You are on page 1of 5

COLLEGE OF EDUCATION

Maharlika Highway, Brgy. Bitas, Cabanatuan City, Nueva Ecija


044-464-3300 local 117

Mala-masusing Banghay-Aralin para sa Baitang 9

“Mga salik na nakakaapekto sa Demand”

Sa bahagyang katuparan

ng kahingian sa

Pinal na Demonstrasyon

para sa Teacher Certificate Program

Medyor sa Araling Panlipunan

Ni

Marieta I. Corpuz

TCP-3

Ika- 05 ng Oktubre, 2019


Mala-masusing Banghay-Aralin

Baitang 9

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng 45 na minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natatalakay ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng
demand;
b. napahahalagahan ang matalinong pag-uugali sa pagbili ng mga
pangangailangan;at
c. nakagagawa ng ibat-ibang presentasyon patungkol sa mga salik
na nakakapekto sa demand

II. PaksangAralin

Paksa : Mga salik na nakakaapekto sa Demand

Sanggunian : Kalakaran sa ekonomiks-Hermina Flores,Jerick


Ferrer

Kagamitan :Powerpoint presentation,Laptop,LCD,Kartolina,


Pentelpen

Kahalagahang Moral : Pagiging matalino sa pag didisesyon sa pag bili

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagtatala ng Liban
 Pagsasaayos ng Silid-aralan
 Patakaran
B. Balik-Aral
 Ano ang Demand?
 Ano and Demand schedule?
 Ano ang batas ng Demand?

C. Pagganyak
(Tell me, tell me)
 Magpapakita ng mga larawan ng pangunahing okasyon o
selebrasyon
Pasko ,Bagong Taon,Araw ng mga puso,Araw ng mga
patay,
Balik-eskwela
 Ano ang karaniwang binibili sa mga okasyong nasa
larawan?

D. Pagtalakay sa Aralin
 Batay sa mga larawang ipinakita sa presentasyon ano kaya
ang tatalakayin natin ngayong araw?
 Ano ang likas sa ating mga Pilipino pagdating sa
pagdiriwang ng mga okasyon?
 Sa inyung sariling opinyon,bakit sinasabing ang
populasyon ay potential market?
 Kailan nagaganap ang tinatawag na panic buying?
 Ano ang karaniwan ninyong napapansin kapag may
bagong produkto sa merkado?
 Ano ang kadalasang ginagawa ng mga mamimili kapag
wala o di kaya naman ay nagtaas ng presyo ang mga
produkto?
 Bilang isang estyudante saan ka madalas kumain?
 Kung ikaw ngayon ay nagtatrabaho na at kumikita ng
malaki saan ka naman maaring kumakain?

E. Paglalapat
 Hahatiin ang klase sa tatlong grupo.
 Ang bawat grupo ay may kanya-kanyang gawain.
 Pagkatapos ganapin ng bawat grupo ang kanilang gawain
ay huhulaan ito ng ibang mga grupo at bibigyan nila ito ng
pakahulugan.
 Ang pangkatang gawain ay bibigyan ng iskor ayon sa mga
sumusunod na pamantayan:

Malikhain-40%

Malinaw-30%

Angkop-30%
Unang Pangkat: Sa pamamagitan ng pag-arte ipapakita nila
kung paano nakakaapekto ang panlasa sa pagbabago ng
demand.
Ikalawang Pangkat: Sa pamamagitan ng pagtalakay sa paksa
ipapaliwanag nila kung paano nakakaapekto ang Okasyon sa
pagbabago ng demand.
Ikatlong Pangkat: Sa pamamagitan ng paggawa ng hugot lines
ipapakita nila kung paano nakakaapekto ang kita sa pagbabago
ng demand.

F. Paglalahat
 Sa inyong palagay,ano ang nais ipahiwatig ng kasabihan?
 Sa iyong sarili,gaano kahalaga ang pagtitipid,pagpaplano
ng bilihin at pagba-budget ng pera?
 Ano ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng
Demand?
G. Pagtataya

Salik na NakakaaPekto sa Demand

Panuto: Isulat ang P kung panlasa, K kung kita, PreKaKa kung


presyo ng kahalili o kaugnayan na produkto, BiMa kung bilang ng
mamimili at InaMa kung inaasahan ng mga mamimili ang tinutukoy na
salik na nakakaapekto sa pagbabago ng demand sa mga sitwasyon.

_________1. Mahal ang kilo ng baboy kaya manok na lamang ang aking
bibilhin.

_________2. Magiging mahal ang presyo ng mga bulaklak sa susunod na


lingo kaya bibili na ako ng marami neto.

_________3. Dinumog ng mga mamimili ang tinda ni aling Rose.

__________4. Mag-iipon ako ng pera para makabili ng bagong cell


phone.

__________5. Yes! Bagong sahod ni papa kaya bibili kami ng ice cream.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga katawagan na tinutukoy.


Isulat ang sagot sa patlang.

Complementary Goods Populasyon


Diminishing Marginal Utility Inferior Goods
Substitute Goods Ekspektasyon

1. Prinsipyo na nagpapaliwanag ng unti-unting pagkasawa sa


pag konsumo ng isang uri ng produkto.
2. Produkto na hindi tumataas ang demand sa mga ito kahit
tumaas ang kita ng tao.
3. Ito ang nagsisilbing potential market ng bansa.
4. Produkto na magkasabay na kinukonsumo.

5. Mga produkto na pamalit sa produkto na dati nang


kinukonsumo

IV. Takdang-Aralin

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga uri ng Price elasticity of demand.


1. Elastic
2. Inelastic
3. Unitary o uri ng Elastic
4. Perfectly elastic
5. Perfectly Inelastic demand

You might also like