You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MUNICIPAL TRIAL COURT


Municipality of Sta. Maria
Province of Bulacan
THIRD JUDICIAL REGION

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,


Complainant,

-versus- CRIM. CASE NO. 12-267-17


FOR: Unjust Vexation
EMELIA NAYVE,
JESUS NAYVE and
JEFFREY NAYVE
Accused.
x------------------------------------------x

The testimony of the accused JEFFREY NAYVE, through the following Judicial
Affidavit, is being offered for the following purpose:

1. To prove that JEFFREY NAYVE and the other accused did not curse and
shout cuss words, threaten, harm or vexed the private complainant ALPEO
SP ENRIQUEZ;
2. To prove that JEFFREY NAYVE and the other accused did not even attempt
to engage ALPEO SP ENRIQUEZ even into a verbal fight;
3. To prove that it was ALPEO SP ENRIQUEZ who started the verbal
argument and even cursed, insulted and threaten the herein accused.

JUDICIAL AFFIDAVIT

Ako si JEFFREY NAYVE, nasa hustong gulang, may asawa, kasalukuyang


nakatira sa 195 Buenavista, Sta. Maria, Bulacan accused sa kasong ito, matapos
manumpa ng naayon sa batas ay kusang loob at boong katotohanan na nagsasalaysay
ng mgasumusunod:

PAUNANG PAHAYAG

Na ayon sa A.M. No. 12-8-8-SC, na nag-aatas sa paggamit ng pang-


hukumang salaysay na magsilbing direktang eksaminasyong salaysay ng isang saksi.
Ang salaysay na ito ay puwedeng gamiting basehan ng kabilang kampo sa pag cros-
eksaminasyon sa nagsasalaysay. Aking isinagawaang pang-hukumang salaysay na ito
sa pamamagitan ng isang tanong at sagot na ayos;

Ako ay siniyasat ni Atty. Ariel C. Alvarado na may opisina sa 432 Caysio, Sta.
Maria, Bulacan. Ang pagsisiyasat na ito ay ginawa sa nasabing opisina sa wikang
Filipino. Sinagot ko ng makatotohanan ang kanyang mga katanungan, at ipinaliwanag
niya sa akin na ako ay sumusumpa at kung ako ay magsisinungaling ay maaari akong
makasuhan ng “perjury” o “false testimony”.

TESTIMONYA:

T1: Magandang Hapon po. Ikaw po ba ay si JEFFREY NAYVE, isa sa mga akusado
sa kasong ito?
S1: Opo.

1
T2: May relasyon ka ba sa sa kapwa mo akusado na sila Jesus Nayve at Emelia
Nayve?
S2: Opo, sila po ay aking mga magulang.

T3: May naalala ka bang ginawang dokumento na may kinalaman sa kasong ito?
S3: Opo, may ginawa po akong Sinumpaang Kontra Salaysay na aking ipinasa sa
piskalya.

T4: Meron ako dito na ipapakitang dokumento na may titulong Sinumpaang


Kontra Salaysay na akin nang minarkahan na Exhibit “4”, maari mo ba itong
tignan at sabihin kung ano ang kinalaman nito sa dokumento na inyong
nabanggit?
S4: Yan po ang aking ginawa na Sinumpaang Kontra Salaysay na aking ipinasa sa
piskalya.

T5: Sa huli nitong pahina ay mayroong lagda sa ibabaw ng pangalang JEFFREY


NAYVE na akin nang nilagyan ng braket at minarkahan ng Exhibit “4-A”,
maari mo ba itong tignan as sabihin kung kanino itong lagda?
S5: Sa akin po yang lagda na iyan.

T6: Pinapatunayan mo ba na ang nilalaman nito ay pawang katotohanan lamang at


walang sinuman ang nagturo, nanakot o nag impluwensya sa pagawa nito?
S6: Opo, pinapatunayan ko po.

T7: Maari mo bang isalaysay sa akin kung ano ang totoong nangyari noong April
12, 2017 ng mga bandang 2:30 ng hapon?
S7: Opo. Noong April 12, 2017, sa ganap na 2:30 ng hapon, ako po ay
nagpapahinga sa aming bahay sa kadahilanang puyat at galling po ako sa
straight duty sa aking trabaho bilang isang security guard. Bigla na lang po
akong naalimpungatan at tuluyang nagising sa kadahilanang may narinig po
akong ingay at isang pagtatalo.

T8: Nang marinig moa ng naturang ingay, ano ang sumunod na nangyari?
S8: Bigla po akong bumangon dahil sa pamilyar po ang boses ng isa sa mga
nagtatalo at iyun po ay ang boses ng aking ina, si EMELIA NAYVE.

T9: Ano ang sumunod na nangyari kung meron man?


S9: Pagkabangon kop o ay dali kong pinuntahan ang lugar kung saan ko narinig
ang naturang pagtatalo kung saan nakita ko nga po ang aking ina na
nakikipagtalo sa isang lalaki na aking nakilala na si ALPEO SP ENRIQUEZ.

T10: Ano ang sumunod na nangyari?


S10: Nilapitan kop o sila at kinausap si ALPEO SP ENRIQUEZ upang paki-usapan
na tumigil na sa pagsisigaw sa aking ina dahil ako po ay nag-aalala nab aka
atakihin sa puso ang aking ina.

T11: Pagkatapos mo syang pakiusapan, ano ang sumunod na nagyari kung meron
man?
S11: Patuloy pa din po syang nagsasalita ng masasama at nagmumura kahit pa nang
umalis na ang aking ina sa naturang lugar. Minabuti ko na din pong umalis
subalit patuloy pa din po ang pagsigaw at pagmumura ni ALPEO SP
ENRIQUEZ ng mga katagang, “Putang ina nyo mga dayo lang kayo dito” at

2
mga kataga ng panghuhusga niya sa amin at pasigaw din sinabi na, “Ang mga
katawan nyo mga baboy kayo”.

T12: Ano naman ang naging reaksyon mo matapos mo marinig ang mga naturang
kataga, kung meron man?
S12: Hindi ko nap o sya pinansin nun at inawat na din po ako ng aking asawa at
tatay ko at sa kadahilanang nakakahiya na din po sa mga taong nakakakita at
nakakarinig.

T13: Wala ka na bang sinabi sa kanya matapos nun?


S13: Wala na po, kase sinabihan na din po ako ng aking ama at asawa na wag na din
makipagtalo sa kanya at nakakahiya na po. Kaya nga po walang katotohanan
na sinabihan ko daw sya na kakatayin ko daw po sya dahil wala naman po
akong sinabi na ganoon.

T14: Meron ka pa po bang nais idagdag?


S14: Wala na po.

T15: Handa ka na po bang panumpaan at lagdaan ang Judicial Affidavit na ito?


S15: Opo. Akin pong pinanunumpaan na ang lahat ng salaysay dito sa Judicial
Affidavit ay pawing katotohanan lamang at batay sa aking personal na
kaalaman patungkol sakaganapang nakasaad sa itaas.

T16: Pinatutunayan mo rin ba dito na ang mga nakalakip na kopya ng mga


dokumento dito ay tunay at totoong kopya ng mga original na dokumento na
pinapatunayan nito?
S16: Opo.

JEFFREY NAYVE
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me on ____________ at


________________ by the above Affiant, who exhibited to me her
_______________________________________ as competent evidence of his identity.

Doc No. __
Page No. __
Book No. ___
Series of 2020

I attest and certify that I have personally examined the Affiant; that I have
faithfully recorded or caused to be recorded the questions asked of the affiant and the
corresponding answers given by the affiant; that I did not or any other person present
during the taking of the statement coach the affiant regarding the answer given by

3
him; that the affiant understood the questions and voluntarily gave the answers
herein.

ATTY. ARIEL C. ALVARADO


Affiant
IBP No. 51310

SUBSCRIBED AND SWORN to before me on ____________ at


____________________ by the above Affiant, personally known to me and who
exhibited to me his IBP ID, indicated below his name and signature, as competent
evidence of his identity.

Doc No. __
Page No. __
Book No. ___
Series of 2020

You might also like