You are on page 1of 15

I.

Mga Layunin

Pagkatapos ng klase ang mga mag aaral ay inaasahang:


A. Natutukoy ang mga probisyon ukol sa pagkamamamayan ng Saligang Batas ng
1987.
B. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa pagkamamamayan
bilang isang Pilipino.
C. Nakapagsusulat ng repleksyon tungkol sa pagbabago ng konsepto ng
pagkamamamayan.

II. Nilalaman

A. Paksa: Pagkamamamayan: Aralin 1: Ligal na Pananaw- Artikulo IV


Pagkamamamayan
B. Sanggunian: Modyul 4: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan- Ligal na
Pananaw, Pahina 358-361
C. Kagamitan: Laptop, Lcd, speaker, printed materials, kartolina, manila paper

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal

- Tumayo tayong lahat


- ____________, pangunahan mo
ang pagdarasal.

-(Magdasal ng kanilang panalangin)

2. Pagbati

- Magandang umaga mga bata.


-Magandang umaga po Gng. Annabelle

3. Pagtala sa mga lumiban at di lumiban


sa klase.

- Sino ang lumiban sa unang


grupo?
-(Di tiyak ang kasagutan)
- Sa pangalawang grupo?
-(Di tiyak ang kasagutan)
- Sa pangatlong grupo? -(Di tiyak ang kasagutan)

- Sa pang apat na grupo? -(Di tiyak ang kasagutan)

4. Pagbabalik-aral

- Noong nakaraang araw, ang ating


pinag- aralan ay tungkol sa
pinagmulan ng konsepto ng
pagkamamamayan, tama ba?
-Opo
- Ngayon alamin nga natin kung
naaalala niyo pa ba ang ating
napag-aralan tungkol sa ating
nakaraang paksa.

- Sa anong panahon umusbong ang


konsepto ng pagkamamamayan?
-(Posibleng Kasagutan)
 Umusbong ang konsepto ng
pagkamamamayan noong panahon ng
kabihasnang Griyego

- Magaling!

- Ang kabihasnang Griyego ay


binubuo ng mga ________?
-(Posibleng Kasagutan)
 Ang kabihasnang Griyego ay binubuo
ng Lungsod-estado

- Tama!

- Ang polis ay binubuo ng citizen na


limitado lamang sa mga _______?
-(Posibleng Kasagutan)
 Ang citizen ay limitado lamang sa mga
kalalakihan

- Magaling mga bata. Tunay ngang


naiintindihan ninyo ang ating aralin
noong nakaraang araw.
B. Pagganyak

- Mga bata bago tayo tumungo sa


ating susunod na aralin gusto
kong mapakinggan ninyo ang
awitin ng Smokey mountain na
pinamagatang “Sabihin mo”.

- Nais kong pakinggan ninyo ang


kanta, basahin ang liriko at
intindihin ng mabuti.

- Handa na ba kayo? -Opo

Sabihin mo by: Smokey mountain

Sabi ng tatay ko, kapag mayroong


nagta nong
Nasaan ang bayan mo? Isagot mo ay
yung totoo
Sabi ng tatay ko, maraming nang-
ibang bayan
Mas higit ang kayamanan, pag-ibig
ay, wala naman

Sabihin mo ikaw ay Pilipino


Kahit saang bansa ikaw ay mag punta
Sabihin mo ikaw ay Pilipino
Pilipino ka, yan ang totoo

Sabi ng tatay ko, marami ang


naghihirap
Ngunit hindi magtatagal, yayaman din
tayo
Sabi ko sa tatay ko, di bale ng
mahirap
Basta't lahat ay pantay-pantay at
nagkakaisa

Sabihin mo ikaw ay Pilipino


Kahit saang bansa ikaw ay mag punta
Sabihin mo ikaw ay Pilipino
Pilipino ka, yan ang totoo

Sabihin man ng lolo mo, ika'y


Kastila at Kano
Pagmasdan mo ang kulay mo, kulay
lupa walang kasing ganda

Sabihin mo ikaw ay Pilipino


Kahit saang bansa ikaw ay mag punta
Sabihin mo ikaw ay Pilipino
Pilipino ka, yan ang totoo

- Maganda ba ang awitin mga bata? -Opo

- Naiintindihan ba ninyo ang nais -Opo


iparating ng awitin?

- Ano ang hinihiling ng awitin? -(Posibleng kasagutan)


 Hinihiling ng awitin na san ka man
magpunta sabihin mong ikaw ay
Pilipino.

- Ayon sa awit kapag sinabihan ka


na ikaw ay Kano at Kastila, ano
ang iyong gagawin? -(Posibleng kasagutan)
 Kapag sinabihan ako na ako ay Kano o
Kastila ang gagawin ko ay Pagmasdan
ang aking kulay, kulay lupa walang
kasing ganda.

- Tama!

- Ngayon nais ko naman na


tumingin kayo sa ilalim ng inyong
mga upuan, kapag may nakita
kayong larawan pumunta sa
pisara at idikit kung saan ba ito
nabibilang, sa “nagpapakita ng
pagkamamamayang Pilipino” o sa
“hindi nagpapakita ng
pagkamamamayang Pilipino”.
- Sa inyong opinyon tama ba ang
pagkakapwesto ng mga larawan?
-(Di tiyak ang kasagutan)

- Ang iba sainyo ay masasabing oo


at ang iba naman ay hindi, at iyon
ang ating tatalakayin sa araw na
ito.

C. Pagtatalakay

- Sa Artikulo IV ng saligang batas


ng 1987 ng Pilipinas, iniisa-isa rito
kung sino ang maituturing na
mamamayan ng Pilipinas.
- Pakibasa ang unang seksyon1
hanggang bilang (1).
-SEKSYON1. Ang sumusunod ay mamamayan
ng Pilipinas:
(1) Yaong mamamayan ng Pilipinas sa
panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas
na ito;

- Salamat!
- Ano ang naintindihan niyo sa
binasa ni______________? -(Di tiyak ang kasagutan)

- Ayon sa seksyon 1 bilang (1) sino


man ang isinilang sa panahon na
naipagtibay na ang saligang batas
noong Pebrero 2, 1987 ay
maituturing na mamamayan ng
Pilipinas.
- Ngayon pakibasa naman ang - (2)Yaong ang mga ama o mga ina ay mga
bilang (2) ng seksyon 1
mamamayan ng Pilipinas;

- Salamat!
- Maaari mo bang ipaliwanag kung
ano ang naintindihan mo sa
binasa ni ___________?
-(Di tiyak ang kasagutan)

- Sinasabi rito sa bilang (2) ng


seksyon 1 na kung ang iyong
magulang o isa lamang sakanila
ay mamamayan ng Pilipinas at
ikaw na anak ay isinilang dito sa
Pilipinas, ikaw ay maituturing na
mamamayang Pilipino.

- Naiintindihan ba mga bata?


-Opo ma’am

- Mahusay!
- Dumako naman tayo ngayon sa
bilang (3) ng seksyon 1
-
- Pakibasa nga _________. - (3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang
Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit
sa karampatang gulang; at

- Ipaliwanag mo nga kung ano ang


iyong naintindihan sa binasa ni
__________. -(Di tiyak ang kasagutan)

- Ayon sa bilang (3) mamamayan ka


ng pilipinas kung isinilang ka bago
sumapit ang Enero 17, 1973 at
ang ang iyong ina ay isang
Pilipino, ikaw na anak ay maaaring
pumili ng iyong pagkamamamayan
pagsapit ng iyong tamang gulang.

- Susunod naman ay ang bilang (4)


ng seksyon 1
- (4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa
- Pakibasa nga ito.
batas.

- Ano ang iyong naintindihan sa


binasa ni__________. -(Di tiyak ang kasagutan)

- Sinasabi sa bilang na ito na ikaw


ang mamamayan ng Pilipinas
kung qualipikado sa mga batas na
may kinalaman o nagpapatunay
sa pagkamamamayan ng isang
indibiduwal.

- Lilipat na tayo ngayon sa seksyon


2.

- Pakibasa nga ang seksyon 2. - Seksyon 2


Ang katutubong inianak na mga mamamayan
ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula
pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang
gampanang ano mang hakbangin upang
matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino.  Yaong mga
nagpasya na maging mamamayang Pilipino
ayon sa Seksyon 1, Talatataan 3 nito ay dapat
ituring na katutubong inianak na mga
mamamayan.

- Ano ang naintindihan mo sa


binasa ni __________.
-(Di tiyak ang kasagutan)

- Ayon sa seksyon na ito kung ikaw


ay isinilang sa pilipinas at ang mga
magulang mo ay mamamayang
Pilipino ikaw ay isang ganap ng
Pilipino, sa ingles ito ay tinatawag
na “Natural-born Citizen. Ito yung
mga mamamayan na hindi na
kailangan pang dumaan sa
proseso o anu mang hakbangin
upang mapatunayan ang kanilang
pagka-Pilipino.
-Opo

- Maliwanag ba?

- Mabuti naman, pakibasa nga ang -S EKSYON 3


seksyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring
mawala o muling matamo sa paraang
itinatadhana ng batas.

- Maaari mo bang ipaliwanag ang -(Di tiyak ang kasagutan)


kanyang binasa ni _________.

- Sinasabi sa seksyon 3 na kahit na


ikaw ay isang mamamayang
pilipino may pagkakataon na
pwede parin na mawala ito,
maaaring mas pinili mong iwan
ang iyong pagkamamamayang
Pilipino at maging mamamayan ng
ibang bansa. Pwede mo rin naman
makuha ulit ang iyong
pagkamamamayan ngunit may
proseso na kailangan pagdaanan
na nakaayon sa ating batas.

- Dumako na tayo sa susunod na


seksyon.

- Pakibasa nga ang seksyon 4. -Seksyon 4


Mananatiling angkin ang kanilang
pagkamamamayan ng mga mamamayan ng
Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalaim ng
batas, na nagtakwil nito.

- Ipaliwanag mo nga ang binasa ni -(Di tiyak ang kasagutan)


___________.

- Maraming pilipino na ang


nakakapag asawa ng dayuhan,
ganun pa man mananatili parin
ang kanilang pagkamamamayan
kahit na ikasal pa siya sa
dayuhan. Ngunit na sakaniya kung
susundin niya ang
pagkamamamayan ng kanyang
dayuhan na asawa.

- At ngayon naman pakibasa ang -Seksyon 5


huling seksyon. Ang dalawahang katapatan ng mga
mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang
batas.

- Maaari mo bang ibahagi saamin (Di tiyak ang kasagutan)


kung ano ang naintindihan mo sa
binasa ni___________.

- Salungat ito sa kapakanan ng


ating bansa dahil hindi sigurado
ang iyong katapatan. Kunwari ikaw
ay sumumpa ng katapatan sa
Amerika at sumumpa karin ng
katapatan sa ating bansa, ito ay
hindi pinapayagan sa ating bansa
sapagkat sa panahon ng gyera
hindi naman maaaring maglingkod
ka sa dalawang bansa, kaya labis
itong ipinagbabawal sa ating
bansa.

- Naiintidihan niyo mga ang seksyon -Opo


na ating tinalakay?

- Magaling!

- Kung ganon dadako na tayo sa


mga dahilan kung paano pweding
mawala ang pagkamamamayan
ng isang indibiduwal. Una rito ay
ang pag sailalim sa proseso ng
Naturalisasyon sa ibang bansa.

- Ano bang naturalisasyon? Ibahagi -(Di tiyak ang kasagutan)


mo nga saamin ang ideya mo ukol
sa Naturalisasyon.

- Ang naturalisasyon ay isang legal


na proseso na ginagawa ng
pamahalaan upang ang isang
dayuhan ay maging Pilipino.

- Pakibasa nga ang iba pang -Panunumpa ng katapatan sa saligang batas


dahilan ng pagkawala ng ng ibang bansa.
pagkamamamayan.

-(Di tiyak ang kasagutan)


- Ipaliwanag mo nga ang binasa
ni____________.

- Ang ibig sabihin nito ay kung sa


sarili mong kagustuhan ay
sumumpa ka sa saligang batas ng
ibang bansa nag papatunay
lamang ito na itinatakwil mo na
ang iyong pagkamamamayang -Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating
Pilipino. bansa kapag may digmaan.

- Pakibasa ang kasunod.


-(Di tiyak ang kasagutan)

- Ipaliwanag mo nga ang binasa


ni_________.

- Kung sa panahon ng digmaan at


tinalikuran mo ang iyong tungkulin
na sumali sa hukbong sandatahan
ng ating bansa para ipaglaban ang
ating bansa o kaya naman ay
kumampi ka saating kalaban na
bansa, yun ay isang malaking
kasalanan sa ating bansa na
magiging dahilan ng pagkawala ng
-Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
iyong pagkamamamayang
Pilipino.

- At ang huli, paki basa.


-(Di tiyak ang kasagutan)

- Maaari mo bang ipaliwanag ang


binasa ni _________?

- Kung ikaw isang Naturalisadong


Pilipino, at may nilabag ka na
kondisyon sa pagkanaturalisadong
Pilipino, iyon ay dahilan na para
mawala ang iyong pagiging
naturalisadong mamamayang -Opo
Pilipino.

- Naintindihan niyo ba ang mga


dahilan na ating tinalakay?

- At ang huli sa ating aralin, ang


dalawang prinsipyo ng -Jus Sanguinis
pagkamamamayan. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay
nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang
- Pakibasa nga ang unang mga magulang. Ito ang prinsipyo na sinusunod
prinsipyo. sa pilipinas.

-(Di tiyak ang kasagutan)


- Maaari mo bang ibahagi saamin
kung ano ang naintidihan mo sa
binasa ni_________.

- Ito ang tinatawag na “citizenship


by blood” ang ibig sabihin nito
kung ang mga magulang mo, o isa
lamang sakanila ay Pilipino at dito
ka ipinanganak sa pilipinas, ikaw
na anak nila ay mamayang Pilipino
pagkat ito ang prinsipyo na
-Jus soli o Jus loci
sinusunod saating bansa.
Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar
kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyo
- Ngayon naman pakibasa ang
na sinusunod sa America.
ikalawang prinsipyo.

-(Di tiyak ang kasagutan)


- Ano ang naintindihan mo sa
binasa ni__________.

- Sa prinsipyo naman na ito, kung


ang magulang mo ay Pilipino at
naninirahan kayo sa Amerika,
kapag ikaw ay isinilang maaari
kang magkaroon ng dalawang
pagkamamamayan, o maging
mamamayan ng Amerika lamang,
sapagkat ito ang sinusunod nilang
prinsipyo sa Amerika.
-(Wala na po)

- Mga bata meron pa bang


katanungan tungkol sa aralin natin
ngayon?

D. Paglalapat

Gumawa ng concept map ang bawat


grupo patungkol sa pagiging mamamayan
at pagkawala ng pagkamamamayan.

E. Paglalahat

- Ngayon sa ating aralin nalaman


natin kung ano ang mga legal na
proseso upang makuha mo ang
iyong pagkamamamayang
Pilipino. Natalakay natin ang
bawat na seksyon na siyang
nagbibigay ng karagdagang
kaalaman sainyo upang mapatu
nayan niyo na kayo ay Pilipino. At
ating ding inisa-isa ang mga
dahilan na pweding maging sanhi
ng pagkawala ng
pagkamamamayan na siyang
makakatulong upang gampanin
natin ang ating mga tungkulin
upang mapanatili natin ang ating
pagkamamamayan.

IV. Pagtataya

A. Punan ang patlang ng tamang mga salita upang mabuo ang pangungusap ng bawat
batas.

1. Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng_________.

2. Ang pagkamamamayang ________ ay maaaring mawala o muling matamo sa


paraang itinatadhana ng batas.

3. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang


__________ at dapat lapatan ng kaukulang batas.

4. Yaong mga isinilang bago sumapit ang ___________, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang.

5. Ang __________ inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng


Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano
mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang
Pilipino.

B. Magsulat ng 1 hanggang 2 lamang na taludtod tungkol sa pagbabago ng konsepto


ng pagkamamamayan. Gamitin ang likurag bahagi ng sagutang papel sa pagsulat.

- Kraytirya sa pagsulat:
5pts. – Nilalaman
10pts..- Kaugnayan sa aralin
5pts. – Tamang gamit ng mga salita
20 pts. – Kabuuan

V. Takdang aralin
Basahin ang konsepto ng lumawak na pananaw ng pagkamamamayan. At sagutan
ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang ipinagkaiba ng konsepto ng Ligal na pananaw sa Lumawak na
pananaw?
2. Ibigay ang mga katangian ng isang mamamayan sa Lumawak na pananaw?

Inihanda ni:

Annabelle N. Balbido
Gurong Nagpakitang - Turo

You might also like