You are on page 1of 2

Ang Pagmamahal

Panulat Ni Kenjie V. Bustillo

Sariling mundo ko ay nabalot ng katahimikan

Katahimikan ko na kasingtulad ng kaguluhan

Kaguluhan na hindi matigil-tigil at matapos

Pero noong dumating ka,Ang mundo ko’y umagos

Umagos ng kasiyahan na hindi maubos-ubos

Sa tuwing kasama kita sinta ako’y masaya

Masayang pinipinta ang ating mga alaala

Ako’y nag aalala baka ito ay mawala

Mawala ang ating alaala na kung isang bula

Bulang napakaganda na katulad mo aking sinta

Sa pagtagal ng panahon,Ako’y nahulog sayo

Nahulog sayong malalim at walang sumalo sakin

Nasaan na ang kaibigan ko para sakin?

Iniwan mo ako at hinayaang magluksa sayo

Nangungulila ako dahil wala ka sa tabi

Nalulunod ako sa mundong puno ng katanungan

Katanungan kung bakit mo ako kinakalimutan

Kinakalimutan at iniwan ng walang dahilan

Hinanap kita pero ako’y walang naabutan

Ako’ umiiyak at niyayakap ng kalungkutan


Ako’y lumalaban subalit ako ay iniwan

Kapalaran bigyan mo naman ako ng kalangitan

Kalangitan na may unawaan at pagmamahalan

Pagmamahalan na sana ay laging kong maranasan

Maranasan kahit ikaw ay fiction character lamang

You might also like