You are on page 1of 1

IBONG ADARNA

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego


at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na
dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor.  Kailangang makuha ang ibon
upang mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng
sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot.  Ang mahiwagang huni ng
nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.  Sumapit na sila
sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan
sa sinumang prinsipe.  Ngunit ito'y hindi sapat sa haharapin nilang mga pagsubok.
Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila
nang mapahimbing sa maamong awit ng Adarna at maiputan sila nito.  Ngunit naiiba si
Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang matandang ermitanyong
nasalubong sa daan.  Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda ang prinsipe,
upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.
Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila
ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan,
nang iwan sa isang malalim na balon.  Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong
ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los
Cristal. Napaibig si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora
at Donya Juana.  Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y
kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.
Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang
maligaya sa kahariang nakamit niya.  Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang
tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan.  Waring ginamit
lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran
ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

You might also like