ano na naman ito.

Daddy ba talaga o yung boss niyo?

Hindi siya gumalaw. Nakita ko sa malayo ang nakaready na black SUV nina Bench.

Natapos ang phonecall ni Renzo.

Renzo... I need to go... Im sorry. Siguro next time na lang... May aasikasuhin
lang ako. Ill just text you. Sabi ko na may halong panghihinayang sa ekspresyon.

Wha- He sighed. Okay.. Im sorry God ang malas Sabay suntok niya sa kanyang
sasakyan.

Sumama ako sa mga goons ng walang hiyang Prinsipe ninyo. Pati ang tadhana
dinidiktahan niya para lang malasin ako ng husto. Sumama ako... alam nio kung
bakit?

Let me talk to your boss... Sabi ko sa sumundong tauhan ni Bench sakin.

Hindi po-

I KNOW WHAT YOU DID THERE Anong ginamit niyo para mabutas yung gulong ng sasakyan
ni Renzo God that Crazy manwhore Let me talk to him Sigaw ko nang nakarating na ako
sa sasakyan niya.

***************

*** Stage 33. *** (2 pages)

Stage 33.

It was no luck after all.

Hysterical ako sa loob ng bagong SUV nina Bench. Oo, bago. Yun talaga ang unang
napansin ko.

Asan na? Asan na? Yung boss niyo?

Walang imik ang dalawa habang nagdadrive at nasa headphone naman yung isa... may
kinakausap yata.

Target secured. Aniya sa kausap niya sa headphone.

Wheres Bench?

Nasa Hawaii po. Sabi nung may kausap sa headphone.

Is there anyway na makausap ko siya?

Im not dumb. Of course meron, this isnt 2000 years ago... May skype na. Pwedeng
chat, pwedeng mag webcam, kahit ano... Pero ang ibig kong sabihin ay papayag ba
siyang kausapin ko siya.

Binigyan niya na naman ako ng tulad nung binigay ni Brent sakin. Yung red envelop
na may nakasulat...

You choose. You talk to me. Or I talk to you... What? Is this some kind of game?
May ganitong drama pa siya edi syempre, kakausapin ko siya. Di bale ng di niya ako
kausapin, ang importante ay masabi ko sa kanya lahat ng hinaing ko

Walang imik parin ang dalawa sa harapan ko. Mukhang papunta kami sa bahay nila.
Ako naman gigigil na gigil at di na makapaghintay sa mga sasabihin ko kay Bench. Sa
isipan ko, ibinalangkas ko ang lahat ng aking sasabihin sa kanya. Mula sa mura
hanggang sa pagpapaalam sa kanya na nagustuhan ko ang pagkawala niya.

Umupo po kayo dito. Hintay lang tayo ng signal tapos online na si Sir Bench. Sabi
ni Kuya Joe.

Then I realized,stupid idea Bench Bat may palaru-laro ka pang ganito? Na ako lang
pwede ang magsalita kung pinili ko... O kung ikaw lang ang magsasalita kung gusto
ko... Bat di na lang tayo mag-usap dalawa? Whats this game? Ugh Sige Ikaw bahala

Miss Denise. Sabi ni Kuya Joe.

Nasa loob kami ng theater sa loob ng mansyon nina Bench. Yes of course, what do
you expect?Hes a gazillionaireMay private plane nga, eto pa kaya.

Buffering... yun ang nakasabi sa malaking screen ng theater nila.

Wag niyo pong kalimutang mag greet sa kanya ng happy birthday. Ngumiti siya na may
halong kaba.

Umirap na lang ako pagkatapos ay umalis na siya.

Nabasa ko sa screen... Benjamin Jimenez - ONLINE

So youre there? Sabi ko. God I sound stupid Una sa lahat... nakakairita itong laro
mo. Kung ano man to, tigilan mo na. Bat kailangan may pagpipilian pa... Ako
magsasalita, o ikaw? Pangalawa, alam ko na kung paano mo ako binakuran simula pa
nung highschool Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala parin akong
boyfriend Nakakainis ka Alam kong inis ka din sakin sa mga ginawa ko noon pa

Napatayo ako sa umaapaw kong emosyon.

Pinaghihigantihan mo ako kaya ganito. I get it But trust me... hindi ka magwawagi.
Sooner or later, magkakaboyfriend din ako at wala ka ng magagawa dun. God damn it
You ruined my date with Renzo 18 years, Bench Eighteen years kong hinintay na may
makipagdate na lalaki sakin tapos ipinagkait mo? Tigilan mo na to Im so happy that
youre not here

Grabe, dinig na dinig ko ang puso kong ang bilis ng tibok. Umaapaw talaga ang inis
at galit ko sa kanya.

Sana diyan ka na lang kung saan ka man. Rot there with your girls so I can have my
own happy ending with my own perfect prince charming. I dont need you here
Pagkatapos kong sabihin ang huling pangungusap, natigilan ako.

Sumakit ang dibdib ko. Akala ko naman heart attack... pero di pala... May isang
parteng gumuho sakin. Ang harsh ko yata sa kanya... Tapos naalala kong birthday
niya nga pala ngayon at binanatan ko ng mga masasamang salita. Sa sobrang guilty
ko, gusto kong mag walk-out sa theater. Pero ayaw gumalaw ng mga paa ko, parang
naninigas sila. Kinabahan ako.

Masyado akong na carried-away sa galit ko kaya hindi ko masabi ang magic words: Im
sorry.

Denise, your pride. Thats not Renzo or Lance... Si Benjamin Jimenez yan. Pangalan
pa lang tunog walang puso na. Kaya wag kang maguilty.

Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

I tried my best to make you miss me, Denise. Through this... One-way communication
game.

You know its effective I miss you So much na kailangan ko ng ibang kasama...

My subconcious betrayed me. Ni hindi ko alam na yun ang maiisip ko pagkarinig ko


sa boses niya.

And dont think I stayed away coz Im being a coward. Nandito ako sa malayo coz Dad
gave me the 70 authority of our company. This means I�m here to work and talk to
some potential investors.

Hindi ako makapagsalita. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Halos di ako makalunok
sa sikip ng dibdib ko.

Ang boses niya tunog seryoso at malungkot.

And it turns out... Im the one whos missing you instead... I know that I can
barely stay away from you, yet I tried my luck. It was no luck after all.
Napabuntong-hininga siya. Now if you want me to stay far away from you till the end
of this year, please, stop being with your prince charming. Kung hindi mo magagawa
yun, expect that youll catch me trying to put a hole in you princes car, the next
day.

***************

*** Stage 34. *** (2 pages)

Stage 34.

Apology accepted

So the name isBenjamin Jimenez also known as The Stalker. Hindi ko alam kung paano
niya ginagawa yang pag s-stalk niya. Nagpapahire ba siya ng mga detective para i-
stalk ako? Alam kong kaya niyang sweldohan ang mga ganun lalo na ngayong hawak niya
na pala ang 70 sa company nila. Imagine taking over an Airline, Farms at iba pa...
Hindi mag-iisang kusing ang sweldo niya sa mga detective na maari niyang i-hire.
Pero sino naman ang lokong tatanggap ng ganoong klaseng trabaho? Para sundan lang
si Denise Gozon-work?

Hindi ko talaga siya ma kuha-kuha. I wish I can read his mind. Natapos ang taong
yun na walang development sa lovelife. As you wish, Bench Jimenez. LOKO LANG YUN
Akala niya sinunod ko siya? Nagkakamali siya
Hello Nina?

Ang saya saya namin ng pamilya ko habang pinapanood ang fireworks at kumakain sa
patio namin.

God I miss Bench. New year last year pinuntahan niya kami dito. May regalo siya
sakin, meron din ako sa kanya. Pero ngayon biglang naglaho ang lahat. Natapos ang
birthday niya ng hindi ko siya na gigreet at nag new year ng hindi siya nakakasama.

Lets get it started. Sabi ko sa kanya.

Im all fired up for my very own bachelors-party plan. Kasi naman mangyayari yun
the day before my birthday two weeks from now.

Naging busy ako sa invitations at kung anu-ano pa... Drinks, wines, food, etc.
Para na ring birthday ko. Ayoko namang ipangalandakan kung paano ako
nangangailangan ng boyfriend ngayon kaya di ko na ginawang birthday party ko.

1 message

Tumunog ang cellphone ko. Kasama ko na naman si Eliana sa paglalakad sa corridors.


Gusto kong magtanong tungkol kay Bench. Babalik na ba siya? Eh January na ah? Pero
bago lumabas ang tanong sa bibig ko, may nagtext na.

From Renzo:

Am I invited?

Ngumiti ako.

Reply:

Of course you are. Pero hindi ka rin siguro mag eenjoy, few girls lang eh.

Bilis mag reply.

Renzo:

I know Ill enjoy it. I only need one.

OH EM GEE Ni hindi pa nga niya ako na di-date ah? Kilig naman ako Hihihi.

Sino ba yan? Inagaw ni Eliana sakin ang iphone ko.

Sht

Nag-agawan pa kami.

Ngiti ka nang ngiti, kinikilig ka ba?

Hinayaan ko na at binasa niya ang text... PERO DI NIYA NABASA KASI MAY ISANG
MENSAHE PA

Bench Jimenez: Kahit yung mga text mo, alam ko. What the f? Its just Bench naman
pala. Evil smirk.

What?
Napatingin ako sa iphone ko. Bench Jimenez nga HIS NUMBER Does this mean hes back?
OMG Nevermind na yung pagiging stalker niya. Wait a minute, I think he hacked the
telecommunications company, eh?

Is he back? Tanong ko kai Eliana.

Nagkibit-balikat naman si Eliana. Hay nako, sabi na nga ba kasabwat itong isang
to.

Reply ko agad:

Stop threatening me, Im not scared.

Agad siyang nag reply na para bang inabangan ang reply ko.

Bench:

If you arent, bat di niyo inulit ang date niyo ng Prince Charming mo?

Ako:

Shut up, its none of your business. Im busy.

Agad talagang nag rereply ang prinsipe niyong baliw. Napatigil talaga ako sa
paglalakad, hindi ko na nakikita kung sinong nasa paligid.

Bench:

Busy with your upcoming hunt-for-mr.right-party?

PATI HIDDEN AGENDAS NA HACK NIYA

Ako:

Youre not invited, sorry ka na lang.

TSEH Guilty ako nung birthday niya at na miss noong Christmas at New Year pero
ngayong alam kong nasa tabi-tabi lang siya halos isuka ko siya.

Bench:

Apology accepted... Challenge accepted, too.

I hate the evil smiley. I know hell gatecrash my party

***************

*** Stage 35. *** (3 pages)

Stage 35.

Youre not with him anymore...

Nasa party na ako. Uneasy. Paano ba naman kasi, Im kinda expecting HIM to be here.
Di naman siya invited. Patingin-tingin ako sa cellphone ko.
Sobrang saya ng mga girls Paano ba naman, kay daming lalaki at kay gu-gwapo.
Pinili ko talaga yan. Kahit na taga kabilang school nandito.

Is that Richard Martinez? Linapitan agad ni Abby si Richard Martinez.

Im wearing a black shimmering smexy dress. Talagang binili ko to for this party. I
curled my hair tapos make up, smoky eyes.

Halos lalaki yung mga nakikita ko. Si Abby, may tatlong lalaki ng kausap.

Nilapitan ako ng nakangiting si Renzo. Kakarating niya lang yata at kasama niya
ang mga kaibigan niya sa basketball team.

Hi Sabi niya at hinawakan ang siko ko.

Hi

I think I blushed.

Sayawan na Nasa background ang Lights by Ellie Goulding

Halos mapasayaw ako pero hindi parin maalis sa isip ko ang prinsipe ninyong
maaring sa ngayon ay nakapasok na. Tumingin ulit ako sa cellphone ko.

Whats wrong? Tanong ni Renzo nang nakikita akong tuliro at tumitingin sa


cellphone.

Wala. Ngumiti ako.

Wanna dance? Naglahad siya ng kamay.

No, thank you. I think I need a drink. Ngumiti ako.

Nagkabuhol ang tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko din ilang
sandali...

Kumuha si Renzo ng vodka.

Cheers Sabay kami.

Nagustuhan mo ba ang party? Tanong ko.

I like parties, pero syempre nagustuhan ko to kasi magkasama tayo. Ngumiti ulit
siya.

Uminit talaga ang pisngi ko.

Alam kong birthday mo bukas, kaya eto. Happy birthday Sabi niyang ikinabigla ko.

May gift siya

Whoa Thank you- Tinanggap ko ng kinikilig

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa dancefloor. Ayaw kong sumayaw pero sige
na nga

Daming tao at mukhang enjoy na enjoy silang lahat. Ako rin nag-eenjoy na sa ngiti
ni Renzo. Nakahawak siya sa baywang ko at hinihila papalapit sa kanya habang
sumasayaw. Ang sunod na namalayan ko ay nakangiti na rin ako sa kanya habang ang
isang kamay niya ay nasa likod ng ulo ko. Pumiglas ako ng konti kasi nahihiya ako
pero malakas ang tulak niya sa ulo ko.

AKALA KO TALAGA MAGHAHALIKAN NA KAMI SA DANCEFLOORpero may bigla ng sumulpot, the


uninvited.

Denise Yinakap niya ako. Casual.

Napakalas talaga si Renzo, nabigla at mukhang nainis. Di niya naman ipinakita.


Nasaktan din ako para kay Renzo, ang sakit sa ego nun ah

Ako naman ay nabigla sa plastikang ipinakita niya sa harapan ko. PARANG WALANG
NANGYARI AH? PARANG DI MO AKO INIWAN SA ERE TAPOS INI-STALK

I missed you Im back Aniya.

Oo. Youareback. Tinitigan ko lang siya na nakangisi at hindi pinapansin si Renzo sa


gilid.

Its 11:30PM. Kaya naman pala sumulpot na ang mokong, aswang kasi siya eh. Shet
bakit casual siya? Kinabahan tuloy ako. Alam ko... Alam ng tiyan kong nagkabuhol-
buhol na may planong masama ang evil dark prince ninyo.

At bat ka andito? I didnt invite you. Sabi ko at sumulyap sa nakangangang reaksyon


ng madlang pipol sa pagdating ni Bench.

Of course Im invited, we grew up together at close tayo.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakangisi parin siya.

Wha-

Hello, Renzo? Tulungan mo naman akong itaboy si Bench, please? Nakatunganga lang si
Renzo.

SI ELIANA Bigla kong naisip si Eliana, siguro siya ang nagpapasok sa mokong na to.
Whatever, Bench. You wan to play this game? We will play this game

Okay... Maraming girls jan, you might wanna check. This is Renzo. Sabi ko.

Dali-daling naglahad ng kamay si Renzo na hindi naman tinanggap ni Bench,


nagkukunwaring hindi ito nakita. Kaya ibinaba niya na lang ang kamay niya.

Inakbayan ako ni Bench. Stupid wh0re Anong plano mo diyan sa show mo?

I missed Christmas, New Year and tomorrows your birthday May regalo ako sayo pero
nandun sa sasakyan, wanna see it?

No, Bench, nagpaparty ako and Im with Renzo. Sabi niya.

Pinandilatan ko siya.

Oh okay.

Akala ko susuko siya pero hindi...

Sayang naman yun. So, Uh... At last at tinignan niya si Renzo. Kentou, pwede bang
kumuha ka ng drinks? Gin and tonic tsaka vodka.
Bakas sa mukha ni Renzo ang pagkainis. Halos takpan ko ang bibig ni Bench.

Renzo.

Kentou, Retzo, whatever. Tapos tumingin si Bench sakin ng nakangisi.

Umiling si Renzo at umalis bago ko pa siya matawag at ipagtanggol. Shucks Major


major insult Buti at hindi ka niya sinuntok Walang hiyang Bench Ibang klase kung
mang-inis

Youre not with him anymore... Ngumisi siya. Tara sa sasakyan

Hinila niya ang kamay ko at binawi ko naman ito.

You ruined my date again Wag kang magpupupunta dito kung ganun naman yung gagawin
mo Pabulong na sinabi ko sa kanya maingat sa mga taong nasa paligid.

Naging seryoso ulit ang mukha niya at tinignan ang kamay ko. Para siyang nasaktan
sa ginawa at sinabi ko. Agad namang nagbuhol ulit ang tiyan ko, na-guilty.

Di ako pwedeng ma guilty TAMA LANG YUN SA KANYA Ininsulto niya si Renzo tapos
inagaw niya ako imbis na maghalikan kami ni Renzo sa dancefloor (mabuti na lang
kasi ayokong mangyari yun). Crus ko si Renzo, but not crush enough para dun. Hindi
ko alam Naguguluhan na ako

Renzo is not the guy for you, Denise.

Bakit? Anong problema sa kanya? Ikaw lang yung may problema dito eh Napalakas yata
ang boses ko kasi nakita kong tumingin ang mga tao samin.

Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko.GOOSEBUMPSAno yun? Some kind of electric
effect sa pagkahawak niya sa kamay ko.

Napalunok ako. Sa sobrang banayad ng pagkakahawak niya kinabahan ako. Dinig na


dinig ko ang puso ko.

Bakit? Sino ang right guy para sakin? Napalunok ulit ako

Bakit parang nag eexpect akong sasabihin niyang siya?

Lets get out of here, accept my gifts, be with me, and Ill tell you why.

Ano yun? Anong nangyari at bigla akong sumama sa kanya? ITINULAK BA AKO? NINO?
KAYO? OH NO

Denise Cordelia Gozon, you cant be...

***************

*** Stage 36. *** (2 pages)

Stage 36.

Happy birthday...
Nasa labas na kami ng bar. Hinihila niya parin ako na parang walang nakatingin sa
aming dalawa. Lahat yata ng tao nakatingin samin eh. Halos ma samid na ako sa
pagkakahila niya.

Bench, ano ba

Hindi pamilyar ang sasakyan na binuksan niya. Cool. Tinignan ko talaga ang buong
sasakyan kaya di ko namalayang nasa front seat na pala ako at umikot na siya at
nasa drivers seat na.

Seryoso siyang nakatingin sakin. Tinititigan akong mabuti. Tinitigan ko rin siya.
Oh I get it... Mas gumwapo siya ngayon. Lalong gumwapo. Kumurba ang kanyang labi at
nakita ko ulit ang pamilyar niyang dimple. Ang mga mata niya, nakatitig parin sa
mga mata ko. Tapos tumitibok ng malakas ang puso ko.

What is this? Am I tensed? Bakit ako kinakabahan?

Napalunok ako.

Youre denying it, Denise.

Binawi ko ang tingin ko at tumingin sa labas. Di parin niya inaalis ang mga mata
niya sakin.

Alam ko kung anong ginagawa mo, Bench. Sabi ko. Halos mapaos.

He sighed. Di parin inaalis ang tingin niya sakin.

Youre ruining everything, Bench First time kong magkaroon ng date, ipinagkait mo
pa sakin. At ngayon... eto ka at mang-iinis sa kanya-

Hes not the right guy for you, Denise.

Then who is? Hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sa kanya.

Hindi ko naman ganun ka gusto o mahal si Renzo. Halos di ko pa nga siya kilala,
getting-to-know-each-other stage pa lang tapos bakit inis na inis ako kay Bench?

May kinuha siya sa likuran. Tatlong maitim na paper bag.

These are my gifts for you, Denise. Eto sa Christmas. Eto naman Sa New Year. Eto
naman sa Birthday mong ilang minuto na lang...

Tinignan ko siya. Nakangiti na parang wala lang.

Christian Louboutin ito. Diba gusto mo to, sabi mo sakin noon?

Binuksan niya ang isang paperbag at ipinakita ang nasa loob ng box. Isang pink
high-heeled pumps na may gold sa gilid.Christian Louboutin.

Kung noon siguro matatanggap ko to tulad sa pagtanggap ko sa mga regalo niya, pero
ngayon, parang isinusuka ko na ang lahat at di ko alam kung bakit.

And this ones a bag from Louis Vuitton-

Bench, stop it

Hindi ko siya tinignan dahil alam kong hindi ang mga regalo niya ang
makakapagpalambot ng puso ko, kundi ang kanyang mga mata. Hes deadly and we all
know that. Ganito kaya ang nararamdaman ng mga girls na naiinlove sa kanya?

Kung gusto mong malaman kung bakit hindi siya para sayo, Ill tell you. After your
birthday, that is.

Tinignan ko siya. Disappointed kasi di ko man lang hinawakan ang mga regalo niya.

You listen, Bench. Tumingin ulit ako sa labas para di ko malimutan ang tatlong
linggo kong inisip na script para sa kanya. I know what you are up to. Kilala mo
ako. Alam mo kung gaano ko ka gusto ang lahat ng luho sa buong daigdig. Gusto ko
ang spotlight at isa akong social climber. Pero hinding hindi mo ako mauuto sa mga
gifts mong to. Alam ko kung ano ang gusto mo Wag na wag mo na ulit akong bigyan ng
mga ganito. Ayokong umasa kang mapapaibig mo ako at mapapaikot para lang
mapaghigantihan si Muse

Sinulyapan ko siya. Mukha niya? Shocked at sobrang nakakaantig. Bwisit AYOKO NITO
Kanina ko pa napapansin ang sarili ko. Ginulo niya ang buhok niya huminga ng
malalim, trying to look cool and calm.

Cant take this anymore. Binuksan ko ang pintuan ng bago niyang sasakyan.

Akala ko hindi ko mabubuksan yun kasi bago nga at di ako pamilyar kung paano pero
adrenaline rush na

Umalis ako sa sasakyan niya. Nasa harapan ako ng sasakyan niya naglalakad habang
pinupunasan ang mga luha. Bakit ako umiiyak?

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa sasakyan niya.

Uuwi na ako. Di ako babalik sa bar... Aalis na ako. Bwisit na Bench Sinira niya
ang lahat

Napatingala ako nang may nakitang sumabog sa langit at iba-ibang kulay ang
nahulog. Natigilan ako sa gulat at sa ganda, pareho.

Happy birthday... Sabi ni Bench sa di gaanong kalayuan. Nakatayo parin siya


malapit sa kanyang bagong sasakyan.

Fireworks Sobrang ganda.

Lumingon ako sa kanya. Nakangiti siya peromalungkotang mga mata...

Dont fool me.

Napalunok ako. Siya ang may pakana ng fireworks na yun? Alas dose na at ibig
sabihin birthday ko na nga

Tumakbo ako papuntang kalsada at agad pumara ng taxi palayo sa kanya.

I know hes evil. He is trying to conceal it. Gusto niyang paniwalaan ko na


malungkot siya sa mga sinabi ko... Gusto niyang masilaw ako sa yaman at sa makukuha
ko kung papatol ako sa kanya. Estupido Alam niyang alam kong ganyan siya ka playboy
tapos ako pa ang pagtitripan niya? At kung gusto niyang maghiganti, sana di niya
ako kinaibigan at di niya ako ginawang close friend.

Saan tayo, miss? Tanong ng taxi driver.

Sinagot ko at tumingala ulit sa fireworks. Nakita ko pa kung saan ito galing. At


ang mas masama pa dun, nakita kong sina Kuya Joe at iba pa niyang bodyguards ang
nagsisindi sa bawat fireworks na lumilipad pataas.

Holy Sht

Wala kang makukuha sakin Bench Yun lang ang nasa isip ko at sinasabi ko ito
pabalik-balik parang sirang plaka.

Napapikit na lang ako nang lumandas ang luha sa pisngi ko at sa wakas na amin sa
sarili na...

Ang walang hiyang yun... mukhang nagtagumpay siya sa paghihiganti niya ah?

Umiiyak ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya.
Nasasaktan akong nakita siyang malungkot kahit hindi ako siguradong malungkot nga
siya. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya kayang paniwalaan. Nasasaktan ako kasi
gusto niyang maghiganti

Kung hinayaan ko sila ni Muse noon, maghihiganti pa kaya siya? Kung hinayaan ko
siya noon, magiging ganito kaya kaming dalawa?

Napabuntong-hininga ako.

I give up thinking... He won I think Im in love with him

***************

*** Stage 37. *** (3 pages)

Stage 37.

Baka mapatay ko pa

Denise. Kala mo lang inlove ka sa kanya dahil sa kagwapohan niya, katawan, yaman
at diskarte niya Yun lang yun Gosh

Binalik-balik ko ang pag iisip nun para maalis sa isip ko ang pag-amin ko sa
sarili ko.

He is perfect... almost... perfect. Kung di lang siya playboy, totoong mahal niya
ako at kung di niya sana ako sinumpa eh baka matagal na kaming nagpakasal.

Gah In love ako sa kanya at kailangan kong lumayo. Be with someone else NOW

Finally A date with you Ngumiti si Renzo pagkasundo niya sakin sa labas ng
subdivision namin.

Papalubog na ang araw at manonood kami ng sine tapos kakain. Simple lang. Isang
bagay na hindi ko pa nagagawa ever kasama ang isang lalaki except kay Bench.

Teka, bat ko ba siya iniisip? BURA NA

Inbox

Bench:
Are you still mad at me?

Hindi ito coincidence Alam ko Alam kong kaya ngayon siya nag ti-text sakin
pagkatapos ng lahat ng nangyari dahil alam niya kung ano ang gagawin ko ngayon.

Denise:

Yes, I am. Dont text me. At wag mo akong sundan.

Saan tayo pupunta? Tumingin si Renzo sa phone ko kaya ibinaba ko at linagay sa


purse.

Uh... Sa mall? Kain muna tayo? Sabi ko.

Saka nood ng sine? Ngumiti siya.

Oo.

Hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkol sa eksena doon sa bar kasi nahihiya
akong maalala yun.

Kumain kami sa isang restaurant. Spare ribs tsaka strawberry shortcake ang inorder
ko. Tingin nang tingin ako sa paligid baka nandyan si Bench. Mukha tuloy akong
gaga.

Are you okay? Tanong ni Renzo.

Yep... Pasensya ka na. Sabi ko.

Shall we watch a movie? Tanong niya.

Sige, uh, sure

Tingin parin ako nang tingin sa paligid. Hindi ko na talaga masyadong


napagtutuonan ng pansin si Renzo dahil dito sa paranoia ko. Hindi pa naman
nagrereply si Bench. Siguro nasa paligid lang talaga yun. Tingnan natin Bench kung
pati sa sine ay masundan mo kami Ha Paranoid noh?

Chainsaw Massacre 3D ang pinanood namin. Gulat na gulat ako sa bawat eksena.
Langya, paranoid kasi eh Shet Napatingin ako sa paligid kahit madilim. Di mana
siguro kayang sumunod dito ni Bench noh? Gagastos pa siya... OHHH Of course
gagastos yun. Piso lang sa kanya ang gastos na gagawin niya.

Feeling ko talaga.

Hey, are you okay? Tanong ni Renzo.

Hiyang-hiya na talaga ako sa kanya. Kanina pa kami magkasama pero si Bench ang
laman ng utak ko. Ang walang hiyang yun na mukhang wala naman talaga dito sa
paligid ay iniisip ko.

Oo. Natatakot lang ako sa scenes. Sabi ko.

Hinawakan niya ang ulo ko. Ngayon ko lang narealize na nasa likuran at nakaakbay
na pala sakin ang mga braso niya. Linagay niya ang ulo ko sa kanyang leeg.

Para di ka matakot. Aniya.


Halos di ako gumalaw. Di ako kumportable. Parang weird. Parang di tama.

Pagkatapos nung movie, nawala yung paranoia ko kay Bench. Effective yung ginawa ni
Renzo ah

Nasa sasakyan niya na kami at aalis na. Uuwi na. Puyat na puyat ako dahil siguro
to sa pagiging paranoid ko.

Saan na tayo ngayon? Mukhang hindi pa napapagod si Renzo.

Uwi na? Tanong ko.

Sumimangot siya.

Mukhang marami kang iniisip ah? May problema ba?

Wala naman. Sabi ko.

Lumapit siya ng konti sakin. Nasa drivers seat siya, nasa front seat ako. Hindi
niya pa sinoot ang seatbelts niya.

Napabuntong-hininga siya.

If youre worried, let me take your worries away...

O.M.G. Kinabahan ako. Sobrang kaba

Papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na. Nakatitig
siya sakin. Nararamdaman ko na ang hininga niya.

Renzo, hindi- Hindi ko na natuloy kasi nagkasalubong na ang mga ilong namin at
maghahalikan na talaga.

Sa sobrang kaba at adrenaline rush ko, tinulak ko siya pabalik sa upuan niya
Nabigla yata pero maslalong nagpursigi at umilit pa.

Renzo, teka lang Hindi- Tinulak ko ulit.

Sht Parang rape lang ah OMG Di tama to At this point, naiisip ko na bigla-bigla
ang lahat ng pwedeng mangyari kung magpatuloy siya at ayaw ko nun. Ang masama pa,
di siya tumitigil.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at ayan na Hahalikan niya na talaga ako
Nagpumiglas ako. Tinulak ko siya at nandiri ako sa kanya Rapist tendencies My God,
Denise Umalis ka na

Uulitin niya pa sana pero biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan, may humila sa
braso ko palabas nito at hinila ni9ya pa ang t-shirt na soot ni Renzo.

Sh1t denise Sigaw niya tapos ay sinuntok si Renzo sa panga at sa mukha.

Dumugo ang labi ni Renzo. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko namalayang


umiiyak na pala ako.

Bench Tama na Hinila ko ang baywang ni Bench palayo kay Renzo na nasa loob parin ng
sasakyan.

I swear to God, kung di ko siya hinila patay na si Renzo ngayon


Tama na

Walang hiya ka, Renzo F-ck you

Hindi makapagsalita si Renzo, iniinda lang ang sakit sa suntok ni Bench.

Tama na Hinila ko ulit kasi susugurin niya yata Tama na, Bench

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang dibdib niya. Pormal ang soot niya. Mukhang
inalis lang ang coat sa tux. Parang kaaattend lang ng party o di kaya naman ay
board meeting...

Tama na, please

Tama na, Denise? Do you even know what youre talking about? Sinigawan niya ako sa
sobrang galit niya.

Galit na galit siya. Hindi ko alam kung kanino pero pakiramdam ko sakin...

Napabuntong-hininga siya. Kinakalma yata ang sarili niya.

Joe, dalawang gulong. Hayaan niyo siya dito sa carpark.

What? At nandoon si Kuya Joe sa unahan na nakaabang lang sa sasabihin ni Bench.


Tumango siya at kumilos na kasama ang isa pang bodyguard ni Bench.

Anong dalawang gulong? What?

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya at hinila.

Lets go Baka mapatay ko pa yang walang hiyang yan. Pasalamat siya at dalawang
gulong lang ang gusto kong putukin nina Joe. Sarap ipa impound ng sasakyan niya
pati na rin yung mukha

Humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nanggigigil at nagngingitngit


siya sa galit pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.

***************

*** Stage 38. *** (2 pages)

Stage 38.

take her home.

Tumunog bigla ang sasakyan niya at umilaw pa nang papalapit kami. Eto yung
sasakyan nung birthday ko. Walang duda ay bago to.

Magtataxi-

Sakay. Aniya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Pinunasan ko ang kaonting luha sa pisngi ko sa kakaiyak ko kanina. Hindi parin


humuhupa ang kaba ko. Dinig na dinig ko parin ang puso ko.
Binuksan niya ang pintuan, pumasok na man ako. Pumayag na lang kasi nahihirapan
akong makipagtalo sa lagay kong to. I suddenly felt stupid. Alam ni Bench noon pa
na ganoon si Renzo. Hindi ko nga lang alam kung paano niya nalaman pero binantaan
niya ako. At eto namang si ako... hindi man lang nag background check sa kanya.

Umikot siya at pumasok, pagkatapos ay pinaandar para makaalis na kami sa carpark.

Two-seater lang ang sportscar. Kulay itim at may napansin akong Mercedes-Benz na
simbolo sa manibela. Hindi ako magaling sa sasakyan kaya di ko matukoy kung anong
klaseng Mercedes-Benz to.

Tumingin ako sa labas. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa huminto sa traffic
light.

God Sana di kita hinayaan sa kanya Bigla niyang tinulak ang manibela na ikinabigla
ko.

Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas at mukhang may malalim na iniisip.

Kaya ko naman ang sarili ko-

Kaya? Muntik ka ng na rape tapos sasabihin mo sakin kaya mo? Nabigla ulit ako sa
galit na ipinakita niya. Parang ako lang yung mang ri-rape ah? Bat sakin to
nagagalit?

Hello If hindi ka pumunta dun, edi nasuntok ko na yung ano niya Pinandilatan ko
siya.

May gana ka pa talagang mag taray eh umiyak ka lang naman kanina?

Eh sa nabigla ako

Napabuntong-hininga siya.

Okay ka lang ba? Tanong niya at sumulyap sakin.

Kainis Kung makatingin parang totoong concerned siya.

Oo. Hindi naman ako nahalikan o nahawakan.

Talagang hindi... Humalakhak pa siya na parang sarcastic o galit nakataas ang


isang kilay. Wouldnt let that happen.

Whatever, Bench.

Tama naman siya dun. Salamat sa kanya at na save ako. Pero yun nga, sisipain ko na
sana yung chaka ni Renzo eh dumating siyang bigla. Umiyak lang naman ako sa kaba
eh. Pero salamat na rin diba? Haaay Ano ba to. Talagang ayaw ko lang dumikit sa
kanya ngayon kasi nagugustuhan ko na siya.

Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong di kami papunta sa bahay. Bago ko pa
natanong sa kanya, ay nag open na siya ng ibang topic.

Natanggap mo na ba yung regalo mo? Tanong niya.

Anong regalo?

Ipinadala ko sa bahay niyo kanina. Ngumisi siya.


Weird nito. Parang di galit kanina.

Hindi. Pero kung me ganun, ibabalik ko parin yun sayo kasi hindi ko iyon
matatanggap.

Bakit? Noon, tinatanggap mo naman ang mga regalo ko ah? Ngumisi ulit siya na para
bang may light bulb na umilaw sa utak niya.

Iba yung noon sa ngayon. Sabi ko.

Bakit? Anong nag-iba? Lalo siyang ngumisi. The evil smile Ive missed.

Hindi ako makatingin ng mas matagal sa limang segundo sa mga mata niya kaya
tumingin na lang ako sa daanan. Ibinalik niya din ang tingin niya sa daanan.

Sa akin kasi... kung ano yung noon, ganun parin ngayon.

Napalingon ako pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Ano
nga ba? So talagang di niya ako gusto? Ganun? I knew it Kung ano man yung
pinagsasabi niya last year, wala yun. Assuming lang talaga ako Sa kaka assume ko,
eto ako at di siya maalis sa utak

Teka, saan tayo pupunta? Tanong ko nang natauhan ako.

Kinuha niya ang iPhone niya at may tinawagan.

Hello Joe, asan na kayo? Lapit na kami sa 777, bilisan ninyo, ayokong may
makakita. Shell be in big trouble... Okay, good. Tapos binaba.

Ano yung pinag-usapan?

Saan tayo? Tanong ko.

Club 777.

Ha? Wala ako sa mood mag clubbing...

Ako rin... Huminga siya ng malalim at nag park sa harap ng Club 777.

Diba bawal mag park dito? Tanong ko.

Tumingin siya sakin at bumaba. Binuksan ulit ang pinto at bumaba naman ako.

Kinuha niya ulit ang phone niya at nakita ko yung SUV nila papalapit na rin samin.

Lapit na pala sila. Aniya.

Bench, what are you doing? Tanong ko.

Your friend, my cousin, Eliana Jimenez has been drinking, crying and dancing like
a whore in this club for the past 50 minutes. We are gonna take her home. Come.
Naglakad siya papasok.

WHAT?

Sa bigla ko ay sinundan ko na lang siya.


***************

*** Stage 39. *** (3 pages)

Stage 39.

Lets sleep.

Pumasok kami sa loob. Maraming tao, as usual. Pero nasa pintuan pa lang kami,
kitang kita ko na si Eliana. Naka black-laced dress. Maiksi yun at mas lalong
umiksi dahil sa disturbing na pagsasayaw niya. Naghihiyawan ang mga tao at tuwang-
tuwa sa kanyang malanding pagsasayaw. Parang pumula ang pisngi ko sa hiya. Sumulyap
ako kay Bench na umiiling na.

Lets go.Sabi ko nang nakitang natigilan siya dahil sa hiya.

Sa adrenaline rush, agad kaming nakarating ni Bench sa stage kung saan nagsasayaw
si Eli.

Eliana Tawag ko.

Hindi niya ako naririnig.

May nag-abot pa sa kanya ng isang shot. Buti at kinuha iyon ni Bench bago niya pa
nalagok. Hinila ko na rin siya.

Nagpumiglas pa ito.

Sino ka? Ayoko Ayoko

Nagtulungan pa kami ni Bench sa pagkaladkad sa kanya.

Eliana, umayos ka Sabi ko.

Wala siyang sinabi. Parang walang malay. Naglalakad na wala lang.

Pero nang nakalabas na kami sa Club 777, napagtanto kong basa ang pisngi niya at
umiiyak siya.

Are you okay? Tanong ko.

Bigla niya akong yinakap

Ayaw niya yata sakin Pangit ba ako?

WHAT IN THE WORLD IS THIS?

Joe, ihatid mo sa condo. Sabi ni Bench sa mga bodyguards niyang naka abang. Mauna
na kami ni Denise dun. Dagdag niya.

Sinakay namin si Eliana sa SUV nina Bench. Tapos sumakay kami ni Bench sa bago
niyang sasakyan.

Anong nangyari sa kanya? Tanong ko nang nasa loob na kami ng sasakyan niya.

Just drunk... Aniya at pinaandar ang sasakyan.


Parang broken-hearted.

Tumingin siya sakin.

Alam kong minsan walang preno siya kung uminom pero di naman siya umiiyak ah? Sabi
ko. Tapos ganun pa yung sinabi niya sakin.

Nag-isip si Bench sa kawalan.

Ngayon ko lang narealize na mejo nag-iba siya. Tulad ng iniisip ko kanina sa


carpark, naka formal attire siya, tux na tinanggal ang coat.Mukha siyang...
businessman.But then again, thats what he is. Nineteen years old kaming dalawa pero
simula nang umalis siya at nagpunta ng Hawaii and other places God knows where,ay
parang iba na siya.

Dahil siguro sa 70 na shares sa kompanya nilang pinapasan niya na ngayon. Mas


seryoso, gwapo at...

Tinignan niya ako nang nagstop kami sa traffic light. Nasindak naman ako sa tingin
niya at napagtantong kanina pa pala ako nakatingin Agad akong tumingin si traffic
lights.

Ngumisi siya. He licked his lips and smiled again.

Namumula ka. Sinabi niya pa talaga

AWKWARD

Anong nagbago sa kanya? Wala Ganun parin. Yun nga lang... ngayon, mas seryoso, mas
mas gwapo at mas... evil.

Evil siya noon pero mas sumobra ngayon. Hes back with a vengeance Kung noon ay may
dala siyang isang milyon in exchange sa tiwala at pagmamahal ko, ngayon hindi lang
isang milyon ang dala niya. Dala niya ang buong mundo para lang makuha ako.

Natatakot ako.

Kelan mo to binili? Sabi ko, para baguhin ang topic, habang tumitingin sa buong
sasakyan niya.

Last December. Mercedes-Benz SL-Class, mabilis to atsaka maganda kaya gusto ko.

Nakatingin parin siya sa akin. Intimidating. Buti at nag green light kaya nakatoon
ulit siya sa kalsada.

Uh... Saan ka galing today?

Halos mabilaukan ako sa sarili kong tanong. Bat yun ang tanong ko? Syempre,
curious ako dahil bigla siyang sumulpot kanina sa carpark.

Business meeting. Sabi niya.

Bat ka pumunta sa carpark? Tanong ko sa kanya.

To save you... Sumulyap siya.

Bench, dont be ridiculous

I warned you Diba sabi ko sayo dapat layuan mo siya. Ayaw mong makinig kaya
pinasusundan kita.

What? Para akong nabigla pero di naman talaga kasi alam ko ang pinaggagagawa niya.

Pero nakakabigla parin.

Ngayon, mas lalo pa akong nahihilo sa lahat ng mga nangyari. Last year,
nagpahiwatig si Bench na parang may gusto siya sakin pero ayokong maniwala kasi
binantaan niya ako noon na papaibigin niya ako at sasaktan. Ngayon parang ewan na
talaga

Pinindot niya ang elevator habang tinutulungan namin si Eliana na umayos sa


pagtayo. Umiiyak parin siya.

Denise... Daing ni Eliana. Ipinagpalit niya ako...

Hanggang sa nasa condo niya na kami.

Binuhat ni Bench si Eliana papuntang guestroom.

Dito na kayong dalawa matulog sa condo.

Huh? Pero si Dad-

He agreed.

What? Nagpaalam ka sa kanya?

Nandilat siya sakin at ngumisi.

Prepared siya masyado... para bang... nasa plano.

He left me for that girl Nakahiga na si Eliana pero iyak parin ng iyak.

Tigas kasi ng ulo eh. Sabi ni Bench. Hindi na nga pinapalabas, pumupuslit parin
para makita lang yung lalaki niya.

Huh? Alam mo ba kung sino? Tanong ko.

Of course. Yuan Tan. The half-chinese.

Dumilat si Eliana nang narinig ang pangalan ni Yuan.

Dahil di ako chinese di kami pwede Anong klaseng excuse? Ayun Iniwan ako

Umiling si Bench at linagay ang index finger sa mga labi niya.

Tumingin siya sakin.

Pag nalaman to ng Dad niya, sigurado akong ipapadala siya sa abroad. At


pagnagkaganun, ikaw na lang ang nasa school. Wala ako. Wala si Eliana.

Nilapitan niya ako at hinila palabas sa kwarto na para kay Eliana.

Huh? Parang naririnig ko na naman ang kaba sa dibdib ko.

Get in my room. Change. Lets sleep.

Inakbayan niya ako at ngumisi siya.


***************

*** Stage 40. *** (2 pages)

Stage 40.

Sweet revenge

Lahat ng mga ginagawa niya sobrang nakakatukso. Gusto kong komprontahin siya at
tanungin kung gusto niya ba ako o hindi. Pero kung tatanungin ko siya, pakiramdam
ko siya ang nanalo.

Dalawang room lang meron ang malaking condo niya. Guest room tsaka yung sa kanya
kaya walang choice.

Hoy, Bench. Sa labas ka matulog Dun ka Kala mo nakalimutan kong manyak ka? Sigaw
ko nang nakita kong seryoso siya sa sinabi niya.

Nakatuwalya na siya at maliligo. Ayoko tuloy maligo kasi uneasy ako na nandito ako
sa condo niya.

Condo ko to, ikaw nga dapat yung nasa labas Tumawa siya.

Ikaw kaya yung nagsabing dito ako matulog Sana umuwi na lang ako Sabi ko.

Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Evil smile.

Anong walang tiwala ang pinagsasabi mo diyan

Nilapitan niya ako. OMG Nakatuwalya siya at di matanggal yung mga mata ko sa bakas
ng kalamnan niya. Abs At mukhang mas madalas pa siyang nag wo-work out kesa sa noon
ah.

Binato ko siya ng unan pero umilag siya.

Wala kang tiwala sa sarili mo kasi alam mong matutukso ka sakin, ano?

Heh Sayo ako walang tiwala Sabi ko pero pulang-pula na talaga ang pisngi ko.

Walang nanunukso kung walang matutukso. Ngumisi siya at naligo na.

Okay Easy Denise Alam mong playful lang talaga yang si Benjamin Jimenez kaya
hayaan mo na Alam mo ding first time niyo tong matulog na magkatabi kaya wag kang
magpadala sa kanya. Mahal mo siya pero hindi siya mapapagkatiwalaan kaya wag kang
magpaloko. Ayokong tumulad kay Eliana no Whatever happened with her alam kong dahil
nagpaloko siya. Well, Ill just ask her tomorrow.

Tinignan ko sa closet niya kung nandun parin ba yung ibang damit ko na iniwan ko
dito ages ago. Tama, nandun parin yung shorts tsaka white t-shirt ko. Eto na lang
yung itutulog ko ngayon. Nasa tabi nito ang kanyang mga damit, t-shirt, shorts, at
iba pa.

Habang tinitignan ko ito, napapangiti ako. Parang... I belong here. We belong to


each other. Hes evil, I am evil. Denise and Bench, kaming dalawa evil. Kailangan
namin yung isat-isa. May damit at keys ako sa condo niya tapos binibilhan niya ako
ng kahit anong gusto ko. Alam kong binibilhan niya din naman yung mga babae niya
pero parang ako yung uuwian niya pagkatapos ng lahat.

Hes almost perfect... Everything is almost perfect. Pero joke lang yun Nagpapaloko
lang ako Kasi alam kong kahit anong gawin ko, paghihiganti lang ang habol niya
sakin.

Agad kong pinalitan ang damit ko. Buti at na zip ko agad yung shorts bago pa siya
natapos maligo. God Kinabahan ako dun ah?

Namumutla ka? Tanong niya pero nakangisi parin.

Basa yung buhok niya at magulo. Kumikinang yung abs niya dahil kakaligo niya lang
SUPER DUPER HOT na parang gusto ko na lang mahimatay tsaka kalimutan ang nakaraan.
Errr... Makamundong pagnanasa

Tumalon ako papunta sa kama niya at ibinalot ang sarili ko sa comforter.

Sa labas ka matulog Sabi ko.

Its my condo. Kung gusto kong tumabi sayo, tatabi ako.Sabi niya.

Ang sabihin mo, its your world, kung gusto mo yun talaga ang masusunod.

At ang kapal ng mukha talaga ng mokong Masyadong confident sa pangangatawan at


nagawa pang tanggalin ang tuwalya sa harapan ko. WALA AKONG NAKITA PROMISE Agad
kong tinakpan ang mukha ko ng comforter.

Narinig ko ang halakhak niya.

Hes a manwhore Damn it

Stop it Bench, its not working Matutulog na ako. Sabi ko.

Narinig ko ang pagbukas ng closet niya at pagbibihis niya. Kahit naka full ang
aircon pinagpapawisan ako ng todo-todo. Walang hiya Kung nakamamatay lang ang
punyetang hotness na yan, matagal ng patay ang mokong na to. Di mo talaga maidedeny
na kaya siya pinagkakaguluhan ng babae eh dahil sa kagandang lalaki niya.

I wish that monkey learned his lesson. Sabi niya.

Talaga Sabi ko.

Tinanggal ko na ang comforter sa mukha ko. Nakita kong naka boxers lang siya at
susuotin na ang puting sando na ipangtutulog niya yata.

Siguro nandun pa yun sa carpark. Kainis Kung sana alam ko lang na ganun siya. Sabi
ko.

ANG SABIHIN MO DENISE ALAM MONG MAS MANYAK PA ITONG KASAMA MONG MATUTULOG TONIGHT
PERO SUMAMA KA Where is your logic? Baka naiwan mo sa bahay? Kanina ka pa
pumapalpak diyan eh.

Hindi lang siya... hindi lang siya ang gusto kong matuto... kundi silang lahat.

Humiga siya sa tabi ko. Mejo lumayo ako. My God Tama ba itong pinaggagawa ko?
Hindi kaya ako matukso sa kanya? Hindi naman siguro. Masama ako pero hindi naman
masyadong malandi kaya kaya ko ito.
Huh? Tanong ko.

Nakahiga kaming dalawa. Humarap siya sakin, nakaharap din ako sa kanya.

Dapat alam ng lahat na ikaw ay sa akin lang.

Napalunok ako. He is half-smiling but his eyes look serious.

Natawa ako sa sinabi niya. Itinawa ko na lang ang pagtibok ng puso kong parang
nagmamadaling kabayo.

One of your strategies, eh? To get to me? Sabi ko.

Yes. Coz finally, you want to have someone in a romantic way.

Ganun ba? Hinintay mo ito bago ka pumorma? After how many years, sisimulan mo na
ang revenge mo.

Pumikit siya na para bang nahihirapan.

Yes... my revenge. Sweet revenge. Hinaplos niya ang mukha ko.

Shet Narinig mo yun? Finally inamin niya pero may kung anong pwersa na parang
gusto kong bumigay na lang at kumawala.

This man wants his revenge. At alam kong nagwagi na siya cos he is Benjamin
Jimenez, he gets who he wants how he wants. But Im Denise Gozon, hinding hindi ako
papayag.

***************

*** Stage 41. *** (2 pages)

Stage 41.

Shes my cousin.

Good morning

Bago ako dumilat may bumati na agad sakin.

Napatalon talaga ako sa bigla. Nakayakap ako sa abs ng damuho Kaya pala mainit
Jusko Ginawa ko pang unan ang dibdib niya hindi ko kinaya kaya agad akong tumayo.

What the f-ck Sigaw ko. Good morning mong mukha mo Sinapak ko siya ng unan.

Nakangisi at mukhang kanina pa gising.

What? Tumawa pa.

Bad trip ako sa umaga Leche

Ikaw itong yakap nang yakap sakin Harassment Pasalamat ka hindi ako nagreklamo.
Humalakhak ulit siya.
Reklamo? Ikaw pa ang mag rereklamo eh yun naman ang gusto mo

Hindi kita hinawakan Ikaw itong nagpumilit kaninang madaling araw na yakapin ako.

Sinapak ko ulit. At nag walk-out. Tawa siya nang tawa. Hindi ko matanggap na may
tendencies talaga akong mangyakap dahil sa malalaking unan na nakapaligid sa kama
ko sa bahay. Nasanay na akong may yayakapin gabi-gabi. Tuwang-tuwa ang mokong na
parang solb na ang araw niya. Kainis.

Denisssse Naaninaw kong nagtitimpla ng kape si Eliana sa kitchen.

Parang walang nangyari. Buti at 7:00am pa kaya di ako natataranta. Thursday ngayon
at may pasok talaga.

Natulog ka with Bench? Kasing evil ng smile ni Bench ang smile niya ngayon.

I have no choice.

Nakangiti parin siya habang uminom ng kape.

Anong nangyari? Sabi ko.

Agad nag mood swing ang lola niya.

Inayos niya ang buhok niya.

I have a class at 10am. Sabi niya na para bang yun ang dahilan kung bakit ayaw
niyang sabihin sakin.

Mag absent ka today, then.

Kumuha ako ng tubig sa malaking ref ni Bench. Pagkabalik ng mga mata ko kay
Eliana, nakatunganga na siya at parang iiyak na.

Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Yuan Tan? Tanong ko.

Sinabi niya sakin ang lahat. Talagang nagpaloko siya. Ako na walang karanasan sa
mga lalaki ay alam na naloko siya. Pero ganun pa man, hindi ko kayang
ipangalandakan kung gaano ka tanga ang mga pinaggagagawa niya. Naaawa din naman
kasi ako sa kanya.

SiYuan Tanay ipinagkakanulo sa isa pang chinese na kaibigan kong siTanika


Uytingco. Ang sabi ni Yuan ay ayaw niya kay Tanika atgusto niyasi Eliana.Which I
doubt kasi kung totoong gusto mo ang isang tao, hindi mo itatago ang relasyon
niyo.Yes. Pumayag si Eliana na parang more than friends sila pero tinatago lang ito
dahilmagagalitang parents ni Yuan.Very childish na gusto kong sumuka. Yinaya ni
Yuan si Tanika for the upcoming ball dahil utos ng parents niya. And suddenly,
finally, Eliana got fed up. Ayaw niya ng tinatago-tago siya. Sinorpresa niya si
Yuan sa bahay nila pero pinagtabuyan siya ng pamilya ni Yuan... ang sabi ay hindi
siya pwede kay Yuan dahil anak lang siya ng kabit THATS THE WORST THING Hindi siya
anak ng kabit, diosmio

Pero may mas worst pa pala... tinaboy din siya ni Yuan Tan

Kawawang Eliana na ang nagawa ko na lang ay yakapin siya. Humanda ang lahat ng
makakasalubong ko mamaya at masisipa ko talaga. Nagngingitngit ako sa galit ngayon.

Bat di mo kasi sinabi sakin para matulungan kita? Tanong ko.


Ayokong may makaalam, baka kasi ayaw niya na sakin kung may pagsasabihan ako. Sabi
niya sa gitna ng paghikbi.

Nakita ko si Bench na mukhang kanina pa nakatayo at nakatingin sa amin.

Im gonna ruin Yuan Tan... and I know the master devil is on my side. Pero hindi ko
alam kung bakit ito ang sinabi niya...

Dont make your moves yet, Denise. Hayaan mo na ako dito. Shes my cousin. Sabi
niya.

Ha Kaya ko na to, Bench.

Shes my friend. Tinaas ko ang isang kilay ko at umiling na lang siya.

Nanggigigil na akong pumunta sa school. I cant effin wait

***************

*** Stage 42. *** (3 pages)

Stage 42.

Miss me?

Walang nagawa si Bench. Hinatid niya na lang ako sa bahay at umuwi din. May
nakalimutan akong itanong sa kanya kanina...

See you later... Sabi ko pagkababa ko sa sasakyan niya.

Awkward.

Yes... maybe, later.

Bakit nga ba sabi niya pag mawawala si Eliana, ako na lang mag isa? Bakit?

You slept with Bench? Pataas ang tono ni Daddy nang sinalubong niya ako.

He made it sound so disgusting.

NO Natulog ako sa condo niya with Eliana. Sleepover Sabi ko na nagpapanic sa


tanong niya.

Oo Kaya nga sabi ko... you slept with him kasi sleepover.

DAFUQ did he just say?

Whatever, dad. Nilagpasan ko siya.

Humalakhak naman si Daddy.

Nga pala... yung mga sapatos at kung anu-ano pa, nandun sa kwarto mo. Yung galing
kay Bench.
Oh right Meron pa pala akong problema dun. Now now... mukhang okay na kami pero
not exactly okay. Ayoko paring makareceive ng kahit anong gift sa damuhong yun.

Pagkabukas ko sa kwarto, tumambad sakin ang lahat ng pinamili niya. May tatlong
bags pa ng Aldo doon.

May note:

Thought you didnt like the Louboutins, this ones one of your favorite brands.

God Ano to? This is madness Sana di niya alam yung size ko para di niya ako basta-
bastang mabilhan ng mga ganito. Should I return this or something? It creeps me
out.

Siguro diyan lang yan at maghihintay ako ng tamang tyempo para ibalik sa kanya.
Hindi ko na tinignan kasi baka ma tempt lang akong gamitin.

Ngayon, kailangan kong mag plot ng plan for Yuan Tan...

Yo Denise, whats up Sabi ni Nina nang nagkita na kami sa cafe ng school bago
pumasok sa klase.

Do you know Yuan Tan?

Of course Mukhang boyfriend niya na yata si Tanika eh Saya kasi ni Tanika kagabi.
Nagkatuwaan nga kami. Eh parang shock pa siya. Di ko nga maintindihan kasi months
ago pa nagpahiwatig si Yuan na gustom niya si Tanika dahil dun sa pag anyaya niya
sa Ball diba? Eh teka, may date ka na ba sa Ball? malapit na din yun I suspect
youll be with Renzo?

Hmmm. Mukhang dahil sa sobrang supportive ni Nina kay Tanika, di ko siya magiging
kakampi. Pero... magagamit ko siya

Tsaka pinaalala niya pa sakin ang rapist na si Renzo kaya iniba ko ang usapan...

Pagkapasok namin sa classroom, wala parin si Bench BAKIT WALA SIYA? Eh hindi na ba
siya papasok EVER?

Text ko:

Where are you? Di ka ba papasok?

Bench:

Miss me?

Denise:

No. Im just wondering kung gusto mo pa ng degree ngayong sa iyo naman yung
kompanya.

(rich kid problems) Me? I need the degree. And soon Ill take up Law... Business?
No Hindi kami ganun ka yaman para mag fund ng business. Maybe small businesses but
not my thing.

Bench:

Of course, gusto. But the company needs me more.


Denise:

So you dropped out?

Bench:

No. Im taking special classes.

Denise:

Is that even possible?

Halos matapon ko ang phone ko sa basurahan Pera, pera Pinapaikot ang mundo

Nagreply si Bench pero di ko na binasa... nakita ko kasi si Nina.

Hey, Nina Tawag ko kay Nina na papunta na sana sa next class niya.

Yes?

Alam mo ba kung nasaan si Tanika ngayon? Tanong ko.

Nagtaka siya pero sinagot niya rin naman.

Siguro nasa cafeteria... or locker room.

Agad akong nagpunta sa locker room. Tama si Nina, nandito nga si Tanika at
kinukuha ang ilang books niya. Para siguro sa next class. Nilapitan ko ng dahan-
dahan at siniguradong walang tao sa paligid.

Tanika...

Denise Nabigla siya nang nakita ako.

Can we talk? Tanong ko.

Una, kay Tanika muna ako pupunta. Kukumbinsihin ko siya na lumayo kay Yuan hindi
para magkatuluyan si Yuan at si Eliana kundi para iligtas ang kanyang sarili. Yuan
is a freakin liar Gusto kong maging impyerno ang buhay niya.

Sure Sabi niya.

Its about Yuan.

Sumimangot siya at alam kong di magandang senyales yun.

What about Yuan?

Alam kong gusto mo siya. But I just want to let you know that hes a liar.

anong proweba mo? Mejo napataas ang boses niya at tumaas pa ang isang kilay.

Si Eliana. I dont know kung alam mo pero pinaasa niya si Eliana na magiging sila.
He told her that he loves her pero yun naman pala, sinungaling

What made you think na nagsisinungaling siya sakin?

Napanganga ako sa tanong niya.


Sinabi niya sakin na mahal niya ako, period Pinipigilan niya ang mga luha niya.

Alam mo bang ganito ang nangyayari all along?

Oo Pinunasan niya ang luha niya. Pero hinayaan ko. Kasi alam kong kahit na
maghanap siya ng iba, sakin parin ang bagsak niya. Tanga lang si Eliana. Naniwala
agad kay Yuan. Yuans just dating her for fun Shes the type of girl you date before
you get serious Tsaka, nagmana lang siguro si Eliana sa kabit niyang mommy

NASAMPAL KO NA Kanina pa kumukulo ang dugo ko eh ngayon ko lang nailabas

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan sa sampal ko.

Hindi anak sa labas si Eliana. Itatak mo yan sa kukote mo Kaya ka pala


nagpapakatanga diyan kay Yuan kasi totoong tanga ka Ikaw itong tanga, Tanika Alam
mo pero hinahayaan mo. And worst tinanggap mo pa ulitKung nagawa niya ngayon,
gagawin niya ulit yun.

Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan Denise? Wala kang alam Hindi ka pa
nagkaboyfriend at alam kong hindi ka pa nagmamahal Paano ka magmamahal eh hindi mo
kayang magpakatanga?

Oh my Can you hear yourself? So okay lang sayo na mambabae si Yuan basta kayong
dalawa ang magkakatuluyan? What kind of love is that? Oh my god Get a god damned
life and love your self sometimes

Ang sabihin mo, Denise Plano mo to Gusto mong iwan ko si Yuan para sila ni Eliana
ang magkatuluyan. Well, youll never succeed

Tapos nagwalk-out siya. Napasigaw ako sa gigil

What the? Hindi ko kailanman papayagan si Eliana na makipagbalikan o makipag-usap


man lang ulit sa Yuan na yun. Hes gonna learn his lesson freakin well this time

May biglang nahulog na mga aklat sa kabilang lockers at nakita kong pinupulot ito
ni... Jenny

So-Sorry Sabi niya.

Didnt you know that its rude to eavesdrop?

Hindi ko naman sinasadya. Pinupulot niya parin ang mga books niya.

Ano to? Intermission number niya Ilang dekada ko na siyang di nakikita and here
she is, back to being nerd. Away from Bench. Wala akong pakealam kung narinig niya
yun. Its none of her business.

***************

*** Stage 43. *** (2 pages)

Stage 43.

The devil will never play fair.


Hinanap ko na agad si Yuan. Binalewala ko na si Jenny dun sa locker. Hindi ko alam
kung saan ko siya hahanapin kaya ang ginawa ko muna ay hinanap ko ang sasakyan
niya.

Ilang minuto akong naghintay bago ko siya nakitang papalapit sa sasakyan niya. He
knew I was there to scold him and slap him for what he did but he faced me bravely.

I know why youre here. Sabi niya.

You should Ngayon, gusto kong malaman mo na Im gonna-

Ruin my god damned life? Its already ruined, Denise. Di mo na kailangan pang
dumagdag. Sabi niya.

For some reason, biglang sumulpot si Tanika at sinampal ako.

PAK

Napatingin lahat ng tao dun at natigilan.

Tigilan mo na to

Langya Pwede namang sinabi niya lang na tigilan to at di na ako sinampal.


Nahighblood ako sa ginawa niya kaya sinampal ko din. Magkakalimutan na ang
magkakalimutan. Kainis

Ikaw ang tumigil, Tanika Are you blind? Tsaka, wag kang makealam dito Sabi ko.

Bakit? May karapatan akong makealam dahil relasyon namin ni Yuan ang pinag-uusapan
dito. Wag ka ngang kakabit at papapel.

Nagbulungan ang mga tao sa paligid. May narinig pa akong... Kabit si Denise?

Sige, eto na ha Kainis na kayong dalawa

Kakabit at papapel ako dahil sinaktan niyo si Eliana Alam mong, inosente siya,
Yuan. Sigaw ko. At ikaw naman, Tanika... My goodness, magkaibigan tayo pero ni
hindi mo sinabi na alam mong may ganung nangyayari. Ano ba kayo?
Nagtatangatangahan?-

Anong pinagsasabi mo? Sinubukan ni Tanika ang pagpapatigil sa bunganga ko dahil


hiyang-hiya na siya sa mga nakakarinig.

Wag kang mag maangmaangan. Wag mong ipalabas na ako ang ginawang tanga, si Eliana
ang ginawa niyong tanga

HINDI KO SIYA GINAWANG TANGA Sigaw ni Yuan sakin.

Nabigla naman ako dun. Galit na galit siya at pulang pula ang kanyang pisngi.

Eh anong tawag mo dun? Minahal ng totoo-

WALA KANG ALAM, DENISE Sigaw niya.

Ewan ko sainyo Yuan, ang alam ko lang ay niloko niyo si Eliana. Kayong dalawa ng
GIRLFRIEND mo Niloko niyo siya Ang kakapal ng mukha niyong lokohin siya

Hindi ko na alam kung anong iniisip ng dumadagsang mga taong nakatingin.


HINDI KO SIYA NILOKO HINDI MINAHAL KO SIYA NG TOTOO

Minahal? HAHAHA

Sa sobrang inis niya sa pagtawa ko hinawakan niya na ang magkabilang braso ko at


niyugyog ako.

Oo YUN ANG TOTOO WALA AKONG MAGAW-

Excuse me pare pero mukhang nasasaktan na si Denise. Biglang sabi ni Lance.

Saka ko nakita si Tanika na umiiyak at wasak na wasak. Matagal na siyang wasak.


Binalaan ko siya pero hindi siya nakinig.

Hinawakan ni Lance ang braso ko.

Ang ibig kong sabihin ay bitawan mo siya.

Huminga ng malalim si Yuan at umiling. Humupa naman ang mga tao dahil umalis si
Tanika at si Yuan naman ay pumasok sa kanyang sasakyan.

Okay ka lang ba? Tanong niya sakin habang yumuyuko at tinitignan ako.

Okay lang. Sabi ko na parang naiilang.

Touched ako dahil nag-alala si Lance pero nanghihinayang din kasi nawala ko si
Yuan at Tanika.

Nagkatitigan kaming dalawa ng halos sampung segundo nang biglang may umubo sa
likuran.

Im kinda late but I think I still deserve the right. Bigla akong hinila ni Bench
papunta sa kanyang mga bisig.

Parang tumigil ang oras at nag slow motion ang lahat. Nakita kong natigilan ang
mga taong naglalakad sa carpark at sa field.

Bench is back with a vengeance.

Akala ko matatameme si Lance pero hindi... Kalmado lang siya pero parang
nainsulto.

The girl is mine.

Ngumisi si Bench na parang may masamang mangyayari sa susunod na makita niyang


hawakan ako nino man.

You always say that, but its not your decision Bench.

Pero may pasabog din pala tong si Lance

Until that decision is made... Tumingin si Lance sakin. Saka mo siya makukuha.

Nakiliti naman ako sa ilong ni Bench na inamoy ang buhok ko sa likuran. Ngayon ko
lang na realize na nakapulupot parin ang isang braso niya sa baywang ko. Si Lance
naman, mukhang nabadtrip sa ginawa niya.

The devil will never play fair. Sabi ni Bench.


Parang gusto kong magsalita... Pero seryoso silang dalawa at takot ako sa
mangyayari...

And they will never win. Sagot ni Lance sa kanya.

Hinila ako ni Bench na parang tuta. Inis yata sa linya ni Lance.

***************

*** Stage 44. *** (2 pages)

Stage 44.

Sit here.

Saan tayo pupunta? Tanong ko habang nag di-drive si Bench ng sasakyan.

ARE YOU CRAZY? DIBA SABI KO SAYO WAG KANG GUMAWA NG KAHIT ANO? Biglang sigaw niya.

Parang nag burst out ang prinsipe niyo sa inis.

Wala namang nangyari ah? Anong problema mo-

Kung di ako dumating, baka nagkasabunutan na kayo ni Tanika... O baka na harass ka


ni Yuan.

Anong kung di ka dumating? Eh si Lance yung unang dumating-

Dont you talk to Lance again. Sabi niya.

Huh? Wait- What?

Pumikit siya at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan niya.

Mamamatay tayo dito, Bench Sigaw ko habang kinakabahan.

Leche tong mokong na to. Kung mainit ang ulo niya eh pagbuntunan niya yung iba,
wag ako.

Ano bang problema mo? Nakapark kami sa tapat ng building nila.

So hes working. Pero bakit niya ako isinama?

You are my problem

Lumabas siya at hinila na rin ako palabas ng sasakyan. Hinagis niya kay Kuya Joe
ang keys at dirediretso siyang pumasok sa loob.

Bakit ako?

Halos madapa na ako sa kakahila niya.

Bench, tigilan mo nga. Ugh Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko
pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.
G-Good morning, Sir Nag-aalangang bumati ang mga tao sa kanya dahil sa mukha niya
siguro.

Mood swing ba yan? May dalaw ka at bakit bigla ka na lang galit diyan?

Nakapasok kami sa elevator. Sinarado niya at ni-press ang 17 sa buttons...17th


floor.

Whats wrong- Bigla niya akong tinulak sa elevator wall.

Seryoso ang mukha niya at kay lapit lapit. Naamoy ko na ang mabango niyang
hininga. Kahit galit siya, may bakas parin ng dimple niya sa mukha. Sobrang gwapo
talaga. Andyan na naman yung makamundong pagnanasa ko. Hindi tuloy ako makatingin
sa mga mata niya. Hay nako Hidden desires

I know I wont ever get you with my words or mere actions. Right?

Hu-

So this time, Im gonna own you.

Hindi ko maintindihan ang lokong to. Anong get you-get you na sinasabi niya?
Siguro atat na talaga siyang makapaghiganti sakin at alam niyang di ko hahayaan to.

Sa ayaw at sa gusto mo.

TING

Bumukas ang elevator kahit nasa parehong posisyon kaming dalawa. Ang laswa tignan
na napatalon ang mga papasok sana. Hindi sila tumuloy at sila pa yung nahiya...

Bigla akong hinila ni Bench. Binigyang daan kami. Laglag ang panga ng lahat.
Nahiya tuloy ako dahil yung iba professional-looking talaga.

Parang giraffe na nagtataasan ang leeg ng mga employees nina Bench kung makatingin
sakin.

Bat mo ba ako dinala dito? Huy Sigaw ko.

Panay parin ang hila niya sakin papunta sa isang double-door at glass na pintuan.
Ilang segundo lang ay nakapasok na ako at tumambad sakin ang mukhang nag bo-
boardmeeting na mga stock holders, sa gitna ay ang kanyang Daddy.

Ginalaw lang ng daddy niya ang kanyang glasses at umubo ng konti tapos ngumiti
sakin...

My sons back...

Nakatingin na sakin lahat ng stock holders.

With someone... Pakilala mo sa board, son.

Tumango si Bench at pumula ang pisngi. The devil

This is Denise Gozon, by the way, my girlfriend and future wife.

Believe me... mas gulat ako sa inyo

Sa sobrang tahimik ng mga tao gusto ko na lang lumiit at magtago at magkunwaring


langgam.

WHAT THE EF? What did he just say? Gusto ko siyang sigawan pero umuurong ang boses
ko dahil sa mga taong nasa harapan.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakanganga at hindi humihinga.

Tinignan niya ako at hinawakan ang aking kamay.

Sit here. Aniya at pinaupo ako sa kanyang upuan.

Congrats Saka pa bumati ang mga nabiglang board members...

Ayoko ng marinig ang kanilang mga sinabi. Hindi ko talaga magawang umapila dahil
yung daddy niya ay parang na carried-away. Hindi ko alam kung masaya dahil sa wakas
ay mukhang matatali na ang kanyang anak o dahil eto rin ang plano niya.

Naka face-palm ako nang natapos ang congratulations ng mga tao at nag resume ang
meeting.

Why am I even here?

Tinanggal niya ang kamay kong kanina pa naka face-palm.

Naaninaw ko agad ang nakangisi niyang mukha. Ibang-iba sa ipinakita niya kanina sa
sasakyan. Ngayon, masayang-masaya na siya. Kainis nga eh.

Now I know, the devil... will never... ever play fair.

Kawawang Lance. Pero ganun pa man, I wont give him the satisfaction of my defeat
Hinding-hindi siya makakapaghiganti sa akin kahit na alam kong mahal ko na siya. I
wont let him

Napapikit ako. Ngiti niyang sobrang nakakatukso... paano na to ngayon?

***************

*** Stage 45. *** (2 pages)

Stage 45.

Iuuwi na

What the hell, Bench? What the hell? Sigaw ako ng sigaw pagkalabas namin sa
building nila.

Uuwi na yata siya.

Shall I send you home? Tanong niya.

Di parin maalis ang ngisi sa mukha niya. Sinapak ko na.

Aray naman

Ano bah Ano ba tong ginagawa mo?


Papalapit kami sa sasakyan niya.

Bukas, papasok ka ulit diba? Kahit anong porma ang gawin ni Lance sayo at kahit
wala ako, wala na siyang magagawa.Its over, Denise.Ngumisi ulit.

Over mong mukha mo, Bench Kung paghihinanti lang yung balak mo, di mo ako madadaan
sa mga pakulo mo, noh?

Natigilan siya sa harap ng sasakyan niya at humarap sakin bago pumasok...

So... Kung tunay to, papayag ka na? Tanong niya ng seryoso.

Uhhh...

Titig na titig siya sa aking mga mata. Ako tuloy yung naiilang at di makayanang
tignan ang mata niya.

Ano ba to, bat ko pinapatagal ang pagsagot at bakit pinag iisipan ko pa?

Syempre hindi rin Ano ka ba, Bench. You dated at least hundred girls... you expect
me to believe you? Tumawa ako pero seryoso parin siya.

Thats my point, Denise... You wont believe me in anyway... kaya pipikutin kita
hanggang sa sumuko ka.

Tinignan ko ang mga mata niya at kinabahan. Alam kong mangyayari talaga yun...
ngayon pa lang sumusuko na ako. Yung pride ko na lang ang nakatayo.

Nagkatitigan kami. Tapos ilang sandali ay nakita kong nakatingin ang mga mata niya
sa... lips ko? Kinabahan ako. Kinabahan ako hanggang sa naisip kong hindi na kaba
tong nangyayari sakin. So... nangyayari pala talaga yun? Yung sabi sa TV at ibang
books na pag inlove ka, maririnig mo talaga yung puso mo? Pinagpawisan ako ng todo.

Akala tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Ah Ginulo niya ang buhok niya at pumikit. Now you get in.

Kinagat niya ang labi niya at linagay ang kamay sa noo. Binuksan niya ang pintuan
at agad akong pumasok ng walang imik.

A.n.o.y.u.n.g.n.a.n.g.y.a.r.i?

OMG

Huminga siya ng malalim pagkapasok sa drivers seat at hinarurot agad. Sobrang


awkward. Or is it just me?

Maturn-on nga yung iPod niya para may music naman. Pipindutin ko na sana nang
daliri niya ang napindot ko... Nagkahawakan tuloy kami ng kamay.

Sorry Sabay pa talaga kami

Tinignan ko siya at pinaglaruan niya ang kanyang mga labi para maitago yung ngiti.

Oh my god Kinikilig ako you wish its true, Denise Sige mag assume ka para masaktan
ka. And in the end, ikaw lang pala yung naaapektuhan

Nabuksan niya yung iPod...


Cause therell be no sunlight if I lose you, baby... Therell be no clear skies if I
lose you, baby...

Parang ako naman ngayon ang gustong ngumiti ng pagkalaki-laki dahil sa naririnig
kong kanta.

Napatingin ako sa kanya at nag pout para maitago ang ngisi kong halos di ko
mapigilan.

Sumulyap siya habang nagd-drive...

Dont look at me like that... Balik ulit ang tingin niya sa kalsada. Ayokong
dalawang gabi kang di natutulog sa inyo. At pag nangyari yun baka di ka na ulit
makakauwi sa inyo.

Tumawa siya at binatukan ko na.

Iuwi mo na ako Natawa na rin ako.

Jusko, ayokong bumigay

Heto na nga Iuuwi na Tawa ulit niya.

Kainis. Dimple pa lang nanghihina na ako, paano na kaya kung ganito? Hanggang
kailan ako makakapagtimpi?

***************

*** Stage 46. *** (2 pages)

Stage 46.

Let�s date

Naglalakad ako sa school. Di parin matanggal ang ngiti ko sa mukha ko. Nakalimutan
ko na may mga issues pa pala akong kailangang tapusin... tulad ni Tanika at ni
Yuan.

Sa ngayon, dinig ko ay di pa siya pumapasok ng school.

Eli... Are you sure okay ka lang mag isa?

Oo. Aniya nang pumasok sa classroom nila.

Pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya. Kung noon ay mangha, ngayon ay


pagkayamot. Syempre, kilalang couple din si Yuan Tan at Tanika kaya alam nila kung
sino ang nanghimasok. Alam natin na ang totoo, na naloko lang talaga si Eliana,
pero hindi yun maiintindihan ng lahat. They will believe the otherwise.

Hey, Denise Nakita ko si Lance na mukhang may inaabangan.

Nakangiti ito at bagong gupit. Sobrang bango pa

Uy Lance
Tama ako, ihahatid mo si Eliana kaya inabangan kita dito. Sabi niya.

Pasensya ka na sa inasal ni Bench nung isang araw.

Napawi ang ngiti niya.

Okay lang yun. I dont understand that guy. May gusto ba siya sayo?

Hi-Hin...Wa-Wal Nabigla ako sa tanong niya.

Buti at binalewala niya ang sagot kong hindi ko alam kung ano...

Balita ko nag e-special classes na lang daw siya. Nung nandito pa siya, hanep kung
maka paulan ng death threats sa mga lumalapit sayo. Bat siya ganun eh may ibang
girlfriend naman siya diba? Well, anyway, maybe hes just overprotective sayo.
Magkababata kayo diba?

Na-stun naman ako sa sinabi niya at parang nabunutan ng tinik. Tama siya. Bench is
just overprotective. Hindi niya talaga ako gusto. Patunay dun ang maraming
girlfriend niya noon. Pero... teka... yung kahapon? Sabi niya my fture wife? Anong
ibig sabihin nun?

Naisip ko na ulit yung mukha niya. Yung malungkot niyang mukha bago umalis at yung
mukha niya nung ipinakilala ako sa board.

Denise?

Uhh Oo Yun nga lang.

Confused din ako. A part of me wants to believe him... but I just cant...

Habang nag-iisip ako may lumipad ng suntok sa mukha ni Lance. Hindi ko alam kung
saan nanggaling For a second I thought it was Bench Pero hindi naman pala

Walang hiya ka Lance Sigaw ni Renzo.

Sh1t Ilang araw ko din siyang di nakita Buti ngayon at naconfirm kong buhay pa
siya at di ipinasalvage ni Bench. Buhay pa siya Alive and kicking Kicking Sinisipa
si Lance

Nagsuntukan ang dalawa. Leche naman tong buhay na to.

Tama na Renzo

Inawat sila ng mga tao. Ayoko namang makealam at baka masuntok pa ang maganda kong
mukha Bwahaha Pero kailangan eh kasi kasama ko si Lance.

Walang hiya ka pare Walang talo-talo Sigaw ni Renzo. Alam mong... alam mong...

Alam kong pinagpustahan niyo lang si Denise, Renzo Sigaw ni Lance. Kaya tama na
Punong-puno na ako sa inyo

Pinagpustahan? Alam ni Bench to kaya ayaw niya kay Renzo... At manyak pa huh? Sana
pala tinuluyan na to ni Bench

Anong pinagsasabi mo pare- Denise Sigaw ni Renzo na pinupunasan ang dugo sa gilid
ng labi niya.
Tama na Renzo Hinding-hindi ako papatol sa tulad mo Kaya wag ka ng umasa Sa tingin
mo pagkatapos ng ginawa mo maiimpress ako sayo? Nakakasuka ka Wag ka ng magpakita
sakin ulit

Sabi ko bago inawat ng security guards at pinadala sa Discipline Office.

Syempre, si Renzo ang may kasalanan. Siya yung unang sumuntok. Pagkalabas ni
Lance, sinamahan ko siya sa clinic para gamutin ang konting pasa sa mukha niya.

Sorry, Lance... Sabi ko habang linalagyan ng hot compress ang kanyang pasa. Lagi
na lang kitang dinadamay sa mga gulo ko. Una kay Yuan, ngayon dito...

Okay lang... Aray

So-Sorry... Nadiinan ko yata ang hot compress.

Ngumiti siya.

Bat ba kasi inaaway mo pa si Yuan? Tanong niya.

Sinaktan niya si Eliana. Sabi ko.

Kasi mahal ni Eliana si Yuan? Ganun ba?

Tumango ako.

Pag mahal mo ang isang tao, masasaktan ka talaga. Aniya.

Iba to eh. Niloko... niloko siya ni Yuan. Sabi ko.

Well, if thats the case... kung ikaw naman ang lolokohin, siguradong sasaktan ko
rin ang manloko sayo. Ngumiti ulit siya.

Jusko Parang tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Di ko tuloy maipagpatuloy


ang paglalagay ng hot compress sa pasa niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at linagay ang hotcompress pabalik sa mukha niya.

Denise... will you be my girlfriend?

Napanganga ako sa tanong niya. Eto ba ang first time akong natanong? Bakit wala
akong maalalang nagtanong sakin nito?

Uh-Uhhh...

Nilagay niya ang kanyang index finger sa lips ko.

You dont need to answer me now, I can always wait... Lets date And get to know
each other better. Alam kong maaga pa para magtanong sayo nito, pero ayokong
maunahan.�

***************

*** Stage 47. *** (2 pages)


Stage 47.

Trabaho. Bakit?

In the end, I couldnt turn Lance down. Marami akong utang sa kanya. Kahit na di ko
alam kung kaya kong mag entertain ng kahit na sino ngayon dahil sa mga nangyayari,
nagawa ko paring bigyan siya ng pagkakataon. This is my first time anyway

FIRST TIME

Si Renzo hindi na yun kasama kasi pinaglaruan niya lang ako. I feel stupid about
it pero dahil sa dami kong pinoproblema, hindi ko na masyadong naisipan yun.

And uhmm... are you free tomorrow? Tanong ni Lance sakin.

Abot tenga ang kanyang ngiti. Ngayong nabigyan ko na nga siya ng pansin, narealize
kong gwapo nga talaga siya. Sa kahit anong angulo mong tignan gwapo siya. Kaya nga
nung kinausap niya ako sa bar last year ay grabe yung reaksyon ko kasi gwapong-
gwapo at sikat din ang isang to.

Ikukumpara ko sila ni Bench? Ewan ko kung bakit panalo parin si Bench sa


kagwapuhan at kakisigan. Siguro bias ako dahil mahal ko siya...

Im not sure. Siguro mag sho-shopping ako. Malapit na rin kasi yung Ball diba?

At ngayon ko lang din narealize na wala na nga pala si Bench. Which means wala
akong date

I can go with you Aniya.

Sa alin? Parang nabasa niya ang subconscious ko ah?

Sa Ball o sa shopping? Tanong ko.

Tumawa siya.

Both, if you dont mind.

I think Im crazy. Hindi ko alam kung bakit pero nanghihinayang akong wala si Bench
sa school. Sana siya yung kasama ko sa ball eh.

Tomorrow? Hindi ako sure kung maisasama kita, Ill just text you. And sa Ball, sure
Ngumiti ako.

Ngiting-ngiti ako na hindi ko alam na yun pala ang dahilan kung bakit mag
aalburuto si Bench pagkasundo niya sakin galing school.

Nag hihintay ako ng taxi nang bigla siyang sumulpot at ipinasakay niya ako sa
Benz.

WHAAAAAAAAAAAAT? Tanggihan mo. Sabi niya.

Hinampas niya pa ang manibela ng sasakyan. Niluwagan niya ang necktie niya at
ginulo ang buhok.

Anong ibig mong-

Obviously, Ill go with you to the Ball Tanggihan mo si Lance Sabi niya.
Huh? Ayoko nga Ang bait nung tao. Tsaka malay ko ba na sasama ka pala sa ball?
Hindi ko naman alam.

Malay ko rin ba na yayayain ka nun. Di pa rin mailagay sa kokote ang ibig kong
sabihin At isa ka pa Alam mong ayaw ko, ginagawa mo. Nananadya ka ba?

Itong sang to, kung magalit parang kanya ako...

Sinabi mo na ba sa kanya ang tungkol satin? Tanong niya.

Huh? tungkol satin? Ano yun? Balitang di ko alam? Hoy Bench, hindi mo pa ako
napapayag kaya wag kang assuming Binabakuran mo na yata ako kahit di mo pa nabibili
yung lupa. Inirapan ko na.

May masama ba kung mag assume ako? Di naman ikaw yung masasaktan sa huli... Ako
naman diba? Kaya problema ko na yun.

Natahimik naman ako sa seryoso niyang sagot.

Pinaandar niya ang sasakyan. Mabilis na naman ang takbo. Parang naiiwan lang yung
kaluluwa ko.

Uh... Diba di ka na sa school pumapasok bakit sasama ka sa ball? Tanong ko.

Obviously para makasama ka Sagot niya na para bang pinaramdam niya sakin ang
katangahan ng pagtatanong ko.

Wag na. Pumayag na ako kay Lance.

Tanggihan mo nga. Sabi niya ulit.

Ano ka? Di ko pwedeng tanggihan yun no

Tumahimik na lang siya at sumimangot habang nag di-drive.

May gagawin ka ba bukas? Tanong ko.

Kung wala, isasama ko siya sa shopping. Pero nang tinitigan ko ang seryoso niyang
mukha na nagdi-drive, naka necktie at pormal, agad kong napagtanto na hindi na siya
ang dating Bench. Hindi na siya palaging free. Marami siyang ginagawa at mukhang
wala ng puwang sa kanya ang mga sosyalera kong laro.

Trabaho. Bakit? Tanong niya. Galit parin.

Wala naman. Napabuntong hininga ako.

Bakit nga? Tanong ulit niya.

Wala... Curious lang. Sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Lance...

Denise:

Are you free tomorrow?

Siya ang isasama ko sa pag sho-shopping.


***************

*** Stage 48. *** (3 pages)

Stage 48.

what do you need?

May damit ka na ba para sa Ball? Tanong ni Lance sakin nang kanina pa kami paikot-
ikot at namimili ng sapatos ko.

Oo naman syempre. Kaya nga namimili na ako ng sapatos. Ngumiti ako.

Syempre, palalampasin ko ba yun? December palang meron na akong gown for the Ball.

How about date... for the ball? Meron na ba? Tanong niya at ngumiti.

Napangiti na rin ako.

Ako kasi... gusto kong magvolunteer.

Tumawa kaming dalawa.

Sure naman Tawa ko.

Talaga?

Oo na Diba sabi ko sayo kahapon?

Nagtawanan kaming dalawa.

Masarap kasama si Lance kasi puro tawanan lang yung nangyayari. Marami pang
nakakitang schoolmates saming dalawa. Wala naman akong pakealam kung anong sabihin
nila.

Saan na tayo? Tanong ko nang nasa loob kami ng sasakyan niya.

Ginugutom na ako. Saang restaurant kaya kami kakain?

Alam kong ako ang unang lalaking nanligaw sayo. Sabi niya bigla kahit off-topic.

Ngayong sinabi niya yan, tama siya. Siya nga... Well, ewan ko lang kung panliligaw
ba yung kay Bench. Kahit na alam kong para sa paghihiganti niya yan...

Kasi...lahat ng lalaki inilalayo ni Bench sayo. Sabi niya.

Now that you mention it... Paano niya nga ba inilalayo sakin yung mga lalaki? Ang
alam ko kasi talagang wala akong sobrang close friend na lalaki talaga simula pa
noon, si Bench lang. Hindi ko naman nararamdaman na may inilalayo siya sakin.

Ngayon lang... Sabi niya. Simula nung pinormahan ka ni Renzo saka mo naramdamang
inilalayo niya nga ang mga lalaki sayo kasi ngayon lang may naglalakas loob na
kalabanin siya... at ngayon, ako naman ang ilalayo niya. Hindi mo ba siya
pinipigilan?

Sa huling tanong niya napaisip ako ng sobra. Nalaman ko noon na may ginagawa nga
si Bench sa mga napapalapit saking lalaki... pero di ko siya pinigilan. Tama rin
naman kasi yung ginawa niya para kay Renzo eh. Manyak ang isang yon. Maybe he
really is concerned for me... Maybe... he really loves me.

Umiling na lang ako.

Hindi ko naman alam kung bakit sa isang parke niya pinark ang sasakyan niya.

Lets go?

Huh? Saan tayo? Confused naman ako. Saan ang restaurant dito? Naibulalas ko ang
nasa utak ko.

Tumawa siya.

I know youve never been here, Denise. All your life youve been with Bench and his
wealthy hobbies. Tell me, anong mga ginagawa niyo? Shopping, eat in expensive
restaurants, party, and all the other expensive hobbies he has... Hindi mo nabuksan
ang sarili mo sa mga tao maliban sa kanya. Hindi mo kailanman na-experience and
buhay maliban sa buhay mo kasama siya. Come...

Naglahad siya ng kamay.

I was hesitant. This is unlike me. Ayoko dito. Anong meron dito sa park? Parang
wala namang restaurant dito.

Ngumiti ako. My plastic smile. Hesitant but yes, Ill go...

Ano to?

Dinala niya ako sa mga maliliit na tindahan ng iba-ibang pagkain. Dirty foods?

Street foods. Alam kong pag nagshopping, nood ng sine, at kumain sa restaurant,
tutulad lang ako sa mga karaniwang ginagawa niyo ni Bench. Pero ito, iba to...
Hindi pa kayo nagpunta dito... I want you to know that my world is different. Its
not all expensive cars and credit cards...

Ngumiti siya at inabot sakin ang isang stick na may mukhang dumplings. Bago pa ako
makapagtanong kung ano yun, kinagat niya na ang stick niya at kumain na parang ang
sarap-sarap.

Kwek-kwek. Sabi niya nang inabot niya sakin ang isang bilog na kulay orange.
Masarap yan.

Halos di ko nga maubos ang dumplings-looking na pagkain, may kwek-kwek naman.

I want you to remember me... remember this day... Sabi niya.

Kakain naman kaya si Bench nito? I wonder.

Bakit ko ba iniisip si Bench eh kasama ko naman si Lance.

Pinagtitinginan pa kami ng mga tao. Siguro masyadong sosyal yung soot ko na


kumakain dito.

Haaay Busog na busog ako. Sabi niya nang umupo kami sa isang bench. Ikaw?

Busog na busog din. Akalain mo... masarap pala yun. Heheh.


See?

Tumawa ulit siya.

Lance isnt that bad.Pero parang may kulang na di ko alam. Kung si Bench ang kasama
ko parang kumpleto.

Napabuntong hininga ako...

Wait lang... Bibili lang ako ng tubig. Sabi ni Lance at biglang umalis.

Tinignan ko ang cellphone kong walang message. Hindi nanggugulo si Bench... Ibig
bang sabihin nito ay hindi siya tutol kay Lance?

Ehe-Ehem...

Tumingala ako at naaninaw ko si Bench Napatayo ako sa bigla.

A-Anong ginagawa mo dito? Tanong ko.

Kumakain siya nung parang dumplings at iba pa.

I just wanna taste this.

Sinapak ko na.

Stalker Sigaw ko.

Im not stalking you Napadaan ako... at tadaaah What a pleasant surprise Nandyan ka
pala Pinipigilan niya ang pagtawa.

Sinapak ko na ulit. Napadaan ka diyan Sinasadya mo eh

By the way, why are you here? Date? In this place?

Umirap ako. Hindi niya naman maiintindihan.

I can take you to better places, Denise. Bat siya ang sinasama mo?

Eh kasi.. busy ka naman. And I dont need better places, Bench.

Parang nasaktan ako sa sinabi niya. Totoong gusto ko ng mga sosyal na mga bagay
pero hindi yun ang gusto ko sa kanya. He really is evil. Isipin niyo, parang
binibili niya lang ako?

Kung ganun, what do you need?

Napatingin ako sa malayo pang si Lance na may dala-dalang mineral water.

Napatingin din si Bench. I dont know why but for some reason his face darkened.
Para bang nasaktan ko siya...

I guess Im not needed here... Ill go, Denise. See you later. Ngumisi siya kahit
malungkot ang kanyang mga mata at umalis.

***************
*** Stage 49. *** (2 pages)

Stage 49.

Are you reconsidering?

Thanks for this day, Lance. Sabi ko pagkababa ko sa sasakyan ni Lance.

Nasa tapat kami ng bahay.

Salamat din

Ngiting-ngiti kaming dalawa nang biglang sumalida si papa kakalabas ng gate.

Denise What are you doing here? Get inside Sabi ni papa.

Abat galit Bakit naman kaya? Kinabahan tuloy ako at naisip si Bench. Wala ng ibang
maisip kundi siya. Kung bakit galit si Papa ngayon, dahil siguro yun sa kanya,
sigurado

Dad-

Get inside Now

Napatalon ako sa kaba at pumasok sa loob. Tumakbo ako at hinanap si Mommy.

Mom? Anong nangyari kay dad? Tanong ko nang nakita ko siyang nanood ng TV.

Denise Nabigla siya nang nakita ako. Saan ka galing?

Nag shopping po Sabay pakita ko sa mga dala kong paperbag.

Shopping? Pero bat di si Bench ang kasama mo?

Kailangan ba talaga si Bench ang kasama ko? Ayoko po dun

Bakit? Kasi nag away kayo? Anak... kung ano man yung nagawa ni Bench sayo pag-
usapan niyo yun-

Huh? Paano niyo nalaman yun?

We know everything, baby...

Tapos pumasok na si Dad.

Dad

Pinaalis ko na. Aniya.

Pinaalis si Lance? OMG Sobrang nakakahiya yung ginawa ng parents ko.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko para tawagan si Lance.

Hello, Lance? Anong sabi ni Dad? Tanong ko.

Denise? okay lang naman. Kala ko nga papagalitan niya ako. Tinanong niya lang kung
saan tayo galing at sino ako. Tumawa naman siya.
Ganun ba? Kinabahan talaga ako. Sorry ah?

Tumawa ulit siya. Okay lang yun Mas mabuti nga yun kilala niya na ako...

Habang nag-uusap kami may nakita akong isang note na nasa kama ko.

Uh oo nga. Sige Lance, see you tomorrow

Okay, Denise Bye

Binaba ko ang phone ko at binasa ang note.

I will have you in any way I can. Ang sabi dun sa note.

Kahit di na lagyan ng pangalan alam ko na kung kanino galing kasi sulat kamay iyon
ni Bench. Nagpunta siya dito Sa bahay Sa kwarto

Tumindig ang balahibo ko sa banta niya.

Lumabas ako at narinig si mommy at daddy na nag-uusap.

Nag-aaway lang silang dalawa. Normal yun sa mga magboyfriend at grilfriend, hayaan
mo na. Sabi ni mommy habang hinahaplos ang ulo ni Dad.

Kawawa naman kasi si Bench eh. Wala ng magawa kaya nagpunta na talaga dito. Tapos
yang anak mo pa, konting away lang naghanap na ng iba. Umiling si Dad.

Napabalik talaga ako sa kwarto para tignan ulit ang note habang tinatawagan si
Bench.

Denise Napatawag ka? Sinagot niya sa unang ring parang inabangan talaga ako

TSEH Napatawag? You want me to call you Nagpunta ka ba dito sa bahay? Jusko, yung
boses ko parang buang lang. Anong sinabi mo sa parents ko Ikaw talaga

Kelan mo ba kasi sasabihin yung tungkol satin?

Napaface-palm na lang ako sa tanong niya. I know I know hell never play fair.
Sinisi ko pa ang sarili ko sa pagiging malambot nang nakita siyang umalis. inisip
ko pa talaga yung nakakaawa niyang mukha pero ngayong naririnig ko siyang tumatawa
sa linya, ang sarap niya ng kutusan

Anong tungkol satin-

Tungkol satin You cant deny it anymore, Denise. Ako na mismo ang nagsabi sa
kanila. Sinabi ko na rin sa harap ng board diba?

Ugh This is not fair Bench Nihindi ka pa nanliligaw Hindi pa kita sinasagot

Finally Are you reconsidering? Pinapayagan mo na akong manligaw? Tumawa siya.

NO Of course not Papaikutin mo lang-

Well then, I wont play fair, Denise.

Tapos binabaan niya ako Kapal ng mukha Ako pa yung binabaan?

Hindi na ako nakapagpigil, tinext ko na


Denise:

Are you serious?

Matagal siyang nag reply. Mukhang pinag-isipan ang isasagot

10 minutes.

Bench:

Would I go this far if Im not?

***************

*** Stage 50. *** (2 pages)

Stage 50.

Hes not Benjamin Jimenez

Stop thinking about Bench, D Hes not serious Its all part of his damn plan

Papalapit na nang papalapit ang Ball. Wala akong pakealam sa mga sinabi ni Bench sa
akin. Kung talagang gusto niya ako, liligawan niya ako. Liligawan tulad ng ginagawa
ni Lance sakin

Magkikita kayo ni Lance today? Tanong ni Eliana sakin.

Nasa loob kami ng kwarto niya. I dont know if shes better or worse. Ang mahalaga
ay dito lang siya sa bahay nila. Narealize ko kasing pag nandun sa school ay
lumalala lang ang depression niya. Buti at walang pasok ngayon dahil sa mga
preparations for the ball.

Oo. He asked me out kahapon.

Saan kayo pupunta? Tanong niya.

Sabi niya dinner eh. I dont know. Sabi ko habang nakatingin sa salamin, inaayos
ang buhok at tinitignan si Eliana.

Nakita ko siyang nagtext agad pagkatapos kong sinagot ang tanong niya. Agad akong
tumalon papunta sa kama niya at inagaw ang cellphone. I knew it Shes been leaking
the infos

Tama ang hinala ko May text dun na di pa natatapos

Eliana:

Dinner, hindi ko alam kung-

Agad kong dinelete ang nitype niya.

Eli, stop telling Bench what Im doing. Sabi ko.


Tumawa siya.

Wait Binablackmail ka ba niya? Tanong ko.

Of course not Inagaw niya sakin ang cellphone niya at yinakap ang kanyang unan. He
asked me, sinasagot ko lang yung tanong niya.

Evil She showed me her evil smirk. Napailing na lang ako.

Ilang sandali ang nakalipas, nagtext si Lance...

Lance:

You ready?

Nireplyan ko agad pero kinabahan ako... hindi ko naman alam bakit.

Denise:

Yep.

Lance:

Lets meet. 815 Maze Garden.

What? Hindi niya pala ako susunduin? At higit sa lahat sa isang park? Ang alam ko
wala na namang restaurant sa lugar na yun tapos dinner yung sabi niya. Ibig sabihin
yung kwek-kwek at iba pa yung kakainin namin?

Denise:

Ok. See you there.

Napabuntong-hininga ako.

O, anyare? Kumakain na ng Lays itong si Eliana habang pinagmamasdan ako.

Wala.

Gusto mo ba si Lance? Tanong niya.

I like him. Hes not hard to like...but...

But? Kung gusto mo ang isang tao, walang buts. Ngumisi siya.

Napatingin ako sa kanya. Kung makapagsalita mukhang maraming natutunan sa


experience niya kay Yuan ah?

Ah basta Ewan ko na Alis na ako Sabi ko.

Tumayo ako at kinuha ang purse ko. Kay ganda pa naman ng dress ko ngayon tapos
kwek-kwek? Sana sinabi ni Lance na street-food dinner para malaman ko kung paano
lumugar. Hay Gusto ko naman si Lance, totoo, pero may bumabagabag sakin. Ang evil
smile ng prinsipe ng kadiliman. Para ngang nami-miss ko na siya eh. Masyadong busy
sa work.

Hatid ka na ng driver namin... Sabi ni Eliana.

Nagdalawang isip pa ako. Gusto kong magpahatid pero nang narealize kong allied
force ni Bench itong si Eliana ay tumanggi na lang ako. Malaman niya pa kung saan
ako pupunta tapos manggugulo at mangugutya siya dun.

I can only imagine... Eto lang ba ang kaya mong ma afford, Lance? Nako Magkakagulo
talaga dun

Nagtaxi ako papunta dun sa park. To my surprise... may nakita akong kaibigan ni
Lance pagkalabas ko ng taxi. Tinuro niya sakin ang daanan ng maraming rose petals
at ngiting-ngiti siya.

Thanks Sabi ko.

May mga christmas lights na puti pang nakapalibot doon sa daanan. Yung lights lang
ang nagpapaliwanag sa daanan. Parang sinadya talaga.

Sa bawat liko ko, may nakaabang na kaibigan niya.

Denise Sabi nung classmate ko sa isang subject.

Hi

Sige, dito ka dumaan. Ngiting-ngiti siya.

At dahil doon, hindi naman ako bobo, alam ko ng may event. May naiisip ako pero
ayokong masyado akong assuming. Pero nang nakita ko ang table sa harapan ko
pagkadating ko sa dulo, may candlelight dinner pa at mga bulaklak.

Nakita ko si Lance... hinihintay ako. Hinila niya ang silya at umupo ako. Ngiting-
ngiti at gwapong-gwapo siya sa soot niyang coat and tie na para bang papunta siya
ng ball.

Umupo siya sa harapan ko. Yung nagpapaliwanag sa mukha niya at ang kandila sa
harapan namin at ang ngiti niya.

I know...I know this is going to be tough. Alam kong di ka mag eeffort ng ganito
kung wala kang sasabihing importante unless youre Benjamin Jimenez. And hes not
Benjamin Jimenez...

***************

*** Stage 51. *** (2 pages)

Stage 51.

Ive been waiting for you

May steak na inihain at kung anu-ano pa. May tumugtog pa ng acoustic.

Akala mo street foods? Nakangiting sabi ni Lance.

Tumawa na lang ako. Im speechless.

You are so beautiful, Denise. Sabi niya.

Tinitigan niya ako. Para bang isinasaulo niya ang bawat linya sa mukha ko. Hindi
ako makatingin sa kanya. Hindi sa kahihiyan kundi dahil alam kong masasaktan ko
lang siya sa gagawin niya. Assuming?

Thanks, Lance. Nag abala ka pa talaga sa gabing ito. Sabi ko.

Of course, its all for you.

Ngumiti siya. Nginitian ko na rin.

Oh God Tulong Anong gagawin ko? Sasagutin ko na siya? Ibabasted? Paasahin?

Ilang awkward moments ang nakalipas...

Nagkatinginan kami tapos biglang nag ring yung Phone ko

Bench calling...

I canceled his call. Nananadya na naman yata siya.

Sorry. Sabi ko habang uminom ng wine.

Okay lang. Ngumiti ulit siya.

Tapos biglang na-off yung lahat ng lights sa paligid, kaya naman ang dilim-dilim
na Akala ko nga sinadya yun pero nang nagkagulo na... Nagpakita na yung mga
kaibigan ni Lance sa paligid.

Anong nangyari? Sabi nung classmate ko.

Ewan ko, siguro may nakaapak sa wire o ano. Sabi nung isa.

Diba wala namang tao dun? Tanong nung isa.

Baka may napadaan tapos biglang in-unplug?

Sorry, Lance ah? Gagawa na kami ng paraan. Tapos umalis sila.

Napaface-palm si Lance.

Sorry, Denise. Sabi niya.

O-Okay lang.

Nagdududa na talaga ako. I dont think its a natural phenomena I think someone is
behind it. Pestering me again... Napatingin ako sa palagid...

Pero nang nakita ko ang seryosong mukha ni Lance na nakatayo at naglalahad ng


kamay sakin, para bang gusto niyang isayaw ako...

I want to dance with you before the Ball, Denise.

Naputol din diumano ang wire na para sa guitar kaya lumapit yung kaibigan niyang
nag-gi-gitara para marinig namin yung tugtog niya.

Tumayo ako at linagay ang kamay sa kamay niya.

Sana pala pinagpatuloy ni Bench ang panggugulo niya. Ayoko ng awkward moments.
Hindi... Siguro hindi ko naman talaga ayaw ang awkward moments... ang ayaw ko ay
ang puntong alam ko na hindi ko masasagot si Lance kung sakaling magtanong siya.
Sa maikling panahon na nakasama, Denise... Minahal na agad kita.

OH EM GEE Sa ngayon, di ko na maitsura ang mukha ko. Oh no

Tapos may konting ingay sa pagbabalik ng mga kaibigan ni Lance. May dala dala
silang kandila at may tig-iisang papel pa sila.

I know its too early but I want to be the first one to ask you this...

Pagkasabi niya nun ay ipinakita ng mga kaibigan niya ang tig-iisang letters...

W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D?

OMG Masyado siyang nag effort para nito I dont wanna mess things up

Mahal ko si Bench pero maghihiganti lang siya sakin at ayokong masaktan. I like
Lance, hes so good to me. In fact, hes too good for me. I dont deserve him. Pero
sigurado akong di ako masasaktan sa kanya. Ayokong umasa sa wala.

Tumigil ako sa pagsasayaw.

Pero pag sinagot ko ba siya, sigurado akong di ako masasaktan ni Bench? Paano kung
magseryoso na siya sa iba? Pero paano kung hindi? Either way masasaktan ako ni
Bench. Kahit na maging kami pa ni Lance ngayon, masasaktan parin ako ni Bench,
simply because I love him.

Denise... Worried na sabi ni Lance.

I can move on with Lance but I wont be over Bench...

I-Im sorry-

You dont have to answer me now. Aniya.

Nagbulung-bulongan ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko na alam kung anong sinasabi.
Pero nang tinignan ko ang mga mukha nila, may isang babae dung umiyak tapos yung
iba ang sama makatingin sakin.

I dont deserve you Lance. Im sorry.

Nagwalk-out ako kahit madilim. Tapos tumakbo na kasi di na ako makapaghintay na


makaalis dun sa place. Halos maputol na yung takong ng pumps ko sa kakatakbo. Hindi
ko ininda yung kadiliman. Nasasaktan ako para kay Lance. Gusto kong umiyak sa
sobrang guilty.

Hanggang sa naaninaw ko na yung kalsada.

Tumigil ako pagkalabas ko. Hinihingal.

Ive been waiting for you. Binuksan ni Bench ang pintuan ng sasakyan niya.

And in the end, its not a battle of who can take me to better places... its a
choice of who i want to be with.

***************
*** Stage 52. *** (1 page)

Stage 52.

Do you love me

Pagkapasok ko sa sasakyan niya, pinaandar niya agad ito. Humarurot hanggang nag
punta kami sa isang mall kahit gabi na.

You hungry? Tanong niya.

Lumabas kami pagkatapos niyang pinark ang sasakyan.

Nope. Sabi ko nakatunganga lang.

What do you wanna do? Want to buy something? Shopping? Movie? What?

He looked worried.

Gusto kong tanungin kung mahal niya ba ako pero di ko magawa dahil umuurong yung
bituka ko. Pride yata ang umiiral.

Sinundan mo ba ako? Tanong ko.

Why? You think its better if I was not there?Seryosong tanong niya.

Umiling ako.

Di mo sinagot, Denise? Tanong niya at ngayon, hinarap na niya ako, nakatitig.


Bakit?

I want to pull it out of him... pero ngayon, baliktad ang sitwasyon. Siya yung
magpapaamin sakin. How evil Hes tempting me. He can read my mind. Alam niyang gusto
ko siya kaya tinatanong niya ako dahil alam din niyang vulnerable ako ngayon.

Because I dont love him. You see Bench, Im not like you. Pinopormahan ang mga
babae kahit di nila mahal.

Tumingin siya sa labas at nag-pout ng kanyang lips. Ilang sandali napabuntong


hininga siya.

I knew karma will get me one day but I never knew itll be this hard. Sabi niya.

Napabuntong hininga ulit siya.

I know its not going to work on you. You heard me say it so many times and you
know those were all lies. Kaya ayaw kong sabihin sayo yun. Instead, I want you to
feel it. Can you feel it, Denise? Can you feel me?

Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari pero masyado palang
close yung mukha namin sa isat-isa kaya ramdam ko yung hininga niya. He smells
really good. His eyes dark and shining. Hair so perfect. Hes godlike. Even beyond.
A temptation.

Kakagat ka ba talaga sa mansanas kahit alam mong bawal?

Hes a playboy for gods sake. And hes up for revenge And above all... hes evil
Pero dahil hindi ako anghel. Kakagat ako sa mansanas. Hell will be better with
you, Benjamin Jimenez.

We kissed. Its a mistake, I know.

Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi pa ako makahinga at nakatunganga lang sa loob ng sasakyan niya. Anong


ginagawa ko? Nagpapaloko ako sa kanya?

Tinignan ko siya. Hes beyond happy Sa sobrang ngiti niya ay napansin ko talaga ang
dimple niya.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Do you love me, Denise Cordelia Gozon?

Nagkagoosebumps ako. Hindi ko alam kung dahil ba kinikilig ako o dahil


kinikilabutan ako. Bakit ako ang tinatanong niya? And hell, I wont say I love him
yet NOT TILL I PROVE THAT HES SERIOUS WITH THIS

Pero ngayong tinatanong niya na ako. Saka nag flashback sakin ang memory ng
pagsumpa niya sa akin sa araw na iyon. Ang 500 pesos na ibinayad ko sa
tagapangalaga ng kabayo para maipalayas ang kanyang pag-ibig. Sigurado ako kaya
siya playboy ay dahil nasaktan siya ng masyado. At ngayon, naisakatuparan na ang
kanyang paghihiganti. Konti na lang at magtatagumpay na siya. Sa oras na sabihin
kong, Oo, tapos na ang lahat

Masasaktan ako, Bench. Pero sisiguraduhin kong hindi mo malalamang masasaktan ako.
I wont give you the satisfaction of my defeat. Tama na ang masaktan ako, sobra na
ang malaman mo pa.

Kinalas ko ang kamay ko sa kanya. Napawi agad ang ngiti sa mukha niya. His face
darkened once more.

Lets go home. Diretso ang tingin ko sa daanan.

***************

*** Stage 53. *** (3 pages)

Stage 53.

I love you.

Hindi na kami nag-imikan hanggang nakauwi ng bahay. Hes giving up. Syempre, tama
na dapat. Matagal na yung nangyari. Bata pa kami nun. Sana naman tigilan niya na
ang paghihiganti sakin.

That night, I couldnt sleep.

Mahal ko si Bench pero sana tama na yun lahat. Kasalanan ko na. Masama na ako.

Kinabukasan... ang sakit ng ulo ko.


Kring

D, papunta na ako ng school. Ikaw? Sabi ni Eliana.

Huh? Kakagising ko lang.

What? Bilisan mo na.

Pinatay ko ang tawag niya.

Hay nako. Si Eliana talaga. Halos walang pasok today ano dahil bukas na yung ball.

Pagkatingin ko ulit sa cellphone ko may text doon ni Lance.

Lance:

Ill fetch you tomorrow.

Akala ko ayaw niya na akong makasama pagkatapos ng ginawa ko dun sa surprise niya.
Mas lalo tuloy akong na-guilty. But what bothered me most? Walang ni isang text ni
Bench. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya kagabi. Tapos parang mas lalo
akong na-guilty sa mga sinabi ko sa kanya. Kung sana sinabi ko na lang na mahal ko
siya edi okay na sana Wala na akong pagsisisihan

Pagkatapak ko sa gate ng school namin, weird kasi nakikita ko ang mga schoolmates
kong tumitingin sakin at nagbubulong-bulungan.

Denise Biglang hila ni Eliana palayo.

Para bang may iniiwasan kami.

Bakit? Tanong ko.

Diretso na tayo ng classroom. Aniya.

Huh? Tayo? Eh di naman tayo magkaklase. Tsaka, may kukunin lang ako sa locker
room.

She looks stressed and worried about something...

Lika na Sabay hila niya.

May problema ba? Tanong ko.

W-Wala

Hay Eli. Mukha mo palang alam kong may problema siya. Kaya imbis na sundin ko
siya, pumunta ako ng locker room para tignan kung ano ang problema niya.

Pagkapasok ko napa-nganga ako sa nakita ko.

Who the hell did this?

Grabe Tumaas yata ang dugo ko. Maha-heart attack na ako.

May malaking vandal na nakalagayDenise Gozon is a B1tchsa lockers

Tinignan kong mabuti at may nakita pa akongGo To Hell Denisesa pader.


Lumabas ako at pumuntang CR, may malaking Go to hell Denise sa salamin

Pagkalabas namin ni Eliana sa CR, nakita ko si Renzo na nakangisi.

Ikaw ang may gawa nito? Agad kong ibinulalas sa galit ko.

Tinulak ko siya.

Easy, Denise. Easy Nakangising sabi niya.

Naagaw ko tuloy ang atensyon ng mga tao sa paligid.

Hindi ako ang gumawa niyan. Kung ako ang gumawa niyan, matagal na sana. Cant you
see? Tinuro niya ang mga nagbubulung-bulongang mga tao sa paligid.

Nakita ko sina Candice, Jenny, Tanika at iba pa...

Maraming galit sayo. I dont know for what reason pero galit sila. Kung sana lang
ay di mo sila ginalit.

Jenny Sigaw ko.

Nakita kong umurong siya ng bahagya.

Ikaw ba-

Hindi ako Aniya.

Nakita ko na rin ang galit sa mukha niya kahit na may luha na dito. Lumapit siya
sakin.

Pero bagay lang yun sayo, Denise Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sakin
Inutusan mo si Bench na paglaruan ako Napakasama mo Kung sino man yung gumawa nito,
magpapasalamat ako sa kanya YAN ANG NABABAGAY SAYO

Tapos sinampal ako.

Napahawak talaga ako sa pisngi.

Jenny Tama na nga yan Sigaw ni Eliana.

Umalis din naman sila.

Kainis talaga Sobrang nakakainis Ano ba ang problema ng mga taong to? At sino ang
gumawa nito?

D Sabi ko naman sayo eh.

Argh Ayoko na Aalis na ako Ayokong pumasok Aalis na sana ako nang nakita ko si
Lance.

Denise... He looks sorry and worried. Wag kang mag-alala, hahanapin ko ang gumawa
sayo nito.

Salamat kung ganun. But for now, Ill leave. Tapos nilagpasan ko siya.

Bago ako tuluyang makalagpas... hinila niya ang kamay ko.


Please promise me youll go with me tomorrow.

Tumango lang ako. Wala na akong lakas para magsalita. Napagod ako sa mga
pangyayari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung wala si Eliana sa tabi ko,
hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung sasabihin ko to kay Daddy, sigurado akong
maghuhuramentado yun at makakasuhan talaga ng harassment ang gumawa nun. Ayaw ko
namang gumawa ng malaking gulo kaya tatahimik na lang ako.

Galit na galit ako Galit na galit Panirang Jenny sinampal pa ako Kung
makapagbulung-bulungan naman yung mga tao dun parang wala na silang maling nagawa
ever Nakakainis SOBRANG INIS KO NA NAGKULONG NA LANG AKO SA KWARTO.

First time sa tanang buhay ko hindi ako excited para sa party.

Krrriiiing

Bench calling...

Nakahiga ako sa kama ko nang tumawag siya. Gabi na. Buong araw na lang akong
angkulong. Sinamahan ako ni Eliana kanina, pero umalis din nang dumilim na.

Hello, Denise?

His voice is warm. He gives me assurance and security. Pero sana kung nasa school
parin siya di to mangyayari sakin. Without him, Im vulnerable.

Simula pa lang noon. Kahit na lagi ko siyang inaaway nung mga bata pa kami, siya
parin ang pomoprotekta sakin.Hes my shadow. Im not me without him.

Its not just social climbing... its my identity. When hes with me, Im Denise
Cordelia Gozon.

Bench... Halos mabasag yung boses ko pagkasabi ko nun.

I dont know why Im crying.

Dont worry about it. Ill take care of it. Sleep tight for tonight. Ill see you
tomorrow. Sabi niya.

mkay. Ayokong magsalita pa ng marami dahil umiiyak na talaga ako.

Shhh. I love you.

OMG Sinabi niya yun Sinabi niya yun ngayong wala akong lakas para bigkasin ang mga
salita dahil sa pag-iyak ko? Bukas... sasabihin ko sa kanya. Di bale na yung mga
doubts ko.

Ill not say it just because hes the only one I have now, Ill say it because Ive
decided to love him without expecting anything in return.

Nawala na siya sa linya paghikbi ko.I love you, Bench. So much.

***************

*** Stage 54. *** (2 pages)


Stage 54.

Hintay ka lang.

Tapos na akong mag-ayos nang nagdoorbell si Lance. Binuksan ni mama, agad naman
akong umalis. Ayoko kasi ng maraming tanong kay mama o kay papa.

You look so beautiful, Denise. Sabi ni Lance.

Hindi parin ako sigurado kung invited ba ako sa ball. Alam kong invited ako,
syempre, pero yung mga tao dun galit sa akin.

Thanks Lance, you look good too. Sabi ko.

Okay ka lang ba? Tanong niya ng nagtraffic na.

Okay lang. Makakalimutan ko din yun. Sabi ko.

Im not sure who did it, pero tingin ko sa Candice San Juan.

Napatingin ako sa kanya.

Siya lang yung may sobrang galit sayo dun sa kanila eh. Shes jealous of you.

Kung siya ang gumawa noon, dapat noon niya pa ginawa yun. Matagal na yung issue ko
sa kanya. Im sure hindi siya. Sabi ko.

Tumango na lang siya at pinark ang sasakyan.

Agad siyang bumaba at binuksan yung pintuan sa akin at naglahad ng kamay.

Walang makakatanggi sa ngiti niya. Kay gwapo niyang talaga. Kung wala si Bench sa
buhay ko makokontento na ako kay Lance, pero nandyan si Bench eh. Hindi ko
makakayang pumili ng tao dahil lang alam kong di niya ako masasaktan. Simula pa
noon, gusto ko na talagang sundin ang nakakapagpasaya sa akin.

Linagay ko ang kamay ko sa kamay niya. Pagkarating namin sa karamihan, sumalubong


samin yung kanyang mga kaibigan. Iilan sa kanila ay nandun sa proposal ni Lance.
Halos silang lahat naman ang nagbulung-bulungan nung nakita ako.

Napairap na lang ako sa kawalan.

Si Lance naman ay busy sa pakikipagchikahan at pagsagot sa ibat-ibang mga tanong


niya.

Tinignan ko ang soot ko. Simula pa kanina, namomroblema ako. Ni hindi ko na


masyadong napagtoonan ng pansin ang soot at make-up ko. Niready ko tong damit ko
simula pa last year. Excited akong sootin to pero di ko akalaing hindi pala
exciting para sa akin ang araw na to.

All black ang peg ko. Kumikislap mula sa hips papuntang heels. Tube top at naka
french bun ako. Smokey eyes na mas lalong nagpa-drama sa soot ko.

May nakita akong isang babae sa gilid, nakatayo, mahaba ang buhok at parang
nininerbyos.

Nakuha niya ang pansin ko kasi iba yung soot niya. Im sure shes not from our ball.
Besides, nasa gazebo pa lang kami at di pa nakakapasok sa function room, siguro may
hinihintay siya.

Lumingon siya sakin at nagkatinginan kami.

I rememberShes the girl...Whats her name? Yung maputi at magandang volleyball


player na kinalolokohan ni Brent?

Nilapitan ko siya at agad naman siyang mas lalong na-tetense.

Hi, Im Denise. Sabi ko at naglahad ng kamay. You are...

Maxine Alvarado. Ngumiti siya pero may halong tense yung mukha niya ewan ko kung
bakit.

Why are you here? Diretsong tanong ko.

A-Ah, hinihintay ko si Brent.

Why? Are you both gatecrashing our ball? Tinignan ko siya from head to toe.

True. Maganda talaga siya. Kasing haba lang naman ng legs niya ang legs ni Eliana.
In speaking of Eli, hindi siya pupunta sa Ball. You know her...persona non gratasa
school. Dapat nga pati ako di na nagpunta. Kasalanan ko bang kailangan ko talagang
pumunta kasi sa gown kong noon ko pa pinag-isipan. Sayang yung pictures at lahat
Social climbing...

Yung soot naman nitong Maxine ay maiksing cocktail dress.

If you are, then youre out of place. Long gowns yung sabi-

Denise May isang pamilyar na boses ang biglang humagkan kay Maxine.

He grabbed her hips and smiled. Brent Cruz, Benchs cousin. Anong ginagawa nila
dito? At sila na pala nitong dream girl niyang wala daw siyang pag-asa?

Talk about public display of affection... kayo na pala?

to naman oh Dont be like that. Were engaged. Ipinakita niya ang singsing sa kamay
ni Maxine.

Eto namang si Maxine, pumula ang pisngi.

Good for you Congratulations, then

Hay nako You really suit that man. He needs a strong woman. Stronger, even.
Ngumisi siya. Stop being grumpy. Ganda mo pa naman, tapos parang laging galit at
nagtataray.

Nagkibit balikat ako.

Why are you here? Gatecrashing?

Yep Hinalikan ni Brent ang pisngi ni Maxine.

PDA talaga

May palabas kami. Hintay ka lang. Wag kang magwalk-out ah? Pinaghirapan niyang
kopyahin ang mga diskarte ko. Tumawa siya.
What? Di ko alam kung ano ang ibig sabihin niya. Sino siya? Si Bench? Palabas?
Ano? These men... they creep me out.

SmileSabay pindot sa pisngi ko bago sila umalis.

O.M.G. Parang nagkabuhol-buhol yata ang sikmura ko sa kaba. Butterflies in my


tummy. Ayoko ng pumasok sa kaba at sa excitement Kung alam ko lang na may
mangyayaring ganito, sana pala mas mahal at magandang damit ang pinili ko, tapos
nagpamake up ako sa pinakamamahaling HMUA OMG

There you are Sabi ni Lance nang nakita akong nakatingin sa kawalan.

For the first time that day, I smiled.

***************

*** Stage 55. *** (2 pages)

Stage 55.

all the sacrifices Im making

Nagenjoy ako sa mga nagpipicture na paparazzi. Binalewala ko na lahat ng mga


nagbubulung-bulongan. Ang inisip ko na lang ay ang gagawin ni Bench. Si Brent kasi,
sinabi pa Sana sinorpresa na lang ako Assuming naman ako diyan? Parang naniniwala
naman yata ako kay Bench ngayon.

Pagkapasok ko sa loob, wala akong Bench na nakita.

Denise, here. Sabi ni Lance nang kinawayan niya ako sa isang table kasama yung
ibang friends niya.

Umupo ako sa upuang inilahad niya. Alam kong nag-uusap-usap at nagrereklamo na


naman ang mga friends niya dahil nandito ako.

Diba binasted ka na? Hayaan mo na lang yan Kainis na siya ah Kapal ng mukha.

Well, sorry ka na lang girl, balewala ka na sakin ngayon. Maya-maya lang ay may
pasabog si Bench kaya hayaan mo na lang ako dito at mamimiss mo rin ang kagandahan
ko soon.

Pinagtanggol ako ni Lance. Ang akala nila ay di ko narinig kasi panay ang tingin
ko sa paligid.

Ang sarap talaga ng pakiramdam pag may hinihintay ka.

Nagsimula ang engrandeng program at ang kainan. Four courses ang pagkain. Tapos
kapag napapasulyap pa ako sa mga kaibigan ni Lance puro biyernesanto ang mukha.

Sorry Lance. Sabi ko. Di yata ako invited sa table na to.

Hindi. Hayaan mo sila. Ngumiti naman siya.

Sobrang bait talaga ni Lance na minsan naiisip kong ang sama-sama kong tao. Parang
ginagamit ko lang siya kasi wala si Bench ngayon.
Guys, tigilan niyo na yan. Sabi ni Lance nang nakitang nag-bulung-bulungan na
naman ang friends niya.

Eh kasi naman Lance, ang tanga mo na Sorry ba, Denise? Binasted mo na yung tao,
pumayag ka pang sumama sa kanya? Pinapaasa mo ba siya? Mejo tumaas ang boses nung
kaibigan niya kaya napatingin ang mga tao.

Nakakawalang gana namang kumain. Binitiwan ko ang kutsara at tinidor ko dahil baka
mabato ko pa sa kanya.

Pasensya ka na ha? Si Lance lang naman kasi dapat yung kasama ko, hindi kayo...

Kita mo na, Lance? Manggagamit Nagburst out na talaga siya at nagwalk-out.

Sinamahan pa nung dalawa sa kaibigan niya.

Tsk tsk. Wag mag paapekto. Just have fun. Its a party. Sana di na lang sila nag
aksaya ng panahon kasi hindi ako matitinag sa ginawa nila. Ano bang problema nila?
Hindi ko pinapaasa si Lance. Klaro yung sinabi ko sa kanya, I dont deserve him.
Siya din yung nag yaya sakin kahit dapat di na.

Umiling na lang ang ibang kaibigan ni Lance.

Denise, excuse me. Susundan ko lang sila. Sabi ni Lance.

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Ilang oras ang nakalipas, hindi parin siya
bumabalik. I swear I can hear crickets in our table. Walang nagsasalita sa mga
naiwan. Nagsasayawan na ang lahat at nagkakasiyahan. Pero ang mas disturbing? Wala
parin akong Bench na nakita.

Naiinip na ako. First time in history na ganito ako kainip sa isang party.

Denise Biglang dumating si Lance. Pasensya ka na, natagalan ako.

Its okay. Sabi ko.

I swear badtrip na badtrip ako dahil sa inip at sa inis. ASAN NA BA SI BENCH? ASAN
NA YUNG SINASABI NI BRENT NA SURPRISE? Isang oras na lang tapos na ang party ah?

Lance, sayaw tayo? Sabi nung isang girl na isa dun sa nag walk-out.

Nakabalik ka na pala, girl? Ano malamig na ba ang ulo mo? Hay Kainis pa tong grupo
na nasamahan ko.

Id have to ask my date first. I want her to be my first dance. Naglahad siya ng
kamay sa harapan ko.

Sayang ang damit ko at make up ko ngayong gabi.

Uh...

Nakatingin silang lahat sa amin ni Lance. Naghihintay sa sagot ko at puro mga


galit ang mukha.

Im sorry for being with you tonight, Lance. Sorry pero siguro mas maganda kung sila
na lang ang isayaw mo para sa ika bubutio ng lahat. Umalis ako agad para mag CR.

Ayan Ako na tuloy ang nag walk-out Sa sobrang badtrip ko at inip sa paghihintay
kay Bench eto na tuloy ag nangyari. Wala akong ganang sumayaw o kahit ano. Masyado
akong nag expect sa wala. Siguro isa lang yun sa mga bola ni Brent sakin kanina.
Pero bat sila nandito kung bola yun diba? STOP DENISE Ayoko ng umasa Screw this
party The worst party ever

Denise-

Lance, wag mo na akong sundan. Sabi ko.

But Denise- Hinawakan niya ang braso ko.

Pagkahawak niya nun, nagsimula ang isang kanta. Kinanta ng isang pamilyar na
boses. Nagpakaba sa akin at sobrang nag pasaya. Heto na

Nagbulung-bulungan ang mga tao. Alam nilang hindi iyon boses ni Bruno Mars...
Parang kakaibang rendition. Mas maganda at mas malamig. Pero ako, alam ko talaga
kung sino ang kumantang iyon.

Natigilan ako at hinarap si Lance.

I already love someone else, Lance. Im sorry.

Nalaglag ang panga niya pagkasabi ko nun.

Im sorry I didnt tell you but its true.

Are you telling me this now cuz you think that its the only way to get rid of me?
Denise, walang umaaligid na lalaki sayo, ako lang... dont expect me to believe-

Lance... mukhang nakalimutan mo. Walang ibang lalaking nakaaligid sakin... kundi
si Bench.

So keep in mind all the sacrifices Im making to keep you by my side and keep you
from walking out the door...

Live band. Everyone was stunned cuz Bench is singing.

***************

*** Stage 56. *** (1 page)

Stage 56.

It will rain, Denise

Cause therell be no sunlight if I lose you, baby. Therell be no clear skies, if I


lose you, baby...

Oh my God Im almost in tears Yung feeling na parang gusto ko lumunok para kumalma
pero di ko magawa kasi may bumabarang masakit sa lalamunan ko.

HE SHOWED UP Hindi ginagamit yung stage pero talagang may live band at nandun siya

Stunned ang lahat Nakatingin lang at kinikilig sa kanya. Tili nang tili ang mga
babae sa ball, pero siya, diretso lang ang tingin niya sakin.
Nang sinundan ng mga tao kung saan siya nakatingin, napatingin din ang lahat
samin.

Oh ano kayo ngayon? Mga useless Walang binatbat Maypa vandal-vandal pa kayong
nalalaman diyan Ayan na o kita niyo ba? Knight in shining armor ko, wala ng
makakatalo diyan ah? Sige Pagtripan niyo pa ako Benjamin Jimenez is in love with me
He is Yun ang kinaiinggitan niyo sa akin kaya sige at ipakita niyo pa kung gaano
kayo ka insecure sakin Yung ginagawa ni Bench ang nagpaudyok sakin ang paniwalaan
ang lahat ng mga diliryong sinabi niya sakin.

Nagwalk-out si Candice at ang kanyang mga kasama. Nakita ko talaga kasi malaking
pangkat din kasi yung mga kaibigan niya. May isang babae pa dung umiiyak habang
nagwowalk-out.

Si Jenny ba yun? Sabi nung isang babae na kanina pa tili nang tili at binibilang
ang lahat ng nagwo-walk-out.

YES This man in front of you drives everyone crazy... And I mean everyone Halos
kalahati ng mga babae sa ball ang nagwalk-out. Of course kasi alam nilang lahat. Sa
mga tingin pa lang ni Bench na nakatoon sa akin, sapat na yun para maging hudyat sa
pagkabigo nila.

Nah Bench is a playboy anyway. May narinig akong nagsabi nun.

Sa lahat ng mga narinig ko, iyon ang nakapagpabago sa isip ko.

He is a playboyHeart breaker diba? Masasaktan niya lang ako kung bibigay ako.

Pero wala eh. Tumulo yung luha ko bago pa ako makapagpatuloy sa pag-isip.

Lumapit si Bench sa akin. Papalapit siya nang papalapit nang naramdaman ko ang
paglayo ni Lance sakin. Hes giving up. Giving way... to my real owner. Excuse the
word but Id have to say this... he owns me in everyway. Benjamin Jimenez owns me.
And whatever hell ask right now, Im sure Ill say yes.

Tinakpan ko na lang ang nakangangang bibig ko nang papalapit na siya ng papalapit


sakin...

It will rain, Denise, if you wont say Yes. Aniya.

His face is glowing. Naka coat and tie na naman siya at bagong gupit. Nakangisi at
ipinapakita yung dimples niya. Mabango.

Ive been such a jerk before. Immature. But this time its for sure. Everything has
changed. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko. Mahal na kita, noon pa. Hindi ko alam
kung kelan nagsimula. Nalaman ko na lang na mahal na pala kita nang nasa
kalagitnaan na pala ako sa pagmamahal sayo. So I guess what Im saying is, my life
has changed and I want you to be with me in every single change Ill have in the
future. And I want to be part of the every single change youll have in your life
too. I love you so please be Mrs. Jimenez for me. Ipinakita niya sakin ang isang
engagement ring na may maliliit na diamonds na nakapalibot sa isa pang mas malaking
diamond.

Tumili ang lahat

He is serious

Hes got to be Marriage?? Talagang seryoso


Umulan nga.

I love you too, Bench And Im gonna be Mrs. Jimenez

Tuwang-tuwa ako at di ko nanapigilan ang luha ko. Hinalikan niya ako at hinagkan
pagkatapos. Sobrang saya niya kaya halos binuhat niya na ako sa pagkakayakap.

Dumating din sina Brent na sobrang saya din. Nandun din pala yung kambal niya.

Umulan nga...

Umulan ng palakpakan

Im fckin engaged to Benjamin Jimenez He is not perfect. Playboy nga siya noon. But
Im not perfect either. Nobody is.All we need is to try to love each other
perfectly. Thats it, I guess. Finally, I can say... Im in love Really in love

***************

*** Stage 57. *** (3 pages)

Stage 57.

Just saying...

I felt like we ruined the ball. Sabi ko nang nakita kong halos nagsialisan lahat
ng mga kaninay sobrang pa cute sa mga paparazzi.

Nakapulupot parin ang braso ni Bench sakin at ngiting-ngiti.

May nagpicture din samin. Yung iba mga paparazzi, yung iba ay mga kaibigan namin.

Masyadong showbiz ang proposal ni Bench sakin na may iilang mukhang galing sa
magazine or newspaper pa talagang nag iinterview sa kanya ilang sandali ang
nakalipas.

Miss Denise Gozon. May tumawag saking may dalang cellphone/recorder.

Tinignan ko si Bench, mukhang busy siya sa interview. Sina Brent naman at yung
ibang mga kasama niya ay nakihalo na sa party...

Yes?

Can I ask some few questions?

Tinignan ko siya, mukha namang mabait tsaka hindi naman siguro masakit kung
sasagot ako sa iilang questions.

Okay, Sabi ko.

First time yata ako ma interview tungkol sa lovelife. Kadalasan yung mga tungkol
sa damit ko at mga events ang iniinterview sakin.

Are you happy right now? Tanong niya habang inilapit sakin ang phone para marecord
ang sagot ko.

Oo naman.

Para namang sarcastic na tanong yun. Well, lets ignore that. Shes just some
reporter or blogger.

Now that hes proposed to you, everyones freaking out cuz they think youll be just
like his any other girl. What are your opinions?

Natigilan ako sa tanong niya. Kahit matagal ko ng iniisip yun wala parin akong
maisagot sa mga tanong niya.

Well, I guess people dont need to freak out for me. Come what may. Sabi ko.

Kinda pssed.

So you think hes serious now?

Why did I even think of letting her ask me some FEW questions?

Yes, of course. I mean, ni isa sa naging girlfriend niya di niya niyayang


magpakasal. Ako lang... Hes crazy if hes not serious. Sabi ko with utmost
confidence hoping it would silence her.

Pero di siya natinag.

So you are his first love... I mean not technically pero ikaw kasi as far as I
know he was never really serious with his past girlfriends.

WHAT THE F?NO IM NOT, girlMay isa pang nauna sakin. Pero heck I wont dare tell
her.

Yes. Of course. Sabi ko ng wala sa sarili.

Hey Hinawakan ni Bench ang baywang ko.

OMG Tinitigan ko siya. I frowned. Sinenyasan ko siyang tanggalin niya yung kamay
niya dun.

Thanks Miss Denise, sa time. Ngumiti yung nag interview at umalis agad.

Ang arte naman nito. Sabi ni Bench nang ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya.

Umiling na lang ako.

I love you, Bench but I know exactly who you are. Sabi ko.

Yes you do. Hinalikan niya ang pisngi ko at hinawakan ang kamay. Lets go.

Huh? Saan? Tanong ko.

Umuwi. Dont tell me your waiting for your date to dance you tonight. We have no
business here anymore. Aniya.

Tinanggal niya ang coat at pinasoot sakin.

His gentleman instincts again. Sweet Bench, I love you so much but I still have my
own insecurities and issues.
Pagkarating namin sa sasakyan niya nakangiti parin siya.

Denise... Whats wrong? Di ka ba masaya? Tanong niya.

Masaya. Ngumiti ako.

Ako. Sobrang saya Finally Ang tagal kong hinintay to.

Hinawakan niya ang kamay ko.

Dont worry. Trust me. Noon ko pa gustong sabihin sayo to pero I know you wont
believe cuz of our past. Just stop thinking about it. Dahil ako, matagal ko ng
kinalimutan yun. Simula nung minahal na kita. You probably dont know that Ive been
blocking and black mailing boys who get in my way kahit di pa naman talaga kita
nililigawan. Noon hindi ko alam kung bakit ayaw kong may magkagusto sayo or kung
may manligaw sayo, I thought its just cuz I want you as my companion always. But
Denise, I realized that I cant bear to watch you smile with someone not me. I have
fought against myself until Ive given up... Nung binigay na ni Dad sakin ang
authority sa companya as my training, napagdesisyonan kong itigil na lahat ng
kahibangang nagawa ko and start living my life seriously. I want you to know that
Im also serious with this. Hinawakan niya ang engagement ring at hinalikan ang
kamay ko. I love you so much.

I love you more. Halos mangiyak-ngiyak ako sa mga sinabi niya.

Pumunta kami sa isang coffee shop para bumili ng frappe at bumalik ulit sa
sasakyan.

Now, where do you wanna go? Sa condonatin? Tanong niya with his evil smile.

Err. NATIN? Condo natin?

No, Bench. Uuwi ako. Alam ko ang iniisip mo at tigilan mo na yan. Hindi pa tayo
lumagpas ng 24 hours ganyan na ang iniisp mo. HmpHinampas ko ang dibdib niya.

Okay Tumawa siya. Does that mean we can do it tomorrow?

Ugh, Bench Stop that

Hinila niya ako papunta sa dibdib niya. For Gods sake nandito kami sa labas ng
sasakyan niya at naka dress pa naman ako kaya mas lalong nakakaagaw-pansin. CEO to
ng airlines company ang katabi ko at masyadong sikat tapos ganito ang ginagawa
niya. Talaga tong si Bench

Umamba pa siyang hahalikan ako.

Bench

I pushed his face away. Tumawa naman siya.

Lets go home i mean... ako... sa bahay namin. Sabi ko.

HAHA Naughty Bench is naughty. Now everyones staring at us.

Okay Mrs Jimenez. Umikot siya at pumunta sa drivers seat. But Im afraid your
clothes have to go home... not you.

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinawakan ang dala-dala kong frappe at
nilapag malapit sa manibela. He started kissing me.Steamy hot kisses that I couldnt
resist.

Nang matapos yun (na talagang mejo mahaba-haba at halos ma carried away ako)...

Ugh Bench, let me go home. Sabi ko.

I couldnt even look at him. Baka malaman niya pang ayaw ko pala talagang umuwi Hay
malandi Denise but we have to go home I may consider it soon, but not now.

You know Denise, I can always give our children a good future kahit di ka na
magtrabaho. So dont worry kay? Then his evil smirk.

Sinabunutan ko na

Kakasagot ko lang sayo ah? Gusto mo yata ng break-up agad Sige ka Sabi ko.

Kainis to

Okay okay Tumawa siya. Just saying...

Hinalikan niya ang noo ko.

God I couldnt believe that were really in this situation. Mahal niya talaga ako.
At mahal ko rin siya. Kami na

Benjamin Jimenez is mine. At kung sa tingin ng iba ay di siya seryoso sa akin, bat
pa nila kinailangang mag walk-out kanina sa ball. I need to have more faith in him.
More faith in us.

***************

*** Stage 58. *** (2 pages)

Stage 58.

I love you more.

Hi Good morning Malat ang boses niya mukhang kakagising lang.

Kakarating ko lang sa school nang tinawagan niya ako. Text kasi kami nang text
kagabi tungkol sa pag amin ko at sa pagkamangha niya.

Hi Sabi ko halos mapangisi sa kilig.

Just woke up. Nasa school ka na? Tanong niya.

Yup

Naglalakad ako patungo sa klase. Tatlong linggo na lang at finals na. I cant wait
to spend my summer with Bench. Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

Should have fetch you at home. Sinabi mo na ba kay tito?

I rolled my eyes.
Hindi. Pero alam niya na yung engagement na sinabi mo simula pa nung sinabi mo sa
board na tayo na. It doesnt matter.

It matters to me. Ill fetch you later after school. Haharapin ko yung parents mo.
Humalakhak siya para bang di makapaniwala sa sinabi niya.

Ows? You have the guts? Tawa ko.

Of course, baby. Ngayon naman seryoso na. For you.

Katahimikan. OMG Di na lang talaga ako nagsalita ng ilang saglit kasi


naghuhuramentado na naman yung sistema ko.

Aryt then. Sabi ko.

Nasa classroom ka na?

Almost there.

Okay. You take care and call me if you need me. Need to get ready for work. Okay?
Titext kita pagdating ko ng office.

Okay Take care din.

Love you Mrs. Jimenez.

OMG.

Love you too Mr. Jimenez.

No. I love you more.

Di ko na makakaya to Natigil na talaga ako sa paglalakad. Siguro pinagtitinginan


na ako ng mga tao. Parang hibang lang. Pero syempre, alam nila kung sinong kausap
ko ngayon. Lahat yata nakasaksi sa nangyari sa ball.

Sige na... You get ready. I have to go. Sabi ko.

Okay... Tumawa pa siya saka ko binaba.

Tapos humingang malalim. Grabe. Heavy. HAHA

Saka ko nakita ang mga tao. Yes. Kanina pa ako naglalakad pero dahil occupied ako
sa conversation namin ni Bench di ko nakita yung mga nagbubulung-bulungan tungkol
sakin.

Ayan na naman ang mga insecure. Hay nako

Denise Pambungad sakin ni Eliana.

Eli Sabi ko. You heard the news-

I know. We have no time for that. Tayo na. Alis na lang tayo. Aniya.

Huh? Bakit?

Hinila niya ako palayo sa classroom.


Sa mukha niya mukhang nahihirapan siya sa pag explain.

Theres a bunch of girls after you. Im sure ma hahighblood ka lang dito at baka
magkagulo pa. Lets go.

Wait After me? Bakit?

Dont ask. I dont know either. Siguro may gusto kay Bench or ano.

So? Wala naman akong kasalanan Edi harapin sila. Sabi ko.

No

Hinila niya na naman ako.

I promised Bench, Denise. Di ka pwedeng makipag-away or hes gonna kill me. Sabi
niya ng wala sa sarili at hinihila niya pa ako. Nagmamadali.

What? Isa ka na rin kina Kuya Joe. Na demote ka na yata.

Im not paid no. Youre my best friend and my future cousin-in-law if theres
something like that.

Sa sobrang bilis niya nabunggo tuloy siya. Ayan. At ngayon mukhang siya pa dapat
ang protektahan ko.

Sorry, Eli...WOW PARANG DOUBLE MEANING

Si Yuan ang nabangga niya. Hinawakan ni Yuan ang magkabilang braso niya at
pinatayo.

And now, Eliana has lost her cool.

Excuse me, Yuan ah. Nagmamadali kami. Ako na lang ang humila kay Eliana palayo sa
kanya.

Naghang yata si cousin-in-law sa mukha ni Yuan. Mukhang ilang dekadang di


nagkasalubong.

And so... nahanap kami ng bunch of girls na sinasabi ni Eli.

They all crossed their arms and raise their brows.

Denise Cordelia Gozon, there you are. Nangunguna na naman si Candice.

Nandoon din ang mga kaibigang babae ni Lance.

Anong kailangan niyo sakin. I heard hinahanap niyo ako. If youre here to
congratulate me, thanks Ngumisi ako na nakapagpahigh-blood sa mga kaibigan ni
Lance.

Abat ang kapal ng muk- Halos sabunutan ako buti at napigilan ni Jenny.

Yes Nandun si Jenny

Jenny, you know what? Sa lahat ng mga pinormahan ni Bench I thought youre the most
normal. Ngayon, narealize kong tulad ka lang din nila. Obsessed kay Bench kaya di
ako mapapalampas kasi ako yung sineryoso niya. As if may magagawa pa kayo-
Hindi kami nandito Denise para i-congratulate ka sa trophy mo.

EXCUSE ME? Trophy ko? Si Bench?

Were here to expose how evil you are Sinigawan ako nung highblood

Oh my gosh. oh my gosh. Now I can here Eliana chanting while dialing Benchs number
sa gilid.

***************

*** Stage 59. *** (3 pages)

Stage 59.

kahit sino, di pwedeng pumasok.

Ipinakita nila ang pictures nung nag confess si Lance sakin, nung nagwalk out ako
at iba pang pananakit na ginawa ko kay Lance.

Sinabi mong I dont deserve you, Lance. Sabi nung kaibigan ni Lance. You dont
deserve him cuz you think you deserve Bench? Ganun ba yun? Biglang sigaw niya.

Sa galit niya hinampas niya sa mukha ko ang pictures na ipinakita niya.

Easy, Denise. I can actually sue her for this... Sue them all. Pero di ako ganun
ka babaw tulad nila. If they have some problem with me, edi sabihin nila, wag lang
sana akong saktan o insultuhin.

Halos matawa ako sa sinabi niya.

Youve got it all wrong, girl. Sabay iling ko.

Ang gusto kong sabihin kay Lance sakin ay masyado siyang mabait para sakin. Hes
too good for me. kaya naman nasabi ko na, I dont deserve him. Hindi tulad ng akala
niya. Baluktot talaga ang pag-isiip ng mga tao. Well, not all maybe, siguro yung
mga in love baluktot. Gaya ko, kahit alam kung mejo loko si Bench pero go parin ako
ng go

All wrong? Alam naming lahat ni si Bench ang gusto mo noon pa Aniya. Si Candice
Ikaw ang dahilan sa break-up nila Ikaw ang gumawa ng paraan para mag break sila

Si Candice naman mukhang pusang naiipit sa mukha niya. Malungkot, gustong umiyak
at plastik.

If he really DID love her, nothing can break them apart. Kahit na may gumawa ng
paraan para magbreak sila... Sabi ko.

See? Tinuro-turo ako ng ngayong mangiyak-ngiyak ng si Candice. I told you Sabi


niya sa mga kasama niya. It was her Ngayon, inamin niya na sa harap natin. And Im
sure siya din ang may pakana sa pag layo ni Bench kay Jenny God knows what she did
She probably seduced Bench-

Hey Seduced? I dont need to. Ano bang mga pumapasok sa kokote ninyo at ganyan kayo
makapag-isip. Whats this? Samahan ng mga Nasaktan ni Bench? Ngayon tinutuligsa niyo
ako kasi kitang-kita niyo ang pagseseryoso niya sakin?

Hell no Sigaw ni Candice.

Si Jenny naman, tahimik sa gilid. Bruha Di makatingin sakin Cheap ka at nakisama


ka dito Akala ko papantay siya kay Muse, yun naman pala, si Candice lang ang
kapantay.

We just want the world to know that you dont really like Bench you social climbing
wh0re Sigaw niya. Ginagamit mo lang si Eliana at si Bench para makaangat ka Hindi
ka naman talaga MAYAMAN eh You just wanna be one

Eto na Di na talaga ako makakapagpigil. True. Ive been such a wh0re for fame and
popularity. Pero tapos na yun lahat. Noon yun. Noong grade school na walang
pumapansin sakin, noong highschool na wala kang kaibigan kung di ka maganda at may
ibubuga, pero ngayon I know better. Hindi ako nagpakahirap para kaibiganin si
Eliana at Bench. Nangyari lang siyang bigla. Wala akong frame up o planong ginawa
para maging kaibigan ko sila. And now, they are telling me that I did this all to
be popular?

Hindi nga ako mayaman, sinong may sabing mayaman ako? Sabi ko. GET OVER IT
Magkaibigan kami ni Eli at mahal ako ni Bench. Period. Wala kayong alam kaya
tumahimik na lang kayo. Magkaibigan kami simula pa noon kaya wala kang alam,
Candice. Dont you dare tell me that Im using them. Kung gusto niyong umeksena at
magpapansin kay Bench kaya niyo to ginagawa, well, guess what, lalong di niya kayo
papansinin. You are all too low for him. And I wont stoop down to your level.

Sa galit nung kaibigan ni Lance at ni Candice sakin ay halos sinabunutan na nila


ako. Buti at pinigilan nina Jenny at iba pa nilang kasama.

Tumawa na lang ako kahit badtrip din.

USER Sigaw nila. Buti nga sayo Sana mag enjoy ka sa mga vandal tungkol sayo...

Hinila ako ni Eli habang nakikinig pa ako sa mga sinasabi ng kaibigan ni Lance.

Nakita ko rin si Renzo doon na tumatawa. Kainis talaga.

Lets go, Denise Sabi ni Eli habang tumitingin pa sa cellphone. Bench isnt
answering. Hes probably in a meeting. Alis na tayo sa gulo. Sabi niya.

Nakita ko sa corridors yung malaking vandal. Denise is a b1tch. Sana ma expel kung
sino man ang gumawa nito.

KAINIS

Bigla na lang akong nasabuyan ng orange juice Nasali pa yung kamay ni Eli na
nakahawak sa kamay ko.

What the? Sigaw ni Eli sa mga babaeng nakasalubong namin.

Hindi ko kilala. Ganun ka maimpluwensya si Bench. Kahit yung mga di ko kilala,


inlove na in love sa kanya.

Opppss. Sorry Anila tapos tumawa.

I was really speechless Nakatingin lang ako sa damit kong kulay orange na.

Stop it na Sigaw ni Eliana.


Nakita ko sina Nina, Tanika at Abby na nakatingin sa malayo. Mukhang naawa sa
kalagayan ko.

Di bale D, huhupa din ito. Mejo nabigla lang ang mga tao. Ganito pala pag nasa
school ka? Hay. Sabi ni Eli habang nililinisan ang kamay niya.

AHHH Sumigaw na lang ako sa inis at galit ko.

Pagkatapos kong sumigaw, nakita ko ang mga taong mukhang natakot sa maaring gawin
ko.

Pumunta ako sa Discipline office. I reported, Jenny Zafra, Candice San Juan,
Lorenzo de Ocampo, at lahat ng kaibigan nila. I was harassed. May mga vandals pa sa
walls na sila ang gumawa.

Do you have evidence? Tanong ng officer.

I dont, but Eliana Jimenez is my witness. Sabi ko at tumingin kay Eliana.

Oo. totoo po yun. Sabi ni Eli ng walang pag-aalinlangan.

At dahil sa impluwensya ng mga Jimenez at sa magandang record ni Eli, papatawan ng


kaparusahan ang mga walang hiyang binanggit ko.

Umuwi si Eli para magbihis. Ako naman, uuwi na sana pero narealize kong kailangan
kong sabihin lahat ng nangyari kay Bench. Sabi niay iti-text niya ako pag nasa
office na siya, walang ni isang text ang dumating at di rin siya sumasagot sa mga
tawag ko.

Mr. Jimenez is in a meeting. Sabi nung secretary.

Mr. Jimenez? Which one, si tito o si Bench?

Si Sir Bench po, Miss Gozon. Aniya halos di makatingin sa mga mata ko.

Whatever meeting is that, I know hell let me in. Will you tell him na naghihintay
ako sa kanya ngayon? See this? Sabay pakita ko sa kulay orange kong damit.

Sorry po talaga, Miss Denise, bilin niya po sakin... kahit sino, di pwedeng
pumasok. Kahit ako.

Sa sobrang inis ko that day, hindi ko sinunod ang secretary.

Pinigilan niya pa ako pagkarating ko sa pintuan.

Sorry po talaga, di pwede.

Pero huli na ang lahat. Nabuksan ko ang pinto sa office niya.

THERE IS NO MEETING He is talking with a girl in a black dress. THEY WERE LAUGHING
UNTIL HE SAW ME

Nawala yung tawa niya. Nanlaki ang mata ko lalo na nung lumingon ang babaeng naka
kulay itim sakin.

Tumangkad at lalong gumanda pero kilalang-kilala ko siya. Halos di ako makahinga.


Gumuho ang mundo ko nang nagtagpo ang aming mga mata.
Muse.

***************

*** Stage 60. *** (1 page)

Stage 60.

No...Denise...No

I felt so stupid THEY WERE LAUGHING At sa araw pa pagkatapos ko siyang sagutin?


Really?

Hindi namna mukhang ngayon lang silang nagkita. Actually, mukha pang matagal na
noong nagkita silang muli. THEY LOOK LIKE GOOD FRIENDS Well, siguro dahil malayo si
Muse kay Bench. Pagitan nila yung couch at table ni Bench. But I can only imagine
what theyd do if they are inside Benchs condo.

UGH

Umalis ako

Sinundan ako ni Bench pero yung naabutan niya na lang ay ang pag sarado ng
elevator.

Denise Wait

Tapos sarado na.

I know hell take the other elevator.

Nang nasa baba na ako. Nagmadali akong lumabas ng building nila para makahanap ng
taxi. Worst Kahit tong orange juice na nasa damit ko ay wala sa katiting sa ginawa
ni Bench.

I get it now, Bench Everything is just for revenge, right? Buhol-buhol ang pag-
iisip ko. Ang dami kong tanong at gusto kong kumalma pero ayaw ng sistema ko.

AFTER EVERYTHING? Na-bully ako sa school, sinaktan si Lance, nagyabang na ako ang
mahal niya, pero ngayon... parang gumuho ang mundo ko. DI NAMAN PALA TOTOO Kapal ng
mukha ko dun ah? Mas lalo tuloy akong walang mukhang maihaharap kina Candice. Im
sure pagtatawanan nila ako. Pero di bale, haharapin ko sila. Sila din naman ah?
Niloko din ni Bench NOW IM EFFIN PART OF THAT SAMAHAN NG MGA NASAKTAN NI BENCH

May kakaibang kurot akong naramdaman nang bumungad ang mukha niya sakin. Hirap at
hinihingal. Ginamit niya ang stairs.

Denise. Hingal niya.

Tinalikuran ko siya at halos tumakbo at pumara na ng taxi.

Hinila niya ang braso ko.

W-Wait Sabi niya.


He looked disappointed, displeased, whatever

I dont care Kung mukha siyang nasaktan o nabigo, hindi ibig sabihin nun na dahil
mawawala na ako sa kanya Kasi siguro, kaya siya nasasaktan o nabibigo ngayon ay
dahil alam niyang mawawala na ako bago pa niya ako mas lalong masaktan.

Denise, I- Hinihingal parin siya.

Nasa 16th floor yung office niya at di ko alam kung paano niya ginawang gamitin
ang hagdanan papuntang first floor.

Shut up, Bench

Denise-

Hinarap ko siya.

My tears were almost out Gusto kong maramdaman ulit yung noon Maramdamang wala
akong pakiramdam sa kanya. Yung di ko siya ganito kamahal, pero wala eh, hindi ko
na maalala kung paano yung dati. Di ko na maalala kung paano yung pakiramdam na di
ko siya mahal.

One question, Bench. Sabi ko at kinurap ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Hiningal parin siya. Niluwangan niya ang kanyang tie at mukhang handa siyang
sagutin ang tanong ko. Pumarada yung taxi at naghihintay na sa pag-alis ko.

Kailan kayo unang nagkita ni Muse mula noon? Tanong kong seryoso.

Im trying not to break my voice and burst into tears.

Pumikit siya. His guilty face now showing. Tumingin siya sa lupa nang dumilat.
Struggling to say the words.

Third year... high school. Aniya.

GOODNESS 4 years? Apat na taon niyang tinago sakin? At ako, kahit ano wala akong
tinago sa kanya bukod sa pagtingin ko tapos siya may lihim pala sakin mula pa noon.
Hanggang nagkami di niya sinabi sakin. That alone can prove me so many things.

Kinuha ko ang engagement ring sa daliri ko...

No... Denise... No... Umiling siya ng dahan dahan.

Tinapon ko ang engagement ring na binigay niya at pumasok sa taxi.

THATS WHAT YOU GET, BENCH I HATE HIM RIGHT NOW

I dont want to see you again. Sabi ko sa kanya bago umalis ang taxi.

***************

*** Stage 61. *** (3 pages)

Stage 61.
Id give her my loyalty

Umiyak ako sa loob ng taxi. Lalo na nung nakita kong di niya ako sinundan.
Hinintay niya lang na mawala sa paningin niya ang taxi.

Gosh Im stupid Sabi na nga ba diba? Yun yung matagal ko ng iniisip eh. Paanong sa
apat na taon nagawa niyang itago sa akin ang IMPORTANTENG bagay na yun? Importante,
dahil buong buhay ko nabubuhay ako sa kaba na baka maghiganti siya sakin dahil kay
Muse.

Nagkulong ako sa kwarto. I tried to hold back my tears cuz I dont want my parents
to notice. Baka tanungin pa nila ako kung bakit namumugto ang mga mata ko at wala
akong maisagot.

Naka-off ang phone ko at nakahiga lang ako sa kama. Di ko alam anong oras na. Di
rin ako bababa para kumain. Maghihintay lang akong mag-umaga. Buti at Sabado na
bukas. Pagkatapos nito, magsisimula na akong mag-aral para sa finals. Straight As
this sem Kaya ko to Next sem, 4th year college na ako. Pagkatapos kong gumraduate,
maglu-lawschool ako tulad ni Mommy at Daddy. Malay ko may mas mamahalin pa ako dun
kay Bench diba?

Denise? Denise? Sabay katok ni manang.

Pinunasan ko ang konting luha sa pisngi ko.

Manang, tapos na po akong kumain. Inaantok ako. Matutulog na. Sabi ko at pinikit
ang mga mata.

Huh? Sabi ng mama mo bumaba ka na raw Diba may usapan kayo ni Sir Bench?

Dumilat ako. What BENCH?

Kinatok ulit ako ni manang.

Wala naman manang ah. Wala akong naaalala? Sabi ko pero ayan na at nag-uunahan na
naman ang bawat pintig ng puso ko.

Kinakabahan ako. Oo nga pala Sabi ni Bench, kukunin niya ako from school para
makipag-usap kay Mommy at Daddy.

Aysus tong batang to Tawagin ko ang mama mo ngayon-

Manang Wag na po Sabay talon at punta ko sa saradong bintana. Lalabas na ako. Wait
lang.

O sige, hinihintay ka na sa hapag. Bilisan mo na. Umalis si Manang.

Dumungaw ako at nakita ang Benz ni Bench. Oh God Its freakin real?

Pumunta ako ng banyo para mag ayos. I need to look pretty Sinuklay ko ang kulot na
dulo ng buhok ko. Inayos ko din ang perfect kong kilay. Perfect talaga ang tawag ko
kasi ito yung gusto kong parte sa mukha ko. Tulad kasi nung kay Audrey Hepburn.
Linagyan ko ng lipbalm ang lips ko. Yun lang. Wag na ang lipgloss, baka akala ni
Bench nag effort ako sa pagdating niya. Tapos umalis na.

Pagkahawak ko ng doorknob para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaba.

O, bat natagalan ka, Denise? Pambungad na sabi ni Dad pagkarating ko sa table.


Nandun na si Bench Sitting BESIDE my chair. Gosh gosh gosh Di ko siya tinignan.
Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Daddy ang totoo?

Nakatulog po kasi ako. Sabi ko at umupo sa upuan para kumain.

Halos di ako makakain dahil nandiyan siya, nakatitig sakin. Bat mo ba ako
tinititigan, Bench? Kainis Bat ka nandito? Si Muse na lang kaya ang lokohin mo
Kainis Gusto kong baliin tong kutsarang hinahawakan ko sa inis eh.

You okay? Nagsalita

Dad... saan ba magandang mag Law?Sabi ko binalewala ang tanong ni Bench.

Si Mommy lang ang nakapansin. Hindi namalayan ni dad.

Hmm lets see. UP or Ateneo, I guess? Tanong niya.

I want to be a lawyer.

Do you, now? Ngumisi si daddy. Kala ko ba magpapakasal muna kayo ni Bench?

Halos mailuwa ko yung tubig. Umiinom kasi ako habang sinasabi yun ni dad.

Hindi ba, Bench? Sabi ni dad at tumingin kay Bench. Kahapon sa ball niyo, sinagot
mo na siya, Denise? Is it true?

Actually, dad- Bago ko masabi yung totoo...

Opo. Finally, sinagot niya na ako tito. Tapos hinawakan niya ang kamay ko.

GRRRRR Sinulyapan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Parang gusto kong kalasin yung
kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ayoko namang makita ni Daddy at mommy na nag-
aaway kami. Pero totoong ayoko na. Dahil sa bilis ng pintig ng puso ko
nakakalimutan ko na kung dahil ba to sa galit ko o dahil kinikilig ako at mahal ko
parin siya.

Di pala madaling magkunwaring di mo siya mahal. Mahirap palang kalimutan yung


feelings mo agad.

Tumawa si dad.

Hindi ko talaga akalain na magiging kayo. Sabay tingin saming dalawa ni Bench.
Diba noon, away kayo ng away? Para kayong aso at pusa. Bench... are you really for
real? Mahal moi ba talaga si Denise?

Napalunok naman ako sa tanong ni Daddy OMG Nakakahiya.

Si mommy naman, tinitignan si Bench... tapos ako... parang nawe-weirduhan.

Opo. Mahal ko si Denise. In fact, Im here to ask you if we can get married soon.

Si daddy naman ngayon ang nabilaukan.

Ehe-ehem. Hinaplos ni mommy ang likod ni dad.

Okay ka lang, dad?

O-Okay... You know, Bench. Kilala kita simula pa nung mga bata kayo ni Denise. At
alam ko kung ano ang pinaggagawa mo nung teenager kayo. Pero alam kong ngayong
hinihingi mo siya sakin ay seryoso ka na.

-Opo-

I just hope that this time its for real, Bench. Kung may lalaking mang gusto ko
para sa anak ko, ikaw na yun. Kaya wag mo siyang saktan. Dont break my trust.

Jusko Kakahiya si Dad Ang daming pinagsasabi

Kring-Kring

May tumunog na cellphone kaya naputol yung mga sinabi ni dad.

I think thats mine. Sabi ni mommy.

Hindi umaalis ng table si mommy kung di urgent pero ngayon ay umalis siya at
sinagot.

Opo, seryoso po ako. Dont worry tito. Hinawakan ni Bench ng mas mahigpit ang kamay
ko. Iwouldnt go this far if I werent. Id give her everything she wants. Id give her
my loyalty and my heart... forever.

Pinandilatan ko siya. Si dad naman tinitigan siyang mabuti. Pasalamat siyat di


ganun kabilis mawala ang pag-aalala ko sa kanya kaya di ko siya kayang ilaglag kay
daddy. Not now, probably. But real soon... Ayaw ko namang maabala pa ako sa pag-
iisip kung saan ako magsisimula sa pag-eexplain tungkol kay Muse kaya hinayaan ko
siya.

Dad- Sabi ni mommy. May emergency sa firm. I need to go.

Now? Sabi ni daddy habang umiinom ng tubig.

Yes. Pero di naman ganun ka lala.

Ill go with you. Tapos tumayo si dad.

Wag na. Stay here with them. Sabi ni mommy.

No... No... Kaya na nila dito. lets go.

Bench, Denise, okay lang ba sa inyo?

NOOO

Dad Stay-

Di... Okay lang po Mag-ingat kayo Sabi ni Bench.

Sure Bench, well be back soon. May pagkain diyan sa ref in case gusto niyo ng
snack. Nandyan din si manang. Sabi ni mommy at nagmadaling umalis.

GREAT Ngayon, kaming dalawa na lang God Magkukulong na lang ako sa kwarto.

***************
*** Stage 62. *** (2 pages)

Stage 62.

one more chance.

Sinundan ako ni Bench sa sala nang nakaalis na si mommy at daddy. Si manang, ayun
at nagliligpit sa kusina.

Denise, listen to me...

Bench, baka akala mo okay na tayo at kakausapin na kita? Pinagbigyan lang kita
dahil ayokong masira ka sa mommy at daddy ko ng di nila nalalaman kung ano ang
tunay na nangyari-

Denise, si Muse-

Shut up, Bench, I dont want to hear it Sabi ko at binuksan ang TV.

Naka full ang volume at kitang-kita ko sa peripheral vision ko na naiinis na siya.


Yan ang bagay sayo Tseh

Umupo ako sa sofa. Umupo siya sa tabi ko, tahimik at mukhang galit sa ginawa ko.

Ang mokong, inagaw ba naman ang remote sa akin tapos pinatay ang TV

Denise, hear me... Hindi ko intensyong manakit sayo... Habang sinasabi niya ito ay
umalis na ako sa sofa at pupunta ng hagdanan para makapasok na sa kwarto at lubayan
na ng demonyong ito.

Sinundan niya parin ako. Pinipigilan niya sa bawat salitang sinasabi niya.
Hinahawakan niya paminsan-minsan ang nagpupumiglas kong kamay.

Alam kong lalong lalayo ang loob mo sakin kung malaman mong nahanap ko siya. True,
I wanted revenge cuz Im mad at you. Pero nung nakita ko na ulit siya...

Sinundan parin ako sa hagdanan. Umakyat din ang kurimaw

I realized that I dont feel the same anymore. Hinanap ko siya at akala ko
masisiyahan ako kung mangyari yun pero I was wrong. I cared more for you than my
revenge... than her-

OH SHUT UP, BENCH Ngayon hinarap ko siya.

Isang metro na lang kwarto ko na. Pagkaharap ko sa kanya... nakita ko ang galit at
bigong mukha niya. Ginulo niya ang buhok niya sa inis at tinulak ako sa dingding
malapit sa kwarto ko.

Make me... Sabay lagay ng mga kamay niya sa magkabilang panig ng wall.

Ngayon, nakasandal na ako. Helpless. Hes frustrated.

Im trapped in his arms and his face... so close.

You damn listen or Ill kiss you.

Nanghina ako at di ko namalayang sa sobrang gulat ko wala ng lumabas sa bibig ko.


I WANTED TO AVENGE OUR LOST LOVE, Denise. Hinanap ko siya. Ilang tao ang
pinaghanap ko sa kanya. When at last I found her, I realized that I care for you
more than I care for our love thats lost. In fact, right now, I dont even think it
was love. Kasi nung minahal na kita, ibang-iba na. Its way too intense that I cant
even get a hold of myself. I dont care if you dont feel the same with me basta ang
gusto ko sa akin ka lang. And I know its wrong...its selfish. But it doesnt matter
to me. Im Benjamin Jimenez, soon CEO of that freakin airline company and my moms
brewery and I need you to stay with me. I dont care what it takes. Kahapon, sinabi
mo sakin mahal mo rin ako... Tapos ngayon, with that stupid mistake, mawawala lahat
ng pinaghirapan ko, guess what, I wont let it happen. I wont let you leave me.

FCK IT God Bakit ganito? Parang sa litanyang sinabi niya nawala ang galit ko sa
kanya.

All I can see now is his eyes... lonely. And he said he needs me...

She was there that moment coz I told her what happened. Galing siyang Davao, doon
siya nakatira. HINDI KAMI NAGKIKITA ARAW-ARAW, I know thats what you think, we dont
communicate, but I know shes there. Shes cool with us, cool with me... Were cool.
Were friends. What happened ages ago... wala na yun. Hindi ko na siya mahal. In
fact, nung minahal na kita, I started to doubt if I ever did love her. Coz like
what I said, this ones different-

Pero bakit di mo sinabi sakin noon? Would you rather betray me? kung mahal mo ako,
sana sinabi mo ang lahat Kung gusto mo ang trust ko, sana hindi ka nag lihim

Now, Im crying. Cant believe Im really crying. I mean, kaya ko palang umiyak sa
harapan niya at ipakitang nasasaktan ako.

TRUST ME. Pinunasan ni Bench ang luha ko habang tumutulo ito.

Earn it, Bench. Sabi ko.

Bukas, magkita kayo ni Muse. Ipapaliwanag niya ang lahat sayo-

Oh no no no, Bench I wont do that Hindi ako magpapakita sa babaeng yun Sigaw ko.

Please, Denise

No No Over my dead body No At tinalikuran para magkulong sa kwarto.

Bago ako makapasok, hinila niya ang braso ko. Tatanggalin ko na sana pero nabigla
ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

Oh my god Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

BENJAMIN GODAMN JIMENEZ KNEELING IN FRONT OF ME. Youve got to be kidding me

Please, Denise. Let her prove it. Please... one... more... chance... for me
please.

Mas lalo akong umiyak at wala ng nagawa.

Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. If hes lying, Ive gotta
say Standing Ovation. I just hope hes not.

Okay Stand up now-

Nung tumayo siya, hinalikan niya ako. Deep kisses. Hinayaan ko siya.
I know how evil he can be. Paano kung si tulad noon kay Jenny... pinilit ko si
Bench na lokohin siya. Paano kung si Muse naman ang pumipilit sa kanya ngayon?
Gulong ng buhay nga naman. Ngayon ako na ang kawawa.

But I love this man... with all of me.

***************

*** Stage 63. *** (3 pages)

Stage 63.

You are going down

Ang pinakamahirap na karibal sa pag-ibig ay hindi yung mga malalanding nakapaligid


sa kanya. Kundi yung minahal niya ng sobra, bago ka. Ito lang ang laman ng isip ko
nang papunta ako sa isang restaurant kung saan kami magkikita ni Muse.

Ang sabi ni Bench, puntahan ko daw siya sa office niya pagkatapos naming magkita
ni Muse.

Nag-ayos talaga ako para sa araw na to. Naka dress akong pula at sinoot ko finally
yung isa sa maraming ibinigay na sapatos si Bench sakin. Inayos ko ang buhok ko
bago binuksan ng guard ang pintuan ng restaurant para sakin.

Nakita ko agad si Muse. Paano ba naman kasi, nakapula din ang ingratita. Pula din
ang kanyang lipstick at nakatali ang mahaba at straight niyang buhok.

Ang paghaharap. Bakit nakapula kaming dalawa? And most importantly, may pambili na
pala siya ng mga damit ngayon? Eh nagta-trabaho lang sila sa hacienda nina Eli noon
at mas pobre pa sa daga ah? And Bench said she lives in Davao... may pambili pa ng
plane ticket ah?

Hi, Denise. Tagal na nating di nagkita. Sabi niya at ngumisi.

Kinuha niya ang menu at naghanap ng maoorder.

Lets not prolong this, Muse. Tapusin na natin. Wala rin naman akong ganang kumain
dahil hindi ko gusto ang view. Sabi ko pagkaupo.

Baked Ziti at Milk Tea, please. Aniya.

Nakakasuka pati ang pinili niyang combinasyon ng pagkain. Umalis ang waiter
pagkatapos akong tanungin kung anong gusto ko. Di ako umorder. Ayokong kumain.

Pero ang di natatanggal sa isip ko ay kung meron na nga ba talaga siyang pera?

Kahapon naka itim na dress siya. Ngayon, pula. May pambili talaga?

Tanungin mo na ako. Sabi niya.

Just tell me everything. Sabi ko.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong. Ayaw ko ring malaman
niyang naiinsecure ako sa samahan nila ni Bench.

Gusto mo talagang malaman lahat? Tanong niya.

Isnt that why I came here? Well, sa totoo lang, di ko naman talaga gustong pumunta
dito. Bench begged me to see you. Kahit ayaw ko...

Sumimangot siya pagkasabi ko nun.

Alam mo, Denise? Di ka parin nagbabago. Aniya. Kung ano ka dati, ganun ka parin
ngayon. Kaya naman ayoko na... Umiling siya.

Mukha siyang nasasaktan at naguguluhan.

Ayokong si Bench ang manakit sayo... gusto ko... ako.

For a moment, I thought she was posessed by a demon. Nanlilisik ang mga mata niya
at mukhang galit na galit. Anong ibig niyang sabihin?

Pinahanap ako ni Bench kasi mahal niya parin ako. Alam kong alam mo yan. Nung
nahanap niya na ako, gusto niyang maghiganti sayo. Gusto niya akong ibalik sa
hacienda nina Eliana, pero di niya ginawa... Alam mo kung bakit? Kasi ayaw niyang
malaman mo na nahanap niya na ako dahil gusto niyang mainlove ka sa kanya para
saktan ka, tulad ng ginawa mo saming dalawa.

Tumaas ang kilay ko.

And guess what? Nagawa niya na He asked me to marry him a year ago nung akala niya
ay hopeless ka ng mainlove kasi ang gusto mo lang ay ang pagiging sikat. Kaya
tinanggihan ko siya at sinabi kong saka ko siya papakasalan kung napaikot ka na
niya. Kaya eto ngayon at sinusuyo ka niya. Kasi naman, sabik na siyang makasal
kaming dalawa.

Nanlaki ang mata ko at gusto kong tumawa. Shes a beginner. A beginner in lying.

Dumating ang order niya at di ko na talaga mapigilan ang tawa ko. Now she looks
pissed.

Im sorry... Sabay tawa ko.

In fact, buwan buwan akong pinapadalhan ni Bench ng mga damit at kung anu-ano pa.
Pati pera.

Wait a minute... thats not impossible there. Napawi ang tawa ko.

How can I be sure that youre telling the truth? Tanong ko.

Kung ayaw mong maniwala, edi wag. Ako parin naman ang mananalo eh. Papakasalan ko
siya. Kung maniniwala ka naman at iiwan mo siya, okay parin, sasabihin ko na lang
kay Bench na di bale na, magpapakasal parin kami.

Kumain siya nung inorder niya.

Tumatawa kami nung nadatnan mo kami sa office niya dahil naaawa kami sa iyo.
Pinapaikot ka lang namin, Denise. Ngayon, ikaw na ang bahalang mag desisyon.
Tanungin mo si Bench, sigurado akong idedeny niya ang mga sinasabi ko kasi akala
niya, pag di ka niya napaniwala, di na ako magpapakasal sa kanya. HAHA

Habang kumakain siya naiinis naman ako sa kinauupuan ko Nakatingin siya sakin
habang sarap na sarap siya sa kinakain niya. Mukhang ngayon lang siya nakakain
niyan.

Nakakaawa ka. Anong gagawin mo ngayon? Kung sana hinayaan mo kami ni Bench noon,
di ka sana nasasaktan ngayon. Pakealamera ka kasi. Ngumisi ulit.

Im 80 sure shes lying. Pero naiinis ako kay Bench. Bakit niya pa ako pinapunta
dito? At bakit siya nakikipagkaibigan pa sa Muse na to ngayong ganito naman pala
kasahol ang ugali. Alam kong masama rin akong tao, maraming kapintasan, pero...
Lets just say this is my karma. Kasi noon, nagawa ko silang traydorin, ngayon ako
naman ang ta-traydorin niya o nila. But I did that to save Bench. We were too young
and he cant be inlove with this kind of girl. Kahit na mabait naman talaga siya
noon. Whatever happened in the past 6 years na humubog sa kanya sa pagkatao niya
ngayon, hindi ko na alam. Most probably, she got bitter cuz of what I did to them.

Ganun parin ang ginagawa niya: kumakain habang tumitingin sakin. Uminom siya ng
milk tea. At nakita kong mejo napailing siya pagkatapos niyang uminom ng tea. Shes
not used to these things, I knew it

Thanks for the info, Muse. Sabi ko at ngumisi.

Nabigla siya sa ekspresyon ko.

Now you can marry, Bench.

Ngumisi siya. Akala niya naman nagpatalo na ako.

You see... If karmas a b1tch. Im b1tchier. Sabay kuha at tapon ng milk tea sa ulo
niya.

Napatingin yung mga tao. Dun ko namalayang nandun pala yung iilan sa kaibigan ni
Candice at napicturan na ang mga ginawa ko. I walked away. Di siya makagalaw for
some seconds. Pero nung nakagalaw na siya, tumakbo siya sakin at hinila ang buhok
ko.

NAPAKAWALANG HIYA MO ARGH Sigaw niya.

Sinampal-sampal ko habang ginugulo niya ang buhok ko.

Inawat siya ng waiter. Inayos ko ang sarili ko. Siya naman, sobrang gulo at basa
ng buhok at damit niya.

Tinuro-turo niya ako

Humanda ka Hindi kayo magkakatuluyan ni Bench Akala mo siguro?

OO NA NGA SABI Ano bang problema mo? Sinabi mo na sakin na kayo ang magpapakasal
diba? Edi hindi na kami magkakatuluyan I dont effin care, b1tch. But I tell you, sa
oras na malaman kong di totoo ang sinasabi mo, hindi lang 500 pesos ang isusuhol ko
sa taong magpapabalik sayo sa putik Buti pa ngayon pa lang, magbalot-balot ka na at
umuwi sa inyo, magtanim ng kamote at magpakasaya na lang. Baka pagsisihan mo at
binangga mo ako.

Iniwan ko siya na kinakabahan at di maitsura. Puno ng milktea ang katawan at


nabigla. Sabi na nga ba Shes a liar I cant believe Bench trusted her dumiretso ako
kay Bench. Wala ng nasa isip ko kundi...

Malalagot ka sakin, Bench. Alam kong di totoo yung mga sinabi ni Muse. Well at
least I can say, 80 sure ako na di totoo. But the thought that youre friends with
her? You are going down too.

***************

*** Stage 64. *** (3 pages)

Stage 64.

Mahal na mahal

Kriiing...Kring...

Hello? Si Eliana.

Hello

Pumasok ako sa taxi...

Jimenez Group Building, manong. Sabi ko.

Anong nangyayari sayo? May nangyari ba sa inyo ni Bench? Tanong niya.

Oo. Iniwan ko siya. Tinapon ko yung engagement ring. Sabi ko.

HUH? Halos lumabas yung bibig niya sa cellphone ko. BAKIT?

Nahuli ko sila ni Muse sa office niya.

MUSE? Sinong Muse? MUSE? Yung Muse?

Ano bah, Eli Stop chanting her name

T-Teka. Muse? Si Muse nga?

Oo Sino pa ba

Tapos? Wait... Where are you? Pupuntahan kita.

Wag na. I can handle, Bench. Kung gusto mo, sa bahay ka na lang maghintay.

Tapos binaba ko.

Eliana doesnt know anything about Muse. Malamang Kasi kung sinabi ni Bench yun,
malamang alam ko na noon na nahanap na ni Bench si Muse.

Pagkarating ko sa harap ng building nila, nagbayad ako sa driver at dumiretso ako


sa elevator. May kasama pa akong mukhang stock holder nila na papunta din sa 16th
floor.

Denise Gozon? Tanong niya, kanina pa tingin nang tingin sakin.

Ngumiti ako. Usual, plastic smile. Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman.

Cant believe Im shaking hands to the future wife of the future CEO.Tumawa siya. Im
Mr. Lim.
Nice meeting you too, Mr. Lim. Im just visiting myfuturehusband. Ngumisi ako.

Halos matawa ako sa sinabi ko...

Thats if he can persuade me right now.

Ngayon, napawi ang ngiti ni Mr. Lim at nagmukhang confused.

TING

Iniwan ko si Mr. Lim at dumiretso sa pintuan ng office ni Bench. May humarang


sakin, yung secretary na halos lumuhod na para di ako makapasok. Inayos ko ang bag
kong nakasabit lang sa braso ko...

Ms. Denise-Ms. Denise... Si Mr. Jimenez po ba? Tanong niya.

Mukha silang badtrip lahat sa opisinang ito. Yung iba nga parang ang samang
makatingin sakin. Ano bang nagawa ko at ganito sila?

Oo. Bakit? Haharangin mo na naman ako? Sino bang kasama niya? Sabi ko.

Yumuko siya sa takot.

Wala po... A-Ano... tuloy po kayo. Sana magkaayos na kayo ni Sir. Tapos binuksan
niya ang pintuan.

Pumasok ako agad at nakita ko si Bench na nakasandal lang sa upuan niya at


pinaglalaruan ang ballpen ng nakatulala. Nang nakita ako, agad tumalon at tumayo.

Denise, kamust- Nakangiti pa siya.

I DONT GET IT Sa sigaw ko pakiramdam ko narinig ng mga tao sa labas. I dont get why
are you even friends with that b1tch, Bench

Denise... Bakit? Anong sinabi niya? Anong nangyari-

Lumapit siya sakin.

Dont come near me

Baka halikan ako nito at maging pusong mamon na naman ako. Alam ko na hindi naman
siguro talaga nagsisinungaling si Bench. Pero sa ngayon, gusto kong sabihin at
ilabas ang galit at inis ko sa kanya. These past few days hes seen the worst ever
Denise and I cant believe hes still here. Kung pagkatapos ng away namin ngayon ay
nandyan parin siya, magpapakasal na talaga ako sa kanya, kahit saang simbahan at
kahit kailan.

Natigilan siya. Dalawang metro ang layo namin sa isat-isa.

Sinabi nung babae mo-

Stop it Di ko siya babae-

whatever Sinabi niya sakin na laro lang to lahat Sabi niya, pagnapaikot at naloko
mo ako, papakasalan ka na niya Oh? Happy now? Napaikot at naloko mo na ako Nasaktan
mo na ako Pakasal na kayo

Ayan na naman ang nagbabantang luha ko.


Shh Thats not true, Denise. Thats not true-

Sabi niya, kahit di mo na raw ako mapasagot, basta nasaktan ako, okay na sa kanya
yun. Pwede na kayong magpakasal Kung totoo yung sinabi niya, Bench, itigil mo na
to...

Denise I am not fooling you Never Ano bang sinabi- ganun ang sinabi niya sayo-
paanong?

YES, BENCH Youre friends with your Muse. And shes like that... I assume you are,
too

Denise Linagay niya ang palad niya sa noo niya. Denise, hindi ko alam. She told me
shes cool. Okay na kami. Kaya naman akala ko okay na talaga.

And youre giving her money? I dont care about your money, Bench. Pero she told me,
as evidence, na binibigyan mo siya ng pera para matustusan ang ano mang luho niya-

NO Denise, No Binigyan ko siya ng pera, oo Pero ngayon lang Kasi ako ang
nagpapunta sa kanya dito galing Davao Gusto kong magkita kayo para may closure tayo
sa kanya

And wheres she staying, Bench? Sa condo mo?

NO I paid for her stay in sa Shangri-La I gave her pocket money just for this week
dahil plano ko talagang ipagharap kayo later this week para masabi niya ang totoo-

SO YUN ANG TOTOO, yung sinabi niya?

Hindi... Hindi ko alam na ganun siya... Nag-isip siya at mukhang nahihirapan.

Tinalikuran ko siya at aalis na sana. Ayan na naman siya at hinihila ang braso ko.

Dont leave me, please. Hindi ko alam na ganun...

Now you know, Bench Di bale, kung iiwan kita, may Muse ka pa naman. O diba?
Pinagbayaran ko na ang kasalanan ko noon. Wala na akong utang sayo

Hinila niya ako at yinakap galing sa likuran.

Now hes crying like a little kid. Ayan na nga ba sabi ko. Pusong mamon na naman
tayo nito kasi umiiyak na naman si The Great Evil Playboy Benjamin Jimenez

Dont leave me, please. Ill give you everything... Aniya.

Sana hinayaan mo na lang si Muse. Shes bitter and its my fault. Pero sa tuwing
naiisip ko yung kasinungalingan niya tapos dagdagan pa ng magkaibigan kayo,
tumatawa sa loob ng office at naglihim ka pa... it screwed everything up, Bench.
Galit ako.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin... putting his face, burying it, on my
neck.

Mahal kita. Mahal na mahal. Sabi niya.

I can feel his tears on my neck.

I dont think I can say it back right now, Bench. Im too mad I want to go home, at
wag mo akong sundan. Kinalas ko ang pagkakayakap niya.

Nasaktan ako sa ginawa ko. Makaalis na nga bago pa ako umiyak ng husto

Im not fcking giving up, Denise. PUT THAT IN YOUR MIND, ALWAYS Sigaw niya nung
palabas na ako sa office niya.

Sa sigaw niya halos napatalon ang mga nakarinig na nagtatrabaho at isa-isang


tumahimik at mas naging seryoso pa sa pagtatrabaho.

***************

*** Stage 65. *** (3 pages)

Stage 65.

Mahal kita.

Im not just some stranger, Bench. Im your friend. We grew up together. Kaya di ko
maintindihan kung bakit niya nakayang maglihim sakin.

Papalabas na ako sa building nila at pumara agad ng taxi. Pero bago pa makaparada
sa harapan ko ang taxi, may SUV ng nakarating.

Ms. Denise, ihahatid na kita. Sabi ni Kuya Joe nang lumabas at binuksan ang
pintuan sa likuran.

Hindi Kuya, mag tataxi na ako.

Sige na.

Hindi na talaga. Sabi ko.

Papagalitan ako ni Bench pag di kita ihahatid. Kanina, halos magwala at tanggalin
niya sa trabaho ang mga tao sa opisina. Baka pag di ko siya masunod ngayon, ako
naman yung pagbubuntunan niya. Sige na.

Alam kong impossibleng pagbuntunan ni Bench si Kuya Joe dahil matagal na siyang
driver nito at mukhang pamilya na rin ang turing ni Bench sa kanya. Sinunod ko
parin siya dahil naaawa ako sa pinagsasabi ni Kuya Joe.

Tahimik sa loob ng sasakyan. Mabilis ang takbo kahit di kasing bilis pag si Bench
ang driver.

Galit na galit siya kaninang umaga. Sabi ni Kuya Joe habang sumusulyap sakin sa
salamin. Halos itapon niya yung lahat ng mga papel at pagalitan lahat ng
nagkakamali. Nagtaka ang mga tao kaya sinabi ko na lang sa kanila na ganyan talaga
si Bench at nagkakaganyan lang siya pag galit yung boss niya. Ngumisi siya.

Hindi ko na rin kayang di ngumisi sa sinabi ni Kuya Joe. Boss ni Bench? Haha

Sige, Kuya Joe. Dito na po ako. Sabi ko pagkalabas ko sa SUV.

Nasa tapat na kami ng bahay.


Salamat. Dagdag ko.

Walang anuman. Sabi sayo eh, kayo nga ang magkakatuluyan ni Bench.

Umiling ako ng nakangiti, Yun ay kung kaya niya pa akong balikan pagkatapos ko
siyang saktan.

Noon mo pa siya nasasaktan tapos ngayon pa siya susuko? Imposible. Ngumisi siya.

Umalis na ako at mukhang maayos-ayos na ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni


Kuya Joe. Sana nga... Sarap ngang balikan si Bench para makipag-ayos na eh. Hindi
na ako galit dulot ng byahe.

OMG Denise Biglang-bigla pa si Eli pagkapasok ko sa kwarto.

Andun siya at nakahiga na sa kama, naghihintay sakin.

Ikaw pa ang nabigla huh? Sabay tawa ko.

O-Okay na kayo? Tanong niya at tumayo.

Hindi. Bahala siya sa buhay niya. Kung mahal niya ako, edi magiging kami. Gusto ko
lang magpahinga ngayon. Sabi ko.

Asusss Sabay tawa. Hindi naman ako nag-aalala kung anong gawin mo kay Bench.
Awayin mo yun at lahat na kasi alam kong mahal na mahal ka nun. Honestly, D, Ive
never seen him this way before. At minsanan lang ang mga lalaking tulad niya, kahit
alam kong playboy siya noon, pero kitang-kita mo naman na malaki ang pinagbago
niya.

Kung makapagsalita parang matagal ka ng exposed sa mga bagay na to. Sabi ko.

Talagang marami siyang natutunan sa first love niyang si Yuan ah?

Syempre naman. Tumawa siya at kinuha ang cellphone. Hello? Kuya Joe... Nasa labas
ka pa? Okay... Okay... Ngayon. Bye. Tapos binaba. Alis na ako. I know what happened
in the office, D. Everyones working hard in that building, and they should cuz
their bosss boss is freakin mad right now and youre their bosss boss. Tumawa siya
at mukhang nalito sa sinabi niya. Anyway, hayaan mo na lang si Muse. Ang isipin mo
ngayon ay paano na ako. All of my cousins are engaged, Brent, Ara, Bench, and my
bestfriend is engaged, ang mga kapatid ko na lang at ako ang hindi. Pero syempre,
di sila pwede kasi ang babata pa nila. AKO NA LANG ANG NAIWAN

What? Ako, hindi ako engaged Sabi ko.

Lumapit siya sa pintuan para umalis. Bago siya umalis, sinagot niya ako ng...

You will again be, soon. At kumindat tapos umalis.

Umiling ako sa kawalan at nagpasyang dito na lang ako sa bahay, kumain, matulog,
kumain at magstudy para sa upcoming finals.

Pero nang nag alas diyes na ng gabi, narealize kong dahil kanina pa ako natutulog,
hindi ako makakatulog ngayon. May isang message si Bench sa cellphone kong di ko
nireplyan.

Bench:

Denise, Ill wait for you when youre ready. Tomorrow?


Di ka naman masyadong demanding? Wait for you when youre ready daw ah may
suggestion pa palang tomorrow? Napangiti ako.

Ive never felt this secured in my whole life. Kahit di kami okay ni Bench ngayon,
secured parin ako kasi nakita ko nang di niya ako iiwan kahit anong gawing
pananakit ko sa kanya. Panahon na siguro para sumugal at bumigay na sa paghila niya
sakin.

Well fall together.

Tapos biglang nag ring ang cellphone ko...

Bench... calling

Hindi ko sinagot hanggang sa nawala na. Tapos nag ring ulit. Sinagot ko nung
malapit ng matapos.

What?

Hindi siya sumagot. Instead, narinig ko ang ingay sa background. Napatayo ako sa
kinauupuan ko tapos niligpit ko yung mga books na binasa ko.

Denise.

Ano? Pinilit kong tumunog na parang galit at naaabala.

Mahal kita.

Hes trying to make me say it back.

Tahimik lang ako.

Nandito ako sa Core, just few shots. Okay? Ngayon naman humihingi ng permiso o
para malaman ko lang at di ko na siya masabihang naglilihim.

Okay, I hope you en-

Im not enjoying this, DeniseNgayon, siya naman ang galit.

Narinig ko ang pag-inom niya ng isa pang shot. I think hes drunk.

Ill wait for you tomorrow. Tapos binaba niya.

Agad akong nagtungo sa closet ko para mamili ng damit. Pupunta ako sa Core at
kukunin siya dun. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang numero ni Kuya Joe.

Hello, Kuya Joe?

Napatawag ka? Tanong niya at mukhang napatalon galing sa pag-idlip.

Sorry kung naistorbo kita pero kasama mo ba si Bench? Tanong ko.

Hindi eh. Pumunta siya mag-isa sa Core dala niya yung sasakyan niya-

Okay, Kuya Joe, stand by ka lang ah kasi baka kailanganin kita.

Tapos binaba ko para makapagbihis.


He cant drive. Hes drunk. I hope Im not late

***************

*** Stage 66. *** (2 pages)

Stage 66.

what happened?

Pagkatapos kong sootin ang kabibili lang ni mommy na itim na dress at nagsoot ng
deadly black pumps, agad akong nakarating sa Core. As usual, maraming tao. Bago ako
nakapasok, nakita ko si Brent, yung pinsan ni Bench, papalabas.

I was about to call you and... there you are Tumawa siya.

Bakit? Nasan si Bench?

Nandun sa loob.

Ginulo ni Brent ang buhok niya. Halos magkamukha sila ni Bench. Soft ang feature
ng mukha ni Brent at si Bench naman lutang na lutang ang pagiging evil. PAreho
silang matangos ang ilong at halatang may dugong espanyol. Magkasingtangkad at
magkasing gwapong ngumiti. Pero ang ngiti ni Bench, may dalang dimples.

Sabi ko sa kanya umalis na kami. Sinamahan ko lang eh. Kailangan kong umalis din
agad dahil pupunta pa ako sa bahay ng girlfriend ko.

Tumaas ang kilay ko. Ganun ka inlove ang isa pang playboy na to?

Tatawagan na sana kita para magkaayos na kayo. Man, hes too broken. Umiling siya.
Tama na yan I know you care for him. Sabi ko.

Yes, thats why Im here.

Nag evil-smirk siya. I gave him a what-are-you-smirking-at look.

Im not sure if thats sarcasm, though. alam mo kasi, Denise... Lumapit siya at
halos ibulong ang mga nalalaman niya.

Kanina may nakita akong babaeng tingin nang tinging kay Brent, kapal muks di na
nahiya sa balat, pero sige na nga... Kawawa naman kasi hanggang tingin lang. Pero
sana naman wag masyadong obvious na parang tumutulo na ang laway.

He tried, you know, tried to get rid of his feelings for you nung pumunta kami ng
Hawaii. Pero walang nangyari. Bukang-bibig ka niya. Nagkibit balikat siya. Its do
or die for him. Sink or swim...though he did not expect to be sunk.

He sunk cuz of the secrets he kept. Its all his fault. Sabi ko.

So you came here to tell him that? You better not... coz I tell you, hes really
broken right now and I cant do anything about it. Ikaw lang ang paraan. Ikaw ang
sagot. So dont tell me that you came here to-

No, Brent. Im fetching him right now. My love is greater than my pride.
FINALLY

Tapos na ring ang phone niya. Ipinakita niya ang tumatawag. It says Maxine A.
Cruz. Hes replacing his grilfriends surname with his. He is definitely crazy and in
love.

Got to go Bye Ingat kayo Dont let him drive, kay? Text kuya Joe.

Pumasok ako sa Core at nakipagbeso sa ilang kakilala ko. Amoy sigarilyo at tequila
na sa loob. Maraming sumasayaw at nagkakasiyahan. Nakita ko si Bench sa table na
napapalibutan ng couch. Mag-isa at nakasandal ang ulo sa sopa, nakapikit ang mga
mata. Habang papalapit ako, nakikita ko yung mga boteng nakalatag sa table.
Gilbeys, San Mig Light, Jack Daniels, at Bacardi. WHAT THE F? at sila lang ni Brent
ang umiinom kanina ah? Tapos di naman mukhang lasing si Brent kaya siguro ininom
nitong mokong lahat GOD

Tatawagan ko na sana si Kuya Joe nang bigla akong nagtago. I saw Muse Ginising
niya si Bench at umupo kasama niya sa sopa.

Im gonna eavesdrop, you know. Lumapit ako at nagtago sa isa pang sopa. And I kinda
look and feel ridiculous. Umupo na lang ako ng maayos, siguro di naman nila ako
makikita lalo na pag nakatalikod ako.

�Bench, anong nangyari?� Pambungad na tanong ni Muse kay Bench nang dumilat nang
dumilat si Bench.

�Denise?�

Gusto kong tumawa sa reaksyon ni Bench. Di umimik si Muse.

�Oh God, why are you here?� Dagdag ni Bench nang natauhan.

�Bench, Hindi ko maintindihan yung text mo sakin na umalis na ako at ayaw mo na


akong makita. Bakit? Wala naman akong ginawang masam-�

�MARAMI KANG GINAWA AND I�M BLAMING MYSELF FOR TRUSTING YOU� Halos sigaw na sabi
ni Bench. Halata na frustrated siya. �At ba�t ka nandito? Diba sabi ko sayo
pinuputol ko na ang ugnayan natin.�

�Bench, magkaibigan tayo. Wala akong-�

�You don�t even deserve to be called a friend. To me, you�re a stranger now. You
better go to the fcking airport and leave, Muse. I don�t need you here now,
tomorrow, or any other time. Ayoko ng may ugnayan tayo kahit cellphone number man
lang. I am disgusted with what you did It�s better if you don�t show your face to
me again�

�Ano bang nangyayari? Anong sinabi ni Denise sayo? Sinabi ko lang naman ang totoo
ah?�

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Muse.

�Anong totoo? Napapakasalan kita?�

Tahimik si Muse. Napabuntong-hininga si Bench.

�Hindi Yung totoo. Na mahal mo siya-�


�Don�t you dare tell me that Denise is lying cuz I know she�s not Ikaw ang
sinungaling Noon, akala ko na mali yung ginawa ni Denise sa atin, nanghimasok siya.
Pero ngayon, I can�t explain how thankful I am about it I couldn�t imagine life
with you. And I couldn�t imagine life without her. Kahit anong gawin mo, wala ka ng
magagawa. My godamn heart belongs to her. At kahit di niya to tanggapin, kanya
parin �to So you better back off now. I sent you an airticket that leaves tonight
pero di mo sinipot right? I�m gonna pay for the whole airplane just get out of my
sight�

Narinig ko ang paghikbi ni Muse pero mejo naistorbo ako sa sinabi ni Bench. Na
touch at parang gusto kong umiyak sa saya. This is what I�e been waiting for since
that day... ang sabihin niya na nakatulong sa kanya yung ginawa kong pagpapalayo
kay Muse.

This made me more secured.

�Bench, please Benc-�

Napalingon na talaga ako sa table nila at nakita kong hinahalikan ni Muse si


Bench. Si Bench naman panay ang tulak niya kay Muse papalayo.

Naweirduhan nga yung mga tao eh. Bago pa may maka video o may makapicture,
sumulpot na ako sa harapan nila at hinila ang little red dress ni Muse na soot niya
parin hanggang ngayon pagkatapos ko siyang sabuyan kanina ng milk tea. So
disgusting

Ngayon, nakahandusay siya sa sahig at biglang-bigla sa ginawa ko.

***************

*** Stage 67. *** (2 pages)

Stage 67.

Ill give you everything

Napatayo si Bench at lumiwanag ang mukha nang nakita ako. Tinignan ko lang siya...
sa galit ko kay Muse, di ko magawang ngumiti sa kay Bench.

Denise, Godamn it, thats not how it seems Sabi niya biglang naging defensive.

Kita mo Bench? Si Denise ang masama Sabi ni Muse habang tinuturo ako.

Cut that crap, Muse You will never have my sympathy or my heart Sabi ni Bench ng
mahinahon. Just go

Umiyak si Muse sa sinabi ni Bench. Tumitingin na ang mga tao samin at parang
nagiging eskandalo na.

Im sorry, Bench. Sorry... Sabi ni Muse.

Hinawakan ko ang kamay ni Bench. Ikinabigla ito ni Muse at pati na rin ni Bench.
Di siya makapaniwalang hawak-hawak ko ang kamay niya.

Lets go, Bench. Sabi ko.


Hiyang-hiya na ako sa bar na to. Ang tanging rason kung bakit di pa kami
pinapalabas dito ay dahil kilala si Bench ng lahat.

Alis na tayo. Dagdag ko.

Bakas parin sa mukha ni Bench ang pagka mangha. Hindi ko na tinagalan ang pagtitig
ko sa kay Bench dahil baka yakapin niya ako o halikan sa saya at ayaw ko namang
magkalat ang pictures namin sa social networking sites na ganun. Amoy na amoy ko na
rin ang alak sa bawat hininga niya. Baka hindi ito makapagpigil ngayon dahil sa
impluwensya ng alak.

I will never let you take Bench away from me, Muse. Put that in your mind, btch.
Kumuha ako ng 5 thousand pesos sa purse ko.

Take note: Five thousand Ilang damit din ang mabibili ko sa F21 niyan ah? Para
dapat yan sa monthly shopping pero isasakripisyo ko para sa scene na to. Actually,
may natira pa naman sa bahay na mas malaki-laking halaga pero ang iniisip ko yung
mga damit sa Forever 21 na di ko mabibili para sa ingratitang Muse na to.

Here. Pay for your own flight cuz I wont let Bench spend another peso for your
freakin flight back to your own bukid. Pag di mo to binili ng ticket, I swear to
God, di na kita bibigyan ulit ng pera. Mamumulubi ka dito sa Maynila at mamamatay
sa gutom. Papangit ka at pagpipiyestahan ng mga daga sa lansangan. And if I ever
see your face again, I will charge you harassment and make sure you rot in prison,
Muse. Youre no longer a minor, di ka na sasaluhin ng DSWD.

Kinuha ko ang iPhone ko at pinicturan ang P5000 pesos kung saan mukha niya ang
nasa background.

There. Some evidence. Hinarap ko ang camera ko sa kanya.

Ngumisi ako ng plastic at tinapon sa harapan ang pera.

Diba sabi mo di ako nagbabago? kung ano ako noon, ganoon parin ako ngayon. See?
Nagbago ako. I got better. Now be gone, Muse.

Napakawalang hiya mo Tapos umamba ulit na sasabunutan ako kung saan linapitan na
siya ng mga bouncer at pinalabas habang umiiyak at hiyang-hiya sa ginawang eksena.

Nang lumingon ako kay Bench, nandoon siya at bumalik sa pag-upo sa sopa. Kinabahan
ako at akala ko affected sa ginawa ko sa kay Muse. Yun naman pala, half-asleep na
ang mokong. Hes so drunk Very drunk

Hello? Tinawagan ko si Kuya Joe na nasa labas na pala. Kuya Joe. I need help. Si
Bench, tulog na yata. Sabi ko.

Nasa likuran ko si Bench at naka-upo sa sopa habang ako ay nakatayo at tinatawagan


si Kuya Joe. Naputol ko agad ang mga sinabi ko dahil hinila ni Bench ang baywang ko
papunta sa kanya.

Napaupo tuloy ako at nabitawan ang phone sa bigla.

BENCH

God, this drunk man

Ngayon ay inaamoy at hinahalikan na yata ang buhok ko.


Bench Sabi ko at kinalas ang nakapulupot niyang kamay.

I love you. Sabi niya. So much.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya para idilat ang mga mata at
ayusin ang buhok kong mejo na disarrange. Nilagay niya ang mga nagulong buhok sa
tenga ko.

God Ill give you everything. Aniya.

Umiling ako.

Youre drunk. Sabi ko.

Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi.

I wish I was even drunker so I can tell you how exactly intense I feel about you.

Yinakap niya ako at pinikit ang mga mata. Ilang sandali ang nakalipas ay dumating
si Kuya Joe.

***************

*** Stage 68. *** (2 pages)

Stage 68.

Denise, stay with me.

Tagal mo naman, Kuya. Bilisan na natin at parang naloloko na tong alaga mo.

Sir... Sabay tapik ni Kuya sa likuran ni Bench.

Inirapan ko si Kuya Joe.

BENCH Gising Sigaw ko kaya napatalon siya at agad tumayo. Lets go Kuya Joe is
waiting Sabi ko.

Tumawa si Kuya Joe. Kasi naman, may pa tapik tapik pang nalalaman eh di yan
gigising kung ganun Hmp

Nasanay ang mokong kaya sandal siya nang sandal sakin kahit sa likuran ng SUV.

Bench Bench Sabay tulak ko sa ulo niya papalayo. I know youre not that drunk to do
that Wag mo akong lokohin Yung boobs ko yata ang pinupunterya mo eh Sabi ko.

Ngumisi siya at nakasandal parin sa balikat ko.

I love you. Sabi niya ulit.

Hindi ko talaga masagot sa hiya or something. Uminit ang pisngi ko lalo na nung
sumulyap si Kuya Joe at yung isa pang guard na nasa front seat saming dalawa. Halos
di ko nga maitago ang ngiti ko nang sinabi niya yung bigla eh.

I can imagine life without everyone else, but not without you, Denise. Hinigpitan
niya pang lalo ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.

Nakapikit parin siya.

Stay with me tonight, please? Sabi niya.

Hindi ko parin siya sinagot. Drunk Bench is drunk.

Mahal na mahal kita, alam mo yun? Sabi niya naman. Di mo parin ako sinasagot.
Mahal mo rin ba ako?

Ngayon, di ko na mapigilan ang tawa ko. HAHA

Stop laughing at me, its not funny.Sabi niya at nagseryoso bigla. Im actually
thinking of ways how to get over you at narealize kong walang paraan, really. I
spent my whole damn life thinking bout you, being with you, loving you... at wala
ng makakapantay pa dun. No one will ever.

Even the hottest model? Tanong ko habang nakangisi at nakatingin sa daanan.

Even the hottest freakin model in the world. Youre all the best for me. You are
everything in one, for me. Pag nainlove ka sakin, Im gonna give my damn name...
papakasalan kita sa pinakamahal na lugar at tingin ko parin di ko pa naiibibigay
ang lahat sayo. I will promise you everything and Ill wish youll be content with me
and my faithfulness and loyalty.

Is Bench really drunk or something?

Im not gonna let you go. Lahat ipapangako at tutuparin ko basta ipangako mo din sa
akin na mahal mo ako at ako lang ang mamahalin mo...

Gosh. I actually want to cry. Alam kong sweet siya kahit di lasing. Pero parang na
realize kong iba pala talaga pag narinig mo lahat ng gusto mong marinig sa taong
halos wala sa sarili - no scripts, no pick ups, just plain old truth.

I love you, too, Bench. Youre drunk and I wont say it cuz you wont remember
anyway.

Stay with me, tonight, please?

Yun parin ang linya niya nung nandoon na siya sa kwarto at hinatid na namin nina
Kuya Joe.

No, Bench. Uuwi ako. Sabi ko habang inaayos ang ulo niya sa higaan at tinatanggal
ang sapatos niya.

Please...

Malapit na ang exams, mag-aaral pa ako. Sabi ko.

Di mo na kailangang mag-aral.

LOL

No, Bench. Mag-aaral ako. Sabi ko.

Nakapikit parin ang mga mata niya.

Got to go. Sleep tight, ayt?


Denise, stay with me. Sabi niya. Please Im drunk...

Youre just drunk, wala kang sakit. Uuwi ako Bench. Need to study.

Hinatid ako nina Kuya Joe sa bahay at natulog na rin. Pina-manmanan ko na rin si
Muse upang makasigurado. Sa airport siya natulog nang gabing yon at umalis na
papuntang Davao first flight.

***************

*** Stage 69. *** (3 pages)

Stage 69.

Alagaan mo ako.

Buong araw ako ng linggo nag-aral para sa finals. Text nang text si Bench sakin
habang nag-aaral ako. Sobrang hang-over niya siguro kaya nagkulong sa condo niya
buong araw kahapon. Buti na lang din kasi baka puntahan niya pa ako sa bahay at
maiistorbo pa ako sa pag-aaral ko. May bagyo din naman kahapon kaya ayaw ko ring
lumabas.

Bench:

Bat di mo masabi sakin ang 3 words?

Reply ko:

Well talk soon, Bench. Not now. Nag-aaral ako.

Bench:

Yun lang naman ang gusto kong marinig...

Reply ulit:

Im busy.

Bench:

Busy din ako pero may time naman ako lagi para sayo.Bakit ayaw mong sabihin? Di mo
ba ako mahal?

GRRRR

Reply:

Kulit mo Sabi mag uusap tayo next time eh.

Bench:

Okay

Kainis pa nga, halos oras-oras nag titext ng sad face sakin parang bata. Sasabihin
ko rin naman, bat atat pa ang mokong

Pagdating ko ng school, parang iba na ang pakiramdam ko. Maraming nangyari nung
weekend pakiramdam ko magkaka straight As ulit ako sa semester na to.

Denise Sigaw ni Eliana sa malayo habang kumakaway. Lika dito Sabay hila niya sakin
sa mga coridors kung saan may vandals tungkol sakin.

Ano? May bagong vandal? Gusto yata nilang masumbong ulit Sabi ko.

Pero nagkakamali ako... Bumungad sakin sina Candice, Jenny at iba pang kaibigan ni
Lance na tinatanggal ang vandals gamit ang sponge at sabon.

Tumingin sila sakin na parang hiyang-hiya sa ginagawa nila.

Im sorry, Denise. Nasa likuran namin ni Eliana si Lance.

Malungkot at guiltyng-guilty.

Hindi ko alam na sila pala ang may gawa nito. Galit sila sayo, pero maling magalit
sayo, youre just being yourself. Aniya.

Ngumiti na lang ako tinignan ang mga babaeng pinagpapawisan na sa pagkuskos sa


dingding.

Denise Lika na, magsisimula na exam natin. Tinawag ako nina Nina at Abby.

Silang dalawa na lang ang kasakasama ko sa school. Paano ba naman kasi, si Tanika
umiiwas na sakin dahil sa issue ni Yuan Tan at Eliana.

Okay.

Confident ako nang matapos ko yung exam. Pupunta na sana kami ng Cafeteria nina
Abby at Nina nang tumatakbo papunta sakin si Eli pagkalabas agad namin ng
classroom.

Hiningal siya sa harapan ko at parang nagmamadali.

D D, may exam pa ako. Tumawag si Tito sakin di pumasok si Bench sa work may sakit
daw ayaw pumunta ng ospital papupuntahin nalang nina tito yung doktor mamayang
lunch si tita galing na ng condo tapos umalis din para mag attend ng meeting sa
kompanya... PUNTAHAN MO SI BENCH MAY EXAM AKO Papalayo na siya nung sinabi niya ang
huling pangungusap.

WHAT THE EF? Totoo ba yun or isa na naman to sa mga pakana ni Bench?

That devil Magbabayad siya ng mahal sakin kung puro kasinungalingan lang ang mga
sinabi niya kay Eli Well, Im sure hindi si Eliana ang gumawa ng istoryang yun (alam
niyo naman yun, mejo nagpapa-uto kay Bench) SIGURADONG SI BENCH Mga pakulo talaga
ng mokong

Sige at pupunta ako sa condo niya at malalagot siya sakin kung di totoong may
sakit siya

LOL Parang mali yung sinabi ko ah? Dapat masiyahan ako kung di totoong may sakit
siya Ah basta ewan

Sarado ang pintuan ng condo pagkarating ko. Ginamit ko ulit yung susi ko. May
nakita akong mga pagkaing nakalapag sa mesa ng dining room.
Mukhang totoo nga, galing dito si Tita.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Bench at nakita siyang nakapulupot sa


comforter niya at natutulog. Naka full ang aircon Agad kong hininaan at hinawakan
ang noo niya.

SYET ITS TRUE May lagnat siya At sobrang init niya THIS CRAZY MAN BAKIT NAKA FULL
AP YUNG AIRCON KANINA KUNG MAY LAGNAT PALA SIYA?

Denise? Nagising ko siya nung pinatay ko ang aircon.

Umupo siya sa higaan at hinawakan ang ulo niya.

Ano bang nangyayari sayo? Tanong ko habang hinahawakan ang leeg niya.

May sakit, obvious ba?

Umiling ako.

Ang sungit Mr. Grumpy Devil. May sakit na nga nagsusungit pa. Sabi ko at kinuha
ang thermometer para tignan ang lagnat niya.

38.5... Mataas ah?

Bakit ayaw mong pumunta ng ospital? Sabi ko sabay ayos sa comforter niya.

Hinihintay kita.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang ngisi niya.

PARANG AGAD AKONG TINAMAAN NG KIDLAT SA BILIS NG LIGHT BULB SA UTAK KO.

Anong ginawa mo kahapon? Tanong ko.

Dito lang sa condo-

Di ka ba lumabas?

Uh nag jogging? Tumaas pa ang kilay niya.

Sinapak ko na ng unan.

NAG JOGGING KA EH MAY BAGYO KAHAPON BUONG ARAW UMUULAN TAPOS NAG JOGGING KA SA
LABAS Nananadya ka ba Benjamin Jimenez?

OMG Alam mo yung feeling na parang granadang sasabog sa inis. Ganon ako ngayon

Kaya ka naman pala nilalagnat eh Hay nako Diyan ka na-

Aalis na sana ako sa kwarto nang bigla niyang hinila ang baywang ko. Full force na
bumagsak kami sa kama niya.

Ano ba?

Diba sabi mo di mo ako iiwan kung may sakit ako? Nakayakap siya sakin at
nakapikit.

Damang-dama ko ang init ng katawan niya dahil sa lagnat.


Hindi nga eh Kukunin ko sana yung meds mo at tubig. Bitiwan mo na nga ako Pumiglas
ako pero di talaga ako makawala.

Youre my medicine. Sabi niya at nakayakap parin sakin.

Inaamoy niya na naman ang buhok ko. Hinawakan ko ang braso niya at halos
nakakapaso ang fever niya.

Bench, stop it Kailangan mo na talagang magpacheck-up, magpagaling... Kasalanan mo


din to eh. hay nako Bitiwan mo na ako para makapaghanda ako ng ice pack or soup or
something. Saka niya ako pinakawalan.

Alagaan mo ako. Sabi niya ng dilat na dilat ang mga mata at nakahiga sa kama.

Napailing nalang ako. Boy this man is hot Nakikita ko yung abs niyang nakalatag
habang nakahiga siya sa kama. Inaayos ko nalang ang kumot niya. He is hot,
literally, kaya nga dapat gamutin at alagaan.

Matulog ka muna habang titignan ko kung anong magagawa ko sa kitchen-

I dont want to close my eyes because you might leave me when Im not looking. But Im
afraid to keep them open because I couldnt stand to watch you walk away. Seryosong
sinabi niya sakin. Ang mga mata niyay halos tagos sa puso at kaluluwa ko.

Its on the tip of my tongue, the 3 magic words. Im saving it for the best moment
pero mukhang nahikayat niya ako ngayong banggitin ito. Seryosong seryoso siya na
para bang wala nang mas mahalaga para sa kanya kundi ito. Yung mukhang parang tulad
nung sabi ni Brent, do or die, sink or swim, but this time, I wont let him sink
again...

I wont leave you, Bench. Ill stay cuz I love you, okay?

Nalaglag ang panga niya at bumangon ng diretso para yakapin ako ng mahigpit

***************

*** Stage 70. *** (3 pages)

Stage 70.

I feel the same, Denise

Nakatulog siya pagkatapos nicheck-up ng doctor at pinainom ng gamot. Ang sabi ay


konting flu lang. Pinakain ko rin siya ng lugaw nung dumating ang mommy niya at
sinabi sa kanyang sa bahay nila matulog pero ayaw niya.

Denise, can I ask you a favor? Tanong ni tita (mommy ni Bench) bago siya umalis.

Yes, po. Anything...

Pwede bang bantayan mo muna si Bench dito? Ill be back tonight maybe around 6pm to
check or maybe get him from here.

Tinignan ko ang wristwatch ko, 12 noon.


Okay po.

Wala ka bang exams? Tanong niya.

Tapos napo kanina yung dalawa. Sabi ko.

Oh no So meron pa bukas? Umuwi ka na lang muna at mag-aral, tatawagan ko na lang


si-

No, tita. Okay na po ako. Ilang araw na po akong nag-aaral. Ngumiti ako. Di po ako
nag-aaral pag talagang malapit na ang mga exams kasi nabubura sa utak ko yung
lessons...

Okay. Are you sure?

Umo-o naman ako at guminhawa ang mukha niya sa sinabi ko.

Iniwan kami ni tita sa condo. Tulog si Bench kaya tinabihan ko na lang since
inaantok na rin naman ako.

Kinuha ko yung ilang damit ko sa closet niya. Meron talaga akong stock na damit
dito sa condo niya ewan ko kung para saan. Minsan kasi nag s-sleepover kami ni
Eliana dito kaya meron akong damit.

Tumabi ako kay Bench sa kama at ilang sandali lang ay nakatulog na...

Nagising ako sa isang room na puno ng kulay pink na balloons sa kisame.

Asan ako? Tanong ko sa sarili ko nang umayos ako at tinignan ang katabi kong wala
na.

Wheres Bench? Nananaginip ba ako? But it looks real

Basket basket na bulaklak ang nakita kong nakapaligid sa kama. May mga red rose
petals pa na nakalatag sa tabi ko.

Bench? Sigaw ko nang biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

This cant be Uminit ang pisngi ko at damangdama ko ang mainit na dugo na dumadaloy
dito habang hinahawakan kong nakangiti ang magkabilang cheeks ko.

Yes? Pumasok ang isang lalaking naka puting longsleeve, buttondown shirt at
nakaputing pants din.

Mukha siyang anghel galing langit except that hes Benjamin Jimenez.

Nakangisi siya at may dalang balloon na hugis puso at kulay pula. May nakasulat
ditong,I love you.

Ngumisi pa ako lalo. Magulo ang buhok niya at mukhang kakagaling lang sa tulog
pero mas lalo siyang gumwapo dahil dito. Lutang na lutang ang kanyang dimples dahil
sa ngiti niyang halos abot tenga. Matangos ang kanyang ilong at mapupungay ang mga
mata.

I love you, Denise Sabi niya sabay pakita sa balloon na hawak-hawak.

My gosh Bakit ganito? Surprise Tapos ang gwapo pa nung nagsurprise sakin
samantalang naka spaghetti strap at sweat shorts lang ako. Ni hindi ko pa nakikita
ang mukha ko sa salamin, baka may dumi ako o baka magulo ang buhok ko

Nilapit niya sakin ang heart-shape balloon at tinalikod ito...

Sa likuran ng balloon, may nakasulat na... Will you marry me?

Ngumisi siya lalo.

Please?

OH MY GOD YOURE PROPOSING Sabi ko kahit na nagpropose na siya noon sakin, biglang-
bigla parin ako.

Pumasok ang daddy at mommy ni Bench pati narin sina mommy at daddy na
pumapalakpak.

YES Sabi ko sa sobrang saya.

Pero may mas masaya pa sakin Binuhat ako ni Bench galing kama at hinalikan ako sa
pisngi.

So its settled then Sabi ni tito kay daddy na kitang-kita sa likuran ng glasses
niya ang luha sa mga mata. Well gonna do it soon

OMG SOOONNN AGAD?

Are you sure, Denise? Sabi ni daddy.

Speechless si mommy habang hinahaplos ang likuran ni dad.

Antonio, its my daughter Sabi ni Daddy. Shes my only child... and shes only 19...
Hindi ko yata kaya... Sabi ni daddy pero tinatawanan lang siya ni tito.

Goodness, attorney. Humahalakhak parin si tito. Hes my son... only son, too. I
couldnt give him up and marry any other girl than Denise. Pero yes, naiintindihan
kita since you know Bench is kinda... you know... Sinulyapan niya pa si Bench.

Si Bench naman sumimangot kay tito.

..NOON yun, I must add. Dahil alam ko naman na mula pa noon, silang dalawa lang
ang nag-iintindihan. At sigurado akong sila ang magkakatuluyan, tignan mo naman
ngayon. Sabi ni tito habang tinuturo kami.

Binaba ako ni Bench. Masyadong manyak tong isa. Kung di ko siya kinurot, di ako
ibababa.

Tito... Sabi ko bigla. I want to be engaged to Bench. Wala akong doubts at mahal
ko talaga siya, mahal na mahal, at sigurado akong mahal niya rin ako, maaring mas
higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. But I dont want to rush. Sabi ko na ikinabigla
ni Bench.

What? Sumimangot siya sakin. Sana nagdala ako ng pari-

Shh, Bench Siguro naman kung mahal niya ako, kahit di pa kami kasal, hell stick to
me. At sigurado naman akong siya lang ang mamahalin ko. Cuz I want to graduate sa
law school bearing my dads family name.

You can always bring Gozon kahit kasal na tayo... Tumango pa si Bench na parang
nanghihimok sakin.
Inirapan ko na lang siya.

Tsaka sigurado ako, kung ikakasal kami ni Bench baka bukas agad magkababy ako,
gusto ko munang tapusin ang pag-aaral ko bago ako magkaroon ng pamilya. Sabi ko.

You know, Bench Hell think everythings okay pag kasal na. Wala ng pakealam kung
ilang anak ang magagawa kasi kaya niya namang buhayin kahit limang dosena GRRR

WHAT? Bakit? Ayaw mong magka baby? Tanong ni Bench. Hysterical na.

No Bench Gusto kong magkababy, but not now... Pag-aaral muna. Sabi ko.

Pumalakpak ang mommy ni Bench at nilapitan ako ng daddy niyang ngayon ay mangiyak-
ngiyak na rin tulad ni daddy.

God, I wouldnt give up my son to anyone except for you, Denise. Sabi ni tita sa
malayo.

Tinapik ni tito ang balikat ko.

Well, then. Sorry, son Sabi ng daddy niya nakangiti ulit. Looks like you have
another 5 years to persuade your fiancee Tumawa siya.

I can always wait. Sabi ni Bench. Ang importante ay nalaman niyong ganito ako ka
seryoso sa kanya. I can always wait, tito. Sabi ni Bench kay daddy. Kung mahalaga
sa kanya ang pag-aaral, mahalaga na rin yun sakin.

Pagkatapos ng ilan pang usapan nila tungkol sakin habang kumakain sa dining room
ng condo ni Bench... Nagkaroon na rin kami ng oras para mag-usap ni Bench na kami
lang dalawa sa kwarto niya.

Dads going to name some of our properties under you. Sabi ni Bench sabay halik sa
noo ko.

WHAT?

Di pumayag ang daddy mo. You should persuade him...

What? No Dapat lang

His eyes narrowed.

You know what, Im starting to think youre not really serious with me.

Sinapak ko na.

What? Sabi mo tayo talaga ang magpapakasal, bat ayaw mo ng ganun? Pinayagan kita
na ipostpone ng 5 godamn years ang kasal tapos kahit ito, ayaw mo?

Saka na yang mga ganyan pag kasal na tayo errr please, Bench Sabi ko habang
tinitignan ang mga mata niyang nagdududa na.

You think you can escape? No, you wont... Im not gonna let you. He told me almost a
whisper.

I wont escape, Bench. Sabay ngisi ko. Kahit isama mo ako sa impyerno, sasama ako,
makasama lang kita. I have to stay with you cuz Im not myself without you.
I feel the same, Denise. I wont be Benjamin Jimenez, without my Mrs. Jimenez.
Sabay yakap niya sakin. So dont you dare leave me.

For a second, I wanted to marry him soon than what I have planned... But I think
this is more than enough for me. I can always marry him whenever I want to cuz
Benjamin Jimenez is in love with me. Hes given me his world.

***************

*** Postlude. *** (3 pages)

Ok. Habang ni rerepost ko ito, kinikilig ako. Thank you so much readers. Sana
nagustuhan niyo ulit si Benjamin Jimenez. Ito ang pinagmulan ng lahat ng guy POV na
ending ko. Dito nagsimula sa kanya... sa kay Bench. Sa sobrang lakas kasi ng
personality niya, hindi ko kayang hindi lagyan ng thoughts niya ang buong story.
Thanks for reading this again. at sa mga hindi pa ever nakakabasa, salamat sa
pagtitiyaga nito.

----------------------------

Postlude.

Maybe, the reason why I hate being in a relationship or committment so much is


because I know that when I commit, I commit my all. When I get into a relationship,
I give my all. Its a scary thing to commit and give your all cuz its uncertain if
youll get something in return.

Tinuruan ako ni Denise magmahal ng hindi iniisip ang sarili. At sigurado akong
naturuan ko rin siya nun.

Akala ko noon useless kung mahalin siya, shes dense and shes selfish. I convinced
myself that she deserves every bad thing Im planning for her. Pero habang
tumatagal, mas naintindihan ko siya. Her bravery, determination, and self
discipline are superb. I cant help but admire her for that. Kahit na minsan, maarte
at mareklamo siya... at the end of the day, napaparamdam niya sayo na shes not all
arrogance and pretensions... Shes true. Sinasabi niya ang mga nasa isip niya. No
girl is going to do everything she pleased especially in front of the person she
likes...si Denise lang.

Finally Kala ko di ka na matatapos. Sabi ko sa kanya habang tumatayo ako sa


pagkakaupo sa sofa nila.

Naka short-short-short pants lang siya at floral spaghetti strap.

Hindi ko napigilang sumimangot.

What? Sabay taas ng kilay niya.

Denise, papunta tayo ng at least 5 Europian countries at yan ang soot mo?

She rolled her eyes.

Nasa Pilipinas pa naman tayo, Ill change pag malapit na tayo dun. Mainit eh. Aniya.

Kinuha ni Joe ang maleta niya at iba pang gamit.


Pumikit na lang ako habang nilalagay ang kamay sa noo. Hindi ko mapigilang ngumiti
pagdilat ng mga mata ko. Nag-alala siya sa reaksyon ko.

You better change or Ill plan out something for our first night together. I
smirked.

Agad siyang bumalik sa kwarto niya nang walang reklamo.

Whats her problem? Ayaw niya talaga ng ganun, huh? I thought she loves me. Diba
dapat okay yun sa kanya kasi mahal niya ako? Girls girls girls... Di mo matanto. At
minahal ko pa talaga ang isang to ah? The most complicated one.

But whatever, shes mine anyway, I can always have her whenever I want.

Kung anu-ano na naman siguro ang iniisip nun Baka iniisip nun na pag may mangyari
na samin pagsasawaan ko na siya at iiwan bigla. Shes so smart that sometimes shes
thinking too much. Mali mali naman yung mga iniisip. Ako tuloy yung na co-
compromise.

I sighed and saw her again. Now shes wearing jeans, sleeveless floral top and a
scarf.

Im ready.

I cant help but grin. Damn I love this girl

Inakbayan ko siya at inamoy ang mabango niyang buhok.

Youre so beautiful. I whispered.

Hindi siya umimik pero nakita kong pumula ang pisngi niya.

Shes even prettier than before.Fashion fashion fashion, yan lang naman ang nasa
isipan niya eh kaya laging big deal ang pananamit at pag-aayos sa kanya. But Id
like to think that shes becoming prettier cuz she wants to look good for me... not
that she needed to look good for me. For me, shes always beautiful. Wala akong
maalala sa nakaraan kung saan tingin koy pangit siya. Kahit nung galit ako sa
kanya, kahit nung nadapa siya sa putik nung mga bata pa lang kami...wala. Ang
naiisip ko lang noon ay kung gaano siya kaganda na natatakot akong lumapit at
intindihin siya dahil baka tuluyan na akong mahulog sa kanya.

But the time I thought I needed to avoid her, I couldnt anymore cuz its too late,
Ive already fallen. Hard. Fast. Deep-rooted. I couldnt just run away cuz it will
hurt me. A lot.

Ready? Tanong ko nang tumutuloy na kami sa isa sa mga eroplano naming bumibyahe
palabas ng bansa.

Ready Abot tenga ang ngiti niya at niyakap ako.

I love you so much. Sabi ko.

I love you even more Sagot niya.

No, I love you more. I can bet on it. Kinindatan ko siya.

Paano natin mapapatunayan yan?


Umupo na kami sa eroplano. Malaki at komportable. Siya ang malapit sa bintana. Im
still holding her hand.

I asked you to marry me Dalawang beses But you refused-

I didnt, Bench Sabi ko postponed lang-

Ng five years?

Tumatawa na siya.

Ang tagal, man Sabi ko, tumatawa parin siya. Tapos sinasabi mo mas mahal mo ako?

Basta Bahala ka na nga Hindi naman yun ang sukatan Aniya, tumatawa parin.

Ang sabihin mo, di ka sigurado sakin kaya ayaw mo munang magpatali. Ni ayaw mo
ngang makipaghalikan sakin sa kama ko, whats wrong with that-

shhhhh- Pulang pula siya at natigil ang pagtawa, tumitingin sa mga tao sa
eroplanong posibleng nakakarinig, ang mga flight attendant at iba pa.

were lovers. We can kiss, touch-

shhhh Bench

make love- Ngayon tinakpan niya na ang bibig ko.

Hindi ko mapigilan ang tawa ko.

Tumigil ka na ah? Hindi pa nga tayo kasal

Kaya nga magpapakasal diba?

Argh Inirapan niya ako.

Hinila ko ang ulo niya at hinalikan siya ng marami sa pisngi.

Now youre angry... even more beautiful than usual.

Sinapak niya ako pero tumatawa na. Pulang-pula parin ang pisngi niya.

Tigilan mo ako ah Sabi niya. Pilit nagseseryoso kahit natatawa.

You dont know, Denise.I can always wait... Five years is a piece of cake, I can
damn wait. But Im taking you to places youve never been before. Im taking you to
all the possible places I can take you cuz I want each place to be marked by our
memory.

Mataas ang tiwala ko sa pagmamahal ko sayo, pero gusto kong makasiguro. Dadalhin
kita sa lahat ng mga lugar(5 countries for now as a start, then I give it another
month, well travel again)na gusto mo at gusto ko.

The plane is taking off. Shes really happy beside me right now, and Im sure nobody
can make her happier... but me.

Gusto ko sa lahat ng parte ng mundo, may alaala kaming dalawa para kung sakaling
iiwan niya ako, kahit saan siya pupunta, ako ang maalala niya. Wala siyang
matatakbuhan kasi bawat sulok ng mundo alaala naming dalawa ang bubungad sa kanya.
Hindi niya makakayang gumawa ulit ng alaala dahil lahat ng maaalala niya sa bawat
lugar ay ako... kaming dalawa... na mahal ko siya...

Im Benjamin Jimenez.

I know this plan is selfish and evil, but Ill risk every evil in this world to make
her stay with me.

***************

You might also like