You are on page 1of 1

Ayon kay Confucius, "Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin

nila sa iyo." Ito ang Gintong Aral (Golden Lesson) o Gintong Pamantayan
(Golden Rule).
Mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at kapakanan ng
kapwa sa bawat kilos na gagawin natin. Itinuturing ni Confucius na matibay
na batayan ng moral na kilos ang reciprocity o reversibility. Higit na
mapatutunayan kung mabuti o masama ang kilos kung ito ay pinag-isipan
bago isinagawa pati ang magiging epekto nito sa iba.
Halimbawa: Kung ayaw mong manakawan, hindi ka rin dapat magnanakaw
ng gamit ng iba. Gagawin mong batayan ng mga bagay na hindi dapat
gawin iyong mismong mga bagay na ayaw mong gawin din sa iyo ng ibang
tao. Hindi ka papatay dahil ayaw mo ring mapatay. Ayaw mong maloko
kaya hindi ka rin mangloloko.

You might also like