You are on page 1of 2

Fifty Shades of Empowering Women

Kailan ba natin narinig ang isang babae mapagusapan ang kanyang sekwalidad? Siguro
ngayon ay may paunti-unti. Pero mula pa noon, ang ganitong mga usapin ay kailan man ay di
naririnig. Ang mga kababaihan ay walang karapatan para sa kanilang sekswalidad, ito ang dikta
ng ating kultura at komunidad noon pa man.

Sa paglabas ng nobelang Fifty Shades of Grey na mas lalo pang pinaigting sa


pamamagitan ng paggawa ng pelikula nito, makikita natin ang lubusang pagtangkilik ng mga tao
sa iba't ibang parte ng mundo. Ayon sa isang source, humigit isang daan milyong libro ang
naibenta sa iba't ibang parte ng mundo, at ito ay nagawaran ng Bestselling Book sa United
Kingdom. Nakapagtala din ito ng humigit 486 milyong dolyar sa tiket, at ang nakakagulat pa ay
mas tinangkilik ito ng mga kababaihan. Madami ang nagsisiwalat ng kanilang opinyon sa social
media, at ang iba nama’y naglabas ng blog sa kung gaano sila natutuwa sa pagbabasa ng libro.
Ito ang nagpapatunay na ang mga babae ay may natatagong libog, na ang mga babae ay
nageenjoy sa sex, at may natatagong sexual desire at fantasy. Dahil sa nobelang ito, nagiging
bukas ang mga kababaihan sa usapin ng sex. Dahil sa ang media ay mainam na ahente ng
pagpapalagan ng kung ano ang “in” o at katanggap tanggap sa sosyedad, nabuksan sa sosyadad
ang kamalayan ng babae ukol sakanyang sexualidad. Nabigyan ang babae ng kalayaan at pantay
na karapatan tulad ng kalalakihan na mahanap ang kagustuhan ng kanilang katawan at
kasiyahan ang kanilang libog. Dahil sa nobelang ito, nabibigyan ang mga kababaihan ng
pagkakataon na maging bukas sa usapin ng sex, na maging bukas sa kanilang sarili sa pagtuklas
ng kanilang sexual desire at fantasy.

Empowered Women

           Maraming pumuna sa nobela at pelikulang 50 Shades of Grey. Iba’t ibang opinion ang
lumabas sa internet tulad ng mga blog at online news. May nagsasabing ang nobela ay anti-
feminist at may mga nagsasabi naman na ang nobela o pelikula ay empowering. Ang mga sa
palagay ng mga mambabatikos ng istorya, ang mga ipinakitang tema ay bayolente, mapang
abuso sa kababaihan. Ngunit marami din ang nagsasabi na ang nobela ay empowering sa
kababaihan.

Empowering ang nobela sa kababaihan hindi sa tradisyonal na kamalyan. Sa nobela


tinutuklas at tinatanggalan ng negatibong pagkakakilala ang sexualidad ng babae. Ang
sexualidad ng babae ay winawaring taboo. Sa mga nag daang henerasyon na lumaki sa
abstinence-only, shame-based sexuality “education”, hindi nakapagtataka kung bakit ang 50
Shades of Grey ay malaking hamon sa mga nakagawian kaisipan ukol sa sex, lalo na sa
sexualidad ng babae. Ang babae ay, hindi man direkta, pinagbabawal pag usapan ang kanilang
libido. Bilang isang mainstream ang pelikula/nobela, naging open ang publiko sa mga usaping
sexualidad ng babae., at gayon nalang din lamang ang pagkapopular ng pelikula at libro. Ayon
kay Eloise Mumford, pinakita 50 shades angkumplikadong power dynamics ng isang relasyon,
na syang mainam na maisalarawan sa marami. Ipinakita sa pelikula na ang babae ay maaring
magkaroon ng komplikado ngunit nakahahayok na pagtutuklas ng sexualidad.

Bukod sa binubuksang tema na sexualidad ng kababaihan, empowering ang 50 Shades


dahil kahit hindi perpekto ang pag laban ni Anastasia Steele sa pagka dominante ni Christian
Grey, sa dulo ay may lakas loob na unahinat tumayo para sa sarili si Ana kaysa sa kagustuhan ni
Christian. Pinapakita sa movie kung paano ang pera at kakayahan ay ginagmit para manipulahin
ang ibang tao sa kultura natin, at magandang halimbawa ang pinakita ni Ana sap ag tigil sa
ganitong kaisipan nung napagtanto nyang hindi nya kaya maging sunodsunuran sa kagustuhan
ni Christian, ito ay bagay na ang karamihan ay makaka-relate. Direktang dinefy ni ana si
Christian ng sinabi nya ”I think I’ll hang on to my free will for a bit longer” (tungkol sa kontrata
na iprinisenta ni Christian kay Ana), ditto pinakita ni Ana na hindi sya pag mamay ari ni
Christian. “Why can’t we sleep in the same bed” sabi ni Ana kay Christian; malayang sinabi ni
Ana ang mga sariling kagustuhan, at Malaya nyang kinuwestyon ang di nila pagkakapantay ni
Christian sa kanilang relasyon. Ipinakita ng nobela ang narrative sa makabagong kuntexto sa
pamamagitan ng pagbukas sa kamalayan sa sariling sexualidad ni Ana.

Ayon sa isang essay ni Rami Blair, ang pagsusumite ng Freudian at Lacanian


psychoanalysis at aspeto ng panayam na Foucauldian ay malinaw na pinapkita na Si ana ang
may kapangyarihan kay Christian, na ang “inner goddess” ni Ana ay rumirepresenta sa feminine
eros (Blair, p2). Pinapakita sa detalyadong salaysay ng nobela ay sumisimbolo sa kamalayan ng
sexualidad ng babae na syang isang ideal na representation ng masculine eros. Nang sinabi ni
Ana na sya ay virgin, nakipag talik sakanya si Christian sa paraan na sang ayon kay Ana, na hindi
ginagawa ni Christian sa mga nakaraan “submissives” pinakita dito na mas nasunod pa din si
Ana kay sa sa mga gusto ni Christian. Nang kinuha ni Christian ang virginity ni Ana, inirepresenta
nito hindi “kawalan”ng virginity, kundi ang simula ng pagbungad ng pag-mature ng kamalayan
ng sariling sexualidad ni Ana. Sa 50 shades of Grey, isang relasyon ni Ana kay Christian ay
nagsilbing daan para sa pisikal na expresyon ng sexualidad ni Ana.

You might also like