You are on page 1of 2

Naitala muli ang kaso ng polio sa bansa matapos ang 19 taong pagiging

polio-free ng Pilipinas, ayon sa Department of Health.

Ang polio ay isang nakahahawang sakit na ang ilan sa mga sintomas ay


lagnat, panghihina ng katawan, pagsusuka, paninigas ng leeg, pangangalay
ng mga kamay at paa.

Nakukuha ang polio kapag nahahawakan ang dumi o feces ng taong mayroon
nito.

Maaaring mauwi ito sa pagkaparalisa o pagkamatay ng pasyente.

Ayon sa DOH, may kumpirmadong kaso na naitala sa Lanao Del Sur.


Nakitaan din ng polio virus ang ilang water sewage samples sa Maynila at
Davao.

Dati nang nagbabala ang mga eksperto sa posibleng pagbalik ng polio sa


bansa lalo't bumaba ang mga nagpabakuna laban sa sakit sa mga nakalipas
na taon.

Base sa datos ng DOH, nasa 66 porsiyento lamang ng target population ang


nagpabakuna ng third dose ng oral polio vaccine (OPV).

Nasa 95 porsiyento ang kailangan para masigurong protektado ang mga


Pilipino laban sa polio.

 'Polio posibleng bumalik sa bansa sa pagkaunti ng mga


nagpapabakuna'

Maaalalang bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa, na may


kaugnayan sa pangamba ng publiko sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Dahil dito, nanawagan si Duque sa mga magulang na pabakunahan ang


kanilang mga anak kontra sa sakit.

Makikipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga lokal na pamahalaan at iba pang


mga ahensiya para agad na makontrol ang posibleng polio outbreak.

Magsasagawa ang DOH ng mga serye ng oral polio vaccinations para


maprotektahan ang mga bata na nasa edad 5 pabababa.
Sa panayam sa TV Patrol, sinabi ni Duque na masusing kalinisan sa katawan
ang kinakailangan para maiwasan ang polio.

"Kinakailangan pong pag-ibayuhin ang ating personal hygiene at cleanliness.


'Yong paghuhugas ng kamay ay napaka-practical na hakbang na wala naman
itong gastos... at gumamit ng sabon," ani Duque.

You might also like