You are on page 1of 13

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] Ayan Ka Na Naman (One Shot)


[TOTALPARTS] 2
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
2013 © Disasterellina | Just when I thought I was finally over you... Ayan ka na
naman. Nagpaparamdam.
-------------------------------------------

*******************************************
[1] Ayan Ka Na Naman (One Shot)
*******************************************

Ayan Ka Na Naman. (One shot)

***

2013 © Yra P. (ThatYraGirL)

ALL RIGHTS RESERVED. No part of the story may be reproduced or transmitted in any
form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording,
or by any information storage and retrieval system, without the prior written
permission of the owner.

Do not plagiarize. The author will bite anyone who would plagiarize this story.
Remember, God is watching.

***

I moved on.

Well, I thought I did.

Ikaw kasi.

Ayan ka na naman.

***
Tahimik lang akong nakamasid sa kawalan nang bigla kong marinig ang boses mo mula
sa likod.

"Lalim ah."

Napatingin ako sa'yo. Nginitian mo lang ako at saka naupo sa tabi ko.

Ayan ka na naman.

Nginingitian mo na naman ako.

"Sino ba kasi 'yan?"

"Sino ang alin?"

"Sus, kunware ka pa. Sino 'yang iniisip mo?" At saka mo hinawi ang bangs ko. Agad
naman akong namula sa inasal mo.

Ikaw.

Gusto ko 'yan sabihin sa'yo. Eh ikaw naman talaga ang iniisip ko eh. Oras-oras,
ikaw ang laman ng utak ko. Hanggang kelan ba ganito? Ayoko na.

Hindi kita sinagot. Instead, nginitian lang kita. Ayoko namang sabihin na ikaw.
Walang kasing kwenta. Ang lakas naman ng loob ko kung 'yun ang sasabihin ko.
Pagtatawanan mo lang ako.

Iniwas ko ang tingin ko. Napayuko ako. Gusto ko na namang umiyak. Pero ayoko maging
mahina. Kaharap kita. Dapat malakas ako.

"Ba't ka andito?" Hindi ko napigilang mapatingin sa'yo. Pero mali 'yung ginawa ko.
Nagkatitigan na naman tayo ng matagal. Pakiramdam ko malulunod ako. Kaya iniwas ko
ulit ang tingin ko.
Ayan ka na naman.

Linulunod mo na naman ako sa mga titig mo.

"Napadaan lang ako. Tapos nakita kitang mag-isa dito. Tagal na rin nating hindi
nag-uusap. Kamusta ka na?"

"M-Mabuti. Ikaw? Kamusta ka na?"

"Hindi ako okay eh. Break na kami ni Angel."

Natigilan ako.

Break na kayo? Bakit? Kelan pa?

Gusto kitang tanungin. Pero ayoko nang umasa. Nangako ako sa sarili ko. Tutuparin
ko 'yun.

"Gan'un ba? S-Sorry to hear that."

"Nah. It's okay."

Kelangan ko nang makaalis. Ayoko nito. Tinignan ko 'yung wristwatch ko at tinignan


ulit kita. "Hey, Tom, I need to go na pala. May pupuntahan pa pala ako."

Mabilis akong tumayo. Kinuha ko ang mga gamit ko habang ikaw, nakatingin lang
sa'kin.

"B-Bye." binigyan kita ng pilit na ngiti. Gan'on ka din sa'kin.

"Bye."
Mabilis akong nakaalis. Naiinis ako sa'yo. Ilang taon na kitang sinusubukang
kalimutan. Pero pa'no ko nga ba magagawa 'yun? Ayan ka na naman kasi eh.

Lumapit ka na naman kung kelan ako na 'yung lumalayo sa'yo.

Freshman year pa lang, crush na crush na kita. Kung bakit? Aba, ewan. Siguro dahil
nasa'yo na lahat ng physical aspects na hinahanap ko sa isang lalaki.

Maputi. Matangos ang ilong. Mapula ang mga labi. Mapungay ang mga mata. Maganda ang
ngiti. For short, gwapo ka.

Pero snob ka. 'Yun ang first impression ko sa'yo. Hindi ka basta-basta ngumingiti.
'Yung mga kakilala mo lang ang nginingitian mo. Eh hindi mo naman ako kilala noon.

Isa lang akong average student.

May girlfriend ka daw noon. Pero okay lang 'yun sa'kin. Hindi ako affected kasi
alam ko naman sa sarili ko na wala akong pag-asa sa'yo. Besides, it was just a
harmless crush na nagtuluy-tuloy hanggang eighth grade. Nothing more.

Harmless nga ba?

Hindi ko naman in-expect eh. Akala ko lang talaga. Ikaw kasi, bigla-bigla ka na
lang namamansin. Ako naman, sunggab sa chance. Kaya ayun, naging magkaibigan tayo.

Hanggang mag-junior year. Lagi na tayong nag-uusap. Ang weird mo nga eh. Kung anu-
ano ang tina-topic mo. Linapitan mo ako one time, may hawak kang bato. Nasa fourth
floor tayo ng building noon, nakatayo sa may railings. Sabi mo noon,

"Hulaan mo kung ilang seconds bago bumagsak 'tong bato sa ground floor."
Nang-hula naman ako. Sabi ko, five seconds. Hinulog mo 'yung bato at sabay tayong
nagbilang.

Tama ako. Five seconds nga. Nginitian mo ako. Nginitian din kita. Akala ko, may
sasabihin ka pa pero wala ka nang sinabi. Ginulo mo lang 'yung buhok ko at saka
naglakad paalis.

Ang weird mo. Sobra.

Pero, at least, 'di ba? Kahit walang sense 'yung moment na 'yun, natuwa ako kasi
ikaw 'yung nag-approach sa'kin.

Hindi naman tayo super close n'un. Pero lagi naman tayong nag-uusap. Linilibre mo
pa nga akong siopao sa cafeteria eh.

Tapos one day, bigla mo na lang hiningi 'yung number ko. Tuwang-tuwa ako n'un.
Weird, I know. Pero pangarap ko makuha ang number mo. 'Yung tipong, magkakatext-
text tayo.

Pumunit ako ng papel at sinulat 'yung number ko. Gan'un din ang ginawa mo. Alam mo
bang para akong tanga pag-uwi ko? Hindi ko binibitawan 'yung papel na pinagsulatan
mo ng number mo. Nginingitian ko pa nga eh. Napukpok tuloy ako ni mommy sa ulo.
Kesyo daw mukha na akong tanga.

Trineasure ko 'yung papel na 'yun, kung alam mo lang. Lalo na 'yung number mo. Lagi
na rin tayo n'un magkatext.

Pero nakakapangselos lang talaga eh. Sa tuwing magkatext tayo, hindi nawawala sa
usapan ang girlfriend mo. Naiinggit ako sa kanya kasi ipinagmamalaki mo siya
sa'kin. Para mo akong sinasampal, alam mo 'yun?

Naalala ko nga n'ung tinanong mo ako kung ano ang gusto ko sa isang lalaki, sinagot
naman kita. Tapos, ako naman 'yung nagtanong kung ano ang gusto mo sa isang
babae...

Natuwa ako sa isinagot mo.


Cute. Mabait. Matalino. Religious. Dagdag points kung may braces. :))

Napangiti ako. Lagi mo kasi ako tinatawag na cute. Aminado din akong mabait ako at
saka matalino. Religious din kaya ako. Naalala ko pa nga n'ung kwinento ko sa'yo
n'ung nagpunta kami sa Holy Land ng family ko.

Ang for the FIRST time. Natuwa ako kasi may braces ako.

Pero 'yung ngiti ko, napawi agad. Naalala ko kasi 'yung girlfriend mo.

Cute.

Mabait.

Matalino.

Religious.

May braces.

Parehas nga pala kami. D'un ko napagtanto. 'Yung girlfriend mo nga pala ang
minimean mo. Nainis na naman tuloy ako na may braces ako.

Sinubukan kong mag-move on n'ung mga panahon na 'yun. 'Yung inakala ko dating
harmless crush ay hindi na pala harmless.

Iniwasan kita. Hindi kita masyadong nginingitian sa campus. Pero sa personal lang
ako nagiging snob. Traydor kasi ako sa sarili kong damdamin. Every night kasi,
magkatext tayo.

Ako ang unang magtetext lagi. Nasanay na ako eh. Actually, group message ang laging
pinagsisimulan ng conversations natin. Kapag medyo ma-drama ang GM ko-dahil sa'yo
na rin, magrereply ka naman agad at magtatanong kung anong problema ko.
Tapos magkekwento na ako. Pero hindi ko sinasabi na ikaw 'yung pinatatamaan ko.
Magrereply ka naman ulit. At ayun, hahaba na ang usapan.

Masaya na ako sa gan'on, to be honest. Kasi kahit papaano... kahit malayo tayo sa
isa't isa, pakiramdam ko, magkasama lang tayo.

Kaya lang nagising ako sa realidad nang isang araw, nag-GM ako at hindi ka nag-
reply. Hindi ka na nag-text kahit kelan.

Hindi ko na nakita 'yung pangalan mo sa inbox ko.

Nahalata mo siguro, 'no?

Pero that didn't stop me from sending you group messages.

Pero wala eh. Never ka nang nagreply. Nagpalit ka na siguro ng number.

Masakit man, pero pinilit kong itigil na lang.

Nakapagtapos na tayo ng high school. Natapos na din 'yung pagkakaibigan natin.


Malungkot. Pero natuwa din ako kahit papaano sa fact na tapos na ang high school
years natin at magcocollege na tayo.

Hindi na tayo magkikita.

At least, that's what I thought. Napanganga na lang ako nang magkasalubong tayo sa
tapat ng gate ng university na papasukan ko. Which is, the same university na
papasukan mo rin.

Great. Just great.

Ang galing, 'no? Fate steps in to annoy me.


A part of me was happy. You smiled at me. Matagal na since the last time you smiled
at me.

Pero alam mo 'yung nakakaasar? Kasi kasama mo 'yung girlfriend mo. Sabay niyo akong
nginitian. Ang sarap niyong pag-untugin, promise.

Ayan ka na naman.

Nagpakita ka na naman kung kelan gustung-gusto ko nang ibaon sa lupa lahat ng


alaala ko sa'yo. I wanted to bury my puppy love years forever. Pero paano ako
makaka-move on nito kung araw-araw ko makikita ang puppy love ko? Tang*nang puppy
love yan. Naging aso ka na lang sana. Konek? Ewan! 'Wag nang mag-react. Nasasaktan
na nga ako dito.

Naging mahirap para sa'kin ang lahat. Magkaklase pa tayo dahil parehas na course
ang kinuha natin. Pero dahil dito, bumalik 'yung friendship natin. Lalo naman ako
nagkaroon ng pag-asa nang mag-break kayo ng girlfriend mo.

Edi ang saya ko. Pero panandalian lang pala 'yun. Naimbento pa kasi 'yang cool-off
na 'yan. Puuuu.

Kaya ayun, bumalik ulit ako sa pag-iwas sa'yo. Ayoko na. Sawang-sawa na ako. Ayoko
nang madagdagan 'yung apat na taon na lihim kitang minamahal. Masakit kasi.
MASAKIT.

Ilang buwan din kitang iniwasan at mukhang ilag ka din sa'kin. Paunti-unti kitang
kinalimutan. Dinistract ko ang sarili ko at naghanap ng diversions. Distractions.
Pero lahat fail.

Tapos ngayon, lumapit ka pa.

Buset.

Inaalala ko 'yung mukha mong malungkot.


ARGH. Bakit ka kasi nagparamdam! AYOKO NA, PLEASE! ANG HIRAP-HIRAP NA!

Umuwi ako sa bahay at dumiretso agad sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang phone ko at
nagsimulang mag-GM. Habit ko na siguro 'to kapag malungkot ako. Wala na akong
pakialam kung naririndi na ang mga sinesendan ko sa ka-dramahan ko. Basta, mag-ji-
GM ako. Dito ko lang nailalabas ang sama ng loob ko eh. Kaya ayun. Nag-GM nga ako.

That feeling when you badly want to forget someone but when you catch a glimpse of
him, you fall in love all over again. Here we go again.

- -

Good evening -_-

*Grp.

Matagal akong napatanga sa kawalan. I badly need to end this misery. Ang tanga ko
naman kasi eh. Nagagawa ko pang mag-GM sa'yo. Pa'no ako makakamove-on kung lagi
akong nagpaparinig sa'yo?

Ilang buwan ang dumaan. Second year na tayo. Hindi tayo magkaklase, thank God.
Nakilala ko naman si Dylan. Ka-block ko siya. Linigawan niya ako. I like him, yes.
But not as strong as how I feel for you. I tried to move on with his help. Nakaya
ko naman. Bihira na kasi kitang makita eh. Mas mabuti na 'yun kesa 'yung lagi
kitang nakikita. Nahihirapan akong huminga.

Dumating 'yung time na sinagot ko na si Dylan.

May isang araw na nakaakbay sa'kin si Dylan. Hindi sinasadya ng mga mata ko na
mahagip ka. Pero nakita kitang nakatitig sa'min. Ano ba 'yung nakita ko sa mga mata
mo? Selos ba 'yun?

Pero hinayaan ko lang. Ayoko nang isipin.

"Bye, babe."

Hinalikan ko sa pisngi si Dylan nang i-hatid niya ako pauwi sa subdivision ko.
"Ingat ka pauwi, okay?"

"Yes, boss." Sumaludo pa siya. Napangiti lang ako. "Bye, babe."

Kumaway siya sa'kin at tuluyan nang umalis. Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-dive
sa kama.

Tapos, may bigla akong naalala.

Kinuha ko 'yung iPhone ko sa bulsa at hinanap ang number mo sa contacts.


Nagdadalawang isip man, ginawa ko pa rin. It's better this way.

So, I deleted your number. Natawa naman ako ng mapait.

'Yung dating inaasam-asam kong makuha, eh binura ko na.

Para sa'n pa kasi 'to? Matagal na tayong walang komunikasyon sa isa't isa.

I closed my eyes. It feels so good to finally let go. Naka-move on na talaga ako
mula sa'yo. Ang saya ko lang talaga.

*bzzzzt-bzzzzt*

Natigilan ako nang biglang mag-vibrate 'yung phone ko. Nang tignan ko 'yung number,
parang gusto kong magwala.

(0927) 739 28**

Text message

Nanginginig ako habang nakatingin sa notification bar. Kilala ko kasi 'yung number.
Bakit? Bakit kung kelan ko binura 'yung numero mo eh saka ka naman nag-text?
Binuksan ko 'yung message.

'Miss na kita.'

Gusto kong umiyak. Pero pinigilan ko ang mga luha ko kaya matapang akong nag-type
ng reply sa message mo.

'Wrong send ka?'

'Miss na kita, Jill.'

Great. Just great.

Nanginginig man, pinilit kong mag-reply ulit. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Gusto kong himatayin.

'Oh. Okay.'

Ihahagis ko na sana 'yung phone ko sa kama nang bigla ulit itong mag-vibrate.

Napaiyak na talaga ako sa nabasa kong message. Bakit, Tom? Bakit ngayon lang?!

'Jill, mahal kita. :(('


Sa text mong 'yan. Lahat ng sakit, agad bumalik.

I thought I moved on.

Ikaw kasi.

Ayan ka na naman.

I hate the way you're pulling me backwards, again.

***

Hi readers. :))

Fifth one-shot! BITIN TALAGA 'YAN. 'Wag na maghanap ng karugtong. Hindi ko na kaya
eh. LOL. :D Haha. K. Vote and comment na lang kung naka-relate kayo kahit papaano.
Luff youu! :*

xoxo, ThatYraGirL

*******************************************
[2] Hi, readers. ♡
*******************************************
Dahil mahal na mahal ko kayong lahat, heto na ang point of view ni pareng Tom.
Click the external link for the sequel. ♡

ThatYraGirL xx

P.S.

Follow niyo ako sa Twitterrr. @jeunexoxo


Anddd! Ask away~ http://www.ask.fm/AskYraGirL ♡

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like