You are on page 1of 19

SANLINGGONG PAGDARASAL PARA SA

PAGKAKA-ISA NG MGA KRISTIYANO

Ika-Apat na Araw
PAGTITIWALA:
Huwag kang matakot, manalig ka.
ANG PAGTITIPON
PANIMULANG AWIT
Sa pag-awit ng panimulang awit, ang mga pinuno at mga kinatawan ng mga
simbahan ay papasok sa lugar ng ekyumenikal na pagdiriwang para sa
Pagkaka-isa ng mga Kristiyano. Sila ay pinangungunahan ng may dala ng
Bibliya upang makita ng lahat. Ang Bibliya ay ilalagay sa gitna ng madla sa
isang lugar na may parangal.

MGA SALITA NG MALUGOD NA PAGBATI


P. Ang grasya ng ating Panginoong
Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos
at ang pakikipagkaibigan ng Espiritu
Santo ay sumainyong lahat
K At sumaiyo rin.

PANIMULANG PANANALITA

P.
Minamahal kong mga kapatid kay Kristo, tayo
ngayo’y nagtitipon dito upang ipagdasal ang
pagkaka-isa ng mga Kristiyano at upang
magkasundo sa salita. Ilang siglo nang may
pagkakahiwa-hiwalay ang mga Kristiyano. Ito
ay nagdudulot ng matinding sakit at ito’y
salungat din sa kalooban ng Diyos.

2
Tayo’y naniniwala sa kapangyarihan ng
panalangin. Kasama ng mga Kristiyano sa
buong mundo, tayo’y nag-aalay ng mga
panalangin habang nagsisikap na madaig ang
pagkakahiwa-hiwalay.

Ang pinagmulan ng mga kasangkapan para sa


taong ito ng Sanlinggong Pagdarasal para sa
Pagkaka-isa ng mga Kristiyano ay inihanda ng
iba’t-ibang Simbahang Kristiyano sa Malta.
Ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa maliit na
islang ito ay matatagpuan sa panahon pa ng
mga apostol. Ayon sa tradisyon, si San Pablo,
ang Apostol ng mga Hentil, ay dumaong sa
dalampasigan ng Malta noong taon 60. Ang
kuwentong nagsasalarawan ng kasaysayang
ito ay ipinahahayag sa huling dalawang
Kabanata sa Gawa ng mga Apostol.

Ang textong ito ang hudyat ng simula ng


Kristiyanismo sa Malta – isang maliit na bansa
na binubuo ng dalawang pangunahing isla, ng
Malta at Gozo, at gayundin ng iba pang maliliit
na isla – na nasa puso ng Dagat ng
Mediterranea, na nasa pagitan
3
ng dulong timog ng Sicily at Hilagang Africa.
Itong lupang nasa biblyia ay nasa krus na
daan ng kabihasnan, kultura at mga relihiyon.

Ang ating mga panalangin at pagninilay,


ngayon, at sa Sanlinggong Pagdarasal para sa
Pagkaka-isa ng mga Kristiyano para sa taong
ito, ay nakasentro sa malugod na pagtanggap
at pakikitungo ng mga taga-isla sa mga
nasalanta sa pagkawasak ng barko.
“Pinakitaan nila kami ng kakaibang
kabutihan” (cf. Gawa 28:2).

Nawa ang pag-ibig at paggalang natin sa isa’t


isa ngayon habang idinadalangin ang
pagkaka-isa ng mga Kristiyano ay mapasa-
atin sa buong taong ito.

4
PANAWAGAN SA ESPIRITU SANTO

P Espiritu ng Pag-ibig, halina sa


sambayanang ito at manahan Ka sa amin.
K Halina, Espiritu Santo!

P Espiritu ng pagkaka-isa, ipakita Mo sa


amin ang landas tungo sa Pagkaka-isa ng mga
Kristiyano.
K Halina, Espiritu Santo!

P Espiritu ng mabuting pagtanggap, ituro Mo


sa amin ang mabuti sa pagtanggap.
K Halina, Espiritu Santo!

P Espiritu ng awa, ikintal Mo sa amin ang


pag-uugaling may paggalang sa lahat ng aming
makikilala.
K Halina, Espiritu Santo!

P Espiritu ng pag-asa, tulungan Mo kaming


iwaksi sa aming sarili ang lahat ng mga
hadlang sa aming paglalakbay ekyumenikal.
K Halina, Espiritu Santo!

5
MGA PANALANGIN NG PAGHINGI NG TAWAD AT
PAKIKIPAGKASUNDO
P Patawarin mo kami, Panginoon, para sa
mga nakalipas na kasalanan, kawalan ng
tiwala, masasamang gawa sa pagitan ng mga
Kristiyano ng iba’t-ibang Simbahan at
tradisyon.
K Panginoon, maawa Ka!

P Patawarin mo kami, Panginoon, para sa


pananatili namin sa kadiliman sa halip na
hanapin ang landas ng Liwanag; dahil Ikaw, O
Pangginoon, ang natatatanging totoong
Liwanag.
K Panginoon, maawa Ka!

P Patawarin mo kami, Panginoon, para sa


kakulangan namin sa pananampalataya, at sa
kabiguan naming maging sambayanang may
naghihintay na pag-asa at may kapani-
paniwalang pag-ibig.
K Panginoon, maawa Ka!

6
P Patawarin mo kami, Panginoon, sa
pagiging sanhi ng pasakit, paghihirap at hapis
sa ibang tao.

K Panginoon, maawa Ka!

P Patawarin mo kami, Panginoon, sa


paghihiwalay namin sa aming sarili at sa
pagwawalang-bahala sa halip na nagpapakita
kami ng kabutihang loob sa lahat, lalo na sa
mga di-kakilala at sa mga takas.
K Panginoon, maawa Ka!

P Ang Panginoon ay maawain at mabait,


matagal bago magalit at sagana sa matatag
na pag-ibig. Ang agwat ng lupa’t langit,
sukatin ma’y hindi kaya, Gayon ang pag-
ibig ng Diyos, sa may takot sa Kanya; ang
silangan at kanluran kung gaano ang
distansya, gayung-gayon ang pagtingin sa
sinumang nagkasala. (Awit 103:11-12).
K Amen.

AWIT NG PAPURI

7
PAKIKINIG SA BUHAY NA SALITA NG DIYOS

P Amang nasa Langit, buksan Mo ang aming


puso’t isip sa Iyong Salita.
K Ang Iyong Salita ay espiritu at buhay!

P Akayin Mo kami upang maging higit na


malapit sa isa’t isa sa pagkaka-isa
at pag- ibig.
K Ang iyong salita ay tanglaw sa aming landas!

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol


(27:23-26)

“Napakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos


– ang Diyos na sinasamba ko at pinaglilingkuran.
Sinabi niya sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo!
Dapat kang humarap sa Emperador. Alang-alang
sa iyo’y ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga kasama
mo sa paglalayag. Kaya, lakasan ninyo ang inyong
loob, mga kasama! Sapagkat nananalig ako sa
Diyos na mangyayari ang lahat ayon sa sinabi Niya
sa akin. Lamang, mapapadpad tayo sa isang pulo.”

B Ito ang Salita ng Panginoon.


K Salamat sa Diyos na nakapagliligtas at humihilom

8
SALMONG TUGUNAN
Salmo 56, 2. 3-4. 6 at 11

Tugon: Poon, kami’y kaawaan, at lagi mong kahabagan.

Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag;


sa ‘yo lumalapit upang ako ay maligtas,
pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak,
ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas.

Tugon: Poon, kami’y kaawaan, at lagi mong kahabagan.

Yaong aking tinatawag, ang Diyos sa kalangitan,


ang Diyos na nagdulot ng lahat kong kailangan,
magmula sa kalangitan, diringgin ang aking hibik,
ang lahat ng kaaway ko’y lubos niyang magagahis;
ang tapat n’yang pagmamahal at matatag na pag-ibig,
ihahayag ito ng Diyos, sa aki’y di ikakait.

Tugon: Poon, kami’y kaawaan, at lagi mong kahabagan.

Ihayag mo sa itaas, O Diyos, ang kabantuga’t


dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,
nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.

Tugon: Poon, kami’y kaawaan, at lagi mong kahabagan.

ALELUYA NG PAGBUBUNYI
9
Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay Lukas (12:22-34)

Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't


sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa
inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na
kailangan ng inyong katawan. Sapagkat ang buhay ay
higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit.

Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni


umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit
pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa
mga ibon! Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa
kanyang buhay ng kahit isang oras dahil sa pagkabalisa?
26 Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na
bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa ibang mga
bagay?

Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang kung paano


sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man.
Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang
karangyaan ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa
sa mga bulaklak na ito.

Kung dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa parang na


buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan,
kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya!
Kaya't huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo
kukuha ng kakainin at iinumin. Huwag na kayong
mangamba.
10
Ang mga bagay na ito ang pinagkakaabalahan ng mga
taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama na
kailangan ninyo ang lahat ng iyan. Subalit, bigyang
halaga ninyo nang higit sa lahat ang kaharian ng Diyos,
at ibibigay niya sa inyo ang mga bagay na ito.”

“Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat


ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang
kaharian. Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at
ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo
ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa
langit ng kayamanang hindi nauubos. Doo'y walang
magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira.
Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon
din ang inyong puso.”

B Ito ang Salita ng Panginoon.


K Purihin Ka, Panginoong Hesukristo. Ikaw ang
Mabuting Balita!

PAGNINILAY

HIMNO

11
Ang Kredo ng Niceno

P Mga kapatid, tulad ng pakiki-isa natin sa


Panginoong HesuKristo, ating ipahayag
ang ating magkaparehong
pananampalataya sa iisang Diyos Ama,
Anak at Espiritu Santo.

K Sumasampalataya kami sa iisang Diyos,


Amang Makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa,
ng lahat na nakikita at hindi nakikita,

Sumasampalataya kami sa iisang Panginoong


Hesukristo,
Bugtong na Anak ng Diyos,
sumilang sa Ama bago nagkapanahon.
Diyos buhat sa Diyos,
Liwanag buhat sa Liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo,
Sumilang at hindi ginawa,
Magkasing-sangkap ng Ama:
at sa pamamagitan Niya ginawa ang lahat.
Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating
kaligtasan,
nanaog Siya mula sa kalangitan.
At nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo.
Isinilang ni Mariang Birhen at naging tao.

12
Ipinako Siya sa Krus nang dahil sa atin sa ilalim ni
Poncio Pilato;
Nagpakasakit, Namatay at Inilibing.
At muli Siyang nabuhay sa ikatlong araw nang naaayon
sa Banal na Kasulatan,
at umakyat Siya sa kalangitan at nakaluklok sa kanan ng
Ama.
At mula roon paparito Siyang muling may kaluwalhatian

upang hukuman ang mga nangabubuhay at mga
nangamatay,
at magiging walang hangganan ang Kanyang paghahari.

Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,


ang Panginoon at nagbibigay-buhay:
na nanggaling sa Ama at sa Anak.
Kaisa ng Ama at ng Anak Siyang sinasamba at
pinararangalan,
nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga propeta.

Sumasampalataya ako sa Iisang Banal,


Katoliko, at Apostolikong Simbahan.
Tinatanggap ko ang iisang binyag
sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng mga
nangamatay,
at ang buhay ng sansinukubang darating. Amen.

13
ANG MGA PANALANGIN NG BAYAN
Habang nagdarasal, walong gaod o sagwan (o modelo na korteng
gaod/sagwan) ay dadalhin sa pagtitipon. Ang bawat gaod ay may isang salita –
Pakikipagkasundo, Kaliwanagan, Pag-asa, Pagtitiwala, Katatagan, Mabuting
Pagtanggap, Pagbabalik-loob at Pagkabukas-palad. Ang pagdadala ng isang
gaod/sagwan ay nangangahulugan ng isang kahilingan. Matapos itaas ang
bawat gaod/sagwan, ilalagay ito sa tabi o sa loob ng barko at susundan ito ng
tahimik na panalangin. Ang isang tagapag-basa ang magpapahayag ng
kaukulang kahilingan at ang lahat ay tutugon.

P Hindi natin kakayaning harapin ang mga


bagyo ng buhay nang nag-iisa. Ang isang
barko ay sumusulong kapag ang lahat ay
magkakasabay na sumasagwan. Sa
harapan ng paghihirap, nababatid nating
kailangan nating magsama-sama at
papagkaisahin natin ang lahat ng ating
lakas. Manalangin tayo.
Sa tahimik na pananalangin, ang unang gaod (ng
Pakikipagkasundo) ay dadalhin sa harapan, kasunod ng ibang
gaod.

B Mapagmahal na Diyos, hilumin Mo ang masasakit na


alaala ng nakaraan na siyang sumugat sa aming mga
simbahan at nagpapatuloy sa aming pagkakahiwa-
hiwalay.
K Dinggin Mo ang aming panalangin para sa
Pakikipagkasundo.
14
B Mapagmahal na Diyos, turuan Mo kaming ituon ang
aming hakbang kay Kristo, ang Totoong Liwanag.
K Dinggin Mo ang aming panalangin para sa
Kaliwanagan.

B Mapagmahal na Diyos, palakasin Mo ang aming


pagtitiwala sa Iyong kalinga kapag nadarama naming
nagagapi kami ng mga unos ng buhay.
K Dinggin Mo ang aming panalangin para sa Pag-
asa.

B Mapagmahal na Diyos, baguhin Mo ang marami naming


pagkakahiwalay upang maging pagkakatugma at ang
aming kawalan ng tiwala upang maging pagtanggap sa
isa’t isa.
K Dingin Mo ang aming panalangin para sa
Pagtitiwala.

B Mapagmahal na Diyos, pagkalooban Mo kami ng lakas


ng loob upang mabigkas ang katotohanan nang may
katarungan at pag-ibig.
K Dinggin Mo ang aming panalangin para sa
Katatagan.

15
B Mapagmahal na Diyos, kalasin Mo ang mga hadlang,
nakikita o di nakikita, na siyang pumipigil sa amin
upang tanggapin ang aming mga kapatid na nasa
panganib o may pangangailangan.
K Dinggin Mo ang aming panalangin para sa Mabuting
Pagtanggap.

B Mapagmahal na Diyos, baguhin Mo ang aming mga puso


at ang mga puso ng aming sambayanang Kristiyano,
upang kami’y maging mga kinatawan ng iyong
paghihilom.
K Dinggin Mo ang aming panalangin para sa
Pagbabalik-loob.

B Mapagmahal na Diyos, imulat Mo ang aming mga mata


upang makita namin ang sangnilikha bilang Iyong
handog, at ang aming mga kamay upang maging
kabahagi sa bunga nito sa pakiki-isa.
K Dinggin Mo ang aming panalangin para sa
Pagkabukas-palad.

16
ANG AMA NAMIN

P Kaisa ni HesuKristo, dasalin natin nang


magkakasabay ang panalanging itinuro
Niya sa atin.
K Ama Namin sumasalangit Ka
Sambahin ang Ngalan Mo,
mapasa-amin ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo,
dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin
sa araw-araw,
patawarin Mo kami sa aming mga sala
tulad ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
Huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagka’t sa Iyo ang kaharian, ang kapangyarihan,
at ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman.
Amen

P Tinanggap si Pablo at ang kanyang mga


kasama ng mga mamamayan ng Malta
nang may kakaibang kabutihang-loob.
Batiin natin ang isa’t-isa at magbahaginan
tayo ng kapayapaan, na siyang handog ni
Kristo sa atin.
17
PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN

TAYO AY ISINUSUGO NANG MAGKAKASAMA UPANG


IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA

P Tayo ay nagsidalo nang magkakasama


bilang mga Kristiyano, at nang sa gayon
bilang mga kapwa disipulo. Habang
minimithi natin ang pagkaka-isa ng mga
Kristiyano, Muli tayong mangako
upang gumawa para sa magkaparehong
layuning ito. (Huminto para sa tahimik na panalangin)

L/Ls Nawa ang Diyos Ama, na tumawag


sa atin mula sa kadiliman patungo
sa liwanag, ay gawin tayong totoong
tagapagdala ng Liwanag ng Diyos.
K Amen.

L/Ls Nawa ang Diyos Anak, na nagligtas sa


atin sa pamamagitan ng Kanyang
pinakamamahal na dugo, ay magbigay
kapangyarihan sa atin upang
masundan ang Kanyang halimbawa sa
paglilingkod sa kapwa.
K Amen.
18
L/Ls Nawa ang Diyos Espiritu Santo, na
Siyang Panginoon at nagbibigay-buhay,
ay palakasin tayo upang mapagtiisan
ang mga pagsubok sa buhay nang
marating ang dalampasigan ng
kaligtasan.
K Amen.

L/Ls Nawa’y pagpalain at kalingain tayo ng


Makapangyarihan at Maawaing Diyos,
Ama, Anak at Espiritu Santo.
K Amen.

K Kami ay magkakasmang hahayo upang ipahayag


ang kahanga-hangang pag-ibig ng Diyos. Amen!
Aleluya! Amen!

PANGWAKAS NA AWIT

19

You might also like