You are on page 1of 85

HBS V: Love Me

by Diyosangwriter

Hot Bachelor Series V: Kristian Fourth Dela Marcel


Story by Diyosangwriter
Cover by CookieMallows

=================

HBS V: Love Me

Copyright © 2015 Kath Antonio/ Diyosangwriter.

No portion of this book may be reproduce or transmitted in any form or by any means
without written permission from the original copyright holders. This book is a work
of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead,
is entirely coincidental.

HOT BACHLOR SERIES V: Love Me

SIMULA

Sabi nila katangahan ang pagmamahal ng sobra pero masusukat mo ba kung sobra o
hindi ang pagmamahal na binibigay mo? Kapag ba sobra na tutunog ang puso mo at
sasabihing tumigil ka na? Hindi naman diba? Pero bakit ganun? Bakit kahit magmahal
lang ang ginawa mo nagmumukha kang masama sa ibang tao.

Akala ko dati magiging fairytale ang story namin ni Uno o kaya katulad ng nababasa
ko sa Wattpad na pagkatapos ng isang napakalaking heartbreak ay marerealize niya na
ako ang mahal niya at hindi si Ysa o kung sino mang babae pero naranasan ko na
lahat ng klase ng heartbreak mula ng minahal ko siya at magpahanggang-ngayon, hindi
parin ako ang laman ng puso niya.

Titigil na ba ako?
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Seeing him happy makes me feel the same
way but the fact that he's happy and I'm not the reason behind those happiness
makes my heart crashed into pieces.

"Tanga ka ba talaga, Hera? Tara na. Iuuwi na kita" Sabi sa akin ni Kristian pero
nanatili parin akong nakatayo at pinapanood ang taong mahal ko kasama ang taong
mahal niya. Yeah, mahal niya. Painful isn't it?

"Why can't he love me, Kristian? Bakit hindi nalang ako!" sabi ko sabay ng pagpatak
ng luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Ilang beses ko din naman kasing sinubukan na tanggalin ang nararamdaman ko pero
mahirap dahil kahit anong ikot ng mundo ko bumabalik balik ako sa katotohanang
mahal ko siya. Sino bang gustong masaktan? Sino bang gustong magpaka-martyr? Sino
bang gustong magmukhang tanga sa mata ng ibang tao? Diba't wala naman?

"Hindi ba ako maganda? Kristian anong meron si Ysa na wala ako? Anong meron sa
lahat ng babaeng minahal niya na wala ako at bakit hindi niya ako mahalin katulad
nila? Nagmamahal lang naman ako pero bakit sobrang sakit na?" halos pabulong ko
nalang na sinasabi ang mga katagang iyon.

Maya maya ay naramdaman kong niyakap niya ako. Ayoko na. Sawqang sawa na akong
masaktan.

"May mga bagay talaga na kahit ibigay mo ang lahat, kahit makipagpatayan ka para
lang makuha at kahit isakripisyo mo na lahat ay hindi parin mapupunta sa'yo. Tama
na, Hera. Sumuko ka na. Wala ka ng laban" Kahit kailan naman hindi ako nagkaroon ng
laban. Kahit kailan naman hindi niya ako tinignan katulad ng tingin niya sa ibang
babae. ako lang si tanga na umaasa at nagmamahal parin.
"Matuto kang tumigil kung alam mong nagmumukha ka ng tanga" Tinignan ko siya ng
masama.

"Nasasabi mo 'yan kasi hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Nasasabi mo 'yan
kasi kahit kailan hindi ka pa nagmahal katulad ng pagmamahal na nararamdaman ko.
Nasasabi mo 'yan kasi tingin mo laro lang lahat! Nagmumukha akong tanga pero hindi
ko naman ginusto 'to!" pinalis ko ang luha ko at inirapan siya.

"Tingin mo hindi pa ako nagmahal?" napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon.
Pain is mirrored in his eyes na para bang sobra sobra na siyang nasasaktan. Muli
kong pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ko habang nakatitig parin sa
kaniya.

"Kung gaano ka nasasaktan, Hera. Doblehin o triplehin mo ang sakit na nararamdaman


ko. Kasi hindi ko magawang sabihin sa kaniya na mahal ko siya kasi may mahal siyang
iba" nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon. Gusto kong
umiwas ng tingin pero di ko magawa. Parang may humihila sa akin na tignan siya at
pakinggan ang mga sasabihin niya.

"Bakit ba kasi tumitingin ka pa sa iba, hera? Andito ako na kaya kang mahalin
triple ng pagmamahal mo sa kapatid ko! Hindi ko alam ang nararamdaman mo? Hindi ko
alam kung paano magmahal? T*ng*na, Hera. Mahal na mahal kita pero kailan mo nakita
'yon? Habang nagpapakatanga ka kay Uno, Nagpapakatanga ako sa'yo. Ang manhid mo"
Kumurap ako ng ilang beses. Para akong naputulan ng dila dahil wala akong masabi.
Hindi ko kailanman naramdaman ang mga sinasabi niya.

"Kung may tao mang alam kung ano ang nararamdaman mo, ako 'yon Hera. Kasi kahit
gaano na ako nasasaktan habang tinitignan kang nakatingin sa iba, heto parin ako
at nagmamahal sa'yo. Para akong baliw na umaasa na sana balang araw, iiyak ka rin
sa akin hindi dahil nasasaktan ka ni Uno kundi dahil masaya ka sa akin, na kapag
niyayakap mo ako ay hindi dahil umiiyak ka kundi dahil mahal mo ako"
"Nandito ako, Hera. Mahal ka at baliw na baliw sa'yo pero hindi mo magawang makita.
All I want is for you to Love me pero wala kang ginawa kundi mahalin siya. Ngayon
sabihin mo sa'kin. Hindi ko ba alam ang nararamdaman mo?"

------

Short Teaser/Prologue.

Magsisimula pagkatapos ng Stay With Me.

-Diyosa.

=================

Chapter 1

"Hera mag-usap tayo. Hindi pwedeng ganito. Hindi porket hindi mo ako mahal ay aalis
ka nalang kung kailan mo gusto. Hindi mo ako mahal pero kaibigan mo ako at alam mo
ang nararamdaman ko sa'yo. Ganun nalang 'yon?" galit na sabi sa akin ni Kristian.
Mahigpit na hawak niya ang braso ko at pinipigilan akong makawala sa kaniya.

I know he loves me but I can't love him back. Hindi ngayon dahil wasak na wasak pa
ang puso ko. Hindi ko kayang magmahal ng iba pa. Maaaring pagdating ng panahon pero
hindi ngayon. Ayoko siyang iwan pero pareho naming kailangan ito. Parehas lang
kaming masasaktan lalo kung nandito ako dahil alam ko sa sarili kong hindi ako
makakaalis sa pagmamahal kay Uno.

"Kristian-"

"H'wag. H'wag kang magsasalita. Ayokong marinig ang rason mo. Ayoko. Hindi ka
aalis, Hera. Hindi" Mariin niyang sabi. Namumula ang mga mata nito at pinipigilan
ang pag-iyak. You can't cry, Kristian. Hindi ko kayang makitang nasasaktan kita.

"Kailangan natin ito, Kristian. Kailangan kong mag-move on-"

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang? Tutulungan kita. Kapag kailangan mo ako alam
mong agad kitang pupuntahan. Hindi ka aalis. Hindi pwede" umiling iling ito.
Lumapit ako sa kaniya at ikinulong ang mukha niya sa kamay ko.

"Kristian, kailangan ko 'to. Kailangang kailangan-"

"Pero mas kailangan kita. Kailangan kita dito. Ikaw lang, hera. Kung aalis ka
sasama ako" sabi nito pero ako naman ang umiling. HIndi pwede dahil kapag
tinitignan kita naaalala ko siya.

"Hindi pwede-"

"Then hindi ka aalis. Gagawin ko lahat, Hera. Please, h'wag ka ng umalis. H'wag mo
naman akong iwan ng ganito. If you need a shoulder to cry on, you can have mine.
Kahit ano, Hera. Kahit ano, nagmamakaawa ako" pumiyok ang boses niya at naglandas
ang masaganang luha sa mukha niya. Kinagat ko ang labi ko at pinunasan iyon.

Bakit kasi hindi nalang siya ang minahal ko? Bakit kailangan si Uno pa? Bakit kami
nasasaktan ng pareho kung pwedeng maging masaya kami? Bakit hindi nalang siya dahil
kung may tao mang alam kong nagmamahal sa akin ng tunay, alam kong siya iyon pero
nagagawa ko siyang saktan ng ganito dahil ang pesteng puso ko ay iba ang laman.

Kung pwede ko lang turuan ang puso ko na mahalin siya at kung may nabibili lang na
gamot na pwedeng inumin para agad mawala ang sakit ay bumili na ako para pwede ko
na siyang mahalin pero wala. Hindi ko magawa.

"Magiging unfair ako kung ganun Kristian. Magiging unfair ako sa'yo at ayokong
mangyari 'yon" pinipilit kong patatagin ang sarili ko. Pinipilit kong h'wag umiyak
dahil alam kong mas lalo ko lang siyang masasaktan pag nangyari iyon.

"I don't care, Hera. Wala akong pakialam kung maging unfair ka o ano. Ang alam ko
lang gusto ko na dito ka lang sa tabi ko. MAbabaliw ako kapag nawala ka. Hindi ko
kaya!" pagpipilit niya parin. Umupo siya sa kama pero hawak hawak parin niya ako at
hindi niya talaga ako bitawan.

"Masasaktan lang kita, Kristian" mahinahon kong sabi. Pumikit ako ng mariin.

"I don't care. Sinabi ko na wala akong pakialam hindi ba? Basta nandito ka. Basta
nakikita kita. Sapat na sa akin iyon at least alam kong nasa akin ka parin kaysa
ang malayo ka sa akin na ni kahit kaonti sa'yo ay wala akong mahawakan" diretso
niyang sabi sa akin pero umiling ako.
Hindi ko alam kung saan niya nalaman na aalis ako. Nagsusulat palang ako ng
fairwell letter ko sa kaniya pero biglang kumalabog ang apartment ko at iniluwa
siya ng pinto ko.

"Kakayanin mo kapag umalis ako. Kakayanin mo para sa akin. Para hindi ako mag-
alala-"

"No. Sinabi kong walang aalis at walang aalis. Ayoko. HIndi pwede" giit niya parin.

"Then take me, Kristian. Make love to me" siryoso kong sabi na siyang nagpahinto sa
kaniya at nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa
bibig ko gayong alam kong kahit anong gawin ko at gawin niya ay aalis ako. Aalis
ako para pagbalik ko ay pwede ko na siyang mahalin katulad ng pagmamahal niya
ngayon sa akin.

Kung may lalaki man na pwede kong pag-alayan ng lahat, siguro siya na iyon. Mahal
niya ako kahit hindi ko magawang masuklian ang pagmamahal niya. Mahal niya ako
kahit nakikita niya akong nababaliw sa iba. Mahal niya ako kahit sobra na siyang
nasasaktan. Mahal niya ako pero hindi ko iyon magawang masuklian kaya kahit ito man
lang maibigay ko sa kaniya. A piece of me. A peace of assurance.

Bago pa man siya tumutol ay hinalikan ko siya. Naramdaman kong inilayo niya ang
sarili sa akin pero mabilis kong inikot ang kamay ko sa leeg niya at umupo paharap
sa kaniya. Diniinan ko ang halik at idinikit ang katawan ko sa kaniya hanggang sa
maramdaman kong humahalik na siya pabalik sa akin. May mga brasong yumakap sa likod
ko at inaalalayan ako para hindi malaglag.

Napapikit ako ng maramdaman ang mainit niyang mga palad na humahaplos sa isang hita
ko at ang isang kamay niyang pumapasok sa suot kong damit. Nakakalasing ang halik
niya, nakakabalis.

"Kristian" daing ko ng panggigilan niya ang ibabang labi ko.

Suminghap ako ng bumaba sa leeg ko ang halik niya. Kakaiba ang sensasyong
pinapadama niya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal niya. Halos mapaliyad ako ng
maramdaman ko ang kamay niya sa loob ng damit ko at hinahanap ang dibdib ko.
Nawawala na ako sa sarili dahil sa sarap ng pinapadama niya. Ngayon ko lang
naramdaman ang kakaibang init at ang kagustuhan sa ginagawa niya.

Tumigil siya at hinarap ako sa kaniya habang tinataas ang laylayan ng T shirt ko.

"Akin ka, Hera. Walang Uno, Walang kung sino kundi ako. Mahal kita at akin ka"
hindi ko alam kung bakit ako tumango.

Naramdaman kong umangat ako. HInalikan niya akong muli at muli kong nakalimutan ang
lahat maliban sa kaniya. Bago lumapat sa kama ang likot ko ay naramdaman ko ang
marahas na paghila dahilan para mapunit ang suot kong bra.
I know he will take me. I know I'm doing the right thing.

NAGISING akong masakit ang katawan. Medyo madilim pa ang paligid at himbing na
himbing sa pagkakatulog si Kristian sa tabi ko.

That night was perfect. Pinaramdam niya sa akin ang tunay na pagmamahal. Na kahit
gaano ako nasasaktan ay mahal na mahal niya ako. Walang kristoff na pumasok sa isip
ko kagabi kundi siya lang, Si Kristian Dela Marcel, ang lalaking mahal na mahal ako
at ibibigay sa akin ang lahat kaso hindi ko kayang suklian iyon.

"I'm sorry" hinawakan ko ang pisngi niya at ginawaran siya ng halik bago tumayo sa
kinahihigaan ko. Kailangan kong umalis. I know magagalit siya pero mas maganda na
iyon kaysa masaktan ko pa siya lalo.

Kahit masakit ang katawan at ang gitna ng mga hita ko ay nagawa kong magpalit.
Tinignan ko siyang muli habang natutulog. Walang kamuwang muwang sa nangyayari.

"Babalik ako, Kristian. BAbalik ako kapag alam kong ikaw na ang mahal ko. Kapag
wala na ang sakit. Babalikan kita dahil sa pagkakataong iyon magiging akin ka na.
TAtanggapin kita ng buonbuo at alam kong di kita sasaktan" bulong ko sa kaniya bago
tuluyang umalis.

Mabilis at tahimik akong umalis. Pagkababa ko ay sumakay ako kaagad ng taxi na


maghahatid sa akin sa bahay. Muli kong tinignan ang building na kinalalagyan ng
Condo Unit ni Kristian.

Nginatngat ko ang kuko ko para pigilan ang pag-iyak ng may kumikinang sa kamay ko.
Kunot noo ko iyong tinignan at isang asul na singsing ang nakalagay sa
palasingsingan ng kamay ko. Tinanggal ko iyon at tinignang mabuti dahil hindi ko
maalalang may suot ako na ganito kagandang singsing. Tinitigan kong mabuti at may
naka-engrave na letra sa loob. Maliliit lang iyon kaya inaninag kong mabuti.

KFDM's P

"Kristian Fourth Dela Marcel's Property?"


=================

Chapter 2

Tinitigan kong mabuti ang singsing na nakasuot sa palasingsingan ko. Ayaw nitong
matanggal. Simula ng magising ako sa ospital pagkatapos ng aksidente ay ito at ito
lang ang bagay na hindi nawala sa akin. Ano kayang meron dito? Misteryo parin kasi
sa akin ang katauhan ko. Hanggang ngayon ay ang alam ko lang, ako si Heart Hidalgo
at may anak akong tatlong taong gulang palang. Kahit ano kasing sabihin nila about
sa akin ay hindi ko maramdamang nangyari sa akin 'yon.

"Tinitignan mo na naman iyan" lumingon ako kay Tita Maira bago bumalik sa pagtitig
sa singsing.

"Kapag nakikita ko po kasi siya parang hinihila niya ako na muli siyang tignan.
Parang may pinapahiwatig siyang hindi ko maintindihan" bumuntong hininga ako at
tsaka binaba iyon.

"Tandaan mo, hija. Lahat ng bagay may dahilan. Kung wala ka pang naaalala hangang
ngayon, ibig sabihin ay hindi pa Niya pinahihintulutan iyon na malaman mo.
Makakaalala ka rin" hinawakan ni Tita Maira ang kamay ko at kiming ngumiti.

Nang magising ako ay siya na ang nakita ko at may anak na ako. Isang taon mahigit
akong naka-coma kaya hindi ko daw naaalala ang mga nangyari. Tuwing nakikita ko ang
anak ko. May mga blur na alaala akong nakikita. May boses na naririnig hangang sa
sumakit ang ulo ko. Ganun palagi.

"Hinahanap ka na ni Kian, Hija" tumango ako tsaka inipitan ang buhok ko bago
lumabas.

Maging ang tatay ng anak ko ay hindi ko maalala. Wala lahat. Minsan iniiyak ko
nalang ang frustration ko pero kapag nakikita ako ng anak ko ay itinitigil ko kasi
nagagalit siya. Ayaw niya daw kasi  akong umiiyak.

Bumaba ako at agad kong nakita ang anak kong nakaupo sa mesa at nakasimangot. Kunot
na kunot ang makapal niyang kilay habang ang medyo dark ang asul nitong mata na
hindi ko alam kung saan nakuha. Sa ama niya kaya?

"Wifey! Stop staring ang sit beside me!" madiin nitong sabi. Hindi ko alam kung
saan nito napulot ang pagiging bossy nito. Mainitin ang ulo nito, napaka-baba ng
pasensiya at napakapossessive. Ayaw nitong hinahawakan siya ng mga lalaki kahit na
bata o matanda.
"Yes, hubby" sagot ko at umupo sa tabi niya. Hindi siya tulad ng ibang bata. Ayaw
niyang nakikipaglaro at sa akin niya lang pinapakita ang mga batang galaw niya.
Minsan naiisip ko, mas matanda pa siya sa akin kung mag-isip.

Tahimik lang kaming kumaing tatlo nila tita. Siya lang kasi ang nakamulatan kong
pamilya. Wala na daw ang Mommy at Daddy ko. Nag-iisa daw akong anak at si Tita
nalang ang pamilya ko. Marami akong tanong pero kapag sinisimulan ko ay dinadaan
niya ako sa malalalim na salita hanggang sa pagod na daw ito o nahihilo at ano pang
ibang dahilan.

"Wifey, I'm done" ngumiti ako dahil tapos na din ako at maging si Tita.

"Mukhang marami ata ang tao sa Hidalgo Resort ngayon. Maaari mo bang kunin sa
secretarya ko ang Financial report ng buwan? Sumasakit kasi ang balakang ko"
mabilis akong tumango. Nagpatawag ng maid si Tita at sinamahan ako ni Kian na
pumunta sa Hidalgo Resort.

May malawak kaming Hacienda. Pagpasok mo ay unang bubungad sa'yo ang manggahan
namin bago ang bahay. Sa likod ay ang nakahilerang bahay ng mga alagang kabayo.
Kumuha ako ng isa at  inangkas si Kian. Medyo malayo kasi ang resort. Dadaanan mo
pa ang napakalaking palayan ng bigas bago mo matatagpuan ang malaparaisong lugar ng
Santiago na kung saan makikita ang falls. Nanggagaling ang tubig sa mataas na burol
na hangganan ng Rancho Hidalgo. Ang falls at ang lawa sa baba nito ay pinatayuan
namin ng maliliit na cottage at ginawan resort. Marami naman ang turistang dumarayo
kaya kahit papaano ay kumikita kami.

"Wifey sandali lang!" mabilis kong hininto ang kabayo at kunot noong tinignan si
Kian.

"Wifey, ibaba mo nga ako" siryosong sabi niya kaya naman ibinaba ko na siya.
Tatanungin ko sana siya kung anong gagawin niya ng bigla itong tumakbo doon sa
batang babaeng nakaupo sa damuhan at umiiyak. Kunot noo ko silang tinignan. 

"Bata, Bakit ka umiiyak?" tanong ng anak ko.

"Ayaw nila ako sama. Ayaw nila ako kalaro" sabi nito sabay turo sa mga batang
naglalaro di kalayuan. Napansin kong naningkit ang mga mata ni Kian at nilahad ang
kamay sa batang babae. 

"H'wag ka ng umiyak. Ako nalang kalaro mo. Tahan na. Mamaya punta ka doon sa
malaking bahay. Hanapin mo ako doon at maglalaro tayo-"

"Pero sabi ng Nanay ko bawal ako doon. Hindi daw pwede pumunta doon dahil baka
magalit ang mga amo-"

"Tsk. Pupunta ka doon mamaya. Hihintayin kita. Kapag hindi ka pumunta tatanggalin
ko sa trabaho ang nanay mo, understand?" walang nagawa ang batang babae kung hindi
tumango. Ngumiti ako at lalapitan sana sila ng bigla nalang sumakit ang ulo ko.
Huminto ako at pumikit.

"Hera! Tama na! Nasasaktan ka na! Hayaan mo na si Kuya! Let him be happy. Masyado
ka ng selfish!"

"Hindi pwede Kristian! Hindi! Akin lang siya, akin lang. Bakit ba hindi niya ako
magawang mahalin? Ano bang mali? Ano bang kailangan kong gawin? Do I need to change
everything I am para magustuhan niya lang?" umiyak na sabi ng babae. Niyakap ito ng
lalaki. 

"No! Tanggapin mo na hindi ka na niya mahal! Iyon, Hera ang gawin mo!" kumawala ang
babae pero hindi ito makaalis. 

"Sabi mo tutulyngan mo ako, eh. Sabi mo gagawin mo lahat para mahalin ako ng kuya
mo! Nangako ka, Kristian! Nangako ka!" sigaw ng babae.

"Nangako ako pero hindi ko na kasalanan kung hindi ka talaga niya mahalin. Ginawa
mo na lahat! Wala na tayong magagawa kung iba ang mahal niya. Kahit anong gawin mo
kung ayaw tumibok ng puso niya para sa'yo, wala kang magagawa-"

"Wifey? Wifey anong nangyayari sa'yo?Wifey bakit ka namumutla!" huminto lang ang
blur na nag-appear sa utak ko ng marinig ko ang boses ni Kian. Naramdaman kong
yumakap ang maliliit nitong braso sa akin. Yumakap din ako sa kaniya na parang sa
kaniya humuhugot ng lakas pero ng muling sumakit ay hindi ko na napigilang hindi
mapatili. 

"Wifey! Wifey, what's wrong? Wifey" iyon nalang ang narinig ko bago tuluyang kainin
ng dilim ang buong paligid ko. 

=================

Chapter 3
Pumikit ako ng lalong lumakas ang hangin. Ang sarap talaga ng hangin sa probinsiya
at hindi katulad sa metro na mausok. Naramdaman kong may yumakap sa mga hita ko
kaya bumaba ang tingin ko doon. 

"Wifey matulog na tayo. Baka mahimatay ka na naman. Wala ka ba talagang sakit


Wifey? Bakit parati kang nahihimatay" sabi ni Kian. Hindi ko alam kung anong
gagawin ko para maalis ang takot sa mga mata nito. Hindi ko rin naman kasi alam
kung ano ba ang nangyayari sa akin. 

Alam kong bumabalik ang mga memorya ko pero bakit antagal? Bakit hanggang ngayon ay
puro parin blur at boses ang naririnig ko? Bakit hindi parin buo? Gusto ko ng
maalala ang lahat. Gusto kong maalala kung sino ang ama ni Kian. Kung mahal ko ba
siya? Kung bakit bigla siyang nawala? Kahit na may nagsasabi sa isipan kong h'wag
ko ng alalahanin pa ay gusto ko pain. Para sa anak ko. 

"Wala akong sakit, Hubby. Ayos lang si Wifey. Inaalala kasi ni Wifey si Daddy. Para
naman happy family na tayo" sabi ko pero sumimangot ito na para bang ayaw nito ang
sinabi niya. Lumuhod siya sa harapan nito at inangat ang mukha hanggang sa magtama
ang mga mata nila. 

"Ayaw mo bang makilala si Daddy, Kian Eros?" tanong ko. 

"Kung mahihimatay ka naman parati kapag inaalala mo siya mas mabuti pang wala
nalang akong Daddy. Meron ka naman, Wifey. Hindi na ako maghahanap ng Daddy basta
h'wag ka na ding mawawalan ng malay" sinserong sabi niya pero halatang naiiyak na
siya. I want to give my son everything. He deserves it pero paano ko ibibigay ito
kung ganito naman ang nangyayari sa akin at parati ko siyang tinatakot sa mga
nangyayari sa akin. 

"Hindi ko kasi mapipigilan ang paglabas nila sa isipan ko, hubby. Siguro ita-try ko
nalang na hindi ako mawalan ng malay pero hindi ako nangangako. Matatapos din ito.
Bukas pupunta ako sa hospital para magpatingin ulit. Mawawala na din ito"
paninigurado ko at para itong matanda na tumango tango. 

My son is a genius, kaya nga kahit tatlong taong gulang palang ito ay diretso na
itong magsalita. Madali nitong naiintindihan ang mga bagay bagay pero hindi parin
naman nawawala ang pagiging isip-bata nito minsan. Saan niya kaya iyon namana? Sa
Daddy niya?

"tara na, Wifey. Matulog na tayo" Tumango naman ako at tumayo tsaka sumunod sa
kaniya. Niyakap niya ako pagkahigang pagkahiga namin na para bang ayaw niya talaga
akong mawala sa tabi niya. Tumataba ang puso ko sa ginagawa niya. 

Niyakap ko din siya at maya maya ay parehas na kaming nakatulog. 

Nagising ako sa lakas ng kalabog ng pintuan. Mabilis akong tumayo at binuksan iyon.
Nakita ko si Tita na nakatayo sa harapan ng pinto. Kunot na kunot ang noo ko dahil
sa paraan ng pagkatok niya kanina. 

"Nag-pa-schedule ka ng check-up sa kabilang hospital? Bakit hindi ko alam, Heart?"


tanong niya. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Tita. 

"Feeling ko po kasi wala namang naitutulong si Dr. Ignacio. Ang tagal na po nitong
kondisyon ko pero hanggang ngayon wala parin akong naaalala. Nawawalan na po ako ng
pasensiya, Tita. Plano ko naman pong sabihin mamaya kaso naunahan niyo na ako" sabi
ko. Napansin ko ang pag-iwas nito ng tingin na para bang may tinatago. 

"Hindi pwede bukas, Hija. Darating ang mga kliyente nating mag-te-team building.
Alam mo naman kung gaano ito kahirap ngayong taon dahil kulang tayo sa tao. Kung
gusto mo pagka-alis na pagka-alis g mga kliyente ay bumiyahe tayong metro upang mas
makasigurado tayo sa kondisyon mo kung hindi ka naniniwala kay Dr. Ignacio" sabi
niya. Doon ko lang naalala ang pinaghahandaan naming araw ay bukas na. 

May isang kumpanya kasing gustong bigyan ng magandang bakasyon ang mga empleyado
nila at nagkataong ang resort ang napili nila. Hindi ko alam kung paano nila
nahanap ang Resort pero nagpapasalamat ako at kami ang napili. 

"Ngayon na kita kinatok dahil baka magkasalisihan tayo bukas. Maaga akong pupunta
doon upang kausapin ang may-ari ng kumpanya. Gusto kitang isama ngunit ayokong
gisingin mo ng maaga si Kian. Isasama mo rin siya roon, diba?" tanong niya at
tumango ako. 

"Pumapayag po ako sa gusto niyo tita. Pag-alis nalang po nila. Makakapag0hintay pa


naman po ako" nakangiting sabi ko at napansin kong nakahinga naman ng maluwag si
Tita. 

"Matutulog na ako, hija. Magpahinga ka na rin dahil maaga tayo bukas" tumango ako
kay Tita kahit na lalong tumataas ang pagdududa ko sa kaniya. 

Alam kong masama ang nararamdaman ko gayong siya ang tumulong, nagbihis, nagpakain
at lahat sa akin at maging sa anak ko. Ayokong maramdaman ito pero wala naman akong
magagawa dahil hindi ko ito mapipigilan. Minsan naiisip ko, Totoo ko kaya siyang
Tiya? dahil kung totoo ko siyang tiya, bakit kahit kailan ay wala siya sa mga
memoryang bumabalik sa akin. Ni boses ay walang kapareha sa mga boses na naririnig
ko sa isipan ko. 

Tumingin ako sa anak kong mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kaniya at


hinalikan siya sa noo bago nagpalit. Kailangan kong makapag-isip ng maayos at
tuwing nandito ako sa bahay na ito ay hindi ko magawa iyon. 

Para akong nasu-suffocate sa bahay na iyon. Nasasakal ako kay Tita dahil para lang
akong manika na kinokontrol niya. Hindi ako makalabas ng Probinsiya hanggat walang
pahintulot niya at kapag may pupuntahan kailangan may kasama pang bodyguards. 
Sumakay ako sa isa sa mga kabayo at nagpuntang Resort. Mas nakakapag-isip ako ng
maayos tuwing nandoon ako at nakatingin sa pagbagsak ng tubig. Sana lang ay mali
ang hinala ko kay Tita dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. 

Itinali ko ang kabayo sa isa sa mga punong malapit saa talon. 

"Ano pong ginagawa niyo dito, Sinyorita? Gabing gabi na po" tanong ng isa sa mga
tauhan namin na nakasalubong ko. 

"Hindi ako makatulog Mang samuel kaya nandito ako. Kamusta na po ang pag-aayos?
Anong oras po ba mag-dadatingan ang mga kliyente natin?" tanong ko. 

"Maayos na po lahat, Sinyorita pati po ang mga gagamitin nila sa pag-te-team


building nila" sabi ni Mang simeon. 

"Salamat po Mang Simeon. Magpahinga na rin ho kayo. Doon lang ako sa may tabi ng
talon" sabi ko at tumango ang matanda. Tinanggal ko ang suot kong bota kanina at
nilislis ang leggings na suot ko tsaka umupo sa batuhan at nilagay ang paa sa
tubigan. 

Ito lang ang mundo ko sa loob ng tatlong taong iyon. Hindi ko maatim na ito din ang
mundo ko simula pa noong bata ako. Para kasing ngayon lang talaga ako napadpad sa
lugar na ito. Wala akong makuhang pagkakakilanlan sa lugar na ito. 

Ilang minuto pa akong nakaupo doon ng makarinig ako ng mga ugong ng sasakyan.
Kumunot ang noo ko at agad na tinungo ang kabilang dako ng resort at may
nagsisidatingan ngang mga sasakyan. Sila ba ang mga kliyenteng sinasabi ni Tita?
Bakit ang aga naman ata?

Maging ang mga tauhan namin ay nagulat sa maagang pagdating nila. Sinenyasan ko si
Mang Simeon na tawagan si Tita. Pinakuha ko rin kay Ana ang bota ko na naiwan ko sa
tabi ng talon ng tumakbo ako ng nakapaa papunta dito. 

Ako muna siguro ang haharap sa kanila habang wala pa si Tita. Kahit naman nagdududa
ako ay ayokong maapektuhan non ang Resort. Napamahal na rin sa akin ito. 

"Ma'am. Heto na po ang bota niyo" sabi ni Ana. Napansin ko namang hindi pa sila
bumababa kaya nagawa ko pang isuot iyon at ayusin ang sarili ko. Humarap ako kay
Ana na nakatingin sa akin. 

"Ayos lang ba ang hitsura ko, Ana? Mukha bang presentable? Hindi kasi ako handa"
sabi ko. Medyo kinakabahan ako. 

"Maganda parin kayo, Ma'am" sabi naman nito na ikinangiti ko. Nakarinig ako ng
pagbukas ng pinto ng sasakyan. Hinaplos ko pa ang buhok ko at inayos ito sa dibdib
ko bago humarap. 
"Hera?" 

Hindi ko alam kung bakit kumabog agad ang dibdib ko ng makita ko ang mga lalaking
nasa harapan ko. Dalawang lalaking may asul na mga mata. Matatangkad sila at halata
sa kutis nila na mayaman sila. 

"Kalix, buhatin mo si Axel! Hindi ko siya magising" sabi ng babae sa isang lalaki.
Lumingon pa iyon sa akin bago sinunod ang sinabi ng babae. 

"Sh*t. Hera?" sabi ng babaeng may mahabang buhok at asul na mata. Napaatras ako ng
lumapit siya sa akin at hahawakan ako. 

"I-I'm sorry but I'm not H-hera. I'm Heart Hidalgo" sabi ko na ikinagulat nilang
lahat. anong nangyayari? 

"Ako na nga magbubuhat kay Dyka!" hindi ko alam kung bakit parang narinig ko na ang
boses na iyon. 

"Hera, Mahal na mahal kita. Ako nalang, oh. Akin ka nalang"

"Bakit ba para kayong tangang nakatayo diyan? Pumasok na kaya kayo ng maipasok niyo
na rin itong mga anak niyo. Hindi na kayo naawa sa mga bata" sabi ng boses na
palapit ng palapit. Napahawak ako sa ulo ko ng bigla iyong sumakit. 

Unti unting humarap ang lalaki at napahinto ng makita ako. Nanlalaki ang mga mata
nito at biglang napalitan ng iba ibang emosyon. Parang nakita ko na ang mukha niya.
Pamilyar na pamilyar ito sa akin na para bang nakita ko na ito.

"Kristian" tawag ng isang lalaki at lumapit sa lalaking nakatingin sa akin pero


hindi nito inalis ang titig sa akin. 

"Hera" bakit ba sila Hera ng Hera? Sino ba iyon? Wala namang Hera na nagtatrabaho
dito? 

"Wifey! Bakit mo naman ako iniwan! Paano kung nawalan ka na naman ng malay?"
napalingon ako sa sumigaw at maging sila ay napansin kong nakatingin din. Tumingin
ako sa galit na mukha ng anak ko at sa lalaking kanina pa ako tinititigan. Kaya
pamilyar dahil magkamukha sila. Possible bang galing sila sa future at siya ang
anak niya sa future katulad ng sa Dragon ball Z? Iyong si Trunks? 

"AAA" napasigaw ako ng mas lumala ang sakit ng ulo ko. Napaupo pa ako habang hawak
hawak ko ang ulo ko sa sobrang sakit. 
=================

Chapter 4

"Ano na namang ginagawa mo dito?" singhal ko ng pumasok ang lalaking may asul na
buhok. Simula ng gabing iyon ay hindi na niya ako tinantanan. Kung hindi ko siya
makikita sa resort ay pupunta naman siya dito sa bahay. Kahit pinagbawal kong
pumunta siya dito ay nakakahanap parin ito ng ways para makapasok. 

Sumandal siya sa pintuan ng kwarto ko at tinignan lang ako na para bang nagbibiro
ako sa paningin niya. Sumilip ito sa loob kaya napalingon din ako. Tulog na tulog
si Kian habang yakap yakap ang stuffed toy nito. 

"He's not yours" sabi ko na. Pinangungunahan ko na siya dahil iyon ang parati
niyang dinadahilan tuwing pumupunta siya. Na anak niya si Kian at dinadalaw lang
niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ka-gaan ang nararamdaman ko sa kaniya na para
bang matagal na kaming magkakilala pero dapat hindi, dapat wala akong nararamdamang
ganito. 

"Paano mo ipapaliwanag ang pagkakahawig niya sa akin? Parehas kami ng mata Hera-"

"Heart ang pangalan ko! Heart Hidalgo at hindi Hera!"sabi ko pero dumilim ang mukha
niya at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ko. Napa-igik ako sa sakit pero
hindi ako umarya. Ayokong isipin niyang natatakot ako sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit Heart ang pagpapakilala mo sa amin. Hindi ko din alam
kung bakit ka nagpapanggap na wala kang naaalala, Hera pero isa lang ang alam ko.
Iniwan mo ako kahit na nagmakaawa ako sa'yong wag mo akong iiwan. Umalis ka kahit
sinabi ko sa'yong ayokong mawala ka. Tinago mo ang anak ko kahit alam mong pangarap
kong magkaanak sa'yo! Pangarap kita, Hera! Ano bang ginawa ko para saktan mo ako ng
ganito?" gusto kong mapaatras dahil sa takot sa kaniya pero hindi ko magawa dahil
hawak niya ako. Yumuko siya at at bigla nalang humagulgol. Kumurap kurap ako at
hindi ko alam kung bakit sinisigaw ng isip kong hawakan ko siya at aluin. Hindi ko
alam kung bakit nasasaktan akong nakikita siyang nagkakaganiyan. Kung sana naaalala
ko talaga siya. Kung sana...

"Hindi ako nagpapanggap. Hindi kita kilala. Hindi kita maalala. Wala akong
naaalala. Nagising nalang ako sa hospital tapos sabi ni Tita ay pamangkin niya ako
at may anak ako. Kung sana naaalala kita. Kung sana nga kilala kita at ang mga
nangyari pero hindi. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa'yo
pero natatakot ako" tumingin siya sa akin at napakagat nalang ako sa labi ko ng
makita ang basang basa niyang pisngi. Pumunta doon ang kamay ko at pinunasan ang
pisngi niya. Pumikit siya ng dumampi ang kamay ko sa pisngi niya. Napaatras ako ng
maramdaman ang kuryente ng dumikit iyon pero hindi ko nagawang tanggalin ang kamay
ko dahil pintungan na niya iyon ng sa kaniya. 
"Ipapaliwanag ko sa'yo lahat. Ang tita na sinasabi mo ay hindi mo Tita, Hera. Hindi
kayo related at matagal ka na ding hinahanap ng totoo mong pamilya-"

"Anong pinagsasasabi mo? Patay na ang parents ko. Si Tita nalang ang-"

"Hindi ko alam kung anong ipinakain niya sa iyo para maniwala ka pero buhay si Tita
at Tito. BUhay na buhay sila at kahit kailan ay hindi sila namatay o ano man na
itinanim nila sa utak mo" umiling iling ako at nanghihinang umupo sa gilid ng kama.
Hindi ko alam kung maniniwala ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. 

Nagulat ako ng umupo siya sa harapan ko at ilahad ang cellphone niya. HIndi ko alam
kung bakit niya iyon ginagawa kaya ako lumingon sa kaniya. Tinignan niya ang
cellphone at nilapag sa legs ko. Nakita ko ang mukha ko doon-- babaeng kamukhang
kamukha ko. Nakangiti ito habang nakayakap sa kaniya mula sa likuran dahil naka-
piggi back ride ang babae. Maigsi ang buhok nito at hindi kagaya kong mahaba.
NIlipat ko iyon at nakita ko ang sarili kong yakap ang isang medyo matandang babae
na kamukhang kamukha ko at isang lalaking medyo matanda din na nakaakbay sa amin.
Marami pa ang larawan na iyon at habang tinitignan ko iyon ay lalong lumalakas ang
nararamdaman kong paniwalaan siya. 

"Ikaw si Hera Artemis Go. Anak ka ng isang half Chinese, half Filipino at isang
Chinese businessman. Nag-iisa ka nilang anak kaya ng mawala ka ay halos mabaliw na
si Tita sa kakahanap sa'yo. Kung totoo mang nawala ang memorya mo, maniwala ka kasi
sa lahat ng tao ako ang kahit kailan hindi bibitaw sa'yo at hindi magsisinungaling
sa'yo"  tinignan ko siya at binalik ang tingin sa cellphone. Hindi ko na alam kung
anong paniniwalaan ko. 

"Suot mo pa pala?" napatingin ako sa kaniya ng sabihin niyan iyon. Tinignan ko ang
tinitignan niya at ang singsing na suot suot ko ang tinititigan niya. Kumunot ang
noo ko at inangat iyon. 

"Bakit? Anong meron sa singsing na ito?" tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya ako at
bumuntong hininga. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako ng dalhin nito iyon
sa bibig at halikan kung saan nakalagay ang singsing. 

"Ako ang naglagay nito sa kamay mo" sabi niya. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin
sa kaniya at sa singsing ng pabalik balik. Siya ang fiancee ko? 

"Hindi mo alam na nilagay ko ito sa kamay mo. ayaw mo itong tanggapin kaya ko
nilagay ng palihim" sabi niya na lalong nagpakunot ng noo ko. Mabilis ang kabog ng
dibdib ko. 

"Bakit ko naman hindi tatanggapin? Ang ganda ng singsing" sabi ko. Malungkot itong
ngumiti at tumitig sa akin. Para itong nagdadalawang isip na sabihin kung ano man
iyon. Tumayo ito at iyon ang ikinagulat ko. Kinuha niya ang cellphone at hinalikan
ako sa noo tsaka lumapit kay Kian at ginawa din nito ang ginawa sa akin sa bata
tsaka pumunta sa balcony kung saan ito umakyat kanina. Doon lang nag-sink in sa
akin na aalis na siya. Agad akong lumapit at hinawakan siya sa braso ng mahigpit. 
"Marami pa akong tanong. Kailangan mo akong sagutin" sabi ko pero umiling siya
tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya. 

"Ako ang may hawak nito at hindi ikaw, Hera. Kung gusto mong malaman lahat sasama
ka sa akin ngayon auwi ng Manila. Kasama ang anak natin. Kung gusto mong malaman
lahat, willing akong sabihin at dalhin ka sa lugar kung saan nangyari ang mga
nangyari pero isa lang ang kundisyon ko. Sumama ka sa akin dahil hindi ko iyon
magagawa dito-"

"Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo!" sabi ko. Tumitig siya sa akin at
humarap tsaka tinuro ang puso ko. 

"Sabihin mo man sa hindi alam kong naniniwala ito. Kaya man kaming kalimutan ng
isip mo, hindi kami kayang kalimutan nito. Mararamdaman mo naman kung totoo, Hera"
napahawak ako sa puso ko na mabilis ang tibok. Noong si Tita ang nagsasabi sa akin
ng tungkol sa akin ay hindi ito nangyari. Ni hindi ko nga maramdaman ang
familiarity sa mga bahay at lugar na kinukwento niya pero itong lalaking ito na may
asul na mata, wala pang isang buwan kong kilala pero ramdam na ramdam ko na na
totoo iyon. 

"I don't have all day, Hera. Sasama ka o hindi" kinagat ko ang labi ko at tumingin
kay Kian tsaka sa buong kwarto. Hindi ko maramdam na at home ako sa bahay na ito.
Natatakot ako pero nararamdaman kong tama ito. Pumikit ako bago tumango. Sana lang
tama ang desisyon ko. 

=================

Chapter 5

Hindi ko alam kung anong mahika ang inilagay niya sa akin o kung ginayuma niya ba
ako para sumunod ako sa kaniya pero natagpuan ko nalang ang sarili kong yakap yakap
ang anak ko sa loob ng sasakyan niya. Dapat makaramdam ako ng takot, kaba o kahit
ano pero imbes na ganun ay iba ang nararamdaman ko. Kalmado ako at nararamdaman
kong safe ako hindi katulad sa bahay ni Tita na parang parating may nakatingin at
anumang oras ay may mangyayaring hindi ko magugustuhan. 

Gumalaw si Kian at sumiksik sa akin. MUkha itong hindi kumportable dahil nakakunot
ang noo nito at kanina pa galaw ng galaw. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinilot
ang pagkakakunot ng noo niya. Kahit nakapikit siya ay makikita mo parin ang
pagkakahawig niya sa lalaking kasama namin kahit pa sabihing hindi ko nakikita ang
asul niyang mga mata. 
"Ginagawa mo din sa akin iyan noon. Hinihilot mo ang noo ko kapag nakakunot,
pinapakalma mo ako kapag nagagalit ako" lumingon ako kay Kristian ng sabihin niya
iyon. Kaya ba hilig kong gawin iyon kay Kian kasi ginagawa ko na iyon dati kay
Kristian? Ano ko ba siya? Sino ba siya sa buhay ko?

"Sino ka ba talaga Kristian Fourth Dela Marcell? Ano ba kita? Bakit ang dami mong
alam tungkol sa akin? Kung ikaw ang ama ni Kian, ibig bang sabihin non asawa kita?"
sunod sunod kong tanong. Unti unting nawala ang ngiti niya at umiwas ng tingin na
siyang ikinakunot ng noo ko. May nasabi bakong mali? 

"Hindi mo ako asawa. Hindi naging tayo. Mahirap ipaliwanag, Hera. Mas magandang
unti unti mo nalang na maalala" iniling ko ang ulo ko at hindi na muling nagtanong
pa tungkol doon. Mukha kasi siyang hindi kumportable. 

"Kung ang pamilya ko ay ang mga nasa larawan. Sino si Tita? Bakit niya sinabing
patay na ang mga magulang ko? Bakit hindi ako dinadalaw ng sinasabi mong pamilya
ko?" muli kong tanong. 

"Magpahinga ka muna, Hera. Sasagutin ko lahat bukas katulad ng sinabi ko. Dadalhin
pa kiya sa lugar kung saan nangyari ang mga bagay na iyon pero sa ngayon magpahinga
ka muna dahil bukas hindi lang ikaw ang kailangan ko maging ang lakas, puso at
isipan mo. Sana nga totoo ang sinasabi nila na maaari mang makalimot ang utak
ngunit hindi ang puso. Sana, Hera maalala mo pa ako" umiwas ako ng tingin ngunit
bumalik din sa kaniya ng maramdaman kong may naghawak sa kamay ko. Tinanggal ko din
iyon hindi dahil ayaw ko kundi dahil sa parang naku-kuryente ako sa mga hawak
niya. 

Ngumiti ito ng tignan ko pero hindi umabot sa mga mata nito. Nasaktan ko siya base
sa ekspresyon ng mukha niya. Kinagat ko ang labi ko at tumingin nalang sa bintana. 

Nagising ako na nasa isang malaking kama na. Agad akong umupo ng makitang mag-isa
lang ako at wala si Kian. Agad na umahon ang kaba sa dibdib ko at hindi na pinansin
na iba na ang damit na nakasuot sa akin. Lumabas ako ng kwarto at lalo lang kumunot
ang noo ko ng bumungad sa akin ang napakalawak na living room. Nasaan si Kian? 

Luminga linga ako sa paligid. Naghanap ng ibang kwarto at nakahanap din naman ako
kaagad sa isang gilid. Agad akong pumunta doon at binuksan ngunit wala itong laman.
Lalo akong kinabaha. Bumaba ako at naghanap ng tao ng makasalubong ko si Kristian
na mukhang kakagising lang dahil nakasuot ito ng tanging pajama lang! Kitang kita
ko ang naguumapaw nitong kakisigan. Kumurap kurap ako at iiwas sana ng tingin ng
mapansin ang tattoo sa dibdib niya. Wala sa sariling napatitig ako doon. 

"Hera" 

"H-Hera, stop looking at me like that"


"WIFEY!" kumurap kurap ako at unti-unting tumingin sa bukana ng hagdan kung nasaan
ang anak kong hinahanap ko pala. Gusto kong kutusan ang sarili ko sa inis. Nakakita
ka lang ng abs nakalimutan mo na ang anak mo!

"Hubby" sabi ko bago siya sinundo sa taas. Binuhat ko siya at yumakap naman ang
maliliit nitong braso sa leeg ko. Doon ko napagtantong ibang iba talaga ang suot
ko..

"Wifey bakit tayo nandito? Bakit ibang house na ito? Nasaan po si LOla? Bakit
kasama mo iyang lalaking iyan?" sunod sunod na tanong ni Kian. Kinagat ko ang labi
ko at naghahanap ng sagot pero inunahan na ako ni Kristian. 

"Dito muna kayo titira ng Mama-"

"WIFEY!" sigaw ng anak ko dito. Tinakpan ko ang bibig ni Kian dahil ang lakas ng
boses nito at nakakahiya kay Kristian pero nginitian lang nito ang bata.

"...Fine, buddy. Wifey. Dito kayo titira hanggat hindi pa nakakaalala ang Wifey mo"
sabi ni Kristian. Umirap si Kian dito at sinubo ang thumb nito bago sinandal ang
ulo sa balikat ko. 

"Ikaw ba ang nagpalit sa akin?" hindi ko maiwasang hindi tanungin. Ibang iba kasi
ang suot ko at sobrang nipis pa na pantulog pero at least hindi nighties kundi
spaghetti strap at shorts na magpartner na may print na hello kitty ito. Nagulat
ako ng mamula ang mukha nito maging ang mga tenga nito. Umiwas ito ng tingin tsaka
umiling iling. 

"H-Hindi! Si M-Manang kaya nagpalit sa iyo!" parang batang sabi nito. Bakit ang
guwapo nito kahit namumula ito na parang babae?  Ano ba naman itong nasa utak ko!
Bakit puro gwapo at abs! 

"Wifey gusto ko ng gatas" doon ko lang naalala na wala pala kaming dinalang gamit
kagab i at malamang sa malamang naming naiwan ang mga feeding bottles ni Kian.
Kahit halos magtatatlong taon na ito ay umiinom parin ito ng gatas sa feeding
bottles. Ayaw nito sa baso kahit na anong gawin ko. 

"May gatas sa kitchen. Hindi ko lang sigurado kung ano ang gatas na-"

"Wifey gusto ko Progress lang! Ayoko ng iba" sabi agad ni Kian. 

"May Feeding bottles ka ba Kristian?" tanong ko at agad itong umiling. Kumunot ang
noo nito na parang nagtatanong.

"Hindi kasi umiinom ng gatas si Kian kapag hindi sa Feeding bottles at hindi
progress ang milk niya" sabi ko bago yumuko at kinagat ang labi ko. Ang dami na
naming nagawang abala. Nakakahiya na sa kaniya. Sa kaniya na nga ako titira, kami
ng anak ko tapos lahat pa ng kailangan ay sa kaniya ko inaasa. Wala naman kasi
akong dala kahit limam-piso lang. 

"May Feeding bottles ako diyan. Binili ko para sa mga pamangkin kong namamasyal
dito. Kung hindi ako nagkakamali ay may mga hindi pa nabubuksan sa kusina. May
ganun din akong milk. May iba pa ba siyang kailangan?" tanong nito. Umiling ako at
sinabing wala na. 

Katulad nga ng sinabi niya ay may feeding bottls siya at progress na gatas na
nakalata na hindi pa nabubuksan. Agad na umupo si Kian sa lamesa at hinintay na
mabuksan ko ang gatas. 

"Wifey pahingi ako. Gusto ko ng ganiyan!" sabi nito at nilagay ang hintuturo sa
gatas tsaka pinasok sa bibig nito. Hilig nitong papakin ang gatas na hindi pa
natitimpla. Mahirap naman siyang pagbawalan dahil masyadong madaming tanong at sa
dulo ay wala kang magagawa kundi um-oo nalang sa kaniya. 

"KIan, hindi natin bahay ito. Hindi din sa'yo 'tong-"

"It's okay, Hera. Wala na namang iinom niyan o kakain. Let him do whatever he
wanted. Kaya ko namang ibigay sa anak ko ang mga pangangailangan niya" anak ko.
Iyon ang narinig ko. Sigurado ako doon. 

"Pero..."

"Hindi ako nagtrabaho ng ilang taon para gutumin ang magiging anak ko. Ibibigay ko
lahat ng luho niya, gusto niya at lahat lahat kahit mundo pa iyan kung kakayanin ko
katulad ng kaya kong ibigay sa Nanay niya. Kung hahayaan niya lang ako" lumingon
ako sa kaniya at halos mapaatras ako ng makitang titig na titig siya sa akin.
Umiwas ito ng tingin at naglakad papuntang re. Ipinagkibit balikat ko nalang ang
sinabi niya at tinuloy ang ginagawa. Sinabihan ko si Kian na mamaya na magpapak ng
milk kapag nakakain na ng kanin na agad naman nitong tinanguhan. 

It may sounds crazy or something pero iba ang pakiramdam na kasama siya. Iba ang
pakiramdam na nandito ako sa bahay niya. Para akong nabuhay. Parang nagkakulay ang
mundo ko at hindi kagaya noon na sobrang dull. Pumikit ako at nilagay ang kanang
kamay sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito at ngayon ko lang ito naranasan. 

=================

Chapter 6
"So sinasabi mo na hindi ikaw ang gusto ko kundi ang Kuya mo?" tanong ko sa kaniya.
Naguguluhan kasi ako. May anak kami, sinasabi niyang anak niya si Kian pero ngayon
naman kinukwento niya na may gusto ako kay Kristoff daw na kuya niya. Pinakita niya
ito sa akin at mas matanda pala ito ng halos pitong taon sa akin. Hindi ko
maalalang nagustuhan ko siya dahil kung titignan ay mas guwapo si Kristian kaya
bakit hindi si Kristian ang gusto ko. 

"Hindi lang gusto, Hera. Obsess ka kay Kuya na kahit ano ginawa mo pati ang
paghiwalayin silang mag-asawa" nanlalaki ang mga mata ko. Nagawa ko iyon? Masama
ako? 

"M-Masama akong tao noon?" tanong ko sa kaniya na nagpahalakhak sa kaniya. Kumunot


ang noo ko at inirapan siya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, ah? 

"Sort of. Nasaktan mo kasi sila pero in the end naintindihan mo din na hindi ka
naman mahal ni Kuya at si Ate Ysa ang gusto niya" sabi nito. 

"Humingi ba ako ng Tawad?" tanong ko. Kung nasaktan ko sila at naging ganun ako
dahil sa obsession ko sa Kuya nila at naintindihan ko na sa huli, nakahingi naman
siguro ako ng tawad. 

"Yeah pero hindi na kay Ate Ysabel. Hindi na kasi kayo nagkita pa. Sinubukan mo
pero hindi na kayo nagkausap pa dahil umalis ka na" ngumuso ako at nangalumbaba.
Siguro hanggang ngayon ay galit na galit parin ang Kuya niya at Ate niya sa akin.
Hindi ko naman sila masisisi dahil base sa kwento ni Kristian ay umabot pa sa
puntong muntik ng matanggal ang anak nila dahil sa akin. Hindi ko din naman
mapapatawad ang sarili ko kung nangyari iyon. 

"So ibig sabihin ba non ay kahit kailan ay hindi ikaw ang nagustuhan ko?" tanong ko
sa kaniya. Ngumiti siya pero katulad ng dati ay hindi na naman ito umabot sa mga
mata niya. Gusto kong makita siyang ngumiti na umaabot hanggang sa mata niya. Gusto
kong maging puro ang ngiti niya pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko nga din
alam kung bakit ko nararamdaman ito. 

"Yeah. Umamin ako sa'yo pero sinabi mong hindi mo matutugunan ang nararamdaman ko.
That we should take time pero nagulat ako ng magpaalam ka sa akin na aalis ka. Kaya
kong maghintay ng taon, Hera basta nasa tabi kita. Hindi ko kakayaning mapalayo ka
sa akin. That time, sa iyo lang umiikot ang mundo ko. Kung nasasaktan ka,
nasasaktan ako. Kung masaya ka, masaya ako. Ikaw lang tapos nangyari ang gabing
iyon. Akala ko hindi ka na aalis. Akala ko may pag-asa na ako pero mali pala ako
dahil iiwanan mo pala ako. Ilanmg taon na ang nakalipas, Hera. Sana tapos na ang
time na hinihingi mo" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin ba non
ay nag-hintay siya sa akin kahit na walang kasiguraduhan kung babalik pa ako o kung
magugustuhan ko siya? 

Paano kung hindi nila ako nakita sa Resort ng gabing iyon? Paano kung hindi na ako
bumalik? ganun niya ako kamahal? 

"Ang tanga ko ba? Alam kong iniisip mo iyon ngayon. Sino ba naman ang matinong
lalaking mag nahihintay sa babaeng hindi naman siya mahal? Sinong matinong lalaking
maghihintay na walang kasiguraduhan na babalikan nga siya? pero kasi Hera, sa
pagalis mo pati puso ko dinala mo. Paano kita makakalimutan kung hindi ko naman
nabawi ang puso ko sa'yo? Paano ako magmamahal ng iba kung nasa'yo ito?" hindi ko
alam kung bakit parang nababasag ang puso ko habang nakikita siyang nagkakaganito.
Hindi ba talaga siya ang gusto ko? Bakit hindi nalang naging siya? 

"Tsk. Tama na nga ito. Hindi ka pa nga nakakaalala nilalandi na kita. Tsaka na
kapag naaalala mo na ako" sabi nito. 

"Bakit ba parati kayong magkasama Wifey? Pinagpapalit mo na ba ako diyan Wifey?


Ayaw mo na ba sa akin?" nagulat ako ng pamewangan ako ni Kian na masama ang tingin
kay Kristian. Kapag galit ito at nangungunot ang mga noo ay lalo kong nakikita na
magkamukha nga talaga sila.  

"Kian, pinapaalala lang niya sa akin kung sino talaga ak-"

"Tapos sasakit na naman iyong head mo tapos mahihimatay ka na naman! Wifey naman,
eh!" sabi nito at lumabi bago tuluyang umiyak. Hahawakan ko palang siya pero
naunahan na ako ni Kristian. 

"Hindi ko naman sasaktan ang Wifey mo, Kian. Katulad mo gusto ko din siyang
alagaan. Pareho lang naman tayo na nag-aalala kay Wifey mo. Kapag nananakit na ang
ulo ni Wifey mo, titigil na ako. Hindi ko na ipapaalala sa kaniya lahat kahit hindi
na niya ako maalala basta wag lang sumakit ang ulo ng Wifey mo" tumigil sa pag-iyak
si Kian at nanatili itong nakatitig kay Kristian. Napahawak ako sa dibdib ko ng
bumilis na naman ang tibok ng puso nito. 

You can close your eyes for the things you don't want to see. You can cover your
ears for the things you don't want to hear but you can never close your heart for
the things you don't want to feel. Ayokong maramdaman ang mga ito pero masaya ako
tuwing nakikita ko silang dalawa kahit na hindi sila magkasundo at kahit galit si
Kian dito. 

Hindi ba talaga si Kristian ang minahal ko? Bakit parang hindi naman? 

Umupo ako sa sofa bago tumingin sa orasan. Pumasok sa trabaho si Kristian ngayon.
Ayaw niya pa nga sana pero ayoko namang ako ang maging dahilan kung bakit hindi
siya papasok kaya naman pinilit ko siya. Tulog si Kian kaya lalo akong naburyong.
Ilang oras pa bago ito dumating. 

"Nagugutom ka ba, Hija?" tanong ni Manang. Umiling ako at nagpaalam na aakyat muna.
Tutuloy na sana ako sa kwarto ng may mapansin na maliit na kwarto sa malapit sa
hagdan. Maliit lang ang pinto at halos magkakulay lang sila ng pader kaya kung
hindi mo ito titignan ng mabuti ay hindi mo makikita na may pinto pa pala doon. 
Bumaba ako at binuksan iyon. Maswerte ako dahil hindi naman pala ito naka-lock.
Hindi ko alam kung bakit hinihila ako nito papasok at hindi na ako nagtaka kung
bakit. Punong puno ng larawan ko ang kabilang gilid ng kwarto. May nakangiti ako
pero halos lahat ay stolen. Lumingon ako sa kabilang side at nakapaskil doon ang
larawan naming dalawa. May ilan ding stolen. 

Hera and I. Seventeenth birthday

Hera and I. Js Prom

Hera and I. Dad's Birthday.

Hera and I. My Birthday. 

Kung ano ano pa ang mga Caption ng mga larawan. Lumingon ako ay may mga photo
albums naman sa may malapit sa bed. Halatang palaging nililinisan ang mga ito dahil
sobrang kintab ng covers. Binuksan ko ang isang photo album at sa harapan ay may
nakasulat na 'Hera and her friends'. May mga babae akong kasama sa mga larawan.
Mayroong punong puno kami ng icing sa mukha, may mga naka-damit kami ng pang-
hollowwen. Marami pang iba at ang iba namang photo album ay may nakasulat na 'My
Love'. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko habang sinisimulan kong
buksan ang photo album. Mga larawan ito simula ng baby hanggang sa magdalaga ako.
Ako... dahil kamukhang kamukha ko ito. 

Puro masasaya ang mga larawan na para bang ayaw makita ng may-ari na malungkot ako.
Wala sa sariling hinaplos ko ang dulong larawan ng 'My Love' photo album. It's him,
Kristian, and me naked in his bed. Tanging ang maseselang parte lang namin ang may
cover. Nakatalikod ako sa kaniya habang yakap ang unan, siya naman ay nakayakap sa
akin mula sa likuran habang parang hinahalikan niya ang tuktok ng ulo ko. 

Bakit hindi ko ito maalala? Ilang taon na ang nakakalipas  pero bakit wala parin
akong maalala? Gusto ko ng maalala lahat! Gusto ko ng maalala ang mga bagay na
ikinuwento sa akin ni Kristian. Gusto kong malaman kung bakit hindi siya ang
minahal ko at kung bakit iba ang nararamdaman ko sa kinuwento niya. 

Sa sobrang frustration ko ay sinabunutan ko ang sarili ko. I keep on mumbling


'Bumalik ka na'. Thinking na babalik nga ang memories na nawala sa akin habang
ginagawa ito pero wala. Kahit anong gawin ko ay walang bumalik. Umiiyak na sumubsob
ako sa kama. Bakit ba ako nawalan ng alaala? Paano nangyari iyon? 

"Hera?" nakarinig ako ng iilang mahihinang mura bago ko maramdaman na may yumakap
sa akin. HInawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kaniya. Muli itong nagmura ng
makitang umiiyak ako.

"Gusto ko ng makaaalala, Kristian. Gusto ko ng maalala lahat iyan! Bakit wala


parin! Bakit wala" sabi ko. Hinalikan niya ang noo ko bago ako niyakap ng mahigpit.
Niyakap ko din siya at tuluyan na akong kumalma sa yakap niya. 
=================

Chapter 7

"H'wag ka ngang tumingin kay Wifey! Hindi nga sumasakit ang ulo niya, tinutunaw mo
naman siya sa mga tingin mo!" pinanlakihan ko ng mata si Kian. Parang wala lang
itong nakita dahil umiwas ito ng tingin sa akin. Sa mga ganitong pagkakataon,
nagsisisi akong sobrang talino ng anak ko. Akala tuloy nito ay kaya na nitong gawin
lahat. 

"It's okay, Hera. Hayaan mo lang siya" nakangising sabi ni Kristian bago kumindat
sa anak niya. Natawa pa ito ng umirap ang bata sa kaniya. Tsk, natutuwa pa talaga
siya sa binabastos siya ng bata. Umiling nalang ako at tinuloy ang pagkain. 

Nasasanay na rin akong tinatawag niyang Hera. Ikaw niya ay Hera Artemis Go ang
tunay kong pangalan. Kapag naiisip ko na anumang araw ngayon ay makikita ko na ang
mga magulang kong totoo, namamasa ang mga kamay ko at hindi ako mapakali. 

Kay Kristian pa nga lang at sa mga tingin niya, iba na ang nararamdaman ko paano pa
kaya kung mga magulang ko na iyon? Ang mga taong nag-aruga at nagpakilala ng mundo
sa akin. Paano ko sila pakikitunguhan kung wala akong ka-ide-ideya kung ano kami
dati kahit na pa parating kinukwento ni Kristian na isa akong mabuting anak. 

"Kristian, nariyan si Yshna" lumingon ako kay Manang ng bigla itong dumating.
Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako sa kaniya. Sino naman si Yshna? 

"Pakisabi nalang Manang na dumiretso na siya dito at ng makapag-agahan naman siya"


sabi ni Kristian. Lalong kumunot ang noo ko ng mapansin na iba ang kinang ng mga
mata niya habang pinag-uusapan ang babaeng iyon. 

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Sino siya? Kilala ko ba siya? 

Maya maya ay may dumating na babae. Nakasuot ito ng botton down long sleeves at
bandage skirt na nagpapakita ng perpektong hubog ng katawan nito. Nakaladlad ang
buhok niyang kulot-kulot na bumagay sa maliit nitong mukha. Masasabi kong maganda
siya... sobrang ganda. 

Humarap ito sa kanila at napansin ko ang pagkunot ng noo nito at ang pag-tigil nito
sa paglalakad. Gulat na gulat ang ekspresyon nito na parang bang nakakita ng multo.
Maya maya ay tumalim ang mga mata nito tsaka umiwas ng tingin at malambing na
ngumiti kay Kristian. B*tch. 
"May bisita ka pala, Kristian. Akala ko pa naman makakapag-solo tayo ngayon"
malanding sabi niya kay Kristian bago lumapit dito at humalikan si Kristian... sa
gilid ng labi nito. Hindi ko alam kung bakit gusto ko na namang umiyak sa nakikita
ko. Para akong sinasaksak ng libo libong punyal habang nakikita sila. Bakit ganito
ang nararamdaman ko? Kung hindi ko gusto si Kristian bakit ganito? Bakit parang
nasasaktan ako?

Umiwas ako ng tingin at sinubukang lumunok kahit na parang binuhusan ng asido ang
lalamunan ko. Sino si Yshna? ano siya ni Kristian?

"Yshna!" kunot noong sabi ni Kristian. Parang wala lang na humalakhak si Yshna sa
ginawa ni Kristian. 

"Parang ngayon ko lang naman ginawa iyan. Dati nga mas grabe pa diyan" makahulugang
sabi nito bago tumingin sa akin at ngumisi na parang hinahamon ako. 

"Yshna! Pinapunta kita dito para sa mga dokumentong kailangan ko at hindi para
magsalita ng mga ganiyang bagay!" may diing sabi ni Kristian. Namumula ang pisngi
niya sa galit... para saan? Para kanina? Dahil ba sa sinabi ni Yshna? 

"Wifey, sa loob nalang ako. Hindi ko pa natatapos ang jigsaw puzzle ko" paalam ng
anak ko. Gusto kong sabihing sasama ako kaso parang may humihila sa akin na
manatili at protektahan ang akin. Tumango ako at nagtatakbo ito papasok. 

"Hera, si Yshna pala secretary ko. Yshna si Hera" I was expecting na may katuloy pa
ang sa akin pero naghintay lang ako sa wala dahil wala na talagang katuloy. Bakit
ba nasasaktan ako sa mga simpleng bagay ngayon? Alam ko naman na wala naman talaga
kami. 

"Nice meeting you, Hera" sabi ni Yshna at ngumisi sa akin. Tumango lang ako sa
kaniya at sinimulang ubusin ang breakfast ko kahit na halos pinaglalaruan ko nalang
ito. Ayokong umalis. Ayoko. 

" Ito na 'yong mga papers na kailangan ng urgent mong pirma. Kung sana pumapasok
ka, di sana hindi ko na kailangan pang pumunta dito?" may bahid ng sarkasmo sa
boses niya. Hindi ko alam kung dahil ayaw ko lang sa kaniya kaya nakakarinig ako ng
ganoon o talagang ganoon lang talaga ang pagkakasabi niya. Nanatili akong tahimik
kahit na gustong gusto kong ipamukha sa kaniya na sekretarya lang siya and besides
wala naman akong karapatan na gawin iyon? Sino ba ako sa buhay ni Kristian? Isa
lang naman akong babaeng pinapatira niya at tinutulungang makaalala.

"Wala na din akong kasamang kumakain, Kristian. Kailan ka ba kasi papasok?" hindi
ko na napigilan at umirap na ako. Parang siya iyong boss kung makapag-salita, eh,
di hamak na secretary lang naman siya. 

"Wala naman sa akin ang bibig mo, Yshna. Pwede kang kumain kahit wala ako.
Kailangan pa bang kasama ako? May mas importante pa akong kailangan gawING"
siryosong sabi ni Kristian. Sumimsim ako ng juice at pasimpleng tinignan si Yshna.
Ganun nalang ang gulat kop ng makita ko siyang nakatingin sa akin ng masama. May
ginawa ba ako? Hindi pa nga ako nagsasalita? Kung pwede lang siyang tirisin na
parang maliit na insekto ay kanina ko pa ginawa kaso ayoko lang ng away. 

"Mas importante pa ba ito sa kumpanya niyo? Mas importante pa sa lahat? Hanep!


Matapos mawala ng ilang taon, Kristian? mas importante parin siya kaysa sa mga
taong nandiyan at hindi ka iniwan?" kinagat ko ang labi ko at yumuko. Nagi-guilty
ako dahil sa nangyari pero paano ako magpapaliwanag kung hindi ko alam kung bakit
ako umalis? Kung hindi ko alam kung bakit ko siya iniwan? 

"Yshna, tama na!" sabi ni Kristian. I was about to stand at magpaalam na aalis
nalang dahil hindi ko na kaya kung may maririnigt pa ba ako pero sinamaan ako ng
tingin ni yshna. 

"Aalis ka? Bakit? Kasi hindi mo kayang marinig ang mga sasabihin ko? Wala kasing
boses si Kristian para tanungin ka kaya ako na ang gagawa. Bakit ka umalis? No...
Bakit ka pa nagpakita ulit, Hera? Bakit ngayon pa? Ano bangt kailangan mo" nagulat
ako ng biglang ibagsak ni Kristian ang kamay sa Mesa na dahilan kung bakit nalaglag
at nabasag ang ibang plato. Nanlalaki ang mga mata kongt tumingin sa kaniya pero
mukha ng papatay ang mga mnata niya habang nakatingin kay Yshna. Nakaramdam ako ng
takot. 

"KIung sinabi kong tama na! Tama na! Hindi kita sinuswelduhan para paghimasukan ang
personal kong buhay, Yshna!-"

"Alam ko! Pero kaibigan mo din ako, Kristian! Ako ang nandoon noong halos mamatay
ka na sa kakahanap sa babaeng iyan! Ako iyong nagbantay sa'yo at6 tumulong sa'yong
tumayo noong ilang beses kang madapa dahil sa sobrang kalasingan at dahil ulit sa
babaeng iyan! Ako ang nandoon, Kristian! Kaya siguro naman karapatan kong malaman"
sigaw ni Yshna pabalik dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bawat salitang
lumalabas sa bibig niya ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Lalo lang
nakadagdag sa sakit ang dahilang wala akong maibigay na kahit ano. Walang wala
dahil hindi ko din alam kung bakit... bakit ko siya iniwan? 

Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Inis ko itong pinunsanan. Wala na ba


akong ibang gagawin kundi umiyak? Nakakasawa na kasi. Nakakasawa ng umiyak at
masaktan pero wala akong maibigay pabalik sa mga taong nasasaktan ko. 

"I'm sorry-"

"Sorry? 'Kung si Kristian tatanggapin iyan pwes ako hindi. Anong dahilan mo Hera!
Magbigay ka naman!" tinulak niya ako pero hindi naman ako natumba dahil hindi naman
ganun kalakas. Sinigawan siya ulit ni Kristian.

"You know what, Kristian? Kausapin mo nalang ako kung may maibibigay ka ng dahilan.
Umasa din kasi ako" sabi nito at naglakad palayo. Umangat ang tingin ko kay
Kristian dahil akala ko ay aaluin niya ako katulad kagabi pero nagulat ako ng
halikan niya ako sa noo at habulin si Yshna. 
=================

Chapter 8

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung mananatili ba ako dito o aalis na lamang
kasama ng anak ko. Hindi ko alam kung anong dapat na gawin. Nahihirapan akong
magdesisyon lalo na at siya lang ang kilala ko ngayon. Siya lang ang maaaring
makatulong sa akin. Pumikit ako at dumukdok sa lamesa ng kitchen counter.

Bakit ba ako umasa na ipagtatanggol niya ako? Bakit ba ako umasa? pero bakit ako
nasasaktan? Pumikit ako ng makaramdam na naman ng kirot sa aking sintido. Habang
tumatagal ay mas sumasakit.

"Hija, ayos ka lang ba?" imbes na pansinin ay napasabunot nalang ako sa ulo ko.

"Kahit ano gagawin ko. Kahit ano, Kristian. Tulubgan mo ako. Hindi ko kakayanin
kapag nawala sa akin si Uno!"

"Nababaliw ka na bang talaga, Hera! Tama na! Sumuko ka na! Hindi ka mahal ni Kuya!"

"At ano? Ikaw ang nagmamahal sa akin ganun? Ganun ba iyon, ah?"

"Oo! Ako ang nagmamahal sa'yo na paulit ulit mong sinasaktan!"

"Hindi ko hiningi na mahalin mo ako, Kristian!"

"At hindi din hiningi ni Kuya na mahalin lo siya pero mahal na mahal mo siya! Hindi
ba?"

"Kristian, please... huli na ito. Kapag wala parin titigil na ako"

"Nahihibang ka na talaga! At ano? Kapag napasa'yo na si Kuya anong mangyayari ni


Ysa? Hindi mo ba naiisip ang batang nasa sinapupunan niya? Kung hindi mo kayang
maawa kay Ysa, sa bata na lang Hera. Kahit don nalang!"

"I can be the baby's mother... For Kristoff!"


"Aaa" sigaw ko na. Hindi ko na kaya. Parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang
sakit. Paulit ulit ang mga boses na naririnig ko.

"Masaya ka na ba, Hera?! Masaya ka na ba na nasiea mo lami ni Ysa?"

"H-hindi ko sinasadya. Hindi ko ginustong malaglag ang bata. Kristoff-"

"Don't you f*cking touch me! Hindi ko maatim na mahawakan mo ako! God knows kung
paano ko pinipigilan ang sarili kong h'wag kang saktan ngayon!"

"Kristiff-"

"Pero alam mo? Kahit paulit ulit mo akong ilayo kay Ysa babalik at babalik ako sa
kaniya. Galit man siya sa akin sa kaniya parin ako at hinding hindi kita
mapapatawad dahil isa kang mamamatay tao! You killed my son!"

"Kuya tama na. Hindi namin iyon-"

"Isa ka pa Fourth. Akala ko ba gusto mo along maging masaya? Ysa is my happinness!


She's my life! And you f*cking killed me when you hurt her!"

"Kuya"

"Kristoff-"

"H'wag muna kayong magpapakita sa akin dahil kahit kapatid at kaibigan ko kayo,
hindi ko alam kung anong magagawa kung makita ko pa kayo ulit!"

Tama na! Tama na! Ayoko na! Ang sakit sakit na. Basang basa na ang buong katawan
ko. Naririnig ko ang mga maids na halos hindi na alam ang gagawin. Sana matapos na.

"I'm sorry. I'm so sorry. Kung hindi dahil sa akin hindi ka madadamay dito. Ang
sama sama ko, Kristian! Ang sama sama ko!"

"It's my choice, Hera. May pagpipilian ako pero pinili ko na samahan ka kahit alam
kong ikagagalit ito ni Kuya. Sana ngayon sumuko ka na. Tama na, Hera"

"I know. Still, I'm sorry"

"Hera!" naramdaman kong may humawak sa mukha ko. Pinupunasan nito ang mukha ko.
Naramdaman kong may yumugyog sa akin pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi
ko iyon magawang pagtuuan ng pansin at nananatiling nakapikit ng mariin ang mga
mata ko. Para akong nababaliw na nakakarinig ng mga boses sa kung saan.
Tinakpan ko ang tenga ko pero paulit ulit lang sila.

"Hindi ba pwedeng dito ka nalang? Tutulungan kita. Kapag kailangan mo ako alam mong
agad kitang pupuntahan. Hindi ka aalis. Hindi pwede"

"Kristian, kailangan ko 'to. Kailangang kailangan-"

"Pero mas kailangan kita. Kailangan kita dito. Ikaw lang, hera. Kung aalis ka
sasama ako"

"Hindi pwede-"

"Then hindi ka aalis. Gagawin ko lahat, Hera. Please, h'wag ka ng umalis. H'wag mo
naman akong iwan ng ganito. If you need a shoulder to cry on, you can have mine.
Kahit ano, Hera. Kahit ano, nagmamakaawa ako"

"Magiging unfair ako kung ganun Kristian. Magiging unfair ako sa'yo at ayokong
mangyari 'yon"

"I don't care, Hera. Wala akong pakialam kung maging unfair ka o ano. Ang alam ko
lang gusto ko na dito ka lang sa tabi ko. MAbabaliw ako kapag nawala ka. Hindi ko
kaya!"

"Masasaktan lang kita, Kristian"

"I don't care. Sinabi ko na wala akong pakialam hindi ba? Basta nandito ka. Basta
nakikita kita. Sapat na sa akin iyon at least alam kong nasa akin ka parin kaysa
ang malayo ka sa akin na ni kahit kaonti sa'yo ay wala akong mahawakan"

"Kakayanin mo kapag umalis ako. Kakayanin mo para sa akin. Para hindi ako mag-
alala-"

"No. Sinabi kong walang aalis at walang aalis. Ayoko. HIndi pwede"

"Then take me, Kristian. Make love to me"

"Kristian"

"Akin ka, Hera. Walang Uno, Walang kung sino kundi ako. Mahal kita at akin ka"

"I'm sorry"
"Babalik ako, Kristian. BAbalik ako kapag alam kong ikaw na ang mahal ko. Kapag
wala na ang sakit. Babalikan kita dahil sa pagkakataong iyon magiging akin ka na.
TAtanggapin kita ng buonbuo at alam kong di kita sasaktan"

Ilang minuto pa ay napasigaw ako sa sobrang lakas ng narinig ko. Parang may sumabog
na kung ano.

"Hera!. Open your eyes, baby. Look at me!" mas malalakas na ang boses nito ngayon.

"Look at me, Baby! D*mn it!" binuksan ko ang mga mata ko upang tignan siya. Unti
unti. Malabo iyon sa una hanggang sa unti unting luminaw.

"K-kristian"

Tulala akong nakatingin sa kawalan. Nagising ako pero tulog na tulog ang anak ko at
si Kristian sa kabilang kama. Nakayakap sa bewang nito ang anak ko. Uminit ang puso
ko sa nakita ko.

Si Kristian nga ang ama ng anak ko. And my son... He's turning four years old and
not three.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Ganun pala talaga ako kasama?
Nagawa kong isaalang-alang ang buhay ng isang bata. Nagawa kong manakit ng tao
dahil sa pagmamahal ko kay Kristoff. How can I be so f*cking stupid?

Kung si Kristoff nagawa akong mapatawad, ako hindi. I'm a murderer. Pinatay ko ang
isang walang kamuwang muwang na sanggol. Humagulgol ako habang niyayakap ang mga
paa ko.

Dapat lang sa akin ang mga nangyari. Dapat lang na maghirap ako. Kulang pa iyon sa
lahat ng nagawa kong kasalanan. Kulang na kulang iyon sa sama ng ugali ko.

"Hera?" isinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko at hinayaang matuyo ang luha
gamit ang kumot na nakapaikot sa tuhod ko.

"Hera? Okay ka lang? Anong nararamdaman mo?" sunod sunod na tanong ni Kristian.
Itinaas ko ang mukha ko at nagdilim ang mukha nito ng makita ako.

"What's wrong? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Masakit na naman ba ang ulo
mo? Do you like me to call a doctor? Please, magsalita ka naman, Hera" malambing
nitong sabi habang hawak ang magkabila kong pisngi.

"I'm sorry. Sinaktan kita. I'm sorry" paulit ulit kong sabi habang umiiyak na
naman. Kumurap kurap siya ng ilang beses habang nakatingin sa akin.
"Nakakaalala ka na?" tumango ako. Sana pala hindi ko nalang naalala lahat. Sana...

=================

Chapter 9

Inis akong sumalampak sa hospital bed. Gusto ko ng umuwi. Gustong gusto ko ng


bumalik sa Condo Unit ko. Gusto ko ng gawin ang mga dati ko pang ginagawa pero
dahil kay Kristian ay hindi ako makauwi. Pinipilit nito na hindi pa ako
nakakaalala. Pinipilit nito na may mali daw sa akin. Hindi ko alam kung bakit nito
iyon ginagawa pero sana naman pauwiin na niya ako. 

"Wifey magaling ka na?" tanong ng anak ko habang pinipilit na umakyat sa hospital


bed ko. Lumapit ako sa kaniya at inangat siya bago inupo sa tabi ko. 

"Magaling na ako, Kian. Hindi na sasakit ang ulo ni Mommy" sabi ko sa kaniya. Nag-
ningning ang mga mata nito at ngumiti. 

"Really, Mommy?" tumango ako sa kaniya. So Kristian lang naman ang nagpupumilit na
hindi pa ako okay. "Then why are still here?" nawala ang ngiti nito at napalitan ng
kunot. Hinilot ko ang noo niya hanggang sa nawala ang pagkakakunot. 

"Kasi hindi pa magaling ang Mommy mo. She's just pretending that she is" nilingon
ko ang nagsalita at tinignan iyon ng masama. Pretending? ang kapal talaga ng mukha
ng lalaking ito. Nakakaalala na nga ako, eh. Lumapit ito sa amin at sumiksik sa
gilid ni Kian kaya mukha tuloy kaming sardinas na nagsisiksikan sa iisang hospital
bed. 

"Magaling na nga ako, Kristian! Ang kulit kulit mo naman. Kailan ka pa naging
ganiyan kakulit?" inis na sabi ko. Hindi naman kasi siya ganito dati. Lahat ng
gusto ko noon sinusunod niya kaya naninibago ako. 

"Uwi na kasi tayo" maktol ng anak ko pero umirap si Kristian at nagkibit balikat. 

"Uuwi tayo kapag okay na ang Mommy mo. Hindi pa siya okay" sabi ni Kristian na ang
kinakausap ay ang anak ko. Ano pa bang mali? Ano pa bang kailangan kong gawin para
masabi niyang okay na ako? Gustong gusto ko na talagang umuwi dahil nasusuka na ako
sa amoy ng hospital.

"But Mommy said that she's fine" sagot ng anak ko sa kaniya. Para silang dalawang
matandang nag-uusap at wala ako dito. 

"She isn't" sabi ni Kristian bago tumingin sa akin. Siryosong siryoso ang mga mata
nito kaya imbes na makipagtitigan ay umiwas nalang ako ng tingin at kinagat ang
labi ko. Nanahimik kami ng ilang sigundo hanggang sa tumunog ang cellphone niya.
Tumingin ako doon at nanlamig ang buong katawan ko ng mabasa kung sino ang
tumatawag. Yshna. 

Tumingin ako kay Kristian na nakatingin sa cellphone niya. Maya maya ay sinagot
nito iyon. Gusto kong kunin ang cellphone niya at ihagis sa pader. Ano ba kasi niya
ang babaeng iyon? Nagkibit balikat ako at pinaglaruan ang buhok ni Kian na
humihikab na. 

"...I can't. I'm sorry but I can't, Yshna. Hindi ako aalis dito!" lumingon ako kay
Kristian . Mahigpit ang pagkakahawak nito sa cellphone nito na parang gustong gusto
na nito iyong wasakin. Nanlilisik din ang mga mata nito habang nakatiim ang mga
bagang. Ano kaya ang sinabi ni Yshna para magalit siya ng ganiyan? 

"F*ck those client! I don't care! Hindi ako pupunta diya-" kumunot ang noo nito at
huminto pero maya maya ay lalong nanlisik ang mga mata nito "Ano ngayon kung
lumipat sila? Wala akong pakialam. Hindi ko kailangan ng mga taong makikitid ang
utak!. I am f*cking busy and please stop calling me. Urgent or not please stop"
sabi nito at mabilis na tinapos ang tawag. Nilagay nito sa bulsa ang cellphone at
tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at muling pinaglaruan ang buhok ni Kian na
tulog na tulog na. 

"Iuwi mo na si Kian, Kristian. Base sa nainig ko ay may mga gagawin ka pa. You can
go" sabi ko at ng hindi ako makarinig ng tugon ay muli ko siyang tinignan.
Nakasandal na ito sa pader habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay niya na
nakatingin parin sa akin. 

"What?" kunot noong sabi ko ng hindi man lang ito nagabalang umiwas ng tingin. 

"Hindi ka pa magaling, Hera. Alam ko hindi pa. May mali parin sa'yo" lalong kumunot
ang noo ko sa sinabi niya. Saan ba nanggagaling ang mga iyon? 

"Ano ban g problema mo? Sinabi na nga ng doktor na nagbalik na ang ala-ala ko diba?
Okay na ako Kristian" paninigurado ko. Gumuntong hininga ito at umiling iling. 

"ano pa bang kulang para maniwala ka? Ano pa bang gusto mong test ang gawin ko para
lang maniwala ka na okay na ako? Gusto mo bang ikwento ko pa sa'yo kung paano tayo
nagkakilala? Kung saan? Kung kailan? Kung anong meron noon? Ano ba kasing problema
Kristian" inis kong sabi. Kinagat nito ang labi nito at yumuko.

Ilang araw na ako dito sa hospital. Ilang test na din ang ginawa sa akin. Ilang
beses nang muntik nag-away ang doktor at si Kristian dahil sa pagpipilit nito na
hindi pa ako okay.

"Sabihin mo naman sa akin kung anong kailangan kong gawin, Kristian para maniwala
kang okay na ako. Ayoko na kasi dito. Nasusuka na ako sa amoy dito. Gusto ko ng
umuwi. Gusto ko ng umuwi sa sarili kong bahay" sabi ko. Umangat ang ulo niya at
tumingin sa akin n g matiim na parang may nasabi akong mali. Kinagat ko ang labi ko
ng makitang unti unting nabago ang ekspresyon ng mukha niya. Para itong batang
inagawan ng candy. 

"No. Hindi ka uuwi sa bahay mo. Uuwi ka sa bahay natin. You can't leave me again,
Hera. Hindi ko na kaya ulit pag nawala ka na naman. Hindi ko alam kung dapat ba
akong maging masaya dahil nakakaalala ko na o dapat malungkot ako. Kapag
nakakaalala ka na maaalala mo na kung saan ka nakatira, kung saan nakatira ang
pamilya mo. Maaalala mo na lahat pati ang taong mahal mo. Ayoko nun, Hera. I know
I'm being selfish pero gusto kong malaman mo na hindi ako masaya. I want you to
know that it's not okay, that I'm not okay. Kasi ibig sabihin lang nito na hindi mo
na ako kailangan. Hindi mo na ako kakailanganin ulit" ginulo nito ang buhok sa
sobrang inis at basta nalang umupo sa sahig na parang bata. 

"Sabi mo sa akin bago ka umalis na aalis ka kasi gusto mong pagbalik mo ay wala na
si Kuya sa puso mo. Wala na ba siya, Hera? Pwede na ba akong pumasok?" nahigit ko
ang hininga ko sa sinabi niya. Mahal parin ba niya ako pagkatapos ng halos ilang
taon? Ako parin ba? 

"Kristian" 

"I'm still waiting, Hera. I'm still that Kristian who's f*cking in love with you. I
tried everything to forget you... but I can't. I don't care if you're still in love
with him. I don't care, Hera. I... I just want you take me. I just want you to be
with me" 

=================

10

Chapter 10

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang
sasabihin ko. Kung noong hindi ako nakakaalala ay sigurado akong may nararamdaman
ako sa kaniya ngayon ay hindi na. Hindi ko alam kung sino na ang laman ng puso ko.
Ngumiti siya ng makita anmg ekspresyon ng mukha ko pero blanko ang ngiting iyon.
Gusto kong tanggalin ang sakit na nararamdaman niya pero hindi ko alam kung paano. 

Ayoko na siyang saktan pa lalo at alam kong masasaktan ko siya kapag sinabi kong
mahal ko siya pero hindi naman ako sigurado. Panandalian lang ang kasiyahang
maibibigay ko kung gagawin ko iyon. Nagulat ako ng tumayo siya at kinarga ang anak
ko... anak namin. 

"Umuwi ka lang sa akin, Hera. Iyon lang ang kailangan ko sa ngayon" sabi nito bago
tumalikod. Naiwan akong nakatingin sa kawalan. Tinupi ko ang tuhod ko at niyakap
iyon tsaka ipinatong ang ang baba ko sa tuhod ko. 

Kristian is my childhood best friend. Parati siyang nandiyan upang protektahan ako
kahit na minsan ay sumusobra na ako, hindi niya parin ako iniiwanan. Akala ko
hanggang doon lang. Hanggang mag-bestfriend lang pero nagulat ako ng malamang may
gusto siya sa akin. Alam niyang bata palang ako ay si Kristoff na ang gusto ko at
kahit ng umalis ako upang mag-aral sa ibang bansa ay hindi nawala si Kristoff sa
puso ko pero ngayon? Sino na ba talaga ang may-ari nito? 

Paano ko ba malalaman kung sino? Mahal parin ba kita, Kristoff? Ikaw parin ba
talaga? pero bakit ako nasaktan ng makita ko si Yshna na kasama si Kristian? Bakit
ako nasaktan ng siya ang pinili  nito at hindi ako? 

Nakatulugan ko na ang pag-iisip ko. Hanggang sa magising ako ay iyon parin ang
laman ng isipan ko. Agad akong tumingin sa pinto ng bigla iyong bumukas. Nandito na
si Kristian at Kian kanina pero bumili sila ng makakain at halos kalalabas lang
nila kaya naman nagulat akong bumukas iyon. Sila lang naman ang dumadalaw sa akin. 

"Kamusta?" nakangiting sabi tanong sa akin ni Kiella. Hindi ba siya galit sa akin?
I mean sila? dahil hindi lang naman si Kiella ang nandito kundi maging ang iba pa
nilang kapatid at mga asawa nila maliban kay Kristoff at Ysa. 

"I'm fine" nahihiyang sabi ko bago yumuko at kinagat ang labi ko. Hindi ko alam
kung paani sila pakikiharapan. Ako iyong babaeng muntik ng sirain ang relasyon ng
isa sa mga kapatid nila at ako ang babaeng pumatay sa isa sa mga pamangkin nila. 

"Mabuti naman at bumalik ka na. Sana lang hindi ka na umalis ulit" gulat akong
tumingin kay Kalix. Nakangiti siya sa akin na para bang wala akong nagawang
kasalanan sa kanila. 

"Bumalik na din ba ang memorya mo?" tanong ni Tres. Tumango ako sa kanila. Umupo si
Kiella sa tabi ko. 

"Nasaan na iyong Hera na madaldal? Sigurado ka bang nakakaalala ka na? Hindi kasi
ganiyan ang kilala naming Hera. Iyong Hera na kilala namin, kahit nasasaktan na
ngumingiti parin at sobrang daldal" gusto kong umiyak. Isa sa dahilan kung bakit
ako umalis ay dahil galit sila sa akin. Wala akong matatakbuhan dahil kahit sinong
tao, alam na mali ang ginawa ko pero sa nakikita ko ngayon? Bakit tanggap parin
nila ako sa kabila ng mga kasalanan ko sa kanila?

"Kiella..."

Muli na namang bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko sa mga pumasok. Biglang
nanlamig ang buong katawan ko at namawis ang kamay ko. Bakit siya nandito? Alam
kong gusto ko siyang makita, gusto kong humingi ng tawad sa kanila pero hindi ko
naman alam na ganito pala kaaga. 

"Labas muna kami, Hera. Babalik din kami" paalam ni Kiella. Nang makita niya na
hindi ako sumagot ay dumiretso na sila palabas. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang
nakayuko. Hindi ko sila kayang tignan sa mata. Naramdaman kong may humawak sa kamay
ko. 
"Sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry kasi kahit alam kong wala na akong pag-
asa ay ipinipilit ko parin ang sarili ko. Sorry kasi dahil sa akin namatay ang
anak-"

"Hindi namatay si Yana, Hera. Buhay ang anak namin. Gusto ko lang sabihin sa'yo na
matagal ka na naming napatawad. Alam kong pinagsisihan mo na lahat ng nagawa mo.
Siguro noon, oo, galit na galit ako sa'yo pero hindi mo naman iyon ginusto. Sino ba
namang tao ang gustong makasakit ng kapwa niya tao" biglang nawala ang bigat sa
dibdib ko. Maging ang luhang gustong lumabas sa mata ko ay huminto ng ngitian niya
ako. 

"Ysa..."

"Pinapatawad ka na namin kaya sana patawarin mo na rin ang sarili mo" sabi niya
habang nakatingin sa akin. Namumula na rin ang mga mata niya at anumang oras alam
kong iiyak na siya. 

Ganito pala ang pakiramdam kapag napatawad ka ng taong nagawan mo ng masama. Ang
sarap lang sa pakiramdam. 

"Thank you. Thank you, Ysa. Ngayon alam ko na kung bakit hindi ako magawang mahalin
ni Kristoff" lumingon ako kay Kristoff na nakangiting nakatingin kay Ysa na para
bang ito lang ang nakikita niya. 

Ngumiti siya sa akin at tumingin din kay Kristoff. Napangiti ako ng makita kung
paano nila tignan ang isa't isa. Halatang halata ang pagmamahal sa mukha nila.
Bigla akong napahawak sa puso ko. Kung mahal ko si Kristoff bakit masaya akong
nakikita silang masaya?

"Welcome home, Hera" sabi ni Kristoff. 

"Thank you... Kuya Kristoff" kumurap kurap siya at maging ako ay nagulat. Kuya?
Kailan ko pa siya tinuring na kuya? Maya maya ay unti unti siyang ngumisi. 

"I know you didn't  really love me, Hera" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano
daw? Hindi ko siya minahal? "Nasanay ka lang na mahal mo ako dahil simula bata tayo
ay tinanim mo na sa isipan mo na mahal mo ako kaya hanggang ng mga tumanda tayo ay
akala mo ako parin ang mahal mo" 

"Nagbibiro ka ba? Sa lahat ng ginawa ko sasabihin mong hindi kita mahal?" taas
kilay kong tanong. 

"Sige, siguro nga inahal mo ako pero ngayon alam kong hindi na ako" kumento niyang
muli. 

"Paano mo naman nasabi?" kunot noo ko paring tanong. Tumawa si Ysa sa gilid ko kaya
naman napunta sa kaniya ang atensiyon ko. 
"Kasi iba na ang paraan ng pagtingin mo sa akin ngayon. Pwede ba kitang tanungin?"
mabilis akong tumango sa kaniya. 

"Kapag nasa isang bangka tayong tatlo at kailangan mong itulak ang isa para hindi
iyon lumubog, sino ang itutulak mo maliban sa sarili mo. Si Kristian o Ako?"
nakangising tanong niya na parang alam niya ang sagot. 

Tinignan ko siyang mabuti bago tumingin sa labi niya at mata niya. Hinawakan ko
ulit ang dibdib ko. 

"Pwede bang iyon nalang?" turo ko sa light pink na empire cut gown sa gilid pero
umiling iling si Kiella at maging si Azzy. Nasa iisang malaking kwarto kami ngayon
sa isa sa mga Hotel ng mga Dela Marcel. Mamayang gabi gaganapin ang Annual Company
Ball at ako ang date ni Kristian kaya ako nandito ngayon. 

"Nope. Gusto kong makita kung paano lumuwa ang mga mata ni Kristian kapag nakita ka
niya mamaya" kinikilig na sabi ni Ysa. Tinignan ko ulit ang luntiang turtle-neck na
gown, backless ito at may pa-diamong na hati sa may bandang dibdib dahilan kung
bakit kitang kita ang cleavage ko. Paniguradong magagalit si Kristian. Noon pa man
kapag nakikita niya akong nagsusuot ng mga revealing na damit at nagagalit na
siya. 

"Isuot mo na dali" sabay sabay nilang sabi habang tinutulak ako sa isa sa mga
kwarto. Bumuntong hininga ako at sinunod nalang sila. Sinuot ko iyon at
napasimangot ng makita na sobrang baba sa likuran ko. Para akong walang damit dahil
sa nipis nito. Kung dati ay sanay na sanay akong mag-suot ng ganito ngayon hindi
na. 

"Tapos ka na? Gusto kong makita" bumuntong hininga siya at lumabas. Bakit ba ako
ang pinaglalaruan nila ngayon? Napapalakpak si Kiella. 

"ang ganda ganda mo" puri pa nila. Ngumiti lang naman ako ng tabingi. Maya maya ay
sila na ang nagpalit. May mga pumasok na siyang nag-ayos ng buhok at mukha namin. 

"Nanay! Ang pretty ko po" sabi ng isang batang babaeng nakadamit ng katulad kay
Ysa. May kasunod itong dalawa pa. Ang isa ay lumapit kay Azzy at ang isa naman ay
kay Kiella pero napako ang tingin ko sa anak ni Ysa. Ngumiti pa ito sa akin ng
pagka-tamis tamis. Paano ko nagawang saktan siya noon? 

"Ladies, May I borrow my wife?" tanong ni Kristoff. Maya maya ay nagsipasukan na


rin sila, Tres, Kalix na agad na nilapitan ang mga partners nila. 
"Wifey!" tumakbo papunta sa akin ang anak ko kaya naman sinalubong ko siya ng yakap
at kiss sa pisngi. Binuhat ko siya kahit na sobrang bigat na niya at mahigpit na
niyakap. Bigla akong nanginig ng may humawak sa hubad kong likuran. 

"Sinong nagsabi sa'yong magsuot ka ng ganitong damit, Hera? Sh*t. You're showing my
property d*mn it!" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. 

=================

11

Chapter 11

Kinagat ko ang labi ko ng muling maramdaman ang mainit na kamay sa likuran ko.
Simula kaninang pagpasok namin sa venue hanggang ngayon ay hindi parin maalis alis
ang kamay ni Kristian. Kung aalisin man niya ay mabilisan lang. Hindi ko alam kung
bakit para akong nakukuryente sa hawak niya. Lalo na kapag gumagawa ito ng maliliit
na bilog o kaya ay umaakyat baba. Hindi lang iilang beses na tumaas ang mga
balahibo ko dahil sa pinaggagagawa niya.

"I want milk, Wifey" nakasimangot na sabi ni Kian habang nasa bibig ang thumb nito.
Nasa tabi ko siyang upuan at sa sobrang pagkabagot nito ay humilig ito sa hita ko.
Hindi ko alam kung si Kian ang pag-tutuunan ko ng pansin o si Kristian na kung ano
ano ang ginagawa sa likuran ko.

"Later na, Hubby. Hindi ako nakadala ng milk mo" sabi ko habang sinusuklay suklay
ang buhok niya. Sumimangot ito pero hindi naman umangal.

Napaigtad ako ng maramdamang napakababa na ng mga kamay ni Kristian sa likuran ko.


Muli kong kinagat ang labi ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin ako sa
kaniya pero nasa mga kausap nito ang atensiyon niya na parang wala itong ginagawang
kalokohan. Nakangisi ito habang nakatagilid ang ulong pinapakinggan si Uno. Nasa
isang napakalaking table kasi kami na pahaba.

"Plano ko naman talaga iyon, Kuya. Bakit ko pa pakakawalan?" sabi ni Kristian bago
tumingin sa akin at ngumiti. Inginuso ko ang kamay niya na sinasabing tanggalin
niya pero umiling iling lang ito at buling hinapit palapit sa kaniya ang katawan
ko. Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngumisi lang siya at muling binalik ang
atensiyon sa kapatid.

"Good" rinig kong kumento ni Kristoff bago tumingin sa akin at makahulugang


ngumiti. Anong pinag-uusapan nila?

"Wifey, I want milk. I want milk" muli kong binalik ang atensiyon ko kay Kian na
nag-sisimula ng mag-tantrums.

"Kian... walang dala si Momm-"

"I want milk. I want milk" pasigaw na sabi nito. Sinuway ko siya pero lalo lang
nito iyong pinipilit. Napansin kong napatingin na si Kristian sa amin at ang ibang
nasa table.

"Kristian... uhm..."

"Let's go get him milk" tumingin ako kay Kristian.

"Ako nalang. Nag-uusap pa kayo tsaka mamaya mag-sisimula na ang program niyo.
Bibili nalang ako..." umiling ito at tumayo na. Wala akong nagawa kundi magpaalam
sa kanila. Yuyuko na sana ako at bubuhatin si Kian ng may mahigpit na humawak sa
braso ko na pumipugil sa akin sa pag-yuko. Tumingin ako kay Kristian na siyang may
gawa non. Madilim na ang mga mata nito habang kunot na kunot ang kaniyang noo. Ano
na namang ginawa ko?

"Ako na" sabi nito at walang anu-anong binuhat si Kian na salubong na din ang mga
kilay. Nauna ng naglakad si Kristian kaya naman sinundan ko sila. Ano na namang
problema niya? Nakakaabala ba kami kaya siya nagagalit? Sinabi ko naman na kasing
h'wag na siyang sumama at ako nalang.

"Move faster, Hera" masungit na sabi nito. Umikot ang mga mata ko pero ginawa ko
ang ipinag-uutos ng mahal na hari. Maya maya ay naglabas ito ng cellphone.

"Manang, pakipadala nga po kay Mang Berto iyong lalagyan ng gatas ni Kian pati
feeding bottle dito Condo ko. Pakibilisan na din po hanggat maaari" sabi nito bago
agad na binaba ang phone. Sumakay siya sa elevator kaya agad din akong pumasok. Ano
ba talagang problema niya?

"Wifey" lumingon ako kay Kian ng bigla niya akong tawagin. Nakanguso ito at inangat
ang dalawang kamay na parang nagpapakuha sa akin. Ngumiwi ito ng makitang tinignan
ito ng Ama gamit ang siryoso nitong mukha. Natatakot siguro.

"Akin na muna siya" sabi ko at hinayaan naman ako ni Kristian na hawakan ang anak
namin. Yumakap sa leeg ko si Kian at sinubsob sa leeg ko ang mukha niya. Hinimas ko
ang likuran niya tumingin ako sa salamin sa harapan ko at nakita kong siryosong
nakatingin sa amin si Kristian. Pinagmasdan ko lang din siya gamit ang salamin
hanggang sa bumaling sa akin ang mga mata niya. Nagtitigan lang kami gamit ang
salamin hanggang sa bumukas iyon.

Hinapit niya ang baywang ko habang inaalalayan ng isang kamay niya ang likuran ni
Kian. Huminto kami sa isang kwarto. Napalunok ako ng makita ang numerong nasa
harapan niyon. Ang dati niyang Unit kung saan namin ginawa iyon. Naramdaman kong
nag-init ang pisngi ko.
Naglabas ito ng card at agad na ini-swipe na siyang nagbukas ng kwarto niya. Kung
hindi niya lang ako tinignan ay hindi ako maglalakad papasok doon.

Walang nagbago. Nadagdagan lang ng gamit pero ganun na ganun parin ang kulay ng
Condo Unit niya. Maging ang amoy ay siyang siya parin. Amoy Kristian. Kinagat ko
ang labi ko at tumingin kay Kristian na nakatingin na naman sa akin.

"S-saan ko ilalagay si Kian?" tanong ko. Naramdaman kong gumalaw si Kian at


tumingin ka akin kaya muling bumaling sa anak ko ang atensiyon ko.

"I want milk. I said I want milk!" pagalit nitong sabi. Tumango tango ako dito.

"Yes, you will have your milk. Daddy will gave you milk" sabi ko at ng mukhang
naniniwala na ito ay muling binalik sa leeg ko ang mukha niya. Nananakit na ang
braso ko sa pagbubuhat sa kaniya dahil mabigat na rin ito pero mukhang ayaw na
naman niyang humiwalay sa akin hanggat hindi nakukuha ang gusto.

"Dalhin mo nalang siya sa kwarto. I'll wait for the milk" sabi ni Kristian. Tumango
ako at pumunta na ng kwarto niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o kung
biro lang ba ang nakikita ko pero nanigas ang buong katawan ko. Ang buong kwarto
niya. Walang nagbago. Maging ang sheets ay kakulay ng bed sheet na ginamit namin ng
gabing iyon. D*mn it. Sinadya niya ba ito?

Kumawala sa akin si Kian kaya naman agad akong yumuko at binitawan siya. Isa isa
nitong tinanggal ang sapatos bago umakyat at humiga sa gitna ng kama habang
nakalagay parin sa bibig ang thumb niya. Hindi naman ganun kataas ang kama ni
Kristian dito kaya madali niyang nagawa ang makaakyat.

"Milk, Wifey" demanding na sabi nito. Lumapit ako sa kaniya kahit na unti unting
nanlalambot ang mga tuhod ko. Pinadaan ko ang kamay ko sa sheets. Bumabalik sa akin
ang mga ala ala ng gabing iyon.

"Are you okay, Wifey?" tumingin ako kay Kian at tumango bago sinuklay ang ulo niya
gamit ang kamay ko at tumango.

Hindi nagtagal ay muling bumukas ang pinto. Umiwas ako ng tingin dahil alam kong
namumula na naman ang pisngi ko. Bakit ba naman kasi parehas na parehas parin ang
kwartong ito?

"Here's the baby's milk" sabi ni Kristian na mabilis na kinuha ni Kian at nilagay
sa bibig. Nanatili akong nakaupo sa gilid at pinapanuod ang anak namin na inuubos
ang gata nito habang unti-unting pumipikit ang mata. Hanggat maaari ay iniiwasan ko
ang tingin ni Kristian.

"Ako nalang dito. Baka hinahanap ka na sa baba" sabi ko ng hindi siya tinitignan.
Nagulat ako ng may bumagsak na coat sa may paanan ko. Nanlalaki ang mga matang
tumingin ako kay Kristian na ngayon ay tinatanggal na isa isa ang botones ng long
sleeves nito.

"Hindi na ako babalik doon. Dito nalang ako" sabi nito. Tuluyan na nitong natanggal
ang long sleeves na suot ay bumulaga sa mata niya ang katawan nito. Kinagat niya
ang labi at umiwas ng tingin.

"A-nong g-ginagawa mo?"

"Naghuhubad? I'm sleepy, too. Mas maganda nang nandito tayo sa loob ng kwarto ko.
At least walang mga matang nakatingin sayo. Ako lang... mata ko lang" 

-------------

Kailangan ko din po ng comment. 

Sa mga gusto po akong makita personal. 

Nag-aaral po ako sa University of the Cordilleras sa Baguio at kung taga-Baguio po


kayo pwede niyo po akong I-PM at sabihin kung kailan. Kung Free po ako pupunta
ako. 

Salamat po. Diyosa :)

=================

12

Chapter 12

wala akong nagawa kung hindi ang magpalit dahil hindi na talaga umalis si Kristian.
Isang over-sized tee shirt ang kinuha kong isusuot dahil napagliitan ko na ang mga
natirang damit dito maliban sa isang maikling shorts na siyang suot ko ngayon. Isa
isa kong pinulot ang pinagpalitan ni Kristian na nakakalat lang sa lapag. Kahit
kailan talaga hindi siya nagbago. 
Pinag-krus ko ang mga braso ko sa aking dibdib at sumandal sa nakasaradong pinto
habang tinitignan ang mag-ama ko. Parehas silang tulog na tulog na. Hindi mo
maikakailang mag-ama sila dahil kahit nakasarado ang mga mata ng anak ko ay kitang
kita ang pagkakahawig nila ng kaniyang ama. 

Lumapit ako sa kanila at unti unting tinatanggal ang suit na suot ng anak ko at
pinalitan ng damit na dala dala din ni Manang kanina. Tinanggal ko na ang feeding
bottle nito at nilagay sa gilid bago siya muling inangat at tinabi sa kaniyang ama.
Hindi ko kakayaning mawala ang isa sa kanila.

Ingat na ingat din akong tumabi sa anak ko. Kumunot ang noo nito ng bigla akong
gumalaw kaya ako napahinto pero hindi parin nawala ang pagkakakunot ng noo niya
kaya naman dumukwang ako at hinalikan iyon. Marahan lang ang halik na ginawad ko sa
kaniya. Maya maya ay nawala ang pag-kakakunot ng noo niya. Umikot ito at yumakap
ang mga kamay sa baywang ko. Napangiti ako. Hinaplos ko ang pisngi niya bago sana
hihiga ng may biglang humila sa batok ko. Tumingin ako kay Kristian ngunit sarado
naman ang kaniyang mga mata. 

"Kristian?" tawag ko pero hindi siya nagsalita. Hinawakan ko ang kamay niya sa
batok ko at tatanggalin sana ng basta nalang siya umangat at hinalikan ako sa labi.
Nanigas ako habang dilat na dilat ang mga mata ko. Mabilis lang iyon pero parang
tumigil ang mundo ko sa pag-ikot. 

"Goodnight, Mommy" lumingon ako sa kaniya. Ngumisi siya bago muling nahiga at
sumiksik palapit sa amin at dahil maliit pa si Kian, nagawa niyang iyakap sa akin
ang mga kamay niya katuload ng ginawa ni Kian. 

Hanggang ngayon hindi parin ako makahiga ng tuluyan. Sobrang bilis ng tibok ng puso
ko na para bang mabibiyak na ito. D*mn Kristian and his ways.

"Higa na Mommy" pumikit ako at habang kagat kagat ang labi ko sa takot na
mapasigaw. Mabuti na lamang at patay na ang ilaw dahil kung hindi ay malamang sa
malamang na makikita niyang namumula ako at ayokong mangyari iyon. Nakakahiya. 

Nanatiling ganun ang posisyon ko. Nananakit na ang ang leeg ko dahil sa isang side
lang ako nakatingin. Hindi parin humuhupa ang tibok ng puso ko at lalong hindi
parin ako makahinga ng maayos dahil sa kamay niya sa tiyan ko! Pumikit na lang ako
at pilit na iniignora ang kamay niya dahil tahimik lang naman itong nakapatong sa
tiyan ko. Bumibigat na ang talukab ng mga mata ko hanggang sa gusto ko na namang
mapamura ng gumalaw ang mga daliri ng kamay niya sa aking tiyan! Kung wala lang si
Kian dito baka kanina ko pa siya pinalabas sa kwartong ito. D*mn it! Uutusan niya
akong matulog pero hindi niya naman ako patulugin!

"Kristian, iyong kamay mo!" bulong ko pero sinigurado kong madiin ang pagkakasabi
ko. 

"What's wrong with my hand?" tanong nito na para bang walang ginagawang kasalanan
ang kamay niya sa akin! Feeling ko tuloy ako lang ang apektado! 
"Pakitanggal" bulong kong muli pero humigpit lang iyon na lalong nagpadagundong ng
puso ko. Sa sobrang lakas para na itong sasabog. Ngayon ko lang ito naramdaman.
Kahit na sa simpleng galaw niya ay apektado na ako. Tama pa ba ito? Normal pa ba
itong nangyayari sa akin? 

"Make me" hamon niya at alam kong nakangisi na naman siya. Umirap ako sa dilim bago
inangat ang isang kamay ko at nilagay sa kamay niya. Tatanggalin ko na sana iyon
kasi hinuli niya lamang ang mga kamay ko bago pinatong sa kamay ni Kian na nasa
tiyan ko rin. Sinubukan kong tanggalin pero sobrang higpit at ng marahas ko tong
hinihila ay nagalaw ko ang kamay ni Kian at muli itong umungol sa inis. D*mn Dela
Marcel!

"Let go, Kristian!" bulong ko pero humigpit ang hawak nito. 

"I won't. Hinding hindi" nanahimik ako at hinayaan na lamang siya sa kung ano man
ang gusto niyang gawin. Susubukan ko na lamang ignorahin ang ginagawa niya kahit na
hindi ko alam kung papaano. 

Mabigat ang katawan ko ng magising ako. Hindi ko alam kung anong oras na akong
nagising. Pasalamat nga ako at nakatulog pa ako dahil sa ginawa ni Kristian? sinong
makakatulog?

"Wifey, I'm hungry!" napangiti ako habang umiiling iling. Kinuha ko ang piniprito
kong hot-dog at nilagay sa malaking plato bago muling nilagyan ng bacon ang pan.
Nilapag ko ang hot dog sa harapan ni Kian pero sumimangot siya. Alam ko na kung ano
na naman ang hinahanap nito. 

"but I want milk!" sabi nito bago nagkibit balikat. 

"Kian, kailangan mong kumain ng kanin at hindi puro milk" sabi ko pero sumimangot
ito kaya wala akong nagawa kung hindi itimpla siya ng milk. Hindi ko din kasi siya
matitiis lalo na kung ganito. 

Pagkatapos ko siyang itimpla ay muli kong binalikan ang niluluto ko. Muntik na
itong masunog. Tapos ko na at lahat ang pagluluto peo si Kristian, tulog na tulog
parin. 

"Kian tawagin mo na si Daddy" sabi ko ng makitang tapos na ito sa gatas nito.


Sumimangot ito at umiling. 

"Ayoko, Wifey tsaka ayoko din siya tawaging Daddy" sabi nito na nagpakunot ng noo
ko. 
"Bakit naman?" 

"Kasi Wifey ayoko lang" kumamot ako sa batok ko at umupo sa harapan ng anak kong
napakatigas ng ulo. 

"Peo siya parin ang Daddy mo, Kian. Kapag tinawag mo siyang Daddy tapos ginising mo
siya ngayon bibili tayo ng toy car mamaya" tumingin ito sa akin habang kumikibot
kibot ang mga labi na para bang inaanalisa niya ang sitwasyon. 

"Iyong nasasakyan, Wifey? Parang sa T.V?" tanong niya. Pinag-krus nito ang mga
braso. Feeling ko tuloy nasa isa akong business meeting at ako ang gumagawa ng
report dahil sa ginagawa ng anak ko. 

"Yes. Bibili tayo sa mall mamaya. Tawagin mo na si Daddy" tumango tango ito at
bumaba sa umuan nito. Patakbo itong lumabas ng kusina. Kumuha ako ng tatlong plato
at nilagay sa tatlong upuan na nasa kusina niya. 

Hindi naman nagtagal ay nandito na ang dalawa. Hindi ko alam kung paano ginising ni
Kian si Kristian at bakit busangot na busangot ang mukha ni Kristian. Ni hindi nga
ito nagabalang tignan ang sarili sa salamin dahil sobrang gulo ng buhok nito at
gusot ang damit pero kahit ganun ay hindi maitatanggi ang gandang lalaki nito. 

"Bakit ka tumayo kaagad? Bakit hindi mo ako hinintay magising?" tanong nito. Iyon
ba ang inaarte nito?

"Gutom na si Kian, Kristian" sagot ko. 

"Kahit na. Dapat tinimpla mo siya ng gata tapos hinintay mo akong magising" reklamo
nito habang nakasunod sa akin. Umupo ako sa tabi ni Kian at siya naman ay umupo sa
tabi ko. Nakasimangot parin ito kaya naman hinarap ko na siya. Sinuklay ko gamit
ang mga kamay ko ang di kahabaan niyang buhok. 

"Good morning kiss ko?" nahinto ako sa ginagawa dahil sa sinabi niya. Tama ba ang
narinig ko? Nanghihingi ng good morning kiss? 

"Krist-"

Bago pa man ako makahindi ay nahalikan na niya ako. Saka lang ito ngumiti at umupo
ng maayos ng magawa nito iyon. Bwisit na puso! May racing na naman ba? Umiling ako
at kumain nalang ng tahimik. 

Patapos na kaming kumain ng bigla kaming makarinig ng katok. May inaasahan ba


siyang bisita? tatayo na sana siya pero mabilis kong pinigilan at sinabing ako na.
Sinunod niya naman ang gusto ko kaya tumayo na ako at tinungo ang pinto bago
binuksan. 
"Bakit ka nandito?" pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago niya
ako inirapan na para bang may ginagawa akong masama sa kaniya. "Nasaan si
Kristian?"

"Yshna..."

=================

13

Chapter 13

Sinasabi ng puso ko na wag siyang papasukin at itago ko nalang si Kristian. Gustong


gusto kong gawin iyon pero hindi pwede. Natatakot akong magpaka-selfish na naman.
Natatakot akong sa proseso para makuha ko si Kristian ay may masaktan ako ulit at
sa pagkakataong ito ay may mapatay na talaga ako. 

Noong minahal ko si Kristoff, hindi ko siya binigyan ng pagkakataong mamili.


Nakatanim sa isipan kong mahal ko siya kaya naman ginawa ko ang lahat kahit na alam
kong sobra na kasi nga dapat akin siya. Ang tunay na pagmamahal ay hindi iyong
ginagawa mo lahat para mahalin ka pabalik kundi iyong handa kang sumugal na hayaan
siyang mag-decide sa kung ano o sino ang gusto niya kahit hindi pa ikaw iyon. Kaya
hahayaan ko si Kristian na magdesisyon. Mahal ko siya at kung sino ang gusto niya
ay magiging masaya ako para sa kaniya kahit masaktan pa ako.

Maluwag kong binuksan ang pinto. Napansin kong nagulat siya sa ginawa ko. Ngumiti
ako at inaya siyang pumasok kahit parang tinatambol ang puso ko.

"Tatawagin ko lang siya" sabi ko bago tumalikod. Naninikip ang dibdib ko sa kaba.

"Hera" huminto ako ng marinig siyang magsalita ngunit hindi ako humarap o bumalik.
Huminto lang ako at hinihintay na magsalita siya.

"Ako ang sumalo ng iwanan mo siya. Ako ang nandoon ng umalis ka. Binigay niya sa'yo
lahat pero iniwan mo siya. Wala siyang binigay sa akin at tanggap ko iyon. Hindi mo
ako masisisi kung galit ako sa'yo. Pagkatapos kong ayusin ang sinira mo babalik ka
tapos babawiin siya? Sana hindi ka nalang bumalik" kinagat ko ang labi ko.

Bilang babae, naiintindihan ko siya. Alam ko kung anong nararamdaman niya dahil
minsan sa buhay ko tinanong ko din ang sarili ko kung bakit hindi ako, anong meron
sa iba na wala ako at kung bakit kahit ginawa ko na lahat, iba parin ang mahal.
Masakit, nakakababa ng pagkatao pero wala kang magawa dahil kahit anong gawin mo
hindi parin sapat para mahalin ka niya.
Humarap ako sa kaniya. Namumula ang mga mata niya. Kitang kita ko ang sarili ko sa
kaniya. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Anong gusto mong gawin ko?" namaos ang boses ko pero hinanda ko ang sarili ko sa
sagot niya. 

"Umalis ka" diretso niyang sabi.

"I can't. Hindi na ako ulit aalis hanggang hindi ako pinapaalis ni Kristian" alam
kong nasasaktan siya pero sabi ko nga. Si Kristian ang magdedesisyon.

"Napaka-selfish mo palibhasa kasi palaging ikaw ang minamahal. Hindi mo kasi alam
kung anong nararamdaman ko. Inalagaan ko siya. Ako ang nandon at pilit na inaayos
ang buhay niyang sinira mo pero bakit ikaw parin. Bakit mahal ka parin? Ano bang
meron ka na wala ako?" sigaw na niya. Umiiyak na siya at parang sinasaksak ang
dibdib ko sa nakikita ko. Kasi alam ko iyong nararamdaman niya.Kasi naranasan ko
iyon at minsan sa buhay ko ay nasa mga paa niya ako.

"Umalis ako kasi gusto kong maging karapat dapat sa pagmamahal ni Kristian. Umalis
ako kasi gusto kong mahalin siya dahil mahal ko siya at hindi dahil pinilit ko
siyang mahalin. Kung ikaw ang mahal niya, hahayaan ko siya sa'yo. Parehas lang
tayong nagmamahal sa kanya ngayon. I know what you feel at sa totoo lang mas worse
pa diyan ang nangyari sa akin. Nagmahal ako ng lalaking hindi ako kayang mahalin
pabalik. Tingin mo kung si Kristian ang una kong minahal iiwanan ko siya? Hindi.
Hindi ko siya iiwanan" tinalikuran ko siya at pinunasan ang luhang kumawala sa
pisngi ko. Ang hirap maging masaya.

Inayos ko ang sarili ko bago pumunta ng kusina. Napansin kong nangunot ang noo ni
Kristian ng makita ako pero umiwas ako ng tingin.

"Nasa living room si Yshna" sabi ko bago umupo sa tabi ni Kian. Kinagat ko ang labi
ko ng maramdamang nakatingin parin siya sa akin.

"Excuse me" sabi nito bago tumayo at lumabas ng kusina. Naglabas ako ng malalim na
hininga. Paninindigan ko ang desisyon kong si Kristian ang mamimili. Wala akong
gagawin. Kahit gustong gusto ko na siyang ikulong dito, kahit gusto kong wag na
siyang makipagkita kay Yshna pipigilan ko ang sarili ko. I want Kristian to be
happy.

Kung anuman ang desisyon niya ay susuportahan ko siya. Kahit gaano kasakit.

"Wifey. I love you" nagulat ako sa sinabi ni Kian. Namumula ang mukha niya habang
nakayuko. Mapait akong ngumiti. I have Kian. Kahit hindi mabubuo ang mundo namin
parehas kung nawala si Kristian.

"I have to go. Hindi ko alam kung ilang araw akong mawawala" tumingin ako sa may
pinto. Si Kristian na nagsusuot ng damit.
"S-Saan ka pupunta?" ito na iyon? Hindi nga ba talaga ako ang pipiliin niya?

Tumingin siya sa akin pero blanko ang ekspresyon niya. Ibang iba sa lalaking kilala
ko. Sa Kristian na mahal ko. KInagat ko ang labi ko. Tumingin ako sa likod niya at
sumulpot si Yshna.

"If you need something tawagan mo nalang si Manang. Here's my card_"

"Mahal kita Kristian" hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Hindi ko lam
kung bakit ngayon ko pa naisipang sabihin iyon. Ramdam ko kasing kung hindi ko
sasabihin ngayon ay hindi ko na iyon masasabi pa.

Umiling siya at ngumisi sa akin na parang dimonyo.

"Alam ko. Mahal mo ako bilang kapatid. Nandito ka lang kasi may anak tayo. Gusto
mong kumpletuhin ang pamilya natin para kay Kian. Magiging ama naman ako sa kaniya
wag kang mag-alala pero sana wag mo na akong saktan kasi sobra sobra na" hindi ko
alam kung anong sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang maniwala pero
iyon ang nararamdaman ko. MAhal ko siya. Mahal na mahal.

"Mahal kita Kristian. Bilang ikaw at hindi bilang-"

"Aalis na kami. Alam ko kung saan ako lulugar sa mundo mo, Hera. Alam ko kung ano
ako sa buhay mo" sabi niya at tumalikod na. Kinuyom ko ang palad ko.

"Kung aalis ka. Aalis na din kami dito. Sinabi ko nang mahal kita pero mukhang wala
iyong halaga sa'yo" pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Naramdaman kong may humawak
sa kamay ko. Tinignan ko iyon at lalong nawasak ang puso ko ng makita ang galit sa
mga mata ng anak ko. "Mahal kita, Kristian. Pwede na kayong umalis" kumuyom ang mga
palad niya ngunit dumiretso parin siyang naglakad palabas. 

=================

14

Chapter 14

Sabi nila nasa huli ang pagsisisi kaya bawat desisyong ginagawa mo kailangan mong
pagisipang mabuti dahil sa isang maling desisyon, buhay at kasiyahan mo ang
nakataya at ang mas masakit pa doon ay kahit na anong gawin mo upang baguhin ang
desisyon mo, hindi mo na ito mababago pa... wala ka nang magagawa.

Pagtalikod ni Kristian, nawala na ang puso ko. Hindi ko alam kung sisisihin ko ba
ang sarili ko dahil napakatanga ko at iniwan ko siya noon o hindi. Ang hirap isipin
na nasa akin na siya, na hawak ko na siya pero mas pinili kong bitawan siya. Hindi
niya kasalanan na hindi na ako ang mahal niya pero hindi ko maiwasang hindi
masaktan kahit na sinabi kong kahit anong desisyon niya ay tatanggapin ko.

"What's wrong, anak?" tumingin ako sa likuran ko ng may magsalita at nakita ko si


Mommy na my hawak na gatas.

Ilang araw bago umalis si Kristian ay dumating sila Mommy. Nagpapasalamat nga ako
at nang makita nila si Kian at malaman kung sinong ama nito ay hindi nila ako
hinusgahan. Hinayaan nila akong magdesisyon para sa amin ng anak ko. Pagkatapos
naman ng ilang araw bago sila makabalik ay napag-alaman naming sinadya ang lahat ng
nangyari sa akin. Ang tiya-tiyahan ko sa probinsiya noong wala pa akong naaalala ay
asawa ng dating business partner ni Daddy na naging kaaway nito di kalaunan.
Namatay ito sa isang aksidente at isinisi kay Daddy ang lahat at dahil ako lang ang
nag-iisang anak ay ako ang ginawa niyang kasangkapan upang makapaghiganti ngunit
hindi ito kinaya ng kunsensiya niya kaya imbes na pabayaan ako ng gabing iyon ay
inalagaan niya ako. Nagising daw ako na wala nang maalala. Hindi niya kayang
patayin ako kaya itinago na lamang daw niya ako sa aking mga magulang at pinainom
ng mga gamot na lalong magpapawala ng mga alaala ko. Humingi siya ng tawad ngunit
ipinakulong parin siya ni Daddy.

Inabot sa akin ni Mommy ang gatas na agad ko namang kinuha at nilapag sa railings
ng balkonahe. Naramdaman kong tinabihan niya ako.

"What's wrong, Hera?" tanong nitong muli.

"I'm in love with Kristian, Mom. I'm in love with him at ang tanga tanga ko dahil
hindi ko iyon nalaman kaagad" panimula ko. "Wala na akong ibang ginawa kundi ang
saktan siya noon kasi ang alam ko si Kristoff ang mahal ko. Ngayon ko lang na-
realize na iba pala talaga ang pagmamahal, Mom. Handa ka palang masaktan, handa
kang magsakripisyo para sa kaligayahan niya kahit ang kapalit non ay ang masaktan
ka. Nang makita ko siyang talikuran ako kasama si Yshna, parang nagugunaw ang mundo
ko" kinagat ko ang labi ko ng muli na namang tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit
kasi wala akong magawa. Hindi ko magawang kunin siya dahil natatakot akong masaktan
ko siyang muli. Hindi ko matanggap sa sarili ko na si Yshna na at hindi na ako.

"Sino ka? Nasaan ang anak ko?" nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Inayos niya ang
buhok ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "You're not my daughter. What did
you do to her?"

"Mom" anas ko pero umiling ito.

"Ang anak ko palaban. Gagawin nito lahat makuha lang ang gusto nito-"
"Hindi ko pwedeng gawin iyon, Mom. Ayokong maging selfish ulit. Hindi na niya ako
mahal. Tatanggapin ko iyon" umiiyak kong sabi. Pinunasan ni Mommy ang luha ko at
tinignan ako sa mga mata.

"Paano mo nasabing hindi ka na niya mahal? Paano kung hinihintay ka lang niya na
patunayan mo sa kaniya na mahal mo nga talaga siya? Ginawa niya ang lahat para
sa'yo kahit nasasaktan na siya at kahit alam niya na hindi siya ang mahal mo.
Nagawa mo ngang maging selfish para jkay Kristoff ngayon pa kaya na para na ito kay
Kristian na siyang mahal mo talaga? Kung ayaw mong gawin ito para sa sarili mo,
gawin mo para sa anak niyo. He deserves everything in this world" sumandal ako
dahil para akong nawawalan ng lakas. Ang hirap mag-isip ng dapat at hindi dapat
gawin. Kung anong tama at mali. Kung anong makakapagpasaya kay Kristian at kung ano
ang dapat na nakukuha ng anak ko pero ayokong gawin lang ito dahil kay Kian.

"Hindi porket sinukuan ka hindi ka na mahal. Minsan kailangan mo lang sumuko,


huminto para malaman mo kung sino ang babalik upang samahan ka. It's your choice,
Hera. Hahayaan mo bang mawala ang pag-ibig na maaaring pang-habang-buhay?"

After that, iniwan ako ni Mommy. Iniwan niya akong iniisip ang sinabi niya. Ginulo
niya ang isipan ko at katulad nga ng sinabi niya, ako lang ang makakasagot.

Pumikit ako ng mariin. Mahal na mahal ko Kristian. Iyon ang alam ko. 

Inayos ko ang damit na suot ko bago muling tumingin sa salamin at ngumiti. Tama si
Mommy. Kung mahal ko si Kristian, ipaglalaban ko siya. Nagawa ko nga kay Kristoff?
sa taong totoong mahal ko pa kaya? I've learned that it's okay to love and be love
but it's not okay to loose yourself in the process of loving another person. Ako si
Hera Artemis Go, ang babaeng gagawin lahat makuha ang gusto kahit na anong
mangyari. 

"Wifey. Where are  you going?" umupo ako sa harapan ng anak ko at pinisil ang
pisngi nito. Kumunot ang noo niya na lalong nagpangiti sa akin. My little
Kristian. 

"Hahanapin lang ni Mommy si Daddy. Nagpapakipot kasi si Daddy" kumunot lalo ang
mukha nito at lalong dumilim. Nagkibit-balikat ito at umirap sa akin. Imbes na
mainis ay natutuwa ako sa kaniya. Para talagang si Kristian. 

"Kung ayaw na niya sa atin dapat ayaw na din natin sa kaniya. Pinaiyak ka niya. We
had a deal and he broke it. Wag mo na siya punatahn, Wifey" madiing sabi nito pero
sa likod ng galit nitong mga mata ay nagtatago ang lungkot. Alam kong ginagawa niya
lang ito dahil sa akin. Dahil ayaw niya akong masaktan ulit pero alam kong tama ang
gagawin ko. Akin lang si Kristian. Walang bagyong Yshna ang makakapigil sa akin. 
"No Baby. Ibabalik ni Mommy si Daddy dito. Atin lang si Daddy" sabi ko bago siya
hi8nalikan sa noo at umalis. 

Tinawagan ko kaagad si Kristoff ng makasakay ako sa sasakyan ko. Kung dati ay si


Kristian ang kasama ko para makuha si Kristoff, ngayon ay baliktad. Si Kristoff ang
tutulong sa akin para makuha si Kristian. 

"Istorbo ka, Hera. Sa DmVille lang iyon. Landiin mo lang titiklop iyon. Mamaya na.
Sexy time ngayon, eh. Istorbo" natawa ako ng biglang majmatay sa kabilang linya.
Kahit ano atang kamalasan ay hindi magagawang baguhin ang mood ko. 

"I'm coming, baby. Wait for me" bulong ko habang iniisip si Kristian. 

=================

15

Chapter 15

Kabadong kabado ako ng huminto ang kotse ko sa address na ibinigay ni Kristoff sa


akin. Nanlalamig ang aking kamay na para bang may nagawa akong masama sa kaniya o
kung kanino man. Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang bahay. Kumunot ang noo ko
ng makita ito. Parang napakapamilyar ng disenyo nito. Inatras ko ang sasakyan upang
makita ang gilid nito at nalaglag ang aking panga ng may pumasok na alaala sa akin.
Ang disenyo, Ang mismong bahay ay ang pangarap kong bahay noon na kay Kristian ko
lang sinabi. Ang pagkakaiba lang nito ay nakaharap ang isang kwarto sa Sun set na
siyang gustong gusto ko. Naalala niya pa pala ito? at pinagawa niya pa talaga!

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng biglang may kumatok sa bintana ng aking kotse.


Sinulyapan ko ito at kumunot ang aking noo ng makita si Yshna. Napatiim ako.
Malungkot itong ngumiti na para bang nakikita ako at alam niyang nakatingin ako sa
kaniya. Tinted kasi ang kotse ko.

Muli akong huminga ng malalim ng kumatok siya sa bintana ng kotse. Ano ba ang
kailangan niya? Paano niya nalaman na ako ito? o may iba siyang kakilala na parehas
ng kotse ko? Umiling ako at binuksan na lamang ang bintana. Malungkot niya ako
muling nginitian.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong niya. Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto
at agad naman siyang pumasok.

Sinulyapan ko siya ng hindi parin siya magsalita matapos ang ilang minuto. Nanatili
siyang nakatingin sa harapan, malalim na nag-iisip. Hindi ko alam kung ano na naman
ang kailangan niya kaya nanatili akong tahimik.

"Noong umalis ka wasak na wasak siya. Damay lahat sa galit niya kahit ang mga
kawawang empleyado niya. Ang hirap niyang paamuhin, ang hirap niyang lapitan. Kung
hindi ka niya bubulyawan, mag-wo-walk out o tatanggalin ka niya sa trabaho pero
alam mo ba? hindi ko siya sinukuan... hindi ko siya iniwan. Nanatili ako sa tabi
niya kahit hindi ako ang kailangan niya... kahit hindi ako ang hinahanap niya...
nanatili ako... hanggang sa siguro ay napagod na rin siya sa kakataboy sa akin at
hinayaan nalang akong mapalapit sa kaniya" ngumiti siya pero tumutulo ang luha
niya. Naninikip ang aking dibdib. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya.

"I did everything, Hera. Everything... pero ikaw parin. Si Hera! Hera! Hera! Kahit
wala ka ikaw parin ang nakikita niya! Alam kong maling kainisan ka pero hindi ko
mapigilan ang sarili ko. Ako kasi iyong nandoon pero di niya ako makita" humagulgol
na siya sa aking harapan. Maging ako ay hindi na napigilan ang sarili at naiyak na
rin. Nararamdaman ko kasi ang sakit na nararamdaman niya. Pinahid ko ang luhang
naglandas sa aking pisngi.

"Sa'yo siya sumama!" hirap kong sabi. Para kasing may kung anong bumabara sa aking
lalamunan. Tumingin siya sa akin at umiling iling.

"Sa akin siya sumama? Nagpapatawa ka ba? Hindi siya sumama sa akin kasi nasa'yo ang
puso niya! Nasa'yo ang bagay na gustong gusto kong makuha sa kaniya! Napagod lang
siya! Nasaktan pero kahit kailan ay hindi siya sasama sa akin!" hindi ko alam pero
sa mga sinasabi niya ay mas lumalakas ang loob ko. Akin parin siya.

Nanahimik siya. Maging ako ay nanahimik din. Tanging ang hikbi at lakas ng paghinga
lang ang naririnig sa loob ng sasakyan.

"Ngayon gusto kong malaman kung tama ba ang gagawin ko" tumingin siya sa akin.
Pinunasan niya ang kaniyang mukhang hilam na hilam sa luha "Bakit mo siya iniwan?
Bakit ka pa bumalik? Napaamo ko na siya e, pero pagbalik mo... pagbalik mo...
pagbalik mo nagsimula ako ulit sa umpisa!" muli na namang tumulo ang kaniyang luha.
Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang gagawin. Kung magpapaliwanag o aaluin siya.

"I didn't leave hin because I want to but because I have to. Hindi ko siya minahal
katulad mo o hindi ko siya minahal agad. Kung uulitin man ang nangyaring iyon,
iiwan ko parin siya-"

PAK
Nanlalaki ang aking mga mata. Tumingin ako sa kaniya at nanlilisik ang kaniyang mga
mata habang nakatingin sa akin.

"Bakit! Nasa'yo na siya! Maraming nagkakandarapa na makuha lang siya kagaya ko pero
ikaw! Nasa'yo na siya, eh! Hawak mo na! Bakit mas pinilipili mong iwan siya!
Really? Ang tanga tanga mo! Napakatanga mo!" ilang beses pa niya akong sinampal.
Napaiyak na ako sa sakit pero hinayaan ko lang siya hanggang sa magsawa siya. Tama
naman siya. Ang tanga ko. Huminto lang siya ng may mapansin sa mukha ko. Tumngin
ako sa salamin at dumudugo ang gilid ng kaliwang labi ko.

"I didn't love him. Hindi ko siya mahal noon at ng mga oras na iyon ay bulag ako sa
pagmamahal sa kuya niya. Sa sobrang bulag ay hindi ko na siya nakita pa! Na hindi
ko man lang napansin na hindi na pala si Kristoff ang laman nito kundi siya na"
sabi ko sabay turo sa puso ko. Sumagap ako ng hangin bago muling nagsalita. Alam ko
dapat kay Kristian ako nagpapaliwanag pero sa mga sinabi niya... tingin ko deserve
niya ding marinig ang side ko. " Oo, tanga ako. Kung alam mo lang kung ilang beses
ko na iyang sinabi sa sarili ko. Ang tanga tanga ko kasi sinaktan ko siya! Ang
tanga tanga ko kasi pinakawalan ko siya! Sobrang tanga ko pero may magagawa ba
iyon?" natahimik siya.

"I still hate you kasi he loves you. I still hate you kasi kahit anong gawin mo
ikaw parin!" wala naman akong magagawa doon, eh. Hindi ko kasalanan na hindi siya
ang mahal.

Ilang minuto na naman kaming natahimik. Parehas kaming sabog na sabog, isama pa ang
nananakit kong labi at pisngi dahil sa sampal niya.

"Nag-aantay lang siya sa'yo. Nag-aantay siya na ipaglaban mo. Sana ngayon kaya mo
na siyang ipaglaban at sigurado ka na sa nararamdaman mo. Sana kaya mo na siyang
panindigan, Hera. Mahal ko siya pero ikaw ang gusto niya" Ibig sabihin ba nito?
Akmang lalabas na siya ng hawakan ko ang kamay niya.

"Yshna-"

"Ayoko 'tong gawin pero sabi ko nga ay hindi ako ang kailangan niya. HIndi ako ang
nakakapagpasaya sa kaniya. Kahit na ipaglaban ko pa siya at kahit makipagpatayan
ako ay wala iyong kwenta. Masasaktan lang ako dahil ikaw parin ang pipiliin niya.
Just... Just make him happy for me, Hera. Iyon lang at mapapatawad na kita kahit
alam kong wala kang kasalanan" sabi nito at umalis na.

Iyon ang bagay na hindi ko nagawa noon kay Ysa. Ang i-let go si Kristoff. I admire
Yshna dahil nagawa niyang i-let go ang taong mahal niya dahil alam nitong wala na
itong patutunguhan.

Ilang minuto akong nanatili sa sasakyan upang pakalmahin ang sarili ko bago ko
inayos ang aking sarili at lumabas. Wala ng makakapigil sa akin ngayon. Kahit na
ipagtabuyan niya ako. Kahit ano ang mangyari ay gagawin ko ang lahat makuha lang
siya.
Pumasok ako sa bahay. HUmahalimuyak ang amoy ng alak. Humakbang ako at halos
matalisod na ako ng may maapakan akong kung-ano sa sahig. Nanlaki ang aking mga
mata ng makita ang buong sala! Basag na bote doon, at kung ano ano pa ang nagkalat.
D*mn. Mukhang basurahan ang loob!

"Diba sinabi kong umalis ka na, Yshna? D*mn it! Hindi ikaw si Hera! Siya ang gusto
ko! Ibigay mo siya sa akin!" napapikit ako ng makarinig ng boteng nabasag na naman.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung maiinis ako o kikiligin dahil sa
sinabi niya.

Nakaupo siya sa isang gilid bagang hawak ang panibagong bote ng alak sa isang
kamay. Napahiyaw ako ng muli akong matapilok dahil sa naapakang bote! Inis na
tinayo ko ang sarili at tinanggal ang sapatos. Gusto kong ibato sa kaniya ang
sapats ko pero pinigil ko ang aking sarili. Nandito ako para akitin siya hindi para
saktan. Lumapit ako at umupo sa harap niya. Pinaghalong alak at personal niyang
pabango ang naaamoy ko sa kaniya. Inangat niya ang kaniyang mukha. Nagkasalubong
ang aming mga mata. Tinignan niya ako ng mabuti. Pamilyar ang kaniyang tingin. Ang
tinging ibinibigay niya sa akin noon. Ang Kristian ko.

"Hera" bulong niya. Pumikit pa siya at ilang beses na muling dumilat na para bang
namamalikmata lamang. Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang pisngi. Siya nga ang
Kristian ko.

Nagulat ako ng hilain niya ako. Sumubsob ako sa kaniyang dibdib ngunit hindi ako
nagprotesta. It feels like home. This is my home. Sa kanya. Sa mga bisig niya.

"I'm sorry. I love you. Sorry. Akin ka nalang, please" Paulit ulit niyang sambit
hanggang sa makatulog siyang yakap ako.

=================

16

Chapter 16

Nagising ako ng maramdamang may nakatingin sa akin. Nang makatulog kasi si Kristian
ay nilinis ko ang mga kalat niya. Nakaramdam ako ng pagod kaya naman itinulog ko na
rin pagkatapos kong maligo at isuot ang nahanap kong damit sa walk in niya. 

Kumurap kurap ako upang mawala ang antok ko bago inikot ang aking mga mata. Mag-isa
nalang akong nakahiga sa kama. Nasaan kaya siya? 

Umupo ako sa kama at naghanap ng maiipit sa aking buhok. HIndi naman ako nabigo.
Mabilis kong itinaas ang aking buhok. Ilan sa mga ito ang naglalagan sa aking
balikat ngunit hindi ko na inayos pa. Ang mahalaga ay hindi natatabunan ang aking
mukha. Nag-sipilyo ako at naghilamos bago tuluyang lumabas ng kwarto upang hanapin
siya. 

Bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi niya kagabi pero ayokong umasa kahit
sobrang lakas ng tibok ng puso ko. 

Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina. Mukhang ayos naman siya at hindi katulad ng
ibang lasing na may hang over kinabukasan. Sumandal ako sa hamba ng pinto at
tahimik siyang pinanuod. Bakat na bakat ang kaniyang damit sa kaniyang katawan.
Bawat galaw niya ay gumagalaw din ang mga muscles ng katawan niya. Ang mga braso
niyang naguumigting sa kakisigan. Ang mga brasong yumakap sa akin kagabi. KInagat
ko ang aking labi upang pigilan ang sariling mapangisi. 

Bumaba ang aking mga mata sa pang-upo niya. Parang gusto ko itong panggigilan. D*mn
it! Anong nangyayari sa akin? Bakit parang ako ang naaakit sa kaniya gayong dapat
ay siya ang maakit? 

Tahimik kong tinitigan ang katawan niya at pinagnasaan. Nagulat ako ng bigla itong
humarap. TUmaas ang kilay nito ng makita akong nandoon. Umiwas ako ng tingin. Nag-
init ang pisngi ko. 'Yan kasi kalandian! 

"Good Morning?" hindi siguradong bati nito. Umiwas ito ng tingin ng ako naman ang
tumingin sa kaniya. Hindi kasi pwedeng mahiya ako! Aakitin ko siya at hindi
kabaliktaran!

"Yeah, Morning" bati ko pabalik. Napansin kong kumunot ang kaniyang noo habang
nilalagas sa kitchen counter ang pagkaing niluto niya. Ang gwapo niya. Sumimangot
ako ng tumalikod na naman ito at nagpunta sa refrigerator. Tinititigan ko pa siya
eh! Ang bastos niya!

Nagkibit balikat ako at umirap. Bumalik naman siya kaagad at nilagay ang pitsel ng
juice bago ako tinignan. Wala naman kasi akong mabasang ekspresyon sa mukha niya
kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ngumuso ako. Hindi niya na ako tinignan
ulit. 

"Let's have breakfast before you leave" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
PInapalayas niya ako? Pagkatapos niyang mag-I-love-you sa akin kagabi? Wow ah!

"What if I didn't leave?" panghahamon ko. NAkakainis kasi! Kakagisintg ko lang


papaalisin na niya ako! Aba! Ako ang naghubad sa kaniya kagabi! Paninindigan ko ang
panghahalay ko sa muscles niya! Umangat ang tingin niya sa akin. Kung kanina ay
wala akong mabasa, ngayon ay halatang halata ang gulat at pagtataka sa mukha niya.
Hindi ko alam kung paano niyang nagawa iyon pero iyon ang nakikita ko. 

"Bakit? I mean bakit ka naman hindi aalis? Hindi ko alam kung sinong kapatid ko ang
nagpapunta sa'yo dito kagabi. I'm sorry naabala kita. Hindi ka na nila dapat-" 
Hindi ko tinapos ang sinasabi niya at mabilis kong hinila ang collar ng damit niya
at hinalikan. Sasatsat pa kasi eh! Beast mode nalang para walang arya!. 

Nanigas siya sa ginawa ko pero patuloy lang ako sa paghalik sa kaniya. Hindi ako
aalis hangga't hindi ko nagagawa ang agenda ko sa pagpunta dito at iyon ay ang
akitin ang lalaking ito. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking baywang,
pinipilit na ilayo ako sa kaniya pero imbeas na lumayo ay ginawa ko iyong paraan
upang maiikot ang mga hita sa baywang niya. Ang kaninang tumutulak niya mga kamay
ang nagbuhat sa akin. Napangisi ako habang hinahalikan siya. He's mine! From his
heart to every inch of his body! Akin lahat. 

Maya maya ay naramdaman kong tinutugon niya na ang aking halik. Binuhat niya ako at
hinawi ang mga nakalagay sa kitchen counter bago ako inupo doon. Hawak hawak ko
parin ang collar ng damit niya ngunit siya ay nararamdaman kong unti-unti na ang
pag-angat ng kamay. Humiwalay ako sa matinding halik. HInabol niya ang aking labi
ngunit tinakpan ko iyong kaniya ng aking isang kamay. 

Kitang kita sa kaniyang mga mata ang kagustuhang mahalikan ako muli. Hinawakan niya
ang kamay ko upang tanggalin ngunit nagsalita ako. 

"Uutusan din kaya ako ng kapatid mong akitin ka?" nanunuya kong sabi. Mukhang
nahimasmasan siya sa sinabi ko at akmang aatras pero mahigpit kong ikinapit ang mga
hitako sa kaniyang baywang. "Na ah. I'm not yet done, baby" sabi ko. Kumunot ang
kaniyang noo at nagtagis ang kaniyang mga bagang. 

"I'm not up for a game, Hera. Kung ginagawa mo ito kasi nakukonsensiya ka pwes mas
mabuting itigil mo na ito" sa inis ko ay sinampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa
ko pero naiinis na ako sa kaniya. 

"Nakakainis ka na ah! Kung nakukonsensiya ako mag-so-sorry ako! Hindi kita aakitin!
Sh*t ka naman! Mahal nga kasi kita maniwala ka naman! Alam ko nasaktan kita noon
pero noon iyon matagal na kasi, Kristian! Ikaw na gusto ko! Ikaw na mahal ko!"
umiling siya at siya mismo ang nagtanggal ng paa kong nakapaikot sa kaniya. Umatras
siya at tinignan akong mabuti. 

"Hindi mo ako masisisi kung hindi ako maniniwala agad, Hera. Hindi mo ako masisisi.
HIndi ko alam kung bakit ako nasasaktan gayung matagal ko na iyang hinihintay.
Siguro dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang kamatid ko. Siguro dahil pagod na
ako? Siguro dahil sawa na akong masaktan? Hindi ko kasi alam kung bakit hindi ko
kayang magtiwala" sabi niya bago akmang tatalikod ngunit mabilis akong bumaba at
pinigilan siya. Hawak ko ang kaniyang braso. 

"Anong gagawin ko? Para maniwala ka na mahal kita? Na hindi na si Kristoff? Ano?"
tinignan niya ako at umiling. Kinagat ko ang aking labi ng maramdaman ang pag-iinit
ng aking mga mata. 

"Siguro mas magandang hy'wag nalang-"

"NO! Tell me kung ano ang gagawin ko! Sabihin mo! Ayoko ng ganito! Pagkatapos mo
akong hanap-hanapin kagabi! Pagkatapos mong mag-i-love-you sa akin! May pasabi-sabi
ka pang sa'yo nalang ako tapos bigla kang magkakaganyan ngayon! Umasa ako ee sh*t
kahit ayoko! Hindi pwedeng ganun! Paninindigan ko ang pagnanasa ko sa muscles at sa
katawan mo! Sabihin mo lang kung anong gagawin ko!" inis kong sabi. Kinagat niya
ang kaniyang labi. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. 'wag mong kagat-kagatin iyang
labi mo! Sagutin mo iyong tanong ko" 

"Wala. Wala kang gagawin Hera. Iyon ang gawin mo" 

=================

17

Chapter 17

"So sumusuko ka na?" tinignan ko si Yshna at inirapan siya. Hindi ko alam kung
bakit siya ang tinawagan kong makasama upang maglabas ng sama ng loob. Siguro dahil
parehas kaming nasasaktan? at sa iisang lalaki pa. Ang saya!

"Tsk! Hindi no! Naglalabas lang ako ng sama ng loob pero hindi ako susuko! Ikaw
naman kasi pinaasa mo ako! Sabi mo mahal niya ako iyan tuloy kinilig ako tapos joke
lang pala!" sabi ko sabay irap sa kaniya. Tinawanan niya lang ako. Tanggalin ko
kaya ang lalamunan niya? Naglalabas ako ng sama ng loob tas tinatawanan pa ako!
Natutuwa siguro siya kasi hindi ko pa nakamit ang happy ending namin!

"Talagang isinama mo pa ang Bar ni Cray diyan sa labas labas ng sama ng loob na
trip mo! Bumalik ka nalang sa bahay ng lalaking iyon at halayin iyon" sabi nito
bago tinungga ang alak. Tinignan ko siyang mabuti. Sino ba naman kasi ang hindi
magugulat sa pinagsasabi nito, kailan lang ay magkaagaw kami sa atensiyon ni
Kristian tapos ngayon heto siya na kung makaasta ay parang matagal na kaming
magkaibigan. "H'wag kang tumingin ng ganiyan! Baka mamaya magbago ang isip ko at
ako ang humalay sa kaniya!" pagtataray nito pero inirapan ko lang.

"As if namang magpapahalay iyon sa'yo? Mas malaking tao parin sa'yo iyon at mas
malakas baka ihagis ka lang nun" biro ko. Ngumisi ito sa akin at umiling.

"Idagdag mo pa na wala namang epekto ang katawan ng babae doon maliban sa latawan
mo. Gagalaw ka lang nga nakasunod na ang mata paano pa laya kung binabandera mo na
sa kaniya? Di lalong tumaob ay saglit hindi ba at kasasabi ,mo lang na hindi niyo
itinuloy ang pangaakit mo kasi tinanggihan ka niya? Ibig sabihin?" umiling iling
ako at gusto ko siyang batukan sa inis. Ngayon lang pumasok sa kukote niya ang mga
pinagsasasabi ko kanina? Para pala akong kumakausap sa bingi.

"Tinanggihan ka talaga niya?" tanong niyang muli sa akin at niyugyog pa ako.


Halatang gulat na gulat siya sa ginawa ni Kristian. Ano bang nakakagulat doon?
"Sige lang ipamukha mo lang sa akin! Nakakainis na nga, eh. Alam mo bang noong
lasing siya hanap ng hanap sa akin tapos noong gising pinagtabuyan ako? Lasingin ko
nalang kaya siya palagi baka hanapin ako at baka mapakasalan niya pa ako kapag
lasing siya at ng wala na siyang kawala! Pakipot na Dela Marcel yan!" inis na
sentimiyento ko pero ang mas nakakainis ay iyong tawanan ka ng kausap mo na para
bang nagbibiro ka lang. Hinampas ko siya sa braso pero sige lang siya sa kakatawa.
Nakakainis!

Inirapan ko siya at itinuon na lamang ang pansin sa alak. Hindi ako makapag-isip ng
pwede kong gawin para bumalik si Kristian sa akin. Lung inaakala niyang ganun niya
lang ako mapapatiklop pwes nagkakamali siya! Bibilhan ko siya ng gayuma sa
divisoria kahit sampung bote pa at nang hindi na mag-inarte pa!

Nagsimula ng mag-ingay ang bar. Naramdaman kong may kumalabit sa akin at dahil
hindi ko naman pinapansin ang mga lalaking gustong maki-table sa amin ay alam kong
si Yshna lang iyon. Naiinis ako sa pahgtawa niya sa akin kanina kaya hindi ko siya
pinansin. Inom ñlang ako ng inom hanggang sa sabunutan niya ako. Tinignan ko siya
ng masama pero itinuro niya ang dance floor.

Sinabi kong ayokong sumayaw ngunit dahil sa lakas ng musika ay hindi kami
magkarinigan. Sinubukan kong isenyas sa kaniya na ayoko kung gusto niya ay siya na
lamang ang sumayaw. Ngunit patuloy parin siya sa pagturo doon. Nawawalan na ako ng
pasensiya kaya't di na lamang siya pinansin pero hinawakan niya ang mukha ko at
nilagay sa direksiyon ng dance floor.

Kumunot ang noo ko at tatanggalin na sana ang kamay niya ng mapagsino ang lalaking
nasa gitna at sumasayaw. Nanlamig ang katawan ko.

Si Kristian.

Si Kristian na may kasasayaw na babae. Si Kristian na kulang nalang halikan ang


babaeng kasayaw sa sobrang dikit nila. Ganito pala kasakit iyon... 'yong makita mo
ang lalaking mahal mo na may kasamang iba. Para akong sinasaksak sa sakit.

"Gaga!! h'wag ka ngang umiyak! Lapitan mo! Angkinin mo" umiwas ako ng tingin at
inisang lagok ang alak. Hindi ko kaya.

Para akong nauubusan ng lakas. Nanginginig ang mga kamay ko. Nanlalamig.

"Ano ba! Kung susuko ka lang din pala 'di sana sinabi mo para ginayuma ko nalang
siya!" tinignan ko si Yshna. Umirap itwn at nagkibit ng balikat "H'wag mo namang
ipakita sa akin na mali ang desisyon kong pakawalan siya! pasalamat ka hindi ako
ang mahal dahil kung ako ang mahal, kanina ko pa kinalbo iyong higad!"

He really love him that much. Huminga ako ng malalim. Nagiipon ng lakas ng loob.
Basta talaga tungkol kay Kristian nakakalimutan ko lahat pati kung paano ko
ipinaglalaban ang mga bagay at taong gusto ko.
"Nakakairita! Tignan mo oh! Hahalikan na niya! Wala ka bang gagawin!" tumayo na ito
at naghahanda ng sumugod pero hinawakan ko ang braso niya.

"Ako na. Sabi mo nga, akin siya" nginisihan ko siya bago tumayo.

"Aray a! Alam ko! Makahanap na nga ng iba!"

Hindi ko na pinansin si Yshna at tinignan si Kristian. Naglakad ako palapit sa


kaniya. Siksikan at di iilang beses na naapakan ang paa ko. Kung di ko lang mahal
ang lalaking ito naku!

Lumapit pa ako. Napaka-wild ng mga tao. Naramdaman kong may humawak sa pang-upo ko.
Nang lumingon ako ay wala naman akong nakitang nakaharap o sumasayaw sa akin.
Ibinalik ko ang tingin kay Kristian. Napansin kong nasa akin ang tingin niya kahit
may kasayaw itong babae. Madilim ang mga titig nito sa akin. Nginisihan ko siya
bago inilang hakbang at kahit may kasayaw siya ay nagawa kong agawin ang leeg niya
at halikan siya.

Mabilis niya akong hiniwalay sa kanya. Hawak hawak niya ng mahigpit ang braso ko
habang nanlilisik ang mga mata.

Naramdaman ko nalang na may humila ng buhok ko.

"Nauubusan ka ng lalaki? Kita mong may kasayaw siya 'di ba?" sabi ng babaeng
kasayaw ni Kristian. Sa sobrang lakas ng boses niya ay huminto ang mga sumasayaw
malapit sa amin.

"Ang daming lalaki!" komento pa nito.

"Madami pala. Why don't you find yours? He's mine!" madiin kong sabi. Nanlisik ang
mga mata niya.

"Sa'yo? He said he's single..."

"Tama na. Hera umuwi ka na. Bakit ka ba nandito?"  ngumisi iyong babae at mukhang
narinig iyong sinabi ni Kristian.

"Sa'yo pala ah!" natatawang sabi nito. Nagbulungan ang mga tao sa paligid namin.
Nanginginig ako sa hiya at inis.

Kinagat ko ang labi ko. Lahat ng lakas ng loob na inipon ko ay parang bulang nawala
nalang bigla sa akin. Pumikhit ako pero kasabay non ang pagsampal niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Walang sumasampal sa akin. Ang lakas ng loob niya! Nagdilim
ang paningin ko at akmang susugurin siya pero dahil hawak ni Kristian ang dalawang
braso ko ay di ako makabawi.

"Let me go!" sigaw ko pero hinigpitan niya lang iyon. Ano? ayaw niyang saktan ko
iyong kasayaw niya pero ako pwedeng pwede nitong saktan, ganun ba? Kaano ano niya
ba ito a?

Lalo akong nagpumiglas ng ngumisi ang babae. Matapang siya kasi hawak ako ni
Kristian!

"Enough! Stop!" madiing sigaw ni Kristian ng halos makawala na ako. Hindi ko alam
pero parang may sariling isip ang katawan kong huminto.

Nilingon ko siya. Madilim lalo ang tingin niya. Nagbulungan lalo ang mga tao. Mas
rinig lang ngayon dahil huminto ang musika.

Kung kay Kristoff parang tinutusok ng karayom ang puso ko tuwing pinagtatanggol
nito si Ysabell, ngayon parang patalim ang tumatarak sa akin. Sobrang sakit.

"Let me go" halos pabulong kong sabi. Hindi na ako pumiglas o ano.

"Sa susunod bago ka mang-angkin-"

"Stop it Stacy!" singhal niya sa babae niya. Hindi ko na iyon pinansin dahil
lumuwang ang pagkakahawak sa akin ni Kristian. Kinuha ko natang pagkakataong iyon
para makawala.

"Hera!"

Tumakbo ako palabas. Masakit. Iyon lang ang paulit ulit na dumadaan sa isipan ko.
Ano pa ba kasing aasahan ko? Ang gaga ko din kasi. Sinabi niya naman na wala akong
gawin 'di ba? pero ang tanga tanga ko kasi.

"Hera!"

Kusang tumulo ang mga luha ko. Karma ko 'to. Karma ko 'to sa lahat ng ginawa ko kay
Kristoff. Karma ko 'to sa pag-iwan sa kaniya pero hindi pa ba sapat iyong nawalan
ako ng memorya bilang karma? Hindi pa ba sapat iyong niloko din ako ng ibang tao?
Ang sakit sakit na kasi.

"Hera!" pumikit ako ng maramdamang may humawak sa braso ko. Sa boses at presensiya
palang alam ko na kung sino iyon.

"H'wag ngayon, please. Masakit kasi" unti unting bumitaw ang kamay niya "Kung kaya
ko lang na walang gawin..." para akong tangang tumawa ng kaonti habang umiiyak.
"Nakakapagod magmahal. When will I have my own forever?"

"Sumusuko ka na?" pumikit ako at humarap sa kaniya. Nakatiim ang kaniyang mga
bagang. Hinayaan ko siyang makitang umiiyak ako.

"Mahal kita. Kahit gaano kasakit..." kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang
hikbi. Huminga ako ng malalim "Kahit ipagtulakan mo ko hindi kita susukan. Hindi
porket napapagod ako susuko na ako. Akin ka. Lumandi ka man akin ka parin. Saktan
mo man ako akin ka parin. Magpapahinga lang ako. Masakit kasi"

"Kristian!" lumingon ako sa likod niya. Tinatawag siya ng babaeng kasayaw niya
kanina. First name basis ah?

"I know you're worth the pain. I know you're mine. Binitiwan kita noon kasi hindi
pa kita kayang hawakan pero ngayon... kahit gaano kasakit... hindi ako bibitaw"

"Hera"

Pinilit kong ngitian siya. Pinunasan ko ang luha ko bago tumalikod. I love him
enough to fight for him... but I know my limitations. Sa pagmamahal kasi minsan
kailangan nating huminto, hindi dahil sumusuko na tayo o hindi na natin sila mahal,
kailangan lang ito upang hindi tayo madurog.

=================

18

Chapter 18

Hinaplos ko ang pisngi ng anak ko. Mahimbing na itong natutulog habang yakap yakap
ang isang unan. The way he sleeps resembles him. Paano kong hindi mamahalin si
Kristian ng sobra kung may ibinigay siya sa aking napakagandang regalo. Yumuko ako
at ginawaran ng marahang halik ang noo ni Kian. Tumayo ako at naligo. Pagkatapos ko
ay nakaupo sa kama si Kian at kinukusot ang mga mata. Nakasimangot ito at parang
may hinahanap.

"Hey..." tumingin siya sa akin. Mabuti nalang pala at medyo madilim, hindi ko
makikita ang asul niyang mga mata. Baka maiyak ako ng hindi oras.

"Mommy" halos pabulong niyang sabi. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya
bago siya nginitian. Ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin.

"Matulog ka pa. Tatabihan kita" mabilis itong umiling.

"Don't wanna!" nagkibit balikat ito at lalong sumimangot.


Kumunot noo ako at pinakatitigan siya. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at umangat
naman ang tingin niya sa akin. Ngumuso ito.

"You weren't here all day. I missed you" ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.
Nagtatampo ang big boy ko.

"I wasn't here because I' m chasing your Daddy. Maarte kasi iyon..." bumuntong
hininga ako at ngumiti. Nagsimula na itong umiling.

"I'm fine even without him! It's ok Mom. I want you here with me! I want you
playing with me all day just like before! If Dad really love me then you don't need
to chase him!" Nagulat ako sa biglaang outburst nito. Naaainag ko sa dilim ang
talim ng mata nito.

Kinagat ko ang aking labi "Daddy loves you so much, Kian" umiling iling ito.

"Then why did he left us? Why did he chose to leave us hanging! Why is he hurting
you?"

Love hurts Kian. Iyon ang gusto kong isagot. Gusto kong sabihin sa anak kong kapag
nagmahal ka ay talagang masasaktan ka pero na-realize ko na hindi naman iyong
pagmamahal ang nanakit sa akin kund iyong rejection at unwantedness na natatanggap
ko mula kay Kristian.

"I'ts my fault Kian. Once upon a time, Daddy loves me so much that he is willing to
do everything for me kahit makasakit pa iyon ng iba. Mali iyon pero kahit mali,
hindi niya ako iniwan pero ako iniwan ko siya kahit nagmakaawa pa siya sa akin na
h'wag ko 'yon gawin. You see? Mahal niya ako Kian, mahak niya tayo. Nasaktan ko
lang siya at maaaring nasasaktan pa siya ngayon kaya nga ginagawa ko lahat para
maniwala siyang mahal ko siya. Kung magagalit ka, dapat kay Mommy kasi si Mommy ang
naunang nanakit" tinitigan niya ako. Kumunot ang noo niya at iniling ang isang ulo.

"Daddy loves you that much? He loves you more than I love you?" Aniya na pilit
paring inaanalisa ang sinabi ko.

"Yeah..." sagot ko kahit hindi na ako sigurado ngayon. I know deep inside him, he
still feel something for me and that's just it.

"No! I love you more than him! I love you more than Daddy, Mom. I do" pinilit niya
akong mapatingin sa kaniya na para bang hindi akk naniniwala sa kaniya. Ngumiti ako
at tumango. Mukha namang nakahinga siya sa maluwag sa sinabi ko.

Kinulit niya pa ako ng kinulit. Hanggang sa mapagod na siya at muling makatulog.


Hinalikan ko siyang muli sa noo bago ipinikit ang mata.
Lumipas ang nga araw na parang hangin. Kahit na inaakit ko si Kristian,
sinisigurado kong may oras ako kay Kian. Hindi kk hinahayaang magtampo ang anak ko
ulit.

"Ako talaga ang ipapalit mo? Bakit ka ba mag leleave?" Takhang tanong ko kay Yshna.

Tinawagan niya ako kanina dahil may importante daw itong sasabihin. Iyon naman pala
mag-leleave siya at ako ang gusto niyang pumalit sa kaniya bilang sekretarya mi
Kristian hababg wala siya.

"Marami akong pwedeng ipalit pero kasi malalandi at kung mag lalandi man kay
Kristian mas gugustuhin kong ikaw nalang..." bumuntong hininga ito "...tsaka gusto
ko muna ding magpakalayo-layo. Kahit isa o dalawang buwan lang. Mas nahihirapan
kasi akong mag move on kung ang boss ko e iyong taong mahal ko"

"Sigurado ka ba? Pero bakit ikaw ang namimili? Dapat si Kristian 'di ba?" Tanong
ko.

"Ako daw kasi ang maghanap. Kung makakahanap daw ako siya na ang papasukin ko sa
Monday. Kaya Hera! Pumayag ka na! Gusto ko nang mag move on!" Aniya.

Kinamot ko ang batok ko. Gusto kong tanggapin. May pinag aralan naman ako at
sigurado naman akong kaya ko ang trabaho pero hindi ko ata kaya ang rejection oras
oras?

"Hera naman! H'wag na magdalawabg isip! Grab the opportunity tapos i-rape mo na!"
Pinandilatan ko ng mata si Yshna. Grabe siya! Ang daming tao sa coffee shop na
ngayon ay nakatingin na sa amin! Nakakahiya!

"Ang ingay mo! Papayag na ako!" Ngumiti ito ng pagkatamis tamis.

"Salamat! Akitin mo a! Dapat pagbalik ko maid of honor na ako!" Umiling nalang ako.

Iniisip ko lang ngayon kung kakayanin ko ba ang araw adaw na rejection. Ngayon kasi
tuwing nirereject niya ako o feeling ko napapahiya ako ay umaalis na ako. Babalik
nalang ako kinabukasan o kaya naman nagpapalipas muna ako ng ilang araw. Sana lang
kasi tumigil na siya sa pagpapakipot kung nagpapakipot man siya.

"Alis na ako. Sa Monday pumasok ka na a! Alas siyete dapat nandoon ka na! Thank you
talaga!" niyakap niya ako kaya yumakap din ako pabalik bago nagpaalam.

Dumaan ako sa toystore at binilhan ng bagong laruan si Kian bago umuwi. Kumunot ang
noo ko ng makita ang sasakyan ni Kristian na naka-park sa harapan ng bahay nila
Dad. Hindi ako nagpakita sa kaniya ngayon dahil sunod ako ng sunod sa kaniya
kahapo  pero hindi niya ako pinansin. Nakakainis kaya iyong ganun!
Nadatnan ko si Kristian na naglalaro kasama si Kian ng basketball sa may garden
namin. Pinagawan kasi ni Dad ng maliit na court doon si Kian. Pilit inaagaw ng anak
namin ang bola sa kaniya. Maluwang ang pagkakangiti ni Kristian. Ngiti na hindi
niya pinapakita sa akin kapag ako ang kasama niya.

"I want the ball!" May authority na sabi ng anak ko.

Tinaasan ng kilay ni Kristian si Kian at ngumiting nang-aasar. Itinaas nito ang


bola at pinaikot iyon sa hintuturo. Tumalon galon si Kian pero dahil sa maliit pa
nga ito ay hindi talaga nito maaabot iyon.

"She's mine! Give it back!" Sabi ni Kian.

"No. She is mine, big boy" sagot naman ni Kristian. Sinong pinaguusapan nila? Iyong
bola padin ba?

Tinitigan ko ang masayang mukha ni Kristian. Sana ganun ulit ang mukhang iharap
niya sa akin. I missed that smile. I missed him. I missed my man. I missed
everything about him, iyong mga bagay na hindi ko nakita noon.

"Mom!" Lumingon ako kay Kian. Tumakbo ito papalapit sa akin. Umupo naman ako at
ibinuka ang kamay. Akala ko yayakapin niya ako pero nagulat ako ng hawakan niya ang
magkabilang pisngi ko at halikam ako sa labi. Pagkatapos niyang gawin iyon ay
tumingin ito sa direksiyon ni Kristian.

"I missed you Mom... Is that toys?" Nagniningning ang mga mata niya habang
nakatingin sa plastic bag na dala ko. Tumango ako at binigay iyon sa kaniya. Masaha
niyang binuksan anb mga iyon. Tumingin ako sa direksiyon ni Kristian. Nakatitig
lang din siya sa amin. Ngumiti ako pero umiwas siya ng tingin. Pakipot.

"Mom. Let's play. I don't want to play basketball with Dad. Ayaw niya ibigay sa
akin ang bola kahit akin naman iyon!" Galit na sabi niya. Humalakhak si Kristian sa
ilang beses na pagkakataon, muli akong napatitig sa kaguwapuhan niya.

"Akin kasi. We'll share if you want but she's mine. Kahit anong mangyari..."
napalunok ako. Habang sinasabi niya iyon ay sa akin siya nakatingin na para bang
sinasabi niyang akk iyong pag-aari niya.

Ayokong umasa. Dapat hindi kasi kung ako bakit niya ako pinapahirapan pero
nakakainis lang kasi kahit anong pilit oo kinikilig parin ako.

"Mom! Let's just cook pasta! Just the two of us!"

__________________
Happy New Year sa inyo at sa pamilya niyo.

Maraming salamag sa pananatiling Reader ko sa loob ng taong ito sana ay hindi kayo
mawala.

New Year means New Series guys kaya po sana suportahan niyo anb Sexy Beast.
Pagkatapos niyong Love Me ay doon muna ako habang hinahanap ko ang tamang timpla
para sa story nila Kairos at Sky na hindi ko matapos tapos. Muli, thank you and
have a Happy new Year.

=================

19

19

Masungit. Mapag-utos. Malabong kausap. Maarte. Reklamador.

Ganiyang klaseng boss si Kristian. Simula ng maging secretary niya ako ay wala na
siyang ibang ginawa kundi sitahin ako. Kung hindi mapait ang kape ay matamis daw
pero paano mangyayari iyon kung hindi ko naman tinitimpla iyon dahil 3-in-1 na
naka-pack ang coffee nila? maliban don ay suot ko ang pinupuna niya e hello?
corporate attire din naman ang pencil cut skirts ko at blouses. Hindi lang don
nagtatapos, uutusan niya akong ibili siya ng food pero hindi niya kakainin tapos
kanina sinama niya ako sa board meeting pero wala siyang pinagawa at pinaupo lang
ako sa tabi niya. Noong isang araw naman pagbalik ko wala na akong table sa labas!
Ipinasok niya sa office niya kasi hindi niya daw ako mautusan agad pag doon ako sa
labas.

Alam kong pinapahirapan niya lang ako. Gusto niya akong sumuko pero hinding hindi
ko gagawin iyon. Akala niya! Kapag ako nainis sa Dela Marcel na iyan!

"Are you done?" tanong niya na naman. Inirapan ko nga. Kakabigay niya lang ng
papers na ito para i-encode ko tapos tatanungin niya na ako ng ganun. Sana kung
sampong words lang ito e sampung pages ito e.

"Hindi pa. Nagmamadali ka?" hindi ko maitago ang asar. Tsk! kahit maasar ka sa
kasungitan kung mahal mo may magagawa ba iyon?

"I'm just asking" umiwas ito ng tingin. Hindi ko na siya pinansin at baka sungitan
niya lang ako.

Ilang minuto akong type lang ng type sa computer ng maramdamang may tumamang papel
sa balikat ko. Tinignan ko iyon bago sa kaniya.
"Hindi ko sinasadya. Itatapon ko sa trush bin diyan o sa tabi mo kaso tumama sayo"
tinignan ko iyong basurahan sa gilid ng table ko. Tumaas ang kilay ko. Nagpapatawa
ba siya? Ang layo sa akin non! Bulag ba siya? tsaka may basurahan siya sa gilid ng
table niya!

"Bakit kasi dito pa? pwede namang diyan o!" sabi ko sabay turo sa basurahan niya.
Tinignan niya iyon at tumaas din ang kilay niya.

"Gusto ko diyan. I'm the boss and I will do whatever I wanted to" pagsusungit niya.

Hindi ko na pinatulan at tinuloy ko ang ginagawa ko. Marami rami pa ito pero
nangangalay na ang daliri ko.

Tinanggal ko ang sapatos ko at sumandal saglit. Nakakapagod talaga mag-trabaho lalo


na kung may boss kang may topak.

"The meeting will start at 11 am, right?" nilingon ko si Kristian bago inabot at
note pad ko at tinignan ang schedule niya.

"Yeah. Kasama pa ba ako?" tanong ko. Sabi niya kasi kanina ay tapusin ko lang itong
papers pero malay mo kasi magbago na naman isip niya.

"No. Stay here. Tapusin mo nalang iyan. Wait for me before you leave" tumango ako
at pinanood siyang gumalaw. Hinila niya ang tie niya na tinanggal niya kanina bago
tumingin sa akin. "please?" sabi niya bago tinaas ang tie.

Tumaas ang kilay ko pero nanahimik nalang ako at lumapit sa kaniya. Kristian knows
how to 'please', again?

Tinali ko iyon bago pinadaan ang kamay sa coat niya bago siya tiningala. Nakatitig
lang din siya sa akin. Bigla siyang pumikit at umiling bago lumabas.

Binalikan ko lang din ang trabaho ko. Ilang minuto pa ang itinagal ko doon bago
tuluyang natapos pero wala pa si Kristian.

Tumayo ako at nag-stretch ng katawan. Mag-iisa't kalahating oras na siyang wala at


nagugutom na ako. Tapos ko na din naman ang trabahong iniwan niya sa akin. Hindi
naman siguro masama kung kakaen muna ako.

Kinuha ko ang wallet ko bago isinuot muli ang sapatos ko at lumabas. Sumakay ako sa
private elevator nila papuntang cafeteria ng mga employees. Hindi na ako lumabas
dahil baka hanapin ako ni Kristian. Hindi pa naman ako nagpaalam.

"Hera dito!" nilingon ko iyong tumawag ng pangalan ko. Ngumiti ako ng makita si
Fred, ang sekretarya ni Uno. Sinenyasan ko siyang o-order lang ako at tumango naman
siya.

Umupo ako sa harap niya dahil katabi niya ang kaibigan niyang si Nika na siya
namang financial manager ng company.

"Sinusungitan ka pa ni Sir Fourth?" tanong ni Nika. Nakasundo ko na din kasi siya


kaya nasabi ko na inaakit ko si Kristian na siya namang totoo.

"Pakipot lang 'yon" biro ko na tinawanan naman niya.

Napuno ng tawanan ang table namin dahil napakadaling patawanin ni Nika kaso umalis
din ito kaagad kaya kami nalang ang natira ni Fred.

"So ibig sabihin anak niyo ni Sir Fourth..." tumango ako bago uminong ng soda na
kinuha ko. Kinuwento ko kasi na may anak na ako. Akala niya si Uno ang ama dahil
doon daw ako baliw noon.

"Wow! Si Sir Fourth pala!" palatak pa nito habang nakangiting umiiling.

"Why? may problema ba doon, Fred?" nanigas ang katawan ko ng marinig ang boses ni
Kristian sa likod ko.

"Ah wala po Sir. Nagulat lang." nilingon ako ni Fred.

"Are you done? Let's go. May tatapusin pa tayo" tumango ako at nagpapaumanhing
tumingin kay Fred bago tumayo.

Ngumiwi ako ng may humablot sa wrist ko. Mabilis ang bawat hakbang niya at dahil
maliit ako ay halos takbuhin ko iyon. Huminto siya ng nasa elevator na kami pero
hindi naman niya ako binitawan. Kahit mahigpit ang hawak niya ay hindi ako
nagreklamo. Hindi naman kasi ako nagpaalam.

Sumakay kami pero nanatili siyang tahimik. Galit siya sa hindi ko na naman
maintindihang dahilan.

Nang makarating kami sa office niya ay hinarap niya ako. Nakakatakot ang galit
niyang mata. Nangingitim ang asul niyang mata sa galit. Napalunok ako. May ginawa
ba ako.

"Nawala lang ako saglit wala ka na! I told you to wait me! Mahirap ba iyon"
napaatras ako sa sigaw niya. Sinubukan kong hilain ang kamay ko pero lalo niyang
hinigpitan.

"Ang why are you with him? Bakit kayong dalawa lang?" sunod sunod niyang tanong.
"Kristian masakit" daing ko kng maramdaman ang kirot sa wrist ko pero parang wala
siyang narinig.

"Siya na ba ngayon? tapos ka nang habulin ako kaya siya naman?"

"No. May kasama kami kaso di mo naabutan- Kristian nasasaktan ako" hindi ko
maipaliwanag sa kaniya dahil sa sakit ng hawak niya.

"Why are you with him Hera! Answer me D*mn it!"

"Masakit nga! Masakit! Bitawan mo ako!" nagulat siya sa biglaang sigaw ko at


binitiwan ako.

Pulang pula ang wrist ko sa paghahawak niya kanina. Paniguradong magpapasa ito
bukas. Ang hapdi!

Napansin kong lumapit siya at hahawakan sana ang kamay ko pero mabilis kong nilayo
sa kaniya.

"Kumaen lang ako kasi gutom na ako. Kasama namin si Nika kanina kaso nagmamadali
siya dahil may gagawin pa siya. Kung di ka naniniwala magtanong ka sa mga empleyado
doon" malamig kong sabi.

"Hera" mas malambing na ang boses niya ngayon kaysa kanina pero sinaktan na naman
niya ako at hindi magagamot non ang sugat ko.

Hindi ko inaakala na kaya niya akong saktan ng ganito, aksidente man o hindi. Gusto
ko siyang intindihin pero nauubos din ang pasensiya ko.

"May itatanong ka pa?" siryoso siyang nakatingin sa kamay ko kaya tinago ko iyon sa
likod ko upang bumaling siya sa akin.

"I'm sorry" sabi nito bago ginulo gulo ang buhok at sinuntok ang pader.

Nanlalaki ang mga mata ko.

"Kristian stop!" tili ko pero di siya tumigil. Lumapit na ako at hinila ang braso
niya.

"Ano bang problema mo!" sigaw ko sa kaniya. Nakakuyom parin ang mga kamay niya.
Kahit anong inis ko sa kaniya hindi naman non maalis alis iyong letseng pagmamahal
ko.
Hinawakan ko ang pisngi niya. Dati tuwing galit siya ay ito ang ginagawa ko para
pakalmahin siya. Hindi ko alam kung effective pa.

"Akala ko iniwan mo ako ulit. Wala ka dito. Inaasahan kong dadatnan kita dito" 

=================

20

Chapter 20

Naglabas ako ng malalim na hininga. Wala parin si Kristian. Hindi parin siya
bumabalik. Pagkatapos niyang kumalma ay bigla nalang siyang umalis.

I cancelled all his appointment. Ilang beses na ding tumawag si Kristoff, Kalix at
Kristian dito at wala akong maisagot dahil wala naman siyang sinabi. Tinawagan ko
siya only to find out na nandito sa table niya ang phone niya.

Nasaan na ba iyon? Kanina pa din tumutunog ang phone niya. Hindi ko naman magawang
galawin kasi hindi naman sa akin at baka ikagalit niya pa iyon.

Tumingin ako sa orasan, Alas sinko Y media na pero hindi parin siya bumabalik. Apat
na oras na siyang wala! Saan ba kasi nagsuot ang lalaking iyon? Gusto kong hanapin
siya pero natatakot akong magkasalisi kami kaya mas pinipili kong hintayin nalang
siya.

Tinaas ko ang paa ko sa table niya. Dito ako umupo dahil mas kumportable ako.
Napansin kong umilaw ang phone niya. Hahayaan ko lang sana ito pero ng makita ko
ang pangalan ay hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan ang phone niya.

"Stacy..."

Walang password ang phone niya kaya madali kong nabuksan. Pumunta ako kaagad sa
Message. Maraming texts pero ang kay Stacy lang ang binuksan ko.

Stacy: Thank you for today! I enjoyed it.

Stacy:  You home?

Magkasama sila. Para akong tangang naghihintay na bumalik siya. Para akong tangang
umaasa na baka kausapin na niya ako, na may pag-asa na ako... kami. Ang tanga ko
pala. Ang tanga tanga ko.

Kinagat ko ang labi ko at pinakatitigan ang text bago tumayo. I'm done. Pagod na
ako.

Binaba ko ang phone sa table bago naglakad papunta ng table ko. Kinuha ko ang mga
gamit kong nilabas kanina at isa isang pinasok sa bag ko. Tumigil lang ako ng
bumukas ang pinto.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin ng makita si Kristian. Tinuloy ko lang ang ginagawa
ko kahit gusto kong magtanong. Ano ba kasing karapatan kong magtanong?

"You're still here..." he stated. Sa paraan ng pagkakasabi niya parang gulat na


gulat siya.

"I cancelled and re-schedule your appointments. I hope next time sabihin mo sa akin
ang rason kung bakit at hindi iyong nangangapa ako ng ibibigay kong rason" malamig
kong tugon.

"Sorry..."

"It's my job to cover you up pala" mapait kong turan. Napansin ko sa gilid ng aking
mata ang paglapit niya. Lumakas ang tibok ng puso ko. It's funny how my heart still
beats for him even if it hurts. Kahit pala sobrang sakit na, kapag mahal mo, mahal
mo lang at wala kang magagawa doon.

"I'm going..." sabi ko at sinukbit ang bag ko sa balikat ko. Naisuot ko na din ang
sapatos na tinanggal ko kanina.

"Where are you going?" tinapunan ko siya ng tingin. Why do you care? I wanted to
say that pero nanatili akong tahimik.

"Home? Did you bring your car?" tumango ako at nilagpasan siya. Nakahinga lang ako
ng maluwag ng makalabas na ako pero nagulat ako ng bumukas din ang pinto at iluwa
siya.

"You read my text..."

"Yes" sagot ko habang pilit siyang iniignora. Hindi ko alam kung bakit niya ako
kinakausap at bakit siya naglalakad sa tabi ko ngayon.

Pinagtitinginan kami ng ibang empleyado pero mukhang wala siyang pakialam. Siguro
kung hindi ko nabasa ang text at hindi ako naghintay sa kanya baka natuwa ako pero
hindi e.

Habang mukha akong tangang nakaupo at naghihintay, siya nagpapakasaya sa ibang


babae. Ano kayang ginawa nila? Saan sila nagpunta?
"I wasn't with her the whole afternoon-" binilisan ko ang paglalakad hanggang
makarating ng parking lot ay wala siyang ginawa kung hindi ang habulin ako.

Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko pala dala ang kotse ko. Sa sobrang distracted
ko sa kaniya ay nakalimutan ko iyon. How stupid of me.

"You didn't bring your car" another statement from him. I rolled my eyes.

Kung kailang gusto ko siyang layuan tsaka naman siya lapit ng lapit. Kailan ba
matatapos ang larong ito? Bakit ang tagal ng finish line? Pagod na ako, pagod na
pagod na.

Umikot ako pero hindi pa man ako nakakahakbang ay hinawakan niya ang braso ko. Inis
akong lumingon sa kaniya.

"What? Wala di 'ba? Di hindi ko dala!" nagulat siya sa pagsusungit ko. Hinila ko
ang braso ko pero hindi na naman niya bitawan.

"Ihahatid na kita" mabilis akong umiling at muling kumawala sa hawak niya.

"Let me go. Pagod na ako... Gusto ko na umuwi" pumikit ako upang kalmahin ang
sarili ko.

"No. You wanna go home? Let's go home"

"No! I want to go home alone!" nalaglag ang panga niya. Bakit? Hindi na siya sanay
na sinisigawan ko?

Hinila ko ang kamay ko at nang ayaw niya parin akong bitawan ay kinagat ko na ang
kamay niya. Dali dali niyang nabitawan ang braso ko kaya naman nakawala ako.
Mabilis ko siyang tinalikuran.

Bumaba ako sa ground floor ng parking lot ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa
labasan ay hinarang ako ng guard.

"Ma'am pasensiya na po pero hindi po kayo pwedend lumabas" naningkit ang mata ko.

"Kuya umalis po kayo sa harapan ko. Wala po akong ginawang masama kaya paraanin
niyo na po ako!" may dumating pang dalawang guards na humarang sa akin.

"Pasensiya na Ma'am pero utos lang po mula kay Sis Kristian. Kung gusto niyo po
hintayin niyo na lang siya dito pababa na po siya" sabi ng isang bagong dating.

"Wala akong ginagawang masama Kuya kaya please lang palabasin niyo na ako! Gusto ko
ng umuwi!" sinubukan ko maglakad pero humaharang sila sa lahat ng dinadaanan ko.

"Ma'am sisisantehin po kami kapag nakawala kayo. Pasensiya na po!" hindi ko iyon
pinansin. Sinubukan ko parin hanggang sa hawakan na nila ako sa magkabilang
balikat.

Naiiyak na ako sa inis. Ano na naman bang laro ito Dela Marcel? Nakakasawa na!

"Let her go! Ang sabi ko harangan niyo h'wag hawakan!" agad nila akong binitawan.
Masama kong tinitnan si Kristian.

Gusto niyang tumigil ako hindi ba? Titigil na ako kasi masakit na! Hindi ko na
kaya.

"Are you hurt?" hinampas ko iyong bag ko sa kaniya. Darating din pala iyong point
na gusto mo nalang huminto, hindi dahil hindi mo na mahal kundi dahil pagod ka ng
maramdaman ang sakit.

Tumulo iyong luha ko kahit ayoko. I want him to feel my pain. Kahit physical lang.
Kahit iyon lang. Para fair kami!

"I am and It's your fault! Kasalanan mo kung bakit masakit! Ikaw lang!" huminto ako
at tinakpan ang mukha ko. Humagulgol ako ng iyak.

Naramdaman kong may yumakap sa akin. Nagpumiglas ako pero hindi rin ako makawala.

"Ayoko na sa'yo!" lie.

Kumurap kurap ako ng imulat ko ang aking mata. Anong nangyari? Nasaan ako? I
checked my clothes. I'm wearing sweatpants and a tank top. Hindi ko maalalang umuwi
ako. Hindi ko maalalang nagpalit ako. Sinapo ko ang noo ko.

"Hungry?" lumipad ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto upang hanapin ang boses.
Natagpuan ng mata ko ang asul na mata ni Kristian.

"Bakit ako nandito?" biglang sumagi sa isipan ko si Kian. Anong oras na ba? Mag-
aalala iyon.

"Uuwi na ako"  mabilis akong tumayo.

"Daddy! Is Mommy awake? Is she hungry?" nilngon ko ang batang nagsalita. Tumingin
ito sa akin at ngumiti. "Mommy! Are you hungry? Daddy and I cooked for you!"
sinalubong ko ang anak ko. Tinignan ko ng masama si Kristian. Is he using our son.
"Really baby? Why are you here? You want us to go home?" mabilis itong umiling.
Napansin ko ang pagngisi ni Kristian.

"Good boy. Now ask Mommy to marry Daddy, Pards" My God! He's using our son! Kung
anuman Ang kalokohang ito. 

"Only If you agreed that I love Mommy more than you" kumapit ang maliliit na kamay
ni Kian sa leeg ko. Niyakap ko ito at binuhat patayo.

"It doesn't matter baby. I love you more than Daddy" 

"I love you more, baby"

=================

21

Chapter 21

Ngayon ko lang nalaman na may sariling kwarto pala si Kian sa bahay niya. Katabi
lang ito ng kwarto niya at halos kasing laki din ng kay Kristian. Hiniga ko si Kian
sa bed. Gumalaw ito at akala ko ay magigising na pero niyakap lang nito ang unan.
Maya maya ay mahihina na itong humilik.

Hinalikan ko ang noo niya at inayos ang komforter niya. Tumingin ako sa pinto ng
bigla iyong bumukas.

Tumingin sa akin si Kristian bago lumingon kay Kian. Pumungay ang kaniyang mata.
He's looking at him with adoration. Nilingon ko ang anak namin. Sa lahat ng
nangyari sa buhay ko, Si Kian ang pinakamaganda sa lahat.

"I'm sleeping here. You should sleep, too" sabi ko bago nag-iwas ng tingin.

Para akong pagod na papod sa lahat kaya kahit ano pa ang pasaring niya kanina ay
hindi ko pinapansin. Ang hirap kasing maniwala pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"You're sleeping in my bed. You're sleeping beside me" lumipad ang mga mata ko sa
kaniya. Siryosa siyang nakatingin sa akin. I really hate it when he is so f*cking
serious. Ayokong nakatingin siya sa akin ng ganiyan.

"What do you want, Kristian? Last time I checked, you wanted me to stop..." kinagat
ko ang labi ko nagsimula siyang maglakad palapit sa akin. Parang nakikipagkarera
ako sa lakas ng pintig ng puso ko "Ti-titigil na nga ako"

"Let's go, Hera. Balik na tayo sa kwarto natin" inilahad niya ang kamay sa harap
ko. Tinitigan ko iyon at umiling.

"Kay Kian nalang ako tatabi" imbes na ibaba ang kamay ay nanatili iyong nakalahad
sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi muling iangat ang mukha upang makita siya.

"Please. Tara na" pumikit ako. "Hindi ako aalis kung hindi ka sasama sa akin"
kinamot ko ang batok ko sa inis. Ano na naman ba kasing pakulo ito?

"Fine!" inis kong sabi. Tumayo ako mula sa pagkakapo sa gilid ng kama ni Kian.
Napansin kong umangat ang gilid ng labi niya. Inirapan ko siya.

I kissed Kian's forehead bago nagpatiuna maglakad. Hindi ko tinanggap ang kamay
niya. Natatakot akong once na mahawakan ko siya ay habulin ko na naman siya.

Pagkapasok ko ng kwarto niya ay agad akong humiga at nagtalukbong. Wala akong


pakialam kung iniisip niyang iniiwasan ko siya dahil iyon naman ang totoo.

Narinig kong sumarado ang pinto. Niyakap ko ang unan at pumikit. Umalog ang kama.

"Hera" hindi ako nagsalita. Pinagpapawisan na ako ng malagkit sa loob ng comforter


pero hindi ako natinag. I faked a snore.

"So you're asleep? hmm" sarkastikong sabi niya. Kinagat ko ang labi ko "Hindi
humihilik si Hera..." naramdaman kong may dumantay sa legs ko. Paano niya nalamang
di ako humihilik?

Gumalaw ako upang maalis ang pagkakadantay ng kung ano man sa legs ko pero umikot
na ako ng umikot pero hindi parin naalis.

"Hindi malikot matulog si Hera but It's okay if you're asleep. I can do whatever I
want in you. Ano kayang uunahin kong gawin?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Mahigpit akong yumakap sa unan "What if..." mabilis akong umupo. Sinamaan ko siya
ng tingin ng tumawa siya ng malakas. Hinampas ko siya ng unan.

"Akala ko tulog ka na. Sayang naman" makahulugang sabi niya. Bakit anong gagawin
niya kapag tulog ako? Pinaningkitan ko siya ng mata at tinulak ang legs niya para
makawala ang akin.

"Matulog ka na nga Kristian!" but he keep on laughing like he never laugh for so
long. Habang tinitignan ko siya ngayon parang siya ang lalaking mahal ako ng sobra.
Ang lalaking handang gawin ang lahat para sa akin. Tumigil siya ng makitang
nakatitig ako. Umiwas ako ng tingin.

Niyakap ko nalang ulit ang unan bago sumandal sa head board ng bed.

"Ano na namang laro ito Kristian. Kailan ba 'to matatapos?" bumuntong hininga ako.
Mula sa pagkakahiga ay gumapang siya palapit sa akin at tumabi. Kinagat ko ang labi
ko ng maramdaman ang kakaibang kuryente ng magdikit ang braso namin.

"I wasn't playing, Hera" sinandal ko ang ulo ko sa braso niya. Nanahimik kami
parehas. Tanging ang ingay lang ng aircon ang naririnig sa kwarto.

Gumalaw ang braso niya at umikot sa baywang ko. Hinayaan ko lang siya. Hindi naman
masamang pagbigyan ko ang aking sarili.

"That night sa bar. Pinigilan kita kasi ayokong mas masaktan ka. Hindi ko naman
kasi alam na sasampalin ka ni Stacy" ngumuso ako.

"Hindi mo ko pinabawi-"

"Ako muna. Binawian na kita. Her father, Si Saito. I declined his proposal. Iyon
nalang ang inaasahan nila para maiangat ang kumpanya nila" nanlaki ang mata ko.

"Why did you do that-"

"Shut up, baby or I'm going to shut you up with my lips. Sinampal ka ni Stacy.
Dapat lang iyon sa pamilya niya. Walang pwedeng manakit sa'yo" umirap ako. Walang
pwedeng manakit? Nagpapatawa ba siya?

"Ikaw lang pwedeng manakit ganu-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay dumikit
ang labi niya sa akin. Tinulak ko siya.

"Why did you-" muling dumikit ang labi niya sa akin. Mabilis lang iyon at talagang
nakangisi na siya pagkatapos. Sinamaan ko siya ng tingin. Bumuka ang labi ko para
singhalan siya pero nang ilapit niya ang mukha sa akin ay sinarado ko ang labi ko.

"Magsalita ka pa. Gustong gusto ko" tinulak ko siya sa dibdib at lumayo sa kaniya
pero nahagip niya ang baywang ko at binalik sa dati kong pwesto.

"Iyong sa text niya, hindi ko iyon alam. Hindi kami magkasama. Paglabas ko ng
opisina ko ay nasa labas siya. Hinila ko siya palabas at iiwan ko sana pero sumakay
siya sa kotse ko. Hindi ko siya mapababa kaya hinayaan ko nalang. Pinipilit kasi
niyang i-consider ko ang proposal ng father niya at ayokong pinipilit ako kaya
tinakot ko siya. Sinabi kong kapag hindi siya bumaba ay patutumbahin ko na nang
tuluyan ang kumpanya nila. Nang lumabas siya ay dumiretso na ako sa school ni Kian"
huminga siya. Nanatili akong tahimik. Pinaglalaruan na ng isang kamay niya ang
buhok ko.
"I'm hurt, Hera. Sobra kitang mahal na gusto ko akin ka lang. Ilang taon kang
nawala tapos nang makita kita hindi mo ako kilala. Halos mabaliw ako nang mawala ka
tas nang makita kita hindi mo man lang alam ang pangalan ko at may anak pa pala
tayo! Tinanggap ko iyon. Okay na. Pwede naman kitang paibigin at may alas pa ako
kasi may anak tayo pero nang malaman ko na may communication kayo ni Kuya nawala
lahat ng pinanghahawakan ko. Bumalik lahat ng sakit. Noong hindi mo ako kayang
mahalin, noong iniwan mo ako, noong hindi mo ako nakilala. Lahat nagsama sama.
Hindi ko kayang maniwala sa sinasabi mo kasi nasasaktan ako. Pinipilit ko iyong
sarili ko na tikisin ka kahit gustong gusto kitang lapitan, aluin at yakapin pero
nang makita ko kung paano mo itrato ng ibang empleyado nainis ako. Dapat ako lang
pinapansin mo. Ako lang dapat nakikita ng mata mo. I'm sorry kung nasaktan kita. I
hope you understand" kinagat ko ang labi ko.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Naiintindihan ko
siya. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng hindi ka mahal ng taong mahal mo. Alam ko
iyong sakit kaya kahit nasaktan ako ay naiintindihan ko siya.

"I'm in love you Hera since the day you start loving Kuya. After all the pain and
rejection, I am still in love with you. Let's end the game, Baby. Just Love me"

=================

22

Chapter 22

"I'm not asking you to be my girl, Hera. I am asking you to be my woman. It's been
three days since I asked you that. Will you finally give me a Yes"

Umiwas ako ng tingin ng makitang nakangisi si Kristian sa harapan ko. Sa araw araw
na ginawa ng Diyos wala na siyang ginawa kung hindi tanungin ako. Simula ng gabing
iyon hindi na niya ako tinantanan sa tanong na iyon. Inirapan ko siya. Pinahirapan
niya akong suyuin siya! Paghirapan niya din ang Oo ko!

I know Yes lang din ang sagot ko pero gusto kong mahirapan din siya! Hindi porket
nagpaliwanag na siya ay tapos na iyon. Aba! Iniyakan ko kaya siya. Iparamdam niya
naman na nagsisisi siya sa gjnawa niya at ipaeamdam niya naman na mahal nga talaga
niya ako.

"Hera say Yes" nilayo ko ang mukha niya sa akin. Simula din noong gabing iyon ay
ginagawa niya lahat ng paraan para masabi ko ang Yes at Oo kahit hindi tungkol sa
pagpapakasal ang topic.

Imbes na sagutin siya ay inayos ko nalang ang tie na suot niya. Pagkatapos non ay
tinugnan ko siya. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi parin ako makapaniwala na
nandito na siya ulit sa akin. Hinila ko ang batok niya at marahang dinampian ng
halik ang labi niya bago tinalikuran. Narinig ko ang pagrereklamo niya pero hindi
ko pinansin.

"Isa pa Hera. Sige na" nilingon ko siya at umiling.

"Malelate na tayo sa anniversary ng parents mo Kristian. Tumugil ka sa kalandian


mo" ngumuso siya pero hindi na nagreklamo.

Tumayo kaagad ang anak namin sa pagkakaupo sa sofa ng makita kami. Tumakbo siya sa
akin at akmang bubuhatin ko ng maunahan ako ni Kristian at nagpatiuna maglakad.
Iiling iling na sumunod ako sa kanila.

Mabilis kaming nakarating sa venue. Pinagbuksan ako ng pinto ni Kristian bago


binuksan ang pinto sa likod kung nasaan si Kian. Humawak sa kamay ko si Kian at
papasok na sana kami ng biglang humarang si Stacy. Nilingon ko si kristian na kunot
na kunot na ang noo.

"Hi, Kristian. Long time no see. Iiwasan ko ba ako dahil sa babaeng disgrasyadang
uyan?" malanding sabi niya. Tinaasan ko siya ng kikay. Disgrasyada? Ako?

"Stop it, Stacy. Huwag kang gumawa ng gulo dito!" madiing sabi ni Kristian habang
itinatago kami ni Kian sa kaniyang likod. Tinignan ako ng masama ni Stacy.

"Bakit? Pinoprotektahan mo siya? Ang babaeng iyan? Ipagapapalit mo ako sa babaeng


may anak-"

"Paano ka niya ipagpapalit kung noong una palang akin naman na siya? Huwag ka ngang
magsalita na akala mo pag-aari mo siya. Huwag kang magsalita na akala mo alam mo
lahat" sabat ko. Lalong nanlisik ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit
invited pa siya sa anniversary ng parents ni Kristian o kung invited ba talaga
siya?

"Bakit hindi ba totoo? Disgrasyada ka! Malandi! Naglandi ka na may souvenir ka pa!"
mapaklang sabi niya. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Naikuyom ko ang palad ko.

"Huwag mong idadamay ang anak ko rito! Binabalaan kita!-"

"Kanino mo ba iyan anak, Hera Artemis Go? Nakailang lalaki ka ba bago si Kristian?"
sarkastikong sabi niya. Nanigas ang braso ni Kristian na nagtatago sa amin.
Pinigilan ko siya ng makitang susugod na siya. Nilingon niya ako gamit ang
nanlilisik niyang mga mata ngunit hindi ko pinansin.

"Halatang wala kang alam, Stacy" iiling iling na sabi ko. "Accept the fact that
Kristian loves me and only me"
"Hindi mo deserve ang pagmamahal na iyon. Hindi mo deserve si Kristian" sigaw niya
at napailing ako.

"I don't settle for less than what I deserve" mayabang kong sabi bago ngumisi "I'm
settling with Kristian and that means I deserve him and his love" tinakpan kong
mabuti ang tenga ni Kian bago muling nagsalita.

"You're asking how many guys touched me? Hindi ko mabilang dahil wala naman akong
bibilangin. Kristian is my devirginzer, my son's father and the only man who can
touch me" nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Halatang hindi niya alam. Nanlaki
ang mata niya at nagpapalit palit ng tingin sa akin at sa mag-ama ko.

"Just stop, Stacy. Kulang pa ba ang ginawa ko sa pamilya mo? Gusto mo bang dagdagan
pa?" nagbabantang sabi ni Kristian.

"Pero..." hindi parin siya makapaniwala. Umiling ako at nilingon si Kristian na


nakangisi sa akin pero galit pag titingin kay Stacy. Kinunutan ko siya ng noo. Nag-
kakasagutan na kami't lahat, nagagawa niya pa ang ngumisi. Umiinit lalo ang ulo ko.
Saan ba niya nakilala ang mga babaeng dumidikit sa kaniya? Puro palaban.

"What!" singhal ko sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin si Stacy na nagmamadaling


naglakad palayo. Umiling ako. Matapos gumawa ng eksena, tatakbo ng parang si
cinderella.

Lumapit lalo si Kristian sa akin ng nakangisi. Itutulak ko sana siya ng maramdaman


ang mga kamay ni Kian sa magkabilang kamay ko. Nilingon ko siya dahilan para
makalapit ng todo si Kristian.

"Can I touch you later, then?" nanlaki ang mga mata ko sa bulong ni Kristian.

"Mom pupunta lang ako kay Nanay Ysa" hindi ko na halos napagtuunan ng pansin ang
anak ko dahil sa kakaibang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko dahil sa sinabi
niya. Hindi ko na rin napansin na dumating sila Kuya Kristoff at Ate Ysa.

"You're settling with me, hmmm? Why don't you marry me first, babe?" kinagat ko ang
labi ko. Naramdaman kong hinapit niya ako kaya naangat ko ang tingin sa kaniya.

Nangungusap ang mga mata niya. Kung gaano kalaki ang nakakalokong ngisi niya ay
ganun din ang emosyong nakikita ko sa mata niya.

"Pumasok na tayo sa loob" nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako mautal ngunit
ramdam kong ramdam niya ang kaba ko. "Huwag mo akong landiin lalo na kung kakasugod
lang sa akin ng babae mo" nawala ang ngiti sa mukha niya. Kinagat ko ang labi ko sa
lungkot na nakikita ko sa mata niya.

"Hindi ko siya babae, Hera" malungkot niyang sabi na para bang pinanawan ng lakas.
Gusto kong umirap pero hindi ko magawa dahil ayokong dagdagan ang lungkot niya.
Baka iniisip niyang kasalanan niya. Bumuntong hininga siya.

Niyakap niya ako at hinalikan sa tuktok ng buhok bago iginiya papasok sa venue.
Simpleng party lang ito at piling kaibigan at kakilala ang inimbita kaya nagulat
ako na makita si Stacy gayog sa kwento ni Kristian at hindi nito tinanggap ang
proposal ng pamilya niya.

"Magkasama kayo. Ibig bang sabihin nito...?" masayang sabi ni Tita Kissa habang
nakangiti sa likod niya si Tito.

"No, Mom. Pinilit ko lang si Hera na samahan ako" nilingon ko si Kristian.


Nakatingin ito sa kaliwang bahagi niya. Nilingon ko iyon, nandoon ang mga kapatid
niya kasama ang kaniya kaniyang pamilya habang nagtatawanan. Lumingon ako ulit kay
Kristian at nakikita ko ang inggit sa mga mata niya. Kumurap siya at pumikit bago
bumaling sa mga magulang niya sa harapan namin.

Hinawakan ko ang kamay niyang libre dahil ang isa ay nasa likuran ko bago tumingin
kay Tita Kissa at ngumiti.

"Happy Anniversary Tita, Tito" ngumiting muli si Tita kahit bakas ang lungkot sa
mukha niya sa narinig kay Kristian. Kumapit siya sa akin at bumeso. Tinanguhan kami
ni Tito bago ako iginiya ni Kristian papunta sa table nilang magkakapatid.

Nagbatian kami at bumeso naman ako sa kapwa ko babae. Knowing Kristian, hindi ito
matutuwa kung bebeso ako sa mga kapatid niya lalo na kay Kristoff. Nilibot ko ng
tingin ang table nila pero hindi ko nakita ang anak ko o kahit isang bata.

"Nasa play ground sila kasama ang mga body guards" sagot ni Azzy. Napansin niya
siguro ang paghahanap ko. Tumango nalang ako. Hindi naman nila hahayaang pumunta
doon ang mga bata kung hindi sila Safe.

Ipinaghila ako ng upuan ni Kristian bago umupo sa tabi ko.

"Okay na kayo? Magaling ang plano ko 'di ba Hera?" nilingon ko si Kristoff na


nakangisi. Natawa ako ng maalala ang sinabi niya, gapangin ko lang daw si Kristian.
Tsk, akala ba niya ay doon kami nagkaayos?

"Palpak 'yon Kuya. Tinanggihan ako!" nakangising sagot ko. Nilingon ko si Kristian
na nakatingin sa akin ng nagtatanong. Nakatiim ang mga bagang niya. Galit siya?
Bakit?

"Seriously?" tatawa tawang sabi ni Kristoff. Napunta doon ang atensiyon ko at


ngumiti pero nagulat ako ng tumayo si Kristian sa tabi ko.

"Restroom lang ako" paalam niya pero ramdam kong kakaiba. Parang may mali. Nilingon
ko ang likuran niya at bumuntong hininga bago tumayo.
"Susundan ko lang" paalam ko bago tumayo.

Katulad ng inaakala ko ay hindi siya sa Restroom pumunta. Lumabas siya sa kabilang


pintuan kaya nagmadali akong makalabas. Naabytan ko siya sa likod ng gusali.
Nakasandal siya doon habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng itim niyang pantalon at
nakayuko.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Saka niya lang inangat ang mukha niya ng halos nasa
harapan niya na ako. Nanlaki ang mga mga niya pero umiwas din ng tingin.

"Bakit ka umalis doon? Anog ginagawa mo dito?" tanong ko. Gusto kong sa akin siya
tumingin pero naging mailap siya. "Kristian!"

"Akala ko sanay na ako pero hindi ko parin pala kayang makitang nag-uusap kayo ni
Kuya" panimula niya.

"What was that all about? Anong plano, Hera? Inutusan ka lang ba ni Kuya na habulin
ako?" Sunod sunod niyang tanong. Madilim sa bahaging kinalalagyan namin pero dahil
sa sikat ng buwan ay nagagawa kong maaninag ang mukha niya, ang mga mga niya.

"Noong araw na una akong nagpunta sa bahay mo. Sa kaniya ko nalamang nandoon ka-"

"Inutusan ka ba niya, Hera?" pagpuputol niya sa mga sinasabi ko. Pumikit ako at
umiling. Marahas siyang bumutong hininga.

"Pero bakit ganun? Anong plano ang pinaguusapan niyo kanina? Bakit close na close
na kayo?" nakikita ko ang takot sa mata niya. Humakbang ako palapit sa kaniya at
ilang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa.

"Mahal kita, Kristian. Hindi niya ako kailangang utusan. Siya ang nagprisintang
tulungan akong makuha ka pero kahit wala siya ay kukunin kita kasi pag-aari kita"
sa wakas ay tumitig siya sa mukha ko. I cupped his face using my both hands.
Ayokong umiwas siya muli ng tingin. Alam kong nagseselos na naman siya kay
Kristoff.

"Minahal mo siya buong buhay mo-"

Tumingkayad ako at ginawaran siya ng marahang halik. Nakapikit ang kaniyang mata
hanggang sa ihiwalay ko ang aking labi. Minulat niya ang mata niya ngunit hindi
parin nawawala doon ang lungkot.

"Hindi Kristian. Hindi buong buhay dahil hindi pa ako namamatay. Minahal ko siya
noon pero mahal kita ngayon" yuyuko sana siya ulit pero pinanatili ko ang paghawak
sa magkabilang pisngi niya.
"Hindi ko na siya mahal. Ikaw na ang mahal ko. Ngiti kana" ngumuso ako ng wala
parin akong makuhang emosyon. Kinamot ko ang batok ko at umatras. Nagsisimula na
akong mainis.

"Kung ayaw mong maniwala sa akin, bahala ka" sabi ko at akmang tatalikod na ng
hapitin niya ako palapit sa kaniya at ikulong sa mga bisig niya.

"Sorry. Hindi ko mapigilang hindi magselos" pinagdikit niya ang mga noo namin.

"Hindi ko naman ginusto na mahalin siya noon, Kristian" napapikit akong muli ng
bigla niya akong halikan. Nanunukso, nang-aakit. Kumapit ako sa leeg niya ng
bigkang manghina ang mga tuhod ko. Lalong lumalim ang halik hanggang sa kapusin
kami pareho ng hininga at kusa akong humiwalay.

"I love you. You love me. Why don't you marry me?" aniya habang hinahabol parin ang
hininga. Umiling ako at ngumisi. Kahit kailan talaga.

"Mag-propose ka muna" nanlaki ang mata niya. Kinapa niya anb bulsa niya. Lumayo ako
sa kaniya at pinanood siya kung paanong magkanda-ugaga sa paghahanap ng singsing.
Nasa akin parin ang mark niya. Ibang singsing na naman ang binili niya para sa
proposal niya.

"Nasaan ka na ba? Dala dala kita parati ah!" frustrated nitong sabi. Umiling ako at
natawa,

"Wala kang singsing. Pasok na tayo sa loob, Kristian" nangiinis na sabi ko.
Sumimangot siya sa akin pero wala ng nagawa pa dahil hindi mahanap. Paano niya
mahahanap kung kinuha ko? Nilingon ko ang kamay ko kung saan nakasuot ang dalawang
singsing.

"Nakakainis!. Nakakainis talaga!" umiling ako at humarap sa kaniya tsaka itinaas


abg kamay ko.

"Gusto ko ng beach wedding pero dapat papalubog ang araw kapag kinakasal tayo, ah?"
nakangising sabi ko bago tinapik tapik ang pisngi niya na parang hindi
makapaniwala.

=================

Epilogue (Kristian's Point of View)

Epilogue

Mabilis ang bawat galaw ko habang tinatawag ang pangalan niya. D*mn it. Hindi siya
pwedeng umalis ng hindi ako kasama. Hindi siya pwedeng umalis. Naiinis ako sa
sarili ko dahil ako ang unang nakatulog. Naiinis ako dahil isang lingat ko lang
nawala na naman siya.

Lalo akong kinabahan ng wala siya sa buong condo. Gusto kong kutusan ang sarili ko
sa sobrang inis na nararamdaman ko. Hindi niya ako pwedeng iwanan. Hindi ngayon.
Hindi kahit kailan. I don't care if she's in love with someone else. I don't care
if she's in love with my brother. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya at kahit
wala siyang ibigay pabalik sa akin ay tatanggapin ko parin siya. Basta nandito
siya. Basta kasama ko siya. Iyon lang ang mahalaga sa akin.

Tumingala ako at huminga ng malalim. Habang tumatagal na hindi ko siya nakikita ay


parang may taling sumasakal sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga hanggang sa
tuluyan na ngang nawala ang kumpiyansa kong hindi niya ako iiwan.

Para akong batang umupo sa damuhan. Kagat kagat ang labi at pinipigilan ang
sariling umiyak. Hindi na ako bata para umiyak pa pero hindi ko mapigilan. When it
comes to Hera, lahat ng hindi ko kaya ay kakayanin ko at lahat as long she's with
me.

Paano na ako ngayon? I don't f*cking know what is life without Hera. Lumaki ako na
siya ang kasama. Maaaring umalis siya upang mag-aral sa ibang bansa pero alam ko
kung nasaan siya noon at nadadalaw ko siya pero ngayon? I don't even have a f*cking
Idea kung nasaan siya.

It hurts knowing you have everything but you can't have the only person you've
dreamed of. Siya lang naman ang ginusto ko simula ng magkaisip ako pero bakit ang
hirap hirap niyang makuha.

"Tama na, Sir. Magda-drive pa po kayo" tinignan ko ng masama ang sekretarya ko


ngunit hindj siya nasindak doon.

"What do you want! Hindi na ito parte ng trabaho mo! Wag kang makialam!" nagkibit
balikat ito at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi na Sir pero bilang isang mabait na mamamayan ng Pilipinas responsibilidad ko


kayo! Kapag mang nangyaring masama sa'yo mawawalan ako ng trabaho---" binato ko ang
hawak kong shot glass sa direksiyon niya ngunit sinigurado kong hindi iyon tatama
sa kaniya. Gusto ko lang siyang matakot para hindi na ako pakialaman pa.

"Kung broken hearted kayo Sir huwag niyo kaming idamay. Nagmamagandang loob lang
kami kasi alam namin iyang  pinagdadaanan niyo----"

"Hindi ko kayo kailangan! Hindi kita kailangan! Wala kayong pakialam at mas lalong
wala kayong alam sa nararamdaman ko. Stay away from me or I'll make your life a
f*cking h*ll!" iniwan ko siya doon.

Masyado siyang pakialamera. Masyado siyang maingay. Pabagsak kong sinarado ang
pintuan ng sasakyan ko.
"Finally. Ano namang pakiramdam na ikakasal ka na sa babaeng pinapangarap mo?"
umiling ako habang nakangisi.

Ano nga ba ang dapat maramdaman? Sa sobrang dami ng emosyon sa aking dibdib, hindi
ko na alam kung ano pa ang dapat na maramdaman. Hindi ko lang mapigilan ang aking
sariling hindi ngumisi.

"Dad! Dad! Sweetheart is so pretty. Her lips is red and her hair is untied. She's
wearing a beautiful----" iiling iling na tinakpan ni Yshna ang bibig ng anak ko.

Usapan kasi naming dalawang babantayan niya ang Mommy niya at sasabihin sa akin ang
mga nangyayari. Hindi ko naman alam na ide-describe niya ang Mommy niya. Sa mga
sinabi niya palang nai-imagine ko na si Hera. Ang mapapangasawa ko. T*ngina,
kinikilig ako.

Kung pwede ko lang siyang makita ngayon ay kanina ko pa ginawa pero dahil sa
kalokohan ng mga kapatid ko noong sila ang kinasal, sinigurado ni Dad na
napapalibutan kami ng mga guards niya. Hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil tuwing
suaubukan ko ay may lumalapit na sa aking lalaki.

"Bakit hindi niya ako naaalala! D*mn it! He's my son! Bakit ganun!" pabalik balik
akong naglalakad. Hindi ako makapag-isip bg matino. Ang tagal niyang nawala. Ang
tagal ko siyang hinanap. Kaya ba hindi niya pa ako binabalikan ay dahil hindi siya
nakakaalala? Anong nangyari?

"Relax, Kristian" iiling iling na sabi ni Kuya Kristoff.

"Relax? Paano ko gagawin iyon kung nakita ko lang ngayon ang babaing mahal ko at
hindi na niya ako naaalala? Palibhasa kasi galit ka kay Hera kaya wala kang
pakialam. Siguro natuwa ka ng malaman na hindi ka niya naaalala kasi hindi ka na
niya magugulo!" sjnghal ko kay kuya. Tinitigan ako nito bago muling umiling.

"Hindi ako ganun kasama Kristian. Baging kaibigan ko rin si Hera kaya kahit papaano
ay may pakialam ako" nagkibit balikat ako.

Hindi rin naniniwala sa akin si Hera. Ang alam niya ay Heart Hidalgo ang pangalan
niya.

"Mahal na mahal mo parin siya, Fourth" umangat ang tingin ko at nasalubong ko ang
mga mata ni Kiella. Nasa likuran niya si Dustin na nakatingin lang din sa akin.

"Hindi na iyon mawawala. Kahit pa iwanan niya ako o saktan niya ako" sagot ko.
Nagtinginan sila ng asawa niya. Umiwas ako ng tingin.

"Ganun naman kasi 'yon, Kiella. Hindi agad agad mawawala ang nararamdaman mo kahit
paulit ulit kang saktan ng taong mahal mo"

"Ano ba! Hindi iyong pagmamahal ang pag-usapan natin. Tulunga  niyo nalang akong
mabalik siya. Kahit iyon lang muna"

Tumingin ako sa pambisig na relo. Habang unti unting bumababa ang araw, lalong
lumalakas ang hangin. Sa Batanggas namin piniling magpakasal. Gusto niya kasi ng
beach wedding habang papalubog ang araw. Sino ba ako para tumanggi?

"She's here" kasabay ng paglingon ko sa bukana ang pagtugtog ang musika. Tinambola
ang puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan. I can't take my eyes off her.

Napatitig ako sa mukha niya. She's wearing a simple white dress. Katulad ng sinabi
ng anak ko ay nakaladlad ang ang buhok niya. May bulaklak na nakapaikot sa kaniyang
ulo. Mukha siyang diyosa.

Ngayon ko masasabinb worth it lahat ng sakit. Kung siya ang kapalit ng lahat ng
naramdaman kong sakit, ok lang ang masaktan.

Simula minahal ko siya paulit ulit na akong nasasaktan. Ilang beses na akong sumuko
pero paulit ulit lang akong bumabalik sa kaniya kasi kahit gaano pa kasakit, alam
kong sa kaniya lang ako magiging masaya.

Habang bumabalik sa akin ang mga alaala ng mga nangyari at piangdaanan namin, hindi
ko lubos maisip na darating iyong panahon na ako naman na ang mamahalin niya.
Masyado akong nabulag ng pagmamahal niya sa kapatid ko kaya kahit harapan na niyang
ipakita sa akin na mahal niya ako ay hindi ko matanggap. Hindi ako naniwala. Ang
hirap kasing paniwalaan non lalo na kung sumuko na naman akong muli ng mga
pagkakataong iyon pero ng makita ko siyang may kasamang iba, nagdilim na ang
paningin ko.

If I can't have her, nobody would. Alam kong mali ang naisip kong iyon pero hindi
ko magawang pigilan ang sarili kong pigilan siyang maging masaya sa iba. Sinabi
niyang mahal niya ako pero may kasamang ibang lalaki? Hindi pwede. Hindi ako
masaya, dapag ganun din siya para kahit papaano ay parehas kami ng nararamdaman.
Akala ko kaya kong gawin sa kaniya iyon pero hindi. Seeing her cry makes my heart
stop beating. Making her sad makes my day black.

Kung mahal niya ako susugal akong muli. Wala na akong pakialam sa sakit. Hindi ko
siya kayang saktan.

"Shhh. Bakit ka umiiyak?" ngumiti ako ng punasan niya ang mga luha ko. Napapikit
ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang kaniyang maliliit na kamay.
Ang init ng mga kamay niya ay parang humahaplos sa aking puso. Mahal ko siya, siya
lang talaga, kahit anong sakit pa. Hinawakan ko ang mga kamay niya at dinala sa
aking labi.

"I love you, Hera. I love you so much" binukas ko ang aking mata at tinignan siya.
Nangingilid na rin ang kaniyang luha ngunit malawak ang kaniyang pagkakangiti.

"Do you want to know what's my deffinition of love?" nagulat man ako sa tanong niya
ay tumango parin ako. Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Pinunasan ko kaagad
iyon.

"My definition of love is you. Love means Kristian Fourth Dela Marcel. My Kristian
Fourth Dela Marcel" mabilis ko siyang niyakap at pinaikot ikot. Ang kaniyang mukha
ay nakasubsob sa aking balikat habang kapit kapit ako sa batok.

"I love you Kristian. So much that my heart can't take it. I love you that my
happinness depends on you. I love you and I want to spend the rest of my life with
you"

Wala na akong pakialam kung hindi ko pa siya nakakapalitan ng I do. I kissed my


bride. I kissed the girl who brakes my heart and bring it back to place. I kissed
Hera Artemis Go. My Hera Artemis Go.

________________

Finally. Tapos na si Fourth! Si Tres nalang! Maraming salamat po sa lahat lahat.

=================

Epilogue (Kristian P.O.V. Part 2)

Epilogue Kristian P.O.V. Part 2

As requested.

I opened my room's door and found my wife standing right through my eyes.  She's
still wearing her lovely gown. I closed the door and gently push the lock button. I
don't want any disturbance, f*ck it's like living on your dream. I've been dreaming
these to happen and to be at these moment is a f*cking dream come true.

Niyakap ko siya mula sa likod. She smell so f*cking good, like a baby, it's so
f*cking fresh and sweet and I the only smell I can't resist. Naramdaman ko ang
kamay niyang humawak sa mga kamay kong nakayakap sa kaniya.

"You did these?" even her voice is so f*cking sweet, innocently seducing me.
Tumango ako. I want our night to be as best as the first time. I want it to be
memorable and I want her to be happy. That's my job, as her husband and as her man.

I kissed her open shoulder, gentle biting and marking her skin. I breathed in as I
unzip her gown. She had the sexiest back. Bumaba ang halik ko, dumaan kung saan din
dumaan ang zipper ng gown niya. My  right hand possessively hold her waist while
the other enters her gown.

"Kristiaaaan" she cried out my name as I cup her hardened peak from the back. Halos
sumandal na siya sa akin sa panghihina. That's it, baby. I want you to cry my name,
shout in pleasure and think of me, only me.

Hinanap ko siya sa akin. She's biting her lower lip and innocently looking at me. I
touched her face and she closed her eyes, letting me see her. I leaned down and
kiss her, slowly. I want to taste every inch of her, I want her. D*mn. I never
wanted anything but her, her love, her everything.

I removed her dress, leaving her in her mouthwatering lacy undergarments. Sinugod
ko siya ng halik. I gathered her in my arms and gently put her in the middle of my
bed. Tumayo ako at tinanggal ang suot ko pero hindi ko tinanggal ang tingin ko sa
kaniya. What did I do to deserve someone as perfect as her?

Her hair is all over the bed. Para siyang diyosa ng mga rosas. Pumwesto ako sa
paanan niya ng natanggal ang damit ko maliban sa boxers. I started kissing her feet
not breaking our contact. Sinubukan niyang itaasang paa at pigilan ako pero mabilis
kong hinawakan iyon at pinanatili.

"Kristian! No!" sigaw niya pero umiling ako.

"Please, Babe. I want to taste every inch of you" kinagat niya ang labi niya. Gusto
ko siyang gapangin nalang siya at halikan pero pinanatili ko ang sarili ko sa
ibaba. I leaned down and kissed her feet, up to her legs and to her thighs. Hindi
pa man ako natatapos ay hinila niya ako at hinalikan. I hungrily answered her
kisses.

She went on top and I let her be. Pinulot niya ang halik at pinagdikit ang mga noo
namin. "Kristian. I want another baby boy. You're a sharp shooter naman 'di ba?"
bigla akong natawa. She doesn't have to ask me. Iyon naman ang plano ko pero
sisiguraduhin kong akin muna siya ng dalawang buwan.

I kissed her again, greedily and hungrily. My hands roamed around her back and then
slowly down her bottom. Marahas ko siyang hinila parin sa akin. D*mn, nakakagigil.
Ayaw kong magmadali pero hindi ko mapigilan. Pinunit ko ang pang taas niyang
undergarment. Her breast hang there freely. I kissed it gently, playing with her.

"Kristian kasiiii!" she frustratedly moan. I laugh before I sucked her left breast.
Naramdaman ko ang kamay niya sa leeg ko, idinidiin sa kaniya. Ganiyan nga, babe.

"Pare! Gumising ka na daw sabi ni Sweetheart!" umungol ako at umikot. D*mn where's
my wife? Kinapa ko pa ang tabi ko pero wala na akong makapa. Maramdaman Kong may up
along unan sa akin. Paulit ulit.
"Pare gumising ka na kasi!" kakamot kamot na umupo ako. Tinanghali na naman ako ng
gising! T*ng*na wala akong morning quickie! 

"Pare! Pinagod mo ako sa kakagising sa'yo. Grabe ka naman! Nagugutom na ako!"


iiling iling na sabi ni Kian bago lumabas. Umiling ako. Kanino ba nagmana ang
lokong iyon? Kung makipag-usap sa akin akala mo ay siya ang Tatay!

Naligo nalang ako at nagbihis bago bumaba. Nasa gitna palang ako ng hagdanan ng
makita ko si Hera na nakatalikod sa akin at nakaharap Kay Zion. She's still wearing
my shirt and her shorts. Nakapamewang siya at mukhang pinapagalitan ang bunso
namin. Mabilis ang naging hakbang ko pababa at niyakap siya mula sa likod. She
smells so f*cking great! I can't wait to taste her again.

"Kristian a! Pagalitan mo nga iyang batang 'yan. Ang tigas tigas ng ulo!" nilingon
ko si Zion mula sa balikat ni Hera. He's pouting his lips and playing with his
hands. He's just three pero kulang na kulang kami ni Hera sa tigas ng ulo.

"What did you do this time, Pare?" tanong ko. Hindi ito sumagot.

"Ginawa niyang baging iyong kurtina! Nag-ala Tarzan!"

"I'm sowy na shweethayt. Showy na din pawe!" parehas kaming bumuntong hininga ni
Hera at umiling. We both can't resist his charms. Binuhat na siya ni Hera at ako
naman umakbay Kay Hera. Sabay naming pinuntahan si Kian na makaupo sa tas ng mesa
at hawak hawak ang jar ng cookies.

"Cookiesh!" sigaw ni Zion at kumawala Kay Hera bago tumakbo at pilit na umaakyat sa
upuan. Umiling ako at binuhat siya tsaka itinabi kay Kian sa taas ng mesa. Umupo
ako sa upuan sa tabi nila. Nilingon ko si Hera at iiling iling na lumapit sa akin
at kumalong.

"Ang kukulit ng mga anak mo, Kristian!" Sabi niya bago humilig sa balikat ko.
Niyakap ko siya at sabay naming pinanuod ang mga anak naming naguunahan at
nagpaparamihan ng makaing cookies.

"I love you" bulong ko. Nilingon niya ako. Sumiksik siya sa akin bago ako hinalikan
sa pisngi bago sa labi.

"Love you, too" ngumiti ako bago binaon ang mukha sa leeg niya. God knows how much
I love her. Hindi ko na nga ata alam ang pakiramdam ng hindi siya mahal.

"I want you, babe!" bulong ko bago hinalikhalikan ang sensitibong parte ng leeg
niya.

"Ang landi mo Kristian a! Tigilan mo ko!"

You might also like