You are on page 1of 1

Sa aking paglalakad ay naisipan kong kunan ng litrato ang malalakas na hampas ng alon sa

dalampasigan. Ang mga ito'y tila ba nagsisilbing mga problema sa buhay ng bawat isa. Ang
tahimik at payapang dagat ay maihahantulad natin sa buhay na hiling ng karamihan ngunit kahit
gaano man natin ito kagustong makamtan ay patuloy pa rin tayong babayuhin ng mga maiingay,
malalakas at naglalakihang mga alon ng problema. Kaya masasabi kong ang buhay ay hindi
perpekto. Subalit, sa kabila nito ay ito rin ang tutulong sa atin upang maging matatag at
malakas upang sa muli nitong paghampas ay mananatili pa rin tayong nakatayo upang harapin
at malampasan ang mga ito.

Lumubog na ang araw at ang kalangitan ay unti-unting napapalitan ng itim, hudyat na ang gabi
ay parating na. Ang kapaligiran ay unti-unti na ring nababalot ng dilim na nagdadala ng kaba at
takot. Gaya ng takot na baka wala ng pag-asa. Kaya ako'y tumingala sa malawak na kalangitan.
Ang liwanag mula sa buwan at mga bituin ay tila ba tao na may bibig at may kakayahang
magsalita na nagsasabing kahit gaano man kadilim ang pananaw natin sa buhay, may liwanag
pa rin na gaya nila na maghahatid sa atin ng bagong pag-asa.

You might also like