You are on page 1of 14
ahaa ‘Botchan at ang Lupain ng Taglamig: Sulyap at Suri sa Pagsasaling Kros-Kultura| wing Dalawang Nobelang Hapones' Lifia F. Antonio at Florentino A. Iniego, Jr. Malaking papel ang ginagampanan ng pagsasalin upang pag-ugnay-Ugnayin angi ibang bansa. Dahil sa wika na siyang daluyan ng komunikasyon, kasabay ring in ing pagsasalin angimpluwensya ng banyagang kaalaman at karanasan sa pagitan nz yayoy bansa. Bunga nito, nagiging posible ang pagtatagpo ng magkakaiba at magkakabujos » wike at kultura, Sa larangan ng panitikan, higit na maintindihan ng mas nakararaming mambabay ang mga orihinal na akda ng isang bansa kung ito'y maisasalin sa iba't ibang wike, Any pagsasaling kros-kultural (cross-cultural translation) ang siyang tulay na nag-wugnay panahon, konteksto, at distansyang nakapagitan sa wika at kultura ng anumang bans Neunit sa kabila ng pagsisikap na ito, may isang panahon sa kasaysayan na uric ang mataas na pananalig 0 “pagluluklok s@ pedestal” ng orihinal na teksto. May panabo: rnanaig ang kasabihang “tagasaiin, salarin” sa paniniwalang nawawalan ng bisa ang isa orihinal na akda kapag ito'y naisalin sa ibang wika. Ang totoo, hindi alintana ng me manunulat ng naturang panahon kung orihinal 0 salin ang kanilang akda. Ngunt s: kasalukuyang kalakaran ng mga pag-aaral hinggil sa pagsasalin, hinahamon na ang “papia diyos” ng orihinal at sa kabilang banda, inizangat na ang halaga ng naisaling ckdc/teksto Sa madaling sata, umiiral na ang katauhan ng salin hindi bilang anino ng orihinal kund bilang isang panibagong akda na rin, Kaya sa halip na malitin at maging balakid, “malikhaing pwersa” sa direksyon ng pagsasalin ang iniluwal ng kasalukuyang paraion This power becomes the creative impulse of the translation, which escapes from the daily usage of language in the same measure as the original has done. The creative stylistic power of the original has to become visitle in the translation: it even has to regenerate itself as the ereative force of style inthe target language.” (Schulte and Biguenet 1992, 16; amin ang italixo) Makikita ang naturang direksyon ng pagsasalin partikular sa kasaysayan at kar ‘ng bansang Hapon. Sa panahon ng konserbatibong pamamalakad ng mee shose” panahon ng Edo (1603-1868); hindi pinahintulutang makapasok ang impluwens) wika at kulturang banyaga. Itinuring ang pagsasalin bilang “kaaway” ng “dal’siy panitikan” at naniniwalang ito ay banta sa kanilang kultural na identidad. Neus ® pagwawakas ng paghahari ng mga shogun at sa pagbabalik ng emperador sa panahong Meiji (1868-1912), ibinukas ng bansang Hapon ang kanyang pintuan sa mga Kanluraning taisipan. Ang yugtong ito sa kasaysayan ang itinuringna “gintong panahon ng pagsasaling pampanitiken” sa bansang Hapon, ‘Mapagtitibay sa karanasangito na hindi matatanggihan angkahalagahan ngpagsesalin bilang paraan ng paglinang sa sariling kabihasnan at pagoapekilala/pagpapalaganap ng banyagang Wika, kultura, at kaalaman, Lubhang kailangan ito sa pagbubuklod ng mga bansa at pakikipag-ugnayan sa global na sitwasyon ng daigdig Nilalzyon ng papel na ito na talakayin sa kabuuan ang mga usaping sangkot sa pagsasalin ng magkaibang wika at kultura, ilahad ang mga estratehiya sa pagsasaling kios-kultural at bigyang-halimbawa ang mg teknik na ginagamit dito. Pagbabatayan rng papel ang karanasan sa pagsasalin ng dalawang nobelang Hapones, ang Botchan ni Natsume Soseki na isinalin ni Lilia F. Antonio mula sa saling Ingles ni Alan Turney na may gayon ding pamagat, at ang Yukiguni ni Yasunari Kawabata na isinalin ni Rogelio Sikat bilang Lupain ng Taglamig mula sa salin sa Ingles ni Edward G. Seidensticker na pinamagatang Snow Country. Sulyap sa Uignayang Filipino at Hapones sa Kasaysayan at Panitikan Bago pa man sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. naitinuturing ng marami sa atin bilang malagim na pangyayaring naganap sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang Hapon, matagal nang nakikipag-ugnayan ang ating mga ninuno sa mga Hapones sa pamamegitan ng kalakalan, Nang maglaon nabahiran na rin ng kulturang Hapones ang kulturang filipino na makikita sa mga pagkain, pananamit, teknolohiya, at maging sa mga karanasang sosyal at historikal. Ang mga salitang Hapones tulad ng sashimi, kimono, Honda, dorobo, at Japayuki na naging bahagi ng ating bokabularyo ay mga katibayang linggwistiko na nagpapatunay sa ugnayang ito. Bagaman halos kalapit lamang natin sa Asya ang bansang Hapon, mapupunang higit na maraming akda mula sa Kanluran ang naisalin sa wikang Filipino. Dahil dito, mas nakapokus mula sa panitikang Kanluran ang kaalaman ng. ating mga mag-aaral sa halip na sa mga akda mula sa_karatig-bansa natin sa Asya. Bunga man ng ito “mis-edukasyon” sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, kung tutuusin maaaring maging higit na madali ang pag-aaral at pagsasalin ng mga akda mula sa ating mga karatig-bansa dahil kahit paano magkakalapit ang ating mga wika at kultura. Bilang tugon upang mailapit ang Asya sa kapwa niya Asyano, pinangunahan ng Solidarity Foundation, Inc. (0 mas kilala bilang Solidaridad) noong mga huling taon ng dekada ’80 ang mga serye ng pagsasalin sa akdang pampanitikan ng mga manunulat at intelektwal mula sa Asya.? Bahagi ng seryeng ito ang dalawang nobelang Hapones na Masaomi Kondo at Judy Wekabayash, Japanese Tiadon’ nasa Routledge Encyclpedie of Translation tudes, ee. Mona Bater (London: Routledge, 1988), 422. Tingnan dn ang J. F. Waksbayash, “Tansation Theory Japan: Fen Ideas or Fresh Insighs; nese XIV Wolé Congress ofthe FIT Precaedings: 744750 Siyebook para sa mga Tagapegsain, mihanda para sa Seiye sa Pagsesaln ng Soldaity Mania: Sidarty Foundation Inc. 1988) 1 Botchan ni Natsume Soseki at Snow Country ni Yasunati Kawabata. Nailimbag nama, sa seryengit kapagdaka sa tulong ng Toyota Foundation ang mga akdang kabilang sa seryengito noone ‘mga unang taon ng dekada '90. vas nara Ts Yt sa maraha: rysayan Kaya ngayon, hindi lamang sa kalakalan a! inagupunta ane usa Hapones at Fino kandi main 5 pamamaran3t rag bunga ng pagsasaling kros-kultural ng tagasaling Filipino upang aang Filipino ang wika at kultura ng bansang Hapon. Mga Estratehiya sa Pagsasaling Kros-Kultural Sa anumang gawain sa pagsasalin, mahalagang isaaang along a tatlong bagay: kasaysayan, wika, at kultura hindi lamang ng simulaang lengguwahe ( 2 undi maging rng tunguhang lengguwahe (Tl). Batay sa kansderasyong ito, may kani-kaniyang tugon iskolar sa karanasan nila sa pagsasalin. a ne oa mating lahat ma masalimuot na gawain ang pagsasalin. Kahit na akusahang “tagasalin, salarin,” may mga katotohanang dapat tanggapin ang kapwa tagasalin at mga nagbabasa ng akdang salin. Higit sa lahat, pinatunayan ng maraming iskolar ang pag. iral ng sitwasyong di-maisalin (untranslatability) ang ilang salita at konsepto mula sa orihinal na akda, \sa ito sa suliraning kinaharap ng mga tagasalin ng nobelang Hapones. Isang kongkretong halimbawa nito mismo ay ang pagsasalin sa pamagat ng nobelang Botchan, Ani Turney na nagsalin mula sa wikang Hapon tungo sa Ingles (sa pagkakasalin ni Lilia F. Antonio sa Filipino): Hindi maisasalin ang salitang botchan dahil rapakarami nitong ipinahihiwatig na kahulugan. tto'y isang anyo ng magalang na tawag sa mga batang anak na lalaki ng mga maykayang pamilya. Nahahawig ito sa lumang salitang Ingles na nangangahulugeng “ang batang panginoon.” Subalit bilang tanda ng kaliitan, nagpapahiwatig ito ng pagmamahal na wala sa wikang Ingles (maging s3 wikang Filipino} > (amin ang italiko) Hindi nalalayo rito ang sulianin ‘na Snow Country. Ang salitang sro wika: yelo at niyebe. Kapwa kong! ig kinaharap ni Sikat sa pagsasalin ng_ pam: w ay may dalawang posibleng katumbas sa ati kreto ang mga ito bagaman banyaga sa atin pi i Sikat bilang panumi sa “snow” sa loob mismo ng nobela ni i ang katagang “taglamig” bilang panumbas sa “snow.” Pagpapakahulugan sa mga pangunahing tauhan at ban Antorio, Botehan, 8 augnay sa mga Upang maresolbahan ito, isang estratchiya na mazaring magamit k ion” at “cultural suliraning kinakaharap sa pagsasalin ay ang modelo ng “cultural translati categories” na iminungkahi ni Peter Newmark.’ (1988'94-103; 1994: 73-75). Narito an punto de bista ni Newmark sa wika at kultura: Language is a substantial but partial reflection of culture, culture being defined here as the total range of activities and ideas and their material expression in objects and processes peculiar to a group of people, as well as the particular environment. (1994: 73 akin ang italiko) Para kay Newmark, masalimuot ang pagkakaiba ng kultura at wika: substansyal ngunit parsyal; total, pekulyar, at partikular. At mapapansin ito sa pagkakaiba sa pagitan rng “universal,” “cultural,” at "personal" na wika na siyang nagbabadya sa suliraning meaating kaharapin ng isang tagasalin sa pagbagtas at pagtawid sa iba't ibang wika: ie, ‘live,’ ‘star,’ ‘Pim,’ and even almost virtually ubiquitous artefacts like ‘mirror’ and ‘table’ are universals—usually there is no problem there. “Monsoon,” ‘steppe’ ‘dacha, ‘tagliatelle” are cultural words—there will be a translation problem unless there is a cultural overlap between the source and the target language (and its readership). Universal words such as ‘breakfast,” ‘embrace,’ ‘pile’ often cover the universal function, but not the cultural description of the referent. And if | express myself in a personal way—you're weaving (creating conversation) as usual,’ ‘his “underlife” (personal qualities and private life) is evident in that poem... —I use personal, not immediately social, what is often called idiolect, and there is normally a translation problem. (1988: 94, akin ang italiko) Binigyang-diin ni Newmark na kapag may pokus na kultural, may mga suliraning llitaw sa pagsasalin dahil sa agwat o distansyang pangkultura (cultural ‘gap’ or ‘distance’) ‘sa pagitan ng SL at TL. Inihanay rin ni Newmark ang mga halimbawa ng kategoryang kultural (cultural categories) at ispesipikong kultural aytem (cultural specific items) na dapat isaaalang- alang ng isang tagasalin: |) ecology (flora, fauna, winds, plains, hills: ‘honeysuckle, “downs, '‘sirocco,” ‘tundra,’ ‘pampas,’ tabuleiros (low plateau), ‘plateau,’ selva (tropical rain forest), ‘savanna,’ ‘paddy field’; 2) material culture (artefacts); 3) social culture-work nd leisure: ajah, amah, condottiere, biwa, sithar, aga, ‘reggae, ‘rock’; 4) organizations, customs, activities, procedures, concepts: political and administrative, rel dharma, karma, ‘temple. artistic: at 5) gestures and habits: ‘cock a snook.’‘spitting.” (1988: 95-103) Sa karanasan ng mga tagasalin ng Bibliya mula sa Summer Institute of Linguistics, ipinanukala ni R. Daniel Shaw ang modelo ng transculturation. Ang konseptong ito na Mig baiayeng konsepto sa pagsesalin ni Pele: Newmark. Baszhin ang Tosis Masteral ni Florentino A. iniego, J. Pagosbatk sa Pnaghaskarg-Linang Pagbubuo ng sang Mode ng Pagsasalng Kultura! Balay sa Sarsaritang Pangkanayuran ni Manuel Arpull,Tesis Maral (Klenyo ng Ate a Literatura, UP Dinan 2005) 57.58. lohiya na tumutukoy sa proseso ng acculturation (skulturasyon) o ang paz tangtn a agiipat ng mga linggwiste at kala cee ul nga isang konteksto. Ginamit din ito ng mga missiologist upang tukuyin bilang en: Product ng proseso ng pagsasalin ng Kristiyanismo tungo sa partikular na grupo ng mga tao Sa paglalapat nito sa konteksto ng pagsasalin, pinagbuklod ni Shaw ang konseptg rng antropolohiya sa mga prinsipyo ng pagsasalin. Ang transculturation ayon kay Shaw. is the entire process of taking into account all the cultural factors extant within a translation project (the culture and language of the source, the translator and the receptor) and noting what must be understood of each culture to ensure that the receptors can understand the message as a linguistic and eultural construct that makes sense.’ (amin ang italiko) Kapwa itinatagubitin ng mga estratehiya nina Newmark at Shaw na mahalagang tungkulin ng pagsasaling kros-kultural ang maging tagapamagitan sa mga saklaw 9p hangganan ng mga katangiang kultural ng simulaing wika tungo sa target na wis Masaklaw at masalimuot nga ang pagsasalin, keya't mahalagang matukoy natin ang mgs Partikular na aspektong dapat pansinin sa proseso ng paglalapat ng mga estratehiyarg nabanggit. Mga Konsiderasyong Linggwistiko at Kultural sa Pagsasalin 2 partikular, dapat isaalang-alang ng sinumang tagasalin ang dalawang bagay na taglay ng isang wika at kultura. Pagpapalawig ito sa binabanggit ni Newmark na culture specific items at mga linguistic at cultural construets ni Shaw. Una tito ang aspektong linggwistiko na may kinalaman sa bokabulatyo, idyomatikong pahayag, at gramatikal na estruktura. At ikalawa, ang mga karanasen at tumbasang konseptuwal_na_kumakatawan sa kani-kanilang kultura, Alalahanin fa magkougnay ang wika at kultura, at ang wika ang daluyan upang maipzhayag ang kultural na identidad at paniniwala ng isang tao, lah, o etnisidad maging ng kaarsn na matutunghayan sa isang akdang isinasalin, Nagiging matagumpay ang salin ng orhinal tungo sa isang wika kapag batid ng j2éesalin ang mga tumbasan at pagkakaiba sa wika. Halimbawa, ang sa kaso ng nobelang jraw Country ni Kawabata, isinalin sa wikang Ingles ang oshire bilang “small house” Neunit pagdating sa wikang Indonesian. isinalin ito bilang katumbas ng “toilet "* Maging ang pagsasalin ng yukata bilang summer kimono ay hindi eksaktong tumutukoy sa bagay Bg te Stam Transcuturaten: Perspective, Process, nd Prospect Notes on Tanslaton no, 8, (1084)45. 9.46, ares M Vardaman, “The Publsting Envronment for Tanlation of Japanese Ficon in English? nasa Japanese Sides Around the Werd 2004 ~ Obserengapan From Win, Perspocive f Solaars Paar Japan et ames . Baxter (Kyo nlematonel Research Center or laparese Studies, 2008) 7 na tinutumbasan nite.’ Napakasensitibo nito sa wika at kulturang Hapones at tanda ng isang mapanganib at di-matagumpay na pagsasalin Kaya't dumulog tayo, ihanay at paghambingin ang iba't ibang wika at kultura upang maunawaan at mapagyaman ng mge tagasalin ang mga pamamaraan sa pagsasaling kros-kulturak” A. Bokabularyo Sa_wikang Ingles, may pagkakaiba sa salitang taboo at sin, Ngunit sa ‘mga etnolingguwistikong grupong Senoufu ng Africa, iisa lamang ang termino nila ukol dito: kapini taboo. Para sa mga Senoufu, taboo o bawal makita ng isang lalaki na nananahi ang kanyang asawa o sumipol ang isang lalaki habang nnagtatrabaho sa bukid maliban na lang kung siya'y nagpapahinga. Ang paglabag ng mga Senoufu sa mga nabanggit ay malapit sa sin o kasalanan sa Kristiyanismo, ngunit may pagkakaiba sa usapin ng pag-uugali. Para sa mga Senoufu, ang mga sinful o makasalanang bagay sa Kristiyanismo tulad ng pakikiapid, pagsisinungaling. 0 pagnanakaw ay tinatawag na silegebafeebi 0 “without-shame-people” o mga taong walanghiya, B. Idyomatikong Pahayag ‘Ang mga idyoma ay mga lipon ng mga salita © pahayag na ang kahulugan ay labas sa literal na kahulugan ng mga salita. Karaniwan itong bukambil ‘ng mga Filipino sa araw-araw na pakikipag-usap tulad ng “guhit ng kapalaran™ (buhay na itinakda) at “ginintuang puso” (maawain o kahandaang tumulong sa iba). Ngunit magiging kakatwa sa pagsasalin kung ang idyomang Ingles na “The spirit is willing but the flesh is weak” ay isasalin sa wikang Ruso na “The vodka is good but the meat is rotten.” Tulad din ng komersyal na islogang “Things come alive with Pepsi,” na ang salin sa wikang Aleman ay “Pepsi can pull you back from your grave.” C. Gramatikal na Estruktura Dapat mabatid na sa gramar ng ‘wikang Filipino ang panghalip natin ay walang pagtatangi sa kasarian at kabaligiaran ang estruktura ng ating Pangungusap (panaguri + simuno) kung thahambing sa wikang Ingles (simuno + panaguri). Sa wikang Hapones. walang katapat na panturing sa kailanan ‘ng count nouns (bato, araw) at mass nouns (asukal, payo) kung ihahambing ~ sa wikang Ingles. Kaya sa salin sa Ingles, lilitaw ang ganitong pahayag sa wikang Hapones na tulad ng “much shoes” o “many patience.” Gayundin, ang pandiwa sa wikang Filipino ay nasa simula ng pangungusap samantalang sa wikang Hapones ay nasa dulo ng pangungusap. "James Hob, “Bing the Curl Dive Level Barre and TrarclatonStotogibe ih Eogieh Tendon of Modern Japanese irate Transition Joural 8, no. 2 (Apt 2004:2. ‘nq mga heimbawa ng tavid-saing paghahanbing ng wika at ultra sa bahaging i> m9 papel ay hinango sa “Language and Cuture: Words ané Meanings’ nasa Communication Betwoon Culture (Ath ed) nna Lary Samovat at Richard E Porter (Wadsworth: Australia, 2000), 149-15 D. Karanasang Kultural Sa librong Amae no Kozo (Ang Istruktura ng Amae) ni Takeo Doi, tinalakay ng awtor ang isang natatanging paraan ng pag-isip at pakikiugnay ng mg, Hapones." Ang amae sa kulturang Hapones ay isang pagpapahalagang malapy sa konsepto ng utang nat loob at pakikisama ng mga Filipino. Ayon sa salaysay ni Doi Bago pa lamang ako sa Amerika nang dumalaw ako sa bahay ng isang ipinakilala sa akin ngisang kaibigang Hapones. Nakikipag-usap ako sa kanya nang bigla niya akong tanunging. ‘Nagugutom ka ba? May ice ‘cream kami rito kung gusto mo.’ Medyo nagugutom nga ako noon pero sa diretsahang pagtatanong sa akin kung ako'y nagugutom nang isang noofi ko lamang dinalaw, hindi ko ito maamin, at tumanggi na lamang, Siguro ay inasam kong pilitin pa niya ako: pero ang dinalaw kong maybahay, pagkaraang may pagkabigong sabihing ‘Gayon ba? ay tumahimikna, at ako nama'y nanghihinayang na hindi ako sumagot nang tapat. Naiisip kong ang isang Hapones ay halos hindi kailangang magtanong sa isang dayuhan kung siya'y nagugutom, at sa halip ay maghahain sa kanya ng anuman nang hindi na nagtatanong pa." Tipikal dinito sa kaugaliang Filipino kung dinadalaw ng sinumang panauhin, ina rin siya magtatanong pa at tiyak. buong siglang maglalabas aged ng mga naka-estanteng baso't kutsara at maghahanda na ng anumang paghsin at inumin. Kung matiyempuhan namang kumakain ang buong pat ay magdaragdag na lamang ng silya't pinggan at siya’y kasalo na. Sa ganitong pagkakataon, karaniwang bukal sa puso at hindi pabalat-bunga lamang ang pag-aalok. Nakaugat na sa pagkatao at ugaling Pilipino ang pagsisikap na mapaialim ‘ang pakikiugnay sa kapwa, maging sa anyo ng pagsisilbi ng pagkain o dili kayay aglahok at pagsama sa mga gawain ng iba dahil sa pakikipagkaibigan. Patibay dito ang mga salitang gaya ng “pakikitungo,” “pakikisalamuha,” “pakikilahok “pakikibagay.” “pakikisama,” “pakikipagpalagayang-loob,” “pakikisangkot” st “pakikiisa” na sumasalamin sa ating pagkilos alinsunod sa atas ng mabuting 2sil © di kaya'y pahiwatig ng lubos na pagmamahal, pagkaunawa, at pagtanggap s3 iba. Di pa dito nagtatapos ang paglalahad ni Doi sa naiibang pamamaraan ng pakikitungo ng mga Hapones at Amerikan, Patuloy niya "Sinipi mula sa“Ang Papel ng Kros-Kultural na Pananalisik sa Pag-unlad ng Skolohiye rg Wikong ilone. Sitootiya ng Wikang Flpno (Mge Simuiai, Pamamaraan atNielamar), mga e. Lila F Antonio, atLigoya 1 iO. (Quozon Ciy: C&E Publishing, In. 2003, 76.7, fd p10. Hindi totoo na hindi kailanman itinatanong ng isang Hapones ang ‘gusto ng kanyang bisita. Gayunman, kailangang magkapalagayang- loob na sila bago tanungin ng isang Hapones kung gusto ng panauhin ang isinsilbi sa kanya, Sa halip, ang kaugalian sa pagsisilbi sa isang panauhing hindi matalik na kaibigan ay paghahain ng isang bagay kasabay ng pagsasabing “Baka hindi ninyo ito maibigan, pero...” Sa kabilang banda, buong pagmamalaking ilalarawan pa kung minsan ng, isang Amerikanong maybahay kung paano niya niluto ang ulam, na inihahain niya nang wala ng iba pang pagpipilian. bagama’t binibigyan niya ng kalayaan ang kanyang mga bisitang pumili ng inumin bago. © pagkatapos nilang kumain. Ito'y talagang kakaiba para sa akin. Kaugnay nito, ang “bahala ka nang kumuha” na madaias gamitin ng ‘mga Amerikano ay hindi ko gaanong nagustuhan noong unang hindi pa ako sanay sa paraan nila ng pag-uusap. Totoo, ang kehulugan lang nito'y “huwag kang mahiyang kumuha ng anumang maibigan mo,” pero kung ito'y literal na isasalin, ito’y parang nagsasabi na “walang ibang tutulong sa iyo.” at hindi ko maintindihan kung paano ito naging ekspresyon ng kabutihang-loob. Hinihingi ng sensibilidad ‘ng mga Hapones na sa pag-aasikaso sa mga bisita, ang maybahay ay rmatutong makiramdam sa anumang kinakailangan at siya mismo ang “tutulong” sa kanyang mga bisita,” Nepakapamilyar, di po ba? Ang mga Filipino ay mas sanay sa pakikiram- dam at pakikibagay kaya't waring napakadali para sa atin ang pagtantiya kung ano ang magugustuhan ng sinumang panauhin. E. Tumbasang Konseptuwal Dapat ding isaalang-alang ang antas ng mga tumbasang konseptuwal. Halimbawa nito ang konsepto ng pag-ibig o pagmamahal sa kulturang Ingles at Espanyol: Matinding damdamin ang ipinapadama ng salitang to love ng wikang Ingles. Sa wikang Espanyol, dalawang pandiwa ang kaugnay nito: te amo at te quiero. Te amo ay tumutukoy sa pag-aalay ng pagmamahal o pag-ibig sa pagitan ng magulang at anak 0° sa pagitan ng dalawang tao na __ hindi kinakailangang magkasintahan. Te quiero ay maisasalin sa literal na | want "Doi, 12 you, na nangangahulugan ng pag-zangkin, isang konseptong hindi taglay ng Pahayag sa Ingles na! love you. Karaniwang ginagamit upang ipahayag ang pagmamahalan ng dalawang tao, ang te quiero ay matatagpuan sa pagitan ng | love you at I like you ng wikang Ingles. Botchan at Lupain ng Taglamig: Isang Pagpapakilala Ang Botchan ay isang nakatatawang istorya tungkol sa pagrerebelde ng isang kabataang guro laban sa sistemang umiiral sa isang eskuwelahan sa probinsiya. Bagaman maikli lamang ang nobela, napamahal ito sa mga Hapones dahil sa angkin nitong kariktan ‘Ayon nga kay Alan Turney, ang nagsalin ng Botchan sa Ingles: [IMjanipis ang balangkas ng nobelang ito at maaaring (pagtakhan] kung ano ang naging pang-akit nito sa mga Hapones. Totoong simple lang, ang kuwento. Totoo rin na luma na ang katatawanan. Subalit nananatili ang pang-akit nito sa mga Hapones. Bahagi ng atraksiyong ito ay nasa kahusayan ni Botchan na malagpasan ang bawat sakunang dumarating sa kanya. Hindi siya nangingimi sa mga tao at sa mga kumbensiyon. Dahil dito'y napamahal siya hindi lamang sa makabagong Hapones kundi maging sa mga mambabasa, may animnapung taon na ang nakalilipas." Samantala, tungkol naman kina Shimamura, isang lalaking halos walang pakialam sz mundo at sa damdamin ng mga tao sa kanyang paligid, at Komako, isang batambatang geisha na umibig kay Shimamura kahit walang inaasahang katugunan, ang nobelang Lupain rng Toglamig. Itinuturing itong isa sa pinakamahusay na nobela sa modernong penahon ng literaturang Hapones. Ang may-akda nitong si Yasunari Kawabata ay pinagkaloobay rng Nobel Prize sa Panitikan noong 1968. Itinuturing ni Edward G. Seidensticker, ang nagsalin ng naturang nobela sa Ingles, nz obra maestra ni Kawabata ang naturang nobela, Aniya Marahil ay ang [Lupain ng Taglamig] ang obra maestra ni Kawabata. Natagpuan niya sa kuwento ng pag-ibig ni Shimamura ang ganap na simbolo ng pagkakamit ng pag-ibig. Kay Komako at s2 malabong kagandahan ng lupain ng yelo, nakita riya ang mga akmang talinghaga para sa mga kislap ng haiku na magpipinta ng gayong pagkakait. Sa huling pagsusuri, ang tagumpay ng nobela ay isang pagpapatunay mismo sa ipinagkakait na pagkatao. Yamang naipakilala na natin, kahit na pahapyaw lamang. maaari na nating simulan ang pagsusuri sa mga salin ng dalawang nobela ‘Mga Teknik sa Pagsasaling Kros-Kultural Bilang patnubay sa pagsasalin ng Solidarity, nakasalig sa pagpapaunlad ng wikang Filipino ang proyektong pagsasalin ng dalawang nobelang Hapones. sinusunod 32 pangkalahatan ang tuntunin ng idyomatikong pagsasalin—isang tuntunin sa pags ma nakabatay sa kahulugan (meaning-based) kaysa sa_salita-sa-salitang tumb2sa° Lila Antonio, sali. Botchan|Nania: Scdarity Foundation, Ine, 1991, 9. Rogelio Skat, sain. Lupain ng Taglamig (Manila: Solidarty Foundation, Inc, 1994), € Stfebook para sa mga Tegapagsalin, a partikular, pinanatili ang mga salitang banyage o mga culture loaded na salta upang ‘mapadulas ang pagsasalin at magkaroon ng dimensyong kultural ang salin sa Filipino." Saartikuiong “Bridging the Cultural Divide: Lexical Barriers and Translation Strategies in English Translations of Modern Japanese Literature” ni James Hobbs. tinalakay niya ang ilang_estratehiyang magagamit sa pagsasalin ng mga akéang nakaugat sa kulturang Hapones. Kabilang dito ang mga sumusuinod: |) panghihiram: 2) panghihiram kalakip ang talababa; 3) depinisyon sa loob ng teksto: at 4) “dekulturalisasyon” ng salitang Hapones.” Isa-isahin natin ang mga hakbanging nakapaloob dito sa pagsusuri ng sain 1g dalawang nobela, ‘A. Panghihiram Kapansin-pansin sa_mga isinagawang salin nina Antonio a Skat ang pagpapanatili sa mga “culture-loaded” na salta uparg mapadulas ang pagsasalin at mapanatili ang dimensyong kultural ng akda. Halimbawa, pinanatli ni Antonio ang mga salitang Hapones gaya ng “sonin” (p. 42): “goruki” (p. 58): “shiruko” at ‘o-zoni” (p. 92): “sumo” (p. 95): “haiku” (0. 98): “jujtsu” (p. 107): “setomono.” “imari-ware.” “haori.” at “hakama”(p. 109): “samisen’ (p. 114): at marami pang iba Gayundin, sa salin ni Sikat ay pinanatii ang mga saltang “geisha” (16). “kotatsu” (p. 16), “samisen” (p. 17, 29), “kimono” (p. 69), “obi” (p. 18): “akebi* (p. 79), at Chijimi (p. 94). Maitatanong natin: Bait kinakailangang hiramin at panatilihin ang mgs naturang salta? Sapagkat kapag isinalin natin ang mga ito sa wikang Filipino, magiging malayo ra o higit pa, magiging iba na ang kahulugan ng mga ito sa tunay nilang kahulugan. unin nating halimbawa ang “geisha.” Hindi natin maaaring sabihing katumbas ito ing “puta” sa ating salita. Makasasakit ito sa damdamin ng mga Hapones sapagkat ‘mahaba ang kasaysayan at posisyong panlipunan ng mga “geisha” sa kanilang bansa. Kung gayon, hindi natin dapat isantabi ang mga ganitong konsiderasyong kultural sa pagsaselin. Sa kabilang dako mula sa salin sa wikang Ingles, kapansin-pansin ang panghihiram ni Sikat ng mga salitang Ingles sa kanyang isinaling akda. Kabilang dito ang “station master” (p. 1), “skiing” (p. 15), “cocoon” (p. 16), “diary” (p. 30}, “persimon” (p. 37), “ashtray” (p. 45), “cedar” (p. 58), “dandelion” (p. $8), at “balcony” (p. 100). Gayon din ang panghiniram ni Antonio ng mga salitang Ingles gaya ng “badger” (p-31), “porcupine” (p. 31), “middle school” (p. 35), “scroll” (p. 37), at “rickshaw” (© 22), at iba pa Panghihiram Kalakip ang Talababa May mga implikasyon ang tuwirang panghihiram ng mga dayuhang salta Unang-una, kinakailangang mag-isip ang tagasalin ng mga paraan para maunawaan James Hobbs, 9. ng mga mambabasa sa target na wika ang mga salitang nabanggit sa naunang bahay ng papel. Ang naging teknik ni Sikat kaugnay ng tuwiran niyang panghiiram gy 4, pamamagitan ng paggamit ng talababa 0 footnote. Lalagyan ng nagbabagang uling, may takip na balangkas na kahoy at isang makapal na kumot. Bagama't ang napapainitan lamang nito ay kamay at paa, ang kotatsu lamang ang kasangkapang pampainit sa ordinaryong bahay ng Hapon, (Tala: Sa kasalukuyang panahon, bombilyang de-kuryente ang nagpapainit sa kotatsu, at mayroon na ring heater at electric blankets.) Kotatsu: Kabuki: Isang pormal na uri ng drama ng Hapon na may pantomine, sayaw at kanta, at mga lalaki lamang ang gumaganap Isang instrumento sa pagtugtog, kamukha ng banjo ngunit tatlo ang bagting Ngunit may ilang paalala ukol sa naturang estilo ng pagtatalababe ayon kay Hobbs: Footnotes, however, are perhaps typical more of academic writing than of a novel. In novels, it is not just semantic correspondence that matters, and the reader is likely to become irritated if constantly forced to pause in mid-sentence and consult footnotes.'* Para sa mga nobela o sa iba pang anyo ng akdang pamanitikan, dapat tandaan ‘ng tagaselin na hindi lamang ang semantikong tumbasan ang mahalaga kundi p2ano mapapanatili ang interes ng mambabasa. Ipinapalagay ni Hobbs na ang tanzing magkakainteres sa isang tekstong tigib ng mga dayuhang tetmino na nilakipan ng talababa ay ang mga estudyanteng _gumagamit sa salin bilang gabay sa pag-un2w2 sa orihinal na teksto. C. Depinisyon sa Loob ng Teksto Sa gayon, ang opsyong magagamit ay ang paglalagay ng_paliwanee at/o deskripsiyon ng salitang hiram kasunod 0 sa unahan agad nito, gaya re pamamar

You might also like