You are on page 1of 4

2019 INTERNATIONAL DAY AGAINST DRUG ABUSE AND ILLICIT

TRAFFICKING (IDADAIT) CELEBRATION – ELJ NATIONAL HIGH SCHOOL

MESSAGE: HON CAMILO G. BARLIS


Punong Barangay, Bertese, Q.N.E.

Sa ating Punong Guro, Dr. Rosalina Corpuz, Chief of Police Quezon


Police Station Sir Melchor T. Pereja , sa ating SK Chairman Kingron F.
Bondoc, sa pamunuan ng ELJ Memorial High School, sa ating mga
guro, sa ating mga resource speaker ngayong araw na ito, sa inyong
lahat na mga mag-aaral isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Bilang inyong Punong Barangay, kasama ang buong sanggunian ay


malugod namin kayong tinatanggap sa Barangay Bertese. Isang
magandang pagkakataon ang araw na ito bilang pagsunod sa
pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit
Trafficking. Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng ELJ High School sa
pangunguna ni Dr. Corpuz dahil binigyan kami ng pagkakataon na
maging bahagi ng pagdiriwang na ito.

Matigas ang paninindigan ng ating Pangulo na sugpunin ang droga at


ilayo ang mga kabataan sa perwisyong ito. Kaisa po kami sa
pagpapanatili ng kaayusan at pagkampanya laban sa droga. Kaisa ng
pwersa ng kapulisan ng bayan ng Quezon ang ating Barangay Anti-
Drug Abuse Council ay hindi tumitigil sa pagtukoy ng mga taong
sangkot sa droga. Gayundin ay inaako natin ang responsibilidad na
mailigtas an gating mga kabarangay lalung lalo na ang mga kabataan
laban sa masamang bisyo. Pangarap ko na sa ilalim ng aking
panunungkulan ay maideklara ang barangay Bertese bilang isang Drug
Free Barangay at ito ay pagsusumikapan nating matupad.
Bilang pagsuporta sa kapakanan ng mga kabataan at mag-aaral, hindi
magtatagal ay magkakaroon napo tayo ng covered court sa ating
barangay plaza. Iyan po ay bukas upang gamitin ninyo sa ibat-ibang
sports at recreational activities. Isusulong po ni SK Chairman ang isang
interbarangay basketball league ngayong darating na fiesta ng
barangay, isang malaking hakbang upang sa gayon ay
maimpluwensyahan natin ang mga kabataan na ibaling ang atensyon
sa sports at palakasan at maiwasan ang mga bisyo.

Hangad ko ang tagumpay ng gawaing ito at kayo ay makakaasa na ang


inyong lingkod ay palaging handang tumugon sa inyong kahilingan sa
abot ng aking kakayahan.

Muli maraming salamat po at magandang umaga sa inyong lahat.


2019 INTERNATIONAL DAY AGAINST DRUG ABUSE AND ILLICIT
TRAFFICKING (IDADAIT) CELEBRATION – ELJ NATIONAL HIGH SCHOOL

MESSAGE: HON KINGRON F BONDOC


SK Chairman, Bertese, Q.N.E.

SA ATING PUNONG BARANGAY HON CAMILO G. BARLIS, ELJ


PRINCIPAL DR. ROSALINA CORPUZ, CHIEF OF POLICE SIR MELCHOR
PEREJA, SA ATING MGA RESOURCE SPEAKER SA MGA GURO NG ELJ
HIG SCHOOL SA LAHAT NG MGA MAG-AARAL NA NARITO, SA MGA
PILING PANAUHIN MAGANDANG UMAGA PO.

LAYUNIN NG SK NA BUOIN ANG MGA KABATAAN AT MAGING GABAY


PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN SUBALIT ITO AY
NAHAHADLANGAN NG MGA BISYO NA NAGKALAT SA ATING
LIPUNANPANGUNAHIN NA PO ANG DROGA. NGAYONG ARAW NA ITO
SA PAGDIRIWANG NG INTERNATIONAL DAY AGAINST DRUG ABUSE
AND ILLICIT TRAFFICKING ANG BUONG SANGGUNIANG KABATAAN NG
BARANGAY BERTESE AY BUONG LOOB NA NAKIKISA SA GAWAING
ITO. MAHALAGANG PAPEL ANG GINAGAMPANAN NG ISANG
KABATAAN SA ATING BAYAN, BILANG ANAK TAYO ANG GAGABAY SA
PAGTANDA NG ATING MGA MAGULANG. BILANG MAG-AARAL TAYO
ANG SUSUNOD NA LIDER NA MAGPAPATAKBO NG ATING BAYAN AT
BILANG MGA SUSUNOD NA MAGULANG TAYO ANG MAGBIBIGAY
HALIMBAWA SA ATING MAGIGING MGA ANAK.

MARAMING SALAMAT PO SA PAGBIBIGAY NINYO NG PAGKAKATAON


SA AKIN AT SA BUONG SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY
BERTESE NA MAKASAMA SA GAWAING ITO. ANG SK PO NG
BARANGAY AY MAY MGA NAKAAMBANG PROGRAMA LALONG LALO
NA SA SPORTS PARA SA ATING MGA KABATAAN. LAYUNIN PO NAMIN
NA MAIWASTO ANG MGA KABATAAN NA NALILIHIS NG LANDAS AT
MABIGYAN SILA NG ALTERNATIBONG GAWAIN NA MAS MAGIGING
KAPAKI-PAKINABANG.

MULI PO, SA NGALAN NG BUMUBUO NG SANGGUNIANG KABATAAN


NG BARANGAY BERTESE, BINABATI KO KAYO NG ISANG MAGANDANG
UMAGA. MARAMING SALAMAT PO.

You might also like