You are on page 1of 3

Group #4

1 BSN – 11B

“Pag- asa ng Bayan”

Mga kabataan pag-asa parin ba ng bayan? Ayon kay Jose Rizal ang mga

kabataan daw ang pag asa ng ating bayan. Ngunit sa kasalukuyan ang mga kabataan

mismo ang sumisira sa pag asang natitira sa ating bayan. Masakit man isipin pero

nabigo natin hindi lamang ang ating bayani ngunit pati narin ang ating mga sarili.

Sa paglipas ng panahon marami nang nagbago kung ikukumpara natin and noon

and ngayon malulula tayo sa sobrang laki ng pagbabago, hindi sa hindi ko gusto ng

pagbabago pero kung magbabago tayo, dapat magbago tayo para sa ikabubuti natin.

Ang mga kabataan noon ay may disiplina, respeto, at masikap. Ang mga

kababaihan ay mala Maria Clara, mahinhin at di halos maka basag pinggan, ang lahat

ay mayroong pagmamahal sa bayan, at mayroong paggalang sa nakakatanda,

nakukuntenyo sa simpleng pamumuhay, at nagsisikap para maaabot ang kanilang mga

pangarap. Sa kasalukuyan ang mga kabataan ay nagiging problema na sa bayan. Mga

dalagang maaga nabubuntis, mga kabataang lulong sa droga, mga kabataang ayaw

nang nag mag aral, sila pa nga ba ang maituturing pag asa ng ating bayan? Sa

panahon ngayon umiikot sa social media ang mundo ng mga kabataan, selfie dito,

selfie roon, laging naglalaro ng ML, at hindi mapakali kung hindi makapag tweet sa

twitter. Hindi nila napapansin ang mga nasayang na oras na dapat ginugugol nila sa

kanilang pag-aaral, hindi sa ayaw ko gumamit ng social media pero dapar gamitin natin
ito sa wastong paraan, na dapat mas pagtuonan natin ng pansin ang mga bagay na

mahalaga sa atin.

Sa panahon ngayon umunlad na ang paggamit ng teknolohoya at sumasabay

narin sa pag unlad ang ating katamaran. Ang mga estudyante ngayon ay masyadong

naka depende at naka base sa mga nababasa nila sa internet. Maraming kabataan ay

nagiging tamad sa pag aaral, hindi nila naiisip ang pagod ng kanilang mga magulang

para matustusan lamang anh kanilang mga pangangailangan. Laganap din ang bisyo

ng mga kabataan, sa mga tagonh silid ng paaralan makikita mo ang mga estudyante na

nag yoyosi at humihithit ng droga, tuwang tuwang sila sa kanilang ginagawa at hindi

man lang nila naisip ang kanilang kinabukasan, ni hindi man lang nila naisip na ito ay

nakamamatay, Iilan din sa mga kabataan ngayon ay kinakain na ng depresyon na

minsan ay nagbubunga ng pagpapakamatay, tila bang wala ng saysay ang kanilang

buhay, na sa bawat araw na sila ay gumigising ay isang buong araw na naman ang

kanilang kakaharapin na bumabalot ang kalungkutan sa kanilang sariling mundo. Ang

pagbabago ang tanging permanente sa mundong ito, huwag natin tignan na para bang

napakasama ng pagbabago ngunit dapat tayo ay magbago para sa ating ikabubuti.

Bilang isa milyong milyong kabataan, tayo ay magasilbing pag asa sa ating bayan,

maging isang mabutinh ehemplo sa kapwa, isang mabuting anak, kapatid, lalo na sa

pagiging isang mabuting tao.

Matutotayong mahalin ang ating buhay, lalo na ang ating bayan. Ang ating

pakatandaan na tayo mismo ang gumuguhit sa ating kapalaran, patunayan natin na ang

mga kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.


Manunulat:

 Sophia Marie Martinez

Tagasaulo:

 Chlea Castillon

Grupo:

 Mary Pana

 Lenneth Lozada

 Kaye Hizon

 Rhea Joy Rodriguez

You might also like