You are on page 1of 3

Magandang dulot ng k-12 sa

sistema ng edukasyon

sa Pilipinas
ni: Norielle C. Ofieza

Ang programang K-12 ay ipinatupad ng ating dating pangulo na si Benigno Aquino III na
nagnanais na mapalawig ang bumababang kalidad ng edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng pag-
implemeta o pag-daragdag ng dalawa pang taon sa Senior Highschool (SHS) kurikulum ng mga mag-
aaral. Ang k-12 ay naglalayong ihanda ang mga mag-aaral na harapin ang kolehiyo at maging mas
produktibong manggagawa sa hinaharap. Ang programang K-12 ay ipinatupad sa lahat ng pribado at
pampublikong paaralan sa Pilipinas. Dahil sa Senior Highschool ay malalaman ng mga magaaral ang
kanilang interes,kasanayan at espelisasyon upang makapasok sa tiyak at gusto nilang trabaho sa
hinaharap at upang maiwasan ang “job mismatch” na karaniwang problema ng mga nag-tatrabaho sa
kasalukuyan. Isang hakbang rin ng programang k-12 ang makasabay sa kasanayan ng ibang karatig
bansa sa pamamagitan ng lakas ng paggawa sa pamamagitan ng paghasa sa kakayahan at kaalaman ng
mga mag-aaral.Ang bagong learning scheme na ito ay ang k-12 learning program. datapwat maraming
umalma,katulad na lamang ng mga miyembro ng akademya,magulang ,at estudyante.dahil sa dagdag
nanamang gastusin sa pang araw-araw.

Ang Pilipinas ay isang bansa na kilala sa maraming dako ng mundo dahil sa pagiging aktibo at
agresibo nito sa iba’t-ibang larangan at aspekto. Ngunit tila ang kasalukuyang Sistema ng edukasyon ng
bansa ay humaharang sa patuloy na pag-unlad nito.Ang K-12 ay ang pinaikling terminolohiya ng
“kindergarden+12 years in elementary and highschool”, maraming mayayamang bansa ang nag-
implemeta ng K-12.Nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III bilang ganap na batas ang RA
10533 nong 2013,na pinalawig ang sampung (10) taon basic education cycle sa dalawampu’t dalawang
taon (12) upang mapabuti ang kalidad ng kanilang edukasyon,tulad na lamang sa Europa at Amerika.
Ayon sa datos ng Social Weather Station noong taong dalawang-libo’t sampu (2010). Tatlo (3) sa bawat
sampung (10) Pilipino na edad labing-walo (18) taong gulang pataas ang walang trabaho. Ayon sa Social
Weather Station,ito ang pinakamataas na adult unemployment rate na naitala. Ayon naman sa
propesyunal at intelektwal, ang bagong Sistema ay isang long term goal sa Pilipinas na dapat bigyan
pansin. Kung pagiibayuhin ang labing-dalawang taon (12) na Basic Education System ay tataas ang
antas ng edukasyon sa pilipinas at maaari nang makasabay o maging globally competitive sa mga
karatig bansa. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon at sumasaklaw lamang sa positibo o magandang
epekto ng K-12 program sa Pilipinas.

Ayon sa isang mamamahayag ng Philippine Daily Inquirer na si Tarra Quismundo,mas


magiging kompetitib ang mga Pilipino sa mga dayuhan dahil mas magkakaroon sila ng kasanayan sa
loob ng dalawang taong idaragdag sa kurikulum ng edukasyon. Ani n’ya ay maiiwasan ang pang-
mamaliit at pangaabuso sa mga Pilipino dahil mas magiging malawak ang mga kaalaman niti pagka-
gradweyt ng hayskul. Ayon naman kay Said (2017), ang programang K-12 ay naglalayong hasain
ang iba’t-ibang abilidad ng mga mag-aaral base sa kanilang pipiliing strand upang maging ganap na
handa kung tuloy man sa kolehiyo o agad na magtatrabaho ang magtatapos sa kurikulum na ito.

Hindi mapagkakaila na ang K-12 ay isang magandang oportunidad para sa mga mag-aaral na
s’yang magbubukas ng maraming pinto tungo sa iba’t ibang sector na kanilang tatahakin. At dahil sa K-
12 mahahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging skilled worker na makakatulong
upang mapataas ang ekonomiya ng ating bansa.

Matagal na panahon na rin noong naipatupad ang K-12 sa Pilipinas. At sa haba ng panahon ng
paggugol Gobyerno sa pagresolba sa pag-baba ng kalidad ng edukasyon sa pilipinas ay nagkaroon ito
ng positibong improvement sa paglipas ng ilang taon. Unti-unti ng nababawasan ang unemployed rate
o walang trabaho,naiiwasan na rin ang “job mismatch” dahil sa K-12 program nagdagdag ng dalawang
taon sa hayskul na tinawag na Senior Highschool na naglalayong malaman ang tiyak espilisasyon ,
kasanayan, at interes ng mga mag-aaral. nakatulong rin sa mga mag-aaral walang kakayahang mag-
kolehiyo ang binibigay na certificate pagka-gradweyt ng Senior Highschool na s’yang magiging susi
upang makapagtrabaho sa isang disenteng trabaho.

Mula sa aking personal na pananaw tungkol sa K-12, makakatulong ang programang K-12 upang
makasabay sa antas ng pag-aaral ng mga karatig bansa,malinang o mahasa ang kakayahan at kaalaman
ng ating mga mag-aaral. isa na rin ang pag-unlad ng ating bansa at maging Globally competitive.
Magandang benipisyo na rin sa maraming kabataan na hindi nakakapag-aral ng kolehiyo dahil sa hirap
ng buhay at marami rin sa mga Pilipino ang walang maayos na trabaho dahil sa hindi sapat ang
requirements o ang kasanayan sa pagtatrabaho. Ang dalawang taon na dagdag sa hayskul ay malaking
tulong sa mga mag-aaral na walang kakayahan pa na makapagaral ng kolehiyo sapagkat maaari na
itong makahanap pa ng trabaho o makapagtrabaho na s’yang nagpapataas sa porsyento ng ekonomiya
ng bansa. Marapat lamang na pagtuonan ng pansin ang mag-aaral sa kasalukuyan dahil nasa kabataan
nakasalalay ang kinabukasan ng bansang Pilipinas.

https://www.academia.edu/37806050/EPEKTO_NG_K-12_KURIKULUM_SA_PAG-AARAL_NG_MGA_ESTUDYANTE_
https://www.google.com/amp/s/news.abs-cbn.com/amp/news/11/10/18/programang-k-to-12-konstitusyonal-ayon-sa-sc
https://ph.linkedin.com/in/tarra-quismundo-b0452542
https://www.untvweb.com/news/k-12-program-ng-deped-pasado-na-sa-house-of-representatives/
https://www.google.com/search?q=epekto+ng+k-12+sa+mga+mag+aaral

You might also like