You are on page 1of 1

Dengue, paano pataubin.

Nitong mga nakaraang linggo ay patuloy na may naitatalang kaso ng dengue sa


Brgy. Coral, Paniqui, Tarlac. Ayon nga kay Mrs. Lydia— isang nars— ang Brgy. Coral
nga raw ang mayroong pinaka maraming naitatalang kaso ng dengue sa buong Paniqui sa
kasalukuyan ngayong taon.
Nagsimula ang pagkalat ng lamok na nagdadala ng virus na dengue kasabay ng tag-
ulan at maaaring patuloy itong lalaganap kung babalewalain natin. Kaya nga ang
butihing punong-guro ng Mababang Paaralan ng Coral na si Ginoong Jonjon Generao ay
nagsagawa ng pagpupulong kasama ng mga guro at mga magulang ng mga estudyante ng
Paaralan tungkol sa dengue noong __/__/__. Ayon pa nga sa kanya naniniwala raw siya
na ang pinaka mabisang panglaban upang masugpo ang sakit na ito ay ang pagkakaroon
ng kaalaman ukol dito.
Kaya ano nga ba ang dengue?
Ang dengue ay isang virus na kinakalat ng mga babaeng lamok na tinatawag na
Aedes. Ang virus na ito ang nagiging sanhi ng komplikasyon sa biktima ng Aedes
mosquito. Ngunit ang maagang pagkapansin ng mga sintomas at maagap na pagsusuri o
diagnosis ay makakatulong upang maagapan na malabanan at masugpo ang komplikasyon
ng virus at upang maiwasan na rin ang paglala.
Ang mga pangunahing sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng biglaang mataas na
lagnat na umaabot sa 41 degree C, sakit sa ulo, pananakit ng kalamnan, pagkakaroon
ng mga pasa sa katawan, pagsusuka, at lagnat na pabalik balik sa loob ng isang
linggo.
Maaaring magpakonsulta agad sa Doktor kung makaranas ng dalawa o higit pa sa mga
sumusunod na sintomas upang maagapan at hindi na humantong pa sa mas malalang kaso
ng dengue na tinatawag na dengue hemorrhagic fever.
Ilan sa mga senyales ng dengue hemorrhagic fever ay ang pagdurugo ng ilong,
bibig, at gilagid; pagsusuka ng dugo at pagdurumi ng maitim; matinding sakit ng
tiyan, at senyales ng pagkagimbal.
Upang makaiwas sa dengue ay kailangang siguraduhin na malinis ang kapaligiran at
walang nakaimbak na tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng
dengue. Maaari ring gumamit ng kulambo kapag matutulog at ugaliing gumamit ng
lotion na pangontra sa lamok.
Walang gamot sa virus na dengue ngunit maaari itong pahupain sa pamamagitan ng
pagkontra sa mga sintomas o ang tinatawag na symptomatic treatment. Sinasabi rin na
ang katas ng dahon ng papaya ay mabisang pangontra sa sintomas ng dengue.
Ilan lamang ito sa mga dapat nating malaman tungkol sa nakamamatay na virus na
ito kaya napakahalagang malaman ng bawat mamamayan ng Coral, Paniqui, Tarlac kung
ano ang dengue at kung paano maiiwasan ito upang bumagsak ang dami ng mga
nagkakasakit ng dengue.
Sa tamang kaalaman, dengue ay maiiwasan.
-AValdez

You might also like