You are on page 1of 6

EPEKTO NG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA MAG-

AARAL NG GRADE 10 SECTION


JUNIOR HIGH SCHOOL SA BAIS CITY NATIONAL
HIGH SCHOOL

PANIMULA O INTRODUKSYON
Kaya ito ang aming napiling paksang sasaliksikin dahil ang
pagliliban ng mga mag-aaral sa klase ay isang suliraning
Higit na laganap sa henerasyon natin ngayon. Ito ay isang
problemang hinding- hindi maiiwasan ng anumang
paaralan kahit sa paaralang Bais City National High
School kung saan kami nag-aaral. Nais naming mabigyang
kalutasan ang suliraning ito.
Ang pagliban sa klase ay isang kamalian ng bawat
estuyante, sa bawat araw na dumarating maraming mga
bata o estuydante ang lumiliban sa klase. Ito ay may sari-
sariling dahilan kung bakit nila ito ginagawa. Lahat ng
bata o estudyante ay karapatan nilang maka pag-aral ng
maayos at makapagtapos. Pero dahil sa mga sitwasyon at
problema ng isang bata nawawala ang kanyang hilig o
gusto sa pag-aaral. Kaya ito ay nagliliban sa klase o hindi
na pumapasok.
Alam namin nating lahat na isa sa pinakamahalagang
parte ng tao ang edukasyon. Dahil ito ay nagsisilbing
yaman natin sa buhay, ang syang daan para tayo ay
magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Ngunit sa
kabila ng kahalagahan nito, hindi parin maipagkakaila ang
pagtaas ng bilang ng mga estuyandeng lumiliban sa klase.
Ilan sa mga dahilan ng pagliban nila sa klase ay
kakulangan sa pangtustos sa eskwelahan, walang
pambaon, na bu-bully o naaapi sa kanilang klase,
nawawalan ng gana dahil sa mga problema,
naiimpluwenstahanng mga maling barkada, at iba pa.
Magiging dahilan ito ng pagbagsak nila at pag-ulit sa
kanilang mga asignatura. Malaki talaga ang nagiging
epekto ng pagliban sa klase ng isang mag-aaral sa
kanilang pag-aaral. Dahil kung hindi sila makakapasa sa
kanilang mga asignatura sa klase papaano na ang
kanilang kinabukasan? Paano na ang mga sakripisyo ng
kanilang mga magulang? Ang edukasyon ng isang bata ay
isa sa pinakamahalagang maipapama ng magulang sa
kanilang mga anak, nararapat lamang itong pahalagahan.
Sapagkat ito ay isa sa Pangunahing kasangkapan natin
upang makamit ang ating inaasan na tagumpay.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay para malamn ang kanya kanyang
dahilan ng mga estudyante kung bakit sila lumiliban sa
klase ng Grade 10 Junior High School sa Bais
City National High School, Taong akademiko 2019-2020.
Layunin ng pananaliksik na ito ay masagot ang
sumusunod na mga katanungan:

1. Anoano ang mga dahilan ng pagliban sa klase ng mga


mag-aaral ng Grade 10 Junior High School sa
Bais City National High School sa taong akademiko
2019-2020?
2. Ano-ano ang epekto ng pagliban sa klase ng mga mag-
aaral sa kanilang sarili?
3. Paano naaapektuhan ang desisyon ng mag-aaral
lumiban sa klase?
4. Sino ang mas madalas lumiban sa klase ang mga babae
o ang mga lalaking mag-aaral?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa panahon ngayon, marami nang mga estudyante na
hindi mahalaga ang pag-aaral sa kanilang mga buhay
dahil sa mga sariling dahilan na meron sila. Meron silang
mga mabibigat na pinagdadaan, mabibigat na
nararamdaman, o yung akalang nag-iisa na lamang sila sa
mundo.
Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang ibat ibang
mga kadahilanan ng mga estudyante na madalas lumiban
sa klase.
Ang resulta nitong pag-aaral na ito ay malaking tulong sa
mga sumusunod:
Teacher. Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay
magsisilbi bilang isang mahusay na gabay upang
malaman ang dahilan jkung bakit may mga estudyante na
lumiliban sa klase. At ditto matutulungan ng mga guro sa
kanilang mga esdyante kung ano ang dapat gawin.
Parents. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa
mga magulang para madali nilang makita ang
pagkakamali ng kani-kanilang mga anak, at maayos ang
kanilang problema. Para matulungan nila ang kanilang
anak sa mga nararamdaman at mabibigat na problema.
Estudyante. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay
magsisilbing ilaw sa kahalagahan tungkol sa epekto o
benipisyo ng pagliliban sa klase. At magabayan sila sa
mga maaaring kalabasan nito.
SAKLAW AT LIMITASYON
Sinasaklaw ang pananaliksik na ito, ang pagsusuri sakung
ano ang magiging epekto ng pagliban sa klase ng mga
mag-aarala at kung paano ito masusulusyonan.
Ito ay nasasangkot ng Grade 10 na mag-aaral
ang dahilan ng mga estudyante sa madalas na pagliban sa
klase at na opisyal na nakatala sa Bais City National High
School SY: 2019-2020. Ilarawan nito ang kanilang mga
dahilan kung bakit sila lumiliban sa kanilang klase, sa
pamamagitan ng survey ng estudyanteng lumiliban sa
klase o wala sa klase.
Dito malalaman kung bakit wala o lumiliban sa klase ang
mga estudyante. At mapag-aaralan din ang benipisyo ng
bawat mag-aaral kung liliban sa klase, at ipapaliwanag sa
kanila kung bakit hindi ito pwede at maling gawain. Ito ay
para sa kanilang buhay at tagumpay.
Para sa kanilang sarili at para na rin sa kanilang pamilya
na umaasa sa kanila. Para din malaman ng kanilang mga
magulang kung ano ang dapat gawin para maitama ang
kanilang pagkakamali at magabayan sa tama.
Ang pag-aaral na ito ay nakatutok sa mga dahilan ng mga
estudyanteng madalas lumiban sa klase. At malaman ang
dapat gawin sa mga estudyante na nawawala sa kanilang
tamang landas.

You might also like