Professional Documents
Culture Documents
Kay Hirap talag-WPS Office
Kay Hirap talag-WPS Office
Simulang wakasan ang isang panitikang isinulat natin sa nagdaang taon at buwan.
Taon na kaybilis lumisan at mga buwan na parang kailan lang ay di pa tayo nagkakakilanlan.
Tumawa kahit seryosong asignatura, kahit ang guro mo ay seryoso na kaya napagagalitan ka. Pero okay
lang namang mapagalitan ka di ba?
Mamimiss ko, oo mamimiss ko ang mga ito dahil ito na ang huling “spoken poetry” ko para sa inyo.
Kumupas na tulad ng yeso na kaydaling burahin, damdaming kaydaling pigilin at G-Tec na pag pumatak
at agad na sisintiin.
Magdasal sa Poong Maykapal na tulad ng ginagawa natin bago simulan ang klase at magbigay-aral.
Kukupas at magwawakas.
Paalam na may kasamang pangakong hindi kukupas ang ating samahang sinimulan.
Salamat sa lahat.
Paalam!