Ano nga bang nakain ko at minahal ko siya ng todo. Araw-araw,iniisip ko paano ko nga ba siya minahal ng higit pa sa sarili ko? Araw-araw,napagtanto ko nagmahal nga pala ako ng gago! Oo,nagmahal ako ng taong hindi alam ang salitang kuntento. Oo,nagmahal ako ng taong hindi natupad sa kanyang mga pangako Oo,nagmahal ako ng gago! Sa simula,mahirap kalimutan ang salitang wala na tayo. Dahil sinanay mo ako na laging nandiyan sa tabi mo Dahil sinanay mo yung puso ko na hanap hanapin ang isang katulad mo. Dahil sinanay mo yung bawat mga galaw ko ay laging may ikaw at ako Yung araw na sinabi mo na 'itigil na natin to' Gunaw na gunaw ag mundo ko Yung araw na tinapos mo sa salitang 'hindi na tayo' Gulong gulo ang utak ko Yung araw na nalaman ko na niloloko mo na pala ako Galit na galit ako sa sarili ko Dahil napagtanto ko na hindi pa pala sapat ang isang katulad ko Dahil napagtanto ko na hindi mo sineryoso ang isang katulad ko Dahil napagtanto ko na magaling palang umarte ang isang katulad mo Pero salamat,salamat dahil tinapos mo ang ating kwento Kwentong itutuloy niyo nga bago mo Yung bago mong mas malandi pa sayo At sana alam mo