You are on page 1of 3

Ang Pagmamahal, at ang Pang-aabuso at Dominansya

Kailan mo masasabing ito ay pagmamahal? Ang bawat tao sa buong mundo ay

naghahanap ng taong kanilang makakasama sa habang buhay. Ang paghahanap ay maaaring

maging matagal pero ito ay sulit kung tayo ay makakahanap ng totoong magmamahal sa atin.

Maniwala ka man sa forever para maging basihan ng tunay na pagmamahal, o ang pagmamahal

bilang isang relasyon para lang ikaw ay may makasama kahit na walang komitment sa isa't isa.

May malaking pagkakaiba ang pagmahahal ng may komitment at ang pagmamahal para lang

ikaw ay may makasama. Ang una ay sinasabing nagbibigay rason para sa magkasinatahan na

mapagtibay ang pagsasama dahil ito ang pumupuno sa kanilang emosyonal na pangangailangan.

Idagdag pa natin na ang mga taong nasa romantikong relasyon ay sinasabing nagkakaroon ng

masayang at malusog samahan.

Sa nobelang Fifty Shades of Grey, ang magkasintahan ay nasa estado ng isang kontrata na

nagsasabing pumapayag si Ana na maging dominante si Christian sa kanya sa kanilang sekswal

na relasyon. Pumayag si Anastasia dahil mahal niya si Christian. At sa kabilang banda, si

Christian ay sobrang dominante kay Ana, na sa isang pagkakataon malalagay sa ating isipan na si

Ana ay nagiging isang sex object lamang para kay Christian. Ang pagmamahal ay maaaring

magkaroon ng madaming kahulugan pero ang pagmamahalan at sex ay dalawang magkaibang

bagay. Ang sex ay maaaring kaloob ng pagmamahalan pero tayo ay dapat mawari sa pagkakaiba

ng dalawa.

Ang kaisipang ang mga lalaki ang laging dominanante ay makikita sa kultura ng iba't

ibang bansa, at ang pagkakaiba sa ganitong kaisipan ay nagdedepende sa kung gaano ka unlad

ang tinatamasa ng isang bansa. Inilalarawan ni Christian Grey ang ideyal na katangian ng isang
mayaman, gwapo, at machismo. Ito ang katangian kung bakit siya minahal ni Anastasia. Marahil,

kung ating huhukayin ang kanyang pagkabata, makikita natin na siya mismo ay nakaranas ng

mapait na hamon ng buhay. Ang kanyang nanay na si Ella ay nalulong sa droga at nagtatrabaho

bilang isang prositut o puta. Nagpakamatay ang kanyang nanay noong si Christian ay apat na

taong gulang pa lamang. Hanggang sa pagtanda niya dala niya ang masamang ala-ala ng

nakaraan. Ito marahil ang dahilan ng kanyang pagiging dominante. Pero ang sa tingin kong

naging mali sa kanya ay bakit kailangan pa ng kontrata para lang lubusang mapagtibay ang

pangkalhatang sexual dominance na kanyang gagawin.

Alam natin na ang bawat magkasintahan, lalo na ang mga mag-asawa, ay kadalasang

may ginagawang mga sekswal na aktibidad pero si Christian ay masyadong nawari dito. Ang

kanyang pagiging dominante at ang kanyang pagiging agresibo ay nasa nilalaman ng kontrata,

pero kung titignan natin sa isang banda, ang ginagawa niya ay pangaabuso kay Ana. Siya ay

isang sadist na mas lalong nalilibugan kung makikita niyang naghihirap at nasasaktan si Ana.

Kahit na sila ay may kontrata, makikita natin na si Ana ay isang babaeng malapit sa sekswal na

pangaabuso.

Ang mga babae ngayun, sa kahit saang parte ng mundo, ay malapit sa iba't ibang klase ng

karahasan. Karamihan sa mga ito ay hindi na naiireklamo at ang pinakamasama pa ay minsan

nagiging tanggap na ito dahil sa dami ng gumagawa ng pangaabuso. Maaaring makita ng mga

adbokasiyang sumusuporta laban sa pang-aabuso sa kababaihan na ang ginagawa ni Christian

Grey ay hindi naayon at hindi tama.

Ang pang-aabuso laban sa kababaihan ay laging mangingibabaw kung ang komunidad na

ating ginagalawan ay laging itotolera ang mga ganitong mga pang-aabuso Alam nating lahat na
ang ating ginagawa ay di palaging nasasaklaw ng ating pagiging malaya. Tayo ay nakikisalimuha

sa iba’t ibang taong meron ding sariling kalayaan, kaya dapat hindi tayo mangdahas ng kanilang

karapatan. Ang mga kababaihang malapit sa pang-aabuso ay dapat mabigyan ng kapangyarihan

at hindi lamang ito sa pagiging submissive, bagkus dapat mabigyan ang bawat kababaihan ng

pantay na karapatan sa lipunan.

Ang Fifty Shades of Grey ay mas umakit sa mga taong binasa at pinanood ito, ngunit sa

ibang banda, ipinapakita nito kung gaano kahirap sa mga taong makita ang mga isyu ng lipunan

na nakapaloob sa nobelang ito. Si Christian Grey ay may sexual disorder at hindi dapat ito

matignan bilang pagmamahal niya kay Anastasia.

Ang pangangailangang emosyonal at sekswal ng bawat tao ay hindi dapat mabigyan ng

maling impormasyon. Ang pagmamahal ay di nangangahulugan na ang isa ay may karapatang

gamitin ang kanilang kasama. Sila ay tao din na tulad ng ibang tao ay may karapatan mairespeto.

Masasabi nating ito ay pagmamahal kung ang pang-aaabuso ay nawala na.

You might also like