You are on page 1of 2

Tashiro, Kenji O.

ENR12

Si Mr. Leeds ay ang karakter na binanggit sa ilang kabanata ng El Filibusterismo,

partikular sa Kabanata 16, 17 at 18. Siya ang tagapamahala ng isang perya sa Quiapo

na sikat dahil sa pagtatanghal niyang kasama ang isang ulong nagsaasalita. Ang ulong

ito'y tinawag na Imuthis na may buhay na maihahalintulad kay Ibarra. Ayon sa

Kabanata 18, nang magtanghal si Mr. Leeds kasama ang ulong si Imuthis, hinimatay si

Padre Salvi dahil sa takot. Binanggit dito na habang nagsasalita ang espinghe, nakatitig

ito sa prayle. Ang espingheng ito ay si Simoun. Kinabukasan, ipinag-utos ng

gobernador ang pagbabawal kay Mr. Leeds na magtanghal sa Quiapo. Ngunit bago pa

ito, siya ay tumungo na sa Hongkong dala ang sikreto nila ni Simoun.

Sa kabanata na ito, ninais ni Ben Zayb na patunayang optikal ilusyon lamang ang

palabas na ulo. Mababasa rito ang nagpakita't nagpakilalang si Imuthis (ang

totoong tawag sa ulo ay Espongha pero nagpakilala ang ulo na ang kanyang pangalan

ay Imuthis).  Nakaharap ito kay Padre Salvi.  Sinabi ng ulo na siya raw ay isinilang sa

panahon ng Amasis at pinatay sa panahon ng pananakop ng Persyas. Hindi

maikakailang may pagkapareha ito ng kwento sa buhay ni Crisostomo Ibarra kaya't

kinilabutan at nasindak nang husto si Padre Salvi. Kung mababasa, halos nahibang ang

prayle sa takot at sa katunayan, dahil dito ay hinimatay siya. Kinabukasan din ay

nanawagan at naglabas ng kautusan ang simbahan na ipagbawal ang ganoong klaseng

palabas ngunit wala na pala ang hinahanap namay pasimuno, si Mr. Leeds.

Pinaniniwalaang bumalik na ang taong ito sa Hong kong dala-dala aniya ang


kanyang mga sinisekreto. Pinapakita ni Imuthis ang katotohanan tungkol sa ginawa ng

mga prayle noon pa man. Iminulat tayo sa katotohanan Ng mga sakripisyo at hirap na

naranasan nila noon.

References:

http://www.joserizal.ph/fi20.html?

fbclid=IwAR1KJogRUBw1UwonZ5EUBup1hM1_xrUHGrtyQaOT7NOZtfzQvrwDgGgoaTU

http://rizalville.com/el-filibusterismo-chapter-18-summary?

fbclid=IwAR24PsYxa9B__8iPFY8SY4XMsCweoCSkvc8SAsNHoPskv9bZbwu25PmeZtA

You might also like