You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN

SA
ARALING PANLIPUNAN 10
(MGA KONTEMPORARYONG ISYU)

IPINASA NI:
OWEN S. NALDOZA
Gurong Magsasanay

IPINASA KAY:
DR. ASUNCION PABALAN
Gurong Tagapagmasid

SINANG-AYONAN NI:
DR. PRISCIANO LEGITIMAS
Punong Guro

Meeting LEARNING PLAN REMARKS


No.
Meeting 1 I. Layunin

Hulyo 30, Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay


2018 inaasahang:

a. Naibabahagi ang konsepto ng unemployment.

b. Nailalahad ang pagkakaiba ng unemployment at


underemployment.

c. Naipapahayag ang sariling opinyon tungkol sa


kahalagahan sa pag-unawa sa konsepto ng
unemployment.

II. Paksa

 Kawalan ng Trabaho

 Kayamanan – Mga Kontemporaryong Isyu


pahina 67-73

III. Paglinang ng Aralin

a. Pagganyak

 Magpapakita ng isang video presentation tungkol


sa unemployment.

 Itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang


personal na ideya tungkol sa unemployment.

b. Presentasyon

 Mula sa mga sagot ng mag-aaral ay tatalakayin


ang konsepto ng unemployment.

 Ilalahad ang konsepto ng underemployment.

 Tatalakayin paisa-isa ang bumubuo ng lakas-


paggawa o labor force.

 Magpapakita ng mga datos na naglalahad ng


suliranin sa kawalan ng trabaho.

c. Pagpapahalaga

 Bakit mahalaga na matutunan natin ang


konsepto ng unemployment?

 Mahalaga na matutunan ang konsepto ng


unemployment upang malaman kung ano ang
ibig sabihin nito at kung ano ang mga dahilan
nito at mga epekto nito.

d. Pagbubuod
 Ano ang pagkakaiba ng unemployment at
underemployment?

 Ayon sa pag-aaral, saan iminumungkahi ang


kahirapan sa Pilipinas sa unemployment o
underemployment?

IV. Pagtataya

Isulat sa loob ng Venn Diagram ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng konsepto ng unemployment at
underemployment. Magbigay ng tigdalawang
halimbawa na nagpapakita ng unemployment at
underemployment.

underemployment
unemployment

V. Takdang Aralin

 Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod:

1. Mga dahilan ng unemployment.

2. Mga epekto nito sa pamumuhay ng mga


mamamayan.

Meeting 2 I. Layunin

Hulyo 31, Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay


2018 inaasahang:

a. Natutukoy ang iba’t-ibang dahilan ng


unemployment.

b. Naiisa-isa ang mga epekto ng kawalan ng


trabaho sa pamumuhay ng mga tao.

c. Nakakagawa ng isang graphic organizer na


nagpapakita ng ugnayan ng dahilan ng kawalan
ng trabaho at ang epekto nito sa pamumuhay ng
tao.

II. Paksa

 Mga Dahilan ng Unemployment

 Epekto ng Kawalan ng Trabaho sa Pamumuhay


ng mga Mamamayan.

 Kayamanan 10 – Mga Kontemporaryong Isyu


pahina 73-81

III. Paglinang ng Aralin

a. Pagganyak

 Magkakaroon ng pagbabalik aral tungkol sa


konsepto ng unemployment at
underemployment.

 Itatanong sa mga mag-aaral kung ano sa


palagay nila ang maaaring dahilan ng kawalan
ng trabaho.

b. Presentasyon

 Mula sa mga sagot ng mga bata ay ilalahad ang


dahilan ng kawalan ng trabaho.

 Pagkatapos mailahad ang mga dahilan ng


kawalan ng trabaho ay ipapangkat ang mga
mag-aaral para talakayin ang maaaring epekto
nito sa pamumuhay ng tao.

 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 5-10 minuto


para sa kanilang talakayan. Pagkatapos ng
talakayan ay pipili ang bawat pangkat ng isang
kasapi na maguulat sa kanilang natalakay.
Bibigyan ang bawat pangkat ng 3-5 minuto
upang iulat ang kanilang natalakay.

 Pagkatapos ng pag-uulat ay ilalahad ang mga


epekto na nasa libro at ihahambing ito mula sa
mga naiulat ng mga mag-aaral.

c. Pagpapahalaga

Itatanong ang susunod:

 Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng


trabaho na kumikita ng sapat na sahod?

d. Pagbubuod

 Itatanong ang mga sumusunod:

 Anu-ano ang mga dahilan ng kawalan ng


trabaho?
 Ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga
tao?

IV. Pagtataya

Sagutin ang sumusunod.


Ano-ano ang implikasyong dulot ng kawalan ng
trabaho sa bansa? Talakayin ang bawat isa sa mga
ito.
1. Sa kabataan
__________________________________
__________________________________
2. Sa kababaihan
__________________________________
__________________________________
3. Sa pamumuhay ng mga tao
__________________________________
__________________________________
4. Sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
_________________________________
_________________________________

V. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod:

1.Department of Trade and Industry

2. Department of Labor and Employment

Meeting 3 I. Layunin

Agosto 1, Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay


2018 inaasahang:

a. Naiisa-isa ang mga paraan sa paglutas ng


suliranin sa kawalan ng trabaho.

b. Nasusuri ang mga programang ginagawa ng


pamahalaan upang malutas ang suliranin sa
kawalan ng trabaho.

c. Nakakapagtala ng sariling ideya o paraan upang


makatilong sa paglutas ng suliranin sa kawalan
ng trabaho.

II. Paksa

 Paglutas sa Suliranin ng Unemployment

 Kayamanan 10 – Mga Kontemporaryong Isyu


pahina 82-88

III. Paglinang ng Aralin

a. Pagganyak

 Magpapakita ng isang graphic organizer tungkol


sa mga dahilan ng unemployment at mga
epekto nito sa pamumuhay ng tao.

 Ipapangkat ang mga mag-aaral at ipapatalakay


kung ano-ano ang mga maaring paraan upang
masolusyonan ang suliranin sa kawalan ng
trabaho.

 Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat


upang makapagtala gamit ang manila paper ng
tig tatlong paraan upang masolusyonan ang
suliranin sa unemployment.

 Pagkatapos makapagtala ay ipapadikit nila ang


manila paper sa pisara.

b. Presentasyon

 Mula sa mga ginawa ng mga mag-aaral ay iisa-


isahin ang mga paraan sa paglutas ng suliranin
sa unemployment.
 Ihahambing ang kanilang mga sagot sa mga
paraan na nasa libro.

 Susuriin ng paisa-isa ang mga paraan na


ginagawa ng pamahalaan upang matugonan ang
suliranin sa kawalan ng trabaho.

c. Pagpapahalaga

 Sapat na ba ang mga paraan na ginagawa n


gating pamahalaan?

 Hindi sapat ang ginagawa ng ating pamahalaan


kung mismong tayong mga mamamayan hindi
tutulong sa paglutas ng suliraning ito. Kahit na
anong gawin ng ating pamahalaan kung hindi
tayo makikiisa walang pag-unlad na mangyayari.
Kaya dapat ninyong pahalagahan ang inyong
pag-aaral upang sa kalaunan ay
makakapagtapos at makakakuha kay ng
malaking pagkakataon na makapagtrabaho ng
maayos at may malaking sahod. Sa halip na
magreklamo tayo sa pamahalaan ay dapat
makiisa tayo at gawin natin ang dapat nating
gawin.

e. Pagbubuod

 Ano-ano ba ang mga paraan na ginagawa n


gating pamahalaan upang matugunan ang
problema sa unemployment?

IV. Pagtataya

Ano ang maimumungkahi mong solusyon para sa


bawat suliranin na kaugnay ng unemployment sa
ating bansa? Buuin ang problem-solution idea
map.

KAWALAN NG TRABAHO
Mga Problema Mga Solusyon
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5

V. Takdang Aralin

 Pag-aralang muli ang lahat na nasa Aralin 4:


Unemployment.
 Maghanda para sa isang summative test.

You might also like