You are on page 1of 4

Karlou F.

Santizas

FORTITUDE

Alamat

ALAMAT NG ROSAS
Noong unang panahon, may isang dalagang nag ngangalang
Rosa. Bukod sa natatanging ganda ay kilala rin ang dalaga
na gagawin ang lahat upang mapatunayan ang tunay na pag-
ibig.Nakatakda na noong ikasal ang dalaga ng matuklasan
nyang may malubhang sakit si Mario, ang kanyang
nobyo.Hindi naging hadlang ang sakit ni Mario upang matigil
ang kanilang kasal.Sa kabila nito ay naging mabuting asawa
si Rosa kay Mario.Hindi sya umalis sa tabi ng asawa kahit
anumang oras.Maging sa pag gising at pag tulog ni Mario ay
mukha ni Rosa ang nasisilayan nito.Ang mga ngiti rin ni Rosa
ang huling nasilayan ng asawa bago ito nalagutan ng
hininga.Ang mga ngiting iyon ay hindi napawi hanggang sa
ilibing si Mario. Nagtaka ang mga tao, aniya "Alam kong
masaya si Mario kung nasaan man sya. Alam ko na ako
lamang ang kanyang minahal at maghihintay sya sakin
hanggang sa magsama kaming muli".Naging inspirasyon si
Rosa para sa iba.Bago namatay si Rosa ay hiniling nito na
ilibing sya katabi ng libingan ng asawa.Kakatwang may
tumubong napakagandang bulaklak sa gilid ng puntod ni
Rosa. Tinawag nilang "Rosas" iyon bilang pag alala kay
Rosa.
Karlou F. Santizas

Fortitude

Kwentong Bayan

ANG BATIK NG BUWAN


Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak
na bituin. Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa
kanyang mga anak at ibig na ibig niyang yakapin ang mga ito
ngunit pinagbawalan siya ng buwan sapagkat matutunaw
ang mga bituin sa labis na init ng araw. Kinagagalitan ng
araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.Isang araw,
nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming
damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak
ngunit huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga
ng araw ang mga anak. Buong kasiyahan niyang pinanood
ang mga ito habang naghahabulan. Nakadama siya ng
pananabik at hindi siya nakatiis na hindi yakapin ang mga
anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na bituin
nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.Hindi naman
nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat
malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga
anak ngunit hindi nya nakita ang maliliit kaya't hinanap niya
ang mga ito kung saan-saan. Hindi niya matagpuan ang mga
anak. Sa gayo'y sinumabatan niya ang asawa. "Niyakap mo
sila? Huwag kang magsisinungaling!”Hindi na naghintay ng
sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang isang punong
saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na
ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung
paano niya maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na
galit. Dumampot siya ng isang dakot na buhangin at inihagis
sa nukha ng buwan at dahilan sa nangyari ay nagkaroon ng
batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan ang araw
upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang
ngayon ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
Kalrou F. Santizas

Fortitude

Mitolohiya

Hydra ang Diyosa ng Karagatan

Sa isang Nayon na malapit sa karagatan ang mga mamayan


dito ay masaganang namumuhay dahil sa biyayang
ipinagkaloob sa kanila ng Diyosang si Hydra. Ang Diyosang
si Hydra ay maayos na namumuno kanyang pinapanatili ang
maayos at malinis ang kanyang kaharian. Kanyang
sinisiguro na may sapat na pagkukunan ang mga
mangingisda para sa kanilang ikabubuhay. Kasama ang
kanyang anak na si Zalle sa kanyang pamamalakad sa
kanilang nasasakupan.Sa mahabang panahon ang mga
nilalang sa lupa at karagatan ay payapang namumuhay.
Ngunit sa paglipas ng panahon nabago ang mga tao.Nawala
ang disiplina. Hindi na sila masaya sa kanilang nakukuha sa
karagatan at dahil sa pagiging makasarili nila sinaway nila
ang patakaran nanguha sila ng higit pa sa pinapayagan ng
Diyosang si Hydra. Isa ang grupo ni Evan sa mga taong
makasarili, sila ay pumunta sa Isla Beiri, ang isla na hindi
pinapahintulutan sa kanilang puntahan. Ito ang Isla na
pinapangalagaan ng anak ni Hydra na si Zalle. Nakita ni
Zalle ang grupo ni Evan kung kaya dagli niya itong ipinaalam
sa kanyang ina. Kasama ang kanyang mga alagad na sereno
at serena sila ay pumunta kung saan naroon ang grupo ni
Evan. Sa gulat ng grupo ni Evan napaatras sila at nangatog
sa takot. Si Hydra ay galit na nagsalita sa kanila “Dahil sa
pagsuway ninyo sa mga patakaran ko na panghihimasok sa
lawang ito at ang paggamit ng dinamita sa karagatan kayo
ay gagawaran ko ng parusa ko. Simula sa araw na ito hindi
na ako magbibigay pa ng sapat na lamang dagat, kung ano
na lang ang natitira sa inyong isla na lamang dagat iyon na
lamang ang inyong pararamihin”.Nang tumagal nga nawalan
ng isda ang karagatan at pagkalipas ng isang buwan ang
dagat ay tuluyan ng nawalan ng isda. Ang mga mamayan ay
nagutom pati ang mga hindi nila karaniwang kinakain na
isda ay kinain na din nila. Dahil sa pangyayaring iyon
nagkaroon ng pagpupulong ang mga tao. Nag-usap sila na
kailangan nilang humingi ng kapatawaran sa Diyosa kung
kaya sila ay gumawa ng isang ritwal, isang ritwal para sa
pagbibigay patawad. At sila nga ay pinatawad ng Diyosang
si Hydra.  Pagkalipas ng ilang araw ang karagatan ay
nagkaroon na ng isda. Natuwa ang mga tao at muli sila ay
gumawa ng isang ritwal, isang pagpapasalamat sa
pangalawang pagkakataon na binigay ng Diyosang si Hydra.

You might also like