You are on page 1of 1

GATCHALIAN, Rose Anne A.

1PHL1

ELE IFT (ELECD1-1) MR. RHOCHIE MATIENZO

Isang Thought Piece sa akda ni Napoleon Mabaquiao

Ang pamagat ng akda ay “Isang Paglilinaw sa Kahulugan at Kairalan ng Pilosopiyang Filipino” kung saan
si Napoleon Mabaquiao ay nagsaad ng pag-unawa sa kahulugan ng Pilosopiyang Filipino na siyang tumutukoy sa mga
akda na mayroong mga katangiang pilosopiko at pagiging Filipino. Bilang panimula, binigyang depinisyon ni
Mabaquiao ang Pilosopiyang Filipino sa teknikal na pamamaraan kung saan ito ay kompleks na tambalan ng dalawang
salitang may kaniya-kaniyang mga kahulugan. Dagdag nito na mayroong estrikto at di-estriktong gamit ng Pilosopiya.
Ang mga tanda na ang Pilosopiya ay ginagamit sa estriktong pamamaraan ay (1) kung ang paksa o problema ay
nakapaloob sa mga sangay ng Pilosopiya, (2) kung ito ay gumagamit ng isang metodolohiya na ginagamit sa disiplina
ng Pilosopiya at (3) kung ang mga mga palagay na isinusulong nito ay sinusuportahan ng mga argumento. Ang di-
estriktong gamit naman ay kung saan ang Pilosopiya ay ginagamit bilang isang pamalit-salita para sa mga salitang
“ideya,” “pananaw,” “paniniwala,” “tip,” “dahilan,” “prinsipyo,” at iba pa.

Tulad ng nabanggit ni Mabaquiao, ako nga rin ay nagtanong ukol sa kairalan ng Pilosopiyang Pilipino.
Minsan kong naisip na hindi ko na dapat ito pinagdududahan pa ngunit sa kabilang dako rin ay patuloy ko pa rin itong
pinagaatubilhan. Bilang aking interpretasyon, gamit ang estriktong pananaw ay tila mayroon lamang pormal na
kakulangan ang Pilosopiyang Filipino bilang isang klasipikasyon. Ito’y nangangailangan pa ng isang aspetong
magtataguyod ng natatanging pagkakakilanlan nito. Hindi naman natin maipagkakaila, lalo na sa kasalukuyan, na
mayroong mga pilosopikong akda ang ating mga kapwa Pilipino. Kung sa di-estriktong gamit lang din titignan ay
para na rin nating pinagdudahan kung mayroon ba o walang mga pananaw, paniniwala, prinsipyo at opinyon ang mga
Pilipino. Maaari mang hindi lahat ay nakapagsusulat ng akdang pilosopiko subalit kailangang bigyang pansin ang
katunayan na mayroong kairalan ang mga ito. Tulad ng aking mungkahi kanina, mayroon lamang mga pang-identitad
lamang na kakulangan ang Pilosopiyang Filipino; isang o mga bagay na magtatakda na ito nga ay atin.

Nagtagumpay naman si Mabaquiao sa kaniyang layunin na makapag-ambag sa pagtataguyod ng Pilosopiyang


Filipino. Ang mga Pilipino, tulad ng mga Pranses, Griyego, Amerikano at iba pang mga lahi, ay mayroong sariling
mga Pilosopiya at hindi pamantayan ang pagiging kilala sa buong mundo upang mapatunayan ang pagkakaroon ng
Pilosopiyang Filipino. Hindi ba’t bago pa sumikat si Pacquiao ay nariyan na ang boksing? Masyadong
pinapahalagahan ang eskalang pandaigdig at hindi nabibigyang pansin ang pagkaka “mayroon” ng isang bagay.

You might also like