You are on page 1of 2

MABIBIGYAN NA NG MALAKING AYUDA ANG MICRO, SMALL

AND MEDIUM ENTERPRISES (MSMES) SA BANSA KASUNOD


NG PAG-APRUBA NI PANGULONG AQUINO SA GO NEGOSYO
ACT BILANG BATAS.

"ANG PAGIGING BATAS NG GO NEGOSYO ACT AY KATUPARAN


NG ATING PANGAKO NA ISUSULONG ANG KAUNLARAN NG
MSME SA BANSA," WIKA NI SENADOR BAM AQUINO, MAY
AKDA NG BATAS AT CHAIRMAN NG SENATE COMMITTEE ON
TRADE, COMMERCE AND ENTREPRENEURSHIP.

BILANG UNANG BATAS NA MAY KINALAMAN SA


MALAWAKANG KAUNLARAN NA NAIPASA NG 16TH
CONGRESS, NANINIWALA SI AQUINO NA MALAKI ANG
MAITUTULONG NG GO NEGOSYO ACT SA LALO PANG
PAGLAGO NG SEKTOR NG MSME, WHICH COMPRISES 99
PERCENT OF ALL ENTERPRISES AND 66 PERCENT OF JOBS IN
THE COUNTRY.

“NGAYONG MAKUKUHA NA NG MSMES ANG LAHAT NG


KAILANGAN NILANG TULONG SA SA PAMAMAGITAN NG GO
NEGOSYO ACT, MAS MADALI NA ANG PAGSISIMULA O
PAGPAPALAWAK NG NEGOSYO,” WIKA NI AQUINO.
NOONG LINGGO, INANUNSIYO NG MALACANANG ANG
PAGIGING BATAS NG R.A. 10644 O ANG “AN ACT PROMOTING
JOB GENERATION AND INCLUSIVE GROWTH THROUGH THE
DEVELOPMENT OF MICRO, SMALL, AND MEDIUM
ENTERPRISES”.
AYON KAY PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS
OFFICE SECRETARY HERMINIO COLOMA JR., ANG BAGONG
BATAS NA ITO’Y INAASAHANG LILIKHA NG BAGONG TRABAHO
AT KABUHAYAN PARA SA MAS MARAMING PILIPINO.
ITINATAKDA NG GO NEGOSYO ACT ANG PAGLIKHA NG
NEGOSYO CENTERS, SA ILALIM NG DEPARTMENT OF TRADE
AND INDUSTRY (DTI), SA BAWAT SIYUDAD AT MUNISIPYO SA
BUONG BANSA.
SA MGA NEGOSYO CENTERS NA ITO, MAS MAPAPADALI ANG
PAGPAPAREHISTRO AT PAGSISIMULA NG NEGOSYO NG ISANG
ENTREPRENEUR, MALIBAN PA SA PAGBIBIGAY DAAN PARA
MAKAKUHA NG PUHUNAN.
MAGBIBIGAY RIN ANG NEGOSYO CENTERS NG KURSO AT
PROGRAMA, TRAINING AT PAYO UKOL SA MGA IDEYA NG
MGA NEGOSYO NA MAAARING SIMULAN, FINANCING,
MANAGEMENT, MARKETING AT IBA PANG URI NG SUPORTA.

You might also like