You are on page 1of 6

Magandang Umaga

Ikinagagalak kung tumayo sa inyong harapan


---
Salamat sa mga kumanta
ang key text:
John 14:15(NKJV)
If you love me, Keep my commandments
Juan 14:15
Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.
lampas na ang Valentines Day
Pero nasa february parin tayo, buwan ng pag-ibig
Laws of Love 10CMD
Pray
ating himay himayin bawat isa at intindihin
Marami ang nagsasabi na ang sampung utos ay di na akma para sa ating panahon, ngunit ang
kahalagahang nito ay di nagbago mula ng binigay ito mahigit 3000 years na ang nakalipas. Sa katunayan,
ang sampung utos ay ang tanging kailangan upang magkaroon ng isang mundong malaya sa karahasan at
kalupitan. Ating intindihin ang sampung utos sa perspective ng isang society at pano maging mas mabuting
citizen ng mundong ito habang tayo’y naghihintay sa ating Panginoon.
Inyong iimagine ang isang mundo kung saan walang patayan o pagnanakaw. Sa mundong ito di na
rin kailangan ng mga sundalo, pulis o mga armas, ang mga lalaki at babae, bata o matanda ay maaring
maglakad sa lansangan ng walang pangamba sa kanilang buhay o pagmamayari. Isang mundo kung saan
ang mga bata ay gumagalang sa kanilang magulang at nakakatanda. Ang recipe para sa mundo ito lahat at
nandito sa isa sampung utos.
Pero merong catch, lahat ng yan ay nakasalalay sa paniniwala na ang sampung utos ay binigay ng
isang authority na mas mataas pa sa kahit sinong tao, hari, o pamahalaan. Kaya sa simula ng Exodus 20
nakasulat “And God spoke all these words, saying”
Bakit ito mahalaga mga kapatid, kahit gaano kaganda ang 10CMD, kung binigay lang ito ng human
authority, sasabihin ng tao -> Sino yang Moses na? ->sino tong Hari na ito->sino tong pamahalaan na to
para idikta kung anong dapat kong gawin.
Bakit ito mahalaga? Sa simpleng explanation, kung hindi Dios ang nagsabing masama ang
pumatay, hindi masama pumatay.
Ngayon pwede nyong sabihin sakin, Seryoso ka ba brother? Sinasabi mo bang di ka na pwede
maging mabuting tao kung di ka naniniwala sa Dios? Hindi ko po yun sinasabi, syempre pwedeng maging
mabuting tao kahit di naniniwala sa Dios, at pwede ring maging masamang tao na naniniwala sa Dios.
Pwede rin sabihin ng iba na, naniniwala akong mali ang pumatay, di ko kailangan ang Dios. Pero
may kulang sa pangungusap na iyon, pwede yung mangyari yun pero kailangan mo parin ang Dios para
iconfirm ito sayo. Ano po ang ibig kong sabihin? Kahit na ma figure out mong mag-isa na masama ang
pumatay, kung wala ang Dios at 10CMD paano mo nasabing mali. Kung di sinabi ni nanay at tatay na
bawal umuwi ng madaling araw, hindi bawal umuwi ng madaling araw. (tama?)
Sa katotohanan, wala tayong pagbabasihan ng ating moralidad. Kung wala ang Dios, ang tama at
mali ay mga personal na opinion lamang. Pwede akong maniwala ng pagnanakaw ng bag sa mall ay ok
lang pwedeng ikaw ay hindi. Sa makatuwid, unless there is a God, all morality is just opinion and belief.
Ano ang unang utos, maaring iniisip nyo napakadali naman nyan, subalit sa iba’t ibang relihiyon iba
din ang sagot.
(Kwento ka sa La Salle tutoring)
Dahil hebrew ang original, yun ang ating susundin.
Exodus 20:2 (NIV)

“I am the LORD your God, who brought you out of Egypt, out of the land of slavery.

Napakahalaga ng statement na ito, napakahalaga na pag tinanggal ito, lahat ng susunod ay wala
ng kahulugan.
1st God is speaking and God is giving these commandments, not Moses or any human
2nd God is the one who brought you out of Slavery
no Human being, not even Moses, kaya ang obligasyon ay sa Dios, (obligasyon?)
I Exodus 20:3 (KJV)

Thou shalt have no other gods before me.
Maliban sa pag-pili sa nag-iisan nating Dios
Eto ang simula ng ETHICAL MONOTHEISM, meaning (one God) Monotheism -- is the source of ethics,
morality.
Morality-pagkakakilanlan ng tama at mali na di nanggaling sa tao, sa gayon ito ay nakakalamang sa
opinion at paniniwala ng tao.
Isa pang ibig sabihin ng ETHICAL MONOTHEISM, ay ang kagustuhan ng Panginoon natin ay
tratuhin ang ating kapwa ng moral at tama. Walang sinasabi ang 10CMD ng mga bagay na gagawin natin
para sa Dios. Ang ibang mga paniniwala ngayon ay naguutos na, mag-alay ng pagkain, magdasal ng
ganitong daming beses. Pero dahil sa 10CMD alam na nating ang nais ng Panginoon ay maging mabuti
tayo at mahalin ang ating kapwa.
Mga magulang kapag nakita nating masaya at magkasama ang mga anak, wala ng ibang
kaligayahang hihigit pa. Pero pag nananakit ang isa ay higit namasakit din para sa magulang.
Kaya ang Diyos na syang Ama natin sa langit ay ninanais na tratuhin natin ng tama ang ating kapwa, lahat
na syang kanyang mga anak. Itutuloy po natin sa ikalawang utos.

II Exodus 20:4-5

“You shall not make for yourself a carved image—any likeness  of anything that is in heaven above, or
that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth; 5 you shall not bow down to them
nor serve them. For I, the Lord your God, 
am a jealous God…

Karamihan sa atin kapag napakinggan ang utos na ito ang iniisip ang mga Dios-diosan sa Bible. O
kaya mga dios ng pagano tulad ng Dios ng ulan, o kaya araw, Zeus, o kaya mga rebulto ng santo. Pero
dahil di naman natin ginagawa yun pwede na ba nating itong lampasan? Kung gaano karami ang Dios
diosan noong unang panahon, lalong mas dumami ngayon. Dito naman natin intindihin ang
BIBLICAL MONOTHEISM
Isa Dios na syang lumikha ng lahat at sya lamang ang dapat sambahin.
One God -> one Human race
One God->one moral standard
ibig sabihin kung sinabi ng Dios na mali ang pumatay, mali na para sa lahat
di ka pwede magsumbong sa ibang dios para humingi ng ibang moral standard.
Kapag ibang bagay ang sinamba laging masama ang nagiging resulta. Pagsamba sa
kapangyarihan, pera, pero kahit sa mga bagay na magaganda, tulad ng Art, Education, Love. Lahat kapag
sinamba ay magdudulot ng kasamaan.
Halimbawa ang Art, marami sa mga pinakamalulupit na tao ay mahilig sa music at art. Pero bilang
isang music lover din, naiintindihan ko na maaring gamitin ang music para makainspire na gumawa ng
masama at mabuti. Inihalimbawa ito ng Hollywood Director na si Stanley Kubrick sa pelikulang Clockwork
Orange noong 1971. Kung saan makikitang pumapatay at nangaaabuso ng babae ang mga character ng
pelikula habang tumutugtug ang Classical music sa background.
Education. Alam nating lahat ang kahalagahan ng edukasyon, sa paghahanda ng mga tao para
magkatrabaho at pagkaintindi ng mundo. Pero kung tatanggalin ito sa conceptong Dios ang nagbibigay ng
karunungan, maaring magdulot ng kasamaan. Ang mga edukadong tao noon sa Germany ay sangayon sa
mga plano ni Hitler, ganun din sa Russia nung panahon ni Stalin, at sa China sa panahon ni Mao Zedong.
Walang kasiguruhan na ang PhD ay mas makakapagpabuti sa kaysa sa high school diploma.
Ganun din ang pag-ibig. Syempre napakaganda ng pag-ibig, pero maari din itong magdala ng kasamaan.
Eto ang test para sa inyo imagine nyong ang alaga ninyong aso ay nalulunod. Katabi nun ay may isang tao
ring nalulunod, taong di mo kilala kaya di mo possibleng mahalin. Sino ang una nyong ililigtas? Kung pinili
nyo ang pag-ibig, yung aso ang ililigtas pero kung pipiliin natin ang buhay ng tao na mas mahalaga kaysa,
pipiliin natin ang estranghero.
III
Meron bang kasalanang pinakamabigat, na mas malala pa sa lahat ng klase ng kasalanan? Meron
po. Maraming nagsasabihi na walang kasalanang mas malaki kesa sa iba. Sa Dios ang kasalan ay
kasalanan. Halimbawa, ang taong nagnakaw ng stapler sa office ay parehas lang ng bigat sa taong
pumatay ng kapwa. Pero alam natin sa puso natin na mas mabigat ang pumatay kesa sa pagnakaw ng
stapler. Knowing that, alam din natin na kung may common sense tayong para maintindihan yun, ganun din
ang Dios natin. Ang Dios natin ay di pinagpapareho ang timbang ng pagpatay sa pagnakaw. So ano ang
pinakamalalang kasalanan, ito ay ang magkasala sa ngalan ng Dios. Pano natin nalaman, sa ikatlong utos.
Ito ang nagiisa sa 10CMD na nagsasabing di aariing ganap walang ibang utos ang gumawa nito. Anong
sinasabi,
III Exodus 20:7

“You shall not take the name of the  LORD your God in vain, for the LORD will not hold him guiltless who
takes His name in vain.
Marami sa ating ang iniisip na wag gamitin ang pangalan ng Dios sa walang kabuluhan. Kung sinabi ng
isang tao na “Diyos ko!” ,hindi na ba tayo papatawarin? kailangan nating maging maingat. Ang original na
hebrew translation ay hindi “Do not take” iyon ay “Do not carry the..”. Isa sa pinaka sikat na version ng
Bible ang NIV ay nagsasabing, you shall not misuse. Ano ang ibig sabihin nito, eto ay ang paggawa ng
kasamaan sa ngalan ng Dios, at yun ang di papatawarin.
Kapag ang masamang tao ay ginamit ang pangalan ng Dios, di nito ibinababa ang kabanalan ng kanyang
pangalan. Pero kung ang nagpapakitang mga banal ang gumawa ng kasalanan sa ngalan Niya, kanilang
sinisira ang imahe at lahat ng bagay na nakapanglan sa Panginoon. Karamihan ng kumukwestyon sa ating
relihiyon ay dahil sa mga maling bagay na ginagawa ng iba bitbit ang pangalan ng ating relihiyon. At pagka
ginawa natin ito, di tayo papatawarin ng panginoon.

Ikaapat na kautusan, isa sa mga pundasyon ng pagiging Adventist. Alam na natin eto mga kapatid, pero
ating kilalanin ang mga mabubuting bagay na maidudulot nito sa atin at kahit sa ating mundo.
IV Exodus 20:8-10

“Remember the Sabbath day, to keep it holy. 9 Six days you shall labor and do all your work, 10 but
the seventh day is the Sabbath of the LORD your God. In it you shall do no work: you, nor your son, nor
your daughter, nor your male servant, nor your female servant, nor your cattle,  nor your stranger
who is within your gates.
1) sa lahat nga mga kautusan, eto lamang ang nag-angat sa ating kapakanan natin bilang isang tao. Sa
tinagal tagal ng existence ng mga tao sa lupa, ang buhay ay palaging tungkol sa pagtatrabaho para
makasurvive. Pero sa kautusan na ito, inuutusan tayong magpahinga ng isang araw sa isang linggo.
2) Sa lahat ng kautusan, ang kautusan ng Sabbath ang nagpapaalala sa atin na tayo ay nararapat maging
malaya.
sa ikalawang version ng 10 CMD na sinammarize ni Moses sa Deuteronomy (5:15), “Remember that you
were slaves in Egypt” ibig sabihin ang mga alipin ay walang karapatang magpahinga, at walang Sabbath.
Kaya sa mga taong pinipiling magtrabaho ng 7 araw sa isang linggo. Kayo’y mga alipin. Alipin ng trabaho,
o alipin ng pera ano pa man alipin parin. Kung milyonario ka na nagtatrabaho ng buong linggo, isang ka
lang mayamang alipin.
3) Ang Sabbath ay nagpapatibay ng relationg pamilya at pagkakaibigan. Kapag tayo ay may day-off san
natin ginugugol ang ating oras mga kapatid? Halos lahat tayo ay sasagot na sa pamilya o sa mga kaibigan.
Maganda rin ang naidudulot nito sa mga mag-asawa. Tanungin mo kahit sinong kasal sa workaholic at
anong ganda kung di magtrabaho ng isang araw ang kanilang partner ang resulta mas mabuting relasyon.
4) ang mabuting maidudulot nito sa relation natin sa ating Panginoon.
faith in God brings people to the Sabbath
observing the Sabbath brings people to faith in God
kaya natatapos ang kautusan sa
Exodus 20:11
11 
For in six days the LORD made the heavens and the earth, the sea, and all that is in them, and rested the
seventh day. Therefore, the LORD blessed the Sabbath day and hallowed it.
Tuwing ipinangingilin natin ang Sabbath, ating kinikilala na mayroong Dios na syang lumikha. Na
ang lahat ng ito sa mundo natin ay hindi basta lang nangyari galing sa isang bigbang. Na ang buhay mo at
buhay ko ay di galing sa mga unggoy na nagevolve kundi binigay ng Dios mula sa hiningahaang alikabok
na kanyang hinulma gamit ang kanyang mga kamay.
V Exodus 20:12
“Honor your father and your mother, that your days may be  long upon the land which the LORD your God is
giving you.
Ito lang ang kautusan na nagbibigay ng dahilan kung bakit kailangang natin sundin. Marami
nagsasabi na ito ay pangako oh kaya gantimpala kung susundin. Kahit na pwede itong maging ganon,
hindi sinabi na “in return”, o kaya “because you of that”, eto parin ay dahilan para sundin ang utos. Sa mga
panahong ngayon, ang paggalang sa mga magulang ay di na pinagtutuunan ng pansin. Karamihan ng
magulang ngayon ang gusto ay mahalin sila ng anak nila. Hindi igalang, mahalin. Kung ating mapapansin
walang nakalagay sa sampung utos o kahit sa Bible na nagsasabing mahalin natin ang ating mga
magulang. Ang nakalaad sa Bible ay, love our Neighbor, Love your Enemy, Love God.
Pero walang ring ibang sinasabi ang Bible na igalang kundi ang ating magulang. Parents are
unique, so they must be treated in a unique way. Pwede kang maging balasubas kapag kinakausap mo
ang kaibigan mo pero sa magulang hindi.
Pero bakit mas mahalagang igalang natin ang mga magulang? Dahil kailangan nating mga anak. Ang
tawag sa mga magulang na di iginagalang ng anak ay matandang barkada, housemate. Sa lahat ng
nagdaaang henerasyon, tayo ang tunay na nakakaalam kung gaano kahirap lumaki ng walang tatay,
nanay. Ang mga batang lalaki na lumaking walang tatay ay mas may malaking potential na maging
pariwara at gumawa ng krimen. Ang mga batang babae naman ay maaring maghanap ng mga mali
atensyon ng lalaki at relasyon na makakasama para sa kanila. Ang paggalang sa magulang ay ang
pagkilala na merong moral na kapangyarihan mas mataas sa atin kung saan tayo ay pananagutan. Sa
10CMD ang moral na kapangyarihan ay nasa Dios, mas mataas pa sa mga magulang. Pero mas mahirap
sumunod sa Panginoon kung di natin kayang igalang ang ating mga magulang.
Sigmund Freud – Father of Psychiatry
“One’s attitude towards one’s father
largely shaped one’s attitude toward God.”

VI Exodus 20:13
13 
“You shall not murder.
Sa lahat ng mga kautusan eto siguro ang iniisip ninyong di na kailangan ipaliwanag.
pero dito tayo nagkakamali, eto marahil ang pinaka misunderstood sa lahat ng kautusan
Ang original translation ay
You shall not murder
Sa hebrew at english ay may dalawang word sa pagkitil ng buhay. Sa tagalog ay iisa lang.
Kill (‫ הרג‬harag) , Murder (‫ רצח‬ratzach) napakalaki ng pinagkaiba nito.
Kill -taking any life (maging tao man o hayop)
-taking a human life, sinasadya man o aksidente e.g.
-taking a human life, sa legal o illegal na paraan, moral o immoral na paraan. e.g.
Murder – ang pagkuha ng buhay ng tao sa illegal at immoral na paraan.
Kaya sa English, I killed a mosquito not I murdered a mosquito. Bakit sinabi ng KJV na “Thou shalt not kill”
hindi murder? Dahil apat na raang taon na ang nakalipas iisa lang ang ibig sabihin nila pero ang lingwahe
noong taong 1610 at ngayon ay malaki na ang ipinagbago. Kaya iniisip ng marami na ipinagbabawal ng
10CMD ang lahat ng klase ng pagpatay. Kung eto ay katotohan, lahat dapat tayo ay vegetarian, dahil
bawal pumatay ng hayop, at di rin pwede ang self defense kahit nakasalalay na ang buhay mo. Pero di na
natin kailangan malaman ang English noon at ngayon para malaman to. Ang unang 5 libro ng Bible kung
saan nakalagay ang sampung utos, ay nagpapahintulot ng death penalty para sa pagpatay, ang pagpatay
sa gera, ang mga alay na hayop sa templo.
Kailangan nating maintindihan ang pinagkaiba nito para alam natin kung saan tayo nagkakasala.
Dahil ang pagpatay sa imoral na paraan ay ang pinakamasamang bagay na magagawa natin sa ating
kapwa.
VII Exodus 20:14
“You shall not commit adultery.”
Para sa karamihan isa ito sa pinakamahirap sundin sa mga kautusan. Lalo na kung isang kaakit akit na
outsider ay magpresent ng availability. Wala ng iba pang emotion ang sinlakas ng mararamdaman natin
kapag nagmamahal. Love can make us do great things but also horrible deeds. Kapag ang isang asawa ay
mainlove sa outsider, napakatinding pagsisikap ang kailangan upang di magkasala. Bakit ipinagbabawal
ang aduletry sa kautusan? Dahil sinisira nito ang isa sa mga pundasyon na itinatag sa Eden, Marriage-
Kasal. Ano mang makakasira sa pamilya ay pinagbabawal ng kautusan. Pangangalunya ay isang example,
ang di paggalang sa magulang ay isa pa. Bakit sinisira ng adulery ang kasal, dahil kadalasan ito ay
nagdudulot sa hiwalayan. Pwede din to makapagdulot ng pagbubuntis ng wala sa ilalim ng kasal. At
siguradong lalaki ang anak na iyon ng walang kumpletong pamilya, may ama at ina. Maliban sa feeling ng
betrayal, nawala na din ang tiwala. Kapag ang isa ay nangangalunya, ang palaging iniisip nito ay papano
malilinlang kanilang asawa. At kahit di malaman eto ng asawa, unti unti parin nito sinisira ang pamilya. Ang
kautusang eto ay hindi absuwelto kung sinabi ng isang partner na ok lang. Tulad ng ginawa ni Sarah at
Abraham. Di man nila sinisira ang pamilya, sinisira parin nila ang institution ng Kasal. At ang pagprotekta
sa pamilya ay ang dahilan kung bakit nariyan ang kautusan ito.
VIII Exodus 20:15
You shall not steal.
Maari nating sabihin, na ang ikawalong utos ay ang summary ng lahat ng commandments. Paano natin
nasabi? Ang pagpatay ay pagnakaw ng ibang buhay. Ang pangangalunya ay pagnakaw ng asawa ng iba,
ang pag imbot ay kagustuhan magnakaw ng di sa iyo, at ang pagnakaw ng araw ng Sabbath para sa iyong
sariling kagustuhan.
Eto lang ang kautusan na walang katiyakan kung ano ang tinutukoy. Sa ikalimang utos, ang ating mga
magulang ang dapat igalang. Sa ikaapat na kautusan, ang ikapitong araw ang dapat nating ipangilin. Pero
dito sa ikawalo, walang sinasabi kung ano ang bawal nating nakawin. Ibig sabihin, lahat ng hindi atin ay di
natin dapat kunin. Ang kahalagahan ng property ng ibang tao. Kung bawal natin nakawin ang pagmamay-
ari ng tao, lalong wag nakawin ang buhay ng tao, o kaya nakawin mismo yung tao, kidnapping. At its core
ay pangaalipin kapalit ng isang halaga. Iba pang ninanakaw ay mga bagay na hindi material. Reputation,
dignidad, tiwala.
1) reputation- ang pagnakaw ng magandang pangalan ng isang tao, maging sa libel, paninirang-puri,
pagkutsa at chismis. Mahilig tayong mga pilipino sa tsimis, pastime natin yan eh. Yan ay
napadestructive na paraan ng pagnanakaw. Dahil di katulad ng pera at pagmamay-ari, kapag
nadungisan na ang magandang pangalan ng isang tao, hindi na ito maaring maibalik sa dati.
2) Dignidad-ang pagnakaw ng dignidad ay tinatawag na pagpapahiya. At ang pagpapahiya sa tao lalo
na sa harap ng maraming tao ay nagdudulot ng permanenteng damage sa isa sa mga
pinakamahalagang bagay na pwede nating angkinin, ang ating dignidad.
3) Tiwala- ang pagnakaw ng tiwala ay tinatawag nating panlilinlang, panloloko, pagdaya. Halimbawa
ay ang pagbenta ng kotse na puro pala sira, nakatago lang. Ganun din kung magpakilalang binata
yun pala kasal na para makuha ang pagtingin.
Ang pagnakaw sa buhay, property, asawa, tiwala, reputasyon ay nakakasira ng buhay ng ating kapwa,
na halos di na maibabalik sa dati. Kaya kung lahat ay susunod sa utos na ito, di ba napakagandang
mundo?
IX Exodus 20:16
You shall not bear false witness against your neighbor.
2 meaning
Ibig sabihin nito ay wag kang magsinungaling sa harap ng korte. Anong ginagawa bago magwitness sa
korte? --- Pag di ka sumunod dito at walang katotohanan ang sinabi mo maari kang kasuhan ng perjury.
Isa pang kahulugan ng ika syam na utos, ay wag kang magsisinungaling period. Alalahanin natin para
ipagbawal ang isang bagay sa 10CMD ito ay mga bagay na makakasira sa isang magandang lipunan.
Kung magsisinungaling ang mga akusado sa korte, walang hustisyang mangyayari. At kung walang
hustisya, walang civilization na mabubuo. Sa Deut. 19:19 ang parusa sa kautusan na ito, ay kung ano
ring parusa sa akusado. Kung ang akusado ay papatayin, papatayin din ang sumaksi ng may
kasinungalingan. Pero di lang ito uma-apply sa korte, maraming mga bagay ang mahalaga sa lipunan,
at ang katotohanan ang isa dito. Mas mahalaga pa sa compassion. Napakaraming german at europian
countries ang mapag-aruga subalit sumuporta kay hitler sa paniniwalang ang mga Judio ay salot sa
mundo, isang kasinungalingan. Ang mga african slaves sa England at US, ay kinidnap at inalila sa
kasinungalingang ang maputi ay higit ma nakakataas na lahi kesa sa itim. Ang panlilinlang sa asawa,
pagsisinungaling ng mga anak sa magulang. Ang sampung utos ang pinakamahalagang kautusan
upang makabuo ng mabuting lipunan. At ang lipunan na ito ay di mabubuo kung hindi nakabase sa
katotohanan.

Ang ika 6 hanggang ika 9 na utos ay mga bagay nagbabawal ng kasamaan sa ating kapwa. At meron
kautusan na nagbabawal ng sa ugat ng mga bagay na yun, pagpatay, pagnakaw, pangangalunya at
pagsisinungaling ito ang huling kautusan.
X Exodus 20:17
You shall not covet your neighbor’s house; you shall not covet your neighbor’s wife, nor his male
servant, nor his female servant, nor his ox, nor his donkey, nor anything that is your neighbor’s.
para maintindihan natin ang kautusan na ito at ang kahalagahan nito. Kailangan nating malaman na ito
lang ang kautusan na nagbabawal ng thought, kaisipan. Ang lahat ng iba pang kautusan ay tungkol sa
pag-aasal, gawi, bahavior. Sa katotohanan sa 613 na mga kautusang ni Moses na makikita sa unang 5
libro sa Bible, wala ni isa ang tungkol sa pag-isip. Bakit bawal ang pagiisip na ito, dahil kasunod ng pag-
iisip na ito ang ay aksyon na makakapahamak. Kaya iniisip mo palang, nagkakasala ka na. Kaya
nagnanakaw ang mga magnanakaw dahil nagiimbot sila. Ganun din sa pagpatay, at syempre sa asawa
ng iba. At ang ang pagsisinungaling, ginagawa ito para pagtakpan lahat ng mga kasalanan na resulta
ng pagiimbot. Para maintindihan natin bakit ito pinagbabawal, dapat natin malaman kung anong ibig
sabihin ng pag-iimbot. Ang pag-iimbot ay mas nakakahigit sa kagustuhan. Ang pag-imbot ay
pagkainggit sa mga bagay na pagmamay-ari ng iba. Tulad ng asawa ng kapitbahay. Hindi
pinagbabawal sa kautusan ang kagustuhang magkaroon ng isang bagay. Pinag-babawal ang pagimbot,
panaghili dahil ito ay humahantong sa pagnanakaw, pangangalunya, at minsan sa pagpatay. Bigyan ko
kayo ng halimbawa. Hindi pinagbabawal ng kautusan na sabihin mo “Wow, ang ganda kotse, ng bahay,
o kaya asawa ng kapitbahay ko, sana meron din ako”. Pwede tong makasama, pero pwede rin itong
makabuti, paano? Ppwedeng maging dahilan ito para magsikap kang magkaroon ng mga ganong
bagay at magkaroon ng mas mabuting buhay. Pero kung ang gusto mo ay yung mismong kotse, bahay,
at asawa ng kapitbahay mo, yun ang binabawal ng kautusan. Kaya hindi natin dapat hayaan mainggit
ang ating puso na gumawa ng masama para makuha inaasam. Ang sa ating kapitbahay ay dapat ariing
sagrado. Ang kanyang buhay, pagmamayari.
Yan ang 10 utos mga kapatid. Doon sa mga nagsasabing inabolish na ng ang kautusan sa New
Testament. Bakit aalisin ng Panginoon ang mga instruction na magpapakita kung papaano natin sya
mamahalin at ang ating kapwa. Ang sampung utos lang ang magtuturo nito sa atin. Kung papaano natin
sundin ito ay magrreflect sa relasyon natin sa Panginoon. Ano ang ating Key Text
John 14:15 - (1 John 2:5; 1 John 5:2). “whoever keeps His word, truly the love of God is perfected in
him” and “By this we know that we love the children of God, when we love God and keep His
commandments”
Kung ating sinusunod kanyang utos, ang Pag-ibig ng Dios ay sakdal sa atin.

Walang nang ibang dokumento sa kasaysayan ng mundo ang nagbago para sa ikabubuti, na tulad ng
ginawa ng sampung utos.
Ang Western Civilization na syang nag-akda ng
 Universal Human Rights,
 Women’s Equality
 Ended Slavery
 Created Parliamentary Democracy ang basehan ng karamihan justice system sa mundo
ay di magkakatotohanan kung di dahil sa sampung utos. (last slide) Kaya di nagbago ang kahalagahan nito
noon at ngayon. Bakit ko inuulit ulit ang maayos na lipunan, maganda at mabuting mundo? Hindi ba ito ang
hinihintay natin mga kapatid? Sa langit, kung saan wala ng kamatayan, walang pagnanakaw, wala na
tayong ibang gagawin kundi sumamba at mahalin ang ating Panginoon sa langit. (amen!) Kahulihulihan,
ang sampung utos ay binigay ng Panginoon para tayo ay makapagpractice. Bawal sa langit ang
sinungaling, bawal sa langit ang di gumagalang sa magulang, higit na bawal sa langit ang di mapagmahal.
Nakatatak na dapat sa puso natin ang ang lahat ng ito, para sa muling pagdating ng ating Panginoon tayo’y
handa at nararapat na sa kanyang hinandang paraiso. Magandang tanghali po.

You might also like