You are on page 1of 2

Andres Bonifacio and Katipunan Movement

Rhea Jane Q. Bongcato

Nr- 23

Prof. Merida

Takda:

1. Ano ang inaasahan mong matutunan sa asignaturang ito?

Ang inaasahang kong matutunan sa asignaturang “Andres Bonifacio ang Katipunan Movement” ay
ang mismong buhay ni Andres Bonifacio. Kung paano siya namuhay at napabilang sa kasaysayan ng
bansang Pilipinas. Inaasahang ko din na matutunan kung papaano naitatag o nagsimula ang
Katipunan Movement. At kung paano ito nabuo, nagkaroon ng mga miyembro, bakit napamunuan ni
Andres Bonifacio ito. Ano ang timeline ng kanilang kilusan at ano/bakit ang laki ng naitulong nito sa
ating bansa at nakapaloob sa ating kasaysayan.

2. Gaano mo kakilala si Andres Bonifacio?

Nakilala ko si Andres Bonifacio simula nang magkaroon ako ng kamalayan at nakita ang kanyang ibat
ibang rebulto sa mga lugar sa Maynila. Mas naging kilala ko pa siya noong mag aral ako ng
asignaturang “HEKASI” at “Araling Panlipunan o Social Studies”. Kilala ko siya na nakatira sa Claro M.
Recto sa Tondo, Manila. Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo, binansagang “Ama ng Katipunan”
at naging supremo ng kilusang katipunan, siya din ang nagpasimula ng himagsikang Pilipino.

3. Ano ang alam mo sa katipunan?

KKK o Kataastaasang Kagalanggalangang  Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang lihim na


samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong
himagsikan, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan.
Red Bryer Joaquin

Nr23

Assignment

1. Ano ang inaasahan mong matutunan sa asignaturang ito.

2. Gaano mo kakilala si andres bonifacio

3. Ano ang alam mo sa katipunan.

1. Inaasahan ko na mas matutunan ko ang kasaysayan ng pilipinas na mas ditelyado para malaman
kung bakit kailangan nilang gawin o simulan ang isang makasaysayan na pangyayaring iyon.

2. Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong
makabayan at rebolusyonaryo na makikita sa sampumpisong barya na isyu ng Bangko sentral ng
Pilipinas. Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo
ng kilusang Katipunan nanaglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa España at
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.

3. Ang Katipunan ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may
layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol. Naitatag ang
Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga
pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro
rin si Andres Bonifacio

You might also like