You are on page 1of 161

HBS IV: Stay With Me

by Diyosangwriter

HOT BACHELOR SERIES IV: Kristoff Uno Dela Marcel

Story by: Diyosangwriter


Cover by: CookieMallows

=================

HBS IV: Stay With Me

Copyright © 2015 Kath Antonio/ Diyosangwriter.

No portion of this book may be reproduce or transmitted in any form or by any means
without written permission from the original copyright holders. This book is a work
of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead,
is entirely coincidental.

HOT BACHELOR'S SERIES IV: Stay With MeKristoff Uno Dela Marcel

PROLOGUE

"Ysabell Liondale?" mula sa binabasa kong libro ay lumingon ako sa taong bumanggit
ng pangalan ko. Kumunot ang noo ko ng makitang si Kristoff Uno Dela Karcel ang nasa
harapan ko. Lumingon ako sa likuran ko, tinignan ko kung may tao ba doon na pwedeng
tumawag pa sa akin dahil baka nagkakamali lang ako pero wala.

Nilingon ko siyang muli. Prente siyang nakaupo sa harapan ko at nakangiti sa akin.


Anong kailangan niya?

"I'm the one who calls you by your name," umirap ako sa tigas ng ingles niya. Nasa
pilipinas kami, bakit siya nag-iingles?

"Bakit?" tanong ko. Nilapit niya ang mukha sa akin. Umayos ako ng upo upang
makalayo sa kaniya.

"Sumama ka sa akin!" sabi nito.

Tumaas ang kilay ko ngunit hindi man lang napalitan ang ekspresyon niya sa mukha.
Anong kailangan ng isang Dela Marcel sa akin? Don't get me wrong, hindi ko lang
kasi inaasahan na lalapit siya sa akin o kahit isa sa mga kapatid niya.

Isa siyang Dela Marcel. Kilalang kilala sila bilang tagapagmana ng isa sa
pinakamayamang tao sa bansa, si Kristoffer Numero Dela Marcel. Maliban doon, sikat
din sila dahil sa physical nilang kaanyuan.
"I'm busy," sagot ko at muling inangat ang libro ko, para na rin matakpan ang mukha
ko. Nagulat ako ng biglang may humablot non. Mas nanlaki pa ang mata ko ng basta
nalang niya iyon ihagis sa sahig.

Masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya pero parang wala lang iyon sa kaniya. He
crossed his arms and pout like a duck! Yuck!

"Kung ayaw mong sumama sa akin, let's talk here!" umirap ako at umiling. Not
because he is who he is doesn't give him the authority to treat me like that. Kung
gusto niya akong kausap, dapat matuto siyang maghintay. Mayaman siya pero wala
siyang manners!

I pursed my lips and cross my arms, too. Kung akala niya susunod ako sa kaniya pwes
nagkakamali siya! This is a free country! If he can do that, I can do too! Kinuha
ko ang notebook niya na nilapag niya sa table at binato ko rin, mas malayo kaysa sa
pagbato niya. Pagkatapos ay tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Lumapit ako sa
libro ko at pinulot.

Nagulat nalang ako ng may humablot sa akin and before I knew it, nakaupo na akong
muli sa table at nakaharang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

"Listen very well, Liondale. I don't have much patience for you—"

"You don't have any rights to tell me what to do! Ikaw ang may kailangan kaya
matuto kang maghintay!" sigaw ko sa kaniya. Bigla akong nakarinig ng bulong
bulungan.

Lumingon ako sa paligid at doon lang pumasok sa isipan ko na nasa cafeteria kami at
halos lahat ng estudyante doon ay nakatingin na sa amin... o sa akin. Kung
makatingin sila akala mo ako ang may ginawang masama. Inis akong umiling at tumayo.
Pipigilan sana ako ni Kristoff pero pinalo ko lang ang kamay niya at mabilis na
naglakad ako palayo doon.

This is really a free country. They can judge me anytime they want without even
asking for my side. Sino ba ako para paniwalaan nila?

"Have you ever heard about my Dad being one of the owner of this university?"
huminto ako sa paglalakad ng narinig ko ang boses niya. Hindi ba talaga niya ako
tatantanan?

Huminga ako ng malalim bago huminto at hinarap siya. I was taken a back when I saw
his blue eyes lighten when I turned. "What do you really want, Dela Marcel?"

"Simple. I want you to help me court your friend Erin." tumaas ang kilay ko. Wtf?
Akala ko ay nagbibiro lang siya pero siryosong siryoso ang mukha niya habang
nakatitig sa akin. Siryoso ba talaga siya? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o
ano. Sa laki niyang tao, hindi niya kayang manligaw?

"Ayoko," sagot ko.

"Sasabihin ko kay Daddy na tanggalin ang scholarship mo," diretso niyang tugon.
Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi mo gagawin 'yon!" nilabas niya ang mamahalin niyang cellphone at nagsimulang
galawin iyon.

"I can. I'm not a Dela Marcel for nothing—"

"Fine! Tutulungan kita pero pagkatapos non hindi mo na ako guguluhin pa!" sumilay
ang mga ngiti sa labi niya. Kumurap ako at umatras dahil sa sobrang lapit namin sa
isa't isa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulat ako ng pisilin niya ang
ilong ko at tumawa pa. May sapi ba siya?

Tinulungan ko nga siyang ligawan si Erin. Parati kong pinapaalala sa kaniya na ayaw
ni Erin ng mayabang. Dahil sa kasunduan namin ay parati kaming magkasama. Lunch.
Vacant periods. Maging uwian para lang pagusapan kung ano ang susunod niyang galaw.
Little did I know, ako pala ang mahuhulog sa kaniya.

Hindi ko naman kasi inaasahan na sa likod ng mayabang niyang aura, nagtatago ang
magagandang qualities niya. He's a gentleman. Masyado siyang sweet, isip bata
minsan pero sobrang caring.

Pinigilan ko naman. Sinubukan ko namang alisin lalo na ng nalaman kong sila na


pala. Dapat masaya ako. Dapat matuwa ako kasi wala ng makulit na sunod ng sunod at
tanong ng tanong sa akin. Dapat pero imbes na ganun ang maramdaman ko kabaliktaran
ang nararamdaman ko.

"Ginamit lang kita Ysabell para makuha ko si Erin. Pwede ba tigilan mo na ang
kakasunod sa akin!" sigaw niya sa akin. Ako kasi ang dahilan kung bakit nag-away
silang dalawa. Hindi ko naman sinasadyang masabi kay Erin na may gusto ako sa
boyfriend niya.

"Mahal kita, iyon ang totoo! Hindi ko naman sinasadya!" sabi ko. Lalong dumilim ang
anyo niya. Nakakatakot. Hondi ko pa siya nakitang ganiyan kagalit sa akin.

"Ikaw ang pinili ko kasi akala ko hindi ka magkakagusto sa akin. Tama nga sila wala
kang pinagkaiba sa ibang babae diyan na madaling magkagusto sa akin. Hindi ka na
nahiya sa sarili mo! Ikaw pa talaga ang umamin sa akin. Konting hiya naman babae ka
parin" nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagluha ko.

"Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa'yo! Hindi rin naman kita pinipilit na
gustuhin ako!" sabi ko.

"Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan. Si Erin lang ang gusto ko. Kung hindi
ka lalayo sa amin ay kami ang lalayo sa iyo" sabi nito at iniwan akong nakatayo
doon. Para akong tangang nakatingin sa kaniya habang papalayo siya sa akin. Akala
ko O.A. lang ang mga taong nagsasabing masakit ang magmahal pero hindi pala. Ang
sakit sakit pala talaga.

Hindi ko naman kasi ginusto ito. Kung natuturuan lang ang puso, matagal ko ng
tinuro sa kaniya na huwag mahalin ang Dela Marcel na iyon!

=================

Chapter 1

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Lulugo lugo akong
pumasok ng banyo at naligo. Mas maaga sa nakasanayan ang gising ko ngayon dahil mas
maaga akong pinapasok ng boss ko dahil may importante daw itong sasabihin.

Hindi ko alam kung gaano iyon ka-importante pero kahit naman ata hindi importante
ay may karapatan siyang mag-demand dahil sa dami ng benefits na nakukuha ko at ng
ibang empleyado sa company nila ay mataas pa ito magpasahod. Mabilis kong blinow-
dry ang buhok ko at hinayaang nakalugay.

Nagsuot lang ako ng bandage skirt at sleeveless na damit bago kinuha ang blazer ko.
Sabi kasi ni Sir kahapon ay bahala na daw kami kung anong isusuot namin ngayon
basta ngayon lang. Nagsuot ako ng six inches stillettos dahil hindi ako biniyayaan
sa height.

"Ysa, maaga ka yata?" tanong ni Kuya Yllak, ang kakambal ko. Kuya ang tawag ko sa
kaniya dahil mas matanda siya ng limang minuto sa akin.

"Maaga kaming pinapapasok ni Sir, Kuya" sabi ko. Tumango lang ito sa akin.

"Ihahatid na kita." sabi niya. Ngumiti ako at dinaluhan siya sa hapag kainan.

"Uy si Kuya, concern  na sa akin" nakangising sabi ko. Pinisil niya naman ang
magkabila kong pisngi katulad ng dati niyang ginagawa.

"Siyempre naman , Ysa. Kayo na nga lang ni Mama ang meron ako papabayaan pa ba
kita?" ngumiti nalang ako at umiling.

Simple lang ang nakalakihan kong buhay. Si Nanay at si Kuya nalang din ang meron
ako. Hindi ko alam kung sino ang Tatay ko pero hindi na namin pinilit pang alamin
dahil tuwing nagtatanong kami noon ay umiiwas si Nanay.

"Naku! Kayong dalawa. Magsikain nalang kayo at ng hindi kayo mahuli sa trabaho"
sabi ni Nanay.

"Nay pakihatid nalang po si Xierra. Pasensiya na po hindi ko siya maidadaan ngayon"


sabi ko naman. Si Xierra ang anak ng kapatid ni Nanay. Pinsan ko siya pero dahil
sobrang bata niya at maagang naulila ay inampon na ni Nanay. Dinadaan ko siya kapag
magtatrabaho ako dahil on the way naman sa trabaho ang school niya.

"Ang lapit lang naman ng eskwelahan niyang si Xierra, Ysa. Wala na nga akong
ginagawa dito sa bahay. Dapat nga ako nalang ang naghahatid sa bunso ko" sabi ni
Nanay.

"Nay dapat sa inyo nagpapahinga lang. Ano pang kwentang nakapagtapos kami at may
sari-sariling trabaho kung hindi naman namin kayo mabibigyan ng magandang buhay"
sabi ni Kuya. Nginitian ko naman siya at nakipag-high five. Kahit malaki ang sahod
namin ni Kuya parehas at hinihingi namin kay Nanay na lumipat o kumuha ng
makakasama ay palagi itong tumatanggi. Mas gusto daw nito dito sa lumang bahay
namin at mas gusto daw niyang inaalagaan kami.

"H'wag ng magdrama. Male-late na kayo pareho niyan." sabi ni Nanay. Tumalima nalang
kami sa utos niya at maya maya ay hinatid ako ni Kuya sakay ng kotse niya.

"Sunduin kita mamaya. Dating gawi Ysa. Bawal ka magpaligaw!" iiling iling nalang
akong kumaway at pumasok sa kompanya. Iyon ang dahilan kung bakit ni minsan ay
hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Masyadong mahigpit ang Kuya ko. Hindi ba niya
naisip na matanda na ako? I'm turning 27 next month tapos wala man lang nanliligaw
sa akin? Paano naman kasing magkakaroon kung nagpapalipad hangin palang ay
sinasabon na ni Kuya.

"Good morning Ma'am Liondale" nakangiting bati ni Manong Jose, ang guard namin.

Inayos ko sa isang gilid ang buhok ko pagkapasok ko sa elevator. Sa pinakataas kasi


ang office ko tabi ng Office of the Chief Executive Officer.

Narinig kong tumunog ang phone ko at madali ko namang kinalkal ang bag ko sakto
namang tumunog ang elevator na hudyat na nakarating na ako. Akala ko ay walang
papasok kaya naglakad ako kahit ang tingin ko ay nasa bag ko parin. Nasaan na ba
ang phone na iyon?

Nahanap ko sa pinakasulok ng bag ang phone. Sasagutin ko na sana kaso may bumangga
sa akin kaya tumilapon iyon at pinikit ko na ang mata ko dahil alam kong babagsak
na ako pero ilang segundo pa akong nasa ganong sitwasyon pero hindi ko pa
nararating ang sahig.

Unti unti kong minulat ang mata at nanlalaki ang mga mata ng makita ilang inches
nalang ang layo ng mukha ng kung sino man ang may hawak sa akin ngayon. Mabilis ko
siyang tinulak at dahil nga hindi pa naman ako nakakatayo ng maayos at nabitawan
niya ako ay nagkita na kami ng sahig pero hindi na ganun kalakas ang impact.

Mabilis lang din akong tumayo at tinungo ang phone ko na nalaglag kanina bago
hinarap ang lalaki kaso kung kanina mata ko lang ang lumaki ngayon pati panga ko
nalaglag. Paanong hindi ko alam na pupunta siya dito?

"Ysabell" anas niya. Kilala niya pa pala ako? Akala ko kasi hindi na.

"Anong ginagawa mo?" maling tanong. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa natanong
ko. Malamang kanila ang kompanyang ito Ysa. Dati kasi pag Uno ang pinaguusapan ay
malakas ang radar ko. Kapag nagpupunta siya dito ay nasasaktong wala ako dahil may
inutos sa akin si Boss o ako ang nagpapaalam ng kung ano ano.

"Dapat ko pa bang sagutin iyan?" tanong niya ng makita sa mukha ko ang senyales ng
katangahan ko.

Imbes na makipagdiskusyon sa kaniya ay tinalikuran ko siya at dumiretso sa upuan


ko. Tatlo kasi kaming secretary ni Mr. Dela Marcel. Ang isa ay isinasama kapag sa
mga meating sa labas, isa kapag meating dito sa loob ng conpany at ako na tagagawa
lang ng schedule, post it, tagakuha ng financial reports at iba pa. Mas gusto ko na
iyon dahil dito lang ako sa loob ng company maghapon.

Uupo palang sana siya kaso may nauna ng umupo sa upuan niya kaya napakalong siya
rito. Mabilis naman akong tumayo at tinignan ng masama si Uno. Ano na naman bang
kalokohan ito?

"Hindi mo dapat ako tinatalikuran Ysabell. I'm your boss" saad nito. Kinunutan ko
naman siya ng noo.

"Excuse me lang Uno-"

"Hindi mo ako tinatawag na Uno noon. If I'm not mistaken ang tawag mo sa akin
Kristoff?"

"Fine, Kristoff, hindi ikaw ang boss ko kundi ang Daddy mo at bago pa kita maging
Boss ay wala na ako dito" sabi ko sa kaniya. Hindi na ako ang pathetic and loser na
Ysa na ginamit niya noon. Ang mga nangyari sa amin noon ang isang napakagandang
rason para matuto akong tumayo at alagaan ang sarili ko, na hindi kahit na
kailanman ako maaapektuhan ng lahat ng sakit ng nangyayari sa akin.

Kinunutan ko siya ng ngumisi siya "Ikaw ang pinipili kong maging secretary ko" sabi
niya pa.

"Bakit ako!" mabilis ko namang sagot.


"Bakit hindi ikaw? And besides, kilala na natin ang isa't-isa makakapagtrabaho na
tayo ng maayos" What? No way! Hindi pwede! Ayoko siyang maging boss. God, please
tell me nagsisinungaling lang siya. C'mon, tell me please. Bakit ngayon pa?

"Hindi pwede! Ayoko! Ayoko talaga!" sabi io at nagkibit balikat pa. Tinaasan niya
lang ako ng kilay.

Wala akong pakialam kung boss ko sita. Ayoko siyang maging boss. Hindi pwede.

"Wala kang choice. Vaka naman kaya ayaw mo kasi may feelings ka parin sa akin?"
sinamaan ko siya ng tingin pero nag-smirk lang siya. Tumayo siya at lunapit sa
akin. Umatras naman ako pero wala na akong aatrasan dahil pader na ang nasa likuran
ko. Tinaas niya ang dalawang kamay pataas sa magkabilang gilid ko.

"You still love me aren't you?" sinamaan ko pa siya lalo ng tingin. Kung pwede lang
patayin siya ngayon ng hindi ako nagkakasala kanina ko pa ginawa.

"Wala akong gusto sa'yo! At hindi na ako magkakagusto sa'yo.  Mangarap ka!" asik ko
sa kaniya. Nilayo ko naman ang mukha ko ng akmang hahalikan niya ako. Ang kapal ng
mukha niya! Pagkatapos ng ginawa niya noon! Pagkatapos niya akong sabihan ng
masasakit na salita tapos ngayon makikita niya ako at umaakto siya na parang walang
nangyari! Ang kapal ng mukha.

"Good. Ayokong magkagusto sa akin ang secretary ko. Kung wala kang gusto sa akin,
papayag ka sa gusto ko" ayoko. Ayokong pumayag pero kung ito lang ang
makakapagpatunay na wala akong gusto sa kaniya then fine. It's just a fr*aking five
months Ysa. Pagkatapos non ay free ka na.

"Fine! Lumayo layo ka sa akin Boss!" sabi ko at tinulak siya. Iiling iling nalang
siya sa ginawa ko.

Pinaglalaruan niya na naman ba ako? Pwes maglaro kami dagil ngayon sisiguraduhin
kong lintik lang ang matatalo.

=================

Chapter 2

Inis na inayos ko ang gamit ko sa mesa ko. Totoo nga ang sinabi ng asungot na 'yon.
Sila na ang mamamahala ng kompanyang apat na magkakapatid pero pumapasok parin si
Sir DM para i-monitor ang mga anak niya.

Ang dalawang secretary pang kasama ko ay napunta sa dalawa pang anak ni Sir at si
Fourth ata ay naghahanap ng secretary niya. Sana napunta nalang ako kay Dos o kay
Tres o pwede ding kay Fourth nalang bakit kailangan pang kay Uno?

"Tapos ka na?" inirapan ko 'yong nagsalita. Akalain mong hilingin niya sa Daddy
niya na dapat sa loob daw ng office nila ang secretary nila para madaling mautusan.
Ingudngod ko kaya ang mukha niya sa pader para makita niya ang hinahanap niya.

"Kinakausap kita kaya sumagot ka" may awtoridad na sabi niya. Umangat ang tingin ko
sa kaniya at ngumiti pero pinahalata kong pilit na pilit.

"Nakikita niyo naman na nag-aayos pa ako diba? Boss? Tingin niyo tapos na ako?"
sarkastikong sabi ko saka siya inirapan at talagang pinakita ko sa kaniya na
inirapan ko siya pero nginisihan niya lang ako at sumandal sa pader tsaka ako
pinanood.

"Saan ka nag-transfer non?" tanong niya. Huminto ako sa ginagawa ko pero ilang
saglit lang ay tinuloy ko din. After ng insidenteng iyon kung saan napahiya ako at
nagmukha akong tangang ininsulto niya ay lumipat ako ng University. Hindi ko ka
kasi alam kung paano siya haharapin at ang mga taong nakakita ng ginawa niya sa
akin. Isang napakalaking kahihiyan non para sa akin.

"Siguro naman po wala na kayong pakialam pa don" sabi ko. Ramdam ko na nakatingin
siya sa akin pero hindi ko inangat ang tingin ko. Nanahimik na din naman siya
pagkatapos kaya madali kong natapos ang mga bagay na dapat kong gawin. Binuhat ko
ang box at akmang kukunin niya sa akin pero nilayo ko.

"Saan ang opisina niyo, Sir?" tanong ko. Bumuntong hininga siya at pilit paring
kinukuha ang buhat kong box.

"Ano ba!? Gamit ko 'to kaya ako ang bubuhat, Sir. Maglakad na kayo papuntang
opisina niyo para hindi na ako matagalan sa pagbuhat nito, pwede ba 'yon? Sir?"
hindi ko ka napigilang ipakita sa kaniya na naiinis ako.

Tinitigan niya lang ako. Pinandilatan ko na siya at lahat pero nanatili parin
siyang nakatingin sa akin at dahil mabigat ang gamit ko ay bumalik ako sa mesa ko
at at nilapag iyon bago umupo sa upuan ko.

"Sabihin niyo Sir kung tapos na kayong tumanga dahil nangangawit na ako" sarkastiko
kong sabi sa kaniya at ang nakakainis pa ay ngumisi lang siya at lumapit sa akin.
Iirapan ko na sana siya ng makitang kinuha niya lang ang box ng gamit ko. Mabilis
akong tumayo.

"Gamit ko 'yan!"

"Alam ko, hindi ko naman inaangkin" parang wala lang na sagot niya. Sinubukan kong
kunin pero itinaas niya lang na para bang napakagaan non at dahil matangkad siya ay
hindi ko iyon makuha kuha.
"Alam ko matangkad ka! ibigay mo na ang gamit ko bwisit ka!" sigaw ko sa kaniya.
Pinagtinginan kami ng ibang empleyado kaya nagtago ako sa likod niya. Nakakahiya!
Kung hindi lang kasi ang unggoy na ito ang boss ko!

"Edi nanahimik ka din" sabi nito. Kinagat ko nalang ang labi ko para hindi na ako
magsalita dahil baka mamaya ay mura na ang lumabas sa bibig ko. Mabilis naman
kaming nakarating sa elevator kaso may mga tao sa loob at ang mga kapatid niya
'yon. Lalabas nga sana ako dahil private elevator ang pinasukan niya kaso hinila
niya ako at napasandal lang ako sa kabilang dibdib niya dahil hawak lang ng
kabilang kamay niya ang box.

Yumuko lang ako dahil sobra sobra na ang kahihiyan na natatanggap ko ngayong araw
at kasalanan iyon ng buwisit na lalaki sa tabi ko.

"Sino 'yan, Kuya?" lalo akong yumuko at sumiksik sa gilid. Nakakahiya!

"Don't you dare look at her, Fourth. Keep your eyes to yourself" siryosong sabi ni
Uno. Nanahimik naman ang mga kapatid niya. Tinaas ko ang ulo ng manakit ang leeg ko
at mabuti nalang at wala na sa akin ang atensiyon niya.

"Tsk" nilingon at inirapan ko lang si Kristoff ng marinig ko iyon pero nakangisi


lang siya at hindi nakatingin sa akin. Sa inis ko ay kinurot ko tagiliran niya.

"Sh*t. It f*cking hurt" sabi nito at nalaglag ang box na naglalaman ng gamit ko at
ang nakakainis a doon ay kumalat ang ilang private na gamit ko including my
napkins. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng malalaglag ay ang mga iyon pa.

Mabilis kong pinulot ang mga iyon kahit ramdam ko ang mga titig nila. Nilagay ko sa
pinakailalim at binuhat ko. Nakakahiya! Nakakahiya! D*mn you! Kristoff Dela Marcel.

"Hindi ko 'yon sinadya. Kinurot mo ako!" sabi pa nito na para bang walang ibang tao
sa elevator na ito. Kinukuha niya ulit ang box pero hindi ko iyon binitawan at
nanatiling tahimik hanggang sa tumunog angelevator na nagsasabing nasa paroroonan
na kami. Hinintay kong mawala lahat ng tao at magpatiunang maglakad si Kristoff.

"Hey, hindi ko sinasadya!" sabi nita pero nanatili nalang akong tahimik.
Nakakapagod makipag-away sa kaniya lalo na kung ako lang ang naiinis.

Tinuro niya sa akin ang table ko. May apat pang table doon pero wala namang tao.
Hindi ko na napansin kung saan nagsuot ang mga kapatid niya.

"Hindi ka ba magsasalita? Hindi mo ako aawayin?" tanong nito habang sinisimulan


kong ayusin ang gamit ko.

"Hindi ko naman kasi sinasadya, eh. Kausapin mo na ako, Ysa" sabi niya pa pero
hindi ko na lang pinansin.

Akala ko pag tatahimik ako ay mananahimik na rin siya pero heto siya at daldal ng
daldal na parang babae. Hindi ko maalalang ganito siya noon.

"Kung hindi ka busy, Sir. Ako busy. Ayaw kita kausap, hindi pa ba halata?"
sarkastiko kong sabi sa kaniya.

"Sa wakas nagsalita ka rin!" kinamot ko ang pisngi ko ng ngumisi na naman siya. My
God. Nakakaubos ng dugo ang lalaking ito. Inirapan ko siya.

"Wag mong maisip isip na wag ako kausapin, ah. Wait. Dapat nasa trabaho mo as my
secretary na kausapin ako!" Ugh!

"Eh, sana pala nag-apply nalang ako na maging kausap mo at hindi secretary di ba?"
nangapa ako ng coin sa bag ko at binigyan siya ng sampung piso.

"Aanhin ko 'to?" tanong niya.

"Maghanap ka ng kausap mo! Kalalaki mong tao ang ingay mo!" sabi ko.

"Tsk! Wala ka ng magagawa dahil wether you liked it or not. Ako ang boss mo at ako
ang makakasama mo araw araw'

---

Love Me. Story of Hera and Kristian Dela marcel is already posted.

=================

Chapter 3

Sa loob ng isang araw, ngayon lang ako ngumiti ng makita ko si Yllak na hinihintay
ako sa parking lot. Mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at yumakap sa kaniya.

"Yllak pagod na pagod ako. Gusto ko na matulog!" nagpapaawang sabi ko sa kaniya.


Ginulo niya lang ang buhok ko at malambing na nginitian.

"Kakain ka muna. Okay?" sabi niya pero umiling iling ako. I'll give up everything
for my bed.
Niyakap ko siya sa waist niya at nagpapacute na tumingin sa kaniya para payagan
niya akong matulog na. Tinakpan niya lang ng kamay niya ang mukha ko.

"Please lang, Ysa. Itigil mo 'yan. Hindi mo ako madadaan diyan-"

"Hidi ko tinotolerate ang PDA, Ms. Liondale. Especially when your in my company"
inis na nilingon ko si Kristoff sa tabi mismo ng sasakyan ni Yllak. Tinaasan niya
pa ako ng kilay kaya inirapan ko siya.

"Tara na nga, Yllak. Nakakalanghap ako ng masamang hangin" sabi ko tapos umikot sa
may passenger seat kung saan nakatayo si Kristoff dahil papasok din siya ng drver
seat ng sasakyan niya. Masama niya akong tinignan pero inirapan ko lang siya. Akala
niya namanmatatakot ako sa kaniya.

Nagulat ako ng hablutin niya ako sa siko "Baka nakakalimutan mo Ms. Liondale, ako
parin ang boss mo!" naniningkit ang mga matang sabi niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bago hinablot ang kamay ko.

"Then fire me, Mr. Dela Marcel. I don't care" sabi ko. Inaantay ko nalang kayang
matapos ang kontrata ko tsk.

"I can't. I love seeing your angry face. You're stuck with me, Belle"

"Ysa?" inirapan ko lang siya bago pumasok sa sasakyan ni Yllak. Nakakainis lang
dahil ang kaninang madilim niyang aura ay nawala lalo na ngayong nakakangisi na
naman siya. Gustong gusto kong burahin ang ngising iyon ngayon din kaso pagod na
talaga ang katawan ko at gustong gusto ko ng matulog.

"Sino 'yon, Ysa? Boyfriend mo?" sinamaan ko ng tingin si Yllak.

"Hindi! Ano ba! Boss ko 'yon!" singhal ko sa kaniya. Nginisihan niya lang ako bago
binalik sa daan ang tingin niya.

"H'wag mo kong mangisi-ngisihan diyan, Yllak" sabi ko sa kaniya sabay irap.

"Boss daw. Tsk. If I know pinagnanasaan mo 'yong boss mo" inis na binato ko sa
kaniya ang nahawakan kong purse. Inis na nga ako sa lalaking 'yon ay dadagdagan
niya pa.

Tinawanan niya lang ako na para bang isa akong nakakatawang bagay.

"H'wag mo na kasing itanggi, Ysa. Hindi ko naman sasabihin, eh" dagdag pa nito.
Inirapan ko siya at hindi nalang pinansin dahil sa aming dalawa ay ako lang ang
matatalo kapag inisan na ang labanan. Tumingin nalang ako sa bintana at sinubukang
ibaling sa mga nakikita ko ang inis ko.

Hindi ako tanga para magkagusto ulit sa kaniya. Once is enough. Masyadong masakit
ang ginawa niya sa akin noon para mahulog ulit sa kaniya.

Mabilis lang din kaming nakarating sa bahay. Ayaw ko na ngang umalis sa sasakyan
dahil tinatamad akong maglakad pero wala naman akong choice. Nakakapagod at
nakakainis talaga ang araw na ito.

"Nanay, alam mo ba si Ysa may boyfriend na. Mag-aasawa na siya, Nay" sinamaan ko ng
tingin si Yllak. ]I'm too tired to deal with him right now kaya imbes na pansinin
siya ay iniwan ko nalang sila ni Nanay doon. Minsan talaga nakakainis din ang
magkaroon ng kapatid.

Isa isa kong tinanggal ang damit ko bago naligo at nagpalit ng mas kumportableng
damit bago humiga sa kama. Nakarinig ako ng mahihinang katok pero wala na akong
lakas para buksan iyon. Niyakap ko ang unan ko at ipinikit ang mata ko.

MAAGA akong nagising kaya maaga din akong nakapasok sa trabaho. Mabilis kong inayos
ang mga reports, appointment list, agenda sa mga board meaning, at iba pa.

Pumasok ako sa opisina niya at ipinatong sa mismong gitna ang ilang papeles na
kinakailangan ng pirma niya.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Kristoff na siryosong


siryoso. Nakakunot ang noo nito at galit na binagsak ang attaché case sa ibabaw ng
executive table nito.

"Cancel all my appointments until wednesday" diretsong sabi niya. Kumunot ang noo
ko. Madami siyang naka-schedule na meeting.

"Why" kinagat ko ang labi ko ng bigla kong masabi yon.

Matalim ang mga matang tinignan niya ako "I didn't hire you to f*cking question me"
napaatras ako sa lakas ng sigaw niya. Hindi ko pa nasubukan ang masigawan ng ganu
kahit pa noong nagsisimula palang akong secretary ng Daddy niya.

Mabilis akong tumalikod pero bago pa ako makahakbang ay nagsalita na naman siya.

"Hindi ko gusto ang ginawa mong pagtrato sa akin kahapon, Ms. Liondale. Sa loob man
o sa labas ng kumpanyang ito, boss mo ako. Hindi porket gusto mo ng umalis ay may
karapatan ka ng magsalita ng ganoon sa akin. Pinili kita sabi kasi ni Daddy ay
magaling kang sekretarya at inuuna mo ang trabaho bago ang lahat? Mukhang
nagkamalis siya sa mga sinabi niya" Galit na ikinuyom ko ang kamay ko. Kung hindi
ikaw ang boss ko baka kaya kong gawin ng maayos ang trabaho ko, ang problema, Ikaw
ang boss ko.

"Kung may problema ka sa akin. Isantabi mo iyon kapag nagtatrabaho tayo.


Naiintindihan mo ba?"

"Yes, Sir. I'm sorry" sabi ko at tumalikod na.

Tama naman siya pero hindi ko magawang hindi mainis. Alam kong mali ang ginawa ko
pero inis na inis na talaga ako sa kaniya lalo na noong sabihin niya na hindi daw
niya tino-tolerate ang P.D.A sa kumpanya niya, eh, kapatid ko 'yon lalandiin ko?
Nakakadiri.

Umupo ako sa swivel chair ko at sinunod ang utos niya. Nanginginig pa ang kamay ko
habang ginagawa iyon.

Pansin kong nakatingin sa akin ang mga kapwa ko secretarya pero hindi ko nalang
pinansin.

Bumuntong hininga ako at ibinaba ang pangalawang  tawag. Halata sa boses ng kausap
na iritado ito, hindi ko naman sila masisi dahil sa hirap magpa-appointment ay
bigla lang i-ca-cancel ng walang binibigay na magandang dahilan.

"Hindi ka pa magla-lunch, Belle?" Tanong sa akin ni Yshna, ang bagong sekretarya ni


Fourth. Nakailang palit na kasi ang lalaking iyon at si Yshna lang ang medyo
tumagal, limang araw na ito. Madali niyang nakapalagayan ng loob dahil mabait ito
at halos kaedad niya lang.

"Marami pa akong trabaho, Yshna. Mauna ka na" sabi ko. Maya maya ay umalis na din
siya kasama ng iba pang sekretarya.

Tinuloy ko lang ang ginagawa ko. Ilang beses na akong nasigawan dahil wala akong
mabigay na magandang rason pero tuloy parin ako. Trabaho ko ito at ayokong
mapagsabihan ulit.

"Bakit hindi ka pa kumakain. Lunch time niyo na hindi ba?" umangat ang tingin ko at
nakita ko si Kristoff na nakasandal sa nakasarang pinyuan ng opisina nito.

"Marami pa po akong trabaho" sinpleng sagot ko lang at tinuloy ang ginagawa ko.

Akmang tatawag ulit ako ng may mga kamay na humawak non at binaba. Tinignan ko siya
habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Ituloy mo nalang iyan mamaya. You should eat"


"Hindi pa ako nagugutom, sir" sagot ko. Tinignan niya ako ng mariin.

"You need to eat. KAhit konti lang" sabi ulit nito.

Bumuntong hininga ako at tumayo. Fine. Maglalakad palang sana ako pero bigla niyang
hinawakan ang braso ko.

"Saan ka pupunta?" kunot noong tanong nito.

"Kakain po. Sa Canteen"

"Sinong nagsabi sa'yong ikaw lang? Ako din kakain at hindi doon. I want Italian
food and you're coming with me" doon na kumunot ang noo ko. BAkit ako kakain kasama
siya?

"I don't want Italian food, sir. So if you'll excuse-"

"Bakit? Kung hindi ako nagkakamalis ay paborito mo ang Italian cruisine? ayaw mo ba
akong makasamang kumain? o ayaw mong makita tayo ng boyfriend mo na magkasama?"
nagulat ako sa sinabi niya. Kaya siya kakain ng ganon dahil paborito ko? Umiling
iling ako. H;wag mong bigyan ng kahulugan 'yon, Ysa.

"Bata pa ako noon, Sir. Nagbabago din ang gusto ko, Sir" pansin kong tinitigan niya
ako ng sabihin ko iyon "Wala po akong boyfriend, Sir" pagtutuloy ko.

"So, sino ang lalaking kasama mo kahapon? Manliligaw?" agad niyang tanong.

"I bet, Sir. That's not part of your business" napasinghap ako ng hinila niya ako
palapit sa kaniya. Mabilis na tumambol ang puso ko. Siryoso siyang nakatingin sa
akin.

"Who is he, Ysa?. Ano mo siya?"

"H-He's Yllak L-Liondale, my twin b-brother" gusto kong kurutin ang sarili ko ng
mabulol ako sa harap niya. Tinaasan ko siya ng kilay ng ngumisi siya at bitawan
ako.

"Good. I don't want you with boys, Liondale"

=================

4
Chapter 4

Walang nagawa si Ysabel ng hilain nalang siya basta ng binata. Pinagtitinginan sila
ng mga empleyado lalo na at sa mismong kamay niya hinawakan ni Kristoff. Agad naman
niyang hiniwalay ang kamay at pasimpleng inayos ang salamin na ginagamit niya lang
tuwing sumasakit na ang ulo niya at sa trabaho. Tinignan siya nito at parang
hinihintay nitong matapos siya upang hawakan muli ang kamay niya pero tinago niya
sa kaniyang likod ang mga kamay at sinenyasan itong mauna na.

Bumuntong hininga ito at ginawa ang inutos niya. Nagulat siya ng pagkababa niya ay
pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan nito. Gentleman din pala ang loko.

"Saan mo gustong kumain? Ayaw mo na ba talaga ng Italaian cruisine?" tanong nito sa


kaniya habang nagmamaneho.

"Kahit saan Boss and I am a vegetarian" simpleng sagot niya. Ramdam niyang
tinapunan siya nito ng nalilitong tingin.

"Kailan pa?" kunot noong tanung nito.

"Matagal na. I don't even remember when and was the last time I ate meats" sagot
niya.

"Paano mo nagagawang lunukin ang mga damong iyon?" parang nandidiring sabi nito.
Naalala niyang ayaw pala nito ang gulay dahil mapait daw ang mga ito pero hindi
niya alam na tumanda na ito't lahat ay ayaw parin ng gulay.

"Maaga kang mamamatay sa karne" iiling iling na kumento niya.

Hindi na rin naman ito nagsalita pa kaya ganun din siya. Hindi sila close para
magdaldalan sa kung ano anong mga bagay. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik din
naman sila kaagad sa kumpanya nito. Nagtatanong ang mga mata ng ibang empleyado ng
sabay na naman kaming dumating pero sino bang may pakialam sa iniisip nila? Wala
naman.

"Muntik ko ng makalimutan. Bukas susunduin kita sa inyo. Sabay na tayong pumunta sa


Batanggas" hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko para lang hindi
makapunta.

Kaya siya tatlong araw na hindi makakapasok, well silang apat naman, ay dahil sa
wedding anniversary ng Parents nila. Gaganapin iyon sa batanggas at tatlong araw
iyon.

"Hindi ako pwede, Boss" sabi ko.


"Bakit hindi? May date ka?" tanong nito. Umiling ako at nilapag ang ilang papeles
sa table nito. "Pwede bang h'wag mo akong matawag tawag na boss. Nakakairitang
pakinggan lalo na kung galing diyan sa bibig mo. Kristoff is fine with me, Ysa.
Tawagin mo akong Kristoff" mahabang sabi nito.

"Hindi naman tayo magkaibigan para tawagin kita sa una mong pangalan-"

"Magkaibigan tayo noon, Ysa" pagpuputol nito sa sinasabi niya.

"Hindi ko po maalala na naging kaibigan kita, Boss. H'wag nalang po kayong


magtanong at mamilit dahil kung hindi din naman po tungkol sa business ay hindi ako
sasama"

May isang appointment si Kristoff na hindi niya magawang i-cancel kanina. Tinakot
pa kasi siya nito na kung hindi rin naman daw sisipot si Kristoff bukas ay sa iba
na nito ibibenta ang shares na binibili ni Kristoff.

"Sumama ka sa'kin, Ysabel" sabi nito kaya mabilis niyang hinakot ang lahat ng
kailangan at sumunod rito.

Nilipat ngayon ang appointment nila. Wala rin namang magagawa si Kristoff dahil ito
ang may kailangan.

Pinaharurot nito ang sasakyan. Sanay na ako sa mabilis na pagpapatakbo dahil ganito
magpatakbo si Kuya.

"Ysabel? Ysabel Liondale?" gulat ang una kong naramdaman ng makita ang dati kong
kaibigan. Mas gumwapo ito at mas nagmukhang kagalang galang sa suot na suit and
Tie. Ang alam ko kanina ay kapangalan lang ito ng dati niyang kaklase pero mukhang
maliit nga talaga ang mundo.

"My Gosh! Ang gwapo mo na Kleido. Akalain mo iyon!" nakangising sabi ko. Para naman
itong batang nangamot ng batok at namula ang pisngi.

"Kaya nga. I never even see this coming. Akala ko hindi na kita makikita ulit. I
remember it clearly when you painted my white shirt and sinuntok mo ang mukha ko
dahil sa  gumalaw ako at nasira ang obra mo. Ang sungit sungit mo sa akin non- ay
sa lahat pala" sabi nito at humalakhak. Iningusan ko siya at inirapan.

"Sa lahat ba naman ng maaalala mo tungkol sa akin, 'yon pa? Hindi mo man lang
naalala na ako ang tumulong sa'yo para pumasa ka sa finals mo sa art class? Naku!
naaalala mo lang ang kasungitan ko!" iiling iling na sabi ko. Ngumisi ito at
guguluhin sana ang buhok niya ng may tumikhim sa likuran. Doon ko lang naalala ang
pinunta namin dito. Doon ko lang din naalala na kasama ko pala si Kristoff.

"Kilala niyo na ang isa't isa. Halatang halata naman pero hindi ata ang reunion
niyong dalawa ang ipinunta natin dito, Ms. Liondale?" mariin nitong sabi.
"Pasensiya na po, Mr. Dela Marcel" sabi nalang niya. Mamaya ay sigawan na naman
siya nito. Nginitian nalang niya si Kleido.

Ganun nalang ang gulat niya ng hapitin siya ni Kristoff sa tabi nito. Madilim ang
mukha nitong tinignan siya. Umiwas nalang siya ng tingin at inisa-isa ang daliri
nitong tinanggal sa pagkakahawak sa kaniya dahil mukhang iyon na ang tinitignan ni
Kleido.

"If you don't mind, Mr. Alarcon, gusto kong tumuloy na tayo sa tunay na pakay ng
pag-uusap na ito" pormal nitong sabi.

"Mr. Dela Marcel. Pasensiya ka na kung nagmamadali akong pag-usapan ang tungkol sa
binibili mong shares sa V.S Shipping Lines. Pasensiya ka na rin at medyo nawiwili
akong makipag-kwentuhan kay, Ysabel" nakangiting sabi ni Kleido at talagang
kinindatan pa ako ng loko na kinatawa ko lang pero bigla ring nanahimik ng pukulin
siya ng matalim na titig ni Kristoff. Ikinataas niya iyon ng kilay ngunit nanahimik
rin.

Isa sa lahat ng natutunan niya sa matandang Dela Marcel ang maging charming kapag
nakikipag-usap sa kliyente lalo na kung lalaki ang kausap. Maging charming sa
paraang hindi ka mababastos. Hindi niya pa iyon gaanong nagagamit dahil hindi naman
siya ang parating isinasama ng dating Boss kundi ang isa pa nitong sekretarya kaya
sinusubukan niya ngayon. Kilala rin naman niya si Klaeido at alam niyang hindi nito
iyon pag-tutuunan ng pansin.

Nagsimula ng mag-negosasyon ang dalawa tungkol sa pagbili ni Kristoff sa shares ni


Kleido sa isang sikat na shipping line. Halata ang talino at kasanayan ni Kleido sa
larangang iyon dahil nakakaya nitong makipagsabayan kay Kristoff. May iilang parte
sa usapan na sumisingit din siya. Hindi naman siya ang sekretarya na isinasama lang
para pang-display. May pinag-aralan siya at hanggat sa maaari ay tumutulong siya.

"Pumapayag ako sa mga napag-usapan natin, Mr. Dela Marcel. Mas malaki ang offer mo
kaysa sa kabilang kompanya. Ready your papers and I will sign it, as fast as you
can" Maya maya ay nagkamay na ang dalawa at ganun din ang ginawa ni Kleido sa
kaniya ngunit ikinagulat niya ng matapos ay iangat nito ang kamay niya at halikan
ang likod ng palad.

"Get in the car, Ms. Liondale, may pag-uusapan lang kami ni Mr. Alarcon" kunot
noong nilingon niya si Kristoff pero ng makitang madilim ang aura nito at
nanlilisik ang mga mata ay mabilis niyang kinuha ang susing binibigay nito at nag-
martsa paalis.

Pinasok ko lang sa loob ng sasakyan niya ang bag na dala dala ko at ilang papeles
bago lumabas upang huminga ng hangin. Ganun kaimportante ang pag-uusapan nila para
paalisin siya? Nakakainis.

Mabilis din naman siyang umayos ng tayo ng makitang palabas na si Kristoff. Hindi
niya ito pinansin at pumasok lang sa loob. Maya maya ay bumukas ang pinto at walang
anu-ano niyang inilahad dito ang susi na mabilis nito kinuha kasama ang kamay niya
na pinupunasan at nilalagyan nito ng sanitizer.

Inagaw ko iyon at tinignan siya ng masama. Ito ang kamay kong hinalikan ni Kleido?
"Anong problema mo?" inis kong tanong. Inirapan niya lang ako.

"Sa susunod, pwedeng h'wag kang makipaglandian sa kliyente ko?" nalaglag ang panga
ko sa sinabi niya. Ako nakikipaglandian? Sa paanong paraan? Mabilis na napalitan ng
inis ang gulat na iyon.

"Hindi ako nakikipaglandian sa kaniya! Kaibigan  ko siya at matagal ko na siyang


hindi nakita kaya ganun ang nangyari" giit ko pero umirap lang ito lalo.

"So kapag siya ang naging kaibigan mo ganun ang mangyayari kung matagal kayong
hindi nagkita? Bakit tayo hindi ganun? Halos itanggi mong naging magkaibigan tayo?
May gusto ka ba sa kaniya, huh? Bakit ka ba nagpapahalik ng kamay? Kung gusto mo ng
kausap at kung ano man. Andito ako, Ysa. Ako ang landiin mo" kung kanina panga ko
lang nalaglag, ngayon isama mo pang nanlaki ang mata ko pero mabilis kong pinalis
iyon.

Hindi ka ulit malalaglag sa matatamis at nagpapalipad hangin niyang mga salita,


Ysa. Hindi iyan magkakagusto sa'yo. Masasaktan ka lang ulit.

=================

Chapter 5

Lumipas ang mga buwan at ganun parin ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Madalas
kaming magbangayan at dahil siya ang boss ko, halos ako nalang ang nagpaparaya.
Dalawang buwan nalang bago ako umalis. Kapag talaga hinihintay mo ang araw ay ang
bagal bagal ng oras.

Nagulat ako ng may babaeng lumabas ng elevator kasama ang guard na kakamot kamot sa
ulo at parang natatakot.

"Ma'am, pasensiya na ho kayo. Hindi ko na po napigilan" sabi ng guard.

"Nasaan ang Dela Marcel na 'yan?" galit na sabi nito. May dala dala itong dalawang
batang may asul na mata. Nakasuot lang ito ng simpleng jeans at hapit na T shirt
kasama ng sneakers nito. Maganda ang babae kaso mukha itong lalaking umasta.

"Sino po bang Dela Marcel ang hinahanap niyo?" tanong ko. Apat ang Dela Marcel dito
kaya naguguluhan ako. Wala pa naman ang mga kasama kong sekretarya dahil may kaniya
kaniyang ginagawa ang mga ito.
"Si Kristoff Uno Dela Marcel ang kailangan ko!" pasigaw pa nitong sabi.

"Nasa board meeting po, Ma'am. Ano po bang kailangan niyo?" magalang kong tanong.
Tinapunan niya ako ng tingin at saka tinuro ang dalawang bata sa likod niya. Kunot
noo ko namang tinignan ang mga batang iyon. Ang gwapo ng mga ito at ang ganda ng
mga mata nila.

"Anak sila ni Kristoff sa kaibigan kong si Nina De Mesa. Hindi ko alam kung paano
nangyari iyon basta alam ko anak sila ng Dela Marcel na 'yon. Namatay si Nina noong
nakaraang taon at iniwan ang mga batang ito sa akin kaso wala akong pampa-kain sa
kanila kaya ihahatid ko na sila sa Tatay nila. Alangan namang ako ang maghirap sa
pagpapakasarap niya?" mabilis nitong sabi. Nanatili lang akong tahimik at patingin
tingin sa kaniya at sa mga batang dala niya. Anak ni Kristoff? Sino si Nina?

"Iiwanan ko nalang sila sa'yo at dahil naipaliwanag ko na naman. Ikaw nalang ang
magpaliwanag kay Kristoff. Kung hindi kayo naniniwala sa sinabi ko ipa-D.N.A niyo
nalang sila. Alam ko at sigurado akong anak iyan ng lalaking iyon" sabi nito at
tumalikod na. Kumurap kurap ako bago tuluyang pumasok sa isipan kong aalis na ang
babae kaya hinabol ko ito.

"Manong habulin mo iyong babae!" sabi ko din sa guard dahil mabilis itong nakapasok
sa elevator at sumara.

Bumalik ako sa table ko at tumawag sa receptionist.

"Good Morning, Gina. Kung may nakita kang babaeng pababa sa elevator. Itim ang suot
niya na naka-jeans. Medyo matangkad at magulo ang buhok. H'wag na h'wag mong
papalabasin at ipahatid mo agad dito sa opisina ni Kristoff" sabi ko at maya maya
ay namatay na ang linya.

"Kris, Bakit tayo iniwan ni Tita?" nilingon ko ang dalawang batang naiwang nakatayo
lang doon sa kinatatayuan nila kanina pa. Pinagmasdan ko silang mabuti at halata
ang resemblance ng mga ito kay Kristoff.

"Hindi ko din alam. Sabi niya nandito si Mommy pero wala naman" sabi nong isa.

Linapitan ko sila at nanlaki ang mga mata nila pero hindi naman sila tumakbo. Umupo
ako para magkasing-tangkad lang kaming tatlo.

"Anong pangalan niyo?" tanong ko. Kahinaan ko talaga ang mga bata. Gustong gusto ko
silang yakapin at pisilin ang malalambot nilang pisngi.

Iniisip ko lang ang sasabihin ni Boss mamaya kung nakita niya ang dalawang ito.
Alam niya kayang may anak siya? Ano niya kaya si Nina De Mesa?
"Ako po si Kris. Ang ganda ganda niyo po" sabi nong isa. Napangiti ako sa sinabi
niya. Napakabatang babaero nito.

"Ang gwapo mo din naman, eh" sabi ko at pinisil ang pisngi niya.

"Narinig mo sinabi niya, Toffer?" tanong nito sa katabi. Kris at Toffer ang
pangalan nila. Ganun ba kamahal ng nanay nila si Kristoff at talagang ipinangalan
pa ang mga ito sa kay Kristoff.

"Ako po si Toffer at gwapo din ako kasi gwapo si Kris at magkamukha kami" mas
natuwa ako sa sinabi nitong isa. Akalain mong ang lakas ng self-confidence.

"Parehas naman kayong gwapo, eh" sabi ko at tumayo. Sakto namang pagpasok ni
Kristoff doon. Kunot noo niyang tinignan ang dalawang batang nasa harapan ko.

"Sino naman ang mga 'yan?" masungit nitong sabi. Ngayong nandito na si Kristoff
lalo kong nakita ang pagkakapareha ng mga mata nila. Anak nga niya.

"Anak mo. Iniwan ng babae dito at umalis pero pinahabol ko na sa Guards. Hindi ko
na kasi napigilan" simple kong sagot. Kunot noo niya akong tinignan na para bang
nagbibiro lang ako.

"Wala pa akong anak kasi wala pa akong asawa" sabi nito. Inirapan ko nga.

"Hindi porket wala kang asawa ay hindi ka na magkakaanak. Malay mo may babae kang
naikama na nagngangalang Nina De Mesa, siya ang nanay ng dalawang batang 'yan at
kung di mo maalala dahil alam kong iyon naman talaga ang nangyari base sa
ekspresyon ng mukha mo" sabi ko. Aba't kung ayaw niya ng mga batang ito ay ako ang
mag-uuwi. Sa gwapo ng dalawang ito sinong hindi maaakit?

"Hindi ko anak ang dalawang 'yan. Alisin mo sila sa harapan ko" sabi nito. Napansin
ko namang nagtago sa likod ko ang dalawang bata. Natatakot siguro dahil sa galit ng
lalaking nasa harapan namin. Inis ko siyang pinukol ng tingin.

"Kung hindi ka naglandi malamang wala kang anak. Ang dali dali kasing magbaba ng
zipper pero ang tanggapin na may anak ka ang hirap hirap. Kung hindi ka naniniwala
na anak mo sila pwes magpa-D.N.A. ka at kung ayaw mo parin sa kanila, ako nalang
ang mag-uuwi. Palibhasa kasi pagpapakarap lang ang iniisip niyong mga lalaki" sabi
ko. Lalong nadagdagan ang galit nito sa sinabi ko pero hindi ko iyon babawiin.
Magrereklamo siya ngayon, noong bang nagpapakasarap siya naisip niya ito? Bakit
kasi itatanggi niya pa? Kung ayaw niya akin nalang talaga sila.

Humakbang siya palapit sa akin at napansin kong lalong sumiksik sa likod ko ang
dalawang bata. Hawak hawak nila ng mahigpit ang dulo ng palda ko habang nakasilip
kay Kristoff.

"Ateng maganda, Sino siya? Nakakatakot naman siya" sabi ng isa. Mahirap kasing
sabihin kung sino si Toffer at sino si Kris lalo na at magkamukhang magkamukha ang
dalawa.

"Hindi ako naglandi at sigurado akong wala akong anak. Kung sino man ang babaeng
pumunta dito. Ipahanap mo siya at ibalik ang dalawang iyan. Wala akong planong
magpaloko" ikinuyom ko ang mga palad ko at pumikit.

"Sana hindi nalang siya mahanap" bulong ko.

"Anong sabi mo?" tanong ni Kristoff.

"Sana hindi nalang siya mahanap. Sana nakaalis na siya ng kumpanya niyo. Kung ayaw
mo sa kanila ako ang kukuha sa kanila at kapag napatunayan mong anak mo sila
hinding hindi mo sila makukuha sa akin" inis kong sabi.

"Fine. Iuuwi ko sila at susundin lahat ng gusto mo pero oras na hindi ko sila anak.
Ikaw ang mananagot sa'kin. Tandaan mo 'yan!" sabi niya at pumasok sa opisina niya
at padabog na sinara ang pinto.

"Sino po iyon ateng maganda? Asawa niyo po ba?" tanong nila.

"Hindi ko siya asawa. Siya ang Daddy niyo" malambing kong sabi. Nagkatinginan ang
dalawa.

"Bakit po ang pangit niya? Kapag gwapo ang anak diba dapat po gwapo din ang Tatay
dahil doon siya magmamana? Bakit ang pangit niya po ateng maganda?" sabi ng isa sa
kanila.

"Mabuti nalang po hindi niyo iyon asawa kasi po maganda kayo at pangit siya. Hindi
kayo bagay pero hindi ko po talaga iyon Tatay kasi pangit po siya ateng maganda"
sabi din nong isa. Iiling iling nalang akong inupo sila sa swivel chair ko.

Ganito ba ang mga Dela Marcel?

"Anong gusto niyo? Nagugutom ba kayo?" tanong ko pero parehas lang silang umiling.

"Namimiss ko na po si Mommy pero sabi kasi ni Tita nasa Heaven daw si Mommy at
malayo daw iyon. Wala daw kaming pera pamasahe papunta doon dahil mahal ang bayad.
Magkano ba ang bayad kapag pupunta ka don Ateng maganda?" tanong ng isa. Naaawa
akong tumingin sa kanila. Napakabata pa nila para mawalan ng ina tapos ang ama pa
nila ay isang napakalaking gago na hindi sila matanggap.

"Mahal talaga ang pamasahe papunta don. Kahit magtrabaho ka magdamag hindi ka
makakapunta doon kung hindi ka invited" sagot ko na nagpasimangot sa kanila.
Pare-parehas kaming lumingon kay Kristoff ng bigla itong tumikhim.

"Iuuwi ko sila sa bahay, Ysa. Sumama ka" sabi lang ito at nauna ng maglakad pababa.
Wala akong nagawa kundi sumunod.

Noon kayang nalaman ng Daddy namin ni Yllak na buntis si Mommy ganito din ba ang
ginawa ni Daddy? Hindi niya in ba kami tanggap?

=================

Chapter 6

Pagod akong umuwi ng bahay. Ayokong iwan ang dalawang bata kanina dahil baka kung
ano ang gawin ni Kristoff sa kanila pero wala naman akong magawa. Nakita ko kanina
ang kislap sa mukha ng magulang niya kaya medyo nakahinga ako. Inaya nila akong
mag-dinner na doon pero magalang akong tumanggi.

"Ate!" sigaw ni Xienna at yumakap sa akin. Nakangiting yumukod ako at hinalikan


siya sa pisngi.

"Magandang gabi, Xienna" sabi ko.

"Ate magpalit ka na po. Tapos na kami magluto ni Nanay. Kakain na tayo" ginulo ko
ang buhok niya bago umakyat at naligo.

Pagkatapos ko ay agad din naman akong bumaba. Nakaupo na sila sa hapag at matiyaga
akong hinihintay habang nagku-kwentuhan. Tahimik lang kaming kumain at natulog
pagkatapos. Kinaumagahan ay nagpaalam sa akin si Kuya na lalabas daw sila nila
Nanay at ipapasyal si Xienna nitong weekend. Tinanon g niya ako kung makakasama ba
ako pero tumanggi ako at sinabing sila nalang. Marami kasi akong trabaho at kahit
day off ko sa sunday ay baka hindi lang din ako makaabot.

Maaga silang umalis at sumabas na ako dahil hinatid pa nila ako sa trabaho bago
sila umalis. Punong puno ang schedule ni Kristoff at halos nanlalata na ako ng mag-
hapon na. Nag-hikab ako at sumandal sa upuan ko. Hinilot ko ang sentido ko ng
makaramdam ako ng konting sakit.

"Ysa, can you get the financial report sa finace department. Kahapon ko pa iyon
hinihingi pero hanggang ngayon wala pa" bumuntong hininga ako at tumango kay
Kristoff bago sinuno ang utos niya.

Halos hindi ko na piunansin ang mga kakilala kong nakakasalubong ko dahil sa pagod
ko. Feeling ko magkakasakit ako. Nakuha ko din naman ang pinapakuha niya at
nagpapasalamat ako ng payagan na niya akong umuwi ng maibigay ko iyon.
Bumili nalang ako ng take-out sa isang fast-food bago umuwi. Mabuti nga at naalala
kong wala pala akong kasama sa bahay dahil kung hindi ay baka hindi na naman ako
kumain. Kapag kasi pagod ako ay ang gusto ko nalang ay matulog pero dahil mukhang
magkakasakit ako ay kailangan kong kumain para makainom ng gamot maya maya.

Maaga din akong humiga at nakatulog. Nagulat nalang ako ng biglang may kumalabog sa
baba na siyang nagpagising sa akin at bago pa man ako makatayo ay bumukas na ang
pinto ko at iniluwa ang boss ko. Buhay na buhay ang ilaw sa kwarto ko na baka
nakalimutan ko kagabi kaya kitang kita ko siya. Halatng galit ito dahil sa kunot na
kunot nitong noo.

"I knew it. bakit mo hinahayaang nakabukas ang pinto mo? Paano kung napasok ka ng
kung sino? Alam mo bang maraming masasamang tao ngayon tapos nakabukas lang ng
ganoon ang pinto mo?" ilang beses akong kumurap dahil sa gulat. Paano niyang
nalaman na dito ako nakatira? Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras ng gabi?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tumayo ako at nagkibit-balikat. Bigla akong
nakaamoy ng alak at doon ko lang napansin na namumula ito. Lasing?

"I want to see you so nagpunta ako dito. Kung tatanungin mo kung saan ko nakuha ang
address mo, well, sa akin nalang iyon. Next time h'wag mong hahayaan na bukas ang
pinto" sabi nito sa mas mahinahon ng tono. He wants to see me? Why? Bakit niya ako
gustong makita?

"Can I sleep here?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"NO!" mabilis kong sagot. Anong akala niya sa bahay ko? Hotel?

"Thank you" nakangiti ng sabi nito.

"Hindi kita pinapayagan na matulog dito. Umuwi ka kasi may sarili kang bahay!" sabi
ko pero para itong walang naririnig.

"Hindi ko alam na gawain din ng secretary ang magpatulog at magalaga ng boss


niyang lasing!" inis kong sabi pero tinignan niya lang ako.

"Hindi ako lasing!" giit nito at nagsimulang maghubad. Nanlalalaki ang mata ko at
binato siya ng unan na nahila ko pero nasalo niya lang iyon at binato sa gitna ng
kama.

"Anong ginagawa mo! Hindi mo ito bahay para maghubad ka! Umalis ka dito, Kristoff!"
nginisihan lang niya ako. Hindi ko mapigilang hindi siya tignan pababa. Tanging
boxers niya lang ang natira. Why is he so f*cking hot? Umiling iling ako. My God!!
Hindi ko po siya pinagnanasaan pero mainit po talaga.
"Titig lang, baby. I'm a willing prey!" sabi nito at humiga sa bed ko. "Kaamoy mo
ang bed mo. Ang bango" naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Inis ko siyang
tinignan.

"Umuwi ka na nga! Wala ito sa job description ko!" pasigaw kong sabi sa kaniya pero
ang loko hinila lang ang unan ko at inamoy bago niyakap. Lalo pa atang namula ang
mukha ko sa ginawa niya. Lumapit ako at hinila iyon pero nagpapagod lang ako dahil
sa higpit ng hawak nito dito. Inis kong sinuntok ang likod niya pero wala namang
epekto.

"Well, ngayon kasama na at para sa akin lang iyon!" nagkamot kamot at mabilis na
tumalikod. Mukha naman kasing wala na akong laban. Ano ba kasing laban ko kung
katawan ang pagbabasehan?

"Hindi naman ganito kahirap ang trabaho ko noon. Never ko namang nagawa ito sa
Daddy niya" sabi ko habang naghahanap ng damit na pwede sa kaniya.

"Dapat lang. Mag-mu-mukha kang mistress ni Dad pag ginawa niya ito" Sagot na naman
nito sa siryosong tinig pero mahina ng tono dahil mukhang antok na ito.

"I'm not a mistress at wala akong planong maging isa!" giit ko.

"Walang gagawa non sa'yo dahil sinisigurado kong ikaw lang naman" kunot noo ko
siyang nilingon. Anong ibig niyang sabihin don?

Tatanungin ko sana siya pero isang humihilik na Kristoff na ang kaharap ko. Kung di
lang ako naaawa kanina ko pa tinadyakan 'yan palabas ng bahay. Ang amo ng mukha
niya kapag tulog. Sana palagi nalang siyang natutulog. Mabuti nalang walang tao
dito sa bahay dahil ayokong isipin nilang may boyfriend ako dahil hindi na ako
titigilan ni Nanay sa paghingi ng apo.

Tinignan ko ang hawak ko V neck shirt ko na alam kong kasya sa kanya. Damit iyon na
para kay Yllak pero kapag kasi tinotopak ako ay nanghihingi ako ng mga bago niyang
damit. Ayaw niya akong bigyan dahil hindi daw ako lalaki pero kapag nagtampo na ako
ay ibibigay niya din naman. Wala rin naman akong ginagawa don kundi pantulog dahil
mahaba iyon sa akin. Mukha namang hindi na nito kailangan iyon kaya inayos ko ng
tupi at nilagay sa gilid.

Imbes na ako ang natutulog sa kwarto ko ay ang lalaking ito ang nagpapakasasa.
Humanda ka sa'kin at may araw ka ding Dela Marcel ka.

Maaga akong nagising at agad akong lumipat ng kwarto pero tulog na tulog parin ang
magaling kong boss. Iiling iling na kumuha ng Floral dress sa cabinet ko at kinuha
lahat ng gagamitin ko at bumalik sa kwarto ni Yllak at doon ako naligo. Nagtext
kasi si Nanay na ako na daw ang mag-grocery dahil sa makalawa pa sila makakauwi at
napag-desisyunan ko na ding mag-shopping bago mag-grocery para kahit papaano ma-
enjoy ko naman ang day-off ko.
Hinayaan kong nakaladlad ang buhok ko. Kumulot ang baba nito, dahil siguro sa araw
araw na naka-bun. Sleeveless ang dres na nakuha ko. Umaabot ito hangang kalahati ng
hita ko tsaka ko ipinares sa skin tone kong doll shoes. Hindi na ako nag-apply ng
make-up at bumalik na ng kwarto ko. Kailangan ko ng gisingin si Kristoff dahil
alangan namang iwan ko siya dito mag-isa.

"Kristoff!" sabi ko at niyugyog siya. Sinubukan ko ding kilitiin siya at nilakasan


ko ang boses ko pero di siya nagising. Inis kong kinamot ang batok ko at tumingin
sa relos ko sa braso. Tatanghaliin na ako nito.

"Kristoff! Gumising ka na please lang" umungol ito at maya maya ay kinusot ang
mata. Kumibot ang mga labi niya bago minulat ang mata.

"sa wakas. Now, maligo ka na at umalis may-"

"Bakit ganiyan ang suot mo? Bakit ang igsi ng dress? Bakit nakaladlad ang buhok mo?
Saan ka pupunta" sunod sunod niyang tanong. Umupo pa ito at lumantad ang katawan
niya tsaka humila ng unan at itinakip sd ibabang parte ng katawan niya. I don't
know why?

"Bumangon ka na at maligo. May damit diyan pero di kita mapapahiram ng ibang gamit
panglalaki dahil wala ako non" sabi ko.

"May gamit ako sa kotse. Kukunin ko nalang. Can we eat first before we leave?"
tanong niya.

"Sige magluluto lang ako. Bumaba ka pagkatapos mo" sabi ko at walang ano anong
iniwan siya doon.

Tinignan ko ang laman ng Ref namin kung anong pwedeng iluto. Nakakita ako ng
engridients pa paggawa ng pancake kaya 'yon nalang ang ginawa ko. Nasa kalagitnaan
ako ng pagmi-mix ng mapansin kong bumaba siya at pagbalik niya ay may dala siyang
bagpack. Saktong kakatapos kong magluto ng bumaba siya. Naka-suot siya ng itim na
pantalon at ang V neck ko na hiningi ko kay Yllak.

"Akala ko ba may damit ka?" tanong ko. Umiwas ito ng tingin pero sumagot din naman.

"I want to wear your shirt. You're smell is addicting at kaysa ikaw ang amuyin ko
which is alam kong ayaw mo ay ito nalang isinuot ko. Naaamoy kita sa damit na 'to"

Ramdam kong namula ako sa sinabi niya. Hindi nalang ako nagkumento at itinuon ko sa
pagkain ang atensiyon ko. Umupo siya sa harapan ako at nilagay ko sa harap niya ang
pancake at dark coffee. Umakto ako na parang walang narinig. Tahimik kaming kumain.

"Can I go with you?" tanong niya ng matapos kami at mailigpit ko ang pinagkainan.
"No" mariin kong sabi. Hindi pwede. Tama na ang pamimirwesyo niya sa akin kagabi.

"Then I'll come with you. Wala kang magagawa" mas madiin nitong sabi. Inis ko
siyang tinignan at sinamaan ng tingin.

"You can't. May mag- Bitawan mo ako! Kristoff!" tili ko ng bigla niyang balutin ng
leather jacket niya ang legs ko at isampay ako sa balikat niya. Parati nalang ba
akong walang choice?

"Bakit ka ba nagsusuot ng ganito kaigsing damit? You're showing too much skin,
baby!" asar na sabi nito habang naglalakad papuntang kotse. Pinalo ko ang likod
niya at ilang beses pinaghahampas pero parang hindi siya nasasaktan.

"Wala kang paki kung ano ang isuot ko. H'wag mo akong matawag tawag na Baby dahil
hindi ako sanggol. Ibaba mo ako!" sagot ko sa kaniya.

"Your wish is my command" sabi nito at ingat na ingat ako binaba sa sasakyan nito.
Mabilis itong umikot at pumasok sa loob bago pa man ako makatakas. Inayos ko ang
nagulo kong buhok bago ko siya sinabunutan.

"Hindi gawain ng sekretarya na manabunot ng boss, Ysa" sabi nito pero inirapan ko.

"Alam mo pala ang gawain at hindi ng sekretarya, di dapat alam mong mali ang
ginagawa mo ngayon at pwede ba day off ko po, Boss!" sabi ko ng mapansin na
nakatingin siya sa baba ko. Sinundan ko ang tingin niya ng makitang ang nakalantad
kong legs ang tinitignan niya. Umangat kasi ang suot ko at naupuan ko ang jacket
niya. Mabilis ko iyong ibinaba at kinuha ang jacket niya pantakip.

"Ang manyak mo, Kristoff!" sita ko pero ang gago ay ngumiti lang.

"Not my fault. I can't help it" sabi pa nito at pinaandar na ang kotse. Wala na
naman akong nagawa. Palagi nalang akong walang magawa.

May araw ka din talagang lalaki ka. Magpakasaya ka ngayon dahil sinisigurado kong
sa susunod ako din ang tatawa. HIndi ko alam kung anong trip nito at ginugulo ako
pero tignan lang natin. Humanda ka sa akin.

---------------

Guys pwede po bang mag-iwan kayo ng comment? Gusto ko lang malaman kung boring na
ba ang story nila o hindi o kung ano man po. Salamat

=================
7

Chapter 7

Hindi ko nalang siya pinansin kaysa masira lang ang araw ko sa kaniya. It's my day-
off at dapat nag-eenjoy ako. Hindi ba siya busy? Wala ba siyang naiwanang trabaho
at nandito siya, ginugulo ako?

"Saan pala tayo pupunta?" umirap ako ng marinig ko 'yong tayo. Talagang isinama ang
sarili sa lakad ko?

"Mall. Grocery" simple kong sabi.

"Tsk. Wear my jacket kapag bumaba na tayo. I don't like them gawking at you" tsk.
Gusto kong sabihin na siya lang naman ang gumagawa non pero nanahimik nalang ako.
Hindi siya papansinin hindi ba? Napansin kong tinignan niya ako at kumunot ang noo
niya pero umakto ako na parang walang nakita.

Maya maya ay huminto sa harapan ng pinakamalapit na mall sa amin. Hindi ko na siya


hinintay na pag-buksan ako at ako na mismo ang lumabas. Hawak hawak ko lang ang
jacket niya at hindi sinuot dahil naiinitan ako.

"Isuot mo ang jacket ko, Ysa" nagbababalang sabi nito. Nagsimula akong maglakad na
para bang hindi siya kakilala o hindi siya kasama. Bahala siya sa buhay niya. Hindi
ko siya gustong kasama.

Nagulat nalang ako ng may biglang humila sa akin at inakbayan ako. Inis kong
tinignan si Kristoff pero diretso lang sa harap ang tingin nito. Tinanggal ko ang
kamay niya pero bumaba lang iyon sa bewang ko at humigpit ang hawak na halos mahila
na niya ako papunta sa kaniya.

"Ano ba!" inis kong singhal sa kaniya. Tinignan niya ako gamit ang malamig at
blanko niyang ekspresyon. "Alisin mo nga! Hindi kita boyfriend para gawin mo 'yan!"
dugtong ko.

"Ayaw mo akong sundin. Ang tigas tigas ng ulo mo. Gusto mo pa kasing pinipilit ka
para sumunod" sabi nito "Kung ayaw mo na akbayan o gawin ko sa'yo ang mga bagay na
para sa boyfriend mo, eh, di sundin mo ako!" kinuyom ko ang kamay ko pero sinunod
siya. Tinanggal niya lang din ang kamay niya kaya lumayo na ako sa kaniya.

Kumuha ako ng malaking cart at pumasok na sa supermarket ng mall. HIndi ko alam


kung sumusunod siya pero wala akong pakialam sa kaniya. Mas mabuti nga kung hindi
para walang epal na akala mo kung sinong makautos.

Kinuha ko lahat ng kailangan sa bahay. Umikot ako ng maalala kong nadaanan ko pala
ang gatas kanina at hindi ako nakakuha pero gulat ko ng nandoon sa likod ko si
Kristoff at may hawak na bukas na junk food at kinakain nito 'yon. Hindi niya ba
alam na bawal kumain dito?

"Saan mo kinuha iyan?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Don sa lane ng mga junk food" parang wala lang na sabi nito.

"HIndi pwedeng kumain niyan dito sa loob. Bayaran mo muna at sa labas ka kumain!"
inis na sabi ko. Lalo akong tumatagal dahil sa lalaking ito.

"Alam kong hindi pwede pero gusto kong tikman, eh. Pwede namang bayaran mamaya, ah"
sabi nito. Napakamot ako sa ulo ko.

"Paano kung may makakita sa'yo? Kristoff naman. Bakit ka ba kasi nandito? Wala ka
bang trabaho at ako ang ginugulo mo?" gustong gusto ko na siyang saktan sa sobrang
inis ko.

"Wala ba akong karapatang mag-day-off din? H'wag mo nalang akong pansinin. Ignore
me or act like I don't exist at all. It's fine. Hindi naman kita isasama kung
nahuli man ako" laglag ang balikat na sabi nito. Kumamot ako sa batok ko at
niulapitan siya. Kinuha ko ang kinakain niya na wala ng laman at nilagay sa cart
tsaka siya hinila don.

"Ikaw mag-tulak niyan para alam ko ang ginagawa mo. H'wag ka ng kukuha ng pagkain
at please lang Kristoff mag-behave ka hindi ka na bata" sabi ko at naglakad na.
Hindi ko nalang siya kakausapin. Nandito na rin naman siya at mukha namang walang
balak umalis ang g*go kaya papakinabangan ko nalang.

Pumila kami sa may Cashier ng makita kong wala akong nabiling shampoo at
conditioner. Kumamot ako sa batok ko sa inis.

"Kristoff dito ka lang. Nandito 'yong bag ko. Kung ikaw na kunin mo nalang 'yong
card ko sa loob para pambayad. Hahanapin ko lang 'yong shampoo wala akong nakuha"
sabi ko at hindi ko na siya inantay sumagot dahil naglakad na ako. Nasa pinaka-
dulong lane pa naman 'yon.

Lakad takbo na ang ginawa ko dahil kung di ko naabutan si Kristoff ay pipila na


naman ako at matatagalan na naman. Sa pagmamadali ko ay may nakabangga akong batang
babae. Napaupo ito kaya mabilis kong dinaluhan.

"Ayos ka lang, Baby?' tanong ko. Hula ko ay nasa anim hanggang pitong taong gulang
ito. Mukha itong nasaktan kaya nakunsensya ako.

"Ysabel?" kunot noo akong lumingon ng may tumawag sa pangalan ko. May dalawang
babaeng biglang lumapit sa akin at mabilis na tumayo ang bata at yumakap sa hita ng
isa.
"Ikaw nga. Hindi nagbago ang mukha mo pero lalo kang gumanda. Kamusta na?" kumurap
kurap ako at inalala kung sino siya pero di ko talaga alam kung sino.

"Mama kilala mo siya?" tanong ng bata sa babae at tumango ang babae. Tumayo ako sa
pagkakaluhod ko at hinarap sila.

"Don't tell me nakalimutan mo na kami?" parang nagtatampong sabi ng kasama niya.


Kumamot ako sa batok ko at kiming ngumiti ng maramdaman kong may pumaikot sa
baywang ko.

"Nahanap mo na?" mabilis kong tinanggal ang kamay niya at nagpapasalamat ako ng may
tumawag sa kaniya at biglang nagpaalam na sasagutin lang. Tapos na siyang nagbayad?
Bakit ang bilis ata?

Tumingin ako ulit sa harap ko at lalo pang kumunot ang noo ko ng laglag ang panga
nila sa nakita.

"Oh my Gosh! I can't believe it! Kayo parin ang nagkatuluyan?" sabi ng matangkad na
maputing singkit na siyang nanay ng batang nakasalubong ko.

"That's true love" nakangising kumento pa ng isa.

"Sorry pero hindi ko kayo matandaan?" nahihiyang sabi ko. Inirapan nila ako pero
hindi sa way na maiinis ako.

"Angela Tabio, President of Art Class kung saan ikaw ang Vice Pres. at si Hailee Co
ang isa sa mga members natin. Itong tsikiting na ito naman si Yxel Winslou, anak
ko" nanlaki ang mata ko. Galing sila sa school namin ni Kristoff noon. Ibang iba
ang itsura nila kaya naman hindi ko sila natandaan.

"Sorry. Ang gaganda niyo na kasi kaya di ko na kayo nakilala" nakangiting sabi ko.

"Para mong sinabing pangit kami non" Sabi ni Hailee.

"Pero hindi ko akalain na magkakatuluyan kayo kasi diba bigla kang umalis?" sabi ni
Angela. Hindi ko main tindihan kung ano ang pinagsasabi nila. Nagkatuluyan nino?

"Naalala ko pa kung paano siya nagwala at nanghagis ng upuan ng malaman niyang


lum-"

"Malapit na sigurong matapos 'yong pinamili mo. Iniwan ko lang doon kasi ang tagal
mo at hinanap kita. Kailangan na nating bumalik doon" sabi na naman sa likod ko at
alam ko na kung sino 'yon.

"Oh, nakakaabala pala kami ng date" sabi ni Angela na napatakip pa sa bibig.


"Hindi kami nagdi-date. Secretary niya lang ak-"

"Tawagan mo nalang kami some other time kung di ka busy. Here's my calling card"
sabi lang nila at nagpaalam na. Hindi ko man lang sila naipakilala kay Kristoff at
hindi ko man lang naklaro ang tunay na ugnayan talaga namin.

"You know them?" tanong ni Kristoff habang mabilis kaming naglalakad pabalik. Hindi
na ako nakakuha ng shampoo at conditioner.

"Yeah, ka-groupmates ko dati sa Art Class" sabi ko at tumango tango siya.

Pagkabalik namin ay kami na nga ang susunod. Inis pa ang cashier dahil iniwan daw
namin ang pinamili namin at hindi daw iyon pwede pero sa akin lang siya umiirap
dahil tuwing titingin kay Kristoff ay nagiging sweet ang boses. Malandi.

"Next time po, h'wag niyo ng iiwan ulit" sabi nito at inirapan ako. Tusukin ko kaya
ang mata niya nakakairita akala mo naman kung sinong maganda, eh, halos magmukha na
siyang lagayan ng make-up dahil sa kapal ng make-up niya.

"At bakit po may nakabukas na junk food? Kumain kayo sa loob? Bawal po iyo-"

"Miss pwede pakibilis? Nagmamadali kasi kami" sabi ni Kristoff at natawa ako sa
reaksiyon ng cashier. Hindi na ito nagsalita at tinapos na agad ang ginagawa.
Nilahad ko ang Card ko pero naunahan ako ni Kristoff at ang malanding cashier ay
ang kay Kristoff ang kinuha. Kitang kita ko kung paano nito hinaplos ang kamay ni
Kristoff. Ugh!

"Bakit mo ginawa 'yon? Hindi naman sa'yo 'yong mga pinamili ko!" singhal ko sa
kaniya.

"Hindi nga pero kasama mo ako at hindi kita hahayaang magbayad" sabi nito.

"Bahala ka nga diyan! Nakakaubos ka ng dugo!" sabi ko at kukunin sana ang mga
pinamili ko pero inunahan na naman siya ako at siya ang nagbuhat lahat. Eh, di siya
na lahat.

"Ano na namang problema mo!" sabi nito habang hinahabol ako.

"Ikaw. Bakit mo ginagawa ito? Bakit ka ba nandito? Ayoko ng pinangungunahan ako at


ayoko na hindi ako ang nasusunod!" sunod sunod kong sabi.

"Then I'm sorry. Kung about sa payment then you can pay me if you want" sabi nito
magsasalita palang sana ako pero naunahan na niya ako "Pero ayoko ng pera na bayad"
kunot noo ko siyang tinignan.
"Anong gusto mo?"

"Be with me. Hindi mo ako i-i-ignore, papansinin mo ako at bayad ka na. Hindi na
rin kita pangungunahan basta ibibigay mo ang gusto ko. Ngayong araw lang naman"

=================

Chapter 8

"Pakilagay nalang diyan" masungit nitong sabi pagkapasok ko palang sa opisina niya.
Dala dala ko ang mga papeles na kailangan ng pirma nito at hindi ko alam kung paano
niya nalamang iyon ang dala ko samantalagang hindi niya naman ako tinatapunan ng
tingin.

Tinanggihan ko kasi siya kahapon kaya sinusungitan niya ako ngayon. Mas mabuti na
ang magsungit siya kaysa naman ang makasama ko pa siya kahapon kahit na nahihiya
ako about sa binayaran niyang grocery ko.

Sinunod ko ang utos niya at nilapag ang papeles sa tabi niya. Lalabas na sana ako
ng bigla na naman siyang magsalita.

"Positive, anak ko nga si Kris at Toffer" sabi nito. Nilingon ko siya ng umangat
ang tingin niya at nilagay sa table ang D.N.A result. Hindi ko na naman tinignan
iyon dahil naniniwala naman akong anak naman talaga niya ang dalawa.

"Hindi ko maalala na may nakatalik ako. Hindi ko maalala ang sinasabi nilang NIna
De Mesa na iyon. Hindi ako nagkaroon ng girlfriend maliban kay Erin noon, iyon na
ang una at huli" sabi nito. Sinuklay nito ang buhok at halatang frustrated ito.
Ayaw niya sa mga anak niya?

"Ano bang problema mo? Bakit ayaw mo magkaanak?" tanong ko.

"Gusto ko. Gustong gusto ko-"

"Iyon naman pala bakit hindi ka masaya? Bakit ganiyan ang ekspresyon mo sa mukha?
Kung talagang gusto mong magkaanak?" sabi ko. Para kasi siyang tanga. Gusto niya
pero ganiyan naman ang reaksiyon niya.

"Paano kung ayaw sa kaniya ng babaeng mahal ko? Paano kung iwanan niya ako dahil sa
may anak na ako at sa ibang babae iyon? Gusto kong magkaanak pero sa kaniya lang"
sagot nito sa akin. Mahal? May mahal itong babae? Sino? Bakit hindi ko naman siya
nakikita?
"Kung mahal ka niya tanggap niya kahit ano pang sabit ang meron ka. Wala namang
problema dahil hindi naman nangungulit ang nanay ng mga anak mo dahil wala na ito.
Mukha namang mababait ang anak mo kaya madali lang silang pakisamahan" sabi ko sa
kaniya. Tinitigan niya ako na para bang tinitignan kung maniniwala o hindi sa
sinabi ko.

"Tanggap mo ba na may anak ako, Ysa?" naguguluhan ako sa kaniya. Bakit kailangan
niya pa akong tanungin, eh, hindi naman kami magkaano ano?

"Bakit hindi? Boss ko lang naman kayo" sagot ko sa kaniya.

"Ang problema mukhang hindi na naman niya ako mahal. Ang tanga tanga ko kasi.
Masyado akong nagpapaniwala sa sinasabi ng utak ko noon, hindi ko tuloy napansin na
hindi na pala ang babaeng kasama ko ang mahal ko kung hindi ang babaeng iyon"
bubulong bulong na sabi nito at hindi ko iyon naintindihan.

Naalala ko na sinabi niya kanina na si Erin lang una at huling naging girlfriend
nito. Bakit kaya? Bakit siya na ang huli at bakit sila naghiwalay? Kitang kita ko
kung paano niya pinaghirapan na makuha ang 'oo' ni Erin noon. Bakit kaya?

"What if you're my girlfriend, Ysa. Will you accept my sons?" siryoso niyang
tanong. Nakatingin lang siya sa mukha ko. HIndi ko talaga maintindihan kung bakit
ako ang tinatanong niya. Kumamot ako sa batok bago sumagot.

"Oo naman po. Nandiyan na naman sila at wala na akong magagawa. Nangyari siya bago
pa ako dumating at dahil girlfriend mo ako at mahal kita-"

"Can you repeat it" kunot noo ko siyang tinignan.

"Repeat what, sir?" tanong ko.

""yong huli mong sinabi" sabi niya. Is it the 'girlfriend mo ako?'

"Girlfriend mo ako-"

"Hindi 'yan, 'yong isa" sabi nito at may tinitipa sa phone niya bago tumingin sa
akin. Namula ako ng maalala ko iyon. Ang pinapaulit niya ay ang sinabi kong 'mahal
kita'. Alam kong binigyan niya lang ako ng sitwasyon at sumasagot ako at damay
lang ang salitang iyon pero hindi ko mapigilang hindi mamula.

"M-Mahal kita?" tanong ko. Napansin kong umangat ang isang gilid ng labi nito at
may tinipa na naman sa phone niy.

"Sige ituloy mo na ang sagot mo" sabi nito.


"Kung ano man ang meron ka, tatanggapin kita. Love is not just about the good
things, sir, but also about the bad things your love ones have. If you can't accept
it then that's not love kasi parang sinasabi mong kalahati lang ang gusto mo" sabi
ko. Ngumiti ito at sinabing ituloy ko na ang ginagawa ko. Kanina ang sungit ngayon
naman pangiti ngiti nalang. Napaka-bipolar.

Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Erin. Gusto kong tanungin kung ano ang
nangyari sa relasyon nila o kung hinihintay niya parin ba ito kaya hanggang ngayon
ay wala pa itong asawa pero hindi ko magawa.

Ang dami kong tanong pero wala akong karapatang magtanong. Isa lang naman akong
hamak na sekretarya niya at wala na. Hindi na kailanman madudugtungan iyon.

Hindi ko na halos magawa ang trabaho ko ng mga sumunod na oras. Paulit ulit na
bumabalik ang pinag-usapan namin kanina. Ang mga katanungan ko. Gusto ko silang
mawala sa utak ko pero isa lang naman ang rason para mawala iyon, ito ay ang
masagot ang mga katanungang iyon. Anong nangyari pagkatapos kong umalis? Pagkatapos
kong masaktan?

"Ate'ng maganda!" kumurap ako at lumingon sa may gilid ko ng biglang may nagsalita
doon. NAkatayo si Kris na may hawak hawak na bulaklak na mukhang pinitas niya lang
kung saan. NAkangiti ito sa akin at hindi ko alam kung bakit ako napangiti din.
Hindi ko man lang napansin na may kasama na pala ako dito. Masyadong na-occupy ng
mga iyon ang utak ko.

"Hello uhm... Toffer?" tanong ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin kong
pangalan.

"Ako 'yon Ate'ng maganda!" sabi ng lalaking nasa harapan naman ng table ko at may
hawak ding pinitas na bulaklak at prenteng nakaupo. Lumingon ako kay Kris at
nakasimangot ito sa akin. Naaalala ko ang mukha ni Kristoff na nakasimangot sa
kaniya.

"Si Kris ako, Ate'ng maganda. Kris po, Kris. Bulaklak po, para sa'yo. Pinitas namin
'yan sa garden ni Momsy Kissa" sabi nito.

"Sorry, Kris" nakangiting sabi ko at kinuha ang bulaklak. Nanggigigil na hinalikan


ko siya sa pisngi na siyang nagpangiti na sa kaniya.

"Ako din po. May dala din naman akong flowers para sa'yo, Ate'ng maganda. Alam mo
po ba na natalo lang ako sa bato bato pick kaya ko siya hinayaan mauna. Dinaya niya
kasi ako" sabi ni Toffer at tumakbo papunta sa harapan ko. Iiling iling na
hinalikan ko din siya sa pisngi. Naniniwala akong magiging babaero ang dalawang
ito.

"Sinong kasama niyong nagpunta dito?" kapagkuwan ay tanong ko. Inilagay ko sa may
vase sa desk ko ang mga bulaklak bago ulit sila hinarap.
"Hinatid po kami ng driver. Sabi kasi ni Daddy Kay Momsy ay ihatid kami dito pero
dahil busy si Momsy ay kami nalang. Pumayag kami agad kasi makikita ka namin"
bibong sabi ni Toffer.

"Mabuti nalang po ate'ng maganda kasi makikita ka namin dahil kung hindi ay hindi
kami pupunta dito. Ayoko po makita si Daddy. Nagpapanggap lang siyang Daddy namin
kasi po kung Daddy talaga namin siya ay dapat gwapo siya kaso ang pangit" iiling
iling pang sabi ni Kris. Kumurap ako at inaanalisang mabuti ang sinabi niya. Tama
ba ang narinig ko? Pangkit daw si Kristoff?

"Daddy niyo 'yon. Magkamukha nga kayo" sabi ko pero parehas silang umiling.

"Hindi po Ate'ng maganda-"

"Tita Ysa nalang" sabi ko. Masyadong mahaba kasi ang tinatawag nila sa akin at
nakakahiya dahil may 'maganda' pa talagang kadugtong.

"Ayoko po. Hindi pwede ang Tita kasi parang kamag-anak ka na namin. Ayaw ko nga din
ng Ate kaso po sabi ni Mommy noon igalang daw ang babae kaya tinawag kitang Ate.
Gusto ko po kayo maging girlfriend" natigagal ako sa sinabi niya. Nakakagulat
talaga ang mga lumalabas sa bibig ng dalawang ito.

"Ako din po. Gusto kita maging girlfriend kasi po maganda at mabait ka pero
magpapalaki muna ako. Pagklaki ko liligawan kita at papakasalan" sabi ni Toffer.

"Tsk, magpalaki ka pa. Uunahan na kita" sabi naman ni Kris at lumapit sa akin.
Binaba ko naman ang mukha ko para magkalebel lang kami pero nagulat ako ng halikan
niya ako sa labi.

Hindi pa man ako nakaka-recover sa pagkagulat ay may humila na sa kaniya palayo sa


akin.

"What do you think you're doing Kris Night!" galit na sabi ni Kristoff. Wala naman
sa akin 'yong kiss kasi bata lang iyon. Nagulat lang talaga ako sa ginawa niya.

"Girlfriend ko na siya, Dad. Makukusot po ang damit ko, May Date pa kami!" pasigaw
na sabi ni Kris habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa Daddy nito. Natawa ako sa
sinabi niya. Grabeng bata ito.

"I tol you, Kris. Magpalaki ka pa kasi" sabi naman ng kakambal nito at pasalampak
na umupo lang sa may sofa doon.

Ibinaba naman ni Kristoff si Kris maya maya at hinilot ang sentido nito.
"Wala kayong date, Kris. Mag-di-dinner tayo" sabi nito at sumimangot naman si Kris
tsaka sinipa-sipa ang paa ng Daddy nito. "You're coming with us" sabi ni Kristoff
ng tignan ko siya.

Bakit ako sasama?

"H'wag ka ng mag-isip ng rason mo. Ysa. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo"

-------------------------------

Who wants Uno's P.O.V?

What do you feel when you read my stories?

Pasagot po :)

Sprry po at hindi ganun kaganda ang update.

=================

9 + Uno's P.O.V.

Chapter 9

Wala akong nagawa kundi sumama sa kanila. Wala parin naman sila Nanay kaya wala din
akong makasamang kumaen kaya sumama ako ng walang pilitan. Hindi naman ako
nilubayan ng dalawa na siyang ikinakainis ni Kristoff. Hindi ko alam kung bakit
siya naiinis. Ako nga na kinukulit nila ay hindi mainis.

"Bitaw ka nga, Toffer. Ako lang pwede humawak sa Girlfriend ko!" inis na sabi ni
Kris kay Toffer pero inirapan lang siya ni Toffer at hinigpitan pa lalo ang hawak
sa kamay ko. Natatawa nalang ako sa pagka-possessive ni Kris.

"Tumigil nga kayong dalawa. Stop calling her girlfriend, Kris. Ang bata mo pa!"
sabi ng tatay nila pero parang wala lang narinig si Kris.

"Kris" nagbababalang sabi ni Kristoff kay lumingon na si Kris dito.

"Fine. Kahit ano naman sabihin mo Daddy, magiging kami parin" lalo akong ngumiti ng
ilabas nito ang dila sa ama. Kung umasta ito parang matanda pero nandoon parin
iyong ugaling bata nito.

Nakangiting tinignan ko nalang si Kristoff "Hayaan mo nga kasi 'yong mga boyfriend
ko. HIndi nga ako nagrereklamo tapos ikaw gaganiyan ganiyan" nakangiting sabi ko.
Natawa ako ng parang bata itong umirap sa akin. Seriously?

Bubulong bulong itong lumagpas sa amin at pare-parehas nalang kaming natawang


tatlo. Kung umasta parang mas bata pa sa mga anak niya.

"Ang sarap asarin ni Daddy" sabi ni Kris.

"Kaya nga. Hindi kasi siya kinakampihan ni Ate'ng maganda kaya nainis" sabi din ni
Toffer. Iiling iling na sinundan nalang namin siya. Naabutan naman namin siyang
nakasandal sa sasakyan niya sa parking lot. Bukas ang front seat sa tabi nito.
Umangat ang tingin niya sa amin at tinignan ng masama ang mga anak niya.

"H'wag ka ngang tumingin ng ganiyan, Kristoff. Natatakot ang mga bata sa'yo" sita
ko sa kaniya.

"Hindi ako bata, Girlfriend" sabi ni Kris na nakasimangot sa akin. "May first kiss
na nga ako, eh. Tapos bata pa?" sabi nito.

"Ako din hindi na" sunod na sabi naman ng isa. Fine. Walang bata.

"Umayos nga kayo. KAnina pa kayo, ah? Hindi pa nga kayo tuli. Makapagsalita kayo!"
singhal ni Kristoff at binuksan ang likod ng sasakyan. "Dito kayong dalawa. Pasok!"
sabi niya at sumunod naman ang dalawa pero bago pumasok si Kris ay sinipa niya pa
ang paa ng ama. Napakakulit talaga.

"Bad ka Daddy" sabi nito ng nasa loob na.

Pinasakay niya ako sa harapan bago umikot papuntang driver's seat. Tumahimik naman
ang dalawa sa likod. Sa Delisyoso kami kumain. Malapit lang ito sa company nila at
sikat dahil sa paghahanda ng ibang ibang putahe'ng abroad.

Tinanong niya kami kung anong gusto namin pero sabi ko siya na ang bahala dahil
siya naman ang nagdala sa amin dito pero nagulat ako ng wala akong marinig na
veggies.

"Kristoff, vegetarian ako" paalala ko sa kaniya. Inirapan niya naman ako pero nag-
order din ng veggies.

"Girlfriend, bakit ka iniirapan ni Daddy? Galit ba siya?" tanong ni Kris na nasa


tabi ko. Ayaw niya kasing magtabi sila ni Toffer kanina. Katwiraan niya ay dapat
daw magkatabi kami kasi girlfriend niya ako. Kulang na nga lang ay pilipitin ni
Kristoff ang leeg nito kanina.

"Bakit ba kasi ang hilig mong kumain ng damo. Kaya ang payat mo" sabi nito.
Inirapan ko siya.
"Hindi iyon damo, Kristoff. Veggies iyon, veggies" sabi ko.

"Daddy, hindi payat si Girlfriend. Ang saxy niya kaya" sabi ni Kris.

Mabuti pa ang bata na-a-appreciate ang kagandahan at kasexy-han ko pero siya?


Hindi/ HIndi naman kasi ako payat.

"Whatever" masungit na sabi nito.

Maya maya ay dumating na rin naman ang mga pagkain. Hindi na rin naman umimik si
Kristoff at ang dalawang bata kaya nanahimik nalang din ako. Tanging ang ingay lang
ng kubyertos ang naririnig at ang kwentuhan ng ibang kumakain.

"Tikman mo ito. Baka sakaling mag-sisi kang naging vegetarian ka" sabi ni Kristoff
at iniumang sa bibig ko ang tinibor na may nahating steak. Nagulat ako sa ginawa
niya. Susubuan niya ako?

"Ito nalang po Ate'ng maganda" sabi ni Toffer at pilit iniaabot sa akin ang tinidor
niyang may pagkain rin pero dahil maliit pa siya ay hindi umabot. Inis itong tumayo
at pumunta sa gilid niya.

"Bakit ba ninyo sinusubuan ang girlfriend ko? Ako dapat" sabi ni Kris at kumuha din
ng sarili niya. Kumamot ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Pwedeng tumigil kayo at hayaan niyo muna akong kumain? Kainin niyo 'yang mga 'yan"
sabi ko nalang. Sinunod naman nila ako pero si Kristoff masama ang tingin sa mga
anak niya. Isip bata talaga.

Tahimik akong nakatitig kay Ysa habang tulog na tulog siya sa kama ko. Nakatulog
siya kaninang pauwai na kami sa sasakyan at ayokong kalkalin ang bag niya para
hanapin ang susi ng bahay niya kaya naman inuwi ko nalang siya sa bahay. Iyon ang
rason, 'yon lang.

Kumportable itong nakahiga sa kama habang yakap yakap ang unan ko. Ipagpapalit ko
lahat ng mayroon ako magkapalit lang kami ng posisyon ng unang iyon. Naiinggit ako
sa kapit ni Ysa doon. Naiinggit ako kasi nagagawa siyang yakapin ni Ysa habang ako
ay puro nakaw lang.

Kinumutan ko siya at tumigil sa pagtingin sa kaniya bago lumabas. Mahirap na.


Napapansin kong nitong mga nakaraang araw ay hindi ko mapigilan ang sarili ko sa
kaniya. Ngayon pa kaya na nakahiga siya sa kama ko at abot kamay ko na?

Kumuha ako ng alak sa ref bago umupo sa high stool sa kusina at mag-isang uminom.
Matagal na noong huli ko siyang nakita. Matagal na noong umalis siya dahil sa akin.
Matagal na noong sabihin ko sa kaniya na hindi ko siya mahal pero ang totoo ay siya
na pala ang mahal ko. MAtagal na iyon at hindi ko na mabilang kung ilang taon na
ang lumipas pero bakit ganito parin ang epekto niya? Bakit kahit ang tagal ko
siyang nakita ay nanatili siya sa puso ko?

"What's wrong?" lumingon ako sa likod ko ng may marinig akong magsalita. Wala si
Kalix dahil parating nasa Condo unit nito. Si Kiella naman ay tulog na at ang iba
pang tao sa bahay. Nakatayo doon si Dad bago kumuha ng baso at umupo sa tabi ko.

"I'm sorry for hiding Ysafrom you, Kristoff" panguna ni Dad. Ilang beses siyang
humingi ng tawad sa akin simula ng malaman kong si Ysa pala ang sekretarya nito at
matagal na nitong alam kung nasaan ang babae.

"Tapos na 'yon, Dad. May rason ka naman kung bakit mo ginawa iyon. Natatakot kayong
masira ang buhay naming dalawa. Kung ako din siguro ang nasa kalagayan niyo ay iyon
din ang gagawin ko" sagot ko.

"Then bakit ka umiinom? Anong problema anak?"

"It's been years, Dad. Akala ko nawala na siya sa buong sistema ko. Akala ko wala
na akong nararamdaman sa kaniya pero bakit noong nakita ko siya bumalik lahat.
Bumalik na parang kidlat na para bang hindi ko siya kinalimutan? Nagalit ako noong
tinago niyo siya kasi naisip ko 'yong mga taong sana ay kami na pero naiintindihan
ko kayo. Ang magulo lang Dad ay kung bakit mahal ko parin siya hanggang ngayon
kahit ang tagal na mula ng makita ko ulit siya? Bakit ganun, Dad?" frustrated kong
tanong.

"Naalala mo ba 'yong gabing umuwi ka dito na wala na si Ysa sa school niyo? Para
kang namatayan. Para kang nawalan ng buhay. Hindi ko ma-explain kung paano ka noon.
Nagwawala ka. Halos hindi ka na pumasok kasi ang rason mo ay hahanapin mo siya.
Kaya ko siyang ibigay agad sa'yo pero hindi ko ginawa. Nakikita ko ang sarili ko
sa'yo. Sobra sobrang pagmamahal na siyang dahilan kung bakit hindi natupad ng Mommy
mo ang mga pangarap niya. I only want her for myself and I won't let any man touch
her kaya inalay niya ang sarili sa akin at kinalimutan ang pangarap niya. Ayokong
mangyari kay Ysa 'yon. Ayokong masira ang pangarap niyong dalawa dahil lang sa
pagmamahal na iyan" tumingin ako kay Dad at muling nag-flash back sa utak ko ang
mga nangyari.

"Ginamit lang kita Ysabell para makuha ko si Erin. Pwede ba tigilan mo na ang
kakasunod sa akin!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyan sa
kaniya.

"Pero gusto kita, tingin ko nga ay mahal na kita!" sabi niya at lalo akong nainis.
nang dahil sa kaniya naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Tuwing kasama ko si
Erin ay naaalala ko siya at ang mga panahon na kasama ko palang siya at
nagpapatulong sa kaniya.

"Ikaw ang pinili ko kasi akala ko hindi ka magkakagusto sa akin. Tama nga sila wala
kang pinagkaiba sa ibang babae diyan na madaling magkagusto sa akin. Hindi ka na
nahiya sa sarili mo! Ikaw pa talaga ang umamin sa akin. Konting hiya naman babae ka
parin" kinagat niya ang labi niya para pigilan ang pag-iyak niya pero hindi rin
naman niya napigilan. Gusto kong pumasan ang luha niya at suntukin ang sarili ko sa
sinabi ko pero hindi ko magawa. NAtatakot ako. NAtatakot ako sa nararamdaman ko sa
kaniya. KAilangan ko itong tanggalin. Si Erin ang mahal ko. Siya lang.

"Ganun naman diba? Kapag mahal mo ang isang tao?" sabi parin nito. Pumikit ako.

"Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan. Si Erin lang ang gusto ko. Kung
hindinka lalayo sa amin ay kami ang lalayo sa iyo" sabi ko at iniwan siya. Hindi
ko kayang nakikita siyang umiiyak.

Dumiretso ako sa likod ng Engineering building kung saan kami unang nagkita noon.
Umupo lang ako at sumandal sa pader pero nagulat ako ng may sumampal sa akin.
Nanlilisik ang mga matang tinignan ko iyon. Nagulat ako ng makita si Erin na galit
na galit.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yon kay Ysabell. Sino ka ba sa tingin mo, ah? Ang
tanga tanaga mo. Nasa harapan mo na siya pero hindi mo parin maamin sa sarili mo na
siya ang mahal mo" kunot noo ko siyang tinignan sa sinabi niya. Ano bang gusto
niyang palabasin? Hindi ba dapat masaya siya kasi siya ang pinili ko?

"Ano bang problema mo, Erin?" takhang tanong ko parin. Lalo itong nagalit sa akin.

"Hindi mo ako mahal, Uno. HIndi ako ang laman niyan" sabi niya sabay suntok sa
dibdib ko. "Akala ko pa naman kapag sinagot kita makikita mo ang pagkakaiba kapag
kasama mo siya at ako pero ang tanga tanga mo. Ikaw ang nakakaramdam pero kami ang
nakakaalam!" makahulugang sabi nito.

"Hindi ko mahal si Ysa!" sigaw ko sa kaniya pero umiling iling lang siya.

"Mahal mo siya, Uno. Hindi ako at Hindi ang ibang babae kundi siya ang mahal mo.
NAkikita ko iyon sa mga mata mo habang nakatingin ka sa kaniya. Iba ang kinang ng
mga mata mo. Hindi ka ganun tumingin sa akin kaya alam kong hindi mo ako mahal.
Sinagot kita para lang ipaintindi sa'yo na hindi ako ang mahal mo pero tanga ka
kasi hindi mo iyon mahalata" iiling iling na sabi nito "Huli na. Nasaktan mo na
siya. Kahit anong gawin mo hindi mo na mababawi iyon. Sana hindi ka magsisi sa
ginawa mo" sabi nito at tumalikod pero bigla siyang humarap at sinampal ako ulit.
"Para iyan sa pananakit sa babaeng mahal mo. Break na tayo. HIndi naman kasi kita
kailanman ginusto" sabi nito at naiwan akong nakatangang nakatingin sa dinaanan
niya.

Hindi totoo iyon. HIndi ko mahal si Ysa. HIndi ko siya mahal. Paulit ulit ko iyong
sinasabi sa utak ko. Ilang araw akong hindi pumasok dahil doon pero sa mga araw na
iyon ay siya lang ang laman ng utak ko. Gusto ko na siyang makikita dahil namimiss
ko ang ngiti niya pero sinupil ko ang sarili ko.

Hanggang sa kusa nalang akong sumuko. MAhal ko siya at ang tanga tanga ko dahil
nasaktan ko siya. Pumasok ako kinaumagahan at hinanap siya pero hindi ko siya
makita kung saan. Lahat ng klase niya ay pinasukan ko pero parati siyang wala
hanggang sa marinig ko sa Art Class nila na umalis siya. NAgdilim ang paningin ko
at binalibag ko lahat ng mahawakan ko. HIndi siya pwedeng mawala. HIndi pwede.
MAhal ko siya.

Pinuntahan ko siya sa dati nilang bahay pero wala na sila doon. HIndi na ako
pumapasok sa kakahanap sa kaniya. Humingi ako ng tulong kay Dad at sa lahat ng
kakilala ko pero wala kaming nahanap ni anino niya. Alak, sigarilyo at kung ano ano
pa ang naging kasama ko. Taon ang lumipas pero hindi ko siya nahanap hanggang sa
sumuko nalang ako.

Kasalanan ko din naman. KAsalanan ko kung bakit siya nawala sa akin. Ang tanga
tanga ko dahil hindi ko pinansin ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang tanga ko kasi
nagawa kong pakawalan ang babaeng mahal ako ng buong buo.

"Mga bata pa kayo noon para sa'kin. Twenty ka palang at nineteen siya. Kung
talagang kayo ang para sa isa't isa ay kusang mag-ku-krus ang landas niyo kahit ano
pang gawin ko at iyon nga ang nangyari. NItong mga nakaraang taon hindi ka tumingin
sa ibang babae. Hindi ko alam kung paanong nagkaanak ka pero alam kong kahit
itanggi at itago mo ay si Ysa parin ang mahal mo" sabi ni DAd nanag-alis sa akin sa
mga memoryang iyon.

"HIndi na niya ako mahal, Dad. HIndi na siya ang Ysa ko noon. Iba na siya" sabi ko
pero tinignan ako ni DAd bago ngumiti.

"Isa kang DEla Marcel, Uno. HIndi tayo sumusuko sa isang babae hanggang hindi natin
sila nakukuha. Handa nating gawin lahat makuha siya kahit pa ikasira iyon ng
pangalan natin at ikababa iyon ng tingin sa atin ng ibang tao. Minamahal natin sila
hanggang sa wala ng matira sa atin at sa kaniya na nakadepende ang buong buhay
natin. Kung hindi ka niya mahal then gawin mo ang lahat para mahalin ka niya. If
you love her then do everything for her to love you back" tinapik ni Dad ang
balikat ko bago umakyat sa taas.

Naiwan ako doon at tumitig sa alak ng maalala ko ang singsing. Mabilis akong
umakyat at kinuha iyon sa drawer sa may bedside table ko. Ingat na ingat ako dahil
ayokong magising si Ysa. Tinitigan ko iyon sa dilim bago naalala ang usapan naming
magkakapatid.

THis ring will serve as our mark. Ibibigay namin ito sa babaeng pagaalayan namin ng
buong pagkatao namin. Isa akong Dela Marcel. NAkalimutan kong hindi pala kami
sumusuko. Nakalimutan ko 'yon pero ngayon naaalala ko na.

Tinignan ko si Ysa na walang kamuwang muwang sa mga kalokohang naglalaro sa isipan


ko. BInalik ko sa box ang singsing bago tumabi sa kaniya.

Ysabell is mine. Noon, ngayon at sa susunod pang mga araw. Sa akin siya at gagawin
ko ang lahat mahalin niya lang ulit ako pabalik.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at niluwa ang dalawang nakakainis kong anak na may
dala dalang unan na mas matangkad pa sa mga ito.
"Dad makikitulog kami" sabi ni Kris at tumakbo papunta kay Ysa at humiga sa tabi
nito. Yumakap pa ito kay Ysa.

"Ako din" sabi naman nung isa at humiga sa kabilang side ni Ysa at yumakap din.
"Dad, masikip"

Inis na kumamot ako sa batok ko. Ngayon na nga lang ako makakayakap may mga asungot
pa?

"Akala ko ba mga binata na kayo? Bakit kayo natutulog sa tabi namin!" inis kong
sabi pero mahina lang dahil baka magising si Ysa.

"Wala akong sinabing ganun, Dad. Six palang ako at bata pa 'yon" sabi ni Kris bago
ako nginisihan.

"Kailangan naming matulog ng may katabi, DAd. BAta pa kami" sabi din ni Toffer.

Gusto kong sumigaw sa inis pero hinayaan ko nalang.

Saan ako matutulog ngayon? Tulog na sila kanina. Paanong nagising na naman. Kainis.
Isang beses pa akong kumamot at kumuha ng unan ng makitang tulog na silang tatlo.
Nakayakap ang dalawa kay Ysa. HIndi ko alam kung bakit nawala ang inis ko at
napangiti. This picture is priceless.

KInuhanan ko sila ng larawan bago kinumutan at humiga sa sofa.

_---------

Ano pong masasabi niyo?

Ito lang po ang P.O.V ni Kristoff maliban sa Epilogue niyan. Natuwa kasi ako sa
dami ng comment last chapter kaya pinagbigyan ko kayo. Sana ganun ulit kadami ang
comment :)

-Kath

=================

10

Chapter 10
Nagising akong may maliliit na kamay na nakayakap sa may tiyan ko. Nagulat ako at
the same time ay lumobo ang puso ko ng makita ko si Kris na nakayakap sa akin.
Inikot ko ang paningin ko at sigurado akong hindi ko kwarto ito at hindi ko ito
bahay. Paano ako napunta dito?

Gumalaw ako ng konti pero kumunot ang noo ni Kris at lalong yumakap sa akin. Naisip
ko tuloy kung paano kapag nagkaanak ako. Sana ganito kagwapo at ganito ka-sweet.
Napangiti ako sa dumaan sa isipan ko. Boyfriend nga ay wala ako, anak pa kaya?
Maiiwan na ata ako ng kalendaryo pero single parin ako.

Kunot noo kong inikot ang buong paligid ng may tumikhim. Natagpuan ng mata ko si
Kristoff na naka-jammies lang na nakatayo sa may pinto. Umiwas ako ng tingin kahit
na naghe-hello na sa akin ang mga abs niya. Mga kasi nga andami!

"Ate'ng maganda!" sigaw ni Toffer at biglang tumakbo sa akin. Gusto ko siyang


suwayin pero mukhang huli na ang lahat dahil biglang may yumakap sa tabi ko.

"Don't touch her. She's mine" garalgal ang boses na sabi ni Kris. Sumimangot naman
si Toffer pero sinunod ang kuya nito at umupo lang sa tabi ng Kama.

"Kiddo, dito ka nalang kay Daddy" sabi ni Kristoff. May pakialam din pala ang loko.

"Ayoko, Dad. Gusto ko kay Ate'ng maganda" sabi ni Toffer at namumula na ang mga
mata nito. Tinignan ako ni Kristoff na parang nagmamakaawang gumawa ng paraan para
h'wag umiyak ang anak niya.

"Toffer, halika na dito. Binata ka na, eh. Dapat hindi ka na naiyak" sabi ko.
Ramdam kong humigpit ang yakap ni Kris sa bewang ko.

"Share kayo. Parehas ko naman kayong love, eh" sabi ko. Mabilis na umakyat si
Toffer at niyakap din ako.

"Dito ka na po titira, Ate'ng maganda? Dito ka na din matutulog tapos sasabay ka


din sa'min kumain?" masaya ng sabi ni Toffer. Huh? Ano daw? Bakit naman ako titira
dito?

"Katabi ka na namin matulog palagi, Girlfriend?" tanong naman ni Kris.

"HIndi, eh. May sarili kasi akong bahay tsaka bahay ito ng Daddy niyo. KUng sino
ang magiging girlfriend o asawa niya ay siyang titira dito" sabi ko pero sumimangot
silang dalawa.

"Eh, girlfriend po kita kaya dapat dito ka na din titira" sabi ni Kris.

"Hindi pwedeng magka-girlfriend si Dad. Ayoko ng ibang babae dito kundi ikaw Ate'ng
maganda. KUng hindi rin lang ikaw, hindi nalang din ako titira dito" sabi ni TOffer
bago nagkibit balikat at tinignan ng masama ang ama. Patay kang Kristoff ka.

"Halina nga kayo. Tapos ng magluto ng breakfast si Manang. Kakain na tayo" sabi ni
Kristoff. Nakangiting sumunod kami sa kaniya pero hindi ako tinitigilan ng dalawa
sa katatanong kung bakit hindi nila ako kasamang matulog at tumira dito. Ayaw naman
akong tulungan ni Kristoff dahil binubugaw pa nga nito ang mga anak na tanungin
ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Sige na, Ate'ng maganda. Dito ka nalang tumira para may kasama naman si Tita ganda
at Momsy ganda" sabi ni Toffer habang nilalagyan ko ng pagkain ang plato niya. Ang
tita ganda niya, siguro si Kiella at ang MOmsy, si Tita Kissa.

"May sarili akong bahay, Toffer, eh. nandoon ang Nanay ko at kapatid ko.
Malulungkot din sila kapag di nila ako kasama" malambing kong sabi at kumunot noo
naman siya. Tinignan niya si Kris na kumakain lang at madumi na ang pisngi nito
dahil sa nagkalat na catsup. Nalaman kong mahilig pala ito sa fries at parating
'yon ang kinakain kahit umagahan.

"Pwede kaming sumama sa'yo don, Ate'ng maganda? Kami nila Daddy?" kumurap kurap ako
sa sinabi ni Toffer. Umangat din ang tingin ni Kristoff at Kris sa akin.

"Toffer, kumain ka muna. Mamaya mo na kulitin ang Tita mo" sabi ni Kristoff pero
sinamaan ito ng tingin ni Toffer pero kumain din.

"Late na tayo sa work" sabi ko kay Kristoff ng makita ang orasan. Maagang umalis
ang Daddy at Mommy nito pati na rin ang mga kapatid nito kaya kami nalang ang
natira dito. Tinignan niya lang ako.

"Pwede bang samahan mo nalang kaming mag-mall? Nangako kasi ako sa dalawa na
ipapasyal ko sila at lalabas kami. Ayokong sirain ang pangako ko sa kanila" sabi ni
Kristoff.

"Hindi ba pwe- Akin 'yan, eh" sabi ko ng kunin niya ang mug ko at ininuman.
Tinignan kami ng dalawang bata dahil sa biglang pag-sigaw ko. Napatakip naman ako
sa bibig ko at sinamaan si Kristoff. May sarili naman siyang coffee, eh.

"Palit tayo" sabi nito at nilagay sa harap ko 'yong kanya. Ayoko. Nainuman ko na
'yong akin, eh. "Wala ka na din choice. Ubos na" sabi ni Kristoff at nilapag ang
mug ko kanina na wala ng laman. Ngumisi pa ito sa akin bago sumandal sa upuan niya.
Inirapan ko nalang siya at kinuha 'yong pinalit niya sa coffee ko.

"Daddy maliligo na ako" sabi ni Kris

"Ako din po" sabi naman nung isa at nag-unahan ng tumabkbo paakyat.

"Kristoff, uuwi na ako" sabi ko pero hindi niya iyon pinansin. Inayos niya lang
pinagkainan namin kahit may maid naman siyang nag-aayos din.
"Kristoff, wala akong damit-"

"Dito ka nalang kasi. Bakit ba ayaw mo dito?" inis na tanong nito. Kinamot ko ang
batok ko.

"Hindi naman ako dito nakatira-"

"Dito ka rin titira. You belong here, Ysa. May damit na sa kwarto natin. Mauna ka
na" laglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano bang pumapasok sa isipan niya at
sinasabi niya 'yan? Hindi ako dito titira. I'm not belong here.

"Uuwi ako. Bahala ka" sabi ko at nagmartsa palabas ng bahay pero hindi pa ako
nakakalayo ay may pumangko sa akin at basta nalang ako isinampay sa balikat niya.

"Ibaba mo ako!" sigaw ko. Kinurot kurot ko ang likuran niya pero wala akong marinig
na umaray siya o kahit ano. "Kristoff!" nagbababala kong tawag sa kaniyapero wala
lang din nagawa. Bakit ba ang hilig niya akong binubuhat ng ganito? Ganun na ba ako
kagaan at madali niya itong nagagawa.

Nakarating kami sa kwarto niya at nilapag niya naman ako ng maayos. Inis ko siyang
tinignan at at tinulak. Bakit ba lahat ng ginagawa ko parang wala lang sa kaniya?
Para akong nagsasayang ng oras gawin 'yon. Nagulat ako ng isara niya ang pinto at
maghubad ng T-Shirt na sinuot niya lang kaninang kumain kami. Nakatitig lang siya
sa akin na parang kakainin niya ako.

Mabilis na tumibok ang puso ko. NAnlalamig ang mga kamay ko sa paraan ng titig niya
sa akin. HUmakbang siya papunta sa akin at mabilis naman akong lumayo sa kaniya.

"Kristoff" tawag ko pero tuloy lang siya sa pagtingin sa akin. Kinagat ko ang labi
ko ng wala na akong maatrasan. Ano bang ginagawa niya?

Lalo pang dumilim ang tingin niya ng makitang kagat kagat ko ang labi ko. Umiwas
ito ng tingin at umupo sa bed. Nakahinga naman ako ng maluwag ng gawin niya iyon.
Nanghihinang uupo na sana ako sa sahig ng bigla niyang nahila ang kamay ko at
pinaupo sa lap niya.

"I'm sorry. Ayoko lang nakikita kang palayo sa'kin. I'm scared, Ysa" malambing
nitong sabi. Ano bang ginagawa at pinagsasasabi nito? HIndi ko siya maintindihan.

"Kristoff. Maliligo na ako" sabi ko at unti unti naman niya akong binitawan. Kinuha
ko ang nakatuping damit sa gilid ng bed. Ito siguro 'yong sinasabi niyang damit na
isusuot ko.

Pagkapasok ko ng banyo ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ano bang nangyayari
kay Kristoff? Sinasapian ba siya? Bakit ganun siya umasta? Umiling ako at naligo na
ng maalalang... Wala akong underwear na dala. Mabilis akong naligo at basta nalang
kinuha ang bathrobe doon at maliit na tuwalyang binalot ko sa buhok ko bago
tinignan ang damit na nakatupi. Namula ang mukha ko ng makitang may nakatupi ding
undergarments doon. Paano niya nalaman ang size ko? Ugh! sana umuwi nalang ako!

Huminga ako ng malalim bago isinuot 'yon. Maarte na kung maarte pero ayoko kasing
may ibang bumibili ng undergarments ko. Para na din niyang nahawakan lahat ng meron
ako. Sinuot ko ang longsleeve botton down shirt na nakatupi ang ang fitted jeans.
Para naman akong takip na takip sa suot ko.

"Ate'ng maganda!"

"Tapos ka na po" nagulat ako ng may kumatok sa pintuan at sumunod ang mga sigaw ng
dalawa. Ang lakas ng sigaw nila at rinig na rinig ko iyon sa loob. Mabilis kong
tinapos ang pagpapalit at lumabas.

Pahkalabas ko ay tapos na din naman silang nakapalit. Hindi ko alam kung saan
naligo si Kristoff pero at least tapos na ito at aalis na kami. Hindi ko siya
matignan kasi nga nahihiya ako at 'yong nangyari kanina na hindi ko maintindihan.

Tahimik lang siya habang nag-da-drive papuntang mall. Maging ang dalawa sa likod ko
ay tahimik lang ding nagbubulungan. Pinagkasya ko nalang ang sarili ko sa
kakatingin sa view.

"Daddy sabi mo bibili tayong toy car"

"Gusto ko rin ng toy car, Daddy, ah" sabi naman nung isa

Madali ko nang nakikita ang pagkakaiba nilang dalawa. May mole sa gilid ng labi si
Kris at wala si Toffer. Mas matangkad si Kris ng konti at mas chubby kaysa kay
Toffer.

Katulad ng pinangako nito ay binili nito lahat ng gusto ng mga anak niya. MUla sa
damit, sa laruan hanggang sa kung ano ano pang gusto ng mga ito. Nakikisabat ako
kapag nakikita kong sobra na at sinusunod naman iyon ni Kristoff at ng mga bata.

"Uhm, Kristoff, doon lang ako. Hintayin ko nalang kayo don" sabi ko sabay turo sa
may bench sa baba. Masakit na kasi ang paa ko sa kakalakad. Tinignan niya lang ako
pero hindi ko na siya hinintay na sumagot. Baka hindi pumayag.

Umupo ako doon at hinilot 'yong paa ko. Naka-flats lang naman ako pero masakit
parin.

"Miss, okay ka lang?" tanong lalaking tumabi sa akin. Umisod ako sa gilid dahil
nakakatakot 'yong ngiti niya pero umisod din siya palapit sa akin.
"O-okay lang po ako" sabi ko at tatayo na sana pero hinawakan niya 'yong braso ko
kaya napaupo ako ulit.

"K-KUya"

"Halata namang hindi ka okay, Miss. Gusto mo bang ako ang mag-masahe sa'yo.
Masasarapan ka don" sabi nito. Tumaas ata lahat ng balahibo ko sa sinabi niya.
Mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at tumayo. Hinanap ng mata ko
si Kristoff pero wala na naman ang mga ito.

"Miss h'wag ka ng pakipot" sabi nito at lumapit na naman sa akin.

"Hinahanap na ako ng asawa at anak ko, Kuya" sabi ko at diniinan ko ang asawa at
anak sa sinabi ko pero lalo lang itong ngumisi. Nakakatakot.

"May problema ba tayo dito?" malamig at buo ang tonong sabi ni Kristoff. Agad akong
lumapit sa kaniya at mahigpit na kumapit sa dulo ng damit niya.

"Kristoff, baby" sabi ko para marinig nong lalaki. Mabilis naman itong umalis ng
makita si Kristoff.

Susundan pa nga sana ni Kristoff kaso pinigilan ko na siya. Tinignan niya ako ng
masama pero hindi ko pinansin. Magkakagulo lang lalo, eh.

"Wala namang nangyari. Buti dumating ka" sabi ko.

"Paano kung may nangyari? Hahayaan mo siyang umikot ikot dito? Paano kung may
nabiktima pa 'yon? Paano kung may nangyari sa'yo, Ysa?" malamig ang tonong sabi
niya.

"Wala naman kas-"

"Dito ka lang sa tabi ko. Kung masakit ang paa mo sabihin mo. H'wag na h'wag kang
lalayo sa'kin" sabi nito bago inikot ang mga kamay sa bewang ko at binalikan ang
anak niyang namimili ng laruan. Walang kamuwang muwang sa nangyari.

"daddy! H'wag mong hawakan si Girlfriend diyan!" sabi ni Kris ng makita ang kamay
ni Kristoff sa bewang ko. Pinilit ni Kris tanggalin iyon pero hindi nito matanggal.

"Daddy bakit hindi mo nalang po gawing girlfriend si Ate'ng maganda para kasama na
natin siya sa house" inosenteng tanong ni Toffer na nagpalaki sa mata ko.

"Ayoko! Akin lang si Girlfriend! Magagalit ako sa'yo Daddy" sigaw ni Kris dito.
---------------------

GUys sorry kung hindi maganda update ko ngayon. Medyo masama pakiramdam ko.
Pasensya na talaga. Bawi nalang ako sa next update.

=================

11

Chapter 11

Mabilis akong lumabas ng kwarto ng makita ang oras sa orasan. Late na kasi akong
nagising kaya heto ako ngayon at hinahabol ang oras. HIndi ko na nga naayos ang
buhok ko at hinayaan nalang itong nakalugay.

"Nay alis na ako" sigaw ko at dali dali ng lumabas pero napahinto rin ng makita si
Kristoff na nakasandal sa sasakyan niya. Mabilis itong umayos ng tayo ng makita
ako. Kunot noo niya akong tinignan pababa kaya sinundan ko ang tinitignan niya.
Wala namang mali sa akin. Maliban sa nakalugay kong damit ay maayos naman ako.

"Bakit nakalugay 'yang buhok mo? Nasaan 'yong salamin mo?" kunot noo nitong tanong.

"Male-late na ako, Sir. Nagmamadali ako" sabi ko at lalagpasan sana siya kaya lang
hinila niya ako palapit sa kaniya at hinarap sa kaniya.

"Ako ang boss ngayon, Ysa. Ako ang masusunod. Ayusin mo na ang buhok mo" sabi niya
habang nakatitig sa akin. Tinignan ko siya at umiwas naman ito ng tingin. "H'wag mo
akong akitin" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Inaakit ko daw?

"H'wag kang assuming, Sir. Hindi kita inaakit at hinding hindi kita aakitin. Baka
po nakakalimutan niyo na bawal magkaroon ng relationship ang boss at ang empleyado
niya? Nakalagay iyon sa company rules bago ako pumirma kaya imposible kitang
akitin" mahaba kong sabi. Tinitigan niya ako bago nagmura ng ilang beses. Bulong
lang ang mga mura niya pero mura parin iyon.

"Tumigil ka nga sa kakamura. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. Tumingin ako


sa orasan at ten minutes na akong late.

"Hindi pa ba obvious na sinusundo kita? alangan naman na kapatid mo ang pinunta ko


dito, eh, hindi naman kami close?' taas kilay nitong sinabi sa akin. Tinaasan ko
din siya ng kilay.

"anong tingin mo sa akin hindi marunong mag-"


"Pwede bang sumakay ka nalang? H'wag ka ng dumaldal at baka halikan kita" tinignan
ko siya kung siryoso ba siya pero ng makitang walang bakas ng kalokohan ang mukha
niya. Nilapit niya ang mukha sa akin kaya mabilis akong tumalikod at pumasok.
Narinig ko ang halakhak nito ng gawin ko iyon at umirap nalang ako sa ere. Ano bang
nangyayari sa kaniya at nagiging ganito siya? Sinasapian ba siya?

Kinindatan niya ako pagkapasok niya. Inirapan ko naman siya. Maya maya ay may
kinuha siya sa bulsa niya.

"Hello, Dad. Can we talk later?" tinignan niya ako pero inirapan ko siya "About the
company rules. I want to change something. Yeah. Thank you" hindi ako
makapaniwalang tinignan siya. Anong papalitan niya doon? Dahil ba sa sinabi ko?
Tsk. H'wag kang assuming Ysabel. Ano naman tingin mo? May gusto 'yan sa'yo? Baka
nakakalimutan mo ang mga sinabi niya noon sa'yo?

"Hindi mo ba aayusin ang buhok mo?' tanong nito at nagsimula ng paandarin ang
sasakyan.

"Ayoko. Tinatamad na ako. Okay na ito. Hindi naman sinabi sa company rules na dapat
naka-pusod ang mga empleyado" sabi ko at nagkibit balikat.

"Ayokong nakatingin sila sa'yo. Gusto ko ako lang nakakakita niyan" siryosong sabi
niya na nakakunot pa ang noo. Ano bang gusto niyang palabasin? Bakit ba siya
nagkakaganito?

"Ano bang problema mo, Kristoff!" singhal ko sa kaniya. Bigla naman lumambot ang
itsura niya ng makitang galit na ako. Ngumuso ito at tahimik ng nag-drive.

"Ayaw ko nga kasi. Ayaw ko. Gusto ko ako lang nakakakita na ganiyan ka kaganda.
Nakakainis. Bubulagin ko lahat ng titingin sa'yo" kunot noo ko itong tinignan ng
para itong bubuyog na bubulong bulong. Sana kung naiintindihan ko ang sinasabi
niya, eh, hindi naman.

"Kapag ako nainis hahalikan kita" bulong na naman nito.

Kunot noo ko siyang tinignan at hinawakan ang kamay niya. Nagulat ako ng mabilis
nitong iwinaksi ang kamay ko at nagpagewang gewang ang sasakyan. Malakas itong
nagmura at itinakip ko naman ang mga kamay ko sa mata ko. Hindi ko alam kung ano pa
ang sumunod na nangyari, naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at yumakap
sa akin.

"Hey, baby. It's okay. Wlaang nangyari, I'm sorry" mahinahon nitong sabi.
Nanginginig ang mga kamay kong tinanggal ang mga ito mula sa pagkakatakip sa mata
ko. MUkha ni Kristoff na nag-aalala ang bumungad sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako kasi hinawakan mo ako. Sorry"
naiiyak na ako sa sobrang kaba at takot. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at
tinignan ako sa mata. Kinagat ko ang labi ko at yumukod.
Akala ko maaaksidente na kami. Akala ko katapusan ko na. First time nangyari iyon
sa akin kaya sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko. Nanginginig parin ang mga
kamay ko pero unti unti na namang nawawala.

Lumingon ako sa labas at naka-park kami sa gilid ng daan. Wala namang damage ang
sasakyan o kung ano pa. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina at kung paanong
safe kami.

"I'm here, Baby. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo" sinserong sabi ni
Kristoff pero inis ko siyang sinuntok sa dibdib niya. Lahat ng takot ko nilagay ko
sa suntok na iyon. Paulit ulit hanggang sa mapagod ako. Hinayaan niya naman ako at
hindi bumawi.

"I hate you. I hate you. Muntik mo na akong pinatay!" sabi ko ng mapagod ako.
Malungkot niya naman akong tinignan.

"Bawiin mo 'yon. Ayoko non" sabi niya. Inirapan ko siya dahil gusto ko pa siyang
suntukin at sabunutan. Napalitan ng inis ang takot ko kanina.

"Naiinis ako sa'yo. I hate you so much. Kapag may nangyari sa akin-"

"Hindi ko sinasadya, okay. Hindi kita ipapahamak. Nagulat ako kaya nangyari iyon.
Hindi ko alam na hahawakan mo ako. Nakuryente ako sa hawak mo anong magagawa ko"
sabi nito at lalong sumimangot.

"Keryente my face. H'wag mo nga akong maganyan-ganyan, Kristoff. Hindi na ako ulit
sasakya dito ayoko na" sabi ko at bubuksan sana ang pinto ng sasakyan pero hindi
mabuksan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm sorry. HIndi ko talaga siya sinasadya. Hindi naman kita ipapahamak. Ganun ang
epekto mo sa akin kaya nangyari 'yon. I'm sorry. Ihahatid na kita pauwi. H'wag ka
ng pumasok" naawa naman ako sa lungkot ng boses niya. Hindi ko pinansin ang biglang
pagbilis ng tibok ng puso ko. Baka aftershock lang iyon ng nangyari.

"Kristoff, sorry. Alam kong hindi mo sinasadya. Natakot lang kasi ako. Sorry"
nahihiya kong sabi. KInagat ko ang labi ko at yumuko pero naramdaman ka ang
hintuturo niya sa baba ko at inangat ang ulo ko. Nagtama ang paningin namin at nag-
aalala parin ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"It's my fault, baby. I almost killed you" sabi nito.

"Naagapan mo naman, eh. At least safe tayong dalawa, hindi ba?" sabi ko.

"Hinding hindi kita hahayaang masaktan. Kahit anong mangyari hindi ko hahayaang
masaktan ka" sabi niya bago ako hinalikan sa noo. Nanlamig ang mga kamay ko ng
maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko na
parang naririnig ko na ito.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin "KUng hindi ka pa okay, pwede akong tumawag
kay Dad para magpasundo at magpahatid na rin. You choose, baby" lalong bumibilis
ang tibok ng puso ko kapag naririnig kong tinatawag niya akong baby. Feeling ko ako
si Anastasia Steele.

"I'm okay, Kristoff. H'wag lang maulit 'yong kanina" sabi ko. Tumango siya kahit na
parang ayaw niyang mag-drive. Mas maingat at mas mabagal siyang nag-drive. Ilang
beses ko siyang nahuling lumilingon lingon sa akin pero mabilis lang dahil mukhang
natatakot na rin siyang may mangyari ulit.

Titig na titig sa amin ang ibang empleyado ng makitang magkasama kami at hawak niya
ang kamay ko. Mabilis ko naman iyong tinanggal kaso binalik niya din kaya lalo
silang naghihinala. Wala namang dapat paghinalaan. Hindi ko naman kasi alam kung
bakit niya hinahawakan ang kamay ko.

Yumuko nalang ako at sumunod sa kaniya. Pagkarating namin ng floor namin ay


magsisimula na sana akong magtrabaho ng kunin niy ang mga papeles sa table ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin niya doon. Kinamot ko ang ulo ko at sinundan siya.

"Anong gusto mong kainin? Inumin?" huh? diba dapat ako ang nagtatanong niyandahil
ako ang secretary niya?

"Umupo ka nalang diyan. Do whatever you want basta walang lalaking kasama. Mag-
uusap lang kami ni Dad. Wait for me" sabi nito at umalis na. anong nangyayari?
Nabaliktad ba ang mundo at ako ang naging boss? Ano 'to, You're my Boss lang?

-----------------

Insomnia....................

I'm sick and tired of living like a vampire.

20 comments at 70 votes. mag-update na ako ulit.

Thank you

-Kath

=================
12

Chapter 12

Nagtrabaho lang din ako ng iwanan niya ako. Kinuha ko ang mga papeles sa table niya
at sinumulang basahin. Inayos ko rin sila kung ano ang mas kailangan na sa hindi
pa. Patapos na sana ako ng biglang may nagbagsak ng kamay sa table ko. Kunot noo
akong tinitignan ni Kristoff.

"You have a meeting with-"

"Diba sabi ko sa office ka lang? Diba sabi ko-

"Ang sabi mo gawin ko lahat ng gusto ko. Hindi naman ako nagpunta dito para tumanga
lang sa office mo, Sir. Nagpunta ako dito para magtrabaho" mahinahon kong sabi. Ano
bang kinakagalit niya?

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Kailan ka ba susunid sa akin, Ysa? Ako ang boss dito
at inuutusan kitang bumalik sa office ko" kumurap kurap ako. Inis akong tumayo at
nagpunta sa office niya.

Ramdam ko namang sumusunod siya sa akin. Ano ba kasing gusto niya? Tsk. H'wag kang
mag-alala, Ysa. Ilang buwan ka nalang sa bipolar at masungit at hindi mo
maintindihang boss. Pagkatapos non, ikaw na ang bahala sa sarili mo. You can do
whatever you want to do.

""yan. D'yan ka lang para walang nakakakita sa'yo" kunot noo ko siyang tinignan.

"Sabi ko dito ka lang sa loob ng office ko para walang nakatingin sa'yo kundi ako
lang"

"Anong tingin mo sa akin si Rapunzel? Kung alam ko lang na ito pala ang magiging
trabaho ko dito sana naghanap nalang ako ng iba" sabi ko at inirapan siya "Mas
maganda na 'yong nagandahan sila sa akin tapos ligawan nila ako. Para naman hindi
na ako hinahanapan ni Nanay ng boyfriend at para makapag-asawa na ako" sabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin bago bumulong. Hayan na naman siya. Sana kung naririnig
ko.

"Tsk. Hintayin mo ako at pakakasalan kita"

Pagkatapos non ay umalis din siya. Sinabi niya na kumain na daw ako mamayang lunch
at h'wag na siyang hintayin. As if hihintayin ko naman siya, sino ba siya? tsk.
Umabot na ng hapon ay hindi parin siya dumating kaya nag-iwan ako ng note na mauuna
na akong umuwi.

Nagising ako ng umaga na medyo maingay sa baba. Mabilis lang akong naligo at
nagpalit ng makitang wala na ang mga corporate attire ko. Nakalimutan kong
magpalaba noong umalis sila Nanay. KUmamot ako sa batok ko at kumuha ng itim na
bandage skirt at button down sleeveless shirt bago kumuha ng itim na coat.

"Nay pasuyo naman po 'yong mga damit ko. Hindi ko po napalabhan kay Aling Nena,
pwede ho bang kayo nalang magsabi sa kaniya?" sabi ko at tumango si Nanay bago ako
sinamahan pababa.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noo akong nakatingin kay Kristoff na tahimik na
nagbi-breakfast sa table. Nilingon niya ako at ngumiti.

"Good morning" bati niya.

"Anak sa susunod magpaalam ka sa boyfriend mo pag uuwi ka na para hindi siya


maabala. Hinanap ka niya dito kagabi. Ikaw talagang bata ka" iiling iling na sabi
ni Nanay. Wala sa loob na tinuro ko si Kairos na nakangisi lang sa akin.

"Nay hindi ko 'yan boyfriend" sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Nanay. Humiwalay
ito sa akin at nagpunta sa kusina. LUmabas ito na may dala dala ng kape na nilapag
niya sa upuan ko.

"Matanda ka na, Ysabell, at hindi kita pinagbabawalan magboyfriend kaya wag ka ng


mag-deny" napanganga nalang ako sa sinabi ni Nanay. Ako pa talaga ang pinagalitan.
Ako naman ang nagsasabi ng katotohanan. Sinamaan ko ng tingin si Kristoff pero
mukhang masayang masaya ngayon ang loko dahil kinindatan pa ako.

"Bayaw. Ikaw na maghatid sa kapatid ko, ah. Ingatan mo 'yan pero di ako
magrereklamo kung pakakasalan mo"

"Kuya!" nahihiyang sabi ko pero ngumiti lang ito sa akin.

"Don't worry bro, Kasal muna" sabi naman ni Kristoff. Anong kalokohan bang
tinatanim niya sa isipan ng pamilya ko? Kasal? naloloko na ba siya.

"Ysa, maupo na at tabihan mo na ang boyfriend mo. Lalamig na ang pagkain at


malilate na kayo" wala akong nagawa kundi umupo. Lalagyan sana ni Kristoff ng
pagkain ang plato ko pero nilayo ko sa kanya.

Kukunin ko sana ang kape ko ng makitang wala iyon sa nilagyan ni NAnay kanina.
Tinignan ko si Kristoff at hawak niya iyon at umiinom doon. Kung pwede lang
sabunutan ito ngayon kanina ko pa ginawa.

"Akin 'yan, eh" may diin pero pabulong kong sabi sa kaniya. Bakit ba ang hilid
niyang uminom sa hindi sa kaniya.

"Pwede naman tayong mag-share" sabi pa nito. Inirapan ko nga.


Sino ba siya sa akala niya para sabihin ang mga bagay na iyon kay Nanay at kuya?
Kung nagbibiro siya h'wag niyang idadamay ang pamilya ko. Ang ayoko sa lahat ay ang
dinadamay sila lalo na sa mga gantong kalokohan. Mabilis at tahimik akong kumain.

Nagpaalam ako kay Nanay at ganun din siya. Ayokong sumakay sa sasakyan niya pero
nakatingin si Nanay kaya ginawa ko nalang.

"Ysa" tawag niya sa akin pero di ko pinansin. Pinagpapawisan ako sa inis kaya naman
tinanggal ko ang coat at maayos na tinupi. Nagawa ko na lahat pero hindi parin
umaandar ang sasakyan.

"Ano? Hindi pa aandar?" sarkastiko kong sabi sa kaniya pero nakita ko na nakatingin
siya sa suot ko.

"Bakit ganiyana ang suot mo? Kahapon hindi ka nag-ayos ng buhok ngayon naman ayos
nga ang buhok ganiyan naman ang suot. May inaakit ka ba, Ysa?" singhal niya sa
akin.

"Hoy lalaki! Wala kang pakialam kung may akitin ako. Boss lang kita! Wala akong
maisusuot dahil hindi pa nalabhan ang damit ko. Bakit ka ba kasi nandito, huh?"
inis ko ding sagot sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha niya. Baka nakakalimutan
niyang may atraso pa siya sa akin.

"Kung naglalaro ka h'wag mong idadamay ang pamilya ko. Hindi kita boyfriend at
kailan man ay hindi kita magiging boyfriend. Hindi ko alam kung anong pinakain mo
sa Nanay ko para maniwala sa'yo pero please lang, Kristoff. Pakitama ng iniisip ni
Nanay" sunod kong sabi sa kaniya.

"Ano ba kasing problema mo? Ano bang kailangan mo? Wala ka bang babae ngayon at ako
ang isinasama mo sa koleksiyon mo-"

"Hindi kita sinasama sa koleksiyon ko, Ysa" sigaw niya sa akin pabalik. Nanlilisik
ang matang tinignan ko siya. Hindi ko na siya maintindihan.

"Kung hindi, eh, di ano? Bakit mo ito ginagawa?" nagulat kami parehas ng may
kumatok sa bintana ng sasakyan. Tinted ang sasakyan niya kaya hindi kami kita sa
labas pero kita namin sila. Si NAnay ang kumatok.

"Male-late na kayo. Hindi pa ba kayo aalis?" sabi nito ng binaba ni Kristoff ang
bintana. Pumikit ako bago nag-pilit ng ngiti.

"Aalis na po, Nay" sabi ko. TUmango siya sa akin bago nag-lipat ng tingin at
tumalikod. Pinaandar naman agad ni Kristoff ang sasakyan. Hindi ko siya nilingon
kahit ramdam kong tinitignan niya ako.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan niya ng huminto ito. Kung magtatagal pa akong
kasama siya baka lalo kong makalimutan na boss ko siya.

"Ysa, sandali" tawag niya pero pumasok na ako ng building at ng elevator. Hindi na
rin naman siya nakapasok dahil mabilis itong sumara. Ilang beses akong huminga ng
malalim para matanggal ang inis ko sa kaniya pero ayaw umalis. Gusto yatang
bugbugin ko muna si Kristoff bago mawala.

Pagkalabas ko ay sakto namang pagbukas ng pinto ng kabilang elevator at niluwa


siya. HIndi ko siya pinansin pero hinila niya ako papasok sa office niya at
isinandal sa gilid ng pinto. Kinagat ko ang labi ko sa sobrang inis.

"Ano bang problema mo, Kristoff? Bakit ka ba ganiyan? Wala naman akong ginagawang
masama sa'yo? Ano ba kasing kailanga-"

"Gusto mong malaman kung anong kailangan ko? Pwes ikaw. Ikaw ang kailangan ko,
Ysabell. I need you, I want you, and everything about you. Ayokong may ibang
nakatingin sa'yo dahil gusto ko ako lang. I am a very selfish person. Hindi mo ako
magiging boyfriend, pabor ako doon dahil ayokong maging boyfriend mo lang. Sa akin
ka, Ysabell. I will make you love me, baby" sabi niya at bigla akong hinalikan.
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi pa nag-si-sink in sa utak
ko ang sinabi ni-

"Daddy! Sinabi ko sa'yong h'wag mong liligawan si Girlfriend hindi ba? Bakit mo
siya hinahalikan. Ayoko na sa'yo! Hindi na kita Daddy" kumurap ako at tumingin
pababa. Nakita ko si Kris na galit na galit habang sinisipa ang Daddy nito.

=================

13

Chapter 13

"Nagbibiro lang ang Daddy mo, Kris. Nadulas siya kanina kaya niya ako na-kiss. Wala
lang 'yon. Ikaw naman first kiss ko, eh" sabi ko at huminto sa pagsipa sa Daddy
niya. Hindi ko pinansin si Kristoff. Magbabago din ang isip niya kaya heart,
tigilan mo ang pagtibok ng mabilis.

"No. Totoo 'yon, Kris. Liligawan ko ang Tita Ysa mo-"

"Hindi ako naniniwala sa'yo Dad. Si Girlfriend paniniwalaan ko. Bad ka. Hinalikan
mo ang Girlfriend ko" galit na sigaw ni Kris dito. Ngumiti naman ako umupo sa harap
ni Kris. Kung hindi siya dumating baka kung ano na ang nangyari. Mabuti nalang
dumating siya. Pwede rin palang maging savior ang bata.

"Sino nagdala sainyo dito?" tanong ni Kristoff sa anak niya. Sakto namang pumasok
si Tita KIssa kasama si Toffer.
"Hello, hija. Ang ganda ganda mo talaga" sabi ni Tita at hinalikan ako sa pisngi.
Ngumiti lang naman ako.

"Hijo, dinala ko sila dito. Kukunin ko rin mamaya. May pupuntahan lang kami ng
Daddy mo at baka ma-boring lang ang dalawang 'yan doon. Sinabi nilang dito nalang
daw sila dahil gusto nilang makita si Ysabell" dire-diretsong sabi ni Tita. Ngayon
gustong gusto ko na talagang pasalamatan ang mga batang ito.

"pwede bang isama nalang sila ulit sa inyo Momm-"

"Ako nalang po mag-aalaga sa kanila, Tita. Hectic po ang schedule ni Kristoff


ngayon pero nandito naman po ako" agad kong sabi. Sinamaan ako ng tingin ni
Kristoff pero hindi ko iyon pinansin. Kapag nandito silang dalawa paniguradong
hindi sasabihin ni Kristoff ang mga kalokohang iyon lalo na at magagalit si Kris.

"Sigurado ka ba, hija? Pwede ko naman silang isama nalang. May mga trabaho kayo at
baka mapagod ka lang" sabi ni Tita.

"Kaya nga Mommy. Isama mo nalang sila" sabi ni Kristoff.

"Hindi, Tita. Ayos lang po talaga. Masaya po silang kasama. At least po hindi ako
mabo-boring kung kasama ko silang dalawa" sagot ko. Nagpaikot ikot sa aming dalawa
ni Kristoff ang tingin ni Tita. Tututol sana siya, base sa ekspresyon niya pero
yumakap ang malawa sa bewang ko.

"Momsy iwan mo na kami kay Ate'ng maganda. Hindi naman kami mag-lilikot" sabi ni
Toffer.

"Opo Momsy. Hindi ko naman papasakitin ang ulo ng girlfriend ko" sabi naman ni
Kris. Ngumiti ako ng tumango si Tita. Success.

Katulad nga ng inaasahan ko ay hindi makalapit sa akin si Kristoff. Maghapon kaming


magkakasama ng mga bata at sabay sabay din kaming kumaing tatlo dahil may business
meeting at kung ano ano pa si Kristoff.

Nagising ako ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko. Napabalikwas ako ng


makitang sobrang lapit ng mukha ni Kristoff sa akin. Umiwas ako ng tingin at
hinanap ang dalawang bata kanina pero wala na sila sa tinulugan nilang sofa.

"Akala mo makakaligtas ka na? Wala na sila. Inuwi na ni Mommy" sabi ni Kristoff.

"Uuwi na ako" sabi ko at mabilis na tumayo.

"Ysa, mag-usap tayo" imbes na huminto ay dire-diretso lang ako sa paglakad. Hindi
ko pinansin ang pagsunod niya o kung ano ang sinasabi niya. Hindi totoo ang sinabi
niya kanina. Nagkakamali lang siya.

"Ysa, Ano ba!" frustrated nitong sabi at basta nalang hinila ang kamay ko.
Napaharap ako sa kaniya at kitang kita ko sa mukha niya na naiinis na siya. Ako din
naman naiinis na.

"Ano na naman ba, Kristoff?" singhal ko sa kaniya. Umamo naman ang mukha niya pero
hindi niya ako binibitawan. "Kung ano man ang sinabi mo kanina o kung ano man 'yang
sinasabi mong nararamdaman mo, pwede kalimutan mo na? Nagkakamali ka lang. Hindi
'yan totoo" siryoso kong sabi sa kaniya.

"Totoo 'to. Hindi ako nagbibiro" mahinahon niyang sabi. Pumikit ako at pumiksi para
makawala pero ayaw niya akong bitawan.

"Hindi ako naniniwala. Hindi ako maniniwala. Nagkakamali ka lang, Kristoff. H'wah
mo naman akong isali sa laro mo kasi unang una ayokong sumali. Tama na 'yong noon.
Tama nang nasaktan mo ako noon. Hinding hindi ko na uulitin 'yon. Maghanap ka ng
iba at siya ang paglaruan mo. H'wag ako" pero kahit anong sabihin ko ay hindi niya
ako binibitawan. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang wala akong
sinabi.

"I love you, Ysabell. Noon pa 'to. Akala ko nawala na pero-"

"No. H'wag kang magsasalita. Ayokong marinig. Wala kang nararamdaman sa akin.
Naiintindihan mo, Kristoff? Hindi mo 'yan nararamdaman sa akin. Mali 'yan. Hindi
'yan totoo" dire-diretso kong sabi. Nilapit niya ang mukha sa akin at agad naman
akong napaatras. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Kung akala niya makakaisa pa
siya ng halik pwes nagkakamali siya.

Bumuka ang labi niya at magsasalita sana pero inunahan ko siya "Sabi ko h'wag kang
magsalita. Kung tungkol lang iyan sa kalokohan mo mas mabuti pang tumahimik ka
nalang" maddin kong sabi. Inis na sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri.
Pinakawalan niya ako pero hindi ko naman magawang humakbang palayo dahil nananatili
sa akin ang siryoso na niyang titig. Nakakatakot.

"Paano mo nalaman na hindi ito totoo? Nandito ka ba ng mga taong halos mabaliw ako
kakahanap sa'yo? Nakita mo ba kung gaano ako ka-miserable noon, Ysa? Ikaw ba ang
nakakaramdam nito? Na para banag gustong gusto na kitang lapitan, halikan at
angkinin pero hindi ko magawa kasi nirerespeto kita? Hindi ikaw ang nasa kalagayan
ko ngayon, Ysa. Hindi ikaw ang nakakaramdam nito kasi umalis-"

"Umalis ako kasi pinaalis mo ako. Umalis ako kasi ayokong magpakatanga sa'yo.
Umalis ako kasi may iba kang mahal at hindi ako 'yon. H'wag kang umasta na parang
ikaw ang sinaktan ko, Kristoff" nanlilisik ang mga matang sabi ko. KUng nakamamatay
lang ang tingin baka kanina pa siya nakahandusay sa sahig. ang lakas ng loob niyang
ipamukha sa akin iyon habang siya ang nanakit noon.

"Alam ko ang ginawa ko, Ysa. H'wag mo ng ipamukha kasi pinagsisihan ko na 'yon ng
halos walong na taon. Ang tanga ko kasi hindi ko nakita na hindi na pala si Erin
ang mahal ko. Ang tanga ko kasi hinayaan kitang umalis gayong ikaw naman ang mahal
ko. Ysabell, noon pa man mahal na kita! Alam ko itong nararamdaman ko dahil ilang
taon ko na itong nararamdaman. Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka? Ano
bang kailangan kong sabihin, ah? ano pa bang kulang?" tanong niya pero umiling ako.
Hindi ito totoo. Please lang, kung nananaginip man ako, gisingin niyo na ako.

"Wala kang kailangan gawin. Wala kang kailangan sabihin dahil kahit anong gawin mo
hindi ako naniniwala. Hindi ako kailanman maniniwala" sabi ko at mabilis ng
tumalikod. Halos matumba na ako sa sobrang panginginig. Ang lakas ng tibok ng puso
ko at nanghihina ang mga tuhod ko.

Mabuti nalang at hindi na siya sumunod pa. Pumara ako ng Taxi at agad na sumakay.
Gabing gabi na pala. Bakit hindi niya ako ginising kanina pa?

Kung akala niya maniniwala ako sa kaniya, pwes, nagkakamali siya. HIndi ako ang
dating Ysabell na madaling maniwala. Hindi ako ang dating Ysabell na isang sabi mo
lang susunod sa'yo. Hindi na ako tanga at kahit kailan hinding hindi na ako
magpapakatanga sa kaniya.

------------

Comment po at Vote para mabilis tayo:))))

=================

14

Chapter 14

"Bakit ka nandito?" kunot noo kong tanong ng makita sa labas ng bahay si Kristoff.
Ano ba sa sinabi ko kahapon ang hindi niya maintindihan at para maulit ng matapos
ang kabaliwan niya. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya dahil feeling ko
tinatadtad ang ulo ko sa sakit.

"Sinusundo ang magiging girlfriend ko" nakangisi niyang sabi. Bigla siyang
tumalikod at may kinuha sa loob. Paglabas niya ay may hawak na siyang bulaklak.
"Para sa'yo" sabi niya sabay lahad non sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makitang kumpol ng asul na bulaklak iyon. Agad ko iyong
kinuha at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Alam niya na gustong gusto ko ito?
Paano niya nalaman? Simple akong humawak sa batok ko ng makaramdam ng konting
sakit. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang sakit sa ulo dahil damay lahat kung ito ang
sumakit. Nakakainis.

"Pero hindi parin ako sasabay sa'yo at hindi mo ako magiging girlfriend" masungit
kong sabi sabay irap sa kaniya.
"Oh, hindi ko alam na gusto mo palang maging asawa ko. Dapat sinabi mo, Baby, kasi
willing naman akong ligawan ka para maging asawa ko" nanlaki ang mata ko at umakyat
ata lahat ng dugo sa ulo ko. Lumapit ako sa kaniya at isasampal sana sa kaniya
iyong bulaklak kaso naawa ako sa bulaklak kaya ibinaba ko iyon at kinurot siya sa
tagiliran.

"Aray. Masakit.Hindi pa tayo pero binubugbog mo na ako, Baby. battered husband ata
abot ko sa'yo" natatawang sabi pa nito. Lalo akong nainis sa tawa niya. Hindi niya
ba ako sisiryosohin? Anong tingin niya nagpapatawa ako? Ang sakit na nga ng ulo ko
dumadamay pa ang lalaking ito.

"Kristoff umayos ka nga. Hindi ako nakikipagtawanan sa'yo. Hindi pa ba tayo tapos
kahapon? Ano bang mali sa sinabi ko at ng mabago para umalis ka na at h'wag na
akong pagaksayahan ng panahon?" sabi ko. Nawala ang mga ngiti nito pero hindi naman
ito mukhang galit. Normal lang.

"May sinabi ka ba kahapon?" kumurap ako sa sinabi niya. Umakto siya na parang
iniisip kung ano o kung may sinabi nga ako kahapon "Wala naman, Ysa. Wala akong
narinig. Wala akong maalala" kakamot kamot pang sabi niya. Pinandilatan ko siya
pero inosente siyang tumingin sa akin.

Inis na pinulot ko ang bulaklak at iniwan siya don. Nakakainis. He's unbelievable.
Umaakto siyang parang walang nangyari kahapon. Siya na ang best actor, tsk. Para
lang tuloy akong nagsayang ng laway sa kakasalita kahapon gayong wala namang epekto
ang mga iyon.

"Sandali. Hindi diyan ang sasakyan ko" sabi nito at basta nalang ako hinila.
Nagpumiglas ako kaso bigla na naman niya akong binuhat at pinasok sa sasakyan niya.
Ang sama talaga niya.

Kung anong gusto niya dapat iyon ang nasusunod. Ang kapal ng mukha niya. Hindi niya
ako binibigyan ng choice. Kung anong gusto niyang gawin ay iyon ang gagawin niya.
Hindi ba pwedeng tumanggi? Kahit minsan?

Mas mabuting manahimik nalang ako at h'wag siyang pansinin. Katulad ng inaasahan ay
sinubukan niya akong kausapin ng nasa sasakyan na kami pero nanatili akong tahimik
at hindi siya pinapansin. Kung akala niya madadala niya ako sa ganun ganun niya
pwes nagkakamali siya. Siguro kaya niya akong buhatin para makasama siya pero di
niya ako mapipilit na kausapin siya o pakisamahan siya ng maayos.

Hindi ba niya maintindihan na ayaw ko siyang makasama?

"Ysa" tawag nitong muli.

Maya maya ay huminto na ang sasakyan sa harapan ng building nila. Bubuksan ko na


sana ang pinto pero sarado parin ito. Pabagsak akong umupo muli at hinilot ang
sintido ko. Bakit ngayon pa kasi sumakit kung kailan may isang sakit ng ulo pa
akong iniisip.
"Ysa, kausapin mo naman ako" nagmamakaawang sabi niya pero hindi ko parin siya
tinignan ko kahit nagsalita man lang. Kasalanan niya iyan kaya magtiis siya.

"Makulit na ba ako? Nakukulitan ka na ba, Ysa? Anong gusto mong gawin ko. Gusto mo
ba h'wag na akong maging makulit?" tanong niya pero nanatili akong tahimik. Kita ko
sa peripheral vision ko kung paano niya inis na ihinilamos ang kamay sa buhok niya.
Ang unang DEla Marcel, frustrated dahil sa akin? Dapat na ba akong matuwa? pwes
hindi dahil naiinis din ako. Dapat lang iyan sa kaniya para maramdaman niya ang
nararamdaman kong inis. Akala niya kasi makukuha niya lahat ng gusto niya.

"Kung may nagawa man akong mali then I'm sorry. Pansinin mo naman na ako. Kausapin
mo na ako. Mababaliw na ako sa ginagawa mo" sabi nito. Umirap ako pero nanatiling
tahimik. Magdusa siya. Neknek niya.

"Ysa" sabi niya at ang hindi ko inaasahan ay ang pagsundot sundot niya sa tagiliran
ko. Hinawakan ko ang kamay niya at nilayo sa akin. Bigla ko na namang naramdaman
ang sakit kaya mas naiinis na ako.

"Buksan mo 'to, Kristoff" madiin kong sabi at agad agad niya naman akong sinunod.

LUmabas ako at pumasok na ng building. HIndi ko na pinapansin ang mga bumabati sa


akin o kung nakasunod ba sa akin si Kristoff. Masakit talaga at gusto ko nalang
ihiga ito.

"Ysa, sandali" rinig kong sabi sa likod ko pero di ako tumigil. Dire-diretso lang
ako sa lakad hanggang makarating sa floor namin at table ko. Agad akong dumukdok
dahil parang tumitibok sa sakit ang ulo ko.

"Ysa, Sorry na. Pansinin mo na ako" inis kong tinaas ang mukha ko at kinamot ang
pisngi ko. Alam mo iyong ayaw mong magpa-isturbo pero wala kang magawa dahil ang
kulit ng kasama mo?

"Kristoff, h'wag ngayon. Kung gusto mo akong kulitin pwedeng bukas o kaya sa
susunod na araw. Magtrabaho ka nalang pwede?" sabi ko pero umiling iling siya at
ngumuso. Bakit ba sagad sa kulit ang lalaking ito? Gaano ba kalaking timba ang dala
nito ng magbuhos si God ng kakulitan? Mukha kasing kinuha nito lahat at hindi
nagtira, eh.

"Gusto ko ngayon na. Gusto ko pansinin at kausapin mo na ako ngayon" sabi niya.
Tumayo ako at inis na nilapitan siya.

"Hindi lahat ng gusto ay matutupad dahil gusto mo, Kristoff. Isipin mo din iyong
taong kinukulit mo. Ayokong magpakulit sa'yo. Hindi porket gusto mo ang isang bagay
ay gagawin mo na, kukunin mo na. Sa sitwasyon nating dalawa, kailangan mong
magpaalam sa akin. Hindi iyong iiwan kita ay bubuhatin mo ako at ipapasok sa kotse
mo. Hindi mo ako girlfriend at mas lalong hindi mo ako asawa kaya wala kang
karapatang gawin sa akin ang mga bagay na iyon"
"Ano pa ba kasing kailangan sabihin sa'yo para tumigil ka? Nasabi ko na naman
lahat, ah. H'wag kang umarte na parang wala kang narinig ko anuman. Tanggapin mo
iyon, Kristoff. Tanggapin mo na hindi kita mahal. HIndi na kita mah-" mabilis na
kumapit ang kamay ko sa suot niyang suit ng maramdaman kong bumibigay ang tuhod ko.
Nagdidilim ang paningin ko at parang umiikot ang mundo ko. Naramdaman k ang mga
braso niya na umikot sa akin.

"Sh*t, baby, What's wrong?" rinig ko pang tanong niya "Ysabell?" bago pa ako
tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman kong umangat ako.

Nagising ako dahil sa ingay ng kung sino man. Puro puti ang nakikita ko at isa lang
ibis sabihin non. Nasa ospital ako. Sino ang nagdala sa akin? Hindi na rin naman
masakit ang ulo ko pero sa lakas ng sigaw mukhang babalik ata.

"Tignan niyo ulit, Dok. HIndi pwedeng wala siyang sakit. Hindi naman siya
mahihimatay kung wala, ah" giit ng boses na kilalang kilala ko.

"Wala po talaga, Sir. Stress lang po ang pasyente kaya siya nawalan ng malay"
paliwanag ng doktor. Hinanap ko sila at kaya naman pala sobrang lakas ay dahil nasa
gilid ko lang sila.

"Hindi ako naniniwala, Dok. Magpapa-second opinion ako. Ililipat ko siya ng


ospital" madiing sabi ni Kristoff. Kahit kailan talaga ang lalaking ito.

"Kristoff, I'm fine" nanlalaki ang mga matang tinignan niya ako. Agad itong lumapit
sa akin at hinawakan ang kamay ko. Para namang ang lala ng sakit ko sa ginagawa
niya, ehe, stress nga lang daw.

"May masakit ba sa'yo, baby? May nararamdaman ka bang kakaiba? Ipapakulong ko


talaga ang doktor na ito. Walang silbi" napansin kong namutla ang mukha ng doktor
sa sinabi ni Kristoff. Pinalo ko naman ito at pinanlakihan ng mata.

"Umayos ka nga, Kristoff. Sa lahat ba naman ng panahon ngayon ka pa binaliw? Hindi


mo ba narinig na okay na ako" sabi ko bago tinignan ang doktor. "Dok salamat po.
Pwede na kayong umalis" sabi ko at nagmamadali nga itong lumabas halatang takot na
takot.

"Hindi pa kami tapos mag-usap" sabi nito. Tinignan ko naman siya ng masama at bigla
itong umupo at ngumuso sa akin. Akala niya naman cute siya.

"Hindi ka naman kasi okay. Bigla ka nalang nawalan ng malay. Nag-alala lang naman
ako" sabi nito.

"Okay na nga daw diba? Stress nga lang" ulit kong sabi dahil ayaw ata nitong
tanggapin na stress lang ako.
"Paano kung hindi niya langnapansin na may malala ka palang sakit? Mas maganda ng
makasigurado tayo, Ysa. I'll call Dr. Rufino. Baka matulungan niya ak-" mabilis
kong inabot ang phone niya ng ilabas niya iyon. Ang kulit talaga kahit kailan.

"Ysa!" singhal nito sa akin at tumayo. Inabot niya ang phone niya kaya mabilis ko
itong tinago sa likod ko "Ysa, Akin na iyan"

"Ano ba Kristoff. Ang sakit mo sa ulo. Tumigil ka na. Okay lang ako. Kung may
nararamdaman man akong kakaiba sasabihin ko agad sa'yo" sabi ko at tumigil na nga
ito. Tahimik lang itong nakaupo at pinaglalaruan ang kamay niya.

"Sorry. Nagaalala lang ako. Ayokong mangyari ulit 'yong kanina. Natatakot ako"

=================

15

Chapter 15

Simula ng mangyari ang pagkahimatay ko ay hindi na niya ako tinantanan at kung


titignan mas naging doble o triple pa itong mangulit at makalapit ngayon. Kahit
aminin ko man o hindi ay nakakaramdam na naman ako ng kakaiba kapag kasama ko siya
o kapag malapit siya sa akin. Ayokong maramdaman iyon. Ayokong makaramdam ng ganun
ulit kaya't hanggat maaari ay iniiwasan ko na siya.

"Saan ka na naman pupunta?" halos mapatalon ako ng may magsalita sa likod ko.
Dumaan ako sa emergency exit pababa sa canteen para mag-lunch. Parati na kasing
siya ang kasama ko at hindi niya naman ako hinahayaang magbayad.

"Kakain sa baba" patay malisya kong sagot. Naningkit ang mga mata niya sa sinabi
ko.

"At dito ka talaga dumaan? Pwede namang sa hagdan o sa elevator? Bakit dito pa?"
taas kilay niyang tanong. Paano niya ba nalaman na nandito ako?

"Gusto ko nga dito dumaan, eh. Bakit ba nangingialam ka?" sagot ko ulit sa kaniya
at nagsimula na namang maglakad. Binilisan ko nalang para makapasok na agad ng
Canteen. Alam ko hindi sila kumakain ditong magkakapatid.

"Sabihin mo iniiwasan mo na naman ako. Alam mo kahit anong iwas mo o kahit anong
liko mo, hindi kita tatantanan hanggat hindi ka nagiging akin" nagkibit balikat ako
at hinarap siya.

"Hindi nga kita gusto. Hindi din kita mahal at hinding hindi. Bakit ba kasi hindi
ka nalang maghanap ng iba. Marami namang nagkakandarapa sa'yo diyan. Bakit
kailangan ako pa?" inis ko na namang sabi sa kaniya. Biglang tumalas ang mga mata
nito. Umiwas ito ng tinmgin at ilang beses na bumuntong hininga bago ulit humarap
sa akin.

"Gusto kita. Mahal kita. Tapos ang usapan, Ysa. Kahit anong sabihin mo hindi mo ako
mapapaalis. Saktan mo na ako ng paulit ulit pero hindi ako titigil. Siguro
mapapagod ako pero hindi ako titigil" sabi nito at humakbang paakyat. Naiwan akong
nakatanga doon.

Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah. Bakit parang ako pa ang mali? Siya na nga
itong iniisip ko pero ako pa ang mali? Bahala siya sa buhay niya. Guluhin niya ako
kung gusto niya pero h'wag niyang asahang mahuhulog ako sa patibong niya.

Dumiretso ako palabas ng building. Imbes na sa canteen ay lumabas nalang ako ng


building at napagdesisyunang kumain sa pinakamalapit na restaurant. Agad naman
akong nakahanap ng upuan pagkapasok ko pero hindi pa man ako nakakaupo ay may
tumawag sa akin.

"Mag-isa ka lang?" tanong sa akin ni Angela pagkalapit niya sa akin. Iyong babaeng
nakabangga ko sa Grocery dati. Tumango ako sa tanong niya.

"Sumama ka nalang sa amin. Panigurado kilalang kilala mo ang kasama namin"


nakangiting sabi niya at basta nalang ako hinila sa table nila. Kasama niya doon
ang kasama rin niya noon sa Grocery na si Hailee at isang babaeng hindi pamilyar
ang mukha sa akin.

"Guys, tignan niyo kung sinong nakita ko" sabi ni Angela. Kumunot ang noo ko sa
kaniya pero nanatili parin akong nakangiti.

"Ysabell? Ikaw na iyan?" tanong ng kasama nilang babae. HIndi ko siya maalala. Isa
ba siya sa member ng art class? Kaklase?

"My gosh, sister. Kamusta ka na?" tanong nito sa akin ng humarap ako sa kaniya.
Niyakap niya pa ako at hinalikan sa pisngi na parang close na close kami.

"Ysabell, si Erin" bulong sa akin ni Angela. Nanlaki ang mata ko sabay ng


panlalamig ng katawan ko. Tinignan ko siyang mabuti. Ang babaeng kinabaliwan ni Uno
noon. Ano namang ibabatbat ko sa kan- Wait? Bakit ko kino-compair ang sarili ko sa
kaniya?

"Kamusta ka na? Nagkita na ba kayo ni Kristoff? Nasabi na ba niya sa'yo ang


nararamdaman niya? Kayo na ba?" sunod sunod niyang tanong pagkaupong pagkaupo ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin  ko o kung oorder ako o sasagutin siya.

"Nakita namin silang mag-kasamang nag-go-grocery. Ang sweet nila" sabi ni Hailee na
parang kinikilig. Seriously? Sweet iyon?
"Bagay na bagay sila, Erin. Katulad ng pinag-ku-kwentuhan natin noon. Naalala ko pa
noong ini-imagine ko iyong magiging anak nila. Mata at ilong ni Kristoff, Labi at
kutis ni Ysa at ang itim na itim nitong buhok. Ang gwapo" sabi naman ni Angela.
Kung di lang ako tumikhim ay diretso lang sila sa pag-uusap na parang wala ako.

"Hindi kami ni Kristoff, He's my boss" sabi ko kaagad at biglang nawala ang mga
ngiti nila lalo na si Erin. HIndi ko naman pinansin iyon at nag-order ng vegetable
salad.

Tahimik lang silang nakamasid sa akin at parang hinihintay akong mag-kuwento.


Kinagat ko ang labi ko bago bumuntong hininga at tinignan sila.

"Boss mo lang siya? Hindi mo talaga siya boyfriend?" tanong ni Erin. I wonder kung
anong nangyari sa kanila dati ni Kristoff at bakit ganito siya umasta ngayon. Hindi
ba at sila ang may relasyon noon?

"Bakit naman magiging kami? Nagkita lang kami months ago at ang huli naming
pagkikita ay sa school pa noon which is almost a decade" sabi ko. Lalong bumagsak
ang balikat ni Erin "Hindi ba at kayo ang may relasyon noon?" tanong ko sa kaniya.
Tinignan niya ako at inirapan.

"As if gugustuhin ko ang lalaking iyon? Unang una, eh, tanga iyon kasi hindi alam
ang tunay na nararamdaman. Pangalawa, hindi ko type ang mga Dela Marcel. Ayoko ng
blue eyes, white possessive dragon" nagulat ako sa sinabi niya. Paano naging sila
kung hindi niya pala gusto si Kristoff? Pinaglaruan niya lang?

"Ayoko iyang nasa isip mo, Ysabell. Hindi ko siya pinaglaruan. Hindi naman kasi ako
ang mahal niya. Kung nakita mo lang siya noong umalis ka siguro magsisisi ka"
iiling iling na sabi nito. Iyon din ang narinig ko kay Angela at Hailee noong nasa
grocery kami. Ano ba talagang nangyari ng umalis ako at ganito sila umasta na
parang gustong gusto nila kami ni Kristoff na magkaroon ng relasyon?

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko. Nagkatinginan sila at sabay sabay na bumuntong
hininga. saktong dumating ang pagkain ko pero hindi ko naman magawang galawin dahil
sa kyuryosidad sa sinabi nila.

"Hindi ko naman sana sasagutin si Kristoff noon. Hindi ko talaga siya type noon.
Alam mong hindi ko type ang mga kagaya niya, hindi ba? Nakita ko kayong magkasama
sa likod ng engineering building. Tumatawa siya habang ikaw ay simangot na
simangot. Hindi siya tumatawa ng ganoon kapag kasama niya ako. Hindi siya
tumitingin sa akin ng kagaya ng pagtingin niya sa'yo. Parang ikaw lang ang babaeng
nakikita niya, parang ikaw ang mundo niya, iyon ang nakikita ko sa mga mata niya
kapag tinitignan ka niya. Doon ako nagkaroon ng theory na sa'yo siya may gusto.
Kapag magkasama kami parati ka niyang kinukwento pero tuwing tatanungin ko siya
kung mahal niya ba ako ay parating oo ang sagot niya kaya sinagot ko siya. BAka
sakaling ma-realize niya ang pagkakaiba kapag kasama niya ako at ikaw, Iyon ang
nasa isip ko pero isa pala siyang dakilang tanga" huminto siya at tinignan ako.

Gusto kong ituloy niya. Totoo ang sinasabi ni, Kristoff? Mahal nga ba talaga niya
ako? noon pa?
"Noong sinabi niyang hindi ka niya mahal at lumayo ka sa kaniya. Nakit ko iyon,
Saktong pag-alis mo ay pinaintindi ko sa kaniya na hindi ako ang mahal niya.
Sinampal ko sa kaniya na ikaw ang mahal niya at nakipaghiwalay ako sa kaniya. Ilang
araw siyang hindi pumasok, pati ikaw. Hindi namin alam na lumipat ka na pala at
hindi ka na namin mahanap" So noong araw ding iyon ay nag-break na sila?

"Pumasok siya pagkatapos ng ilang linggo at hinahanap ka. Walang nagsabi sa kaniya
na umalis ka na at lumipat. Pinag-uusapan namin nila Hailee kung bakit ka lumipat
that time at narinig niya kami. Hindi siya naniniwala. Nag-wala siya sa loob ng
room ng art class. Ilang araw din siyang na-suspend noon"

"Hinanap ka niya, Ysa. Ginawa niya ang lahat. Halos hindi na nga siya pumapasok
dahil sa paghahanap sa'yo pero ni isang clue ay wala siyang nakuha. Hindi na niya
tinapos ang taon na iyon kaya natanggal ang candidacy niya for magna cum laude"
doon na ako natanga. Taon? Hindi siya grumadweyt na magna? Pangarap niya iyon?
Akala ko...

"Kaya noong nakita ka namin sa grocery-han. Akala namin kayo na kasi magkasama
kayo. Sorry, hindi namin alam" hinging paumanhin ni Hailee.

Lalo tuloy akong nawalan ng gana. Kahit isang subo ay hindi ko nagawa. Natahimik
lang din sila sa reaksiyon ko. Tuwing magkasama kami dati ni Kristoff, palagi
niyang sinasabi na pangarap niyang grumadweyt na magna cum laude. Sabi niya, iyon
lang daw ang paraan para hindi masabi ng tao na nakakapasa lang siya dahil isa
siyang Dela Marcel. Tapos, dahil lang doon, nawala iyon?

Nagulat ako ng tumunog ang phone ko. Mabilis ko iyong kinuha pero ng makita ang
caller ay nagatubili akong sumagot. Si Kristoff. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko
sa kaniya.

Maya maya ay nag-kaniya kaniya na kaming paalam sa isa't isa. Wala sa sarili akong
pumasok sa opisina. Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Kristoff. What
I've heard is enough to prove what he really felt for me.

Ilang rejection ang natanggap niya sa akin kumpara sa isang natanggap ko sa kaniya.
Ang tanga ko para hindi bigyan ng pansin ang totoong nararamdaman niya dahil lang
nasaktan niya ako noon.

"Ysabell?" nagangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses niya. Kinagat ko ang labi
ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tinawid ko nalang ang ditansiya sa
pagitan namin at niyuko ko ang ulo ko sa dibdib niya.

Mabilis ang tibok ng puso niya katulad ng sa akin kapag kasama ko siya.

=================
16

Chapter 16

Tahimik lang kami habang nakasandal ako sa kaniya. Hindi niya nagtanong. Tahimik
lang din siya habang yakap ako. Habang tumatagal ay lalo akong kumakalma. Habang
tumatagal ay pumapasok na sa kukote ko ang mga sinabi nila sa akin. Ilang minuto pa
kaming nasa ganong posisyon hanggang sa humiwalay ako at naglakad pabalik ng
kumpanya nila. Hindi na ako nagsalita dahil tahimik lang din siyang nakasunod sa
akin.

Umabot ng oras ng pag-uwi at hinatid niya ako pero hindi kami nagkibuan. Nahihiya
ako. Nakakahiya ako. Bakit ko kasi hinayaang mabulagan ako ng sakit na naramdaman
ko noon. Mahal naman pala niya ako bakit pa kasi ako umalis?

Kung hindi ba ako umalis magiging ganito ang buhay ko ngayon? Hindi ko na alam
dahil gulong gulo ako. Wala pa naman siya para pakalmahin ako.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Kunot ang noo ko ng makitang wala pa siya.
Naghintay ako hanggang sa malapit na akong ma-late pero wala parin siya. Nasaan na
ba siya? Napagod na ba siya sa akin kaya wala siya ngayon? Umiling ako at pumara ng
taxi. Hindi ko na hahayaang pamahayan ng maling bagay ang isipan ko. Ayokong maulit
ng maulit ang pangyayari. Lalo na at naguguluhan na din ako kung may nararamdaman
nga ba ako o wala.

Maging sa opisina ay hindi ito pumasok. Hindi nito gawain ang hindi pumasok lalo na
at may mga mahahalaga siyang appointment ngayon. Sa loob ng ilang buwang pamamalagi
ko rito na siya ang boss, tanging ng araw lang ng anniversary ng parent niya ito
hindi pumasok kaya lalong nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko.

"Ysabell, nasaan ang schedule ni KUya?" umangat ang tingin ko ng may nagsalita sa
harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Sir Dos. Nginitian niya ako at madali
ko namang binigay sa kaniya ang listahan ng schedule ni Kristoff ngayong araw.

"Kukunin ko na ito ngayon. Ako na ang aako ng lahat ng appointment niya" sabi nito
at naglakad na palayo pero hindi pa man nakakalayo ay bigla itong pumihit paharap
pabalik sa akin.

"Can you do me a favor?" tanong nito. Mabilis naman akong tumango. Sino ba ako para
humindi, eh, boss ko yan.

"Yes, Sir. Ano po bang maipaglilingkod ko?" tanong ko. Ngumisi ito at inilapag ang
isang susi sa harapan ko.

"DM Condominium. Pinakataas na palapag. Nandoon si Kuya Kristoff ngayon at may-


sakit siya. Ayaw niyang pumunta kami doon dahil baka daw mahawa kami. Hindi siya
marunong mag-alaga ng sarili niya at binabangungot siya tuwing may sakit siya"
mahabang paliwanag nito. Kinuha ko ang susi at tinignan ito. May sakit si Kristoff?
"Puntahan mo siya, Ysa. Alagaan mo naman iyong kapatid ko. Mahal ka non" siryosong
sabi nito at mabilis ng umalis.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kinuha ko ang bag ko at lumisan sa kumpanya. Ang
tigas ng ulo ng lalaking iyon. May sakit tapos ayaw magpaalaga? Paano siya
gagaling. Naalala ko noong college kami. Pahirapan ko nga itong painumin ng gamot
kapag may sakit ngayon pa kaya na mag-isa lang nito.

"Manong bayad po" sabi ko sa taxi driver ng makarating kami sa sinabi ni Dos na
condominium. Pumasok na ako kaagad at pinihit ang elevator sa pinakataas. Tsk,
haring hari ang dating ng loko. Pinakataas pa talaga.

Bumukas iyon at iisang pinto lang naman ang nandoon kaya pinasok ko agad ang susi
at bumukas naman iyon kaagad. Asul na asul ang kulay ng buong bahay. Ang pagkakaiba
lang ay ang darkness at lightness nito. May ilang tip of white and black pero wala
ka ng makikitang ibang kulay doon.

"Kristoff?" tawag ko pero walang nagsalita. Umikot ako sa buong bahay hanggang sa
makarinig ako ng iilang mura at kalampag na parang galing sa kusina. Tama nga ako
at nandoon nga ito at ang nakakainis ay nakasuot lang ito ng pantalon. Wala man
lang kadamit damit! May sakit na at lahat nagpapamatso parin.

"Kristoff!" kibit balikat kong sabi at sa gulat nito ay muli nitong nalaglag ang
hawak na sandok.

"Sh*t, Bakit ka nandito, Ysa?" agad niyang sabi. Kinunutan ko siya ng noo. Pinatay
nito ang niluluto at hinarap ako. "Umuwi ka na" singhal nito sa akin. Tinaasan ko
naman siya ng kilay. HIndi ko mapigilang hindi mapalingon sa katawan niya. Damn
those sinfull abs. Bumaba pa ng bumaba ang mata ko hanggang sa mapansin ko ang
Tattoo niya sa may malapit sa V line niya. DM na may korona ang nasa taas at isang
hindi ko maintindihang pangalan ang nasa baba noon.

"Look up, baby. Stop looking at my body" masuyo pero mahinang sabi niya. Lalo naman
tumaas ang kilay ko at humakbang palapit sa kaniya pero umatras siya at hinarang
ang kamay sa gitna namin.

Ano bang kalokohan ang nasa utak nito ngayon? Umiikot na kami sa kusina dahil ayaw
niyang tumigil at talagang nakakainis na nakakairita na.

"Kristoff! Lumapit ka sa akin!" madiin kong sabi. Nanlaki ang mata nito at kumamot
sa batok. Bakit ba pati simpleng pagkamot ay nagmumukha parin itong hot? Sh*t, Ysa.
May sakit na nga pinagnanasaan mo pa!

"No. Mahahawa ka sa akin. Go home, Ysa, please?" lukot ang mukhang sabi niya pero
hindi ko iyon pinansin. Naglakad ako palapit sa kaniya at hindi na naman ito
umatras kaya nakalapit na talaga ako. Hinila ko ang leed niya at pinatong ang likod
ng palad ko sa noo niya para tignan kong mainit siya at sobrang init niya nga.
Gusto ko siyang batukan dahil nakakapag-hubad pa ito ng damit gayong ganito na ito
kainit.

"My God" sabi ko ng bigla itong humawak sa akin. Ang bigat ng kamay niyang nasa
bewang ko.

"The kitchen is shaking" sabi nito. Umirap ako at inalalayan siya.

"Let's go to your room, Kristoff. You need to wear something descent-"

"No. Your going home, Ysa. Please, Baby. Ayokong mahawa ka" sabi nito pero kung
makulit siya pwes sasabayan ko siya ngayon.

"No. Kung sinabi kong sa kwarto mo, sa kwarto mo. Kung sinabi kong magdadamit ka,
magdadamit ka at kung sinabi kong dito lang ako, dito lang ako. Nagkakaintindihan
ba tayo, Kristoff?" singhal ko. Ramdam kong tumango siya habang nakalagay sa leeg
ko ang ulo niya. Nakikiliti ako sa init ng hininga niyang humahaplos sa leeg ko
pero hindi ako pwedeng umalma.

"Baby" paulit ulit nitong bulong habang inaalalayan ko siya. Hindi naman ako
nahirapan na hanapin ang kwarto niya dahil may pangalan iyon sa may pinto. Binuksan
ko iyon at halos umikot ang mga mata ko ng makita ang kulay ng kwarto niya, Blue.
Hiniga ko siya sa kama. Dumilat naman ang mga mata nito ng makahiga.

"Paano kung nahawa ka" sabi nito. Umiling lang ako at kinalkal ang closet niya. May
nakita naman akong asul na V neck agad. Lumapit ako sa kaniya at inalalayan siyang
mag-damit. Bago siya maayos na hiniga at kinumutan.

"Uminom ka na ng gamot? Kumain ka ba?" tanong ko. Umiling ito at ngumuso.

"I want to cook but I can't. Paulit ulit nalalaglag at kung naluto man hindi
masarap. I'm starving and no, hindi ako iinom ng gamot" sabi niya. Pinanlakihan ko
siya ng mata.

"Iinom ka, Kristoff. Naiintindihan mo?" nalalaki ang mga matang sabi ko. Tumango
tango naman ito sa akin.

"Sleep. Magluluto lang ako" sabi ko. Tumango siya at niyakap ang una- saglit. Unan
ko iyan, ah? Paanong napunta dito?

Tatanungin ko sana siya pero narinig kong humihilik na ito kaya napagpasyahan kong
mamaya nalang tanungin. Paano nga kaya niya nakuha?

Lumabas ako at kinalkal ang ref niya. Nakahanap naman ako ng chicken at iba pang
engridients ng chicken soup kaya naman iyon naman ang niluto ko. Tinanggal ko na
ang coat ko dahil sa inita. Inayo ko din ang nagkalat na pinaglutuan ni Kristoff sa
basin bago nilagay sa mangkok ang chicken soup bago siya pinuntahan.

Tulog parin ito ng puntahan ko. Umiiling iling ito at umuungol na para bang masama
ang napapanaginipan hanggang sa maalala ko ang sinabi ni Sir Dos. Binabangungot
ito. Nilapag ko ang tray sa bedside table niya at umupo sa tabi niya bago tinapik
tapik ang pisngi niya.

"Kristoff, Wake up" masuyo kong sabi at bigla itong dumilat. Pinunasan ko ang butil
ng pawis niya gamit ang likod ng palad ko bago siya tinignan.

"Bad dream?" tanong ko at tumango ito. "Kailangan mong kumain, Kristoff-"

"H'wag mo akong iiwanan, Ysa, please. Dito ka lang" parang takot na takot na sabi
niya. Tumango ako at hinawaklan siya sa pisngi.

"Hindi ako aalis. Ngayon kumain ka na at iinom ka ng gamot mamaya" tumango lang ito
at tahimik na habang sinusubuan ko siya. Hindi pa man ito nangangalahati ay umayaw
na ito. Pinainom ko naman siya ng gamot pagkatapos at mabilis na naman itong
nakatulog. Doon ko lang napansin na medyo ang dungis ko na pala.

Bumalik ako sa kusina at hinugasan ang lahat ng nandoon bago bumalik ng kwarto
niya. Naghanap nalang din ako ng damit niya sa closet. Mabuti nalang nagdala ako ng
undergarments. HIndi ko alam kung bakit ako nagdala kaninang umaga. Instinct
siguro?

Naligo ako at nagpalita bago ko kinuha ang thermometer na nasa gilis niya at
nilagay sa kili kili niya. Bumuntonmg hininga ako ng 39 ang lumabas na numero.
Mainit parin siya. Sinuklay suklay ko ang buhok niya at humiga sa tabi niya. Bigla
nalang itong umikot sa side ko, pinakawalan ang unan ko at yumakap sa bewang ko.

Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito
kalapit at tulog. Ang gwapo niya kahit nakapikit ang mga mata niya. Ang tangos ng
ilong niya at mapula ang mga labi niya. Nagulat ako ng biglang kumunot ang noo nito
at tumigas ang panga. Another nightmare?

"Ysa" paulit ulit na naman niyang bulong. Kusang umangat ang kamay ko at hinilot
ang naka-kunot niyang noo bago hinawakan ang panga niya. Maya maya ay nawala na ang
pag-tigas ng panga niya at ang pag-kunot ng noo niya. Siniksik niya pa ako lalo sa
kaniya na halos marinig ko na ang heartbeat niya. Maya maya ay nakaramdam ako ng
antok.

"I love you, Baby" rinig kong sabi niya bago ako tuluyang kainin ng antok.

=================

17
Chapter 17

Minuto lang din naman ang itinulog ko dahil sa biglang pag-ring ng cellphone niya.
Hindi ko iyon sinagot, bagkus ay hininaan ko lang ang volume para hindi niya
marinig. Naging normal na naman ang temperatura niya pero malay mo may nararamdaman
pa pala siyang kakaiba.

Lumabas ako at agad na pumunta sa kusina niya. Malapit ng mag-lunch kaya naisipan
ko ng magluto. Sinigang ang naisipan kong lutuin. Mabuti nalang at marunong ako at
nakakain naman kahit papano.

Pagkatapos ko ay binalikan ko siya sa kwarto. Gising naman ito at nakasandal sa


headboard ng kama niya habang hawak ang cellphone niya. Kinunutan ko siya ng noo ng
makitang wala itong suot na pang-itaas at basta nalang tinapon sa sahig. Namutla
ito ng makita ako at bumaba ang tingin sa damit niyang basta nalang binato sa
sahig.

Nag-kibit balikat ako at pinulot iyon tsaka nilagay sa loundry basket na nakita ko.
Naglakad ako papuntang closet niya at naghanap ng panibagong damit. Alam kong
nakasunod sa akin ang tingin niya.

"Akala ko umalis ka na?" mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. Humarap
ako sa kaniy ng makahanp ako ng Damit at tinignan siya ng masama.

"Kaya ka nagtanggal ng damit? Ang kulit mo rin talaga no?" inis kong sabi sa
kaniya. Ngumuso naman ito at basta nalang nilapag ang cellphone at lumapit sa akin.
Kinuha niya ang hawak kong damit niya at isinuot.

"Magaling na po ako" sabi nito pagkasuot ng damit. Humiga ito pabalik sa kama at
niyakap ang unan ko. Nang makita niyang titig ako doon ay bigla niyang itinago sa
kumot. Loko talaga ang lalaking ito. Anong akala niya hindi ko nakita kaninang
tulog siya?

"Paano mo nakuha ang unan ko?" tanong ko. Ngumuso ito at umiling iling.

"Ninakaw ko na kaya unan ko na ito" sabi niya. Sinubukan ko ngang kunin pero kahit
ata may lagnat siya ay mas malakas pa siya sa akin.

"Akin na ito, Ysabell. H'wag mo ng hilain baka masaktan ka" sabi nito.

"Let go, Kristoff. Akin 'yan. Magnanakaw ka! Wala ka bang pambili ng unan at
nangunguha ka ng hindi sa'yo?" iiling iling kong sabi pero hindi parin siya
bumibitaw. Para kaming tangang nag-aagawan sa maliit na unan.

"Ayoko. Let go? No thanks. I would rather die bleeding and hurting than to let my
happiness and my life. Mayaman ako pero wala akong pambili ng isang Ysabell
Liondale kaya kung hindi ako makakabili then nanakawin ko nalang isa isa at saka ko
bubuuin. Baka sakaling kapag nabuo ko siya mahalin niya na ako" para akong
nakukuryenteng bumitaw sa unan.

Ibang iba sa pinag-uusapan namin ang sagot niya. Pagkabitaw ko ay agad niyang
niyakap ang unan na para bang ayaw niyang mawala 'yon sa kaniya. How can he be so
adorable, sexy and handsome at the same time?

Unang una kasing hihila sa'yo para malunod sa kaniya ay ang asul niyang mga mata na
nakuha niya sa amerikanong ama. Sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang may brown
na buhok na nakuha niya rin kay Mr. Dela Marcel. Hindi ako magtataka na maraming
nagkakandarapa sa kaniya noong college at pati na ngayon dahil maliban sa itsura at
built ng katawan ay mayaman pa ito. Kumpletos rekados, ika nga nila.

"You love me that much, huh?" naiiling na sabi ko.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako attracted sa kaniya. Siguro
pinipigilan ko ang sarili ko dahil natatakot akong masaktan ulit pero paano ko
pipigilan kung sa kulit nito halos makalbo na ako sa konsumisyon? Kung nakikita ko
ang mukha nito ay gusto ko ng tirisin sa panggigigil at ang ka-sweetan nitong
nagpapahina ng mga tuhod ko? Paano ko pa ba pipigilan?

"So d*mn much and I'm planning to keep you. Unan palang ito, Ysa. Sa susunod ikaw
na. Nanakawin kita kasi akin ka. Simula sa kadulu-duluhan ng daliri ng paa mo
hanggang sa pinakadulo ng buhok mo. Lahat iyan isisigaw ang pangalan ko ay hahanap-
hanapin ako. Kapag nangyari iyon hindi ka na makakaahon sa akin at mas masaya ako
non" sabi nito at kinindatan pa talaga ako. Kung wala lang sakit 'to kanina ko pa
binato ng vase. Napaka-ewan kasi ng sinabi niya. May nagsasalita bang buhok? o
kahit anong parte ng katawan maliban sa bibig? wala naman, ah.

"Ewan ko sa'yong lalaki ka. Tumayo ka nga diyan at ng makakain na tayo" sabi ko at
tinalikuran siya. Hindi parin ako sanay sa mga hirit niyang ganun. Feeling ko
mauubusan ako ng hininga sa mga kalokohan niya.

"Tsk. Matutumba ako kapag hindi mo ako inalalayan. My knees are shaking badly,
baby" lumingon ako sa kaniya. Hindi ko na alam kung loko lang ba o siryoso na ang
sinasabi nito. Kanina nga kasing malalang malala ito ay nakakatayo pa at kung ano-
ano tapos ngayon kung kailan magaling na hihiritan niya ako ng ganiyan.

"Umayos ka ngang lalaki ka! Kanina nga nakakatayo ka pa tapos ngayon sasabihan mo
ako ng ganiyan. Gusto mo lang maka-tsansing, eh" singhal ko sa kaniya.

"Gusto ko nga. Paano mo nahulaan?" sabi nito maya maya pagkatapos akong tawanan.
Inis kong hinila ang unan at tinapon sa kaniya bago lumabas. Ang arte ng lalaking
iyon.

Naghain nalang ako at maya maya ay bumungad na siya sa pinto. Nakangisi ito habang
pinapanood ako. Inis ko siyang nilingon bago bumalik sa ginagawa.
"Bagay pala sa'yo ang damit ko? Mabuti pa sila kayang dumikit sa'yo ng ganiyan. Ako
kaya, Ysa kailan?" nakangisiniyang tanong. Padabog akong umupo at nilingon siya ng
hindi pa siya umaalis doon. Mukha namang naintindihan niya ang sama ng tingin ko at
umupo sa harap ko. Tahimik lang kaming kumain. Napapansin kong lumilingon lingon
siya sa akin tapos bubuntong hininga at babalik sa pagkain.

"Ysa, naiinis ka na naman ba?" tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot sa
kaniya. Nakita kong tumitig lang siya sa akin at binaba ang kubyertos niya. Ano na
naman bang drama ng lalaking ito?

"Sorry na. H'wag ka ng magalit. Hindi na ako magiging makulit. Hindi na ulit" sabi
nito tahimik lang na umupo doon. Nakayuko at nakanguso. Umiling na nga ako kanina
na nagsasabi na hindi ako galit tapos ganito naman siya na iniisip na galit ako.

"Kristoff, hindi ako galit. Kumain ka na" sabi ko pero hindi parin ito gumalaw.
Gusto mo pala ng patigasan, ah. Tumayo ako. Napansin ko namang umangat ang tingin
niya. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa hita niya tapos kinuha ang pagkain niya.
Naramdaman kon g nanigas siya sa kinagat niya ang labi niya.

Sinusubukan niya ako, eh. Humanda siya sa akin. I can be naughty sometimes at hindi
na masamang maging naughty kung si Kristoff lang din naman ang magiging kaparehas
ko. Kumuha ako ng kanin at ulam tsaka iniumang sa bibig niya. Imbes na kainin iyon
ay tinitigan niya lang ito tapos ako tapos baba sa parte ng hita niya kung saan ako
nakaupo. Apektado ang loko. Dapat lang dahil apektado din ako!

"Nagluto ako tapos hindi mo kakainin. Sinusubuan kita tapos ayaw mo parin. Hindi
siguro masarap kaya ayaw mo" kunwaring nalulungkot kong sabi. Nanlaki ang mata nito
at agad na sinubo ang kutsarang naka-umang sa bibig niya. Nagdiwang naman ang mga
malalanding may sungay sa loob ko sa ginawa niya.

"Ysa" paos ang boses na sabi niya. Kinagat ko ang labi ko. Bakit mas mukhang
affected ako?

"Ysa, Kakain na ako. Kapag hindi ka pa umalis ikaw ang kakainin ko" nilapag ko ang
plato niya at mabilis na umalis at bumalik sa upuan ko. Ang init! akala ko ba
centralize ang condo unit niya? Bakit ang init?

"Takot ka din pala" iiling iling na sabi nito at inubos na ang pagkain. Hindi na
ako nakakain pagkatapos ng nangyari. 'Yan kasi, Ysa. Lumalandi ka porket mahal ka.
Ano nalang iisipin niyan sa'yo? Mag-isip ka nga! Hindi iyan affected. Siguro kanina
kasi nagulat lang. Maraming nagkakandarapa diyan tapos iisipin mong affected sa'yo?
Model ka 'teh? 36-24-36 ang katawan mo 'teh? Feelingera!

"Affected ako. Sobrang affected, Ysa. Hindi mo alam kung paano ko nilalabanan ang
sarili ko na h'wag kang halikan kanina at ngayon. Hindi mo alam kung paano ako
nakikipagtalo sa sarili ko na h'wag kang angkinin ngayon, kasi hindi tama dahil
wala pa tayong relasyon at hindi pa tayo kasal. Lahat ng galaw mo may epekto sa
akin. Kahit nga ata picture mo lang napapabilis na ang tibok ng puso ko. Iyan pa
kayang kaharap kita. Hindi ka feelingera o kung ano man ang salitang sinabi mo.
Wala akong pakialam kahit sinong model pa na may perpektong katawan ang maghubad sa
harapan ko. Katawan mo lang ang gusrto ko" kumurap ako at napatakip sa bibig ko.
Nabasa niya ang nasa isipan ko? o nasabi ko iyon ng malakas?

Kinagat ko ang labi ko at mabilis na tumayo. Nakakahiya.

"Ysa" tawag niya pero mabilis akong pumasok sa kwarto niya at nag-kulong. Sinampal
sampal ko ang bunganga ko sa hiya. Bakit ka nagsalita? Bakit mo sinabi? Gusto mo
bang lagyan kita ng Zipper, huh?

"Ysa, buksan mo ang pinto" rinig kong utos niya galing sa labas.

"Ayoko. Nahihiya pa ako. Mamaya na kapag wala na akong hiya ulit" sigaw ko at umupo
tsaka sumandal sa nakasaradong pinto.

"Ysa, open the door o sisirain ko ito? H'wag ka ng mahiya. Ako lang naman ito" sabi
niya. Hindi ko siya pinansin pero ng ilang beses na kumabog ang pinto ay wala akong
nagawa kundi buksan. Tinakip ko ang kamay ko sa mukha ko para hindi niya makita.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin dahil may nararamdaman ako na dumikit sa braso
ko.

"Hey, Sa akin ka pa talaga mahihiya? Kahit nga ata patay na buhok mo mamahalin ko"
sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Nahihiya na nga ako ganiyan pa sasabihin
niya.

"Namumula ka na, oh. Mai-inlove na naman ako. Gustong gusto mo talagang bali na
baliw ako sa'yo noh?"

----------------------------------

Bitin? On-going ee.

Guys pa-add naman ako sa bago kong FB Account. Diyosangwriter Wp. Hindi ko po alam
kung bakit ko ginawa iyon pero sana ma-add niyo ako:)

Salamat ng marami. Mag-iwan kayo ng nakakabitin na comment salamat

-Kath

=================

18

Chapter 18
Lumapit siya sa akin at hahakbang sana ako patalikod kaso pintong nakasarado na ang
nandoon. Tumingin ako sa kaniya. Kagat kagat niya ang labi niya habang nakatingin
sa mga labi ko. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko sa ginagawa niya.
Naramdaman kong humawak sa baywang ko at halos kumurap ako ng ilapit niya ang mukha
sa akin. Ang init ng kamay niya. Ganon na ba kanipis ang t-shirt niya na suot ko
para maramdaman ko ang init?

Ano bang ginagawa niya? Malalim ang hininga niya at pawis na pawis na siya. May
sakit pa ba siya? Dumikit ang noo niya sa sa akin. Naduduling ako sa kakatingin sa
mata niya na ayaw tantanan ang labi ko sa kakatitig.

"Ysa" paos niyang sabi. Anong gagawin ko? Sasagot ba ako? Ano namang sasabihin ko?
na mainit?

Pumikit siya ng mariin bago isinubsob ang mukha sa leeg ko. Halos mapaigtad ako ng
maramdaman ang init ng katawan niya. Lalo na ang hininga niyang tumatama sa leeg
ko. Hindi ako makagalaw. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung saan ko
ilalagay ang mga kamay ko. Yayakapin ko din ba siya pabalik?

Bago pa man ako makapagdesisyon ay kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinaikot sa
batok niya bago muling binalik ang mga kamay niya sa likuran ko at mahigpit akong
niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko dito ako nababagay, that I'm
perfectly fit for him.

"I love you, Ysabell" napapikit ako sa init na dinudulot ng katawan niya sa akin.

Gusto ko pa siyang yakapin ulit ng humiwalay siya sa akin pero iba kasi ang aura
niya. Parang umiiwas siya dahil ayaw niya akong tignan. Basta basta nalang ito
naghubad at pumasok sa sariling banyo. Gusto ko siyang pigilan dahil baka lumala
ang sakit niya pero hindi ko na nahanap ang boses kong nawala ng yakapin niya ako.

Kahit kailan ang gulo ng lalaking iyon. Umiling nalang ako at bumalik sa kusina
niya tsaka inayos ang pinagkainan namin. Hinugasan ko na rin at nilinis ang mesa.
Naghanap ako ng kahit anong bagay na pwedeng pang-ipit ng buhok ko sa bahay niya
pero wala akong nahanap hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa kabilang kwarto.
Binuksan ko iyon ay ito lang sa loob ng araw na ito ang kwartong iba ang kulay.
Parang kwarto ng babae.

Pumasok ako at nakakita naman ako ng mga pang-ipit sa may salamin. bago pa man ako
magduda ay may nakita na akong napakalaking pangalan ng babae sa dingding. KIELLA.
Sino pa nga ba kundi ang nag-iisa nilang kapatid na babae.

Agad ko iyong pinantali sa buhok ko at lumabas. Bumalik ako sa kwarto niya at tapos
na nga siyang maligo. Tanging boxers lang ang suot niya. May sakit na nga ganiyan
pa ang suot?

Pinamaywangan ko siya at sinamaan ng tingin.


"Okay na ako, Ysa. Wala na akong maramdamang sakit" sabi niya. Lumapit ako at
walang pasabing kinuha ang thermometer at nilagay sa kilikili niya. Normal na nga
ang katawan niya katulad ng sinasabi niya.

"sabi sa'yo wala na, eh" sabi niya at sumandal sa headboard.

Kahit anong sabihin niya ay kumuha parin ako ng T-shirt niya. Hindi porket maganda
ang katawan niya ay kailangan na niyang maghubad. Lumapit ako sa kaniya at inabot
ang T-Shirt pero tinignan niya lang iyon at nilapag sa gilid.

"Kristoff naman, eh. Isuot mo na kasi 'yan" tinignan niya lang ako at saka umiling.
Ano bang problema niya sa damit, ah?

"Mainit po kasi. Tsaka gusto kong nakahubad para pagnasaan mo ako" sabi niya tapos
kinindatan ako. Kinuha ko iyong T-Shirt niya at hinampas sa kaniya. Akala mo naman
siya lang ang may ganiyang katawan.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Uuwi nalang ako" sabi ko at tinalikuran siya.

"Uuwi ka ng nakaganiyan? sa dami ng lalaking nakatira dito sa tingin mo hahayaan


kitang umuwi? Bumalik ka dito, Ysa" rinig kong sigaw niya saka ko tinignan ang suot
ko. Boxer shorts niya at T-shirt niya.

Lumabas siya ng kwarto niya at lumipat sa kabila. Paglabas nito doon ay may dala na
itong plain blue dress at skin toned doll shoes na mukhang hindi pa nagagamit dahil
may tag price pa.

"Isuot mo 'yan at ihahatid kita. Bago pa 'yan" sabi nito at pumasok ng kwarto niya.
Anong inaarte-arte niya ngayon?

Umiling ako at pumasok sa kwarto ni Kiella at nagpalit. Saktong sakto sa akin ang
damit. Hindi ko alam kung anong meron sa blue at iyon nalang ang nakikita ko.
Lumabas ako na dala dala ang damit niya. Nakaupo naman na siya sa sofa at nakasuot
ng khaki shorts at ang T-shirt na pinili ko kanina.

"Iwan mo nalang diyan 'yang damit ko. Ako na magpapasok sa kwarto. Tara na?" tanong
niya at pinasadahan ako ng tingin. Feeling ko may kuryenteng dumadaloy sa mata niya
at sa parte ng katawan kong tinitignan niya. Nakakapang-hina ng tuhod.

Naglakad ako palapit sa kaniya at kukunin sana ang bag ko pero siya na ang humawak
at tsaka ako mahigpit na hinawakan sa bewang na halos idikit na niya ako sa katawan
niya.

Hindi ko alam kung nagmamadali lang ba ako kanina o talagang walang lumalabas
kanina dahil ang daming lalaki ngayon. May ilang tinitignan ako mula ulo hanggang
baba at 'yong iba naman talagang nakatitig na. Mukha silang hindi nakakakita ng mga
babae pero mga gwapo. Halos lahat ata ng tinigilan ng elevator ay puro lalaki ang
naghihintay. Hanggang sa kaming dalawa nalang ang natira.

"Don't look at them, Ysa. Selfish akong tao at gusto ko sa akin lang ang mata mo"
rinig kong bulong ni Kristoff bago ako hinila palikod sa elevator. May lalaki
sanang papasok pero...

"Subukan mong pumasok at bibitayin kita ng patiwarik" malalim ang boses na sabi ni
Kristoff. Natakot naman ang lalaki at biglang bumalik sa pwesto niya kanina
hanggang sumarado ang pinto.

"Ang sama mo, Kristoff" sita ko sa kaniya.

"Pagdating sa'yo, Ysa, masama ako. ayoko ng may kaagaw. Ikaw na nga lang ang
hiningi ko hahayaan ko pa bang makuha ka ng iba? Magkamatayn na pero ang akin,
akin. Sa akin ka, Ysa. Walang ibang lalaki kundi ako lang!" masungit niyang sabi.

"Hindi ako sa'yo, Kristoff" mahina kong sabi at humarap nalang sa pinto ng
elevator.

"Para sa akin, akin ka. Wala kang magagawa kung ayaw kong may nakatingin sa'yo.
Gusto ko ako lang kasi" umiling iling nalang ako at naunang naglakad ng bumukas ang
elevator.

Hanggang sa makarating sa bahay ay halatang masama na ang timplado niya. Tahimik


lang siyang nakasunod sa akin hanggang makapasok.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang kasama ng kapatid ko sa living room ng bahay.
Ang bestfriend niyang si Edmond na kaibigan ko din.

"Eddie" nakangiting sabi ko at tsaka lumapit at niyakap siya.

"Kamusta na?" tanong nito.

"Mabuti naman. Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mong nawala" nakangiti kong sita sa
kaniya. Nginisihan naman ako ng g*go at pinisil ang ilong ko na gustong gusto
nitong ginagawa.

"Ang ganda mo parin!" sabi nito imbes na sagutin ang tanong ko. Bigla akong
napalingon sa likod ng may mga brasong mahigpit na pumulupot sa akin. Possessive
Kristoff.

"Boyfriend mo?" tanong ni Edmond.


"Kaibigan ko lang" hindi ko naman kasi alam kung ano kami kaya iyon ang sinabi ko.

"Kaibigan mo lang pala. Kung makalapit at makakapit sa'yo akala mo naman asawa mo"
nakangising sabi ni Edmond. Pinandilatan ko siya ng mata pero sarkastiko pa itong
tumawa. Ramdam kong humigpit lalo ang yakap niya at alam kong galit na si Kristoff.

"Payo lang pare, ah. Bitaw bitawan mo si Ysabell. Pakakasalan ko pa iyan" biro ni
Edmond pero mukhang hindi iyon biro kay Kristoff. Hinawakan ko ang kamay niyang
nasa bewang ko at pati ang isa ng maramdaman kong susugurin niya na si Edmond. Mas
malaking tao si Kristoff at kahit pa malakas si Edmond at sanay din sa away, hindi
ko masisiguradong may pag-asa siya.

"Edmond. H'wag kang mag-biro kasi magagalit siya. Nag-bibiro lang naman ako sa
sinabi ko kanina. Hindi naman talaga kami mag-kaibigan. Akyat lang kami, Kuya"
paalam ko pero imbes na mainis o magalit si Kuya ay tinanguhan niya lang ako.

"Kristoff gusto ko ng pamangkin" sabi pa nito at hindi pinapansin ang kaibigan


nitong nakatanga lang sa amin. Hindi ko nalang din pinansin ang sinabi niya at
hawak ko ang dalawang kamay ni Kristoff habang hinihila siya paakyat. alam kong
masama niyang tinititigan si Edmond at pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil
sa hawak ko.

Pagkapasok nga namin ng kwarto ay pumutok na siya sa inis. Sinuntok niya ang pader
ng ilang beses ng pakawalan ko siya. Kung di ko lang siya niyakap sa likod ay hindi
siya titigil.

"Sino 'yong p*tang*nang iyon, Ysa? Pakakasalan ka niya? Kayo ba? ang kapal ng mukha
niya. Akin ka lang" sigaw pa nito. Namumula na ang mukha niya sa inis. Mabuti
nalang kahit papaano ay sound proof ang kwarto ko at p-pwede siyang mag-si-si-
sigaw.

"Dati si Kleidong demonyo ngayon naman iyon? Mas gwapo ba sa akin 'yon? ang liit
liit naman niya. Walang abs iyon, Ysa. Ako marami! D*rn it!" kinamot ko ang batok
ko. Paano napunta sa abs ang usapan?

"Umayos ka, Kristoff. Dumudugo na ang kamay mo, oh. Kumalma ka nga. Hindi ako
magpapakasal, okay? Wala silang gusto sa akin pati si Kleido" mahinahon kong sabi.

"paano mo nasabi? Hindi mo ba nakikita kung paano sila makatingin, ah? Katulad ng
kung paano kita tignan. May gusto din sila sa'yo! Nakakainis!" sagot niya sa akin.
Umiling ako.

"Bakit ang daming nagkakagusto sa'yo? Dapat ako lang. Ako lan-" lumapit na ako at
hinalikan siya. Ayaw kasing tumahimik. Sinabing wala silang gusto sa akin, ayaw
maniwala.

Tsk. Halik lang pala ang katapat.


---------------------------------

Hello :)

May bago po akong kaibigan. Pangalan niya dito sa wattpad, Littlebeshypupu. Follow
niyo po at paki-read ng story niyang BABY UNDER CONSTRUCTION. Salamat.

-Kath

=================

19

Chapter 19

Naging mas busy pa ang sumunod na araw sa amin ni Kristoff. Gabi na kung umuwi kami
at nakakapagod pero hindi parin naman niya ako kinakalimutan kahit na ganun na ito
ka-busy. Sinusundo niya parin ako ng may dalang bulaklak. Minsan nakikita ko nalang
na may coffee na sa table ko pagkatapos nitong mapadaan at sabay kaming kumakain ng
Dinner.

"Ito na 'yong files na kailangan ni Sir Kristoff, Ysa. Sabi kasi niya ibigay ko daw
sa'yo at ikaw na ang magbibigay sa kaniya" sabi ng sekretarya ni Fourth. Kinuha ko
iyon at tinanguhan siya bagotuluyang umalis. Nilapag ko iyon sa gilid ng table ko
at itinuloy ang pagbabasa sa mga papeles.

Malapit ko ng matapos iyon ng bigla akong nakarinig ng mabibilis na yapak. Lumingon


ako at nakita ko si Kristoff na sobrang dilim ng anyo. Tumayo ako at hinarap siya.

"Ysa, I'm f*cking mad. Please, tanggalin mo. Tanggalin mo, Ysa. I don't want to be
mad" nanghihinang sabi niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at nalilito. Hindi
ko alam kung paano ko tatanggalin ang sinasabi niyang galit.

"I don't wanna look like a monster, Ysa. I don't want it" nanghihinang sabi niya at
ihinilamos ang kamay sa mukha niya. Hinawakan ko ang braso niya tsaka ngumiti sa
kaniya.

"Wha'ts wrong? Bakit ka galit? May nangyari bang aya mo?" malambing kong sabi at
inayos ang medyo nagulo niyang buhok dahil sa kakasuklay nito ng marahas kanina.
Inayos ko din ang gulo gulo na niyang necktie. Ano bang problema ng lalaking ito at
mukhang binagyo? Ni-rape ba siya ng mga babae niya?

"Nagka-problema daw sa isa sa mga hotels namin sa Baguio. Ako ang sinabihan ni
Daddy na pumunta pero ayoko. Ayokong umalis. Ayaw kitang iwanan dito-"
"Then pupunta tayong dalawa kung gusto mo. H'wag ka ng magalit. Sasamahan kita at
sabay din tayong uuwi dito" sagot ko sa kaniya. Kung may ugali man si Kristoff na
alam na alam ko ay iyon ay kung ayaw niya ang isang bagay ay hinding hindi niya
iyon gagawin. Kaya kung ayaw niya dahil hindi niya ako makikita... ayaw niya dahil
hindi niya ako makikita?

"Ano ulit iyong reason mo, Kristoff?" kunot noo kong tanong.

Kinamot niya ang batok niya at sumandal sa table ko tsaka ako hinila palapit sa
kaniya. "Kasi hindi kita makikita ng ilang week. Ayoko ng ganun. Inayos ko na nga
iyong company rule para pwede tayo tapos bigla akong ipupunta sa baguio para ayusin
ang problema? No way! Dito lang ako sa tabi mo"

"Pinalitan mo ang company rule? anong part? bakit wala akong alam? Tsaka Kristoff
para ito sa kumpanya niyo!" nanlalaki ang mga matang sabi ko. Pinalitan niya ng
wala akong kaalam alam? Dati kasi tinatanong muna ako ni Mr. Dela Marcel pero pag
si Kristoff na kung ano talaga ang gusto iyon ang masusunod.

"Yeah. About the relationship. Pinalitan ko iyon pero hindi pa na-i-implement dahil
sabi ni Dad sa akin lang daw pwede iyon and wala akong pakialam kung tungkol sa
kumpanya namin ang pagpunta ko sa Baguio. Aanhin ko ang kayamanan na meron ang
pamilya ko kung hindi ko naman makakasama ang taong mahal ko. Gusto ko nandito lang
ako. Natatakot kasi ako na kapag hindi mo ako makita ay may iba ka ng magustuhan"
sagot niya. Napaka-imposible talaga ng lalaking ito kahit na kailan.

"Kristoff"

"Tanging ang halik lang na binigay mo sa akin ng gabing iyon ang pinanghahawakan
ko, Ysa. Hindi iyon Torid, Hindi iyon halik na masasabi sa iba dahil dumampi lang
ang labi mo sa labi ko ng wala pang isang minuto pero para sa akin iyon ang buhay
ko. Kaya nagagawa ko paring humarap sa'yo. Kaya nagagawa ko parin ang mga bagay na
ito, iyon ay dahil sa'yo at sa halik ng gabing iyon. Feeling ko kasi kahit konti
may nararamdaman ka sa'kin" mahaba at siryoso niyang sabi. KInagat ko ang labi ko
at umiwas ng tingin. Bakit ba kailangan niyang maging ganito ka-sweet?

"Hindi naman kita pinipilit na mahalin ako, Ysa, kasi maghihintay ako. Ayoko lang
na mawala ka sa mata ko. Malingat nga lang ako may Eddiot at Kleidimonyo na, paano
pa kaya kung isa o dalawang linggo akong mawala? Paano kung may mga lalaking mas
higit pa sa akin ang dumikit sa'yo? ano pang laban ko?" Suko na ako. Hindi dapat
pero kinikilig ako. Hindi ko alam na may lalaki pa palang ganito. Lalaking takot na
mawala ka. Lalaking handang gawin lahat para sa'yo. Nakakataba lang ng puso na
nakahanap ako ng isa.

Aminin ko man sa hindi, nahuhulog na ulit ako sa kaniya. Siguro dati pa pero ayoko
lang i-acknowledge dahil sa takot ko pero heto siya, Si Kristoff Uno Dela Marcel na
ginagawa ang lahat para sa akin.

"Mahal mo talaga ako?" tanong ko. Tinitigan niya ako at walang alinlangang tumango.
"Mahal na mahal, Ysa. Hindi ko alam kung sapat pa ba ang salitang iyon para sa
nararamdaman ko pero mahal kita. Walang halong biro, walang second thought, walang
pag-iisipan pa dahil ito..." hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa puso niya.
"...ay tumitibok lang para sa'yo" ihinilamos ko ang kamay ko sa mukha niya. Ang
corny na kasi niya. Though nakakakilig, ang corny parin!

"I love it when you're blushing, baby, but I'll love it more when you're blushing
because of me" Wala na talaga. Talo na ako. Bumibigay na ang tuhod ko pati ba naman
puso ko. Gaano ba kaluwag ang tali at nabaklas ni Kristoff?

"Let's eat. Malilipasan ka na naman" sabi nto at basta nalang akong hinila na
walang kadala-dalang gamit. Kahit kailan talaga.

Katulad ng m ga nakaraang araw ay nasa amin na naman ang tingin nila at biglang
magbubulungan. Yumuko ako at mahigpit na humawak sa kamay niya. Alam ko naman na
mali ito. Na maging ganito ka-close sa boss mo pero kasalanan ko ba? Alam kong
kahit hindi ako ang lumalapit ay nababaligtad ang sitwasyon sa mata nila.

"Hey, What's wrong?" Tanong niyo at inangat ang mukha ko. Umiling ako at tinanggal
ang kamay niya. Kapag nasa Office niya kami. Hindi ko ito nararamdaman pero kapag
nandito na kami sa baba at marami ng matang nakatingin ay hindi ko maiwasang hindi
isipin at hindi maapektuhan.

"Nahihiya ka?" Kunot noong tanong na naman niya. Iiling palang sana ako ng ilagay
niya ang mga braso niya sa likod ko. Lalo lang niyang dinadagdagan ang dumi sa utak
nila.

"Kristoff"

"Wala akong pakialam sa kanila. Isipin nila ang gusto nilang isipin pero ako?
Kilala kita Ysabell at alam ko kung sino ka. Ayokong nahihiya ang babaeng mahal ko"
siryoso niyang sabi at wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kaniya.

Palabas palang kami ng building ng makasalubong namin si Sir Kristian na may


kasamang baba. Hindi ko alam kung bakit masama itong nakatingin sa akin. Maganda
ito at namumula pa ang pisngi nito ngayon. May parte ng utak ko na nagsasabing
h'wag akong lalapit sa kaniya dahil sasaktan niya lang ako. Hindi ko alam kung
bakit ko ito nararamdaman.

"Hera" bulong ni Kristoff at lalong humigpit ang yakap sa akin na para bang
pinoprotektahan niya ako. Nilingon ko siya at siryoso lang itong nakatingin sa
akin. Hinalikan niya ako sa tuktok ng buhok ko at magsisimula na sana ulit kaming
maglakad ng lumapit ang babae at basta nalang hinalikan si Kristoff sa labi.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Feeling ko mauubusan na ako ng hininga. Kitang


kita ko kung paano dumikit ang labi niya kay Kristoff at ayoko. Ayokong may
humahalik sa kaniya. Sa akin lang siya. Humahapdi ang puso ko dahil sa paulit ulit
na pag-play sa utak ko ng nangyari. Mahigpit kong himawakan ang kamay ni Kristoff
sa bewang ko na para bang inuutusan siyang itulak ang babae. Ginawa niya nga at
mabuti nalang nasalo ni Kristian ang babae dahil kung hindi ay baka mapahiga na ito
sa sahig.

"KUya!" galit na singhal ni Kristian sa kapatid.

"Wala kang karapatan halikan ako, Hera. Hindi kita binigyan ng karapatan at hindi
kita bibigyan ng karapatan. Si Ysabell lang ang pwedeng gumawa ng mga bagay na
iyon. Si Ysabell lang ang pwedeng humalik sa akin!" Madiin niyang sabi. "Ilayo mo
siya sa akin, Kristian. Baka makalimutan kong babae siya"

I'm just falling, right? Hindi ko pa siya mahal diba? Pero bakit ang sakit ng
nakita ko. Bakit? Nalalaglag palang ba ako o hindi naman talaga nawala ang
pagmamahal ko sa kaniya noon pa?

=================

20

Chapter 20

Tinanggal ko ang seatbelt ko ng maiparada niya ang sasakyan niya sa harapan ng


bahay pero hindi pa ako umaalis. Nilingon ko siya at nakatingin lang din siya sa
akin.

"Susunduin nalang kita bukas?" tanong niya sa akin. Bukas na kasi ang punta namin
ng Baguio. Kasama siyempre ang dalawang anak niya. Ang pangit kasing tignan kung
kaming dalawa lang ang pupunta. Baka iba na naman isipin nila.

"Sige" sagot ko lang. Bababa na sana ako ng magsalita na naman siya.

"About the kiss, Ysa. It was nothing. Si Hera ang babaeng humalik sa akin. May
gusto siya sa akin, iyon ang paulit ulit niyang sinasabi at hindi ko alam na
dumating na pala siya galing ibang bansa. Wala akong gusto sa kaniya at-"

"Kristoff. I know. Sa akin ka lang" sabi ko at kinindatan siya bago hinalikan sa


pisngi at lumabas. Nakatanga lang ito sa nilabasan ko kaya kinatok ko ang bintana
niya na agad niyang binuksan.

"Ingat ka" nakangisi kong sabi. Para itong sinasapian na pinaandar ang kotse.
Gumilid naman ako at kumaway sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa
paningin ko.

Alam ko namang wala lang sa kaniya ang halik kanina ng babae. Nakita ko naman gamit
ang dalawang mata ko kung paano niya ito itulak kanina na para bang hindi na ito
babae. Siguro nga duikit ang labi ni Kristoff sa babae pero alam kong kahit anong
labi pa ang dumikit doon, sa akin lang iyon. Ako lang ang may karapatan hindi ba?

"Boyfriend mo nga talaga siya?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Agad ko
iyong tinignan at nakita ko si Edmond na may hawak na alak at pinaglalaruan gamit
ang dalawang kamay.

Ngumiti ako "Ang gwapo no?" biro ko pa pero mukhang hindi ata ito nakikipag-biruan.
Pinalagpas ko na ang pang-iinis niya kay Kristoff noon pero kung uulitin niya iyon,
ibang usapan na iyon.

"Bakit, Ysabell?" nangunot ang noo ko sa tanong niya. Anong bakit? "Bakit siya?
Bakit hindi ako?" nalilito ko siyang tinignan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Lasing ka lang Edmond, papasok na ako" sabi ko at akmang
lalagpasan siya ng mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at iharap sa kaniya. Agad
kong binawi ang braso ko dahil sa sakit ng pagkakahawak niya.

"Bakit hindi nalang ako, Ysabell? Mas kilala mo ako! Hindi kita sasaktan!" galit na
sabi niya. Binato niya ang baso ng alak sa daan na agad na nagkapira-piraso. Halos
mapatalon ako sa gulat sa ginawa niya. Hindi naman siya ganito. Hindi ganito ang
pagkakakilala ko sa kaniya.

Napakabait nito at mahilig magbiro. Hindi ko pa siya nakikitang magalit. Ngayon


lang. Ngayon ko lang siya nakikitang ganito.

"Bakit ba ang manhid mo? Hindi pa ba halata na matagal na kitang gusto? Bakit siya?
Mukhang hindi pa naman kayo ganoon katagal magkakilala pero boyfriend mo na?" may
gusto siya sa akin? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Tsk, baka dala lang iyan ng
alak na nainom niya. Baka nag-ha-hallucinate lang siya.

"Edmond baka dala lang iyan ng al-"

"B*llsh*t, Ysabell. Hindi ako lasing. Alam ko kung anong nararamdaman ko. Mahal mo
ba talaga siya? Ganon na ba kalakas ang pagmamahal mo sa kaniya, Ysabell?"
natahimik ako sa sinabi niya.

Nang makita ko si Kristoff kanina na may kahalikan, nasaktan ako. Ayokong makitang
mangyari ulit iyon. Ayokong may kahalikan siyang iba. Gusto ko ako lang. Gusto ko
sa akin lang. Sa kaniya lang ako kinikilig. Sa kaniya ko lang nararamdaman ang
pagkabog ng mabilis ng puso ko, ang panghihina ng tuhod ko at ang mga paro-parong
naglilipana sa tiyan ko kapag napapadikit sa kaniya. Siya lang. Sa loob ng ilang
taon, siya lang ulit.

"Hindi ka makasagot? Kasi hindi diba? Kasi may pag-asa pa ako? Ysabell ako nalang"
sabi niya at lumapit sa akin. Umatras naman ako ng umatras. Hangga't sa mahigit
niya ako.
"No. Kapatid lang ang turing ko sa'yo Edmond. Hanggang doon lang iyon. Wala ng
aangat pa doo-"

"Mahal na mahal kita, Ysabell. Hindi kapatid ang turing ko sa'yo. Magugustuhan mo
din naman ako hindi ba? Natututuhan naman iyon diba? Ysabell ako nalang" masuyong
sabi niya. Hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko kay Kristoff kapag hawak niya
ako. Walang kuryente. Wala.

"Mahal ko siya-"

"Hindi. Akin ka lang, Ysabell" sabi niya at mabilis akong hinigit at hinalikan.
Sobrang bilis ng pangyayari at natagpuan ko nalang ang sarili kong hinahalikan
niya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya para itulak siya pero ang higpit
ng pagkakahawak niya sa akin.

I'm f*cking in love with Kristoff. Siya lang. Siya lang din ang gusto kong humalik
sa akin. Gumalaw ang labi niya pero nanatiling nakatikom ang sa akin. I don't want
it. D*mn him. Kung hindi lang dahil sa sasakyang muntik ng bumangga sa amin ay baka
hindi niya ako nabitawan. Mabilis kong pinunasan ng likod ng kamay ko ang bibig ko
dahil sa nararamdamang pandidiri. Gusto kong umiyak dahil doon at mas lalo kong
gustong umiyak ng makita kung sino ang nasa sasakyan.

Magkasalubong ang mga kilay niya at madilim ang anyong nilapitan si Edmond. Walang
pasabing sinuntok niya ito. Hindi ako makagalaw. Natatakot ako. Hindi ko alam ang
gagawin ko. Hindi pa ito nakuntento at sinundan ng maraming suntok. Bumabawi man si
Edmond ay hindi naman nakakatama.

"Wala kang karapatang halikan siya! Don't you f*cking lay a fingger on what's mine"
sigaw ni Kristoff habang patuloy sa pagsuntok. Dumudugo na ang mukha ni Edmond pero
nagawa pa nitong ngumiti.

"Mahal ka ba niya? Hindi ka niya mahal dahil kung mahal ka niya hindi siya
magpapahalik sa akin" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Edmond. lalo lang nag-tiim
ang mga bagang ni Kristoff at pinaulanan pa ng suntok at sipa si Edmond na halos
wala ng malay.

"Kristoff!" sa wakas ay nahanap ko na rin ang boses ko. Tinawag ko si KUya sa loob
na agad namang lumabas.

"T*ngina hindi niya ako mahal pero mamahalin niya ako. Mamahalin din niya ako. Wala
kang karapatan. Dapat sa'yo pinapatay" patuloy na sabi niya. Sinubukan ni Kuyang
awatin pero nahihirapan siya dahil sa laking tao ni Kristoff at away niya talagang
tigilan si Edmond.

Alam ko may nagawang kasalanan si Edmond. Ginatungan pa kasi nito lalo ang galit ni
Kristoff pero sa anyo niya ngayon? Nakakaawa. Kahit papaano may pinagsamahan kami
at ayokong mangyari ito sa kaniya. Natatakot man ay lumapit ako at hinawakan ang
braso ni Kristoff.
Nilingon niya ako gamit ang nagbababaga niyang mga mata. Agad nanghina ang tuhod ko
sa galit niya pero pinatigas ko ang sarili ko at hinila siya palayo kay Edmond.
Agad na dinaluhan ni Nanay at Kuya si Edmond at tinakbo sa ospital. Nasaan si
Xienna? Sana natutulog na siya?

Naglabas ito ng panyo at marahas na pinunasan ang labi ko. Medyo masakit ang pag-
punas niya dahil sa diin noon pero hindi ako umangal. Ayokong magalit pa siya lalo.
Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong nagagalit siya dahil nakakatakot. Muntik na
siyang makapatay!

"You almost killed him!" mahina kong sabi. Sarkastiko itong tumawa at binato ang
panyo sa inis bago ako tinalikuran at ginulo ang buhok.

"Nagdilim ang paningin ko. Hinahalikan ka niya. Ako nga hindi ko magawa. Ako nga
hinihintay kong ikaw ang gumawa tapos siya pwede? Siya hahalik nalang kung kailan
gusto? Mabuti pala at naiwan mo ang cellphone mo sa kotse ko dahil kung hindi ay
hindi ko makikita iyon at hindi ko maiintindihan na hindi mo nga talaga ako mahal"
malungkot siyang humarap sa akin. Namumula ang mga mata nito na parang, Sh*t baby,
don't cry.

"Pasensiya ka na kung muntik ko na siyang mapatay. Hindi ko kayang kontrolin ang


sarili ko pagdating sa'yo. Lalo na ng sinabi niyang hindi mo ako mahal at hindi ka
naman magpapahalik kung mahal mo ako. Tama naman siya. Masakit lang kasi pagkatapos
mo akong halikan noon akala ko may pag-asa na. Akala ko malapit na. Pinaasa mo ako,
eh. Pinaasa ako ng halik mo. Iyon na nga lang ang pinanghahawakan ko tapos makikita
kitang kahalikan siya? Tang*na ano pang laban ko?" tuluyan ng bumagsak ang luha
niya. Gusto ko iyong punasan. Gusto kong sabihin na hindi ko ginusto ang halik.
Gusto kong i-assure sa kaniya na sya. Siya ang lalaking gusto ko at ang lalaking
mahal ko. Siya lang walang iba. Para akong sinasaksak sa nakikita ko sa kaniya.
Nasasaktan ko siya. Nasaktan ko na naman siya.

"Pero bakit kahit anong sakit. Kahit anong durog mo sa puso ko, Ikaw parin. Bakit
mahal na mahal parin kita?" marahas niyang pinunasan ang luha niya at agad na
pumasok sa sasakyan niya. Maglalakad sana ako palapit pero nakarinig ako ng sigaw
sa loob.

"Don't!" kinagat ko ang labi ko. "Don't, please. Ayokong makarinig ng salita galing
sa'yo kung alam kong sasabihin mo lang din na hindi mo ako mahal. Tama na muna
'yon. Bigyan mo naman ako ng oras na buuin ang sarili ko at ang puso ko. Babalik
din naman ako sa'yo. Ikaw lang naman ang bumubuhay sa akin"

=================

21

Chapter 21

Kahit na hindi ko alam kung makakasama pa ako sa Baguio ay umasa parin ako. Umasa
akong kinabukasan ay makikita ko siya sa labas ng bahay ko na may dala dalang mga
ngiti. Kapag nangyari iyon, nangangako akong kakausapin ko siya. Sasabihin ko ang
nararamdaman ko at hinding hindi ko na siya sasaktan, intentionally. Alam kong
napakalaki ng hinihingi ko pero sana bukas, sana lang... nandoon siya.

Hindi pa ako tapos sa paglalagay ng gamit ay biglang bumukas ang pinto ko. Galit na
galit si Ylalak habang nakatingin sa akin.

"Ysa, Bakit ginawa iyon ni Kristoff? Anong ginawa ni Edmond para gawin iyon ni
Kristoff? Malala ang lagay niya dahil sa p*tang*nang boyfriend mo. Tao pa ba iyon o
halimaw na nagtatago sa katawan ng tao?" galit na singhal niya sa akin.

"Kung hindi ako hinalikan ni Edmond kuya hindi gagawin ni Kristoff iyon. Pinagselos
niya si Kristoff kuya. Masama iyon magalit" paliwanag ko. Lalong naningkit ang mga
mata niya.

"Hindi mo pa siya asawa, Ysa para magalit siya ng ganun. Halik lang iyon. Lasing si
Edmond-"

"Hindi lang iyon simpleng halik, Kuya. Hindi lang iyon basta basta halik. Hindi ko
iyon ginusto at ipinilit ni Edmond ang sarili sa akin kaya nangyari iyon sa kaniya"
singhal ko kay Kuya. Nagulat siya at tinitigan ako na para bang tinatanong kung
nagsasabi ako ng totoo. halik nga lang iyon pero paano kung hindi dumating si
Kristoff? Paano kung may iba pang nagawa si Edmond? "Natahimik ka? H'wag mong
huhusgahan si Kristoff, Kuya kasi kung wala siya baka kung ano na ang nagawa sa
akin ni Edmond" sabi ko at nanghihinang napaupo.

Naalala ko na naman siya at naiiyak lang ako lalo. Ang dami niyang ginawa para sa
akin. Ang dami niyang sinakripisyo at andami niyang binigay para sa akin pero ako?
Parati nalang sakit? Hindi ko makalimutan ang mga sinabi niya. Hindi ko makalimutan
kung paano siya umiyak dahil sobra na siyang nasasaktan.

"Kuya galit na sa akin si Kristoff" bulong ko at hindi ko na napigilan ang sarili


ko at napaiyak.

"I'm sorry. Hindi ko alam" Yumakap siya sa akin. Lalo lang akong napahagulgol.
"Kung mahal ka niya at alam niyang mahal mo siya hindi siya maniniwala sa halik na
iyon"

"Hindi naman niya alam na mahal ko siya. Hindi ko pa naman kasi naaamin sa sarili
ko na mahal ko siya hanggang sa kanina. Nasaktan ko na naman siya, Yllak. Umiyak
siya kanina. Paano kung nagsawa na siya sa akin? Paano kung hindi na niya ako
mahalin pagkatapos ng nangyari?" pinunasan ni Yllak ang mukha ko at inipon ang
buhok ko tsaka nilagay sa isang side lang ng balikat ko.

"Tahan na. Papangit ka niyan lalo kang hindi gugusuhin ni Kristoff. Marami pa
namang nagkakandarapa sa kaniya at baka nakakalimutan mong milyon ang halaga ng
boyfriend mo ayon sa Bachelor's magazine" sinapak ko nga siya. Natatakot na nga ako
dito tapos lalo niya pa akong tinatakot.
Pagkatapos naming mag-usap at iniwan niya na ako doon. Tahimik lang akong nakaupo
sa gitna ng kama ko. Paulit ulit na lumilingon sa cellphone ko at umaasang may
kahit isang text siya. Gusto kong sabihin niya na darating siya bukas. Na hindi na
siya galit. Na mahal niya ako. Pero wala. Kinagat ko ang labi ko at humiga. Niyakap
ko ang sarili ko at sinubukang matulog.

NAKASAMPUNG beses na ata akong tumingin sa bintana. Kapag may maririnig akong
sasakyan ay agad akong tumatakbo at tumitingin pero paulit ulit lang akong
nadidismaya. Alas-otso na ng umaga at ito ang oras ng usapan namin pero hanggang
ngayon wala pa siya.

Alam kong may posibilidad na hindi na niya ako isama pero umasa kasi ako. Umasa
akong makikita ko siya. Umasa akong makakapag-usap kami ng maayos. Kinagat ko ang
labi ko dahil sa nag-babadyang luha.

"Kanina ka pa diyan, Anak. Wala pa ba si Kristoff?" tanong ni Nanay. Yumuko ako at


tumango. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niyang sofa. Ayos na ayos pa naman
ako para sa biyahe. Isama mo pa ang mga gamit kong nasa bag na pero hindi niya pala
ako sisiputin.

"Galit kasi siya, Nay. Baka hindi na nga niya ako siputin. Baka hindi na siya
magpakita sa akin ngayon" mapait akong ngumiti at humilig sa balikat ni Nanay.
Hinaplos niya naman ang buhok ko katulad ng ginagawa niya noong bata ako kapag
umiiyak ako o nadadapa.

Lumaki kami ni Yllak na si Nanay nalang ang kasama. Naaalala ko pa noon na nag-
aagawan kami ng atensiyon kay Nanay. Nagpapagalingan at kung ano ano pa. Hanggang
sa magkasundo kami na nga kami.

"Nag-selos siya sabi mo. Hayaan mo munang mawala ang selos niya. Babalik din iyon,
Anak. Sinabi niya namang babalik siya hindi ba?" malambing na sabi ni Nanay. Iyon
nalang ang pinaghahawakan ko pero paano kung sumuko na siya at baliin niya iyon?

Umayos ako ng upo ng makarinig ako ng paghinto ng sasakyan. Exxcited akong tumingin
sa bintana at muling nadismaya ng makitang ibang sasakyan ang huminto. Bumukas iyon
at iniluwa... Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito? Nasaan si Kristoff?

Hindi pa man sila nakakarating ng pinto ay binuksan ko na iyon. Napangisi si Sir


Dos sa ginawa ko.

"Hey, Ysabell" sabi nito.

"Good morning" sabi ni Tres.

"Pwede ba kaming makikain?" laglag ang panga ko sa sinabi ni Sir Fourth. Binatukan
ito ng mga kapatid at ngumiti sa akin. Nakakaduling sila tignan lalo na at halos
magkakamukha at pare-parehas ng kulay ng mata. Nami-Miss ko lalo si Kristoff.

"Pasok kayo, Sir-"

"Ysabell naman. Ikakasal na kayo ni Kuya at lahat tatawagin mo parin kaming Sir?"
kunot noong sabi ni Dos. Namula naman ako at umiwas ng tingin bago sila pinapasok
sa bahay namin.

"Alam mo bang pupunta kami dito kaya nakapag-pack ka na ng damit?" kunot noong
tanong ni Tres.

"Good Morning po, Tita" bati nila kay Nanay.

"Umupo kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain" sabi ni Nanay.

"Hindi. Dapat kasama ako ni Kristoff papuntang Baguio pero may nangyari kagabi at
nagalit siya kaya sa tingin ko hindi na niya ako isasama" nagpapasalamat ako at
hindi pumiypok ang boses ko habang sinasabi ang mga iyan. Yumuko at pinaglaruan ang
daliri ko.

"Sabi na nga ba, eh. Kaya siya bad mood. Ikaw lang naman ang nakakasira ng mood ni
Kuya ng ganoon" umangat ang tingin ko Kay Dos.

"Nag-madaling araw na si Kuya papuntang Baguio" gusto kong umiyak sa sinabi ni


Fourth. Iniwan na talaga niya ako. Ganun ko siya nasaktan at nagawa niya akong
iwan.

"Hey, h'wag kang umiyak. Magagalit si Kuya kapag nalaman niyang pinaiyak ka namin!"
sabi ni Fourth na mukhang hindi alam ang gagawin ng makitang umiiyak na ako.
Hahawakan na sana niya ako ng tapikin ni Dos ang kamay niya.

"Bawal! Magagalit si Uno! Sige ka!" singhal pa nito sa kapatid. Ang kukulit nila.
No wonder makulit si Kristoff kasi pare-parehas lang pala sila.

"Nagpunta kami dito para sabihin sa'yong tutulungan ka naming makapunta sa baguio
at idadala ka namin kay Kuya Kristoff" pinunasan ko ang luha ko at lumingon kay
Tres. Bahagyang umangat ang isang bahagi ng labi nito "Sa isang kondisyon" sabi
niya.

"Ano 'yon?" mabilis kong tanong. Alam kong ayaw akong makita ni Kristoff pero gusto
ko siyang makita at magpapaliwanag ako. ayokong nagagalit siya. Ayokong ganito
kami. Hindi na ako sanay.

"Mahal mo ba si Kuya?" sabay sabay nilang sabi.


"Mahal ko siya" walang alinlangan kong sabi at nginitian nila ako tapos nag-High-
five silang tatlo. Para naman nila akong pinaglalaruan.

"Sabi kasi ni Daddy ay ipunta ka namin kay Kristoff dahil baka imbes na maayos ay
lalo pang gumulo ang hotel doon dahil sa galit nito. Ihahatid ka lang namin gamit
ang private helicopter at ibibigay namin sa'yo ang susi ng kwarto niya. Ikaw na ang
bahala sa lahat, okay?" mabilis akong tumango. Kinuha ni Dos ang gamit ko at sakto
namang lumabas si Nanay.

"Hindi na ba kayo kakain?" tanong ni Nanay na may dala dalang cookies.

"Tita may Jar ba kayo?" tanong ni Fourth. Tumango si Nanay at nilapag ang Cookies
sa table. Pagbalik niya ay may dala dala na itong hindi kalakihang jar.

"Akin nalang po ito, huh?" sabi ni fourth at walang pasabing nilagay lahat ng
cookies sa jar bago tinakpan. Natatawa nalang si Nanay sa ginawa nito. Nagpaalam na
kami at ng makalabas ay doon pinagbabatukan ng magkapatid ang nakababatng kapatid.

"Para kang hindi kumakain!" singhal ni Dos pero si Fourth ay walang ginawa kundi
kainin ang cookies. Ang cute nilang magkakapatid.

Katulad ng napag-usapan ay hinatid nila akong tatlo gamit ang private helicopter
nila hanggang baguio. Para silang body guard ko pero hindi naman sila dumidikit sa
akin dahil magagalit daw ang kuya nila.

"Thank you" pasasalamat ko ng mahatid nila ako hanggang sa inuukupang kwarto ni


Kristoff.

"Tsk. Pasayahin mo lang si Kuya, Ysabell. Okay na sa'min 'yon" sabi ni Tres at
akmang guguluhin sana ang buhok ko ng biglang may maalala at mabilis pa sa alas
kwatrong nilipat ang kamay sa bulsa.

"Ako okay na sa akin. Ang sarap ng cookies, eh. Pahingi ulit next time" sabi ni
Fourth at nakatikim na naman ito ng masamang tingin.

Pagkatalikod nila at huminga ako ng malalim at binuksan ang kwarto gamit ang susi
ko. Binuhat ko ang gamit ko at pumasok. Tahimik naman ang buong paligid. Katulad ng
Condo niya ay asul na asulo ang tema ng buong kwarto. may mga mamahaling mwebles
din at mahahabang kurtina na umaabot hanggang sa lapag. Iisa lang ata ang kwarto
dahil iisa lang ang nakikita kong pinto. Sumilip muna ako bago ko binuksan at ng
walang tao ay pumasok ako at nilagay sa tabi ng bagpack ang gamit ko. Hula ko ay
kay Kristoff iyon dahil asul na asul ang kulay.

Umupo ako sa kama at bumuntong hininga. Nasaan kaya siya?

Tinanggal ko ang sapatos kong suot at hihiga palang sana ng makarinig ng pagbukas
ng pinto. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto at nakita ko nga ang hinahanap
ko. Madilim ang anyo niya at mukhang pagod na pagod. Parang kinukurot ang puso ko
sa nakikita kong itsura niya. Umangat ang tingin niya sa akin.

"Ysa" kunot noo niyang sabi na para bang hallucination niya lang ako.

Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at niyakap siya. Naramdaman kong nanigas
siya sa ginawa ko pero hinigpitan ko lang iyon at nakuntento sa dibdib niya. Ang
bango niya.

Nahihiya akong humiwalay sa kaniya ng wala akong maramdamang yumakap din sa akin.
Naiiyak na naman ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi niya na ako gusto. Ayaw
na niya sa akin. Tahimik lang akong nakayuko habang nasa harapan ko siya. Kinagat
ko ang labi ko para h'wag umiyak.

"Sino ang nagdala sa'yo dito?" malamig niyang tanong.

"Mga kapatid mo. Sila nagdala sa akin pero kung ayaw mo aalis nalang ako" ilang
beses pumiyok ang boses ko habang sinasabi ko 'yon. Nahihiya ako pero pinagdadasal
kong hindi niya napansin iyon. Umatras ako at naglakad palapit sa kwarto. Hindi
niya ako sinundan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Matutuwa dahil hindi
niya makikita na umiiyak na ako dahil sa kaniya o hindi.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at hinarap
siya. Kunot noo niya akong tinignan.

"Bakit ka nandito, Ysa? Kung naaawa ka lang sa akin kaya ka nandito, umuwi ka
nalang. Ipapahatid kita-"

"Hindi na kailangan. Ako ang may gustong pumunta dito sa'yo. Ako nalang ang aalis.
Ito pala yung susi na binigay sa akin ni Dos" sabi ko sabay abot sa kaniya pero
hindi niya kinuha. Tinitigan niya lang iyon bago tumingin sa akin diretso sa mata.

Tinukod niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Napaakyat ako sa kama pero
kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan sa magkabilang gilid ko. Kinagat
ko ang labi ko at umiwas ng tingin pero parang hinihila niya ang mga mata ko
pabalik sa kaniya. Para akong nauubusan ng hininga sa lapit ng mukha niya sa akin
Ano bang gagawin niya?

"Bakit ka ba talaga nandito?" malambing niyang tanong pero ganoon parin naman ang
tingin niya.

"Hindi mo ako sinundo. Sabi mo isasama mo ako. Naghintay ako, Kristoff. Bakit hindi
mo ako sinundo! Kung galit ka dahil sa nangyari kagabi, hindi ko naman ginusto
'yong halik. Hindi ko lang talaga siya maitulak kasi mas malakas siya sa ak-"

"May karapatan ba ako para magalit, Ysa? Wala naman hindi ba? Manliligaw mo lang
ako. Isa lang ako sa gabundok ng lalaking nagmamahal sa'yo. Anong pagkakaiba ko?
Wala naman hindi ba?" malungkot niyang sabi. Gusto kong hawakan ang mukha niya at
iharap sa akin dahil yumuko ito pero hindi ko magawa dahil mahigpit niyang
hinahawakan ang mga kamay ko.

"Mahal kita, Kristoff" sa gulat niya ay napatingin siya sa akin. Nabitawan niya ang
kamay ko pero nanatili siya sa ganong pwesto. Nakatitig lang siya sa akin hanggang
sa umiling iling ito.

"Mahal mo ako kasi naaawa ka? Naaawa ka lang sa akin, Ysa.  Matagal ko ng
hinihintay 'yan pero please lang. H'wag mo naman akong paglaruan" sabi niya. Nakita
ko kung paano naningkit at nagsiryoso ang mukha niya pero hindi non maitago ang
sakit sa mga mata niya. Bakit ba ayaw niyang maniwala.

"Kristof-"

"No. Masakit pa, Ysa. H'wag mong dagdagan" sabi niya at akmang aalis pero hinila ko
ang necktie na suot niya palapit sa akin at saka ipinaikot ang mga braso sa leeg
niya.

"Mahal Kita, Kristoff. Nilaglag mo ako tapos hindi ka maniniwala?" inis kong sabi
bago siya hinalikan.

-------------------

Hello po:) Kamusta po ang pagbabasa ng stay with me? Pwede na bang pantapat sa One
Wild Night? Anong mas maganda sa dalawa?

-Kath.

=================

22 (Warning! SPG)

Chapter 22

ESPEGE!!!

Isang simpleng halik lang iyon. Simple lang dapat pero bakit ang lalim na ngayon?
Ang kaninang nakatukod lang na mga kamay niya at naglalaro na sa may likuran ko at
tinutulak ako palapit sa kaniya. Hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa
sensasyong dinudulot niya sa akin. Ngayon lang... ngayon lang ako nakaramdam ng gan
itong init na parang sinsisilaban ako pero gusto ko parin.

Humiwalay siya at tinignan niya ako ng mariin. Magsasalita palang sana ako ng
atakihin niyang muli ang labi ko. Mas mapusok. Mas mainit. Mas nang-aakit. Tuluyan
ng nanghina ang katawan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at tinugon ang maiinit
niyang halik. Wala na ako sa tamang huwisyo para tumutol pa. Aminin ko man kasi sa
hindi. Nagugustuhan ko kung anong ginagawa namin.

Napaliyad ako ng bumaba ang halik niya. Tuluyan na niya akong hiniga sa kama.
Napamulat ako ng umangat ako at ilagay niya ako sa gitna ng kama. Masuyo niya akong
tinignan at hinaplos ang pisngi ko.

"Are you sure? about what you feel? about this?" malambing niyang tanong. Gusto ko
siyang hilahin at halikan dahil bitin na bitin ako.

"Mahal kita, Kristoff. Iyon ang alam ko" nahihiya ako dahil sa sobrang paos ng
boses ko. Ngumisi siya at sinuklay palayo sa mukha ko ang ilang nagkalat na buhok.

"Beautiful" wala sa loob na sabi nito bago ako muling tinitigan sa mata "If you
love me, Then stay with me. Naiintindihan mo, Ysa?" tanong niya at tumango tango
ako. Mas lalo pang lumawak ang ngisi niya. "Then wala ng problema. Hindi ko na
kayang magpigil. Pakakasalan naman kita"

Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil muli niya akong hinalikan at muli na
naman akong nakalimot. Hindi ko na namalayan na nakapasok na pala sa loob ng suot
kong damit ang mga kamay niya. Ang init ng palad niyang humahawak sa katawan ko ay
lalong nagdadagdag ng init sa kalooban ko. Lalo lang niya akong binabaliw sa sarap.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko kasabay noon ay naramdaman ko ang isang kamay niya
sa tuktok ng dibdib ko dahil ang isa ay busy sa pagbabaklas ng butones ng shorts na
suot ko. Hindi ko mapigilang hindi mapadaing. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan
ang sarili ko pero ng maramdaman ko ang kamay niyang unti unting minamasahe ang
kaliwang dibdib ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Minulat ko ang mata ko ng huminto siya. Madilim ang mata niya habang unti unting
tinatanggal ang suot niyang damit. Init na inis ito at halatang nanginginig pa ang
kamat habang tinatanggal ang neck tie niya. Ngumisi ako, hindi lang naman pala siya
ang may epekto sa akin. Umupo ako at lumapit sa kaniya. Hinalikan ko siya habang
gumagalaw ang mga kamay ko para tanggalin ang mga butones ng suot niya.

Pagkatapos ko ay mabilis niya ring inangat ang laylayan ng suot ko at Tinanggal ang
bra ko. Muli niya akong hinalikan at naglakad palapit sa akin habang napapaatras
ang mga paa ko. Hanggang sa tuluhan na akong mapahiga ulit sa kama at kumubabaw
siya sa akin. Ang init ng katawan niya!

"I love you, Baby" rinig kong bulong niya bago hinila ang shorts ko. Bumalik ang
isang kamay niya sa dibdib ko habang ang isa ay walang sawang hinihimas ang pang-
upo ko. Para akong kinukuryente at hindi alam ang gagawin.

"Touch me baby, please" nanghihinang sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at siya
mismo ang naglagay non sa may tiyan niya. Ang tigas! pero hindi ko na rin iyon
napag-tuunan ng pansin ng maramdaman ko ang kamay niya sa garter ng panty ko at
unti unting binababa. Sh*t.

"You want me, baby?"

Sh*t ngayon ka pa nagtanong? Bakit hindi mo nalang bilisan ang ginagawa mo! Ang
tagal mo!

"Kristoff~" daing ko ng maramdaman ko ang kamay niya 'doon'.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ayokong tumayo o
gumising dahil ang sakit ng katawan ko. Hindi ako tinigilan ni Kristoff hanggang
hindi ako nakatulog. Niyakap ko ang unan sa gilid ko pero nagmulat din ako ng mata
ng makarinig ako ng mahihinang tawa.

Sinamaan ko ng tingin si Kristoff na nakasandal sa may pinto papuntang veranda at


may hawak na kape habang nakatitig sa akin. May suot na itong asul na pajama at
walang pang-itaas kaya kitang kita ko ang tattoo sa V-Line niya. Naiinis ako sa
sarili ko dahil nagawa ko pang titigan ang mga pandesal niya gayong masakit pa ang
katawan ko sa nangyari kagabi.

"H'wag ka ngang tumawa! Nakakairita ka!" singhal ko at tinalikuran siya. Pinikit ko


ang mata ko at sinubukang matulog ulit ng biglang umalon ang kama at may yumakap sa
akin mula sa likod. Hinarap niya ako sa kaniya at ngising ngisi parin siya. Ano
bang problema ng lalaking ito? May sapi na naman ba?

"I love you" sabi niya at hahalikan sana ako pero mabilis kong hinilamos ang kamay
sa mukha niya.

"H'wag mo kong masabi-sabihan ng ganiyan Kristoff. Hindi mo ako madadaan sa


ganiyan. Masakit pa katawan ko!" masungit kong sabi sa kaniya. Iiling iling nalang
ito habang nakangisi sa akin.

"What? Sinasabi ko lang na mahal kita, baby. Wala akong gagawin na hindi mo gusto"
sabi niya sabay kindat. Nakakainis. Iba kasi iyong ngiti niya parang nagyayaya o
kaya ay walang pinaplanong maganda.

"Wala ka bang trabaho? Umalis ka na nga" pagtataboy ko sa kaniya pero mukhang wala
atang epekto lahat ng gawin at sabihin ko dahil nakangisi lang siya.

"Hindi kita iiwanan dito knowing that you're not okay and it's my fault pero hindi
ko iyon pinagsisisihan. Iyon na ata ang pinakamagandang gabi ko simula ng ipanganak
ako" feeling ko natunaw sa kilig ang puso ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya
iyon.

"May trabaho ka pa, eh. Okay lang naman ako dito. C'mon Kristoff" paghihikayat ko
pero umiling lang siya at sumubsob sa leeg ko. Tsk. Hindi ko alam kung bakit may
suot na akong damit pero mabuti nalang at mayroon na dahil natatakpan noon ng konti
ang leeg ko.

"I don't wanna. Gusto ko dito lang ako. Kahit ngayon lang. Bukas magta-trabaho na
ako. Dito muna ako ngayon. Aalagaan kita" minasahe niya ang pisngi ko bago
hinalikan at walang pasabing binuhat ako.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko habang buhat niya ako.

Hindi pa man nakakasagot ay nilapag na niya ako sa ilan sa mga high stool sa kusina
niya. May breakfast ng nakahanda doon pero puro bacon at hotdog. Vegetarian ako,
eh.

"Vegetarian kaya ako" bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.

"No. Ayokong kumakain ka ng damo. May pera ako at kaya kitang ibili ng gusto mo
h'wag lang damo" sinamaan ko naman siya ng tingin at sinimangutan.

"Hindi iyon damo. Iyon ang gusto kong kainin. Ayoko niyan" nakangusong sabi ko.
Sinubukan kong tumayo pero muntik na akong matumba ng maramdaman ko ang hapdi doon.
Kung hindi lang ako nasalo ni Kristoff, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.

"Kung may gusto ka. Sabihin mo sa akin. Muntik ka ng nasaktan, oh" madiin pero may
lambing niyang sabi. "Tell me what you want, Ysa. Ibibigay ko sa'yo. Lahat lahat"

It's my time para ngumisi. Kinunutan niya ako ng noo ng makita ang pagngisi ko
"Paano kung ikaw ang gusto ko? Ibibigay mo ba Kristoff? Magiging akin ka ba?" sabi
ko.

"Tsk. Matagal mo na akong pag-aari. Kagabi mo lang akong tinanggap" lalo akong
ngumiti sa sagot niya.

Kunot noo ko siyang tinignan ng may kinuha ito sa bulsa ng pajama nito. Inilapag
niya sa harapan ko ang asul na box. Tinignan ko siya at binuksan iyon. Sh*t. H'wag
mong sabihing...

"That's my mark, baby. Wear it and I'll stay forever with you. Isuot mo lang at
sasambahin kita"

--------------------

Twist or not?

=================
23

Chapter 23

"Hindi ka safe doon, Ysa" sabi niya pero wala na siyang nagawa ng hilain ko siya
papasok sa jeep. Ako sa may pinakadulo at tabi ko siya. Ayaw daw niyang may katabi
akong iba. Mahigpit pa nga siyang nakahawak sa bewang ko at wala nalang akong
ginawa kundi ngumiti sa ka-sweetan niya.

"Bayad po" sabi ko at inabot ko 'yong 50 pesos sa tabi niyang lalaki. Nasa akin
kasi ang wallet niya. Alam ko kasing kapag hawak niya iyon ay siya na naman ang
gagastos ng lahat.

"Mainit" rinig kong reklamo niya pero sumiksik siya sa akin at niyakap pa ako?
Mainit o nanglalandi ka lang?

Maya maya ay umandar na ang sasakyan. Bumaba kami ng makita namin ang napakalaking
sign ng burnham. Nag-aya kasi siyang mamasyal kanina. Ayaw niya pa namang pumasok
sa trabaho kaya pumayag nalang ako. Imbes na kamay ko ay nakuntento ang kamay
niyang nakahawak sa bewang ko.

"Kristoff, turuan mo ako mag-bike" masayang sabi ko ng makakita ako ng nakahilerang


bike sa gilid. Hindi kasi ako marunong dahil ayaw ni Yllak. Pang_lalaki lang daw
kasi iyon.

"Ayoko. Paano kung nalaglag ka? Nasugatan ka? or mas malala pa don?" kunot noong
tanong niya. Over-protective! Feeling ko tuloy isa akong babasaging vase na
kaonting laglag lang ay mababasag na! Hindi naman ako ganun! Gusto ko lang subukan.

"Sige na, Kristoff. Nandiyan ka naman, eh. Hindi mo naman ako hahayaang masaktan
diba?" malambing kong sabi.

"Kahit na-"

"Sige na naman" pagpupumilit ko at maya maya ay tumango siya, Malawak akong ngumiti
at pumalakpak bago siya hinila sa mga nakaparadang bikes.

"Manong magkano po?" tanong ko.

"80 lang po ma'am" sagot nito. Mabilis akong naglabas ng pera at kinuha ang bike.
Ayaw naman kasi ni Kristoff. babantayan niya nalang daw ako at tuturuan.

Ilang minuto pa ay na-enjoy ko na ang pag-ba-bike. Hindi pa ako marunong at


pagewang gewang parin. Ilang beses akong muntik ng mabangga sa ibang nagba-bike at
ilang beses na ding muntik na natumba pero bigla nalang nasa gilid ko si Kristoff.
"H'wag kasing sa paa nakatingtin, Ysa. sa daan ka tumingin" nginitian ko siya.
Sinubukan ko ulit pero nagulat ako ng makitang andami ng naka-bike na papunta sa
direksiyon ko. Kinabahan ako at ililiko ko sana ng biglang gumewang. Kaagad akong
nakaramdam ng panic at binitawan ko ang manibela tsaka inihanda an g sarili ko sa
pagbagsak pero imbes na simento ay sa malambot na bagay ako bumagsak.

"Geez, woman. Tumigil ka na! Ako ang pinapatay mo. Paano kung nagalusan ka?
Sinasabi ko na kasing hindi magandang ideya ito!" minulat ko ang mata ko at nakita
ko si Kristoff na mahigpit akong hawak. Wala na ang mga nag-ba-bike na papunta sa
direksiyon namin.

"Gusto ko lang matuto" nakanguso kong sabi. Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi
ko kaya umangat ako ng tingin sa kaniya.

"You fine? Nagalusan ka ba? May masakit ba?" tanong niya at umiling ako. Doon lang
siya nakahinga ng maluwag. Kinuha na niya sa akin ang bike at siya ang sumakay.
Naguguluhan ko siyang tinignan.

"SaKay ka nalang. Ako nalang mag-pe-pedal at sa harap nalang kita. Para kahit
papaano feeling mo ikaw ang nag-ba-bike" mabilis ko naman siyang sinunod.

Ang galing niya. Ilang beses kaming muntik bumabangga sa iba pero naililiko niya
kaagad. Naiinggit ako kasi may mga batang kasing-edad lang nila Kris ang nag-ba-
bike din at sobrang galing nila habang ako ang tanda na pero hindi marunong.

Binalik na ni Kristoff ang bike. Hinintay ko siya dito sa malapit sa fountain kasi
sabi niya siya nalang daw at baka mapagod pa ako.

"Here. Para hindi ka na malungkot" lumingon ako sa kaniya at sa hawak niya. May
Icecream na strawberry flavor. Ayoko 'yong flavor na 'yon eh.

"Gusto ko yan, eh" sabi ko sa kinakain niya. Chocolate flavor kasi iyon at mahal na
mahal ko talaga ang chocolate.

"Hmmm... ibibili nalang kita-"

"Palit nalang tayo. Akin nalang iyan. Sa'yo nalang yang strawberry" sabi ko.
Binigay niya naman sa akin iyon. Hindi naman ako maarte. Ngayon pa ba ako mag-
iinarte, e, nagawa na nga namin iyon.

"Saan tayo pupunta, Kristoff?" tanong ko. Naglalakad lang kasi kami ng naglalakad.

"Gusto mo mag-boating?" tanong niya pero umiling ako. Ayoko iyon. Hindi ako
marunong lumangoy.
"Tsk. Ang kalat mo kumain" kumento niya pero nakangiti siya. Nagulat nalang ako ng
yumuko siya at halikan ang magkabilang gilid ng labi ko. Uminit ang pisngi ko lalo
na at ang damit nakatingin! "'Yan malinis na" tinampal ko nga ang balikat niya.

"Bakit?" nangingiting sabi niya. Umirap nga ako.

"Ang dami kayang nakatingin, oh!. May tissue naman akong dala, ah" sabi ko.

"Sayang ang tissue. Pwede namang ako nalang mag-alis" sabi niya at kinindatan ako.
Umiling nalang ako tinuloy ang pagkain. Mga galaw niya talaga. Ibang iba.

Agad akong lumingon ng bumukas ang pinto. Pumasok na kasi kaninang umaga si
Kristoff. Ayaw niya pero kailangan. Hindi naman kami nagpunta dito para mag-
honemoon. Nag-punta kami dito para ayusin ang gusot na nangyayari sa hotels nila.
Katulad ng kahapon ay kunot na kunot na naman ang noo niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at tumingkayad para bigyan siya ng halik. Mabilis
lang din naman iyon ay tuluyan na ngang nawala ang inis niya. Pinaikot ko ang mga
braso ko sa leeg niya at ganun din naman siya kaso sa bewang ko.

"How's your day?" tanong ko. Imbes na sagutin ay ilang beses niya akong pinaulanan
ng mararahang halik tsaka ngumiti ng makita ang suot ko. Umirap ako pero nakangiti
parin.

Paano ba naman ang loko ayaw akong pagsuotin ng pang-itaas na damit ko. Tinago pa
talaga niya lahat ng dala dala kong dress at mga T-Shirt o blouse. Gusto daw kasi
niya na nadadatnan ako o nakikitang damit niya ang suot ko.

"Sana ganito parati. Pagkatapos ng nakaka-stress na trabaho, dadatnan ko ang


maganda kong misis sa bahay at hahalikan ako. Tatanungin ako tungkol sa mga
nangyari at ikukwento ko sa kaniya habang yakap ko siya ng mahigpit" ngumiti ako ng
higpitan niya rin ang yakap sa akin katulad ng sinasabi kita. Pinisil ko ang ilong
niya.

"Palit ka na. Anong gusto mong ulam?" tanong ko. Sumimangot naman siya ng humiwalay
ako sa kaniya. Tatlong araw na kami dito at halos ayaw niyang humiwalay sa akin.
May time na nagluluto ako tapos maya maya ay mararamdaman ko nalang na may
nakayakap na sa akin.

Ramdam kong inaalagaan talaga niya ako. Kung hindi nga lang sa pagpilit ko sa
kaniya ay baka hindi na ito magtrabaho. Hinalikan niya pa ako bago tuluyang pumasok
sa kwarto namin. Namin. Ang sarap pakinggan na may kami. Na akin siya.

Bumalik ako sa ginagawa ko sa kusina. Maya maya nga ay naramdaman ko na ang kamay
niyang nakapaikot na naman sa may tiyan ko. Simula ng isuot ko ang singsing ganito
na siya. Simula ng pumayag ako sa kasal mas lalo siyang naging sweet.
"Kristoff hindi ako makagalaw" sabi ko. Bumuntong hininga ito. Hinalikan pa talaga
niya ang leeg ko bago tinanggal at humiwalay sa akin. Umupo siya sa harapan ko.
Wala na naman siyang suot na damit. Ang lamig na nga ng baguio nakahubad pa siya.

Ngumisi siya ng makitang nakatingin ako sa katawan niya. Tsk. Umirap ako at
pinagpatuloy ang paghahati ng mga gulay. Puro gulay ang laman ng ref niya dahil
iyon ang gusto ko. Wala naman siyang reklamo kahit na ang tawag niya sa gulay ay
damo. Bumaba ang tingin ko at kitang kita na naman ang tats niya.

"Ano bang ibig sabihin niyan, Kristoff?" tanong ko at tinuro ang tattoo niya.

"Lahat kami may Tattoong ganiyan. Paiba iba nga lang ang pwesto. Ibig sabihin nito,
Dela Marcel talaga kami" paliwanag niya. May malaking DM nga pero iyong trival
tattoo sa baba? "Itong nasa baba pangalan mo" lumingon ako sa kaniya. Pangalan ko?

"Matagal na iyan. Hindi kasi kita makalimutan noon kaya pinalagay ko" parang wala
lang na sabi niya pero ako sobrang lakas na ng tibok ng puto ko.

Pagkatapos non ay tahimik na kaming dalawa. Nakatitig lang siya sa akin habang
nagluluto ako. Ilang beses ko siyang sinita pero ngingitian niya lang ako at hindi
siya iiwas ng tingin. Bakit kaya hindi pa ako matunaw?

"Ako na" sabi nito at naglakad na papunta doon.

Inayos ko ang mga kalat sa table. Mga pinagbalatan ko ng gulay. Kunot noo akong
tumingin sa nilabasan niya dahil hanggang ngayon wala pa siya. Tinignan ko ang
niluluto ko at ng makitang ayos na ito ay pinatay ko na at sinundan siya.

"Girlfriend!" agad na sigaw ng batang lalaking kasama ng Daddy ni Kristoff.

"Ate'ng maganda" sabi naman ng isa at parehas na tumakbo at yumakap sa akin.


Nahihiya akong napatingin kay Mr. Dela Marcel na ngiting ngiti sa akin.

"Akala ko hindi ka nadala ng mga anak ko. Kaya naman pala ayaw kunin ni Kristoff
ang mga anak niya. May itinatago pala" lalo ko pang naramdaman ang pag-init ng
pisngi ko.

"Daddy naman, eh. Sana naman pinasabi niyo na dadalhin niyo-"

"No buts hijo. Mas kailangan kami ni Kiella ngayon. Mas nasasaktan ang kapatid mo
at ayokong ma-divert sa anak mo ang atensiyon ko" sabi ni Tito. Nagkakakamot si
Kristoff at halatang naiinis.

"Daddy-"
"Aalis na ako. Ysa, pakialagaan nalang ang mga apo ko. Kristoff, isang apo pa" sabi
nito at kumindat bago naglakad palayo.

"Paano naman ako gagawa? Iisa lang ang kwarto dito tapos may mga maliliit pang
bulinggit na makikihati sa akin" bubulong bulong na sabi nito pero hindi naman iyon
nakaligtas sa akin. Umiling nalang ako at hinarap ang dalawang batang na-miss ko
talaga.

"Girlfriend namiss kita" masayang sabi ni Kris at hinalikan ako sa kanang pisngi.
Ginaya siya ni Toffer at hinalikan naman sa Kaliwang pisngi ko. Akala ko silang
tatlo lang, nagulat ako ng halikan ako ni Kristoff sa labi.

"Daddy naman, eh!" singhal ni Kris dito at at tinulak ang ama palayo sa akin.

"Diba may usapan na tayo? Sabi ko sa'yo paglaki mo hahanapan kita ng maganda? Akin
na si Ysa?" sabi ni Kristoff. Ngumuso naman si Kris at tumango. "Good" sabi ni
Kristoff at ginulo ang buhok ng anak. Tsk. Ginawang aso.

"Nanay gutom na kami" kumurap kurap ako sa tinawag nila sa akin. Parang natunaw ang
puso ko. Lumingon ako kay Kristoff at nakangisi lang siya.

"Sige na nga, tsk. Nanay nalang itatawag ko sa'yo pero mag-promise ka din
Girlfriend-este nanay na kapag malaki na ako mas maganda sa'yo ang girlfriend ko"
hindi ako makapagsalita. Tumango lang ako. Na-o-overwhelm ako sa tinatawag nila sa
akin. Tanggap na tanggap talaga nila ako para kay Kristoff.

"Nanay gutom na din si Tatay. Kumain na tayo" sabi ni Kristoff bago binuhat ang
dalawa sa magkabilang bisig at pinasok sa Kusina.

"Nay bilisan mo diyan. Lalabas pa tayo. Pakakasalan pa kita" iiling iling na


sumunod nalang ako sa kanila.

---------------

-Sorry po. Pangit ata update ko ngayon.

=================

24

Chapter 24

Gulat na tumingin si Ysabelle ng makita kung saan huminto ang sasakyan. Kuno noo
niyang tinignan si Kristoff pero nakangisi lang ito.
"Nanay, baba ka na dali" nalilito man ay bumaba siya. Umagang umaga kasi kanina ay
ginising siya ng tatlo. Pinagsuot siya ng puting dress at hindi siya pinalabas
hanggat hindi pumapasa sa taste ng kambal ang ayos niya. Maging ang mga ito ay
nakaayos.

Okay lang sana kung linggo ngayon pero hindi, eh. Nilapitan naman ako kaagad ni
Kristoff at kuntentong yumakap ang mga kamay niya sa likod.

"Mabilis ba ako? Gusto ko kasing maging akin ka na kaagad, eh. Kung tatanggi ka,
okay lang" sabi niya na lalong ikinakunot ng noo ko. Ano bang pinagsasabi niya.
"Pasensiya ka na kung hindi ko pinaghandaan lahat. Ang alam ko nalang kasi ay gusto
kong pangalan ko na ang gamit mo. Ysabell, tinanong na kita pero uulitin ko"
nahigit ko ang hininga ko ng lumuhod siya sa harapan ko. Naglabas na naman siya ng
panibagong box na may laman na namang singsing.

"Ysa, will you be my wife? When you said yes pakakasalan na kita ngayon" kaya ba
kami nandito?

Lumingon ako sa paligid bago sa kaniya. Halatang kinakabhan siya dahil nanginginig
pa ang mga kamay niya. Handa na ba ako? Si Kristoff lang naman ang una at huling
lalaking minahal at mamahalin ko. Alam kong kung may lalaki man akong pakakasalan
ay siya at siya lang din.

Hindi na rin naman ako bumabata. Alam kong duon din naman ang tuloy namin so bakit
kailangan ko pang mag-inarte? Masyadong malaking responsibilidad ang kasal pero
alam ko namang kakayanin namin. Mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako.

"Tumayo ka na nga diyan. Pumayag na ako di ba?" nakangiti kong sabi sa kaniya.
Biglang napalitan ng ngiti ang mukha niya. sinuot niya myli sa akin ang pangalawang
singsing at niyakap ako. Naramdaman ko pang umangat ako at pinaikot ikot niya.

"I love you so much, Baby" bulong niya pagkalapag ko.

"I love you too" bulong ko sa kaniya.

"Tay! Nay! Ikakasal pa ba kayo o hindi?" parang naiiritang sabi ni Toffer.

"Ang tagal niyo naman, Tay! Nagugutom na ako!" kumento pa ng isa. Iiling iling na
naglakad na kami palapit sa kanila at papasok sa simbahan.

"Tay! Sa unahan ka! Kami maghahatid kay Nanay!" kakamot kamot si Kristoff na
nagpunta sa harapan ng simbahan. Maliit lang ang simbahang ito kumpara sa iba.
Nagkalat ang asul na rosas sa sahig at binigyan din ako ni Toffer ng isang kumpol
ng asul na rosas. Nagulat ako ng may biglang tumugtog. Pinagplanuhan talaga nila
ito?
  ~Sa pagpatak ng bawat oras ay ikawAng iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng
pusoIkaw ang pinangarap-ngarap koSimula ng matanto na balang araw iibig ang puso~

"Nay, lakad ka na" katulad ng sinabi nila ay naglakad na nga ako. Nasa magkabilang
gilid ko sila. Parang mga magulang ko. Naisip ko tuloy si Nanay. Bahala na. Sabi
naman ni Kristoff, ikakasal kami ulit niyan.

~Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay ng kay tagalNgunit ngayo'y nandito naIkaw, ikaw ang pag-ibig na
binigaySa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay koLigaya't pag-ibig ko'y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpoAng pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking


pusoPagka't nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may magmamahal sa'kin ng
tunay~

Nginitian ko siya ng malapit na ako sa kaniya. Nagulat ako ng makitang namumula ang
mga mata niya. Naiiyak siya? bakit? May nagawa ba akong masama?

~Ikaw ang pag-ibig na hinintay

Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito naIkaw, ikaw ang pag-ibig na
binigaySa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay koLigaya't pag-ibig ko'y ikaw

At hindi pa'ko umibig ng gan'toAt nasa isip makasama ka habang buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintayPuso ay nalumbay ng kay tagalNgunit ngayo'y nandito


naIkaw, ikaw ang pag-ibig na binigaySa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay
koLigaya't pag-ibig ko'y ikaw~

"Hey-"

"You're true. It's true. Ikakasal ka na sa akin" Akala niya nananaginip siya?
Lumapit ako at hahalikan ko sana siya ng nakarinig ako ng pagtikhim at pagtutol.

"Nay! Mamaya pa ang 'You may now kiss the bride' excited kayo!" natawa nalang ako
sa sinabi ni Kris pero mas natawa ako ng samaan ng tingin ni Uno si Kris na parang
gusto na nitong tirisin.

"Tama ang anak niyo, hija. Mamaya pa ang kiss" uminit ang pisngi ko sa sinabi ni
Father.

Sa loob ng durasyon ng kasal. Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti at umiyak.
Hindi ko inaakala na ikakasal na talaga ako. Hindi ko ito inasahan. Hindi ko rin
naman inasahan na mamahalin ako ng isang Kristoff Uno Dela Marcel.

Naaalala ko noon, hanggang tingin lang ako. Noon halos hindi ko maipakita na mahal
ko siya at ng maipakita ko ay pinagtabuyan niya ako. nasaktan ako at umiyak pero
kung mauulit iyon at masasaktan ako ulit bago makuha siya at mahalin niya ako ng
ganito. Willing akong masaktan ulit basta sa dulo akin siya. Basta sa dulo, kami
parin at ako lang ang mahal niya.

"I love you" bulong niya bago ako tuluyang hinalikan.

Nagkapirmahan pa ng ilang dokumento. Ang mga sakristan ni Father ang nagsilbing


witness namin. Hindi naman kasi pwede ang dalawang bata dahil wala pa sila sa legal
na edad. Pagkatapos non ay pumunta kaming apat sa isang mamahaling restaurant.

"Shall I tell mom to prepare for a wedding? Gusto kong ibigay sa'yo ang kasal na
nararapat sa'yo" hinila ko ang matangos niyang ilong at hinalikan siya.

"No. Tama na muna ito. Ayusin mo muna ang trabaho mo at pag-usapan nalang natin
pagbalik nating manila" sabi ko. Tumango naman siya at inakbayan ako lalo. "Kung
anong gusto mo pero ikakasal pa tayo ulit. Kailangan pa nating sabihin kay Nanay at
tuparin ang pinangako kong pamangkin kay Yllak" sinapak ko nga siya. Anong
pamangkin! Gusto kong magkaanak pero h'wag muna ngayon.

"Nay! Tay! Mamaya na 'yan kasi" sabi ni Kris at hinila ako palayo kay Kristoff bago
nilabas ang dila at inasar ang tatay nito. Kanina pa talaga niya ako nilalayo kay
Kristoff.

"Kanina ka pang bata ka, ah. Namumuro ka na" sabi ni Kristoff pero halata namang
hindi ito galit.

Masaya lang kaming kumain hanggang sa mapagdesisyunan na naming umuwi. Humiga ako
sa tabi ni Kristoff at pinatong ang ulo ko sa dibdib niya. Kusa namang gumalaw at
yumakap sa bewang ko ang mga kamay niya. Mabuti nalang at malaki ang kama sa
inookupahang kwarto ni Kristoff at nagkasya kaming apat.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ko at tiningala siya. Bumaba ang labi niya sa akin.
Marahan lang naman ang halik na 'yon.

"I guess wala tayong honeymoon" sabi niya at bumuntong hininga pero maya maya ay
ngumiti "Okay lang. May susunod pa naman. Atleast ngayon alam kong akin ka na at
pwede na kitang tawaging Wife. I love you Wife" sabi niya at muli akong hinalikan.
Mas matagal at mas lalong ayokong humiwalay siya.

-----------------

Sino pong o-order ng isang Kristoff? Free delivery :)


May nag-re-request na naman ang P.O.V ni Uno. Sa ending na po ee :) Sarreh :)

=================

25

Chapter 25

Umikot ang mata ko ng makarinig ng mga tili. Nagsisimula na naman ang tatlong iyon.
Kahit kailan talaga hindi na sila nagtino. Kapag umaga umaalis si Kristoff para
magtrabaho tapos pag-uwi niya ay kinukulit niya ang dalawa niyang anak at ako.
Kapag nakarinig na ako ng tili, nagsisimula na naman silang maghabulan. Akala mo
wala akong kasamang matanda dito dahil sa pag-kaisip bata niya.

"Nay!" hindi na ako nagulat ng may mga kamay na yumakap sa bewang ko at nagtago sa
likod ko.

"Hi, Nay. I love you" nakangiting sabi ni Kristoff bago ako hinalikan at muling
hinabol ang mga anak niya. Hindi siya nag-mintis sa kakasabi ng I Love you sa akin.
Kapag umaga, kapag aalis siya, pagkarating niya at kung ano ano pa. Parang iyon na
nga ang bati niya sa akin imbes na good morning o ano pa man.

Iiling iling na sinundan ko sila sa kwarto at napakamot nalang ako sa ulo ko ng


makita kung gaano kagulo ang buong kwarto. Ang mga lalaki nga naman, oo.

"Tayo. Bilis tumayo kayo" agad naman silang tumayo sa utos ko at sabay sabay pa
talaga silang nagkamot ng leeg ng makita ang buong kwarto.

"Tay! Maglinis ka ikaw pinakamatanda!" natatawang sabi ni Kris at akmang tatakbo


palabas ng kwarto ng mahawakan ni Kristoff ang kamay niya.

"Pagbalik ko dapat maayos na 'yan at ang mga gamit niyo. Babalik na tayo ng manila
bukas" sabi ko. Naayos na kasi ang gusot sa hotel.

May isang empleyado silang may pakana ng lahat at napag-alaman na inuutusan pala
ito ng kabilang hotel para sirain ang magandang reputasyon ng hotel. Dahil nga
naman sa pera ay napapasunod ng halang na mga tao ang mga walang kamuwang muwang.

"Nay, oh, si Tatay ayaw niya tumulong" pinaningkitan ko ng mata si Kristoff na


nakahiga lang sa kama habang ang mga anak nito ay pinupulot ang mga unan na
nagkalat. Lumapit ako sa kaniya at kiniliti siya.

"Baby!" tili niya habang hinuhuli ang mga kamay ko pero mabilis ko iyong iniiwas sa
kaniya kaya wala siyang magawa.
"Tickle fight!" natatawang sabi ni Toffer at umakyat sa kama at walang sawang
kiniliti ang ama. Sumunod din si Kris. Nahawakan ni Kristoff ang tag-isang kamay ng
dalawa at gamit ang isang kamay ay nabaliktad ang sitwasyon. Ang dalawang bata na
ngayon ang mamatay matay sa kakatawa habang kinikiliti ng tatay nila.

Muli kong kiniliti si Kristoff hanggang sa mabitawan niya ang dalawa at ako naman
ang inipit niya at kiniliti. Tili, sigaw, halakhak nalang ang naririnig namin sa
buong kwarto. Imbes na maayos ay lalong gumulo ang kwarto dahil sa nangyari.
Huminto din kami ng makaramdam na ng pagod at gutom. Nanatiling nakahiga ako, si
Kristoff na ginawang unan ang tiyan ko habang ang dalawa ay nakasandal sa headboard
ng kama.

"Ayusin niyo na ito at mag-luluto lang ako. Pagbalik ko maayos na ito, a?" pag-
uulit ko at tumango tango naman sila.

"I love you" rinig ko pang sigaw ni Kristoff bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Bukas, Uuwi na kami. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapaisip kung anong mangyayari
doon. Kung mananatili parin ba akong sekretarya niya o ano. Ganito parin kaya kami
kasaya? Ano kayang mangyayari? Sa mga iniisip ko gusto ko nalang na dito kami, na
h'wag na kaming umalis at dito na tumira pero alam kong hindi pwede iyon. Hindi
pwedeng ganun.

"What's wrong, wife" hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa kakatawag niyang wife
sa akin. Feeling ko ako padin 'yong secretary niya at siya parin ang boss ko.

"Uuwi na tayo bukas. Sasabihin ba natin? Pwedeng h'wag muna? Pwedeng secretary mo
muna ako at boss kita? Pwede bang ganun?" Ayoko kasing may masabi sila. Ayokong
maging sentro ng topic sa kumpanya at ayokong mabigla sila Nanay kung mabibigla man
sila dahil mukhang pinagtatabuyan nga nila ako kay Kristoff.

"Why? You're my wife now, Ysa. Ayokong kinakahiya ka. Ang babaeng kagaya mo dapat
ipinagmamalaki" kunot noong sabi niya. Bumuntong hininga ako at bumaling sa kaniya.

"Magugulat sila, Kristoff. Noong umalis tayo magkaaway pa tayo noon tapos ngayon
kasal na tayo. Ano nalang sasabihin-"

"Wala akong pakialam sa sasabihin nila as long as hindi iyon nakakasakit sa'yo.
Sinabi ko na diba? Sa'yo lang ako may pakialam" siryoso niyang sabi. Umiling ako at
pinaikot ang mga kamay sa leeg niya.

"Iyan ka na naman. Nag-aalala lang kasi ako sa'yo at sa mga mangyayari. Sasabihin
din naman natin kaso h'wag muna ngayon. Unahin muna natin kila Nanay. Kapag umuwi
na ako do-"

"Hindi ka na uuwi doon. Ayoko. Asawa mo na ako, eh. Sa akin ka na uuwi. Sa akin ka
na umuwi. Sasabihin ko kila Nanay. Alam na naman ni Mommy at Daddy at ng buong
pamilya ko" bumuntong hininga ako at umiling.

"Titira ako sa'yo pero hindi muna natin sasabihin sa iba? Sa pamilya nalang muna
natin, pwede?" umiling siya pero maya maya ay wala na rin siyang nagawa kundi
tumango.

"Isang buwan lang, Ysabell. Isang buwan lang na itatago nating kasal na tayo.
Pagkatapos non ikakasal ulit tayo. Iyon lang kaya kong ibigay ngayon. Hanggang doon
lang ako" sabi niya. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Bumuntong hininga siya bago
ngumiti at idinampi ang labi sa akin.

Narinig ko ang pagpatay ng niluluto ko. Mas lalo niyang diniinan ang halik.
Napakapit nalang ako sa leeg niya ng maramdaman ko ang paghihina ng tuhod ko.
Kinagat kagat niya ang ibaba ng labi ko na lalong nagpainit ng kalooban ko. Muli
niya akong hinalikan at kapakagat nalang ako sa labi ko ng bumaba ang halik niya sa
leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mga kamay niyang humahaplos sa bewang ko pataas.

"Kristoff! Makita tayo nila Kris" hindi ko alam kung paano ko pa iyon nasabi gayong
halos mabaliw na ako sa ginagawa ng kamay niya sa dibdib ko. Nakasuot pa ako ng bra
sa lagay na ito. Paano kaya kung hindi? D*mn Dela Marcel and his ways to pleasure
me. Nakakabaliw!

"Tulog sila" sabi nito sa sobrang paos na boses. Lalo lang akong nag-iinit. Lalo
lang akong nababaliw. Suminghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa waistband ng
shorts na suot ko. Gagawin namin iyon dito? Sa kusina? Pwede ba 'yon?

Bigla siyang huminto sa ginagawa at sinubsob ang mukha sa leeg ko bago ako niyakap
ng mahigpit.

"I want you so bad pero ayoko dito" rinig kong bulong niya. Sinuklay ko ang buhok
niya gamit ang kamay ko. Nasa loob parin ng T-Shirt ko ang mga kamay niya pero
hindi na sila nag-lu-lumikot at nanatili nalang nakayakap.

Lumingin siya sa akin. Lust is visible on his eyes. Napalunok ako at umiwas ng
tingin. I want him, too and I can't deny it. Kapag ganito ba siya ng ganito ay
talagang gagawa kami ng milagro sa apat na sulok ng kusinang ito.

"Ysa" parang batang sabi niya at muli akong hinalikan. Nababaliw na ata ito.

"Tay naman! Bakit ba palagi mong kinakain ang mukha ni Nanay! Kapag naubos 'yan
wala ng sa amin! Sabi mo seven times a day lang ang kiss kay nanay bakit
nakakasampo ka na! Ang daya mo talaga" natawa ako ng marinig ko ang boses ni Kris.

"Bakit gising ka na?" mas natawa ako sa reaksiyon ni Kristoff.

------------
Ipapadeliver ko na po ba ang order niyo?

Updated na din po ang maybe :)

=================

26

Chapter 26

It's been two week since we got married. Unti unti naming sinasabi sa lahat na
kasal na kami. Katulad kagabi. Nagkaroon kasi ng get together ang magkakapatid at
nag-inuman kasama ang mga partners nila. Sinabi na ni Kristoff na kasal na kami,
sayang lang at maagang umalis si Kiella at Dustine at ang isa pang nakakapagtaka ay
ang pagmamadaling umalis ni Kristian at ni Hera pagkatapos sabihin iyon ni
Kristoff. Kaysa magtanong ay ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.

Nasa office niya ako ngayon pero hindi ako nagtatrabaho. Para lang akong display
dito sa loob ng opisina niya. Paano ba naman, ayaw niya akong pahawakin ng papeles,
pagawin ng reports o kahit nga lang sumagot sa mga tawag. Siya na ang gumagawa ng
lahat! Kung ipipilit ko naman na magtrabaho ay sasamaan niya ako ng tingin at hindi
niya ako papansinin kaya hindi ko nalang sinusubukan. Hindi rin naman ako
nakakaalis dito sa opisina kasi ayaw niya daw akong mawala sa paningin niya.
Nagbabasa ako ng librong dala dala ko o kaya ay matutulog, iyon nalang talaga ang
ginagawa ko.

"Uwi na tayo, Wife" tinignan ko siya at nilahad niya ang kamay sa akin. Kinuha ko
naman iyon at siya na ang kumuha ng bag at libro kong binabasa. Magkahawak-kamay
kaming naglakad pababa sa building.

Ganito lagi ang arrangement naming dalawa. Pero kahit busy si Kristoff, hindi parin
nawawala ang kakulitan at ka-sweetan niya. Mga katangiang minahal ko sa kaniya.

"Pwede bang umuwi muna tayo sa condo ko ulit? Pwedeng sa akin ka muna ulit?
Namimiss na kitang katabi" nakasimangot na sabi niya.

Nangako kasi ako ng nasa baguio pa kami na sa kaniya ako titira kapalit ng ililihim
muna namin ito at unti unting sasabihin pero dahil nagkasakit si Nanay pag-ka-uwi
namin ay hindi na iyon natuloy. Tinignan ko siya at ng makita niyang tinignan ko
siya ay bumuntong hininga ito at sumimangotr nalang na nag-drive. Hindi talaga
mawawala ang pagka-isip bata nito.

"Sure" sagot ko at tinignan siya. Gusto ko kasing makita ang pagbabago ng


expression sa mukha niya. nakita ko ang pagkagat nito sa labi nito na nagpiupigil
ng ngisi nito. May plano siya! Halata sa ngiti niya at galaw niya!
"Kristoff! Matutulog lang tayo! Walang sexy time!" pagbabanta ko sa kaniya. Kahapon
pag-alis ng bisita niya hindi na niya ako tinigilan. Wala kasi siyang kapaguran
basta kasi sumaludo na si soldier sige na naman! Nakakapagod kaya! Kung di ko lang
siya tinulugan baka di na siya tumigil.

"Wala naman 'yon sa isip ko, ee. Napaghahalataan ka, Wife" sinamaan ko siya ng
tingin at binato ng ballpen. Tatawa-tawa itong lumingon sa akin at nag-flying kiss
pa. Wala daw sa isip? Si Kristoff pa?

"Sige aaminin ko na. Oo na. Dalawang round lang" nakangiting sabi niya. Sinasabi ko
na nga ba!

"Ayoko" sabi ko at umiling iling pa. Alam ko namang kapag sinimulan na niya ay wala
na akong magagawa. Ang maganda kasi sa kaniya nagpapaalam siya. Hindi iyong basta
basta sumusugod.

"Isang round lang, Wife. Kahit isa lang talaga!" umiling parin ako. Ang isa sa
kaniya aabot ng ilan kaya mas maganda ng wala. Matutulog nalanmg kami. I want to
rest. Masakit parin kasi at ramdam ko pa ang kirot mula kahapon. Feeling ko kahapon
lang namin ginawa dahil kaparehas na kaparehas ng sakit noong una.

Nakarating na kami sa Condo niya at inunahan ko siyang pumasok sa kwarto niya at


sinugurado kong naka-lock iyon. Papasukin niya ako kung hindi at kapag pinasok na
ako iba na naman ang mangyayari. Nangalkal ako ng damit ko pero mukhang nasa
loundry na lahat ng damit kong natira dito maliban sa underwears at ilang cotton
shorts. Kumuha nalang ako ng damit niya at mabilis na nag-shower.

Paglabas ko ay tahimik ang buong bahay. Natagpuan ko si Kristoff na nakatulog sa


sofa. Iiling iling na nilapitan ko siya at tinanggal ang sapatos niya tsaka ang
medyas niya. Mabuti naman at nakatulog na siya. Masyado na niyang inaabuso ang
sarili sa pagtatrabaho. Hinalikan ko siya sa labi bago pumunta sa kusina at
nilutuan siya ng paborito niyang italian food. Hindi ko alam kung paano niya ito
naging paborito gayong noon ay halos isumpa niya ako kapag sinasama ko siyang
kumain sa italian restaurant.

Kukuha sana ako sa ref ng gulay na siyang kakainin ko ng bigla kong naramdaman na
masusuka ako habang tinitignan ko palang sila. Umiling ako at kumuha parin.
Hinugasan ko carrots at iba pang baguio vegetables tsaka sinimulang magluto pero ng
maamoy ko ang niluluto ko ay bigla nalang bumaliktad ang sikmura ko. Lumapit ako sa
lababo at sumuka. Lahat ata ng kinain ko maghapon ay nilabas ko. Tinungkod ko ang
dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko. Nanghihina ang mga tuhod ko at
nagdidilim ang paningin ko. Mabilis akong nagmumog at umupo sa pinakamalapit na
upuan. Mabuti nalang at tapos ko nang iluto ang pagkain ni Kristoff.

Pinatay ko nalang ang gulay kahit pa hindi pa iyon luto. Hindi ko na talaga kayang
maamoy pa 'yon. May konti pang natitirang amoy at pinipigilan ko lang ang sarili
kong muling sumuka dahil feeling ko wala ng laman ang tiyan ko at wala na akong
maisusuka pa. Wala akong maalalang kinain kanina o ano man na maaaring gumawa nito
sa akin.
"Ysa?" inangat ko ang mukha ko mula sa pagkakadukdok ng marinig ko ang boses ni
Kristoff. Hindi ko kayang tumayo dahil nanlalambot pa ang tuhod ko. Nananaginip ba
siya o gising na?

"Ysa?" mas malakas pa ang naging boses. Hinampas ko ang mesa para gumawa ng tunog
tsaka muling hiniga ang ulo ko. Nanghihina ako.

"Hey, What's wrong wife?" Hinayaan ko lang siyang iangat ang mukha ko at lalong
kumunot ang noo niya ng makita ang itsura ko. Nilagay niya ang likod ng palad niya
sa noo ko at pinakiramdaman pero ng mapansin na hindi naman ako mainit ay tinigil
niya rin "Anong problema, Wife? May masakit ba sa'yo? May nangyari ba? Namumutla
ka! Pasensya na nakatulog ako. Kung hindi ako natulog eh, di sana nabantayan kita"
ilang beses pa itong malutong na nagmura bago ako binuhat kahit pa sabihin kong
kaya ko naman at ayos lang ako.

Hiniga niya ako sa kama. "Ano bang nararamdaman mo? Sabihin mo naman kung anong
nangyari. Mamamatay na ako sa kakaisip kung anong nangyari, Ysa"

"Wala lang. Nagsuka lang ako kanina. May hindi ako alam na nakain ko siguro na
dahilan kung bakit ako nagsuka. Okay na naman ako" sabi ko pero tinitigan niya pa
ako ng matagal bago bumuntong hininga.

"Anong gusto mo? I'll cook for you" sabi niya at tinanggal ang mga buhok na
kumakalat sa mukha ko at nilalagay sa likod ko.

"I'm fine- Gusto ko ng uhmmm wala pala" kinunutan niya ako ng noo na para bang may
sinabi akong kakaiba.

"Sabihin mo na kung anong gusto mo, Wife" ulit niya pero umiling ako.

"Wala. Nagluto na ako ng pasta. Pasta con pomodoro e basilico. 'yong favorite mo"
sabi ko. Napansin kong ngumiti siya pero hindi parin nawawala ang pag-aalala niya.
Kitang kita kasi sa mata niya.

"Kristoff, okay lang ako. Kung gusto mo kuha ka ng pagkain tapos subuan mo ako"
sabi ko at tumango naman siya tsaka lumabas. Ilang beses pa itong lumingon sa akin
bago tuluyang makalabas ng kwarto.

Ilang minuto pa ng makaramdam na naman ako ng pag-ikot ng sikmura ko at napatakbo


ako papuntang cr ng kwarto niya. Ano bang nangyayari sa akin? Halos tubig nalang
ang ilabas ko. Nagdidilim na din ang mata ko pero nagawa ko paring mag-brush.
Lumabas ako at naghanap ng damit niya ulit dahil medyo basa na ang damit niyang
suot ko ng matabig ko ang bago ko at malaglag iyon. Naglaglagan din ang mga laman
nito ng kunin ko ito dahil hindi pala sarado ang zipper nito. Isa isa ko iyong
pinulot ng makita ko ang ilang pack ng sanitary napkin na hindi pa nababawasan.
Mabilis kong pinulot iyon at nagpalit. Delayed lang siguro ako.

-----
Guys sorry kung ang tagal kong hindi nag-update. Umuwi po kasi ako sa amin. Babawi
nalang po ako bukas. At pasensiya na sa pangit na update :(

Twist..... Soon :))))

=================

27

Chapter 27

Nagkaroon na ng bagong secretary si Kristoff. Hindi na rin naman niya ako


pinapapasok dahil mas gusto daw nitong nasa bahay lang ako. Parati naman akong
tinitet ni Kristoff at kung hindi man ako makapag-reply ay tatawag na ito.

Kung noong isang araw ay ako ang nagsusuka, ngayon ay si Kristoff lalo na tuwing
umaga. Mas naging hate nito ang mga gulay at mas naging maarte ito sa pagkain.
Hindi ko alam na may ganun pala itong ugali minsan.

"Kumain ka na ba? You want me to buy you food? H'wag kang kakain ng damo!" umirap
ako sa ere at niyakap ang unan na kaamoy na kaamoy niya. Ang bango.

"Ayoko. Diyan ka na! Hindi ka na naman uuwi kapag umuwi ka sa akin. magluluto
nalang ako" sabi ko bago muling inamoy ang unan. Ang bango talaga. Kaso mas mabango
si Kristoff. Gusto ko na siya yakapin at amuy-amuyin. Hindi ko alam kung bakit
naaakit ako sa amoy niya.

"Pero gusto ko sabay tayong kumain" malungkot ang boses na sabi niya. Umiling ako.

"Kristoff sabay tayo mamaya. Uuwian mo naman ako diba?" sabi ko. Narinig ko ang
pagbuntong hininga nito. Naiisip ko tuloy na kunot na kunot na naman ang noo niya
at nakasimangot. Gusto kong hilutin iyon para mawala at gusto kong halikan ang labi
niya para ngumiti na siya. God! na-mi-miss ko na siya! Kanina lang naman kami
nagkita! Katabi ko pa siya kagabi! Ano bang nangyayari sa akin?

"Kristoff gusto din kita makita. Gusto kita dito sa tabi ko pero kailangan mong
mag-work. Uuwi ka naman mamaya, eh. I love you" sabi ko sa malambing na boses.

"H'wag kang magsabi ng ganiyan! Lalo akong nate-temp na umuwi, Ysa. Pag nangyari
iyon hinding hindi mo na ako mapapaalis!" ngumiti ako at umikot sa higaan.

"Mamaya ka uuwi, Kristoff. Hindi kita papapasukin kahit sa'yo 'to!" pagbabanta ko
sa kaniya pero ngiting ngiti naman ako na parang baliw dito.
"Fine. Ayaw mo akong makita! Kumain ka na po tapos matulog ka na. I'll text you
later. I Love you so much, Wife" magsasalita palang sana ako ng I love you too pero
namatay na ang kabilang linya. Wala sa sariling napatingin ako sa phone ko. Nagalit
siya? May nasabi ba akong masama?

Umiling nalang ako at nagluto ng adobo. Ayaw ni Kristoff ng gulay kaya ito nalang.
Nawala na tuloy ang pagiging vegetarian ko. May nakita akong mangga sa ref kaya
binuksan ko iyon. Kumuha ako ng bagoong para sa sawsawan pero ng simulan ko iyong
kainin ay parang may kulang sa lasa. Kung ano ano ang nilagay kong seasoning para
mahanap ang lasa pero wala parin.

Nahagip ng mata ko ang suka at ang catsup. Naglakad ako palapit doon at kinuha ang
dalawa. Kumuha ako ng panibagong lalagyan at tsaka nilagay sila. Hinalo ko hanggang
sa mamula na ang suka. Napangiti ako ng sakto ang lasa. Imbes na kumain ng kanin ay
ang mangga nalang ang kinain ko. Naubos ko na lahat at gusto ko pa kaso wala na.
Tinext ko nalang si Kristoff na bilhan niya ako dahil tinatamad akong lumabas.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko lang iyon. Naligo at muling humiga.

Nagising nalang ako ng may nakayakap na sa akin. Sumiksik naman ako sa kaniya kasi
amoy na amoy ko si Kristoff at alam kong siya ito. Inikot ko pa ang kamay ko sa
kaniya.

"Hindi ka kumain. Hindi nabawasan ang kanin, Wife. Bakit hindi ka kumain? Nakit ko
naman ang ulam doon. May nararamdaman ka na naman bang kakaiba?" umiling ako at
binukas ang mata ko. Nahigit ko ang hininga ko ng pagmulat ko ay ilang centimeter
nalang ang layo niya sa akin. Kumurap kurap ako at iaatras sana ang leeg ko pero
hinawakan niya ang leeg ko.

"Bakit di ka kumain?" tanong niya ulit.

"Kasi nabusog ako ng mang- binilhan mo ba ako ng mangga?" tanong ko. Kumunot ang
noo niya pero yumango tango niya. Ngumiti ako at hinalik-halikan siya bago tumayo
at nagpuntang kusina. Nakita ko doon ang pack ng nabuksan ng mangga pero siyempre
hinugasan ko parin at kumuha ng catsup at suka.

"Anong gagawin mo diyan?" kunot noong tanong ni Kristoff pero nginitian ko lang
siya. Umupo siya sa harapanko at kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa
akin na para bang may ginagawa akong masama.

"Gusto mo?" tanong ko at iniumang iyon sa bibig niya pero mabilis siyang umiling at
tumayo.

"Maliligo lang at tapos kakain tayo. Kakain ka at hindi pwedeng hindi, kay?"
tumango tango lang ako tinuloy ang pagkain ko. Bumuntong hininga ito at lumapit sa
akin. Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis.
Anong problema non? Parang iniiwasan niyang subuan ko siya? Ang sarap kaya. Umiling
nalang ako at tinuloy ang pagkain. Maya maya ay iniinit na niya ang niluto ko.
Hindi ko mapigilang hindi siya tignan kahit saan siya pumunta dahil naka-topless na
naman siya at umaagos pa ang konting tubig sa katawan niya mula sa buhok niya.
Nawalan tuloy ako ng gana sa mangga, gusto ko siyang titigan nalang magdamag kung
pwede mang magtitigan lang kami.

"Wife, you need to eat real food" sabi niya sa akin ng makahain na siya at hindi
parin ako gumagalaw. Nabusog na ako.

"Pero busog na ako" sabi ko ng hindi iniiwas ang tingin sa kaniya. Ang gwapo niya.
Ang tangos ng ilong niya at nakakahalinang titigan ang asul na asul niyang mga mata
na medyo light ngayon dahil hindi ito galit.

"Wala kang kinain kundi mangga na ini-dip mo sa suka at ugh! catsup. Kailangan mong
kumain, Ysabell. Hindi pwedeng ganun" siryosong sabi niya. Nilagyan niya ng kanin
at ulam ang plato ko at nilayo ang mangga at suka na may catsup sa harapan ko.
Gusto ko pa iyon.

"Ysabell, please eat" bumuntong hininga ako at sinunod siya. Kahit feeling ko wala
ng space ang tiyan ko ay kumain parin ako. Nakikita kong tinitignan niya ako habang
kumakain.

Pinunasan niya ang gilid ng labi ko at saka tinuloy ang pagkain niya. Bakit kahit
kumakain siya ay ang sexy niya at ang gwapo niya paring tignan.

"Ysabell, finish your food" paalala nito. Para naman akong bata sa trato niya!
Busog nga kasi ako! Gusto ko nga lang siyang titigan! Nakakainis. Umirap ako at
inubos ang pagkain ko. Hindi pa man siya tapos ay tumayo na ako at iniwan siya.
Naiinis ako sa kaniya parang ayaw niyang tignan ko siya , eh, gusto ko nga siya
tignan.

Bastos na kung bastos pero gusto ko nga siyang tignan. Iyon lang gusto ko.

Nag-brush ako at pumasok sa comforter. Pati ulo ko pinasok ko sa loob para hindi
niya makita. Naiinis ako sa kaniya. Maghapon siyang wala tapos titig lang bawal pa!
Narinig kong bumukas ang pinto at lalo akong simiksik sa loob ng kumot. Hindi ko
alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na ng umalon ang kama. Mahigpit
kong hinawakan ang kunot para hindi niya agad matanggal.

"Ysabell, anong problema?" Ikaw! Nakakainis ka! Gusto kong sabihin iyan pero
nanatili akong tahimik.

"Kausapin mo naman ako, Ysa. Ano bang problema mo? Ayaw mong pinipilit kita? Iyon
ba? Kailangan mo kasing kumain. Hindi pwedeng mangga lang ang laman ng tiyan mo"
Bakit ayaw mong tignan kita? Gusto ko titigan ka! Busog nga kasi ako! Katulad
kanina ay hindi ko ulit sinabi iyon.
Narinig kong bumuntong-hininga siya at namatay ang ilaw bago siya humiga ulit.
Hindi ko naramdaman na may yumakap sa akin kaya naman unti unti kong binaba ang
kumot at nilingon siya pero sumimangot ako ng makitang nakatalikod siya sa akin at
yakap ang unan kong ninakaw niya dati. Ang sama niya! Siya pa ang galit ngayon wala
naman akon ginawa sa kaniya. Naiinis na tumalikod din ako at niyakap ang unan na
kaamoy na kaamoy niya.

Pinikit ko ang mukha ko at sinimulang matulog. Ilang minuto akong ganun pero hindi
ako makatulog. Siguro dahil maghapon akong natulog. Umupo ako at sumandal sa
headboard. Sinadya kong gumalaw para magising siya pero hindi siya nagising.
Lumapit ako at sinilip kung totoong tulog ba siya o ayaw niya lang umikot dahil
galit siya pero tulog na tulog na talaga siya at mahihina pang humihilik. Bakit
siya nakatuloig agad kahit di kami okay?

Inis na kinamot ko ang leeg ko at ginalaw galaw ang kama pero di parin siya
gumising. Fine! Kung galit siya mas galit ako bahala siya!

=================

28

Chapter 28

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Hinanap ko siya sa buong condo pero wala
na talaga siya. Nanghihinang bumalik ako sa kama at niyakap ang unan niya. Galit
parin siya? Bakit hindi niya ako ginising? Bakit walang goodbye kiss? Bakit mas
maaga siyang pumasok ngayon?

Ganun na ba siya kagalit sa akin at hindi niya man lang ako ginising? Nanlulumong
napaupo ako sa kama at niyakap ang unan niya. Naiiyak na ako sa kung ano ano pa ang
pumapasok sa isip ko. Wala naman kasi siyang iniwang sulat o kahit text lang.
Naligo nalang ako at umalis ng bahay para hindi ko na maisip ang nangyari.

Pagkarating ko sa bahay ay kunot noo ang sinalubong sa akin ni Nanay. Diba dapat
matuwa siya kasi umuwi ako? lalo na at hindi niya alam na kasal na ako? Pinamimigay
na din ba ako ni Nanay? ayaw na ba niya sa akin kaya hindi na niya ako tinatawagan
o kahit text man lang? tapos ngayon na nga ako magpapakita ganiyan pa isasalubong
niya?

Suminghot ako pero kinagat ko ang labi ko para di tuluyang umiyak. Kanina si
Kristoff ngayon naman si Nanay. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero
nasasaktan kasi ako.

"Anong ginagawa mo dito, Ysabell? Nasaan ang asawa mo?" kumunot ang noo ko sa
sinabi ni Nanay. Nagdiretso akong pumasok at umupo sa sofa. Alam niya? Paano niya
nalaman?

"Paano niyo nalaman, Nay? Sino nagsabi sa inyo?" kunot noong sabi ko. Nangako sa
akin si Kristoff na hindi niya sasabihin.

"Nagpunta dito si Kristoff at humihingi ng tawad dahil pinakasalan ka niya ng


walang consent namin. Ayaw niyang umamin noong una pero nakita ko kasi ang mga
singsing sa kamay mo. Tinakot ko siyang hindi ka na niya makikita pag di niya
sasabihin kaya naman sinabi niya kahit ayaw niya dahil magagalit ka daw. H'wag kang
magalit sa kaniya dahil ako ang nagpumilit at kahit hindi mo sabihin alam ko at
nararamdaman ko iyon, Ysabell" mabilis akong tumayo at lumapit kay Nanay.

"Nay sorry po kasi nagpakasal ako. H'wag kayong magali-''

"Umayos ka nga, Ysabell. Gustong gusto ko nga na nag-asawa ka na dahil hindi ka na


bumabata. Mabait at magalang pa ang lalaking napili mo. Masaya ako para sa'yo pero
sa susunod na kasal niyo sana imbitado na kami" nasasalamin ang pagtatampo ni Nanay
sa boses niya pero alam kong masaya nga siya. Kaya naman pala ganun ang bungad niya
sa akin kanina. Niyakap ko si Nanay at tumango.

"Bakit ka nga ulit nandito?" tanong niya ulit. Naalala ko tuloy ang nangyari.

"Kasi Nay....." Kinuwento ko kay Nanay ang buong nangyari. Nang matapos ako ay
halos kurutin niya ako sa singit dahil sa ginawa ko. Ako kaya ang tama. Ayaw kasi
ni Kristoff na titigan ko siya, akin naman siya bakit kailangan pang maging ganun?

"Ikaw na bata ka! Hindi mo man lang naisip na pagod ang asawa mo. Sinubukan ka
niyang kausapin tapos nag-inarte ka ngayon malulungkot ka kasi wala na siya
kaninang umaga? Kung ako din naman iyon ay aalis talaga ako. Nagagalit ka ng walang
dahilan, Ysa!" iiling iling na sabi ni Nanay. Sumimangot ako at nag-kibit balikat.
Ako ang anak niya pero si Kristoff ang kinakampihan niya.

"Nay siya ang mali! Gusto ko lang siyang titigan! Mali ba 'yon Nay. Ang gwapo niya
pero titig lang bawal pa? Kung ayaw niya palang titigan ko siya di sana nagpapangit
nalang si- Nay masakit!" patili kong sabi ng kurutin ako ni Nanay ulit.
Pinanlakihan niya ako ng mata ang ngumuso ako. Dati naman hindi niya ako kinukurot
tapos dahil kay Kristoff kinukurot na niya ako! Ginayuma ni Krostoff ang Nanay ko!

"Ewan ko sa'yong bata ka! Diyan ka nga at mag-luluto ako ng makakain. Umiinit ang
ulo ko sa'yo!" sabi nito at nagtungo sa kusina. Imbes na sundin ay sinundan ko si
Nanay. Hinuhugasan nito ang mga gulay. Wala naman si Kristoff kaya pwede siguro
akong kumain ng gulay. Bakit kasi sobrang ayaw nito sa gulay? halos masuka pa pag
nakakakita at nakakaamoy.

Dumiretso ako sa ref at kumuha ng cookies na si Nanay mismo ang nag-bake. Umupo
lang ako sa stool at pinapanood siyang mag-luto hanggang sa ilagay na niya ang
gulay. Ilang minuto pa ay binuksan nito ulit iyon. Lumapit ako para sana tignan
pero ng maamoy ko iyon at nagtatakbo ako papuntang lababo. Bumaliktad ang sikmura
ko at parang gusto kon g ilabas lahat ng nasa loob ko katulad ng nangyari noong
gabing iyon.

Nag-di-dilim pa ang paningin ko at nanghihina ang mga tuhod ko. Naramdaman ko ang
mga kamay ni Nanay sa likod ko. Nilabas ko yata lahat ng laman ng tiyan ko. Nag-
mumog ako at humawak sa braso ni Nanay dahil nanginginig ang mga paa ko.

"Ayos ka lang, Ysa?" tanong ni Nanay. Tumango ako kahit sobrang hilong hilo na ako.
Ano bang nangyayari sa akin?

"Kailan ka huling dinatnan, Ysa?" lumingon ako kay Nanay. Siryoso ang mukha niya
kaya sinagot ko nalang.

"Last Last month pa, Nay. Baka po naging iregular ang menstruation ko?" sabi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi ko na pinansin iyon at dumukdok na sa mesa.

"May nangyari na ba sa inyo ni Kristoff?" kumurap kurap ako sabay ng pag-iinit ng


mukha ko. Umangat ako ng tingin.

"Nay naman! Nakakahiya!" nanlalaki ang mga matang sabi ko. Kukurutin niya sana ako
ulit pero bigla nalang huminto ang kamay niya.

"Bakit ko nga ba tinatanong? Alam ko naman ang sagot?" sabi ni Nanay.

"Nay naman, eh" sabi ko pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Diyan ka lang at may bibilhin lang ako sa drustore sa tabi" hindi pa man ako
nakakasagot ay umalis na si Nanay. Umiiling na yumuko nalang ako ulit. Siguro
bibilihan niya ako ng gamot. May sakit ba ako? Wala naman, ah?

Ilang minuto pa akong nakadukdok doon ng maramdaman kong may tao na.

"Pumunta ka sa C.R at sundin mo ang nakalagay sa paketeng iyan. Ngayon na dali!"


ayoko man ay sumunod parin ako. Ano ba ito? Gamit para malaman kung ano ang sakit?
Binuksan ko iyon at may nakita akong puting bagay. Sinunod ko ang nakalagay at maya
maya ay may lumabas na dalawang linya. Tinignan ko ulit iyong lalagyan. Kung may
dalawang linya daw ibig sabihin buntis-- What?

Nalaglag ko ang puting bagay na iyon at napatitig lang sa lalagyan niya kung saan
nakalagay ang instruction tsaka inikot. Pregnancy test kit. Sh*t. Buntis ako?
Kumuha pa ako ng isa non at sinubukan at dalawang linya parin ang lumabas. Hindi na
maalis ang ngiti sa labi ko. Kaya pala ganun ako ka-sensitive. Kaya pala.
Nakangiting lumabas ako at niyakap si Nanay.

"Nay! Buntis ako Nay" maghing siya ay ngumiti at nilingon ang tiyan ko.

"Umalis ka na at ayusin niyo ng asawa mo ang gusot niyo bago lumaki" mabilis akong
tumango at kinuha ang bag ko sa sala. Nagpasalamat ako at yumakap pa kay Nanay bago
sumakay ng Taxi papuntang opisina ni Kristoff.
Pagkarating ko ay pinagtitinginan ako ng lahat. Wala kasi silang kaalam alam na
kasal na kami ni Kristoff at ang alam lang nila ay tapos na ang kontrata ko kaya
baka nagtataka sila kung bakit nandito ako. May mga nagbulungan pa pero wala akong
pakialam doon. Ang pakialam ko nalang ngayon ay kung paano sasabihin kay Kristoff
na buntis ako. Mahigpit kong hinawakan ang pregnancy test at wala sa sariling
napahawak sa tiyan ko. Ngayon palang mahal na mahal ko na ang baby namin.

Sumakay ako ng elevator paakyat. Kinakabahan ako pero at the same time ay masaya.
Ganito pala ang feeling kapag may bata na sa tiyan mo.

Lum abas ako ng elevator at napakunot noo ng medyo pamilyar ang mukha ng babaeng
nasa datring table ko. Parang nakita ko na kasi siya. Habang papalapit ako sa
kaniya ay mas lalo ko siyang nakikilala. Siya ang babaeng kasama ni Kristian noong
nag-bonding silang magkakapatid. If i'm not mistaken, siya si Hera.

"Good- Ysabell?" parang gulat siya ng makita ako. Ngumiti ako sa kaniya. Umiwas
naman ang mga mata niya at hindi ngumiti pabalik.

"Nandiyan ba si Kristoff?" kumurap kurap ito at lumingon sa pinto ng office ni


Kristoff.

"Kakaalis niya lang po. May meeting siya with their new investor. Mamaya pang alas-
kuwatro ang dating niya" nalungkot naman ako sa narinig ko. Excited pa naman akong
sabihin at makita siya. Lumingon ako kay Hera. Hindi niya ako tinitignan sa mata.
Baka nahihiya?

"Ahm, pakisabi nalang sa kaniya..." nag-isip ako ng gagawin hanggang sa maisip kong
mag-dinner nalang kami mamaya sa isang Italian restaurant. Matagal na rin naman
kaming hindi kumakain sa labas. Kumuha ako ng peace of paper tsaka inabot ang
ballpen sa mesa niya. Sinulak ko doon ang restaurant at ang oras tsaka inabot kay
Hera.

"Pwede bang ibigay mo nalang ito sa kaniya mamaya?" kinuha nito iyon at tinignan.
Tumango ito at sinipit sa isang steno notes.

"Salamat" nakangiting sabi ko pa bago umalis. Kailangan ko pang magpaganda- ay este


namin pala kasi may Baby na sa tiyan ko at alam ko babae siya.

----------------------

Guys sana po wag naman masyadong demanding na mag-post ako ng update. Nag-aaral din
po ako at exam na namin bukas. Kung kaya ko naman po ay nag-a-update naman ako.
Sana po maintindihan niyo din ako. Salamat.

=================
29

Chapter 29

Excited akong umuwi ng condo ni Kristoff. Hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko.
Iniisip ko palang ang magiging reaction ni Kristoff kung nalaman niyang magkakaanak
na kami ay napapangiti na ako paano pa kaya kung nangyari na? Hindi na talaga ako
makapag-hintay para sa dinner na iyon. Kung pwede lang hilain ang oras para lang
masabi ko na sa kaniya at makita ko na siya ay gagawin ko.

Nasa harap ako ng cabinet naming dalawa. Kanina pa ako labas ng labas ng mga dress
at minsan ay sinusukat ko pa nga pero wala akong makitang babagay sa akin. I want
this night to be perfect at mas lalong ayokong magmukhang katulong niya lang kaya
muli akong nangalkal hanggang sa may nakita akong box sa ibaba ng gamit ni
Kristoff. Kusang kumilos ang mga kamay ko para kunin iyon. Alam kong maling
pakialaman ang gamit niya pero may humihila kasi sa akin na gawin iyon kaya ginawa
ko.

May nakatuping dark blue colored na damit. Kinuha ko iyon at inangat. Napa-woa
nalang ako ng makita ko ang dress. Para ito sa babae na kasing sukat ng katawan ko.
Turtle nech ito pero backless ang likod. Malambot din ang tela nito na kung
titignan ay parang kaparehas ng damit ni Anastacia sa fifty shades noong sumasayaw
sila ni Mr. Grey.

Gusto ko siya. Ito palang ang nagugustuhan ko ngayon. Kahit hindi ko alam kung
kanino at nilatag ko iyon sa kama at nagpunta na ng C.R. Bahala na kung magagalit
si Kristoff, gusto ko siya at wala siyang magagawa.

Katulad ng pamimili ng damit ay nagtagal din ako sa banyo. Pagkatapos ay tinuyo ko


ang buhok ko at inayos ang pagkakakulot nito sa baba at hinayaang nakalugay. Sinuot
ko ang damit at nag-apply ng konting make-up. Napangiti ako ng makita ko ang sarili
ko sa salamin. Sana magandahan sa akin si Kristoff! Flats lang ang isinuot ko para
sa paa ko dahil natatakot akong madulas at may mangyari sa baby namin. Namin, ang
sarap pakinggan.

Sakto naman na alas-sais y media na ng gabi at alas-siyete ang inilagay kong oras
sa papel na pinabigay ko kay Kristoff. Kinuha ko ang purse ko at ang cellphone bago
tuluyang umalis.

Sakay ng taxi ay nagtungo na ako sa Italian Restaurant. Nag-pa-reserve na ako


kanina kaya agad naman akong pinapasok. Wala pa si Kristoff ng makarating ako pero
sampung minuto pa kasi bago ang alas-siyete kaya baka nauna lang ako. Excited nga
kasi ako masyado.

"May I ask What's your order Ma'am?" tanong naka-assign na waitress pero umiling
ako at ngumiti.

"I'm waiting for my husband. I'll call you when I need you" sabi ko. Ngumiti siya
pero muling nagtanong.
"Any drinks Ma'am while you're waiting?" tanong niya pero umiling ulit ako. Ilang
minuto nalang naman ay darating na si Kristoff. Hihintayin ko nalang siya.

Tumayo sa may likuran ko ang waitress at matiyagang naghintay. Prente lang naman
akong nakaupo doon at hinihintay siya. Ilang beses din akong napalingon sa bukana
ng restaurant sa pag-aakalang siya na iyon pero hindi parin. Kunot noo kong kinuha
ang cellphone ko sa loob ng purse ko at binuksan. 7:13 ang nakalagay na oras. Baka
naman na-traffic lang siya.

Dumami ng dumami ang taong pumasok. Nagulat ako ng lumapit ang waitress sa akin at
sinabing aasikasuhin muna niya ang ibang customer dahil hindi na mag-kanda-ugaga
ang ibang waiter at waitress. Tumango ako at medyo nahihiya pang tumingin sa kaniya
dahil sa pagyayabang ko kanina na hihintayin ko si Kristoff pero lumipas na ang
ilang minuto ay wala parin.

Kung kanina ay palingon lingon lang sa bukana, ngayon ay pati na rin sa cellphone
ko dahil baka mag-text siya pero wala. Alam kong hindi niya ako i-indianin. Alam
kong darating siya. May rason kung bakit siya na-late. Alam kong meron. Bumuntong
hininga ako.

Ang kaninang madaming customer ay isa-isa ng nauubos. Ilang beses na ding lumapit
sa akin ang witress para tanungin pero umiling ako. Hihintayin ko siya. Kahit anong
mangyari. Alam ko darating siya. Naiiyak na ako. Kanina pa tumutunog ang tiyan ko
pero hindi ko pinapansin dahil gusto kong sabay kami.

Kinagat ko ang labi ko ng makitang mag-a-alas diyes na pero wala parin siya. Ako
nalang ata ang natitira dito at nag-lilinis na nga din ang ibang waitress.

Kung hindi siya makakarating, sana sinabi niya. Hindi iyong papaasahin niya ako.
Hindi iyong paghihintayin niya ako. Muli pang tumunog ang tiyan ko pero hindi parin
ako nagpa-apekto.

ganun ba ka-importante ang trabaho niya na kahit ilang segundo lang na i-text ako
ay hindi niya magawa? Ganun ba kahalaga iyon na kahit samahan akong mag-dinner ay
wala? Ganun ba siya kagalit sa akin para hindi ako siputin?

"Ma'am, pasensiya na po pero magsasara na po kasi kami" kinagat ko ang labi ko at


kinuha ang walet ko. Kahit hindi ako kumain ay nagbaba ako ng ilang libo bago
umalis. Kusang nag-tuluan ang luha ko ng nagsimula na akong maglakad palabas.
Nakaramdam ako ng lamig. Hindi kasi ako nagdala ng jacket kanina.

Tumunog ulit ang tiyan ko at napahawak na ako doon. "Sorry, baby, kakain na tayo.
Sorry kasi ginutom kita. Hindi ko na ito uulitin. Sorry" umiiyak na sabi ko at
lumipat sa tabi ng Restaurant na bukas pa. Isa nga lang iyong fast fodd chain pero
masarap ang fries nila dito. Pinunasan ko ang luha ko at pumasok.

Tahimik lang akong kumakaing mag-isa. Nakatulala lang dahil namamanhid ang puso ko
sa sakit. Ayoko ng mag-isip ng posibleng dahilan niya dahil lalo lang akong
nasasaktan. Para kasing mas importante pa iyon kaysa sa akin. Suminghot ako at
inubos ang innorder ko bago muling sumakay ng taxi pauwi sa condo niya.

Para akong wala sa sariling naglalakad papasok. Binati pa nga ako ng guard pero
hindi ako kumibo at ni hindi ko nga siya tinapunan ng tingin. Pagkarating ko sa
pinto niya ay agad kong pinindoty ang pin.

Akala ko mag-isa lang ako. Akala ko nag-over time siya sa trabaho pero ang
natagpuan ko sa condo ang mas lalong nagpasakit sa akin. Si Kristoff na nakasuot ng
pajama at walang pang-itaas na masamang nakatingin sa akin. Naniningkit ang mga
mata ko dahil ayokong umiyak. Sinadya niya akong hindi siputin!.

"Where have you been?" kunot noo at matigas ang boses na sabi niya.

Lalapit sana siya sa akin pero umiwas ako at naglakad papasok sa kwarto namin.
Narinig kong bumukas ang pinto pero mabilis akong kumuha ng damit at pumasok sa
banyo para mag-shower at magpalit. Paglabas ko ay nakaupo siya sa gilid ng bed at
nakatingin sa akin pero imbes na tignan at lapitan siya ay humiga ako sa kama at
niyakap ang unan na kaamoy niya tsaka pumikit.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto kong paglaruan ang mukha niya at pisil
pisilin ang cheeks at ilong niya. Gusto ko rin siyang tanungin pero sobrang
namamanhid ang dibdib ko sa sakit. Gusto ko nalang palagpasin ang araw na ito.
Gusto kong paggising ko bukas, malaman kong hindi ito totoo at nananaginip lang
ako.

"H'wag mo akong tulugan, Ysabell Dela Marcel! Saan ka galing?" sabi nito at hinila
ang kumot tsaka hinagis kung saan. Hindi ko parin siya pinansin at nanatiling
nakahiga at nakapikit habang yakap ang unan. So umaarte siyang walang alam? Ganun
ba 'yon? sh*t.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at muling napaiyak. Kinulong ko sa unan ang ulo
ko at humagulgol. Nagpumiglas ako ng maramdaman kong may bumuhat sa akin pero wala
rin akong nagawa dahil mas malakas niya. Nakita ko nalang ang sarili kong yakap
niya at nakaupo sa hita niya kahit nakasubsob parin ako sa uanan at iyon ang
niyayakap.

"Bakit ka umiiyak? Wha'ts wrong, Wife? Sorry kung nasigawan kita. Nag-aalala lang
ako sa'yo. Nawala pa ang cellphone ko kaya hindi kita ma-concact. saan ka ba
nanggaling? Anong nangyari at umiiyak ka?"

=================

30

Chapter 30
Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagpapalit siya. Kumunot ang noo ko ng imbes na
suit ay simpleng T shirt lang ang isinuot niya tsaka humarap sa akin. Kakagising ko
lang ng lumabas siya sa banyo. Hindi ko namalayan kagabi na nakatulog na pala ako
sa kakaiyak. Tumingin siya sa akin at ganun din ako. Para kaming tangang
nagsusukatan ng tingin pero hindi ako magpapatalo kahit na gustong gusto ng umiwas
ng mata ko.

"What do you want for breakfast, wife?" malambing niyang tanong. Wala paring
emosyon ang mukha ko at nakita ko kung paano ito ngumiwi ng hindi ako magsalita.

Hindi ako katulad ng ibang babae na ngingitian lang ay bibigay na. Ipaparamdam ko
sa kaniya kung anong naramdaman ko, ganun akong klase kaya bahala siya.

"Bakit nandito ka pa? May trabaho ka diba?" sabi ko at tumayo nagulat ako ng
biglang dumulas ang tsinelas na isusuot ko sana at kung hindi niya ako nasalo ay
baka napaupo na ako sa sahig. Nanginig ang mga kamay ko at biglang nanlamig ang
buong pagkatao ko. Sh*t. Muntik na. Wala sa sariling humawak ako sa tiyan ko habang
inuupo ako ni Kristoff sa bed. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang
nakikipaghabulan ako sa kabayo. Sorry, baby. Masyadong clumsy si Mommy.

"Ysabell?" kung hindi lang siguro nagsalita si Kristoff ay hindi ko maaalalang


nandito siya. Pabalik balik ang tingin niya sa tiyan ko at sa mukha ko pero umiwas
ako. Hindi ko sasabihin sa kaniya dahil sinira niya ang sana'y magandang gabi ko
kagabi.

"Umalis ka na. Male-late ka na!" sabi ko bago tinanggal ang mga kamay niya sa braso
ko at tumayo at lumabas ng kwarto.

Siguro iniisip niyo na sobrang O.A ko. Hindi ko pa man naririnig ang paliwanag niya
ay nagagalit na ako pero kasi unang beses kong mag-effort ng ganun, eh. Unang beses
na ako ang nag-aya at hindi siya tapos hindi niya pa ako sisiputin? Kahit sinong
babae magagalit kung ganun ang nangyari at knowing na may sasabihin pa sana akong
magandang balita sa kaniya?

"Ysabell ano bang problema mo? Umalis ka kagabi ng walang paalam tapos ngayon ikaw
pa ang may ganang magalit? Dapat ako ang galit ngayon kasi nag-alala ako! ang aga
ko pang umuwi para makita ka kasi miss na miss na kita pero pagdating ko wala ka
dito tapos ganito mo ako itrato? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" kunot noo ko siyang
hinarap.

Nag-mamaang-maangan pa siya! Ang sama sama niya! ako pa ang gagawin niyang may
kasalanan, eh, ako ang hindi niya sinipot! Inis na nilingon ko siya at binato sa
kaniya lahat ng mahawakan kong unan! Kahit naman kasi galit ako ayokong masaktan
siya kaya hanggang unan lang ang kaya kong ibato.

"Naiinis ako sa'yo! Hindi mo ako sinipot kagabi! H'wag kang mag-maang-maangan diyan
Kristoff! H'wag mo akong baliktarin! Hindi kita itatrato ng ganiyan kung hindi
ka... sh*t" inis na tumakbo ako pabalik ng kwarto ng bigla akong maduwal.
"Ysabell! Nag-uusap tayo! H'wag mo akong talikura!" madiing sabi nito. Natatakot na
sigurong sigawan ako pero hindi ko na pinansin dahil sa pagbaliktad ng sikmura ko.

"Ysa- naramdaman ko nalang na may humahaplos sa likod ko. Naiiyak na ako sa


nangyayari sa akin! Wala naman kasi akong nailalabas pero duwal parin ako ng duwal.
Nag-mumog ako ng tumigil na pero nanatiling nakapikit ang mata ko at nakatayo doon.
Ang mga kamay ni Kristoff nalang na nakayakap sa bewang ko ang nagsisilbing lakas
ko para makatayo.

Nag-brush pa ako ng ngipin pero kahit anong pilit kong h'wag umiyak ay hindi ko
napigilan. Humihikbi ako habang nag-ba-brush. Tahimik lang si Kristoff na
pinapanood ako.

"May sakit ka ba, Ysa? May nililihim ka ba sa akin?" siryosong sabi niya habang
nakakunot ang noo niya. Tinignan ko siya gamit ang salamin pero umiwas din ako ng
tingin.

"Gusto ko ng Fries tapos ice cream na buko salad ng sorbetes, Kristoff" sabi ko.
Kakasabi ko palang pero naglalaway na ako. Isinantabi ko muna ang inis ko dahil
hindi ko kayang kumuha non at siya lang ang makakagawa non.

"What?" kunot noong sabi niya.

"I want Fries and Ice cream. Gusto ko 'yong sa sorbetes na buko salad! Gusto ko
'yon!" iritadong sabi ko. Tinitigan niya ako na para bang nagbibiro ako. Inis kong
kinamot ang batok ko at maglalakd sana kaso nanghihina ang tuhod ko kaya muli akong
kumapit sa kaniya.

"Kristoff, buhatin mo ako!" utos ko. Nagtataka man ay binuhat niya nalang ako.
Sumiksik ako sa kaniya at inamoy amoy pa siya. Baby naman. Sa lahat ba naman ng
gusto mo bakit si Kristoff pa? Diba galit tayo sa kaniya? Hindi pa natin
napaparamdam ang galit natin, eh! H'wag mo muna ako pahirapan ngayon kasi tignan mo
imbes na si kristoff ay ako ang nahihirapan.

Binaba niya ako sa bed at tsaka kinumutan. Para naman akong pasyente sa ginawa
niya.

"Take some rest, wife. Bibilhan lang kita at babalik din ako kaagad" tumango ako at
pinanuod siya habang nagsusuot ng khaki shorts at lumabas. Bumuntong hininga ako
habang nakatitig sa pinto.

Bakit siya umaakto na parang wala siyang alam? Wala ba talaga o nakalimutan niya
lang at gusto niyang baliktarin ang sitwasyon? pero bakit niya naman gagawin iyon?
Inabot ko ang purse na gamit ko kagabi at nilabas ang pregnancy test.

Maya maya ay bumukas ang pinto kaya nilapag ko iyon sa may bedside table namin pero
sinigurado kong nasa likod iyon ng frames para di niya makita.. May hawal hawak
siyang plastic na naglalaman ng apat na bff fries ng Mcdonald habang ang kabila ay
may hawak na plastic na may dalawang malalaking box ng sorbetes Ice cream na buko
salad flavor. Mabilis akong tumayo at sinalubong siya... este 'yong pagkaing dala
niya. Dala dala ko ang fries habang papuntang kusina. Hindi ko nga siya halos
pinapansin, eh.

Ramdam kong nakatingin siya sa akin mula sa likod pero hindi ko pinansin. Kumuha
lang ako ng malaking bowl at maliliit na bowl tsaka umupo. Nilapag niya ang ice
cream sa mesa at kukunin ko sana kaso nilayo niya sa akin.

"Hindi ka pwedeng kumain ng ice cream, Ysa. Maaga pa at malamig 'yan sa tiyan! Baka
sumakit lang tiyan mo" siryosong sabi niya. Nalukot naman ang mukha ko at tinignan
siya ng masama. Bakit pa ba siya bumili kung hindi niya pala ipapakain sa akin!

"Bakitb ka pa bumilis? Display ganun? Ayoko na kumain,. Ayoko na" sabi ko at nilayo
ang bowl ng fries sa akin. Naningkit ang mga mata niya pero hindi ko pinansin.
Gusto ko nga iyon nakakainis.

"Ysabell" nagbababalang tonong sabi niya. Nagtutubig na naman ang mata ko. Baby
naman, eh. Bakit ang iyakin na natin!

"Gusto ko nga ng Ice cream! Sana hindi ka nalang bumili kung hindi mo rin ipapakain
sa akin! I hate you!" sabi ko at tuluyan na akong umiyak. Nakakainis siya. Bwisit
siya! Bwisit. Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto kaso bigla nalang akong
umangat. Nagpumiglas ako pero sahil nasa likod ko siya ay hindi ko siya matamaan.
Inupo niya ako sa isa sa mga high stool at iniharap sa kaniya. Kunot na kunot ang
noo niya habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. suminghot ako at
pinunasan ang luha ko bago siya inirapan. Aalis sana ako pero nilagay niya ang
dalawang kamay sa magkabilang gilid ko.

"What's wrong, Ysabell? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagkakaganiyan!


Kung may nagawa akong mali then I'm sorry" sabi niya pero umiwas ako ng tingin.
Ayokong sabihin, bahala siya. Kasalanan niya kung bakit wala siyang alam ngayon.

"Maliligo ako. Bitaw, Kristoff! Magagalit ako lalo sa'yo!" nanghihinang inalis niya
ang kamay niya at hinayaan akong pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung sumunod pa
siya dahil pumasok na ako kaagad sa banyo.

Paglabas ko ay kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa... Sh*t paano niya
nakita ang pregnancy test ko? Nanlilisik ang mga matang tinignan niya ako.

"Kailan mo sasabihin sa akin? Wala ba akong karapatang malaman, ah?" imbes na


konsensiyahin ay inirapan ko siya.

"Kung sinipot mo ako kahapon sa dinner natin, sana alam mo! Mas mahalaga kasi sa'yo
ang trabaho mo kaysa sa akin! Minsan na nga lang ako mag-aya ng dinner di ka pa
pupunta!" inis na sigaw ko sa kaniya!
"Anong dinner?" kunot noong tanong niya

"H'wag ka ngang mag-maang-maangan diyan! nagpunta ako sa company niyo kahapon tapos
nag-iwan ako ng note kay Hera! Hinintay kita ng apat na oras Kristoff! Ang sama
sama mo!"

"Kay Hera? F*ck! Sh*t" nagulat ako ng tumayo ito at nagdadabog na nagpalit ng
pantalon. Nagmamadaling nagpalit din ako at sumunod sa kaniya. Galit na galit kasi
ang itsura niya na parang papatay ng tao. Anong nangyayari?

=================

31

Chapter 31

"Ysabell hindi ka lalabas!" sabi niya ng sinundan ko siya palabas ng kwarto.


Nagkibit balikat ako at inirapan siya. Siya lang may karapatang lumabas ganun?

"Hindi ka rin lalabas!" sabi ko. Nanlisik ang mga mata niya. Hindi naman ako
magpapatalo sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kung lalabas siya
ay lalabas din ako. Subukan niyang pigilan ako at talagang makikita niya ang
hinahanap niya. Akala niya!

"Fine. Wala akong natanggap na sulat galing sa'yo. Alam kong sinadya niyang hindi
ibigay 'yon at ngayon nagtataka na rin ako kung talaga bang nawala ang cellphone ko
o tinago niya lang" galit niyang sabi. Lalo naman kumunot ang noo ko. Bakit niya
naman gagawin iyon lalo na kung si Kristian naman ang boyfriend nito? Baka naman
nakalimutan lang talaga ni Hera kaya ganun? Makabintang tong Kristoff na 'to.

"Tsk, h'wag mo ng isipin 'yon. Baka ma-stress lang kayo ni Baby" lumapit siya sa
akin at mahigpit akong niyakap. "I'm sorry kung pinaghintay kita. Hindi ko sinadya
iyon o ano pa man. Hindi naman ako galit sa'yo, eh. Kaya lang naman ako maagang
umalis kahapon dahil baka galit ka pa pagkagising mo at ayokong nakikitang galit ka
sa akin. Sorry na, Wife. Babawi ako, kaya nga hindi ako nagpuntang trabaho ngayon,
eh. Kasi gusto kitang kasama maghapon" sinserong sabi niya. Bumitaw siya sa yakap
at hindi ko alam kung saan na napunta ang galit nito dahil ngiting ngiti na siya sa
akin. Tumingin siya sa tiyan ko at ganun din ako. Inangat niya ang suot kong T-
Shirt at hinalikan ang tiyan ko. Napaatras pa nga ako sa ginawa niya dahil
nakikiliti ako pero mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko.

"Hindi ako makapaniwalang magiging Daddy na ako ulit. Lalo na ngayon dahil anak na
natin, to. Galing sa'yo at sa akin" akala ko tapos na siya kaso bigla niya akong
binuhat at inikot sa ere. Pinagpapalo ko nga siya dahil medyo nahihilo ako sa
ginawa niya pero siya tumatawa nalang. Napaka-bipolar niya.

"Galit parin ako sa'yo" wala sa loob na sabi ko. Ngumiti siya kahit halata ang
guilt sa mga mata niya.
"Babawi ako. Gusto mo sunduin natin sila Kris at Toffer tapos mag-family day tayo?
Nami-miss ko na din sila, eh. Kung pwede lang na sa bahay ka na umuwi para naman
makasama na natin sila at makilala ka na rin ni Mommy" sabi niya habang minamasahe
ang panga ko.

"I'm fine with family day" sabi ko lang. Alam kong alam na ng parents niyang kasal
kami pero ayoko pa kasing ipakilala niya ako na hindi nalang secretary. Nahihiya
kasi ako.

"Ysa magkakaanak na tayo. Kailan mo ba gustong harapin sila Mommy? Kapag lumabas na
si Yana?" kunotn noo ko siyang tinignan. Sino naman si Yana?

"Sino 'yon?" tanong ko. Ngumisi siya at hinaplos ang tiyan ko.

"Ito. Siya si Yana Karyll Dela Marcell" kumurap kurap ako sa kaniya habang siya ay
nakangiti paring hinahaplos ang tiyan ko. May pangalan na? Wala pa ngang ilang
buwan 'yong baby? Hindi pa nga alam kung lalaki o babae, eh.

"Gusto mo ba sunduin na natin sila?" tanong niya pero umiling ako. Kung susundin
namin sila ibig sabihin ay pupuntab kaming bahay nila at ayoko non.

"Ikaw ang susundo sa kanila tapos dadaanan niyo ako dito" sabi ko. Kumunot ang noo
niya at magsasalita pa sana pero hindi ko na iyon pinayagan. Hinalikan ko siya at
tumalikod na sa kaniya. Narinig kong bumuntong hininga siya.

Ganito ba talaga ang nagagawa ng buntis? Madaling magpatawad? o talagang masyado ko


lang siyang mahal at wala naman siyang kasalanan. Hindi din naman ako galit kay
Hera dahil baka may dahilan naman siya o nakalimutan niya lang.

Nagpalit ako ng sleeveless na floral blouse at shorts na hindi ganun kaikli tsaka
nagsuot ng flats bago sila matiyagang hinintay sa sala. Naalala kong may fries pala
siyang binili kaya nagpunta ako ng kusina at kinuha ang fries na nasa bowl kahit na
malamig na ito at bumalik sa sala. Mabilis naman akong tumayo ng makita ko si
Kristoff na nagbukas ng door. Nginitian ko siya pero siya ay sumimangot ngt makita
ang suot ko.

"Hindi pa tayo naghihirap, Wife. Bakit ang igsi ng tela ng suot mo?" sabi niya pero
nilagpasan ko lang. Ang cute niyang tignan pefro mas excited akong makita ang
dalawa niyang kambal. Gusto ko ng pisilin ang mga pisngi niya at yakapin. Ngayon
palang nanggigigil na ako. Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko at hindi ko na
iisipin kung sino pa ba iyon.

"May atraso ka pa sa akin kaya hindi ka mag-rereklamo" sabi ko. Bumuntong hininga
ito at hinalik halikan ang leeg ko kahit naglalakad kami. Nasa likod ko kasi siya
at para siyang tangang nakakapit sa akin.
"Oo na po. Hindi na po pero pwede bang h'wag kang lalayo sa akin mamaya? Pwede bang
sa likod o sa harap o sa gilid lang kita? Pwede ba 'yon?" tumango nalang ako para
tumahimik siya. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to napaka-possessive.

Pagkababa namin sa lobby ay may dalawang batang tumakbo palapit sa akin.


nakangiting sinalubong ko din ng yakap ang dalawa. Bakit mas gumwapo sila? Hindi ko
na napigilan at pinisil ang pisngi nilang dalawa. Tig-isa sila ng kamay ko.
Napansin kong ngumiwi sila kaya binitawan ko na. Naramdaman kong hinawakan ako ni
Kristoff at itinayo mula sa pagkakaluhod ko.

"ako nalang ang pahirapan mo, Ysa. Kapag nag-tantrums ang dalawang 'yan mahihirapan
tayo" sabi ni Kristoff. Tumango ako at sabay sabay kaming naglakad na tatlo
papuntang sasakyan ni Kristoff.

Maya maya ay tanaw na namin ang mall at ramdam kong excited ang dalawa dahil kung
ano ano ang pinaguusapan nilang bibilhin nila.

"Akala niyo may pera kayo!" sabi ni Kristoff.

"Mayron naman 'Tay. Minomodel namin ang mga damit sa Clothing line ni Tita Kiella
tapos walang sahod?" sabi ni Kris

"Tay kasya na ba 'yon pambili ng kotse? Para naman maihatid ko na si Yxel-baby-love


ko" sabi naman ni Toffer. Natatawa nalang ako sa reaksiyon ni Kristoff sa
pinagsasabi ng mga anak niya.

Pagkarating namin sa mall ay mahigpit na hinawakan ni Kristoff ang dalawang bata


lalo na ng pambungad ang toy store.

"Hindi tayo diyan mga buddy. Doon tayo sa baby section. Bibili tayo ng gamit ng
bunso natin" nakangiting sabi ni Kristoff. Nakasunod lang ako sa kanila habang
ngiting ngiti.

"May kapatid na kami tay?" kunot noong sabi nin Kris at tinignan ako.

"San tay?" tanong naman ni Toffer na tumingin at lumapit sa akin tsaka ako inangat.

"Nay nasaan ang kapatid namin?" kunot na kunot ang noong sabi niya. Kakamot kamot
pa ito sa leeg niya at tingin ng tingin sa likod ko na parang may hinahanap.

"Nasa tummy pa ni Nanay" nakangiting sabi ni Kristoff. Lumapit na din tuloy si Kris
sa akin at hinawakan ang tummy ko katulad ni Toffer bago ulit lumingon kay
Kristoff.

"Tay paano napunta 'yong kapatid namin sa loob ng tiyan ni Nanay? Saan pumasok
tay?" halos masamid ako ng walang iniinom sa sinabi ni kris. Luminmgon ako kay
Kristoff na nakatingin din sa akin tapos ngumiti.

"Hindi ko din alam anak basta nasa loob siya ni Nanay. Tatan ungin ko nga kay Nanay
mamaya kung gusto niya ng kambal" sabi nito at kinindatan ako. Tsk. Siya kaya
manganak!

Kung ano ano lang ang pinagbibili namin sa baby section. Hindi ko sila mapigilan
kaya hinayaan ko nalang sila. Hindi pa kasi alam ang gender pero kung makakuha
silang tatlo ng mga gamit na puro pink akala mo babae nga talaga. Akalain mong
katulad ni Kristoff ay Yana na din ang tawag nila sa baby sa tiyan ko.

Kung hindi nga lang pinagod ang dalawa ay baka hindi pa sila tumigil. Pagkatapos
kasi sa baby section ay sa blue magid kami dumiretso. Ang daming pink na teddy
bears ang pinagpupulot nila at talagang tinitignan nila ang mga pangalan sa tag
nito. Kapag lalaki ay basta nalang nila binabato sa sahig at ako na ang nahihiya sa
mga sales lady dahil hindi na sila magkandaugaga kung pupulutin ba ang mga tinapon
nilang teddy bears o hahawakan ang mga pinili nila.

"Hindi pwedeng lalaki, Tay, ah" paalala pa ni Toffer. Paano nalang kaya kung lalaki
ang nasa tiyan ko? Kanino kaya namin o saan kaya namin ilalagay ang mga iyan?

Katulad ng dati ay tulog na tulog na ang dalawa sa likod ng sasakyan maging si


Kristoff ay halatang pagod na rin. Ginising niya ang dalawa dahil hindi niya ako
payagang buhatin ang isa sa kanila ng makarating kami sa building ng condo.

Nagulat nalang kami ng makita namin si Kristian sa harapan ng unit ni Kristoff.


Mukha itong puyat at haggard. anong nangyari?

"Kuya. Please naman, oh. Kahit para sa akin nalang. Please, bisitahin mo naman si
Hera"

=================

32

Chapter 32

Tahimik lang akong nag-aantay kay Kristoff sa kwarto namin. Sa kabilang kwarto ko
na pinatulog ang dalawa at mabilis silang pumayag dahil sabi nila ay baka mapitpit
daw ang baby sa tiyan ko. Nag-uusap si Kristoff at Kristian. Hindi ko maintindihan
ang sinabi ni Kristian kanina at kung bakit si Kristoff ang kailangan ni Hera pero
ipinag-kibit balikat ko nalang iyon. Pwede ko naman siyang kausapin at tanungin
mamaya.

Humikab ako at nakaramdam ng antok pero wala parin akong marinig na yapak papasok.
Humiga ako at niyakap ang unan. Inaantok na ako. Anong oras ba sila matatapos?
Tumingin ako sa wall clock at ng makitang late na ay pinikit ko na ang mga mata ko.
Hindi pwedeng mapuyat. Makakasama iyon sa baby. Siguro naman maiintindihan na ni
Kristoff kung bakit nauna na akong natulog. Nakukuha ko na ang tulog ko ng
makarinig ako ng pag-bukas ng pinto at mga yabag. Minulat ko ang mata ko pero
hinihila na talaga ako ng antok.

"Sleep, wife. BAbalik ako. Trust me, kay? Gagawin ko lang ito para kay Kristian. I
love you and our baby" rinig ko pang sabi niya bago ako nakaramdam ng halik sa labi
at noo ko at tuluyan ng kainin ng antok.

Pagmulat ko ng mata ko ay agad kong hinanap si Kristoff. Wala kasi siya sa tabi ko
pagkagising ko. Kahit na nangyari na ito ay hindi parin ako masanay sanay na wala
siya pagkagising ko. Hinahanap ko ang amoy niya. Iyong mapupungay niyang mga mata
na ngingiti agad sa akin. Iyong labi niyang hindi ako tatantanan hanggat hindi
nakakahalik. Nasaan na naman ba siya?

Natulog ba siya kagabi sa tabi ko? Para naman kasing hindi nagalaw ang tabi ko. Ang
ayos ayos na nakalagay ng mga unan sa lalagyan nito at konti lang ang kusot.
Magdamag silang nag-usap ni Kristian? Ganun ba kahalaga ang pinagusapan nila?

Marami akong tanong pero ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Nakakainis lang dahil
unti unti na siyang nagbabago. Nawawala na ang Kristoff ko.

Bumangon ako at inayos lahat ng dapat ayusin bago lumabas ng kwarto namin. Nagulat
ako ng imbes na si Kristoff ang nandoon ay si Kristian ang nakaupo at matiyagang
naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan na nakita ko siya pero
may nagsasabi sa akin na h'wag na siyang kausapin.

"Gising ka na pala" sabi nito at tipid na ngumiti. Pilit at halos hindi niya ako
matignan sa mata. Ibang iba sa Kristian na nagpunta sa bahay, ang kristian na isa
sa mga lalaking halos humatak sa akin papunta kay Kristoff. He's not the playful
Kristian but a more scary one. Parang may iba sa mga ngiti niya.

"Nasaan si Kristoff?" tanong ko kaagad. Ayoko siyang kasama. Natatakot ako.

"Can we talk, Ysabell?" doon na ako lalong napatitig sa kaniya. Sa asul niyang mga
mata na katulad kay Kristoff ay hinihila akong mapapayag. Para akong
nahihipnotismong umupo sa harapan ng sofa na inuupuan niya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto kita para sa kapatid ko. Napapasaya mo
siya at alam kong mahal na mahal mo siya" kumunot ang noo ko, saan ba patungo ang
usapang ito? "...pero Ysabell, may mga taong handa ding ibigay ang mga bagay na
kaya mong ibigay kay Kuya. Mas malala pa ang nagawa nila. Sobra sobra para isang
taong nagmamahal"

"Hindi kita maintindihan" diretso kong sabi kahit na nababahag na ang buntot ko sa
sobrang siryoso ng mukha niya.
"Mahal ni Hera si Kuya, higit pa sa buhay niya. Higit pa sa pagmamahal mo. Ibibigay
at gagawin niya lahat kahit na masira na ang pangalan niya basta lang makuha ang
lalaking gusto niya-"

"Akala ko ba ikaw ang gusto niya-"

"Sana nga ako nalang. Sana ako nalang ang mahal niya pero hindi ako. Ysabell. Hindi
ako ang makakapagpasaya sa kaniya kundi si Kristoff" ayoko ng marinig ang susunod
na sasabihin niya. Ayoko. Hindi ko ibibigay si Kristoff sa iba kahit pa mas mahal
nito si Kristoff "Noong wala ka si Hera ang nandiyan para kay Kristoff. Noong
nasaktan ka niya years ago, si Hera ang nag-alaga sa kaniya kasi mahal niya si
Kuya. Alam kong mali ang ginagawa ko ngayon. Alam kong magagalit sa akin si Kuya
pero kung ito lang ang dahilan para maging masaya ang babaeng mahal ko. Gagawin ko
lahat" halatang halata sa mukha niyang nasasaktan siya. Gusto ko siyang i-comfort
pero hindi ko alam kung paano at dahil hindi ko kayang ibigay ang gusto niya.

"Ysabell, ibigay mo nalang si Kuya kay Hera, Nagmamakaawa ako sa'yo. Khit ano
gagawin ko. Kahit ano basta hayaan mo nalang si Kuya" hahawakan niya sana ako pero
mabilis akong umiling. Hindi ko gagawin ang gusto niya. Kung may tao man na
makakapaglayo sa akin kay Kristoff ay yun ay walang iba kundi si Kristoff lang din.

Tumayo ako at lumayo sa kaniya. Nakikita ko ang sakit sa mata niya at lahat ng
nararamdaman niya pero wala doon ang dahilan para iwanan ko si Kristoff.

"Hindi ko kayang iwan si Kristoff, fourth. Kahit anong gawin at sabihin mo, as long
as alam kong mahal ako ni Kristoff ay hindi ko siya iiwanan. Kung mahal mo si Hera
at mahal talaga ni Hera si Kristoff, hahayaan niyang maging masaya si Kristoff
kahit hindi pa ito ang dahilan kung bakit masaya ang mahal niya. Love is not being
selfish, Kristian. Mahal mo rin siya pero sa tingin mo iyang ginagawa mo,
pagmamahal pa? Nagpapakatanga ka na" inis kong sabi. Umiwas siya ng tingin at
yumuko. Humawak ako sa uluhan ng sofa upang kumuha ng lakas.

"Siguro nga nagpapakatanaga na ako. Siguro nga sobra na itong ginagawa ko para sa
kaniya, Ysabell, pero mahal ko siya. Gagawin ko lahat maging masaya lang siya"
umiling ako at umiwas ng tingin.

"Kung mahal mo siya, ipapatanggap mo sa kaniyang hindi na siya mahal ng taong mahal
niya. Mahal ko ang kapatid mo, Kristian. Alam mo ba kung gaano masasaktan si
Kristoff kapag nalaman niya ang ginagawa mo ngayon?" tanong ko. Umiwas naman siya
ngayon ng tingin sa akin. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay at kumunot ang noo
ko ng makitang umiiyak na siya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak para
sa babaeng mahal nito. Ganito niya kamahal si Hera? Na kaya talaga niyang gawin
lahat. Lumuhod siya sa harapan ko at lumingon sa akin. Hindi ko na alam ang
gagawion ko sa nakikita ko.

"Si Kuya lang ang makakapagpasaya kay Hera, Ysabell. May taning na ang buhay niya.
Hindi ko naman hinihingi na iwan mo si Kuya. Ang hinihingi ko lang na sana habang
nandito pa siya ay hayaan mo si Kuyang maging sa kaniya pansamantala. Kahit
hanggang sa huling hininga niya. Iyon lang. Ysabell, please. Nagmamakaawa ako.
Kahit ilang araw lang kahit konting panahon lang" nahigit ko ang hininga ko sa
sinabi niya. M.May taning na ang buhay ni Hera? Kailan pa? Pinaglololoko niya ba
ako para iwan ko si Kristoff? pero wala akong makitang kahit anong hint ng
kasinungalingan sa kaniya.

I don't know what to do. I don't know what to say. I don't know what to act. Wala
na akong alam.

Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto kong sabihing hindi
ko kaya. Paano ko iiwan ang lalaking mahal na mahal ko? Paano ko siya sasaktan kung
alam kong masasaktan din ako? Paano ang bata sa tiyan ko? Hindi ko kayang lumaki
siyang walang kinikilalang ama. Ayokong pagdating ng araw ikukwento kong, 'Iniwan
ko siya para sa kasiyahan ng iba'. Gusto ko siyang itago. Gusto kong maging selfish
pero paano? Paano akong magiging selfish kung isang taong may sakit at mamamatay na
ang kalaban ko?

Huminga ako ng malalim dahil feeling ko ay wala ng hanging pumapasok sa katawan ko.

Umalis na si Kristian, pero katulad ng isang bagyo, iniwan niya akong gulong gulo.
Kaya ko bang ibigay si Kristoff sa iba? Kaya ko bang makita na may kasama siyang
iba? Kaya ko bang ipaubaya siya kay Hera?

Napaupo nalang ako sa sofa at hinayaang bumagsak ang luha ko. What to do?

=================

33

33

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Gulong gulo ako sa sitwasyong
kinasadlakan ko ngayon. Kung pwede ko lang sanang ipamigay si Kristoff na parang
isang laruan lang, kanina ko pa ginawa pero hindi ko kaya.

Hindi siya laruan. Hindi siya isang bagay na kapag hiningi nila ay makukuha nila
kaagad. Mahal ko siya at kasal kami pero si Hera. Paano si Hera?

Ayaw kong maging selfish dahil may sakit siya at ayokong maging dahilan kung bakit
lalo mapadali ang buhay niya pero hindi nalang ako ang kailangan kong isipin
ngayon. Hindi nalang ako dahil may bata na sa sinapupunan ko.

Umupo ako sa kama at itinaas ang mga paa ko bago niyakap. Ano ba ang dapat kong
gawin?

Ilang minuto akong nasa ganoong pwesto ngunit hindi ko parin alam kung ano ba dapat
ang gawin ko.
"Baby?" inangat ko ang ulo ko. Sinalubong ng mukha ni Kristoff ang mga mata ko.
Kailan  siya dumating? Hindi ko man lang napansin ang pagbukas ng pinto. "What's
wrong? May masakit ba sayo?"

Kinagat ko ang labi ko at umiling. Umupo siya sa harapan ko kaya gumapang ako
palapit sa kaniya at umupo sa hita niya bago siniksik ang mukha ko sa leeg niya.
Paano ko ibibigay ang lalaking kagaya ni Kristoff? Paano ko ibibigay ang lalaking
napakatagal kong pinangarap na maging akin?

Alam kong kung tatanungin ko si Kristoff, hindi siya papayag at masasaktan ko siya.
Alam kong ako ang pipiliin niya at ang anak namin. Kristoff loves me so much. Hindi
na siya magdadalawang isip pang mamili. Ang iniisip ko lang ay si Hera.

Pumaikot sa akin ang mga kamay niya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa
aking buhok. "I love you so much, Ysabell."

"Mahal din kita, Kristoff." bulong ko sa kaniya. Punaikot ko ang mga kamay ko sa
leeg niya at lalong sumiksik sa kaniya.

"Kung alam ko lang na ganito pala kapag buntis ka sana pala matagal na kitang—
aray!" humiwalay ako sa kaniya pagkatapos ko siyang kagatin. Kahit kailan talaga
ang lalaking ito napakamanyak!

Ngumuso siya ng makarecover at tinapik ang hita niya na parang sinasabing bumalik
ako doon pero umirap ako sa kaniya at lumabas ng kwarto.

"Ysa naman, eh!" reklamo niya at nagdadabog na sumunod sa akin.

Dumiretso ako sa kusina. Nakalimutan kong magluto ng breakfast namin dahil sa


nangyari kanina. Kapag naaalala ko ay lalong sumisikip ang dibdib ko. Alam ko kasi
na hindi ko siya kayang iwan para sa iba o kahit ibigay man lang.

Pumikit ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. Bahagya akong
natigilan ngunit itinuloy ko rin ang ginagawa ko.

"Hindi mo ako tinanong kung saan ako nagpunta," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Nilingon ko siya sa aking kaliwang balikat ngunit nagulat ako ng biglang dumampi
ang labi niya sa akin. Kahit kailan talaga!

"Well, dinalaw ko si Hera. Hindi ko alam na mayand sakit pala siya. Uuwi rin dapat
ako pero kinausap ako ng mga magulang niya. Hindi naman ako makatanggi. Pasensiya
ka na. Kung hindi lang naman dahil sa kanila—"

"Okay lang," sagot ko. Bahagya siyang humiwalay sa akin.


"Okay lang na hindi ako umuwi?" sambit niya. Halata sa boses niya ang pagtatampo sa
sinabi ko. Hinarap ko siya.

"Hindi sa ganun. Okay lang na tinulungan mo sila. Kaibigan mo si Hera hindi ba?
Okay lang na dalawin mo siya. Okay lang basta... basta uuwi ka sa akin. Mangako ka
Kristoff—"

"Ano bang pinagsasasabi mo? Of course, uuwi ako sa'yo. You're my wife, Ysabell and
I love you so much. Ano bang nangyayari sa'yo?" takhang tanong niya. Umiling ako at
yumuko.

Naramdaman ko ang dalawang kamay siya sa magkabilang pisngi ko at pilit na inaangat


upang makita ang mukha ko. "If it's about last night, I'm sorry. Sorry kung hindi
ako nakauwi. That will never happen again. You know how much I love you, right?"
tumango ako.

Dinampian niyang halik ang aking labi bago ako muling niyakap. Kumapit ako sa t
shirt niya at sumiksik sa kaniya. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning
magbigay.

Nagyon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mahalin ng isang katulad niya. Sa mga
nangyari noon, akala ko ay wala ng pagasa ang nararamdaman ko kaya itinago ko ito
sa pinakailalim ng pagkatao ko pero ngayon, nasa mga kamay ko na ang puso niya. Ako
na ang nagmamayari sa kaniya. Masama bang sarili ko ang isipin ko ngayon?

"Nanay," humiwalay ako kay Kristoff ngunit nanatili parin ang mga kamay niya sa
bewang ko, marahang hinahaplos. Nilingon ko ang paligid hanggang sa makita ko ang
kambal sa pintuan ng kusina.

Magulo ang mga buhok nila at halatang bagong gising lang.

"Good morning," bati ko bago naglakad papunta sa kanila. Hinalikan ko ang


magkabilang pisngi nila ng biglang yumakap sa akin si Kris. Bubuhatin ko sana siya
ng bigla akong makarinig ng pagtanggi.

Nilingon ko si Kristoff. Na naglalakad na ngayon palapit sa amin, "Bawal magbuhat


ng mabigat," ngumuso ako at hinayaan siyang buhatin ang kambal at iupo sa high
chair.

Bumalik naman ako sa ginagawa ko kanina. Tinulungan ako ni Kristoff hanggang sa


matapos na nga naming maluto ang pancake.

Days passed by at lalong lumala ang sakit ni Hera. Bumalik ulit dito si Kristian
upang kausapin ako na mas lalong nagpagulo sa isipan ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong magpakaselfish dahil sa
nangyayari Kay Hera ngayon. Kung pumayag ba ako noong una ganito ba ang mangyayari?
Hindi ko alam. Guilty'ng guilty ako sa naging desisyon ko.

Napapansin ko rin ang pagiging problemado ni Kristoff. Alam kong maging siya ay
kinakausap ni Kristian tungkol Kay Hera.

Bumukas ang pinto ng kwarto namin. Pumasok si Kristoff at katulad ng mga nakaraang
araw ay problemadong problemado ang mukha niya.

"What's wrong? Kumain ka na ba?" lumapit siya sa akin at humalik sa aking pisngi
bago tumango.

"It's about Hera. Her condition is getting worst," sambit niya.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. I know. Pakiramdam ko ay kasalanan ko Kung bakit


lumala ang kondisyon niya.

Umupo sa tabi ko si Kristoff at siniksik ang mukha sa leeg ko, katulad ng parati
niyang ginagawa. Hinaplos ko ang buhok niya at pinaglaruan. I can't leave him.
Hindi ko rin siya kayang ipamigay. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Kapag nagigising si Hera, ako ang hinahanap niya. They want me to visit her
everyday," kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot
ko. Pumayag ba siya?

"Why are you telling me this?" tanong ko, halos pumiyok ako.

"I'm asking for your permission, baby. Sinabi ko na tatanungin kita kasi kahit
anong desisyon mo pakikinggan ko," hindi ako sumagot.

Pakiramdam ko ay mas lalong bumigat ang kalooban ko. Ilang minutong nanaig ang
katahimikan sa aming dalawa. Wala sa loob na humawak ako sa tiyan ko.

Ang kaya ko lamang ibigay ay ang hayaan siyang bantayan si Hera. Hanggang doon
lang.

"Sa akin ka uuwi. When I need you, ako parin ang mauuna. Hindi mo ako iiwan," sunod
sunod kong sambit. "Hindi mo kami iiwanan—"

"Shhhh. I will never do that, Ysabell. Whatever happens, you're always my priority.
You, and our children. Kayo ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Ikaw lang,"

=================
35

Chapter 35

Chapter 33 and 34 will be posted on Saturday. Thank you.

Mabilis na kumunot ang noo ko ng magising at ibang iba na ang kinalalagyan ko.
maging ang suot kong damit ay hindi na ang hospital dress. Paano ako napunta dito?
Bakit wala akong maalala? Piniga ko na ang isipan ko pero wala paring lumabas kahit
na malabong ala-ala.

may kinalaman ba si Kristoff kaya ako nandito? Dinala niya ba ako dito? Nagngitngit
ang kalooban ko at muling umaakyat ang inis sa utak ko. alam kong hindi dapat ako
magalit dahil parehas kaming nawalan. Hindi dapat siya ang sisihin ko kasi ako ang
tangang naniniwala sa kaniya pero hindi ko mapigilang hindi magalit.

Kahit sana makipaglandian siya kung kani-kanino. Kahit iwanan niya na ako. Kahit
ako nalang ang masaktan, tatanggapin ko dahil ako lang naman pero nadamay ang anak
ko. Nadamay ang walang kamuwang muwang na sanggol sa sinapupunan ko at iyon ang
hindi ko na kayang patawarin pa.

Tinanggal ko ang pagkakakumot sa akin at tatayo palang sana nung biglang may
pumasok. Gulat na napatingin ako doon pero mas hindi ko inaasahan ang iniluwa nito.
Bakit siya pa?

"Hija, gising ka na pala" umiwas ako ng tingin at mas itinuon ang pansin sa mga paa
ko. Bakit nandito ang Mommy nila Kristoff? Bakit siya pa?

Naramdaman kong umalon ang kama kaya hindi ko napigilang hindi napatingin sa
kabilang parte. Kimi akong nginitian ni Tita Kissa bago ito sumandal sa headboard
ng kamang kinalalagyan ko kanina. Nandito din ba si Kristoff? Ayoko siyang makita.
Masasaktan na naman ako.

"Kung iniisip mong nandito ka dahil kay Kristoff ay nagkakamali ka. Hindi ko
kinukunsinti ang mga kalokohan ng mga anak ko. Wala akong pakialam kung mag-away
away sila dahil sa babae dahil alam kong at the end of the day, magbabati sila at
malalaman nila ang pagkakamali ng bawat isa" umangat ang tingin niya sa akin at
muli akong nginitian. "Hindi ko hahayaang hindi magtanda si Kristoff sa mga nagawa
niya sa'yo. Gusto ko siyang maghirap hanggang sa maglumuhod siya sa harapan mo nang
sa ganun ay hindi na niya ulitin ang ginawa niya" nanlalaki ang mga matang
napatingin ako ng mabuti kay Tita. Hindi ko alam na may ganito pala siyang ugali.
Dati pa man noong sa asawa pa niya ako nagtatrabaho ay parati ko siyang nakikitang
dinadalaw si Tito. Napakabait nito at sobrang maaalalahanin kaya hindi ko alam na
may ganito siyang ugali.

"Dapat alam niya kung ano o sino ang inuuna niya. Dapat alam niya kung ano ang
prayoridad niya. Dapat lang sa kaniya ang masaktan" inis pang sabi ni Tita. "Habang
pinagmamasdan kita sa hospital, kahit anong iwas mo sa kaniya. Kahit malamig ang
pakikitungo mo, nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo siya kamahal, Ysabell.
H'wag mong hayaan na dahil sa pagmamahal na iyan ay abusuhin ka ng anak ko. Dapat
ikaw ang reyna niya, dapat lahat ng gusto mo ay susundin niya at dahil alam kong
hindi mo siya kayang saktan, ako ang gagawa non para sa'yo" hindi ko alam kung
anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung tututol ba ako o hindi.

Hinawakan ni Tita ang mga kamay ko at sa unang pagkakataon simula ng mawala ang
anak ko. Nagkaroon ako ng pag-asa. Para akong nagkaroon ng kakampi.

"Let me tell you a long story, Ysabell Liondale" minuwestra ni tita na humiga ako
sa Lap niya. Naalinlangan ako pero siya na mismo ang nagpahiga sa akin at wala na
akong nagawa. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nakatingin sa kawalan.

"Halos tatlong taon na ang nakakalipas ng makilala ko ang isang Doktor na


nagngangalang Ylmaz. Isa siyang Amerikanong doktor at matalik na kaibigan ng asawa
ko. Buntis ako noon para sa panganay kong anak ng makilala niya ang isang simpleng
babaeng nagtatrabaho bilang kasambahay sa amin. Hindi siya pwedeng magkagusto sa
iba dahil kasal na siya, kahit pa sabihing hindi niya mahal ang babaeng
pinakasalan. Para lamang ito sa paglago ng kanilang negosyo ngunit kahit anong iwas
niya ay natutonan niyang mahalin ang babaeng kasam-bahay. Naging mahirap ang
relasyon nila, lalo na at parati ng nakasunod ang asawa ni Ylmaz tuwing bumabalik
siya ng pilipinas pero halos kapapanganak ko lang sa panganay ko ng mabuntis ni
Ylmaz ang babae. Nalaman ito ng asawa niya at tinakot silang gagawa ng paraan para
mawala ang bata sa sinabpupunan ng babae kaya umalis agad ang babae at hindi na
kailanman bumalik pa. Nalaman nalang namin na kambal ang batang isinilang niya.
Isang babae at isang lalaki. Gustuhin man ni Ylmaz na makita ang mga anak niya ay
hindi niya magawa dahil sa takot sa kaligtasan ng mga ito" hindi ko alam kung bakit
ang lakas ng tibok ng puso ko. Kung bakit kinakabahan ako at nanlalamig ang mga
palad ko. Hindi ko alam kung bakit kinukwento sa akin ni Tita ito pero isa lang ang
alam ko, may kinalaman ako dito.

"Sampong taon na ang nakakalipas ng mahanap namin sila. Nakukuntento nalang siya sa
pagtingin sa malayo at sa lihim na pag-bibigay ng mga luho ng anak niya. Hindi rin
kasi siya nagkaroon ng anak sa mahaderang asawa niya kaya naman sabik na sabik siya
sa mga anak niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ang asawa ni Ylmaz
at binawian ng buhay. Iyon na ang hinihinging panahon ni Ylmaz para makilala ang
mga anak niya ngunit bago pa man siya makauwi galing amerika ay nasangkot siya sa
isang Car crash. nabangga ang sinasakyan niya na siyang kinamatay niya. Ang billin-
dollar business niya ay napunta sa mga kamag-anak niya ngunit nitong mga nakaraang
buwan lang ay nahanap namin ang isang napaka-importanteng dokumentong nakaipit sa
isang libro sa kaniyang silid-aklatan. Ang lahat ng akayamanan at ari arian niya ay
mapupunta sa dalawang anak niyang nagngangalang Yssabell at Yllak Liondale" nahigit
ko ang hininga ko ng sabihin iyon ni Tita. Napaupo pa ako mula sa pagkakahiga ko at
mariing nakatingin sa kaniya.

"Hindi masamang tao ang iyong ama, Ysabell. Buong buhay at kasiyahan niya ay
sinakripisyo niya upang mapasaya kayo at maging ligtas" umiling iling ako kasabay
ng pagtulo ng luha ko.

"B-Bakit n-ngayon n-niyo lang p-po sinabi s-sa amin" sabi ko. Nanlaki ang mga mata
ni Tita dahil nagsalita ako. Alam niyang hindi ako kumakausap ng kahit sino simula
ng makunan ako.

"Nasabi na namin sa Nanay mo, Ysabell pero ayaw niyang tanggapin kaya heto ako
ngayon at sinasabi sa iyo dahil mas kailangan mo ang pera'ng iyon ngayon para sa
pagpapasakit mo kay Kristoff" gusto kong tumutol at mukhang nakita iyon ni Tita.
Pinunasan niya ang luha ko.

"Bibigyan lang natin siya ng leksiyon, Hija. Ikaw at ikaw lang din naman ang gusto
ko para sa anak ko. Alam kong mahal mo siya at masaya akong ang isa sa mga anak ng
kaibigang matalik ng asawa ko ang minahal ng anak ko pero hindi ako masaya na
nasaktan ka at nadamay pa ang magiging apo ko" Umiwas ako ng tingin at muling
binago ang usapan.

"Tita, Gaano po ako kamahal ng Tatay ko" ngumiti siya sa akin.

"Mahal na mahal ka niya, Ysabell. Kayo ni Yllak. Kaya h'wag ka ng magalit sa


kaniya. tanggapin mo ang manang binibigay niya dahil iyon gusto niyang mangyari"
sabi ni tita.

Buong buhay ko nagalit ako sa kaniya. Buong buhay ko kinamuhian ko siya. Wala naman
pala siyang ginawa kundi mahalin kami at protektahan. Niyakap ako ni Tita at muli
na naman akong nakahanap ng kakampi. Maya maya ay tumigil na ako at nanatili nalang
na nakatingin sa lapag.

"Tahan na, Hija, hindi iyan makabubuti sa'yo" tumingin ako kay Tita. Hindi naman
ako buntis paanong hindi makakabuti sa akin ang pag-iyak ko. "Halika na at kumain
na tayo sa baba" sabi niya at nilahad ang kamay niya.

"Tita pwede po bang sumunod nalang ako?" sabi ko. Mabilis siyang umiling at pilit
na hinawakan ang kamay ko.

"Hindi pwede dahil maaapektuhan ang apo ko. Binayaran ko pa ang doktor para
sabihing natanggal ang bata tapos gugutumin at i-i-stress lang kita? Paano kung
totoong nalaglag? Paano naman ang apo ko? Kumain na tayo, Ysa at simula ngayon
hanggang sa manganak ka ay ako ang mag-aalaga sa'yo. Walang kwenta si Kristoff!"

------------------------

Guys nalula ako sa dami ng votes at comments sa last chapter. Hindi ko inaasahan
iyon. Maraming maraming salamat po :)

Wala po si Kristoff sa chapter na ito. Ginawa ko po ito para maliwanagan na ang mga
isipan nito. Sa kay OWN, nakita ni Kiella si Ysa na buntis, sa FFKDDM, sinabi na
tinago ni Kissa si Ysa at mayaman na si Ysa doon. Heto ang dahilan kung bakit.

Sana ganun ulit karami ang comment at votes pero di ako aasa kasi baka hindi naman
ganun karami makuha ko. :)

=================
36

Chapter 36

×Ads by Lights Cinema 1.5betaTahimik akong naglalakad-lakad sa may dalampasigan. Sa


Batanggas pa talaga ako dinala ni Tita kung saan malapit na malapit sa bahay namin.
Ayaw niya naman akong pauwiin at sila Nanay pa talaga ang dinala ni Tita sa Town
house na kakapabili niya palang at wala ni isa sa mga anak niya ang nakakaalam.

Ngayon lang ako nakalabas simula ng araw na iyon. Maliban kasi sa nagpapahinga ako
ay ngayon lang ako ulit nakaramdam ng sobra sobrang pangungulila pero kalakip ng
pangungulilang iyon ang sakit dahil sabay ng pag-alala ko sa masasayang bahagi ng
relasyon namin ay ang pag-alala ko sa araw na iyon.

Tanging ang bata nalang sa tiyan ko ang dahilan kung bakit ako bumabangon araw
araw. Sa kaniya nalang ako humihila ng lakas para magpatuloy. Akmang tatalikod na
ako at babalik sa Town house ng may tumawag sa akin. agad kong hinanap ang boses na
iyon at nanlamig ako ng makita ko si Kiella.Tahimik kong nilingon ang magkabilang
gilid niya at ng makitang nag-iisa lang siya ay nakahinga ako ng maluwag ngunit
gusto kong makasiguro.

"K-Kiella? Anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba?" marami pa akong gustong
itanong pero ayokong mapaghalataan.

"Don't worry Ate, ako lang ang nandito. Saan ka nanggaling? Alam mo bang halos
mabaliw na si Kuya kakahanap sa'yo?" umiwas ako ng tingin at humawak sa tiyan ko.
Ako? Hahanapin niya? Gusto kong tawanan si Kiella at sabihing niloloko niya lang
ako pero nanatili akong tahimik.

Bakit ako hahanapin ni Kristoff? Wala na ba siyang maloko? Wala na ba siyang


mahalikan kaya hinahanap niya ako?

"Tapos na naman ang kontrata ko sa kaniya. Hindi na niya ako dapat hanapin. Ayoko
na magtrabaho sa kaniya at gusto ko ding mag-enjoy" hindi ko alam kung bakit iyon
ang nasabi ko gayong alam kong iba ang dapat kong sagot. Para kasing walang alam si
Kiella sa mga nangyari sa amin ng kapatid niya at wala ako sa mode na i-kwento kung
paano ako nasaktan.

"Buntis ka?" mabilis akong kinabahan at nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko
alam kung tanong ba o ano ang sinabi niya.

'Kiella please, H'wag mong sasabihin sa Kuya mo. Nagmamakaawa ako sa'yo" kumurap
ako ng nalaglag ang panga niya at tumingin sa tiyan ko. Sh*t. Wala nga siyang alam.
Ang tanga ko!

Paano kung sabihin niya kay Kristoff? Paano kung malaman ni Kristoff at mahanap
niya ako? Hindi pa ako handa. Ayokong makita siya dahil nasasaktan pa ako.
×Ads by Lights Cinema 1.5beta"Hindi ko sasabihin pero mangako ka na kung ano man
ang mangyari magiging dela Marcel ang batang iyan" gusto kong magdalawang isip pero
alam ko sa sarili kong hindi ko ipagkakait ang anak ko sa mga bagay na dapat ay sa
kaniya, katulad ng apilyido ng Tatay niya.

Kahit ilang beses na akong nasaktan ng Ama niya. Kahit para akong pinapatay sa mga
sakit na 'yon. Kahit na anong mangyari, hindi ko hahayaang maapektuhan ang anak ko.

Nagpaalam ako sa kaniya at mabibilis ang bawat hakbang na umalis sa lugar na iyon.
Tahimik din naman ang buong bahay kaya dumiretso na ako kaagad sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung kaya kong panghawakan ang pangako ni Kiella. Hindi ko alam kung
maniniwala ako doon dahil kahit anong gawin ko, si kiella ay kapatid ni Kristoff at
Blood is always thicker than water pero sana... sana ay hindi pa ako mahanap ni
Kristoff.

KATULAD ng mga araw na lumipas. Wala na naman akong ginawa mag-hapon kundi
humilata, magbasa, lumabas ng kwarto tuwing kakain at muling babalik pagkatapos.
Hindi na ako lumabas simula ng makita ko si Kiella. Natatakot akong baka sa susunod
na lumabas ako ay ibang kapatid naman nila ang makita ko or worst ay si Kristoff
na.

As I've said, hindi pa ako ready. Hindi ko alam kung kailan ako magiging ready pero
gagawin ko ang lahat h'wag lang akong makipag-face to face kay Kristoff.

"Hindi siya pwedeng mapagod, Gail. Hindi din siya pwedeng ma-stress kaya as much as
possible ay ang mababaw na parte muna ang ituro mo sa kaniya. Kung pwedeng verbal
ang gawin, verbal muna Greyson Winslou" napakamot ang baklang dala dala ni Tita at
nalukot ang mukha ng tawagin ito sa totoo ata nitong pangalan.

"Tit naman! It's Gail not Greyson Winslou!" maarteng sabi ng bakla pero ng samaan
ito ng tingin ni Tita ay nanahimik ito.

×Ads by Lights Cinema 1.5betaTinawag ako kanina ni Tita sa kwarto para daw
ipakilala sa akin ang tutulong sa akin ng mga galaw ng isang heredera. Hindi ko
alam kung bakit kailangan pa nito. Hindi ko din alam kung bakit kailangan pang pag-
aralan kung pwede namang umakto ako kung ano talaga ako pero hindi na ako nag-
kumento pa. Wala naman kasi akong magawa kaya pumayag nalang ako at mas mabuti na
iyon para kahit paano ay may makausap ako.

"Tigilan mo ako sa kabaklaan mo, Gail! Maiwan ko na kayo ng makapag-simula kayong


magkakilanlan" ngumiti sa akin si Tita at tipid na ngiti naman ang sinukli ko bago
ito tumalikod.

Kung hindi lang tumili si Bakla--- i mean Gail ay baka hindi na ako tumingin sa
kaniya.
"Ang ganda ganda mo! Ikaw pala si Ysabell. Ang sikat na si Ysabell" sabi nito at
agad na tumabi sa akin. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Hindi ko maalalang
sikat ako kaya lalong kumunot ang noo ko.

"Alam mo bang nasa T.V ang mukha mo parati at headline ka sa mga newspaper ngayon?"
sabi nito na lalong nagpakunot ng noo ko "Tinatago ka lang pala ni Tita dito.
Kawawang Kristoff" sabi nito na iiling iling pa.

"Hindi naman ako artista para maging headline sa dyaryo at nasa T.v ang mukha ko.
Baka nagkakamali ka lang?" sabi ko pero umiling iling ito. Kinuha nito ang Bag na
naka-patong sa coffee table at naglabas ng dyaryo. Nanlalaki ang mga mata ko ng
iharap niya sa mukha ko ang dyaryo at kitang kita ko ang napakalaking picture ko
doon.

May nakalagay pang MISSING at kung ano anong kalokohan.

'Isang linggo na ang nakalilipas ng kumalat ang tsismis na ang isa sa mga pamosong
bachelor sa bansa ay kasal na. Sarado ang bibig ng mga kaibigan, kapamilya at
maging ng lahat ng konektado kay Kristoff Uno Dela Marcel ngunit nitong mga
nakaraang araw ay nagsalita na ang huli. He's married but his wife is Missing.
Totoo kaya ang balita? o paraan lamang ito ng binata upang itaboy ang sandamakmak
na tagahanga? Ysabelle Liondale, Isa nga bang bagong Dela Marcel?'

Inis na pinunit ko ang dyaryo at hinagis kung saan. Ano 'to? Bakit may mga ganito?
Kaya ba hindi ako hinahayaan ni Tita na manood ng T.V? Ano na naman bang kalokohan
ang pinaggagagawa ng lalaking iyon? Ang kapal ng mukha niyang ilabas ang mga bagay
na ito samantalang kailan lang ng saktan niya ako.

Hindi man ako manalamin, alam kong nakakatakot na ang itsura ko. Nanlilisik ang mga
mata ko at madiing nakakuyom ang mga kamao ko. Tumayo ako at akmang iiwan si Gail
doon ng makarinig ako ng pagtawag ng pangalan ko mula sa labas. Wala sa loob na
tinungo ko iyon at naestatwa ako ng makita kung sino ang tumatawag ng pangalan ko.

Hawak hawak ng mga guards ang magkabilang braso niya at kitang kita ng dalawang
mata ko kung pano ito nagpupumiglas na parang nagwawala na. Nang maialis nito ang
mga kamay sa pagkakahawak ng isang guard ay agad itong sumuntok sa kabilang guards.
Suntok, sipa, at kung ano ano pa ang nagawa nito hanggang sa mapatumba ang dalawang
guwardiya.

Nagtititili si Gail pero ako, nanatiling nakatyo lang doon ng walang reaksiyon.

Hindi ko alam kung masisiyahan ako habang nakikita si Kristoff ngayon. Halatang
walang gaanong tulog ang mga mata niya, humaba na rin ang buhok niya at parang
lumiit din ang katawan niya. Ano bang pinaggagagawa nila ni Hera nitong mga huling
araw at naging ganiyan siya?

"Ysa" halos mapaatras ako ng mapansing sobrang lapit na pala niya. Habol habol ko
ang hininga ko habang nakatingin ng masama sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong sabi sa kaniya. Namungay ang mga mata niya
at sinubukang hawakan ako pero hinarang ko ang mga kamay ko sa gitna namin. "No!"
sigaw ko pa ng ayaw niyang sumunod. I glared at him. Bumagsak ang balikat niya at
yumuko.

"Ysa, let me explain. Mal-"

"Don't talk! Ayaw kitang kausapin!" tili ko bago siya tinulak at naglakad palayo.
Dahan dahan ang bawat hakbang ko at sinigurado ko na hindi na mauulit ang nangyari
dati ng makita ko sila ni Hera.

"Ysabell, hindi ko 'yon sinasadya. I didn't want to kiss her. Siya ang humalik!
Hindi ko siya maitulak kasi baka lumala ang sakit niya at lalo akong tumagal sa
kan-"

Mabilis kong binagsak sa harapan niya ang pinto at ni-lock ang pinto ng unang
kwartong napasok ko hanggang sa triple lock nito. Mabilis ang mga hininga kong
umakyat sa gitna ng kama.

Nakarinig ako ng sobrang lakas na pagkatok ng pinto at pag-tawag pero nanatili


akong nakaupo sa gitna at nakatingin sa pinto.

Paano niya ako nahanap?

----

Guys sorry kung ngayon lang update. May importanteng bagay lang akong ginawa. Hindi
ko hinihingi na kasing dami ng votes at comment ng huling chapters ito pero sana po
mag-comment kayo. Sampung chapters nalang po ang natitira at sana po h'wag niyo
akong iwanan :) Isa bawat araw ang update pero pag na-reach niyo ang expectation ko
o may nabasa akong magandang comment baka maging dalawang update per day.

Thank you,,

Kath
=================

37

Chapter 37

Kinusot ko ang mga mata ko ng magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala
ako sa paghihintay na mawala ang mga katok at pagsigaw ni Kristoff sa pangalan ko.
Nagsawa na siguro siya? Sana naman. Ingat na ingat akong naglakad papuntang pinto.
Pinapakiramdaman ang kabilang bahagi ngunit ng wala akong maramdaman at marinig na
ingay ay agad ko na itong binuksan.

Wala na nga si Kristoff dito. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa
dibdib ko sa kaalamang iyon. Dapat masaya ako dahil wala na siya! Dapat iyon ang
maramdaman ko at hindi iyong ganito! Sinaktan ka niya Ysa, nakipaghalikan siya sa
ibang babae kaya dapat hindi mo iyan nararamdaman sa kaniya!

Umiling ako at naglakad papuntang kusina. Wala sa sariling binuksan ko 'yong


refrigerator at kumuha ng gatas. Kumuha din ako ng baso at umupo sa high stool.
Late na pala. Madilim na kasi sa labas at wala ng kasambahay dito sa kusina kaya
alam kong late na.

Nasaan kaya si Kristoff? Ugh! Ysabell, Stop thinking about him!

"Ysab-" bigla akong napasigaw ng makarinig akong nagsalita. Mabuti nalang at


napatayo ako at hindi ako nalaglag sa baba.

"Ysabell? Ok ka lang?" sinamaan ko ng tingin si Kristoff. Inis na kinuha ko ang box


ng gatas at binato san kaniya. Napasinghap siya lalo na ng matalsikan din siya ng
mga gatas na natirang laman nito. Kumurap kurap ito at lumingon sa akin pero umiwas
ako ng tingin at naglakad palayo. It's his fault. Kung sana hindi niya ako ginulat
eh, di sana ay hindi koi yon binato sa kaniya!

"Ysabell saglit lang" binilisan ko pa ang lakad ko paakyat ng hagdan ngunit


nahawakan niya ang braso ko. Mabilis kong tinanggal iyon at muling naglakad.

"Wife-"

"Don't you f*cking call me wife! I hate you! Wala kang karapatang tawagin akong
wife kasi manloloko ka! Sinungaling ka! I hate you" sigaw ko sa kaniya. Kinagat
nito ang labi at yumuko na lalong ikinainis ng kalooban ko. Pinapakita niya lang na
talagang nangyari ang mga iyon at hindi talaga panaginip, na nagui-guilty siya sa
katangahan niya!

"Ano! Yuyuko ka nalang? Ganun nalang iyon? Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit di
ka nalang umuwi kay Hera!" sunod kong sabi. Umangat ang mukha niya at tumingin sa
akin. Kinagat ko ang loob ng labi ko ng makitang namumula na ang mga mata niya na
parang naiiyak na.

"Ysa, I'm sorry" pumiyok ang boses nito. Kinagat nito ang ibabang labi upang
pigilan ang luha pero hindi niya ako madadaan sa kakaganyan niya.

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Tingin mo sa isang sorry mo lang magiging mayos
na tayo? Kung sana kayang ibalik ng sorry mo ang nakaraan baka matanggap ko pero
hindi, hindi na nito mababalik ang nakaraan. Umalis ka na, ayaw na kitang makita.
Ayokong makasama ka dito at h'wag na h'wag ka nang magpapakita sa akin!" tatalikod
palang ako ng maramdaman kong may humawak sa akin. Mahigpit itong yumakap sa akin
na parang ayaw akong pakawalan.

"Ysabell. No. Ayoko. Dito lang ako sa'yo. Sorry. Please. Hingiin mo na lahat h'wag
lang 'yon." nahihirapang sabi niya. Kusang tumulo ang mga luha ko. Para silang
bukas na poso sa bilis ng paglabas. Nasasaktan na naman ako.

"Umalis ka na, Kristoff. Bitawan mo ako at umalis ka na" buo ang boses ko kahit na
naglalabasan ang mga tubig sa mata ko. Lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.
Napapikit ako ng makaramdam ng urge na yakapin siya pabalik.

"Ysa, magpapaliwanag ako. Pakinggan mo naman ako" mahinang sabi nito.

"Bitawan mo ako. Sana naisip mo iyan ng hinalikan mo siya. Sana naisip mo ang
mawawala sa'yo ng tinugon mo ang halik niya. Sana nagawa namin ng anak mong sumagi
sa isipan mo noon pero hindi, eh. Nang halikan mo siya, mas pinili mo siya kaysa sa
akin at anak natin. Nang halikan mo siya, hindi lang ang anak mo ang nawala sa'yo
Kristoff kundi pati ako. Wala ka ng babalikan, wala nang tayo. Umalis ka na!"
mahinahon ko ng sabi. Pumikit ako ng puro iling at hikbi rin ang naririnig ko sa
kaniya.

"Hindi ko ginusto iyon, Ysabell. Please, patawarin mo na ako. Umuwi ka na sa akin.


Please, Ysabell" umiling iling ako at basta nalang siyang tinulak. Kagat kagat niya
ang labi niya habang basang basa ang mukha niya. Siguro noon baka hindi ko kayaning
makita siyang nagkakaganyan pero ngayon?

"Bakit tinugon mo ang halik-"

"Hindi ko tinugon ang halik niya, Ysabell. Hinayaan ko lang siyang halikan ako.
Iyon lang iyon. Hindi ko siya maitulak kasi may sakit siya at baka kung ano ang
mangyari-"

"Mangyari? Naisip mo 'yong mangyayari sa kaniya pero 'yong mangyayari sa amin ng


anak mo kapag nalaman namin na hinalikan mo siya hindi mo naisip? Pero ang mas
malala pa don, hindi ko narinig o hindi ko nalaman sa iba. Nakita ko Kristoff.
Kitang kita ng dalawang mata ko- Don't you f*cking touch me!" sigaw ko ng lumapit
na naman siya sa akin.

Ihinilamos nito ang mga kamay sa mukha bago unti unting lumuhod sa harapan ko.
Imbes na mahanap ko sa puso ko na patawarin siya ay lalo lang nadadagdagan ang
galit ko sa kaniya.

"Umuwi na tayo. Patawarin mo na ako, Ysabell. I... I can't live without you.
Please, umuwi na tayo. Kahit hindi mo na ako pansinin. Kahit di mo ako kausapin.
Kahit itrato mong wala ako sa bahay basta nakatira ka don at basta nandoon ka.
Please, Ysabell. Nagmamakaawa ako sa'yo. Umuwi na tayo" umiling ako. Hindi ko siya
kayang makasama sa bahay na iyon. Ayokong sirain ang masasayang alaala naming sa
bahay na iyon.

"Anong nangyaya- Kristoff?" pinunasan ko ang luha ko ng makita kong palabas si Tita
sa kwarto niya.

"Mommy. Mommy kumbinsihin mo naman si Ysa na umuwi na kami. Please, Mom.


Nagmamakaawa ako sayo" tuluyan nang umupo si Kristoff sa lapag. Parang bata na
itong umiiyak. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang Makita siyang
nagkakaganyan.

"ysabell, pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ako na-"

"No Mom, please. No. No. Pilitin mo siyang sumama sa akin Mommy. Uuwi na kami"
nanghihinang sabi niya sa gitna ng mga hikbi niya pero tinignan lang siya ni Tita
at sinenyasan akong pumasok. Muli kong tinignan si Kristoff bago tuluyang tumalikod
pero hindi pa man ako nakakahakbang ay may biglang yumakap sa akin sa may puson ko
at sinubsob niya ang mukha sa likuran ko na hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang
pagkabasa doon.

"K-kung ayaw niyo siyang u-umuwi k-kasama ko... then dito din ako titira. Please,
Mom" sabi niya habang nasa ganoong posisyon. Hindi ko na alam kung anong gagawin
ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya maitaboy. Kulang ang pader na gawa sa
galit ko dahil unti unti na naman iyong gumuguho dahil sa kaniya.

Hinawakan ni Tita ang kamay niyang nakalagay sa may puson ko. Hindi siya ganun
kahigpit pero tuwing gumagalaw ako ay nagmimistula itong simento sa tigas at
talagang hindi ako hinahayaang makatakas.

"Bitawan mo na si Ysabell, Kristoff. Let her rest" naramdaman kong umiling iling
ito dahil nasa likod ko parin ang mukha niya.

Lumingon ako kay Tita n a nanlulumong nakatingin sa anak niya. Kahit ano naming
gawin ko, Si kristoff ang anak ni Tita at alam kong nahihirapan itong nakikita si
Kristoff ngayon.

"Mom, Please. Ysabell. Wala akong gagawing kahit na ano. Hayaan niyo lang akong
Makita ang asawa ko. Kahit di na niya ako pansinin at kausapin. Kahit ano, please
Mommy. Hayaan mo lang akong Makita siya. Kahit sa malayuan na. Kahit... Kahit hindi
ko siya mahawakan" pahinang pahina ang boses nito na para bang nawawalan na ng pag-
asa.
"Let her rest at mag-uusap tayo sabi ni Tita ngunit ng hawakan nito an kamay ni
Kristoff at subukan na naman ialis sa akin ay lalo lang itong tumigas at humigpit.
Naramdaman ko ang muling pag-alon ng dibdib niya sa likuran ko. Hindi ko na alam
ang gagawin ko.

"If I let her go, itatago mo na naman siya. Ayoko. Ayoko" sabi nito. Bumuntong
hininga si Tita at nagmamakaawang tumingin sa akin.

"I'm sorry, Hija, pero pwede mo bang pakalmahin ang anak ko. Pwede mo ba siyang
aluhin muna kahit ngayon lang? I can't afford to see him like this, wounded and
lost. Please"

----------------

Guys sorry kung di ako nakapag-ud agad. Nawalan kami ng Internet connection.
Nakakainis lang dahil nagbabayad kiami buwan buwan sa landlady namin pero hanggang
ngayon wala parin. Ayokong sa comp shop gumawa ng UD pero dahil iniisip kong baka
layasan niyo ako ay wala na akong choice. Nangangako akong everyday na ang update
simula ngayon.

Comment po? Kahit 50 lang? pretty please :)

Sinong may gustong magkabati na sila?

#KristoffSWM

=================

38

Chapter 38

Mabigat na naman ang katawan ko pagkagising. Mabuti nalang at simula ng muntik na


akong makunan ay hindi na ako nagkaroon ng morning sickness ngunit hindi talaga
kayang sikmurain ng tiyan ko ang mga gulay dahil nasusuka parin ako tuwing naaamoy
ko iyon.

Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong maglinis ng sarili ngunit imbes na katulong
ay si Kristoff ang naabutan ko roon. Nakatalikod siya sa akin habang nakaharap sa
stove at mukhang nagluluto.

Wala siyang suot pantaas at tanging ang khaki shorts lang ang pambaba niya. Lumiit
man ang katawan niya, hindi parin maitatanggi ang kakisigan nito.

Pumikit ako at tumalikod na ng marinig ko ang pangalan ko.

"Ysa. Wala kasi si Mommy. Namalengke naman sila manang at tulog pa si Gail kaya ako
na ang nagluto. Nagugutom ka na ba?" tanong niya. Humarap ako at tinignan ang
niluto niya. Pancake.

"Ayoko niyan!" sabi ko at nagkibit balikat. Nawala naman ang ngiti niya at yumuko.
Gusto kong kagatin ang sarili ko ng makaramdam ng guilt pero ng maalala ko ulit ang
nangyari ay nabuhay na naman ang inis ko.

"Anong gusto mo? Magluluto nalang ako ulit" mahinang sabi niya. Nagisip ako ng iba.

"Gusto ko ng adobong manok pero gusto ko 'yong wings lang niya" sabi ko. Akala ko
tatanggi siya pero agad siyang nagpunta sa ref at nag-check kung may chicken nga
doon.

"Upo ka muna. Medyo matatagalan, okay lang ba?" tanong niya.

"Lulutuan mo ako?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Gagawin ko naman lahat ng gusto mo. Kahit gaano pa kahirap at saka marunong naman
ako kahit papaano. Kung gusto mo lang na lutuan kita pero kung hindi-"

"Sige" sabi ko

"Talaga? pumapayag kang lutuan kita?" tanong niya. Tumango nalang ako at umupo sa
high stool sa harap ng pancake. Actually gusto ko 'yong pancake kaso gusto ko siya
pakirapan kaya naghanap ako ng iba pero ngayong harap harapan ko na ay natatakam na
akong kainin.

Muli ko siyang nilingon at kasalukuyan niyang nililinis ang bigas bago iluto at
sinunod ang manok. Saan kaya siya natutong magluto? Para kasi talagang sanay na
sanay siya.

Kung hindi niya ginawa ang ginawa niya, masaya kaya kami ngayon? Kamusta na kaya
ang kambal namin? Dahil sa kaniya ay hindi ko na nakita ulit si Toffer at Kris.
Nami-miss ko na ang kakulitan nila.

Siguro nga halik lang iyon, siguro para sa iba sobrang O.A ko dahil nga halik lang
iyon pero kasi masyado akong nagtiwala sa kaniya. Nagtiwala sa pagmamahal niya,
nagtiwala sa mga pinapakita niya kaya ng makita kong may kahalikan siya ay sobra
akong nasaktan. Akala ko kasi ako lang. Si Kristoff at si Ysabell lang pero may
Hera pa pala at ang mas masaklap pa ay muntik ng nawala ang baby ko at doon ako
nagagalit. Maghalikan sila magdamag, willing akong makinig ng reason niya
kinabukasan pero kung damay pati ang anak ko, ibang usapan na iyon. Walang sorry
ang makakapagpabalik sa anak ko. Mabuti nalang talaga at buhay siya dahil mas
pipiliin ko pang mamatay kung mawawala rin lang siya sa tiyan ko.

"Ysabell?" nagising ako sa pagmumuni muni ng marinig kong muli ang pangalan ko.

Kunot na kunot ang noo ni Kristoff habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin.
"Luto na kasi. Kumain ka na" sabi niya kaya napatingin ako sa harap ko. May
nakahain ng pagkain at plato sa harap ko. May gatas na din sa gilid ko na nakalagay
sa baso. Tumingin ako sa kaniya ng lalabas siya ng kusina at tinaasan ng kilay.

"Saan ka pupunta?" tanong ko. Nilingon niya ako at yumuko.

"Aalis. Tapos na akong magluto" sabi niya.

"Sinong kasama ko kung aalis ka! Hindi nalang din ako kakain" inis kong pakli.
Nanlaki ang mata niya at tumitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at narinig ko
siyang bumuntong hininga.

"Anong gusto mong gawin ko?" mahina muling sabi niya.

"Get another plate and eat with me" sabi ko na siyang dahilan ng paglingon niya sa
akin pero imbes na tignan siya ay yumuko ako at nagsimula ng maglagay ng kanin at
ulam sa plato ko.

Maya maya ay naglagay siya ng plato sa harapan ko at naglagay ng pancake na siyang


kinakain niya. Napalunok ako sa paraan ng pagkain niya. Para kasing ang sarap sarap
ng pancake, not to mention na gusto ko talaga iyon at nagiinarte lang ako.

Inis kong binaba ang kutsara at tinidor ko. Nakuha ko naman ang atensiyon niya sa
ginawa ko.

"Ayoko na" parang batang sabi ko at inusog ang plato paharap.

"Bakit? Pangit ba ang lasa? Ayaw mo ba?" sabi nito at tinikman ang manok. "Ayos
naman ang lasa, ah"

"Ayoko niyan. Gusto ko..." kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. "Gusto ko
'yong pancake" sabi ko. Naramdaman kong tinitigan niya ako bago tumayo. Tinaasan ko
siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko ng tumayo siya. Kinamot niya ang batok.

"Sabi mo gusto mo ng pancake? Ikukuha kita ng plate-"


"Ayoko ng iba! Gusto ko 'yong sa'yo! Gusto ko iyan!" sabi ko sabay turo ng plato
niya. Tinignan niya naman ako na para bang nagbibiro lang ako kaya lalo akong
nainis.

"Okay, Okay. Palit nalang tayo" sabi niya at bumalik na sa upuan. Pinalit niya ang
pagkain namin.

Sumubo ako at tama nga ako na mas masarap ito. Sumubo lang ako ng sumubo hanggang
sa maubos iyon. Kumuha ako ng pancake hanggang sa maubos ko iyon at maging ang baso
ng gatas sa gilid ko. Napansin kong titig na titig siya sa akin pero di ko siya
pinansin at basta nalang tumayo.

Pumunta ako sa sala at binuksan ang T.V nang maalala ko ang dyaryo at ang kumalat
na news tungkol sa akin. Bumalik ako kaagad sa kusina at hinanap si Kristoff pero
wala na siya doon. Ang bilis naman ata niyang naghugas?

Palabas na ako ng kusina ng mabangga ko ang isang hubad na katawan. Agad na uminit
ang ulo ko at tinulak siya. Kanina hinahanap ko tapos hindi magpakita ngayong ayoko
na siyang hanapin saka naman siya bubunggo bunggo.

"Sorry. Nasaktan ka ba?" tanong niya kaagad at tinignan akong mabuti. Hahawakan
niya sana ako kaso lumayo ako sa kaniya. Nakita ko kung paano mapalitan ng sakit
ang mga mata na kanina lang ay nag-aalala lang para sa kaniya.

"Hindi ako nasaktan" malamig kong sabi. "Paano lumabas ang balita na kasal na tayo,
Kristoff? Paano ako napunta sa Newspaper at T.V? Nangako ka sa akin hindi ba? Bakit
kumalat?" umiwas siya ng tingin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko ng mawala ka sa hospital, Ysabell. Iyon lang ang
naisip kong paraan para mahanap ka. Pasensiya na kung hindi ko natupad ang pangako
ko. Pasensiya na kung na-disappoint na naman kita dahil sa mga katangahan ko. Gusto
lang talaga kitang mahanap kaagad." sabi niya habang nakayuko.

"Mahal mo ba ako Kristoff?" hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
Mabilis na umangat ang tingin niya sa akin at tumango.

"Mahal na mahal kita, Ysabell. sa lahat ng nangyari sa atin. Sa lahat ng nagawa


kong mali. Sa lahat ng katangahan ko, iyon ang totoo. Mahal kita. Mahal na mahal
higit pa sa buhay ko. Naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit. Naiintindihan ko
lahat. Pahirapan mo ako. Kahit ano, gagawin ko lahat bumalik ka lang sa akin"
paliwanag niya. Naiinis ako sa nakikita kong sincerity sa mata niya. Naiinis ako
kasi naniniwala ako sa kaniya. Naiinis ako kasi mahal ko siya at kahit anong nagawa
niya ay hindi nito matanggal iyon.

"Then bakit mo siya hinalikan? Bakit hindi mo siya tinulak? Bakit ang tagal ng
halik na iyon? Diba sabi mo ako lang pwedeng gumawa non? Bakit nagawa ni Hera,
Kristoff? May karapatan na din ba siyang gawin iyon? bakit ganun, Kristoff" sabi ko
at hindi ko na naman napigilan ang luha ko. Mahal niya daw ako pero sinasaktan niya
ako. Ganun ba talaga ang pagmamahal? Pagkatapos kang pasayahin ay paiiyakin ka
naman pagkatapos?

"Ysabell" anas niya ng makitang umiiyak na naman ako.

"Umasa kasi ako sa sinabi mo, eh. Nagtiwala ako sa punyetang pagmamahal mo! Pumayag
na nga akong makihati kay Hera pero nangako ka na ako ang una diba? Ako ang
priority? Bakit noong kailangan kita wala ka! Bakit noong mag-papacheck-up kami ni
Baby Yana wala ka! Muntik na tuloy siyang mawala!" sunod sunod kong sabi sa kaniya.
Nakatayo lang ako habang umiiyak. Siya naman ay hindi na alam kung anong gagawin
para aluin ako. Hindi ko alam kung bakit gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko
sa kaniya. ang hirap hirap kasi kimkimin pero hindi ibig sabihin nito na magiging
maayos na kami. Gusto ko lang ilabas para wala na akong dinadala.

"Ysabell, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. I don't know about the check-
up na sinasabi m-"

"Sinungaling ka! Sabi mo pa nga kailangan ka ni Hera kaya hindi ka makakapunta!


Sinungaling ka talaga! I hate you Kristoff" huling sabi ko bago naglakad papuntang
kwarto ko. Bakit kasi hindi niya nalang aminin. Bakit kailangan niya pang mag-
maang-maangan. Ano iyon? Nag-text mag-isa ang phone niya? B*llSh*t.

"Ysabell!"

"H'wag mo akong lalapitan! Kapag lumapit ka hindi na kita kakausapin forever! Gusto
ko mapag-isa! Ayoko sa'yo!" sigaw ko bago siya pinagsarhan ng pinto.

----------------

Lame? Sorry po.

late? Sorry ulit.

Comment? Please po kahit 50 lang.

Votes? opo please :)

Maraming salamat po sa mga nagbasa, Nag-antay ng update, sumuporta at nagtiyaga sa


akin at sa story na ito. Malapit na po tayong magpaalam kay Ysa at Kistoff. Dapat
mauuna si Kairos at Sky pero kasi mas gusto ko ito ee kaya ito na inuna ko.

Sa August po sisiguraduhin kong matatapos ng sabay ang Story ni Kairos at Fourth


dahil handa na pong lumabas ang SECOND GENERATION.
sana po h'wag niyo akong layasan.

Kath :)

=================

39

Chapter 39

Nilayuan ko si Kristoff ng mga sumunod na araw. Napansin naman niyang nilalayuan ko


siya kaya binibigyan niya ako ng space pero sa bawat lingon ko naman ay nakikita ko
siya. Minsan nga hindi ko na maisip kung totoo na ba ang nakikita ko o guni guni ko
nalang.

Unti unti ng lumalaki ang tiyan ko at alam kong may nabubuo ng konklusyon sa kaniya
pero hindi ko iyon itatama. Bahala siyang makaalam na buntis ako at hindi ako
nakunan. Medyo nahihirapan akong iwasan siya noong una dahil gustong gusto kong
titigan ang katawan at mukha niya lalo na kung nakasimangot siya at nakanguso. Ugh!
Baby naman kasi. Bakit naman kasi si Uno pa? Pwede namang si Tito Gai-este Tita
Gail ang paglihian diba?

Umupo ako sa swing sa may garden upang magpalipas ng oras. Tinatamad naman kasi
akong mamasyal at halos naikot ko na rin naman ang Batanggas noong bata ako kaya
wala akong maisip na puntahan. Napalingon ako sa likod ng makarinig ako ng
mabibilis na yabag. Kumunot ang noo ko at hinintay ang taong lalabas sa pinto at
katulad ng inaasahan ko ay si Kristoff iyon. Umikot ang mata ko at tumingin ulit sa
harapan ko.

"Akala ko umalis ka na naman" narinig kong sabi niya.

Umirap ako sa ere at nagkibit balikat "Saan naman ako pupunta? Magpapagod lang ako"
sabi ko ng hindi tumitingin.

"Mabuti naman alam mo. Kahit saan ka magtago Ysa hahanapin kita" sabi nya. Alam ko
naman iyon kaya nga hindi na ako nagtatago, eh.

"Bakit ka ba kasi nandito? Bakit hindi ka nalang bumalik kay Hera tapos maghalikan
kayo magdamag" inis kong sabi sa kaniya. Para na akong tangang umiirap sa hangin
dahil sa inis ko sa kaniya. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Pwede ba kitang yakapin, Ysa? Kahit ilang minuto lang?" tanong niya. Hindi pa man
ako pumapayag ay may yumakap na sa akin mula sa likuran ko. Medyo mataas kasi ang
swing kaya nagawa niyang iyuko at isubsob ang mukha sa leeg ko habang ang mga kamay
niya ay nakapaikot sa may tiyan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanatili lang
akong nakaupo doon at hinahayaan siyang gawin ang gusto niya. Napapikit ako ng
maramdaman ang kuryente tuwing dumidikit ang labi niya sa leeg ko. Mabuti nalang at
nakaupo ako dahil ramdam ko na naman ang panghihina ng mga tuhod ko. Kristoff
effect.

"You smell so f*cking good" rinig kong bulong niya na lalong nagpainit sa akin.

"H'wag kang malandi. Sabi mo mabilis lang! Abuso ka na" kunwari'y naiinis kong
sabi. Narinig ko siyang tumawa pero inalis na din niya ang mga kamay niya sa akin.
Gusto ko iyong ibalik nahihiya ako. Ugh!

"Hindi ako babalik kay Hera kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan sa kaniya.
You're my home, Ysa. Sa'yo ako babalik kasi sa'yo ako. Kung nasaan ka dapat nandoon
din ako" kinagat ko ang labi ko at pinilit na h'wag kiligin sa sinabi niya.

"Hinalikan niya ako, Ysa. Hinayaan ko siya pero hindi ko tinugon ang halik niya.
Hindi ko siya maitulak kasi iniisip ko ang kalagayan niya. Iniisip ko na baka
lumala pa ang sakit niya kapag tinulak ko siya at masaktan ko na naman ang kalooban
niya. Kung alam ko lang na hindi naman pala totoo ang sakit niya, sana tinulak ko
nalang siya" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hinarap siya.

"Hindi totoong may sakit siya?" sabi ko habang unti-unting nabubuhay ang inis ko.
Muntik na akong makunan tapos malalaman ko peke lang pala ang sakit niya? Paano
niya nagagawa iyon?

Tumango siya sa akin "Nalaman ko iyon ng araw ding muntik ka ng makunan. Sinabi ni
Kristian ni binayaran ni Hera ang doktor nito at lahat ng damay sa plano niya. Ang
tanga ko para maniwala sa kaniya. Ang tanga ko dahil nagawa ko siyang alagaan
habang ang mag-ina ko iniiwan ko sa bahay. Iyong note na pinapabigay mo that time,
hindi niya binigay. Siya rin ang nagtago ng phone ko at siya rin ang nag-text sa'yo
na hindi ako makakapunta sa check-up niyo ni Baby" tumingin siya sa tiyan ko
pagkasabing pagkasabi niya ng baby. Ramdam kong sinisisi niya ang sarili niya sa
lahat ng nangyari.

"Pinatay ko ang baby natin, Ysa. Ako ang pumatay sa kaniya kasi wala ako noong
kailangan niyo ako. Kung hindi lang sana ako nagtiwala sa kaniya. Hindi ko naman
kasi alam na hahantong doon iyong kaya niyang gawin. I'm sorry i killed her" sabi
niya. Namumula na naman ang mata niya. Mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko sa
inis kay Hera.

"I love you, Ysabell. Ikaw lang. Walang Hera, wala lahat. Ikaw lang ang mahal ko
pero alam ko wala ng Ysa at Kristoff kasi hindi ko na maibabalik si Baby. Kasi
kahit lumuhod ako at tumalon sa bangin hindin non maibabalik si Baby sa tiyan ko
and it's all my fault-" hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya. Hindi ko na
kayang marinig na lumalabas sa bibig niyang kasalanan niya gayong alam ko na ngayon
na biktima lang din naman siya. My poor little Kristoff.
"Ysabell, I'm sorry" sabi na naman niya pagkatapos ng halik. Niyakap ko nalang siya
at hinayaan siyang umiyak sa leeg ko.

Paanong naaatim ni Hera na manakit? Paano niya nagawa iyon kay Kristoff? Sa amin?
Noong nakausap ko siya sa harapan ng opisina ni Kristoff parang ang bait niya
naman. Napaka-inosente kasi ng mukha niya at parang hindi siya gumagawa ng masama.
Mahirap na talagang magtiwala ngayon. Lahat na ng kasamaan ay nagagawa nila para
lang makuha ang gusto nila.

Ngayon gusto kong sakalin ang sarili ko dahil nagalit ako kay Kristoff. Nagtiwala
lang siya kay Hera. Naging mabait lang siyang kaibigan pero niloko lang siya. Hindi
niya kasalanan na nawala si Baby dahil wala namang may gusto ng nangyari. Alam kong
hindi niya ginusto iyon dahil kung ginusto niya man ay bakit siya nandito at
pinananagutan ang kasalanang hindi niya naman ginawa? Bakit niya pinagsisiksikan
ang sarili niya sa akin at bakit niya ginawa ang ginawa niya nitong mga nakaraang
araw kung hindi niya ako mahal? Pwede siyang umalis, pwede siyang pumunta kay Hera,
pwede siyang maghanap ng iba pero mas pinili niyang isiksik ang sarili sa akin.

Marami pa akong tanong sa kaniya. Marami pang bagay na hindi malinaw sa isipan ko
pero sa ngayon alam ko ng walang kasalanan si Kristoff. Hindi ko hahayaang manalo
si Hera sa laro niya. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para ipamukha sa kaniya
na akin si Kristoff? HIndi pa naman siguro huli ang lahat para ipakitang akin si
Kristoff at ako lang ang mahal niya?

"Kristoff iyang bibig mo gumagalaw na! abuso ka talaga!" sabi ko ng maramdaman kong
may humahalik na sa leeg ko. Napakalandi talaga kahit kailan! Hindi pa napapatawad
ng maayos gumagalaw na!

"I'm sorry. I can't help it" sabi nito at umangat na. Pinunasan ko ang mukha niya
gamit ang kamay ko ng makitang medyo basa pa ito tsaka siya hinila hanggang sa
magpantay ang mukha naming dalawa.

"Hindi nawala si Baby, Kristoff. Nandito siya at hindi natin siya hahayaang
masaktan" sabi ko at nanlalaki ang mga mata niya habang pabalik balik ang tingin sa
tiyan ko at sa mukha ko.

Hindi ko hahayaan si Hera'ng makuha ang gusto niya. Hindi ko hahayaang mawalan ng
Tatay ang baby ko. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin lalo na at alam kong akin
siya at ako ang mahal niya.

------

Sarreh, hindi ko na kayang pahirapan si Kristoff. Siguro madidisappoint kayo dito


pero hanggang dito nalang ang kaya ko.

GenFic #4 na po tayo at maraming salamat po para doon.


Tatlong chapters nalang at isang epilogue. Kapit lang guys :)

-Kathleen

=================

40 (Kristoff)

Chapter 40

"Uuwi ka o uuwi ka o uuwi ka? Umuwi ka na!" napangiti ako ng sabihin iyon ni Ysa.
Simula ng magkaayos kami ay hindi na niya ako hinayaang makalayo sa kaniya. Sabay
naming hinahatid si Toff at Kris pagkatapos ay pupunta kaming opisina.

Hindi siya nagtatrabaho. Pinahati ko ang opisina ko at ginawang maliit na kwarto


ang kabila at nandoon siya. Minsan ay nasa opisina ko at nakakalong sa akin.

"I'm on my way, Wife" sabi ko at nai-imagine ko na kung paano ito ngumunguso habang
umiirap sa ere. Hindi ko siya sinama kanina kasi walang pasok ang kambal at
nagprisinta siyang alagaan ang dalawa.

"Bakit kausap mo ako kung on the way ka na? Paano kung maaksidente ka! Papalitan
kita kaagad-"

"Don't you dare, Wife! You're mine- toot toot toot" taas ang kilay kong nakatingin
sa cellphone. Umiling siya at binilisan nalang ang pag-drive para di na magalit ang
asawa niya.

Agad din naman akong nakarating sa bahay pero mas nagulat ako ng buhat ni Yllak si
Ysa.

"Buksan mo ang kotse!" sabi nito pero imbes na sundin ay inagaw ko si Ysa sa kanya
at siya ang nagbukas ng sasakyan niya. Anong nangyayari?

"K-Kristoff masakit!" pikit matang sabi ni Ysa.

"What's happenning wife? Anog masakit-"

"Idiot! manganganak na siya! Isakay do ditong tanga ka!" para namang nanlamig ang
katawan ko sa sinabi niya. Seven months palang si Baby-

"Kristoff! Gumalaw ka o hindi ka na makakaulit! Masakit na bwisit ka!" kung di siya


sumigaw ay hindi ako gumalaw. Namumula na ang mukha niya habang mahigpit na
nakahawak sa isang braso ko. Pumapasok na ang kuko niya pero di ako nagrereklamo
dahil alam kong mas masakit ang nararamdaman niya.

Nagtataka lang ako dahil sa pitong buwan palang ang tiyan ko. Hindi ba at dapat
siyam na buwan katulad ng nabasa ko?

"I'm sorry" sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Agad naman kaming inassisst ng mga nurse ng makapasok sa hospital hanggang sa


emergency room.

Gusto kong suntukin ang nurse ng hindi niya ako papasukin. Asawa ako at alam kong
pwede. Kung hindi lang ako hinila ni Yllak baka tulog na ang nurse na yon, babae pa
naman.

"Kuya" tinanguhan ko lang ang mga kapatid kong nagsidatingan. Hindi ako mapakali
lalo na at napakatagal niya sa loob. Ipapakulong ko ang putang inang nurse na iyon.

"Relaks-"

"Wag mo akong ma-relax-relax diyan Dustine at baka masapak kita" nginisihan naman
ako ng gago at inilingan. Pasalamat siya at buntis palang si Kiella ngayon dahil
kung hindi baka mas malala pa ang gawin niya. Isa't kalahating tanga pa naman siya.

Mabilis kong nilapitan ang nurse ng lumabas ito at hawak ang baby ko. Mabilis na
tumibok ang puso ko.

"Saan mo dadalhin ang baby namin? Itatakbo mo ano? Kidnapper ka?" sabi ko at
aagawin ko sana si Yana kaso may bumatok sa akin.

"Tanga! Lilinisan niya iyong anak mo! Pasukin mo si Ysa, punyeta ito" sinamaan ko
siya ng tingin. Kanina pa itong punyemas na Yllak na ito, ah.

Pinasok ko nga si Ysa na nakapikit?

"Natutulog lang siya. H'wag kang mag-over react. Hiningi niya sa akin na h'wag ka
papasukin" Sabi ni Erin. Lumapit ako kay Ysa at hinalikan siya sa noo bago
nagpasalamat kay Erin na siyan Ob-gyne ni Ysa.

"Thank you, Wife. I love you"


"Tatay magpalit ka na! Magagalit na naman si Nanay pagbalik niya!" sumimangot ako
at basta nalang isuot ang suit ko.

Wala si Ysa. Hindi ko matanggap na mas gusto niyang kasama si Gail papuntang
Amerika kaysa sa akin. Ilang linggo na sila doon at ang nakakainis kasama pa nila
si Yana! Ano 'yon si Gail ang tatay tapos si Ysa ang Nanay at baby nila si Yana?
F*ck!

"Tatay!" sigaw sa akin ni Kris at talagang pinandilatan ko siya ng mata.

"Makasigaw kang bata ka akala mo ikaw ang Tatay sa ating dalawa, ah!" sabi ko pero
imbes na matakot ay nginisihan niya lang ako. Umiling nalang ako.

"Tatay na kami sasama, ah? Ayaw ka naming mapagod kasi sabi ni Tito Greyson
mapapagod ka daw mamaya" sabi ni Toffer na hindi naman nakatingin sa akin kundi sa
libro niya habang nakaupo sa kama namin ni Ysa.

Kumunot ang noo ko sa Tito Greyson "Tita Gail siya, Toffer at hindi Tito Greyson"
pagtatama ko. Ayokong isipin na lalaki si Gail dahil lalo lang nagngingitngit ang
kalooban ko at lalo lang akong kinakain ng selos.

Pumuntang Amerika si Ysa para ayusin ang mga natira pang ari-arian ni Tito Ylmaz.
Marami kasi itong resort at hotels doon na hawak ng mga pamangkin nito.
Ipagkakatiwala na ng tuluyan ni Ysa ang mga iyon pero hati parin sila sa kikitain.
Nami-miss ko na siya ng sobra pero alam kong magagalit siya kapag sumunod ako sa
kaniya kaya hindi ko na ginawa. Kahit na inis na inis na ako dahil si Gail ang
sinama niya.

"Kailan niyo nakausap si Tita Gail niyo?" tanong ko.

"Kagabi tapos si Nanay din tapos narinig namin iyong iyak ni Yana, Tatay. Hindi ka
tinawagan no, Tay? Kawawa ka naman po" sabi ni Kris na nakangisi sa akin. Sinamaan
ko siya ng tingin at gustop ko siyang ibitin patiwarik sa inis ko. Tumatawang
tumakbo ito palabas ng kwarto pero biglang huminto sa may harapan at humarap sa
akin.

"Magpapakasal na daw si Tito Greyson at Nanay sa Las Vegas, Tay. Hindi na siya
babalik pero kukunin niya kami sa'yo. Kawawa si Tatay wala ng Nanay Ysa" sabi niya
at mabilis na tumakbo ng makitang babatuhin ko siya. Nag-echo pa sa bahay ang
halakhak niya. Pwede bang ipaglihi sa satanas ang anak? Hindi naman diba? pero
bakit parang ganun si Kris?

"Tay, uuwi po si Nanay pero nakausap po talaga namin siya at sabi niya isang buwan
pa siya doon" nag-init ang tenga ko sa narinig ko. Kinamot ko ang pisngi ko sa
inis. Isang buwan? Isang buwan pa? Isang araw nga lang na wala siya at si Yana ay
parang isang taon na paano pa kung isang buwan? P*tang*na naman, oh.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ysa.

The subscriber can not be reach please try again later.

The subscriber can not be reach please try again later.

The subscriber can not be reach please try again later.

Inis na binato ko ang cellphone ko sa kama. Can not be reach? Ganun ba siya ka-busy
at hindi na niya ako makausap? Tapos sila ang mga bata tinatawagan niya? D*mn it.

"Tawagan niyo si Tatay kapag may kailangan kayo. Nandiyan naman si Manang at Ate
lyka niyo kung nagugutom kayo" sabi ko at tumango ang dalawa. Tumingin ako kay
Manang.

"Kayo na hongt bahala sa mga anak ko Manang. Babalik din ako kaagad pagkatapos ng
Auction" sabi ko at tumango sila kaya umalis na ako.

Ayoko nga sanang pumunta sa bachelor's auction pero si Ysabell binenta ako. Pumayag
siyang isama ako sa auction kahit na hindi na ako bachelor na isa sa mga
kinaiinisan ko. Pinapamigay na niya ako ngayon pero noong buntis siya halos ayaw
niya akong mawala sa kaniya. Buntisin ko kaya ulit?

Dumiretso ako sa assigned table namin at nakita nko doon ang mga kapatid ko maliban
kay Kalix na nanliligaw sa tatay ni Azzalea. Pinandilatan ko ng mata si Dustin pero
lalo lang nitong nilapit ang sarilio kay Kiella. Ku8ng di lang to mahal ng kapatid
ko baka hinagis ko na ito sa outer space. Nag-uusap-usap sila pero ako tahimik lang
na umiinom. Nakakamatay pala ang pakiramdam kung wala si Ysa sa tabi ko.

"Kuya mahiya ka naman sa date mo mamaya! Pinaghandaan niya ito tapos maglalasing ka
lang!" sabi ni Tres pero di ko siya pinansin. Date? P*ta kung hindi si Ysa wag
nalang. Kapag kasi ikaw ang may pinakataas na bid ay ide-date namin ang naka-bid
kahit lalaki o bakla pa ito. Ugh! Si Ysa lang gusto ko.

"Good Evening ladies and Gentlemen. Let the Auction begin"

Tsk. Nag-sigawan naman sila ng sabihin iyon ng M.C. Ayoko pa ngang tumayo ng
tawagin ang pangalan ko pero wala naman akong magagawa. P*unyeta naman, oh.

"Five hundred thousand" sabi ng bakla sa gilid tapos kinindatan ako. P*tang*na!
kinilabutan ako!

"Double? Triple? Going higher?"

"One Million" gulat na tumingin ako sa nagsalita ng marinig ko iyon. Kaboses kasi
ni Ysa ko at hindi nga ako nagkakamali. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya
pero gusto kong patayin ang kung sino pang nagpasuot sa kaniya na sexy na damit na
iyon. P*ta nakatingin sa kaniya lahat! Gusto ko ng bumaba sa stage pero may
nagsalita na naman at talagang ayaw magpatalo.

"One Million and Five hundred thousand"

"Two Million" sabi naman ni Ysa na halata na ang inis. Tsk, siya ang dahilan kung
bakit nandito ako tapos ngayon maiinis siya?

"Two Million! Going up? Going twice?" -M.C.

Wala ng nagsalita pa. Naglakad si Ysa papalapit sa akin. Lahat ng tao nakatingin sa
kaniya. Sh*t akin lang siya! Gusto ko ng magwala pero nagulat ako ng hilain niya
ako at halikan sa mismong stage. Narinig ko kung paanong suminghap ang mga audience
pero wala akong paki. Hinawakan ko siya sa bewang at hinila palapit sa akin. Ghad!
I miss my wife.

=================

41 (Kristoff-SPG)

Chapter 41

Bawal ang bata. Espege po.

Nanggigigil na pinagsusuntok ko ang manibela ng sasakyan. Saan na naman nagsuot ang


babaeng iyon? Napakahilig talagang magtago! alam niya kasing hahanapin ko siya kaya
ganun. Sana sinabi niya para naglaro nalang kami ng taguan.

Hindi ko naman kasi inaasahan na pupunta sa bahay kagabi si Hera. Humingi na ito ng
tawad sa akin pero sabi ko pag dumating si Ysa ay sa kaniya ito humingi ng tawad
dahil hindi ko siya patatawarin hanggat hindi siya napapatawad ni Ysa pero mukhang
namali na naman ang interpretasyon ni Ysa sa narinig niya at lalo pa itong nagalit
ng malaman niya na nagkita na kami ni Hera bago iyon. Kaya iyon umalis na naman at
hindi ko na naman alam kung saan siya hahanapin.

"Kuya nakita mo ba si Azzy? Hindi ko siya mahanap kuya! Tulungan mo ako!" inirapan
ko si Kalix. Sa lahat sa aming magkakapatid siya ang pinakamalambot. Nawalan ata ng
likod ang gago ng ma-inlove kay Azzy. Wala na itong bukambibig kundi Azzy. Azzy.
Azzy.

"Hinahanap ko din si Ysa, Kalix. Hindi kita matutulungan-"


"Sh*t nasa bar daw sila ni Cray! P*tang*na napakaraming bastos doon!" sabi ni Kalix
at akmang aalis na siya pero hinila ko siya papasok sa sasakyan.

"Sila? Kasama si Ysabell ko?" sabi ko at tumango tango siya. Pinakita niya pa sa
akin ang Text ni Cray.

Lasing na ata si Azzalea. She's here with Kristoff's wife.

F*ck.

Kailan pa natutong pumunta sa Bar si Ysa? Ang babaeng iyon talaga kahit kailan.
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan at wala na akong pakialam sa traffic
lights. Halos takbuhin na namin ni Kalix at distansiya ng sasakyan at ng bar ng
makapag-park ako.

Halos itapon ko na ang babaeng agad na dumikit sa akin ng makapasok ako. Kung
makahawak akala mo kung sino. agad ko namang nakita si Ysa na nakadukdok na sa mesa
sa counter. Nakatalikod siya sa akin at alam kong si Ysa siya. Tinapunan ko ng
masamang tingin ang lalaking kanina pa nakatingin sa asawa ko at mabilis itong nag-
iwas ng tingin.

"I want to go home" sabi ni Azzy. Wala kasing music kaya rinig na rinig ko.

"I want to sleep. I want Kristoff. I miss his scent. I want to hug his stone-like
but oh-so-yummy body" napangisi ako ng marinig ko iyon.

"You can always have me, baby" sabi ko at nilapitan siya. Niyakap ko siya mula sa
likod. Kahit amoy alak siya gusto ko parin siyang kainin. Ghad! Buhay na naman si
Junior.

"I want Kristoff!" sabi nito pero papikit pikit na. Hinaplos ko ang mukha niya bago
ko binuhat.

"Baby, it's me. No one can touch you but me, Remember?" sabi ko at hinalikan siya
sa noo.

"I love you, Kristoff" kung kanina ay ngisi lang, ngayon pati puso ko ngumingisi
na. t*ng*na kinikilig ako.

"Shhhhhhh I love you too. My oh-so-sexy baby" sabi ko at naramdaman ko siyang


sumiksik sa akin.
Umirap sa akin si Ysa ng magising siya at katabi niya ako. Tsk, kagabi lang ayaw
niya akong tigilan sa kakasabi ng kung gaano niya ako kamahal pero ngayon kung
makairap wagas.

"Bakit akon nandito? Ayaw kitang katabi. Mag-usap kayo ni Hera!" inis niyang pakli
tapos namasa na naman ang mga mata niya. Umiling iling ako. Kung alam mo lang
makinig eh, di hindi ka nasasaktan. Niyakap ko siya dahil hindi ko siya kayang
makitang umiiyak pero tinulak niya ako.

"H'wag mo akong yakapin! Bwisit ka! Pumunta ka kay Hera!" sabi nito at tumayo.
Akmang lalabas siya pero hinila ko ang kamay niya at ihiniga sa kama. Hinawakan ko
ang mga kamay niya at masama siyang tinignan. Kailan ba maniniwala ang babaeng ito
na siya lang ang babaeng mahal ko at wala ng iba.

"Let me go, Kristoff! Si Hera ang landiin mo!" sigaw niya pero hindi ko siya
binitawan.

"Hera ka ng Hera! Puro ka nalang Hera! Kailan ka ba maniniwala na ikaw ang mahal ko
Ysabell? Humihingi lang ng tawad iyong tao bago umalis! Aalis na siya!" sabi ko
pero sinamaan niya ako ng tin gin.

"Hindi mo ako mahal! Hindi mo ako mahal! Hindi mo ako mahal!- hhhhmmmmmp!" hindi ko
na pinigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya. Ayaw niyang maniwala? eh, di
ipaparamdam ko nalang hanggang sa hindi na siya makalakad! Hindi ko siya titigilan
hanggat hindi siya naniniwala sa nararamdaman ko.

Namumula ang labi niya ng bitawan ko iyon para huminga. "I love you, Ysabell. Okay
lang na h'wag kang maniwala. Ipaparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal" nanlaki
ang mga mata nito pero hindi ko na siya hinayaang magsalita. Hinalikan ko ulit
siya. Pumapalag siya noong una pero ng maramdaman kong tinutugon na niya ang halik
ko ay binitawan ko na ang kamay niya.

Bumaba ang halik ko sa leeg niya. Pinaulanan ko siya ng mumunting halik. I gently
bit some of her skin. Nanggigigil ako.

Naramdaman ko ang isang kamay niya sa likod ko habang ang isa ay nasa buhok ko. I
deepened the kiss and placed my right hand on her right breast. A loud moan escaped
her mouth that makes me want to pleasure her more. Walang kwenta ang mga damit na
bumabalot sa kaniya dahil ramdam na ramdam ko kung gaano kainit ang katawan niya.

Hinawakan ko ang magkabilang legs niya at ipinaikot sa akin. I groaned when she
moved. D*mn. Knowing that she's just on her undies makes me so hot. Ako ang
nagpalit sa kaniya kagabi kaya alam kon g naka-undies lang siya at hindi ko
pinagsisisihan na iyon lang ang isinuot ko sa kaniya.

Tinignan ko siya sa mata niya na medyo dumilim. I mouthed I love you before I
kissed her left breast and played with it even if there still a cloth covering it.
Her moans are music to my ears. Mahigpit kong hinawakan ang manipis niyang T-Shirt
bago ito tuluyang pinunit at lumabas ang hinahanap ko.
"Kristoff!" angil niya ng agad kong takpan ng mga kamay ko ang magkabilang dibdib
niya. Gumalaw na naman siya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanya na nakadikit sa
akin. D*mn it. Mauuna pa ata ako kaysa sa kaniya.

I groaned more when she moved again creating a friction. D*mn girl.

"Kristoff!"

"What, baby?" tanong ko. Minulat niya ang mata niyang nakapikit kanina. Hindi ko
parin tinatanggal ang mga kamay ko sa dibdib niya at minamasahe ang mga ito.

"I w-want you!" napangisi ako sa sinabi niya.

"Sino ang mahal ko, Baby?" tanong ko. Pinandilatan niya ako ng mata at bumalik ang
inis sa mata niya. Tatanggalin niya sana ang mga kamay ko sa dibdib niya pero
gumalaw ako that makes her moan in pleasure.

"Sino ang mahal ko?" tanong ko ulit. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Me. You. Love. Me" sagot niya na nagpangiti sa akin. Niyuko ko ang labi niya at
mabilis na hinalikan.

"Ikaw at ako lang, Ysa. Si Kristoff at si Ysabell lang. Walang Hera!" sabi ko bago
tinuloy ang naudlot kong plano.

Inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya ng tuluyan na siyang makatulog. Hinalikan ko


siya sa gilid ng sentido niya. Kakatapos lang halos naming mag-shower pero
nakatulog na siya agad sa pagod. Hindi ko nga kasi siya tinigilan. Napangisi nalang
ako sa ginawa ko. Gusto ko siyang nakikitang ganito kapagod lalo na kung ako ang
pumagod.

Sinuutan ko siya ng undies at short-shorts tsaka T-shirt ko para mas kumportable


siya. Gusto ko siyang yakapin maghapon, magdamag pero hindi kumakain ang kambal
namin kapag wala kami lalo na sa umaga at kailangan ko na din sunduin si Yana kay
Mommy dahil hahanapin ni Ysa si Yana pagkagising nito.

"Tatay si Nanay?" tanong ni Kris na na kinukusot pa ang mata niya.

"Tulog pa si Nanay, Kris. Pagod siya sa work. Mamaya mo na siya halikan, kay?" sabi
ko at tumango naman ito. Su,mabas siya sa akin pababa ng hagdan. Nakasanayan niya
kasing halikan sa labi si Ysa pagkagising at bago matulog. Pati si Toffer ay ganun
din. Noong una ayoko talaga dahil akin lang ang labi ni Ysa pero wala akong
magagawa tsaka anak naman namin sila. Inampon na naming dalawa si Toffer at Kris.
Pangalan lang kasi ni Nina De Mesa ang nakalagay sa Birth certificate ng bata kaya
naampon namin.
"tatay ihahatid nalang daw ni Momsy si Baby Yana" sabi ni Toffer na nakaupo na sa
hapag.

Tumango ako at sabay sabay kaming kumain. Pagkatapos ay sinabihan ko silang maligo
habang nagluluto ako ng agahan ni Ysa. Dumating naman sila Mommy pero agad ding
umalis dahil may date daw sila ni Daddy. Nagpatulong ako kay Lyka na hawakan ang
pagkain ni Ysa habang hawak ko si Yana na kamukhang kamukha ni Ysa maliban sa mata
nito na nakuha niya sa akin. Asul na asul.

"Pakilagay nalang sa bedside ang pagkain, Lyka" sabi ko at ginawa niya ang utos ko
bago lumabas. Bumukas iyon at iniluwa ang dalawang kambal na bagong paligo. Tulog
na tulog pari si Ysa kaya kaming apat lang ang naglalaro sa sahig na tinakpan namin
ng kutson para doon ihiga si Yana.

"Tatay dapat si Yana ikukulong natin sa bahay katulad ni Rapunzel, ah. Baka ligawan
kasi siya!" sabi ni Toffer.

"Oo nga tatay. Si Allen po iyong anak ni Tito Hall nililigawan na iyong si Baby
Dyka! eh baby pa iyon kaya sinuntok ko. Baby pa si Dyka tapos liligawan niya! Hindi
pwede iyon! Dapat thirty na sila bago maligawan!" inis na sabi ni Kris. Umiling
nalang ako sa pagkapossessive nila. Si Dyka ang anak na babae ni Kiella.

"Tama iyan. Alagaan niyo sila, ah hanggang hindi pa sila nag-thirty, hindi sila
mag-boboyfriend" sabi ko at tumango tango ang dalawa.

"Good Morning" lahat kami napatingin kay Ysa maliban kay Yana dahil baby pa nga
ito.

"Morning Nanay" magkapanabay na sabi ng dalawa at nag-unahan pang halikan si Ysa"


tsk, dapat ako ang first kiss.

"Morning baby" sabi niya sa akin at hinalikan ako bago si Yana. Yes! Bati na kami.

--------------

Last and Final Chapter. Epilogue po bukas. Maghanda na tayong mag-paalam kay Ysa at
Kristoff. :)

=================

Epilogue (Kristoff)
Epilogue

Years Later

"NANAY! Madaya ka naman" nagising ako sa mga malalakas na tilian nila. Katulad ng
inaasahan ko ay wala na naman si Ysa sa tabi ko pagkagising ko. Agad akong nagsuot
ng sweatpants pagkatayo ko at nagpunta sa balcony ng kwarto namin. Nandoon nga sila
at naghahabulan. Nakapantulog pa silang lahat at nasa table malapit sa kanila ang
mga pagkain. Wala sa sarili akong ngumiti. Magbabayad ako ng mahal wag lang nilang
sirain ang pamilya ko.

"Nanay!" tili ni Yana ng mahuli ito ng Nanay niya. Nag-brush ako ng ngipin bago
kumuha ng tank top at bumaba.

"TATAY!" tili ni Yana ng makita ako. Kumawala ito sa pagkakayakap ng Nanay niya at
tumakbo papunta sa akin. Sinalo ko siya ng tumalon siya. Humalakhak lang ito bago
ako hinalikan sa labi.

"Tatay si Nanay hinahabol ako tapos si Toffer at Kuya Kris din. Wala akong kakampi
Tatay buti narinig mo tawag ko" sabi nito. Pinisil ko ang namumula niyang pisngi
bago lumapit kay Ysa at hinalikan siya sa labi.

"I love you, Wife" sabi ko.

"I love you too" nakangiting sabi nito. Nakasanayan na naming sabihin iyon sa
umaga. Lumapit naman ang dalawang kambal pero yumakap sila Kay Ysabell.

"Tatay mag-work ka ba? Pwede rest day mo muna. Wag ka na mag-work" sabi ni Yana.
Nag-pout pa ito at nagpa-cute. Alam na alam talaga nito kung paano ako pasukuin sa
charms niya. Tumingin ako kay Ysa at humingi ng tulong. Siya kasi ang nasusunod.

"Pwede bang wag ka na mag-work, Tatay. Pwede rest day mo muna?" sabi niya din ng
nakangiti at ng sumunod ang dalawang kambal talagang hindi na ako nakahindi.
Tinawagan ko ang sekretarya ko at sinabing i-cancel lahat ng appointments ko.

Sabay sabay kaming kumain. Nakaupo sa lap ko si Ysa na sinusubuan ako at si Yana sa
kabila na sinusubuan niya din. Tawa ng tawa ang kambal kapag nadudumihan ang mukha
ng kapatid nila pero pag titingin na si Yana sa kanila ay iiwas ng tingin at kakain
na parang walang nangyari.

"Nanay busog na ako" sabi ni Yana at kumawala na sa akin. Umiling si Ysa at sinubo
sa akin ang isusubo niya sana kay Yana.

Pinaayos namin sa katulong ang pinagkainan namin ng matapos kami. Nagpahinga lang
kami saglit hanggang sa mapagdesisyunan naming magpunta sa park sa likod ng bahay
na tanging mga anak namin at kami lang ang makakapasok. Naabutan naman namin doon
si Kiella kasama ng kambal niya at ng bunso nilang si Duke na anim na taong gulang
na.

"Bro" sabi ni Dustine at tinanguhan ko lang siya.

"Dyka!" tili ni Yana at agad na lumapit kay Dyka na nakasimangot.

"Anong nangyari diyan?" tanong ko. Kinamot ni Dustine ang batok at tumingin kay
Kiella na pinapagalitan din ang dalawa niyang anak na lalaki.

"Inaway ni Daelan iyong kalaro niyang babae. Si Cheska, pamangkin ni Atty. Clarkson
kaya iyan nagalit ang prinsesa kaya galit din ang reyna" sabi nito. Umiling nalang
ako at tinignan ang mag-iina ko na pinapangiti si Dyka.

Hanggang sa dumating na si Azzalea at Dos at hinayaan nalang naming maglaro ang mga
bata. Si Toffer at Kris ay binabantayan lang ang mga pinsan na babae at itinatayo
tuwing nadadapa.

"Tatay! Tatay kapag tall na ba ako pwede na akong magkaroon ng tail parang kay
ariel. Iyong parang fish Tatay?" sabi ng anak ko.

"Hindi pwede magka-tail ng ganun kasi hindi ka naman half fish, half human. Kung
gusto mong maging ganun dapat mermaid ang asawa ni Tita Ysa o Tito Kristoff pero
walang mermaid kaya impossible na mangyari iyon" napatanga nalang ako ng sumagot
ang anak ni Cray na hindi ko alam kung paanong nakapasok dito. Nakita ko ang Tatay
nito di kalayuan kausap si Kristian. Sinenyasan niya akong bantayan ang anak niya
at tinanguhan ko nalang.

"Hindi kaya! Pwede kaya iyon! Bakit si Ariel! Bakit si Ariel gusto ko din ng tail
na ganun TAtay!" sabing anak kong nagsisimula ng mag-tantrums. Umiling si Clay at
binigay ang hawak nitong hotdog na nasa tinidor sa anak ko. Kinuha naman kaagad
iyon ni Yana at kinagatan.

"Bibilhan nalang kita ng island tapos lalangoy ka doon. Hindi talaga pwedeng
magkabuntot ka. Gusto mo bang sa loob lang ng water? Kapag may tail ka katulad ng
mermaid ay hindi ka na pwedeng maglakad. Hindi mo na makikita ang kagwapuhan ko"
Sabi nito at kinindatan ang anak ko. P*ta anong ibig sabihin non?

"Hindi ka naman gwapo kuya Clay, eh" natawa ako ng nalukot ang mukha ni Clay sa
sinabi ng anak ko. Mabuti nga sa'yo.

"Don't call me Kuya, Yana!" sabi nito at nag-walk out. Tsk. Lumapit sa akin si Yana
at nagpabuhat.

"Uwi na tayo Tatay. May zombie po dito" iiling iling na sinunod namin ang gusto ni
Yana. Siya ang masusunod, eh.
"Hello po. Good Morning Mr. Dela Marcel. Sabi ng Daddy ko pumunta daw ako sa inyo
at ibigay ang papers na ito. I didn't understand it po kaya hindi ko na po
sinubukang basahin" sabi ng batang babae. Inabot ko ang binibigay niya at alam kong
galing kay Atty. Clarkson iyon. Tsk. Anak talaga ang inutusan?

Umiling ako at binigay si Yana kay Ysa bago tinignan ang laman ng envelope pero
halos mamatay ako sa kakatawa ng mukha ni Atty ang nandoon na punong puno ng make-
up.

"Have you seen my dauther, pare? Naghahasik na naman ng lagim" speaking of the
devil. Binigay ko sa kaniya ang envelope at napamura ito sa nakita.

Pagkarating namin sa bahay ay naglaro lang kami at nanood maghapon hanggang sa


maayos namin silang mapatulog. Inakyat ko si Ysa sa taas ng matapos kong maihiga si
Yana sa kama niya. Naabutan ko naman ang asawa ko sa balcony ng bahay. Niyakap ko
siya sa likuran at sinubsob ang mukha sa leeg niya.

Everything about her affects me. Siya, sa lahat ng babaeng nakilala ko ang tanging
babaeng humawak ng puso ko. Hindi ko nga alam kung pagmamahal ba talaga ang
naramdaman ko kay Erin noon dahil kung ikukumpara mo ito sa mapmamahal ko kay Ysa.
Isa lang itong itim na tuldok sa isang buong papel ng pulang tuldok.

Naramdaman kong kinalas niya ang pagkakayakap ko at humarap sa akin. Binalik niya
ang kamay ko kaso sa likod na niya. Hinila ko siya palapit sa akin at pinaikot
naman niya ang mga braso sa leeg ko. Ngiting ngiti siya habang nakatingin sa akin.
Tumingkayad siya at mabilis akong hinalikan.

"i'm so in love with you" saad ko ng dumilat ako. Hinawakan niya ang magkabilang
pisngi ko at hinila sa kaniya. "I'm so in love with you too baby" pati ata laman
loob ko kinilig sa sinabi niya. Hanggang ngayon tuwing maririnig klo iyon sa kaniya
ay kinikilig ako. Bakla na kung bakla pero wala akong pakialam. Marinig ko lang na
mahal niya ako. Iyon ang buhay ko. Iyon ang bumubuhay sa akin.

Ayoko ng balikan ang mga araw na wala siya. Maging ang mga araw na nasaktan ko siya
at umalis siya. Ayoko ng balikan lahat ng iyon dahil ayokong maramdaman ang takot
na nararamdaman ko noon. Takot na hindi na talaga siya bumalik at alam kong
ikamamatay ko iyon.

Marami akong katangahan sa buhay ko pero kung ang mga katangahang iyon ang dahilan
kung bakit ganito kami kasaya ngayon, masasabi kong hindi ako nagsisisi. Kung may
pinagsisisihan man ako, iyon lang ang sakit na naidulot ko sa kaniya.

"So papayag ka na bang magakasal sa akin ulit?" tanong ko. Sa loob ng ilang taong
pagsasama namin ay iyan ang gabi gabi kong tinatanong sa kaniya. Noong una talagang
nagtampo ako ng hindi siya pumayag pero ng maglaon ay nasanay na din ako. Araw araw
ko siyang tinatanong at araw araw niya akong nire-reject pero okay lang as long as
sa akin parin siya nakatira at ako ang sinasabihan niya ng i love you ay hindi kami
magkakaproblema.
"Yes" kumurap kurap ako at tumingin sa kaniya. Tama ba ang narinig ko?

"Anon g sabi mo" tanong ko pa. NGumiti ito at humalik sa akin.

"Oo, pakakasalan na kita"

~The day we met,

Frozen I held my breathRight from the startI knew that I'd found a home for my
heart...... beats fastColors and promisesHow to be brave?How can I love when I'm
afraid to fall?But watching you stand aloneAll of my doubt suddenly goes away
somehowOne step closer~

Noong una ko siyang makita hindi ko aakalain na ganito akong kalalim mahuhulog sa
kaniya. Ni hindi ko nga alam na mamahalin ko siya pero nagpapasalamat ako kay Erin
dahil kung hindi ko siya nagustuhan ay baka hindi ko nakilala si Ysa. Hindi ko
nakilala ang buhay ko.

~I have died everyday waiting for you

Darling don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI'll love you for a
thousand moreTime stands stillBeauty in all she isI will be braveI will not let
anything take awayWhat's standing in front of meEvery breathEvery hour has come to
this~

Napangiti ako sabay ng pagbuhos ng lahat ng emosyon sa katawan ko ng makita ko si


Ysa'ng naglalakad papalapit sa akin suot ng wedding gown niya. Namasa ang mga mata
ko at wala na akong pakialam kung tumulo man ito o kung makita ako ng mga taong
umiiyak. Hindi ko na kayang i-contain ang nararamdaman ko. Naguumapaw na sa sawa at
pagmamahal ang puso ko.

~I have died everyday waiting for you

Darling don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI'll love you for a
thousand moreAnd all along I believed I would find youTime has brought your heart
to meI have loved you for a thousand yearsI'll love you for a thousand more...I'll
love you for a thousand more...One step closerI have died everyday waiting for
youDarling don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI'll love you for a
thousand moreAnd all along I believed I would find youTime has brought your heart
to meI have loved you for a thousand yearsI'll love you for a thousand more~

Mabilis ko siyang niyakap at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya ng makalapit ako sa
kaniya. I'm so in love with her and everything about her. Naramdaman kong may
humawak sa akin. Kumalas ako at tinignan ko siya. Nakangiti siya habang pinupunasan
ang mga luha ko.

"Stop crying baby. I love you and I will forever be with you" and I kissed her
kahit pa tumikhim ang pari ay hindi ako huminto. Forever. Kung totoo ka man.

------------------------

Ending.

Bye Ysa and Kristoff :)

# StayWithMe nga po tapos #Kristoff :)

Maraming slaamat po sa lahat ng suporta. Ito po ang story ko na unang nakakuha ng


thousand comment. Maraming salamat at wala pong special chapter :)

You might also like