You are on page 1of 2

Ang pag-ibig sa sarili

Ang pag-ibig sa sarili ay isang aksyon at hindi isang estado ng


mabuting pakiramdam. Ang self-love o pag-ibig sa sarili ay popular na salita
ngayon na sikat sa mga pakikipag-usap: ”Kailangan mong mas mahalin ang
sarili mo.” “Bakit hindi mo mahalin ang iyong sarili?” “Kung mas minahal mo
ang iyong sarili, hindi ito mangyayari sayo.” “Hindi ka maaaring magmahal
ng ibang tao hangga’t hindi mo natututunang mahalin ang sarili mo.” Ito ay
ilan lamang sa mga panuto ng pagmamahal sa sarili na nagbibigay o
nagmumungkahi ng paghihikayat sa magandang buhay.

Mahalaga ang pagmamahal sa sarili upang mabuhay nang maayos. Ito


ay nagtuturo sayo kung sino ang dapat mong mahalin, kung paano ka
makikisalamuha, at kung paano mo pangangasiwaan ang iyong mga
problema. Napakahalaga nito sa kapakanan natin at nais kong malaman
natin kung paano ito nakakabuti sa ating mga sarili.
Ang pag-ibig sa sarili ay pabagu-bago; lumalago ito sa pamamagitan
ng mga aksyon na nagpapagulang ng ating isipan. Kapag kumikilos tayo sa
mga paraan na nagpapalawak ng pagmamahal sa ating sarili, nagsisimula
tayong mas tanggapin ang ating kahinaan pati na rin sa kung saan tayo
malakas. Hindi na natin kailangan ipaliwanag sa iba ang ating mga
pagkukulang. Hindi na natin kailangan pilitin ang tao na manatili sa atin.
Tayo ay mas nakasentro na sa ating layunin at halaga sa buhay, at
inaasahan ang katuparan ng pamumuhay sa pamamagitan ng ating sariling
pagsisikap.
Ang pagmamahal sa sarili ay kailangan talaga nating matutunan.
Napakahalaga nito sa ating buhay. Kung mayroon ka nito, hindi mo
kailangan ng ibang tao para sumaya ka. Hindi mo rin kailangang dumepende
sa ibang tao dahil mas mahalaga ang iyong sarili. Mas mamahalin mo ang
iyong sarili kapag natuto kang maglagay ng limitasyon at marunong kang
humindi para sa iyong sariling kapakanan. Ito ay nagpoprotekta sa iyo upang
ika’y hindi saktan ng ibang tao at ikaw ay kanilang respetuhin. Huwag kang
magpa-abuso sa ibang tao dahil sarili mo lang ang makakatulong sayo.

Sa halip na parusahan ang iyong sarili ng mga negatibong kaisipan,


marahang gabayan ang iyong sarili sa isang positibong direksyon. Maaaring
tinatanong mo ang iyong sarili kung ano ang humantong sa mapanirang pag-uugali,
kung ano ba talaga ang nais mong gawin, at kung ano ang mga kahihinatnan. Sabihin
sa iyong sarili na mayroon kang iba pang mga pagpipilian, at hindi pa huli
para magbago. Pagkatapos ay mag-isip ka ng isang konkretong hakbang na
maaari mong gawin kaagad upang maging daan ito sa isang mas positibong
direksyon o bumangon at subukan muli.

You might also like