Filipino Talbo Soberano.

You might also like

You are on page 1of 17

IETI College of Science and Technology

Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

NEGATIBONG EPEKTO NG ALAK SA MGA ATLETANG MAGAARAL NG

IETI COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY SAN PEDRO LAGUNA

Isang Pananaliksik na Isinagawa Bilang Pampinal na Nahagi ng Pag-aaral sa

Asignaturang Filipino : Pagbasa sa Iba’t - Ibang Disiplina

Ipinasa Nina:

Kyle Ashley C. Talbo

Emmanuel E. Soberano

Ipinasa Kay:

Mrs. Nelia Gregorio Abejar

Marso, 2020
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Kabanata I

Ang suliranin at saligan nito

1.1 Panimula

Ilan libong taon na ang makalipas ng maganap ang unang himala ni hesus sa isang

kasalan sa konan, ito ay ang paglagay ng tubig sa isang bariles at ito ay biglang naging

alak. Noon pa man ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng panahon inabuso ito

ng mga tao. Sa pagdaan ng panahon pati ang mga bata ay umiinom na ng alak masyado

na silang abuso sa paginom ng alak hindi na ito maganda sa kanilang katawan dahil

mayroon itong masamang epekto sa katawan ng tao at sa pagbago ng panahon halos lahat

ay ginagawa na itong bisyo pati ang mga “magaaral at mga atleta “ ay masyado na tong

inabuso hindi na maganda ang masyadong paginom ng alak. Dahil sa paulit-ulit na

paginom nito unti unting nasanay ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong

dulot ng inuming ito. Upang makalimutan ang problema ang palaging bukang bibig ng

mga taong laging umiinom ng alak ang iba naman ay nais lamang sumaya , para

masubukan o maranasan ang epektong dala ng inuming ito. Mayroon ibat ibang klaseng

dahilan kung baket napapainom ang isang tao may mga okasyon gaya ng birthday, pasko,

bagong taon , at pagkapanalo sa mga laro.


K
B
I
D
P
S
Y
G
O
N
H
C
E
T
L
F
w
M
J
R
A
(b
v
ld
c
u
.n
riy
h
g
s
to
e
p
k
a
m
U
1.2 Batayang Teoretikal
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

1.3 Batayang konseptwal (Konseptwal ng Balangkas)

NEGATIBONG EPEKTO NG ALAK SA MGA ATLETANG MAGAARAL SA

IETI COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY SAN PEDRO LAGUNA

INPUT PROSESO OUTPUT


Nais ng mga mananaliksik Magsasagawa ng mga Inaasahan ng mananaliksik
na malaman ang epekto ng katanungan ang kung ano magiging epekto sa
alak sa atletang mananaliksik sa mga kanilang katawan ang
magaaral sa IETI College atletang magaaral ng IETI paghinto sa paginom ng alak
of Science and College of Science and upang maging aktibo sila sa
Technology sa Technology. kanilang isports.
pamamagitana ng
pagtanong at pagsagot sa
talaan ng magaaral.
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

1.4 Paglalahad ng Suliranin/Layuin

1.4.1 Pangkalahatang Layunin

Layunin sa pananaliksik na ito ay maibatid kung ano ang pananaw at karanasan ng mga

Ateletang magaaral sa IETI College of Science and Technology hinggil sa epekto ng

paginom ng alak sa kanilang katawan.

1.4.2 Mga Tiyak na Layuin

 Paano nakakaapekto sa perpormans ang alak sa mga Atleta

 Positibo at Negatibong dulot sa mga Atleta

 Dahilan ng paginom ng alak sa mga Atleta

1.4 Kahalagahan ng Pagaaral

Atleta: Ang pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga atleta na umiinom ng alak dahil

mabibigyan sila ng impormasyon tungkol sa epekto ng alak sa hindi pagganap ng maayos

sa kanilang mga tungkulin bilang isang atleta. Makakatulong ang pagaaral na ito sa

paggawa ng desisyon.

Mga Guro : Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga Guro dahil magkakaron ng

kaalaman kung paano nila magagabayan ang kanilang mga istudyanteng magaaral kung

anong klase ng benepisyo ang makukuha sa paginom ng alak. Ito din ay makakatulong sa

mga Guro upang mapagbigyang alam ang mga istudyanteng atleta kung ano ang epekto

ng alak sa pagganap ng mga istudyanteng atleta sa kanilang mga tungkulin.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Mananaliksik : Ang pagaaral na ito ay higit na makakatulong sa mga mananaliksik dahil

sa napaglaanan ng mananaliksik ng oras ang pagaaral na ito ay nagkaroon din sila ng

karagdagang kaalaman tungkol sa epekto ng alak sa katawan lalo kung isang atleta.

Tagasanay : Ang pagaaral na ito ay tumutugon sa mga tagasanay dahil

mabebenepisyohan ang mga tagapagsanay at magkakaroon ng karagdagang kaalaman

upang magabayan nila ang kanilang mga istudyanteng atleta sa kung anong epekto ng

alak sa pangangatawan. Isa din ito sa karagdagang kaalaman sa mga tapagsanay upang

magampapanan ang kanilang tungkulin sa pagiingat sa kalusugan ng kanilang mga

istudyanteng atleta.

1.5 Saklaw at Delimitasyon

Ang mga tumutugon sa aralin na ito ang mga magaaral na atleta ng IETI College of

Science and Technology San Pedro Laguna.Dito lamang iikot ang pag aaral na ito

makikita ditto kung paano parin nila nagaganapan ang tungkulin nila. Makikita ditto

kung paano naaapektuhan ang kanilang kalusugan at unti unting paghina ng

resitensya..

1.6 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Istudyanteng Atleta- Ito ay ang pagganap bilang isang manlalaro ng paaralan na

nagrerepresenta at nakikipagkumpetensiya sa ibat ibang paaralan at ang isa naman ay

ang pagganap bilang isang magaaral na hindi lamang nakatutok sa paglalaro sapagkat

ay nakatutok din sa pagaaral. Ito ay nahahati sa dalawa na kailangan maganapan sa


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

pagkakaroon ng dalawang tungkulin ng hindi naapektuhan ang pagaaral at hindi

naaapketuhan ang isang atleta.

Potensyal- Isang salita na nangangahulugan na may pagasa, posibilidad at kakayahan

ang isang tao.

Tagasanay- Kadalasang may kahulugan na paglipat lamang ng kakayahan sa mga

tinuturuan, nagbubuo o nagtatayo ng kapasidad ng isang tao.

Pagganap/Performance- Pag-akto o pag- arte na isinasagawa ng isang actor o isang

aktres sa tanghalan.

Bariles- Ito ay isang uri ng pinaglalagyan at pinagiimbakan ng alak.

Alak/Alcohol- Ang alak ay isang uri ng inumin na gawa sa alkohol. Nakakalasing ito

at may iba’t ibang antas ng tapang o dami ng alkohol,na siyang nagbibigay ng

pakiramdam ng kalasingan sa isang tao. Ito rin ay isang uri ng downer, na tulad sa

ibang droga,ay nakakapagbigay ng pakiramdam ng lungkot at pagkabawas ng

kasiyahan.

Mananaliksik- Ang mananaliksik o researcher sa ingles ay isang kumakalap ng at

naghahanap ng impormasyon patungkol sa isang paksa.

Guro- Ang nagtuturo at nagbibigay ng kaalaman sa kaniyang mga paksang

tinatalakay.

Bisyo- Masamang pinagkabihasnan,panget na ugali na hinilig kinahiligan ng isang

tao.
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Kabanata II

Kaugnay sa Literatura

2.1 Kaugnay sa Literatura ( Foreign )

Jean(2016), ang pag inom ng alak kasama ng kaibigan sa kasiyahan o pag inom dahil

sa problema na dinadala. At pag inom dahil lang sa impluwensya ng kapwa kabataan

dahil ang tingin nila ay maganda tignan. Hindi lingit sa atin kaisipan na ang mga

kabataan ay ikinatutuwa pa na ipakita ito sa kanilang social media account upang

magpasikat sa kapwa nila kabataan.Ang mga bisyo na ito ay may malaking epekto sa

bawat isang kabataan na nalululong dito. Ang pag aaral ay napapabayaan at hindi na

naiisip pa ang magandang kinabukasan na makakamit nila. At dahil sa hindi na

nakapag aral ay walang maayos na trabaho kung kayat nagagawa nalang nila mag

nakaw o gumawa ng masama sa kapwa. Hindi ba nakakagulat na ang isang masiglang

bata na may maayos na pangangatawan at magandang ngiti sa mukha at higit sa lahat

ay makulay na pangarap ay unti unting nanghihina, nawawalan ng pag asa at hindi na

makilala.

Ayon kay Vergel (2019), Kapag ang isang tao ay lasing o pinasukan na ng

sobrang tawan at utak, malaki ang epekto nito sa kanyang kakayahang magdesisyon.

Kaya naman nagkakagawa ng pagkakamali na kapag nawala ang kalasi-ngan ay

malaki ang pagsisisi.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Isang halimbawa ay ang kakayahang magmaneho kung kaya’t nagkakaroon ng disgrasya

na pangunahing sanhi ng aksidente at kamatayan sa ibat ibang bansa.

Maaari ring mapaaway ang mga lasing na pwede ring magbigay-daan sa aksidente.

Importante rin, ang kalasi-ngan ay maaaring magdulot sa high-risk sexual behavior dahil

inaalis nito ay hiya o inhibisyon sa mga tao.

Habang lasing, sira rin ang kakahayan na balansehin ang katawan. Maaaring matumba,

madapa, matapilok, o makaranas ng iba’t ibang aksidente habang lasing.

Ayon pa kay Anne Sayers (2013), ang alkoholismo ay isang sakit ng katawan,isip,

damdamin at diwa. Bilang isang resulta, ang katawan at utak ay nangangailangan ng mas

maraming alak.

Ayon kay Berlin Flores, kapag ang alak ay nakonsumo matapos kumain ay

nakakaapekto sa ating centralnervous system(CNS). Sa mga tuntunin ng hydration, ang

mga antas ng toxicity.

2.2 Kaugnay sa Pag-aaral ( Local )

'Pagtagay ng alak, serbesa, pampahaba ng buhay'

ABS-CBN News

2017

Karaniwan nang kapag may handaan, bibida ang alak, serbesa, at mga pulutan.

At kung pagbabasehan ang isang pag-aaral, hindi lang pang-kasiyahan ang alak at

serbesa. Maaari rin itong pampahaba ng buhay.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Kinumpirma ng isang pag-aaral na maaaring makatulong sa pagpapababa ng tsansang

maagang mamatay ang minsanang pag-inom ng isa hanggang dalawang baso ng alak o

serbesa.

isinagawa ang isang pag-aaral sa mahigit 333,000 respondents sa Amerika kung saan

inobserbahan sa loob ng walong taon kung paanong nakaaapekto ang kanilang pag-iinom

sa kanilang tsansang mabuhay.

Kumpara sa mga taong hindi kailanman nakatikim ng alak o serbesa, ang mga umiinom

nang katamtamang dami lamang ay 20% mas mababa ang tsansang mamatay nang

maaga, o nang dahil sa kahit anong sakit sa puso, ayon sa pag-aaral.

Pero lumabas din sa pag-aaral na ang mga malalakas uminom ay may 10% mas mataas

na tsansang mamatay sa kahit anong dahilan. Maaari ring magkaroon ng 20% tsansang

magkaroon ng kahit anong uri ng cancer na ikamamatay rin nang maaga.

Kaya naman, kung iinom man ng alak, uminom lamang nang katamtaman, payo ni Dr.

Bo Xi ng School of Public Health sa Shandong University sa China.

Matagal nang iniuugnay ang sobrang pag-inom sa mga sari-saring sakit, gaya ng sakit sa

atay, sakit sa puso, at iba-ibang uri ng cancer.

Gayumpaman, may mga nakaraang pag-aaral na nagpapahiwatig na maaaring may

kaugnayan ang minsanang pag-inom sa pamumuhay nang mas matagal.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Sa panahong isinagawa ang pag-aaral, 34,754 katao ang namatay, kasama na ang 8,947

na namatay dahil sa mga sakit sa puso, at 8,427 dahil sa cancer, ayon sa mga

mananaliksik sa Journal of the American College of Cardiology.

Tumaas naman ng 25% ang tsansang mamatay sa mga manginginom na lalaki habang

isinasagawa ang pag-aaral. Samantala, mas mataas naman nang 67% ang tsansang

mamatay dahil sa cancer ang mga hindi nakatikim ng alcohol kailanman.

Sa pag-aaral na ito, iginiit naman ng mga mananaliksik na umasa sila sa memorya at

sagot ng mga kalahok ukol sa kung gaano karami ang kanilang nainom at kung kailan.

Hindi naman sigurado ang mga mananaliksik kung bakit napabababa ng katamtamang

pag-inom ang tsansang mamatay, ayon kay Dr. Eugene Yang ng University of

Washington School of Medicine.

Subalit, ayon kay Yang, maaaring bawasan ng alcohol sa alak at serbesa ang posibilidad

na mamaga at magkaroon ng bara ang mga ugat. Maaari rin nitong pataasin ang good

cholesterol at mga antioxidant sa katawan.

Iwasan na lamang ang sobra-sobrang pag-inom nang araw-araw o nang sobrang dalas,

payo ni Dr. Gregory Marcus ng University of California, San Francisco.

Dagdag pa niya, kung naaadik na sa alak at serbesa, pinakamainam na ihinto na nang

tuluyan ang pag-inom nito o kaya'y humingi ng tulong mula sa espesyalista para matigil

ang bisyo.
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Ang alkoholismo ay isang salitang may iba't ibang kahulugan ngunit magkakasalungat

na kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang

alkoholismo bilang kahit anong kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom ng

mga inuming alkoholiko sa kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong

kahihinatnan nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang

isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming

nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang

alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at

maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-

inom ng alak.

Habang kailangan ang pag-inom ng alak upang magkaroon ng alkoholismo, hindi

nangangahulugang magkakaroon ang isang tao ng alkoholismo base lamang sa pag-inom

ng alak. Iba-iba ang epekto ng alak at ang pagkakaroon ng alkoholismo sa bawat tao, lalo

na sa mga aspeto ng kung gaano karami at gaano kadalas uminom ng alak. Dagdag pa

rito, hindi pa man alam ng mga mananaliksik ang mga mekanismo sa katawan ng tao na

mag-uugnay sa pagkakaroon ng alkoholismo, ilang mapapanganib na katungkulan ang

nakilala na gaya ng paligirang panlipunan (social environment), kalusugang pang-

emosyonal (emotional health), at kalagayang henetika (genetic predisposition).

Walang safe level sa alak?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) -

2018 “Ang one drink a day ay kumakatawan sa maliit na dagdag sa panganib,” sabi ng
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

isa sa mga awtor ng pag-aaral na si Prof. Sonia Saxena ng Imperial College of London.

Ayon naman sa lead author na si Dr. Max Griswold ng Institute for Health Metrics and

Evaluation (IHME), University of Washington,ang pinagsamang health risk na kunektado

sa alak ay nadadagdagan kahit gaano ito karami. Mas tumataas anya ang peligro habang

nadadagdagan ang pagkonsumo ng alak.   Pero sabi naman ni Prof David Spiegelhalter,

Winton Professor for the Public Understanding of Risk at the University of Cambridge,

dapat maging maingat sa resulta ng naturang pag-aaral. Kapag anya sinabing walang safe

level, tila hindi ito isang argumento na itigil na ang pag-inom.  “Walang safe level sa

pagmamaneho pero hindi .

ipinagbabawal ng pamahalaan ang pagmamaneho. Wala ring safe level sa pamumuhay

pero walang nagrerekomendang ihinto na ito.”

Kabanata III

Mga Pamamaraan ng Pananaliksik at Pinagkukunan ng Datos at

Paglalagom

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng Deskriptibong Metodolohiya ng

pananaliksik. Marami ang uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng

mananaliksik na gamitin ang “ Descriptive Survey Research Design” na gumagamit

ng talatanungan (Survey Questionaire ) upang makalikom ng Datos. Naniniwala ang


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

mga mananaliksik na mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga

napiling respondent. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang pamamaraan

na ito para sa paksang ito.

3.2 Setting ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gaganapin sa IETI College of Science and Technology

Inc. at dito unang malalaman ang o masusubukan ang pag-aaral na ito upang

malaman ang epekto ng alak sa ating katawan dito rin magmumula ang magiging

respondent sa pananaliksik na ito.

3.3 Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang napiling respondent sa pagsusuring ito ay ang mga Istudyanteng Atleta ng

IETI College of Science and Technology Inc. Maaaring pumili ang mananaliksik

nang isang daang (100) mag-aaral na maaaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

3.4 Mga Instrumentong Gagamitin

Ang mananaliksik ay gumamit ng “Survey Questionaire” o talatanungan bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos sa pag-aaral na ito o maaaring gamitin

sa pag-aaral. Ang talatanungan ay naglalaman ng iilang mga katanungan ukol sa

paksang pinag-aaralan.

Narito ang sipi ng “Survey Questionaire” upang lubos na maunawaan ang

komposisyon ng talatanungan na ginamit sa pag-aaral.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

Pangalan/Opsyunal : _________________________

Kasarian: ________________________

1.) Sa inyong mga Atleta nakakabuti ba ang paginom ng alak?

A. Oo B. Hindi C.Hindi Sigurado

2.) Naniniwala ba kayo na nakakapagpahina ng resistensiya ang alak?

A. Oo B. Hindi C.Hindi Sigurado

3.) Nakakatulong ba ang paginom ng alak bilang isang Istudyanteng Atleta ?

A. Oo B,Hindi C. Hindi Sigurado

4.) Mayroon bang positibong epekto ang alak sa inyong mga Istudyanteng Atleta?

A. Oo B. Hindi C.Hindi Sigurado

5.) Pakiramdam niyo humihina ba ang inyong resistensiya sa tuwing umiinom ng

alak ?

A. Oo B. Hindi C.Hindi Sigurado


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

3.5 Paglalagom

Nais ng mananaliksik na malaman kung ano ang positibo at negatibong

epekto ng alak sa pangangatawan ng bawat mga Istudyanteng Atleta. Nais din ng

mananaliksik na malaman kung ang pag-inom ba nang alak ay nakakaapekto sa

paghina ng resistensiya ng isang Istudyanteng Atleta. Kaya naisipan ng

mananaliksik na piliin ang paksang ito upang malaman kung paano mabibigyan

impormasyon at mabibigyan importansiya ang kalusugan ng isang Istudyanteng

Mag-aaral. Isinagawa ito ng mananaliksik upang magabayan ang bawat isa sa

kung ano ang maganda at masamang nagiging epekto ng alak sa ating katawan.

3.6 Konklusyon

Ang mananaliksik ay nakakakalap ng impormasyon hinggil sa epekto ng

pag-inom ng alak. Ang paginom ng alak ay mayroong masamang epekto sa

pangangatawan ng isang Istudyanteng Mag-aaral. Ang paginom ng alcohol ay

makabubuti sa pangangatawan ng isang tao. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng

pag-aaral upang makatulong at mabigyan gabay ang taong umiinom ng alak ang

pag-aaral na ito ay mayroong negatibo at positibong epekto sa pangangatawan ng

isang indibidwal.
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave. San Pedro, Laguna

3.7 Rekomendasyon

Batay na din sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik

iminumungkahi ito sa mga sumusunod:

1.) Sa mga “Coach” o tagasanay upang mas maging malawak ang

kanilang kaalaman ukol sa isinagawang pag-aaral ng mga

mananaliksik tungkol sa kahalagahan ng kalusugan ng kanilang mga

tinuturuan o sinasanay na mga Istudyanteng Atleta.

2.) Sa mga hinaharap na mananalik upang ipagpatuloy ang ginawang pag-

aaral at upang mas mapalawak ang pananaliksik kung maaari ay

kalapan ng datos ang kabuuang bilang ng Istudyanteng Mag-aaral ng

IETI College of Science and Technology Inc. San Pedro, Laguna.

3.) Sa mga mag-aaral na makakabasa ng pag-aaral kung ito ba ay tunay na

kapakipakinabang o mapapakinabangan sa kanilang pag-aaral at upang

makalapan sila ng reaksyon o impormasyon ukol sa paksa.

You might also like