You are on page 1of 2

PASKO NG PAG-ASA [Alternate Ending]: NAKULONG SA KABALIWAN

Aiman Zylle R. Mosot | XI - Euclid

Note:
Sir, paumanhin po sapagkat lumampas po ako sa limit ng mga salitang kailangang gamitin para
sa alternate ending. Napag-isipan ko po na kung mas paikliin ito, maaari kasi na mawala ang
konspeto nito.

Nilapitan ni Manuel si Selestina upang gabayan ito, malugod naman na sumunod si Selestina
nang pinaupo ito ni Manuel at sabay kinantahan. Unti-unting nakatulog si Selestina.

MANUEL:

Pasko na sinta ko…

Hinahanap kita, paano ang pasko…

Habang kasalukuyan ang pag-awit ni Manuel ay bigla-biglang nagising si Selestina. Nagising


na animo’y galing sa masamang panaginip. Nagbalik ang kamalayan nito.

Matinding kalituhan ang napaloob sa isip ni Selestina nang siya ay nagising sa isang maitim na
silid na katabi ang isang babaeng nakahiga sa kamang katulad ng nasa ospital. Nang lumingon
ito sa babae, tila’y naguluhang muli ang kaniyang pag-iisip sapagkat namumukhaan niya ito.

SELESTINA:

(pasigaw na isinabi)

Sino ka? Ba’t ako nandito? Nasaan ba ako? Ilabas niyo ako rito!

Hindi sumagot ang babae. Paulit-ulit na nagwala si Selestina nang biglang umilaw nang
napakaliwanag at nakita ang isang lalakeng lumabas sa pintuan. Hindi niya ito nakilala dahil sa
kaliwanagan na dala ng ilaw ngunit nang lumapit ang lalake sa kanya, bigla itong nagulat.

SELESTINA:

Manuel? Manuel, asawa ko? Ba’t ako nandito?! Ba’t ba ako nakatali sa kama na ito?! Nasaan
ang mga anak natin? Sino ang nakabantay sa kanila ngayon?! Ilabas mo ako rito sapagkat
kailangan tayo ng mga anak natin!

MANUEL:

Kamusta ka, Selestina? Nakikilala mo ba ang babaeng katabi mo?


SELESTINA:

Anong kamusta? Sino ba ‘yang babaeng ‘yan?! Ilabas mo na ako dito!

Papilit na tinatanggal ni Selestina ang mga tali sa kanyang kamay ngunit hindi niya ito kinaya
hanggang sa napagod ito. Biglang pumasok ang isang babaeng may dalang bote ng gatas.

MINERVA:

(habang ibinibigay ang gatas kay Selestina)

Miss, uminom po muna kayo ng gatas sapagkat mukhang pagod na pagod po kayo.

Nang nakita ni Selestina ang bote ng gatas, biglang naalala nito si Bea, ang babaeng katabi
niya. Natakot ito at itinapon ang bote ng gatas. Bigla itong nagwala, nagpumilit na matanggal
ang tali sa kanyang kamay at paa, at patuloy na sumigaw at umiyak na parang isang baliw
habang tinatawag si Bea na mahimbing na natutulog.

SELESTINA:

Bea, anak! Gumising ka! Umalis tayo rito! Sino ba kayo?! Ba’t ba kami nandito! Ba’t ayaw
gumising ng anak ko? Pinatay niyo ba ang anak ko? Mga hayop kayo! Anak! Gumising ka!

Dahil patuloy na nagwawala si Selestina, napilitan si Manuel na ipatigil ang kabaliwan nito at
itinawag si Karen at Gabriel upang turukan ng pampatulog at pampakalma si Selestina habang
pinipigilan ni Gabriel na gumalaw ito. Nang naramdaman na ni Selestina ang epekto ng
medisina, nakatulog ito at muling nanaginip.

Bumalik ito sa kanyang kwarto na may hawak na manika at narinig ang pagdating ni Manuel sa
kanilang bahay.

KAREN:

Tay, nandiyan na po pala kayo. Maupo po muna kayo, halatang pagod kayo eh.

Napagtanto niyang bumalik ito sa umpisa ng istorya.

You might also like