You are on page 1of 1

1.

Bastos o malikhain:Tamang gamit ng wika sa awiting Pilipino ngayon

Sa makabagong panahon ngayon, laganap na ang iba't ibang uri ng sining. Isa na dito ang musika na
patok sa mga kabataan ngayon. Sa pag-unlad ng industriya ng musika, nagiging malaya ang bawat isa sa
pagpapahayag ng kanilang mga damdamin. Narito ang mga malilikhaing kantang nagpapatungkol sa
kasyasayan, kalayan at karapatan ng bawat tao. Ngunit sa sa pagdaan ng panahon ng mga millenial,
nagiging katawa katawa at kabastos bastos ang mga nilalaman ng mga Awitin.

2. Pagtuturo sa akademikong larangan: Epekto ng wikang Filipino at Ingles sa Antas ng pagkatuto


ng mga mag-aaral sa kolehiyo

Sa mga nakalipas na taon, alam natin na wikang Ingles ang gamit na panturo sa kolehiyo sa Iba’t ibang
larangan. Kahit na noong nagkaroon ng direktiba ang DECS tungkol sa angkop na midyum para sa
pagtuturo ng iba't ibang asignatura, Ingles pa rin ang napiling midyum para sa pagtuturo. Subalit
hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta ng pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles
ang gamiting midyum sa mga akademiks at wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto ng
mga mag-aaral ng akademiks; gayundin, wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sa
pagtuturo, maganda ang atityud ng mga mag-aaral sa mga asignatura.

3. Istandardisasyon ng wika o pagpapaunlad ng bokabularyong filipino: Isang pagsusuri

Marami sa ating mga Pilipino ang mas hinasa ang kanilang mga sarili sa mga wikang banyaga. Kaya nga
naman ay madaling napupuna ng mga kritiko ang hindi pag suporta ng mga pilipino sa sarili nitong wika.
Sa pagkabit ng wikang banyaga sa ating kultura, dumami na ang mga salin o termino ng mga salita sa
wikang Ingles patungo sa wikang Filipino. Dahil dito hirap ang mga pilipino sa pag gamit ng mga akmang
salita. May ilang nagsasabi na dapat may istandardisadong salita ang ilaan up ang hindi tayo malito sa
kung ano ang gagamitin. Ngunit, ang akala ng ilan na ang mga salita ay iisa lamang ang salin pagdating sa
Ingles ay isang malaking pagkakamali. Bagkus ito ay pumapatungkol sa Antas ng bokabularyo na
mayroon ang mga Pilipino.

4. Wikang Filipino o ingles? : Isang pagsusuri sa wikang mas pinaniniwalaan pagdating sa


pagbabalita

You might also like