You are on page 1of 1

Aira Lorenzo Nobyembre 26, 2019

Fili 11 – YY Bb. Andrea Anne Trinidad

SARBEY NG SANGGUNIAN
Annotated Bibliography

“SEND MEMES :(“: MOTIBASYON NG MGA MANLILIKHA NG MGA ‘DARK


HUMOR’ MEMES

Ask, Kristine at Abidin, Crystal. “My life is a mess: self-deprecating relatability and
collective identities in the memification of student issues.” Information,
Communication & Society 21, Blng. 6 (2018): 834-850. Inakses 11/23/2019. DOI:
10.1080/1369118X.2018.1437204

Sa pamamagitan ng content analysis ng mga memes na pinapaskil sa Facebook group na


“Student Problem Memes”,natuklasan nina Ask at Abidin na nagiging daan ang mga memes para
makilahok ang mga estudyanteng parte ng Facebook group na ito sa diskurso ukol sa mga
problemang hinaharap nila sa kolehiyo. Ayon sa mga may-akda, ang pamayanang binubuo ng
mga mag-aaral sa loob ng “SP Memes” ay nakabase sa pakikiramay sa mga karaniwan na
problemang hinaharap bilang mag-aaral. Ngunit maliban sa mga relatable na isyu tungkol sa
mga gawain at iba-iba pa nilang mga responsibilidad, tinuturing na normal na bahagi lamang ng
buhay-estudyante ang mga karanasan ng matinding stress, depression, at anxiety bunga ng
kabigatan ng mga responsibilidad na ito. Dahil sa umiiral na stigma ukol sa mga problema sa
kalusugan ng kaisipan, at ang pagpapahalaga ng mga institusyon sa pagtiis at pagsikap para sa
“magandang kinabukasan”, kadalasang ikinakahiya ng mga taong ito ang pagpapakita ang sakit
at hirap na nararanasan nila sa paaralan. Bagaman likas sa mga meme ang pagpapatawa,
nabibigyan ito ng karagdagang halaga dahil nagsisilbi rin silang daan para sa mga mag-aaral
magpahayag ng damdamin ukol sa mga problemang mahirap at bihirang pag-usapan dahil sa
stigma.

Sa ganitong pananaw,pinapanindigan nina Ask at Abidin na sinasalamin ng paglaganap ng SP


memes sa kabataan ang pagkukulang ng mga paaralan at iba pang institusyon sa pagintindi sa
problemang hinaharap ng kanilang mga pag-aaral. Samakatuwid, pinapaniwalaan ng mga may-
akda na bagaman epektibo para sa mga mag-aaral ang SP meme sa pagpapahayag ng problema at
pagpapagaan ng kanilang pakiramdam, hindi nito matatama ang nasabing stigma na nagiging
sanhi rin ng paghihirap sa mga mag-aaral.

You might also like