Guro, Dakila Ka Ipass Sa Fides

You might also like

You are on page 1of 1

Guro, Dakila Kayo

Ni Paula Marie B. Caborubias

Sa umaga’y darating na dala-dala


Mga kagamitang gamit sa eskwela
May aklat, tsart at learning log pa
Na sa kanila’y di pwedeng mawala

Kung titignan, sila’y simpleng tao lamang


Minsan pa nga’y sinasabing walang kayamanan
Ngunit ang kanilang isipa’y puno ng kaalaman
At ang puso’y sinlaki ng walang hanggan.

Sa paaralan, kayo ang aming pangalawang magulang


Umiintindi sa lahat ng aming kakulangan,
Nagpadarama ng pagmamahal at kami’y pinagmamalasakitan
Mga bagay na hatid nyo at ng aming mga magulang.

Sa aking mga mata’y nasisilayan ko


Ang mga sakripisyo at pagpupunyagi nyo
Upang kami’y matuto at makilala sa mundo
Maging isang taong marangal at edukado.

Mahal kong mga guro


Nais kong isigaw sa buong mundo
Walang sinumang makapapantay sa inyo
At sa gawain niyong pagtuturo.

Bayani kayo, aking mga guro,


Dakila, ang lahat ng guro sa mundo.

You might also like