You are on page 1of 5

Ang Senyoritong Bakwit

By: Janina Mae V. Malibiran

“Grabe ang laki! Kakalipat lang namin sa bago naming mansyon. Pagkatapos

bumagsak ng kakaibang ulan na nagbubura ng kulay. Hindi ko makakalimutan ang

araw na ‘yon, kasi noon ko lang nalaman na mayaman pala kami! Gaano kayaman?

Sige, ikukwento ko sa’yo. Sa isang kurap nabago ang lahat. Bigla akong naging

senyorito. Si Senyorito Manolito.”

“Simula nung lumindol at may naamoy kaming masangsang, iniwan lang

naman namin ang lahat-lahat. Gamit sa kusina, damit, T.V. at ref; laruan, alagang

manok, sofa, kama, at kabinet. Nagmamadali pa nga si Nanay at Tatay eh, pati na rin

si lolo, lola, kuya at ate. Lahat napapatakbo at napapasigaw. Masyado siguro silang

excited. “

“Kung damit lang naman ang paguusapan, Aba, Marami kami niyan! Baka

mahilo ka sa dami ng pwedeng pagpilian. Mataas pa sa bundok na pumutok bago

kami lumipat. Parang laging may costume party. Nakamaskara kasi kaming lahat.

Naghahanap ng kasyang damit at nagsusukat. Araw-araw nga parang pasko! Kasi

sangkatutak ang mga laruan ko! Laging may dumarating at tinatambak diyan. Kahit
hindi ko pa hinihiling, natutupad agad. Alam ko, mahirap paniwalaan. Ganyan talaga

kaming mayayaman.”

Kung gusto mo ng pagkain, Sus! Wala kang dapat ipag-alala. Baka magsawa

ka sa kakanguya. Minsan napadaan nga ako sa kusina. Higante ang mga sandok at

kawa. Parang kasya na nga ang isang bata. Di pa mabilang ang mga katulong na

naghahain ng ulam. Minsan lang nakaka-umay na, panay kasing kinakain namin,

noodles at de lata. Kapag malapit nang maubos, sunod-sunod ang mga truck na

pabalik-balik at naghahatid. Bilib ka ‘no? Ganyan talaga pag rich kid!

“Hindi naman sa pagyayabang, marami din kaming mga tauhan. Baka

mangawit ka kakatanaw sa pila-pilang mga tao. May sarili pa kaming doctor, nurse,

pulis, bumbero, reporter, at dentista. Araw-araw may dumadalaw na mga bisita.

Minsan may mga foreigner pa nga at artista! Lagi ngang walang pasok muntik ko

nang ma-miss si teacher, pero nandito lang pala siya. Ayun oh, nakadaster! Lahat

sila pumupunta pa sa bahay. Ganito pala ang feeling ‘pag nakakaangat sa buhay.”

“Hindi naman din sa pagmamalaki, may sarili pa kaming basketball court.

Madalas nga kami dun nagcacamping. Naku! Baka maduling ka sa dami ng tent

namin. Sa bakuran naman, malawak ang palaruan. Ang dami pang sundalo at
guwardiyang nakabantay. Madalas kasing may mga helicopter na pumapasyal. Hay!

Ang hirap palang maging sosyal.”

“At hindi naman sa pagmamataas, mayaman din ako sa kaibigan. Baka mahilo

ka sa dami ng mga bata sa amin, kasi laging nagsisiksikan. Di’ba mas marami mas

masaya? Ganto pala ang buhay ng may-kaya. “

“Nagtataka lang ako kung bakit gusto ng ibang umalis, yung buhay namin

malapit sa mainit na lawa, hindi naman nakaka-miss. Kung ako sa kanila dito na lang

ako titira kesa naman sa lumang bahay na sira-sira. Dito, panatag ang aking pamilya.

Hindi pa kinakabahan sa paulit-ulit na pagyanig ng lupa. Tingnan mo nga, masaya

sila. Nagkakantahan at nagsasayawan pa.”

“Sana ganito palagi, parang mahabang bakasyon, Hindi tulad ng buhay namin

sa nayon. Dito lagi akong inaalagaan, inaasikaso, pinapakain at pinagsisilbihan,

marami pa akong nakikilalang bagong mga kaibigan.”


10

“Grabe ang dumi! Umuwi na ulit kami sa luma naming bahay. Bumalik na kasi

ang kulay na binura dati ng kakaibang ulan. Tumigil na rin ang lindol at nawala na

ang masangsang na amoy. Sa isang iglap natapos din lahat.

11

“Pero ayos lang yan, ganun siguro talaga. hindi palaging pahinga, hindi panay

bakasyon. Kailangang bumalik sa trabaho nina Tatay at Nanay. Kailangang pumasok

nina Ate at Kuya sa eskuwela. Kailangang magpahinga sa kubo nina lolo at lola.

Kailangan ko ding mag-aral ng mabuti, Kailangan naming bumalik sa dati. “

12

“Malay natin ‘pag dumating ang tamang panahon, maabot ko din ang lahat ng

aking pangarap. Magtagumpay, makatulong sa pamilya, maiahon kami sa hirap.

Kahit hindi madali, kakayanin ko. Kahit hindi mangyayari lahat sa isang kumpas.

Pero gagawin ko, para maranasan namin ang magandang bukas. “

13

“Pagkatapos kami’y magbabakasyon. Magpapagawa din ako ng sarili kong

mansyon. Yung malaki, maraming damit, laruan at pagkain. At gabi-gabi kami’y

magcacamping. Marami ding katulong at mga tauhan, may basketball court, at

malaking bakuran! At iimbitahan ko ang lahat ng aking kaibigan.


14

Minsan talaga napapaisip ako, kailan kaya ako magiging ganap na senyorito?”

You might also like