You are on page 1of 1

Cyberbullying, Paano Pataubin?

“Dahil dito’y wala kang madadahilan, oh tao, sino ka man na humahatol; sapagkat
sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo. - Romans 2:1
Kung hindi tayo kililos ay gigising na lamang tayo isang araw na ang lahat ng
kabataan ay biktima na ng cyberbullying.
Sa henerasyon ngayon ay hindi maikakaila ang mabilis na pagsibol ng makabagong
teknolohiya. Nabago nito ang dating pamumuhay na kung saan ang dating mahirap na
gawain ay napapadali ng makabagong teknolohiya at siyensya.
Isa na rito ang mas pinadaling pamamaraan ng komunikasyon katulad ng messenger,
Facebook, Snapchat, at iba pa. Kaya naman maraming kabataan ang nahuhumaling sa mga
ito.
Ngunit kaakibat ng pag-unlad ng teknolohiya ay may negatibong epekto—ang
cyberbullying.
Talaga nga namang nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng bilang ng biktima ng
cyberbullying taon taon.
Ngunit may magagawa tayo tungkol dito.
Kasabay ng Anti-Bullying Act of 2011 na ipinasa sa Senado noong ika-6 ng Hunyo
2013 maaari rin tayong maging proactive upang mabawasan kung hindi man matuldukan
ang mga biktima ng cyberbullying.
Unang una sa mga maaari nating magawa ay ang pakikipag-usap. Makipag-usap tayo
sa mga pinaghihinalahan nating biktima ng bully o nangbu-bully. Maging ang mga
psychologist ay sang-ayon na ang pakikipag-usap ang pinaka magandang paraan upang
matulungan ang biktima ng bully o maging ang nangbu-bully.
Kung ikaw naman ay isang magulang turuan nating mabuti ang ating anak. At maaari
mo ring subaybayan ang kanilang online activity. Sa ganitong paraan maaagapan kung
mayroon mang maganap na cyberbullying.
Makakatulong rin ang pagdalo natin sa mga seminar tungkol sa cyberbullying.
At higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng respeto—ayon nga kay Philip Nicosia,
‘’Respect begets respect.’’—upang sa ganun ay respetuhin din tayo at maipakita sa
mga bully na may rumerespeto sa kanila. Karamihan sa mga bully ay kulang sa respeto
at pagmamahal. Sa ganitong paraan mababago natin ang pananaw ng isang bully.
Sa aking kaalaman hindi paghatol ang pinaka mabisang solusyon laban sa
cyberbullying kundi ang pagiging proactive at pagmamahal sa kapwa. Kung gusto
nating masugpo ang cyberbullying, simulan natin sa ating sarili.
Panahon na para kumilos!
-AValdez

You might also like