You are on page 1of 1

Teoryang Kognitib

Ayon sa pananaw ng teoryang kognitib, ang pagkatuto ay isang prosesong dinamiko kung saan ang mag-
aaral ay palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon.
Habang isinasagawa ang prosesong ito, malimit na nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin
ang mag-aaral o di kaya nama‘y naiilapat nang mali ang mga ito. Ayon sa teoryang kognitib, ang
pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito kagyat at tuwirang
iwinawasto. Angvpagkakamali ay tinatanaw bilang isang integral na bahagi ng pagkatuto. Nakatuon sa
mga mag-aaral ang mga pagkaklaseng batay sa teoryang kognitib. Nakapokus ito sa patuklas na
pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog napasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod ginagabayan ng
guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaligtaran ngdulog na pabuod.
Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng
tuntunin, ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng
mga halimbawa. Ang teoryang kognitib ay palaging nakapokus sa kaisipang ang pagkatuto ay isang
aktibong prosesong kaisipan. Sa ganitong pananaw,tungkulin ng guro ang paglalahad ng mga bagong
impormasyon kung saan ang mga impormasyong ito‘y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang dating
kaalaman.

https://www.scribd.com/doc/291770018/teoryang-kognitib

You might also like