You are on page 1of 2

Pag aaral sa Epekto ng K-12 Kurikulum na sistema ng Edukasyon sa ating bansa.

ni Ellieza D. Polon

Ang Programang K-12 ay nagsimulang ipatupad ng pamahalaan noong taong 2012 na


naglalayong mas pataasin ang kalidad at baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.Sa
pagpapatupad ng programang ito marami sa ating mga Pilipino ang hindi sumasang ayon o taliwas sa
sistema ng edukasyon na ito,ngunit marami din naman ang nakauunawa at sumasang ayon dito para sa
pagbabago.Noong taong 2012 marami ang nagsasabi na nagkulang ang pamahalaan sa
paghahanda,ngunit ngayong taong ito ay sinasabi pa rin na kulang pa rin ang mga libro na akma sa
bagong kurikulum na gagamitin ng mga mag aaral at aminado naman ang Kagawaran ng Edukasyon na
naantala ang pagpapadala ng mga materyales na kakailanganin sa mga pampublikong paaralan.

Ang ipinatupad na K-12 Kurikulum noong 2012 ay isang mandatory order na kung saan, Mababa
raw ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pamamagitan daw ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad
ng edukasyon sa bansa kaya ang buong Pilipinas ay magkakaroon ng Kindergarten at karagdagang
dalawang taon sa 10-year Basic Education Curriculum,Senior High ang tawag sa dagdag na dalawang
taon, at ang tawag naman sa apat na taon ay Junior High.Ang Pilipinas ay isa sa iipang bansa na lamang
ang gumagamit ng Basic Education Curriculum sa buong mundo na nagdudulot ng hindi pagkilala sa mga
propesyunal na nagtapos dito sa Pilipinas kaya kapag ang atibg mga kapwa Pilipino ay nais magtrabaho
sa ibang bansa ay kinakailangan pa nilang mag aral ng dalawang taon upang sila ay matanggap.Ang pag
aaral na ito ay sumasakop lamang sa suliranin,impoasyon at benepisyo ng K-12 sa ating bansa.

Ayon kay Kabataan Party-list Representative Raymond Palatino, ito ay lalong magpapahirap sa mga
estudyante lalo na sa mga mahihirap dahil sa dagdag na taon na paggugulan ng pera.

Ayon naman kay ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, maging ang mga guro ay mahihirapan
sakaling ipilit na ipatupad ng DepED ang K-12 program dahil tiyak na darami ang bilang ng mga mag-
aaral gayung kakaunti ang mga guro.Dagdag pa niya, hindi magiging epektibo ang pagkuha ng mga
volunteer o unlicensed teachers upang magturo sa mga estudyante at ito ay labag din sa Seksiyon 27 ng
Republic Act No. 7836 o Philippine Teachers Professionalization Act of 1994.Nananawagan umano sila sa
pamahalaan na pagaralan ng husto ang implementasyon ng K-12 upang hindi maging pahirap para sa
mga Pilipino.

Bilang isang kabataan ako ay sumasang ayon dito sapagkat sa paraang ito mas naihahanda tayong
mga kabataan sa pagharap sa realidad ng ating mundo,nagigibg gising at mulat ang ating mga isipan sa
mga nangyayari sa ating paligid na ating maaring baguhin at paunlarin pa sa hinaharap.Iba iba ang ating
pagtingin sa layunin ng K-12 ang sa iba ay dagdag gastos at pahirap lamang at sa iba naman ay
pandagdag kaalaman,ngunit kung ano man ang ating pagtingin sa layuning ito nakatitiyak ako na kaya
ipinapatupad ito ng gobyerno ay hindi para sakanila kundi para saating mga kabataan,para sa ating
kapakanan at para mapaunlad ang kakayahan ng mga Pilipinong magpapaunlad ng ating bayan ngayon
at sa mga susunod pang henerasyon.Ang programang ito ay makapagbibigay ng mas marami pang
oportunidad sa mga kabataan na magttrabaho sa hinaharap

.Bilang unang konklusyon ang K-12 na sistema ng edukasyon ay maraming positibo at negatibong
epekto sa buhay o edukasyon ng bawat Pilipino ngunit nasa pagtingin nalang ito ng mga tao kung paano
nila papaliwanagan ang kanilang mga satili sa nasabing usapin,wala naman tayo g magagawa kundi
tanggapin at suportahan na lamang ang programang ito dahil tayong mga kabataang mag aaral ang
pangunahing makikinabang rito.

Bilang aking pinal na konklusyon,ang programang ito o ang sistema ng edukasyon na K-12 ay
makatutulong sa bawat pilipino upang mas maging magagaling na mamamayan sa hinaharap na
handang paunlarin ang ating bansa at may sapat na kaalaman at kakayahan upang maging isang kapaki
pakinabang na Pilipino.

You might also like