You are on page 1of 3

1.

SIR SUNNY

Sadyang napakabilis

Napakabilis at napakatulin ng panahon

Di natin namamalayan

Na sa isang kurap lang

Di natin napaghandaan

Na sa isang tulog lang

Madami na ang naapektuhan

Madami ang nahawaan

Madami ang nasawi

Madami ang nagdudusa

Kaydaming nagtatangis

Napakadami...

2. MAAM RONA

Unti unti…

Unti unting nawawalan ng pag-asa

Nawawalan ng kinang ang mga mata

Na dating makulay

Na dating buhay

Na noon nang magulo ngunit di ganito

Di ganitong biglaan

Di ganitong di mo alam kung pa'no lalaban

3. LOUIS RODEROS

Subalit patuloy pading may matatapang na humaharap

Na sa kabila ng nakaambang panganib

Nandiyan sila at handa tayong ipaglaban

Handa tayong iligtas


Na patuloy sa'ting nagpapakita ng lakas

Na kahit pa sarili nila ang ipinangsasangga

Na bagamat katulad ng bawat mamamayan sa mundo

Nasasaktan, naaapektuhan, nahihirapan

4. MAAM JOY

Umiiyak ng palihim

Pinipilit maging matibay

Pinipilit padin maging malakas

Ngunit sa kabila nito

Ay patuloy padin silang nandiyan

At palaging handang ibuwis ang kanilang buhay

Na kahit pa di nila kilala ang kalaban

Na kahit pa sila mismo ay madamay

At masawi sa digmaang 'di mawari kung papaano pagtatagumpayan

5. MAAM NETH

Mga frontliners na matatapang

Isusugal ang sariling buhay para sa lipunan

Likas na tapang ang meron

Dahil sa hinaharap ng mamamayan ngayong panahong ito.

Mga dakilang bayani na walang sukong nakikipaglaban.

Bilib ako sa lakas ng loob na meron sila, masasabi mong tatak pinoy talaga.

6. MAAM HAZEL

Sila ay nananatiling matatag

Nananatiling nakangiti

Naghahanap ng solusyon

Ng paraan
Ng pag-asa

Sila ang bawat taong di natin lubos na batid,

Lubos na pinapahalagahan

Sila ang bawat taong nakikita natin sa daan

Mga taong nakikita ospital at kung saan man.

7. SIR JUN

Mabuhay ang bawat frontliners sa buong mundo

Sa walang sawang serbisyong inyong pinagkakaloob

Kapwa pinoy pinagdarasal ang kaligtasan niyo

Kaya aking kaibigan sumunod ka sa nakakataas

Sapagkat sinasabi nila iyan sa iyo para hindi ka mapahamak.

8. MAAM ADETTE

Kulang ang pasasalamat naming lahat sa inyong marangal na ginawa.

Kami ay saludo at taos pusong sumusuporta sa inyong serbisyo.

Alam namin na lahat ng ito ay lilipas

At sabay sabay nating masisilayan ang bagong umaga

Na puno ulit ng kasiyahan

Puno ng halakhakan

Puno ng ganda at kapayapaan

Muli, maraming salamat! ❤️

GUIDE PO SA PAG VIDEO

1. Please use landscape format po. (pahiga po)


2. Minimize background noise po or paki volume up po ang boses. If may headset po, mas
maganda ang kuha pag naka headset po.
3. Wag mo masyado malapit sa camera, wag din po masyado malayo. Hanggang dibdib po ang
level na kita sa camera tapos may maliit na space sa ibabaw ng ulo

You might also like